Nanghihinang napaupo sa gilid ng daan si Leil, patuloy pa rin sa pagpatak ang kanyang mga luha. Mahigpit niyang hinawakan ang kanyang telepono habang pinipigilan ang sariling humikbi.
May kanser sa dugo ang kanyang labing-isang taong gulang na kapatid at kailangan nila ng malaking pera para maipagamot ito sa maayos at mas advance na ospital. Linunok niya ang kanyang mga hikbi bago sumagot sa kanyang ina-inahan. “M-Ma…” isang kataga pa lamang ang kanyang binibitawan ngunit nabasag na ang kanyang boses. “Natanggal po kasi ako sa trabaho k-kaya baka hindi muna ako makakapagpadala ng pera—” “Aba tangina naman, Leil! Ano na naman bang katangahan ang ginawa mo para matanggal sa pinagtratrabahuan mo? Kakarampot na nga lang ang kinikita mo, mawawala pa!” “H-Hindi ko naman po ito inaasahan lalo at biglaan. Hindi ko rin naman po ito ginusto, sadyang minalas lang po talaga…” “Talagang malas ka! Naku, Leil! Huwag mo akong artehan ah! Gawan mo yan ng paraan! Huwag mong hintayin na pati ang kapatid mo ay mamatay ng dahil na naman sa iyo! Siguro naman ay natuto ka na sa nangyari sa nanay mo? Maghihintay ako hanggang bukas ng perang maipapadala mo at kapag wala akong natanggap ni pisong duling, ako mismo ang hihila sa kapatid mo palabas ng ospital na ito! Bwisit!” Napaigtad si Leil nang marinig ang pagkabasag ng isang bagay sa kabilang linya bago ito putulin ng kanyang step mother. Parang tinakasan ng bait ang babae habang nakaupo sa gilid ng daan. ‘Huwag mong hintayin na pati ang kapatid mo ay mamatay ng dahil na naman sa’yo! Siguro naman ay natuto ka na sa nangyari sa nanay mo?’ Parang isang sirang plaka ang boses ng kanyang ina-inahan na paulit-ulit na sinasabi ang katagang ito sa kanyang isipan. Lahat ng kamag-anak nina Leil ay sinisisi siya sa pagkamatay ng kanyang ina, walong taon na ang nakalilipas. Maging siya, alam niyang siya ang puno’t dulo ng lahat ng ito. Kaya simula nang mawala ang ina, inako niya na ang responsibilidad ng pagiging isang ina sa kanilang pamilya. Sa gitna nang mausok at sunod-sunod na takbo ng mga sasakyan, pinilit ni Leil na tumayo kahit na nanghihina at nanginginig pa ang kanyang mga tuhod. Kinuha niya ang natitirang pera sa kanyang bulsa. Limang libo na lamang ito. ‘Siguro naman ay kakasya muna ito bilang pambili ng mga kakailanganin ni Jacquelyn sa ospital. Titipidin ko na lamang muna ito.” Ani Leil sa kanyang isipan. Naisip niya din na siguro ay mas makakatipid siya kung lalakarin na lang niya ang ospital. Naisip niya na kung papara muli siya ng taxi ay mas mapapamahal siya. Kaya nagdesisyon siyang lakarin na lamang ito kahit na ang distansya nito ay aabutin ng halos kalahating oras na paglalakad. ‘”””” Pagkarating niya sa ospital ay agad niyang pinuntahan ang room kung nasaan ang kanyang kapatid na si Jacquelyn. Naabutan niya itong nagpapahinga habang mag-isa, ang sabi ng isang nurse na kanyang naabutan at napagtanungan, lumabas sandali ang kanyang ina-inahan upang bumili ng makakain ng kanyang kapatid. Bumuntong hininga siyang hinaplos ang pisngi ng kanyang kapatid. Namumutla ang kutis nito at matamlay ang kulay ng mga labi. Sobra siyang naaawa sa kapatid. Kung maaari nga lang na kunin niya ang sakit nito, matagal na niya itong ginawa. Batid niyang marami pang pangarap ang nakababatang kapatid at nais niyang matupad niya ang lahat ng ito. Kung kaya’t handa siyang gawin ang lahat maligtas lamang ito. “Miss Hidalgo? May I have a moment with you, please?” Mabilis na pinunasan ni Leil ang kanyang luha nang marinig ang isang malalim na boses. Paglingon niya sa pintuan ay nakita niya ang doktor na nangangalaga sa kanyang kapatid. Tumango siya at saka sumunod siya sa doktor palabas ng room. “May problema po ba, doc? Kumusta po ang kalagayan ng kapatid ko?” kinakabahang tanong niya. Malungkot na tinitigan ng doktor si Leil. “Dederetsuhin na kita, Leil. Malala na ang kondisyon ng kapatid mo. Kailangan na nating isagawa ang bone marrow transplant sa lalong madaling panahon. Dahil habang pinapatagal natin ito, mas lalo lamang dumarami ang impeksyon niya sa dugo, at hindi natin gugustuhin ito.” Para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa sa narinig. “A-Ano pong dapat kong gawin, doc?” “We need a donor for your sister’s operation.” “Doc, ako po. Magkapatid po kaming buo baka po…” “I’m sorry, Leil. But you’re not compatible with her.” “Paano na po ‘to?” The doctor sighed. “We’ll search a donor in public and test if someone will match with your sister. Pero malaki ang kakailanganing bayad para dito, Leil. Aabutin ito ng milyon.” Hindi alam ni Leil kung saan siya kukuha ng ganito kalaking pera. Isang tao ang biglang pumasok sa kanyang isipan. Si Roscoe Villafuerte. Mabilis siyang umiling sa sarili. Hindi. Hindi ako pwedeng humingi ng tulong sa kanya. Hindi na siya ang Roscoe na kilala ko noon. At isa pa, malaki ang kasalanan ko sa kanya, galit siya sa akin, at napakalayong tutulungan niya pa ako. He wants me dead, right? Kapag nakita niya ako ulit ay hindi siya magdadalawang isip na patayin ako. Kaya hindi. Hindi ako hihingi ng tulong sa kanya. Naglalakbay ang isip ni Leil nang bumalik siya sa room ni Jacquelyn. Pagkapasok niya rito, napakunot ang kanyang noo nang makita ang ama na kinakalutkot ang bag niya, kung nasaan ang wallet ni Leil. “Pa? Bag ko po ‘yan. Akin po ‘yan.” Mabilis na inagaw ni Leil ang kanyang wallet sa ama na masamang nakatingin na sa kanya. Napalunok siya rito. Aaminin niyang natatakot siya rito. Simula nang mawala ang kanyang ina, wala ng ibang ginawa ang kanyang ama kung hindi ang uminom, magwaldas ng perang naiwan sa kanila, at magsugal. “Buti naman at nakabalik ka na, Leil! Ang tagal na kitang hinihintay, ah. Lagi akong tumatawag sayo para humingi ng pera pero hindi mo naman ako sinasagot.” Ngumisi ang ama niya at nilahad ang kamay sa harap ni Leil. Bumagsak ang paningin ni Leil dito saka siya umiling. “Papa, wala po akong mabibigay sa inyo. Wala na po akong trabaho at ang perang ito ay para lamang kay Jacquelyn.” Ani Leil sabay tago ng wallet sa kanyang likuran. Tumalim ang mapulang mata ni Francisco. “Ano’ng para kay Jacquelyn? Akin na, Leil! Swerte ako ngayon sa sugal kaya mababawi ko na lahat ng naisangla kong bahay at lupa natin! Kahit 50,000 okay na yun! Siguradong paldo paldo ako sa mapapanalunan ko ngayon!” may halong galak ang boses ng kanyang ama. Base sa galaw at amoy ng ama, sigurado siyang nakainom ito. Umiling muli siya. “Papa, tama na! Hindi pa po ba sapat lahat ng nawala sa atin? Papa, ubos na lahat ng ari-ariang iniwan satin ni mama! Maski pampagamot kay Jacquelyn wala na rin! Pa, naman! Kahit pang-unawa na lang oh! Kahit kaunting suporta lang, pa…” nanginig ang kanyang boses kasabay ng pagpatak ng kanyang panibagong luha.Nawala ang ina sa murang edad at simula rito, wala na siyang ibang ginawa kung hindi ang magtrabaho, pag-aralin ang sarili pati na rin ang kapatid, at maghain ng pagkain sa kanilang lamesa. Ni minsan ay hindi siya nagalit sa kanyang ama. Pero ngayon, hindi na niya kinakaya. Parang isang batang paslit si Leil na nangangailangan ng aruga ng isang magulang, ng isang ama at ina, na alam niyang kahit kailan ay hindi na niya mararamdaman pa. “Wala akong ibang ginawa kung hindi ang magtrabaho para may maipadala sa inyo, pa! Halos lahat ng sahod ko binigay ko para lang hindi kayo magutom! Ako ang nagbabayad ng lahat ng utang mo, ako ang nag-aayos ng lahat ng gulong napapasukan mo, ako lahat ang nagbabayad sa mga kailangan sa bahay! Pero, Pa… napapagod din po ako. Pagod na po ako! Kahit isang yakap man lang, wala? Pa, naman…”Pinanood ni Francisco ang kanyang anak na sabihin ang mga ito. Wala siyang pakealam sa mga gustong sabihin ni Leil, ang kanyang gusto lamang ay mabigyan na siya nito ng
Sa paglubog ng araw, isang mamahaling itim na Land Rover ang pumarada sa harapan ng isang five-star hotel, ang Rockwell hotel. Sa sobrang gara at ganda ng sasakyan na ito, kahit sa gabi ay hindi naitatago ang kinang nito. Bumaba ang driver ng sasakyan at saka binuksan ang back seat door nito. “Andito na po tayo, sir.” ani ng driver. Minulat ni Roscoe ang kanyang mga mata galing sa maikling tulog at saka tinapunan ng malamig na tingin ang kanyang driver. Inayos niya ang kaunting gusot sa kanyang suot na black coat bago bumaba sa sasakyan. Suot ang isang black suit, black pants, at black shoes, lahat ng taong nadadaanan nila ay napapatingin sa gawi ni Roscoe. Kunot-noong pumasok si Roscoe sa loob ng Rockwell. Lahat ng mga empleyado roon, pati na rin ang mga nasa front desk at lobby, ay bumabati sa kanya. Ngunit walang pinansin ni isa si Roscoe. Nagmamadaling sinalubong ni Andrea sina Roscoe sa may lobby ng hotel. Nanginginig pa ang kanyang mga tuhod nang sa kauna-una
Pagmamakaawang iyon ni Leil kay Roscoe, umaasa siyang kahit na kaunting awa ay magkakaroon ang lalaking dating nagtatanggol sa kanya. Ngunit parang walang narinig si Roscoe. Nakatingin lamang siya nang malamig kay Leil habang marahas siyang hinahawakan ng lalaki. Ang kanyang bagang ay nakatangis at sa uri ng kanyang pagtitig, tila walang pakealam si Roscoe sa nangyayari sa kanyang paligid. Sa bandang likuran nila Leil ay parating ang iba pang bodyguards kasama ang matandang nakadate niya. Nang makita iyon ni Leil, mas lalo siyang natakot at nanginig. Her eyes that were full of hope earlier, becomes a hopeless eyes seeking for nothing. Nang makalapit ang matanda kay Leil ay hinaplos nito ang pisngi ng babae. Halos mandiri si Leil nang maramdaman niya ang magaspang na kamay na iyon ng matanda. Kung siya ang papipiliin, mas gugustuhin niya na lamang ang mamatay kaysa ang makasama ang matandang ito. “Ba’t ka ba tumatakas, iha? Huwag kang mag-alala dahil sigurado akong magugustuhan mo
Punong-puno ng otoridad ang boses na iyon ng nakababatang Villafuerte. Noong una ay walang nagsasalita sa mga bodyguards ng matanda, ngunit nang isa-isa silang tapunan ni Reagan nang masamang tingin ay saka nila tinuro ang lalaking sumampal kanina kay Leil Hidalgo. Alam naman talaga ni Reagan kung sino sa kanila ang sumampal kay Leil, ngunit gusto niyang sa kanila mismo manggaling ito. “Allan!” “Boss…” “Go and take the man who slapped my brother’s wife. Slap him three times before you chop off his hands.” Tiningnan ni Reagan si Roscoe na ngayon ay nasa kanyang tabi na, blanko pa rin ang mga mata nito. “What do you think, brother? Is that already enough as a punishment?” tanong ni Reagan sa kapatid ngunit hindi sumagot si Roscoe. Ngumisi si Reagan bago umiling. “Silence means yes. Kaya sige na, Allan. Take that fucking man and grant him his punishment.” Nagdalawang-isip pa si Allan kung susundin niya ito, knowing that his boss, Roscoe, hasn’t ordered him to do something yet. “Si
Pinanood ni Roscoe si Leil na nagmamadaling umalis. Nakakuyom ang kanyang kamao sa ilalim ng kanyang bulsa, pinipigilan ang sariling habulin si Leil upang matiyak kung ayos lang ba siya. Umiling siya bago umalis ng Rockwell hotel. Ang lahat ng kanyang madadaanan ay napapahinto upang panoorin siya sa kanyang paglalakad. Roscoe Villafuerte is everyone’s fantasies. He had grown in such a fine man that a girl could ever ask for. Nang marating niya ang parking lot ay dumeretso siya sa kanyang sasakyan kung saan naghihintay doon si Allan. Nang makita ni Allan na paparating na ang kanyang boss ay mabilis niyang binuksan ang pintuan ng back seat kung saan uupo si Roscoe at nang makapasok ay saka niya ito sinara. Roscoe looked at the rearview mirror of his car and watched his face. Nakaigting ang panga niya at nakakunot ang noo, tila ang lalaki ay galit na galit sa mundo. His jawline gets more defined whenever he tries to clench it which adds more to his hot presence. Kakaiba si Roscoe sa
Nagising si Leil sa isang hospital. Nang maalala niya ang mga nangyari, bumalik ang kanyang takot at panginginig. Lalo pa nang makita niya ang isa sa mga lalaking kumuha sa kanya ang nagbabantay sa kanya ngayon. Sinabi ng lalaki na makakalabas na si Leil, at maaari na siyang magsimula bukas sa bar. Pero umiling muli si Leil, hindi pumapayag sa gustong mangyari ng lalaking iyon. Pero napahinto siya nang sabihin ng lalaki na kung hindi si Leil ang gagawa noon ay ang kapatid niyang may sakit ang sasalo rito. Lalo pa at maraming matatandang mayayaman ang mas may gustong paglaruan at gawing pampalipas oras ang mga babaeng msy sakit.Nang marinig niya iyon ay para siyang nawalan ng pag-asa. Jacquelyn has went through so much already. Ilang taon nang iniinda ng kanyang kapatid ang sakit niya, at ayaw niyang mas lalo pang magdusa ang kapatid dahil dito. Kahit na ayaw niya at against sa kanyang kalooban, pumayag si Leil sa gustong mangyari ng mga lalaki.
Nakatuon ang buong tingin ni Roscoe sa mapupulang labi ni Leil, at sa bawat lunok ng babae ay tila inaakit siya nito upang halikan siyang muli. Marahan ang paghaplos ni Roscoe sa pisngi ni Leil, malayong-malayo sa pagiging marahas niya sa babae noong nakaraan. “R-Roscoe…”Napaungol si Roscoe nang banggitin ni Leil ang kanyang pangalan. Para sa lalaki, iba ang dulot sa kanya tuwing binabanggit ni Leil ang kanyang pangalan. He has never felt that his name sounded as good as whenever Leil says it. “Ito na ba ang bago mong trabaho? Ang maging bayarang babae ng kahit na sino man? You keep on proving that you’re nothing but a low class woman. Kahit sino pwedeng humalik sa’yo, huh? Kahit sino pwede kang gamitin? Kahit sino pwede kang galawin? At papayag ka basta may perang kapalit, huh? Ganyan ka ba talaga?” bulong ni Roscoe, pilit tinatatagan ang sarili upang hindi tuluyang maakit ni Leil, kahit na wala pa namang ginagawang pang-aakit ang babae. Mabilis na umiling si Leil, ang kanyang m
Pero bago pa man tuluyang makalabas si Leil sa private room ni Roscoe, bumalik sa kanyang isipan ang kanyang kapatid. Kailangan niya ng malaking pera. Hindi lamang para mabayaran ang utang ng kanyang ama pero pati na rin para mapagamot si Jacquelyn. Napalunok siya at saka huminto, hawak-hawak ang doorknob. Pinunasan niya ang kanyang luha saka muling tumingin kay Roscoe. Hindi pwedeng basta na lang siyang susuko. Kung lalabas siya sa kwartong ito, maaaring ibenta lang din siya sa iba pang mayayamang business man para magamit, mapaglaruan, at mapagpasa-pasahan. Kumunot ang noo ni Roscoe nang makitang lumapit muli si Leil sa kanya. At unti-unti ay lumuhod ito sa kanyang harapan. “What the fuck are you doing?” gulat na tanong ni Roscoe. Umiling si Leil habang pinupunasan ang kanyang luha. Never in her mind she thought of kneeling in front of someone. Ngayon lang, at sa harap pa mismo ni Roscoe Villafuerte. “G-Gagawin ko ang lahat. Tulungan mo lang ako, Roscoe. Kahit anong gusto mo g
Pinanood ni Leil si Roscoe na pumasok sa loob ng kwarto. Kumuha lamang ang lalaki ng kanyang masusuot bago dumeretso sa bathroom ng kwarto na iyon. Ngumiti nang maliit si Leil. Hanggang ngayon ay bitbit pa rin ni Roscoe ang sakit ng pagkawala ng anak nila. Pero bilang isang ina, walang makakapantay sa sakit na naramdaman ni Leil. Kusang tumulo ang luha ng babae habang inaalala ang magiging buhay niya sa Villa na ito. Hindi niya mawari kung saan ang eksaktong lugar nito. Pero sana ay hindi masyadong malayo sa hospital kung nasaan ang kapatid niya, para kung sakali ay hindi na siya mahihirapan pang puntahan ang kapatid doon. Pinalis ni Leil ang luha sa kanyang mukha at saka huminga nang malalim. Walang mangyayari kung iiyak na naman siya rito. She has to be strong. Not only for herself, but also for her sister. Nakatayo lamang si Leil sa may labas ng kwarto, hindi niya alam kung dapat ba siyang pumasok at hintaying matapos si Roscoe sa kanyang pagligo o dapat lang na umalis muna
“M-married? Paano? Hindi ba ay ayaw mong…”Tumigil sa pagsasalita si Leil nang maging iritado ang mukha ni Roscoe, tila nauubusan ng pasensya. “Hindi ba’t kailangan mo ng pera para sa kapatid mo? Kaya ito at tutulungan kita. I will give the amount of money you need, but instead of paying me back through money, I offer you something that can be used as a compensation for your debt to me. You will submit yourself only to me, you’ll marry me, and you will oblige as I told you to.” Gulat na gulat pa rin si Leil habang tinitingnan niya si Roscoe. Hindi niya batid kung bakit ang bilis magbago ng isipan ng lalaki. Sa mga nakaraang araw lamang ay galit na galit siya sa ino-offer ng babae, pero bakit ngayon ay parang kay bilis para pumayag ang lalaki sa kasal?Hindi niya maintidihan. “Magpapakasal tayo?” naninigurong tanong ni Leil. Roscoe pursed his lips as he looked insultingly at Leil. “Are you fucking deaf or just plain stupid? Just eat your breakfast already before taking bath. Isang
Nagising nang maaga si Roscoe na nasa tabi pa rin niya si Leil. This is the first time again, after their accident meeting in Roscoe’s bed, that Roscoe woke up beside Leil. Hindi niya kailanman naisip na mauulit pa ulit ito. He had always hated the girl, and to be near her disgust him. Hindi niya maatim na makita si Leil, at mas lalo ang malapitan man lang siya ng babae. Pero ngayon, parang saglit na nawala ang lahat ng iyon dahil lang sa yakap-yakap niya ang babae, at pakiramdam niya ay naranasan niyang muli ang pahingang matagal na niyang hindi nararanasan. “Kuya, totoo bang muntik na namang mapahamak si Leil?” Naputol ang kanyang pagtitig sa babae nang marinig ang boses ng kapatid na si Reagan. Nilingon niya ito na nasa pintuan, pansin ang gulat sa mga mata ni Reagan nang mapansin ang posisyon nina Roscoe at Leil. Balot na balot si Leil nang buong katawan ni Roscoe, at sa isang tingin pa lamang, iisipin mo ng mag-asawa ang dalawang ito. Mabilis na napabangon si Roscoe
Bago pa man tuluyang maipikit ni Leil ang kanyang mga mata, she thought that maybe this is already her end. Although she still wanted to stand up and try asking for other people’s help for her sister, she couldn’t. Wala na siyang lakas para gawin pa iyon. Siguro nga ay dito na siya mamamatay. In a cold and lonely street. Hindi na rin naman niya inisip na tutulungan siya ni Roscoe. Galit sa kanya ang lalaki. Alam niya iyon, at laging pinapaalala ni Roscoe kung gaano kadisgusto ng lalaki si Leil at kung gaano niya kagusto ang mamamatay na lang ang babae. Now, maybe this is the night that Roscoe’s wish will come true. Ang katapusan ni Leil.Maybe after this pain, tuluyan ng makaganti si Roscoe kay Leil sa lahat ng kasalanang nagawa ng babae. From trying to abort their child to failing as a mother of their unborn baby. Pero lingid sa kaalaman ni Leil ang patuloy na paghakbang ni Roscoe sa kanya. Nang mawalan ng malay si Leil ay bumagsak siya sa malamig na kalsada. The guards were just
Nanghihinang nilisan ni Leil ang penthouse na iyon ni Roscoe. Ang kanyang mga luha ay patuloy pa rin sa pag agos at tila wala nang katapusan ang sakit na kanyang nararamdaman. She was pregnant of Roscoe’s child when they were still boyfriend and girlfriend. Pero dahil bata pa sila at marami pa silang pangarap, lalo na si Leil, ay natakot siya sa maaaring mangyari. Hindi pa siya handang magbuntis at maging isang ina noong mga panahong iyon. Although she loved Roscoe wholeheartedly. Truly, she loved only Roscoe. Pero hindi sapat ang pagmamahal na iyon para bumuhay ng isang bata. Alam ni Leil na kasalanan niya rin ang nangyari. Masyado silang naging mapusok noon, na nagresulta sa pagbubuntis niya. Bukod sa marami pang pangarap na gustong abutin si Leil, natatakot din siya sa magiging kahihinatnan ng kanyang kapatid. May sakit ang kanyang kapatid. At kung ipagpapatuloy niya ang pagbubuntis, walang maiiwan para sa kapatid niya. She was so scared. So she thought of just abo
Roscoe gritted his teeth as he watched Leil on his bed. Hindi niya kailanman naisip na madadatnan niya rito ang babae, nakahiga sa kanyang malambot na kama. Ngumiti nang maliit si Leil kay Roscoe bago dahan-dahang umupo galing sa pagkakahiga niya sa kama. “I’m sorry kung nagulat kita sa presensya ko rito. Nakausap ko si Reagan kanina at nasabi niyang palagi ka pa ring umuuwi rito.” Humugot nang malalim na hininga si Leil upang mabawasan ang pressure na kanyang nararamdaman dahil sa bigat ng titig ni Roscoe sa kanya. “Hindi mo pa rin pala pinapalitan ang passcode ng penthouse na ito? Sinubukan ko kanina at hindi ko naman inaasahan na iyon pa rin pala ang passcode. Kaya ako nakapasok dito.”“What are you doing here?” medyo kalmado ang boses na iyon ni Roscoe kahit na matalim ang pagtitig niya kay Leil. Napalunok ang babae at pilit na ngumiti. “Gusto ko sanang magbakasali… at gusto ko sanang makausap ka.”“About what?”“Nakausap ko ang kapatid mo kanina…”“How many times are you goin
Malungkot na tiningnan ni Reagan si Leil. “Hindi dapat ako ang hinihingian mo ng tulong, Leil. Dahil wala na akong ibang maibibigay pa na tulong sa iyo.” Nangilid ang luha sa mga mata ni Leil. Alam niya na mabait si Reagan at batid niya ring barya lang ang tatlong milyong piso sa kaniya. Isa pa, uutangin niya naman ito. At pinapangako niyang babayaran niya ito.Hindi pa nga lang niya alam paano siya magbabayad, pero sigurado siyang papalitan niya lahat ng perang tinulong nila. At handa rin siyang manilbihan kay Reagan, o kahit sa buong angkan pa ng Villafuerte, matulungan lang siya at mapagamot ang kapatid niyang may sakit. “R-Reagan, alam kong barya lang sa’yo ang hinihiram ko. Nakikiusap ako, Reagan. Tulungan mo ako. I promise I will pay you. Hindi ko lang alam kung paano ako makakakuha ng pambayad pero handa akong ialay ang buong buhay ko sa pagtra-trabaho maka-ipon lang ako ng pera pambayad sayo. Pakiusap, R-Reagan…” nabasag ang boses ni Leil habang nakikiusap kay Reagan. Kung
Kinabukasan ay maagang nagising sina Roscoe at Reagan. Sabay silang kumakain ng kanilang umagahan sa isang restaurant malapit sa kanilang kompanya. Seryoso lamang si Roscoe na nakatingin sa kanyang kinakain. Samantalang ang kanyang nakababatang kapatid naman na si Reagan ay nakatingin sa kanyang cellphone habang nagse-scroll sa isang social media platform (the black app). Napakunot ang noo ni Reagan nang makita ang picture ni Roscoe sa kanyang news feed. It was clearly Roscoe and his car! “Oh brother. Ikaw na naman ang laman ng news feed ko ngayon. Hindi ka nagsabi na naaksidente ka pala?” Reagan has to zoom the picture to observe it properly.Hindi man halata sa itsura ni Roscoe ngunit nagulat ang lalaki sa sinabi ng kanyang kapatid. Although part of him expected it, nagulat pa rin siya na kakalat agad-agad ito sa social media. Hindi naman na bago ito kay Roscoe. Maraming cameras ang nakalagay sa paligid. At kahit nasa pribado siyang lugar, hindi pa rin naiiwasang makuhanan siya
Kumunot ang noo ni Jacquelyn nang makita ang isang anino sa labas ng room niya. “Parang may tao sa labas, ate.” Ani Jacquelyn kay Leil. Napatingin si Leil sa bintana, sinisilip kung mayroon bang tao roon. Hinalikan niya muna sa noo si Jacquelyn bago lumabas sa kanilang private room. “Sandali lang at titignan ko. Babalik ako, hmm?” Tumango si Jacqy at ngumiti nang maliit. Lumabas si Leil para tingnan kung may tao ba sa labas ngunit wala siyang nakita roon. May mga taong napapadaan sa tapat ng kanilang kwarto kaya naisip ni Leil na baka napadaan lang ang taong nakita ng kanyang kapatid. “Sino’ng andun, ate?” tanong ni Jacqy pagkabalik ni Leil sa loob. Umiling si Leil bago dahan-dahang umupo sa tabi ng kanyang kapatid. “Wala naman. Baka may napadaan lang sa labas. Huwag mo na iyong isipin pa.” Masarap sa pakiramdam ang makitang ngumingiti si Jacqy. Pakiramdam ni Leil ay gumagaan ang kanyang damdamin at puso tuwing gumuguhit ang munting ngiti sa labi ng kanyang kapatid. “Ate, u