Share

Contract Marriage With The CEO
Contract Marriage With The CEO
Author: Queen Inks

Kabanata 001

Author: Queen Inks
last update Last Updated: 2025-01-16 14:24:42

Nanghihina at nahihilo si Leil na nakahiga sa isang malambot na kama. Tanging ang puting kumot lamang ang nakatakip sa kanyang katawan. Hindi niya batid kung nasaan siya at kung ano ang nangyayari sa kanyang paligid.

Tanging ang init na dumadaloy sa kanyang lalamunan hanggang sa buong katawan ang kanyang ramdam. Gusto man niyang tumayo ngunit hindi niya magawa.

“May tao ba riyan? Maaari bang makahingi ako—”

Bago niya pa matapos ang kanyang sasabihin, kumalabog ang pintuan kasabay ng pagpasok ng isang makisig na lalaki. Hindi man niya maaninag nang maayos ang lalaki dahil sa dim na ilaw, batid niyang matangkad ito at kaakit-akit.

Kasabay ng kanyang paghakbang palapit sa kama ay ang pagtanggal nito sa kanyang necktie. Matapos matanggal ay hinagis niya ito sa kung saan bago inumpisahang isa-isahing tanggalin ang butones ng kanyang polo.

Ang kanyang morenong kutis at eight-pack abs ay bumagay sa dim na ilaw ng silid.

Siya si Roscoe Villafuerte, may-ari ng pinakamalaking construction company sa buong Pilipinas. Galing siya sa isang mayaman at makapangyarihang angkan sa bansa.

Isang tingin pa lamang kay Roscoe, mapapansin mo agad ang madilim niyang ekspresyon. Mga matang para bang laging galit at sa tuwing ito ay tatama sa’yo, tila ba ay pinapaso ka nito sa init.

Subalit kahit na suplado man siya ay marami pa rin ang nagkakagusto rito. Sino ba naman ang hindi?

Siya ay mayaman, gwapo, makisig, at kaakit-akit. Wala ng hihilingin pa ang mga babae sa kanya.

Mabilis niyang inalis ang kanyang suot na sapatos pati ang kanyang pants bago ito ihagis sa kung saan. Tanging boxers na lamang ang kanyang natitirang saplot.

Nanlalaki ang mga matang pinanood ni Leil ang lalaking maghubad. Akala niya ay pati na rin ang boxers nito ay kanyang tatanggalin dahilan upang mapatili siya.

“Sandali! Sino ka?”

Napatigil si Roscoe sa kanyang ginagawa at tinapunan nang tingin ang kanyang kama. Isang ngisi ang bumalot sa kanyang mga labi nang makita ang isang babaeng nakahiga rito.

Hindi niya gaanong makita ang itsura ng babae ngunit sa pwesto nito, masasabi niyang may gandang taglay ito.

“Hindi ba dapat ako ang nagtatanong sa’yo niyan?” dahan-dahan siyang humakbang palapit sa kama at nang makalapit ay saka siya umupo sa tabi ng babae. “Sino ka? At ano ang ginagawa mo rito sa aking silid?”

Napalunok si Leil dahil sa sobrang lalim ng boses ng lalaki. Nakangisi man siya ngunit rinig niya ang awtoridad sa boses ni Roscoe.

Sinubukang magsalita ni Leil ngunit walang salitang lumalabas sa kanyang mga labi.

Napaigtad siya nang dumapo sa kanyang pisngi ang mainit na kamay ng lalaki na marahang humahaplos dito.

“Ganyan na ba talaga kababa ang mga babae ngayon? Handang ibigay ang sarili sa kahit na sinong lalaki kahit na hindi naman nila ito kilala?” lumakbay sa kanyang tenga ang mainit na hininga ng lalaki.

Napakapit siya sa bisig nito dahil sa kakaibang sensyon. Ang kanyang mga balahibo ay nagsitayuan dahil lamang sa bulong na iyon.

Hindi niya maintindihan ang sarili. Sinabihan na nga siya ng masakit na salita ngunit bakit parang mas naapektuhan pa siya sa init ng hininga ng lalaki?

“Hindi ko po kayo maintindihan, s-sir. Nahihilo ako at nag-iinit ang aking buong katawan. Pwede niyo po ba akong tulungan?” Sa nanghihinang boses ay tinanong niya ang lalaki.

Umigting ang bagang ni Roscoe dahil dito. Tama nga ang hinala niya. Isa rin siyang mababang uri ng babae.

Dahil sa inis at galit, naglakbay ang kamay ni Roscoe mula sa pisngi ni Leil hanggang sa leeg nito. Marahan niya itong hinaplos at sinusundan ng kanyang mga daliri ang bawat paglunok ng babae.

Ramdam niya ang kinis nito, na mas lalong nagdala ng init sa kanyang dibdib.

Pinanood ni Roscoe ang malalalim na paghinga ng babae, hudyat na naaapektuhan ito sa kanyang mga haplos.

Ganitong tulong ba ang kailangan niya? Ganitong solusyon ba ang gusto niya sa init na nararamdaman niya? Pwes, ito ang ibibigay ko.

Napaawang ang bibig ni Leil nang makita ang dahan-dahang paglapit ng mukha ng binata sa kanya. Sinubukan niya itong pigilan gamit ang nanghihinang kamay sa pamamagitan ng paghawak sa braso ng binata, ngunit wala itong epekto.

Naramdaman niya ang unti-unting paglapat ng mainit na labi ng lalaki sa labi niya.

Shit! Hinalikan ako!

Saad niya sa kanyang isipan.

Hindi mawari ni Leil kung ano ang kanyang dapat gawin. Nais man niyang itulak ang lalaki, hindi niya magawa sapagkat siya ay nanghihina at nahihilo pa. Sa kalagayan niya ngayon, hindi na niya batid kung saan siya nanghihina. Dahil ba ito sa mga haplos at halik ng lalaki?

Sana ay hindi.

“Your lips taste so good. They are soft as well,” bulong ni Roscoe, habang marahang hinahaplos ang labi ng babae.

Hindi umimik si Leil at patuloy lang na pinapanood ang binata. Sa ikalawang pagkakataon ay hinalikang muli ni Roscoe si Leil ngunit hindi kagaya kanina na hinayaan lamang ng babae si Roscoe na halikan siya, ngayon ay marahang sinusuklian na ni Leil ang bawat paglapat ng labi ni Roscoe.

Napaungol si Roscoe nang maramdaman ang pagganti ng babae ng halik. Kinulong niya ang bewang nito sa kanyang mga bisig at saka siya dinaganan.

Mas pinag-igihan niya pa ang paghalik dito, bawat sulok ng labi ng babae ay inaangkin niya na parang kanya ito at siya lamang ang nagmamay-ari dito.

Ang kaninang kamay ni Leil na nanghihinang nakahawak sa braso ni Roscoe, ngayon ay nakakapit na dito nang mahigpit, tila ayaw niyang matapos ang kanilang mainit na halikan.

Hindi niya batid kung gaano katagal ang inabot ng kanilang halikan. At dahil na rin sa sobrang pagkahilo at sakit ng katawan, tuluyan nang binalot ng dilim ang mga mata ni Leil.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • Contract Marriage With The CEO   Kabanata 002

    Dahan-dahang minulat ni Leil ang kanyang mata, may bahid ng pagtataka at takot ang mga ito. Isang malawak at engrandong Presidential Suit ang bumungad sa kanya. Napalilibutan ito ng mga paintings at ibang gamit na sigurado siyang mamahalin. ‘Ano’ng nangyari kagabi at bakit ako narito?’ Tanong niya sa kanyang sarili. Hindi niya batid kung paano siya napunta sa ganito kagandang silid.Nalukot ang kanyang mukha nang subukan niyang gumalaw. Halos buong parte ng kanyang katawan ay kumikirot sa tuwing siya ay gumagalaw, para bang dinaganan siya ng isang napakalaking truck. Sinilip niya ang sarili sa ilalim ng puting kumot at nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang hubad siya!Wala ni isang saplot siyang suot! She is an open naked to everybody’s eyes if only not on the cushion over her body. “Hmmm…”Isang mababaw na ungol ang kanyang narinig. Paglingon niya sa kanyang tabi, nanlaki ang kanyang mga mata sa takot nang makita kung sino ito!Walang iba kung hindi si Roscoe Villafuerte!

    Last Updated : 2025-01-16
  • Contract Marriage With The CEO   Kabanata 003

    Parang paulit-ulit na sinaksak si Leil ng mga salita ni Roscoe. Tumagos ito sa kanyang puso at nag-iwan ng marka. Ganito ba talaga ang tingin niya sa akin? Na gagamitin ko ang aking katawan para makuha ang aking gusto?Ngunit hindi ko siya masisisi sapagkat alam kong ako rin ang may kasalanan nito. Galit siya sa akin. Limang taon na ang lumipas nang may nagawa akong kasalanan sa kanya. Kaya’t hindi ko siya pwedeng sisihin kung ganito na lamang ang pag-iisip niya sa akin. Pero… nasasaktan pa rin ako. Isang luha ang pumatak sa mata ni Leil habang iniisip ang mga iyon. Wala na ang kanyang dating Roscoe.“Umalis ka na bago pa magbago ang isip ko’t masaktan kita! Umalis ka na!” padabog na pinakawalan ni Roscoe si Leil. Umalis siya sa ibabaw ng babae at tiningnan na lamang ito nang masama. ‘Saktan? Nasaktan mo na ako.’ sa isip ni Leil. Kahit nanginginig sa takot si Leil ay dali-dali siyang tumakbo palabas ng suit na iyon. Kilala niya ang lalaking kaharap niya at nasisiguro niyang hind

    Last Updated : 2025-01-16
  • Contract Marriage With The CEO   Kabanata 004

    Sa higit isang oras na paghihintay ng masasakyan, sa wakas ay nakapara na rin si Leil ng isang taxi. Sinabi niya ang address ng inuupahang condo sa driver. Buti naman at mabilis silang nakarating doon. Nanghihinang umakyat si Leil sa loob at dumeretso sa banyo. Binuksan niya ang shower at hinayaang mabasa ang kanyang buong katawan. ‘Bakit nangyayari ito sa atin, Roscoe? Bakit sobra-sobra ang galit mo sa akin? Bakit ayaw mo akong paniwalaan? Dati naman ay ikaw pa ang pumoprotekta sa akin hindi ba? Ikaw ang nagtatanggol at nagpapasaya sa akin. Bakit ngayon ay nag-iba na ang lahat? Bakit ikaw na ang nananakit sa akin?’Umagos ang luha sa mga mata ni Leil habang nakasandal sa dingding ng banyo. Sila ni Roscoe ay dating magkaibigan at pareho sila ng pinapasukang paaralan. Si Roscoe ang nagtatanggol sa kanya kung may nagtatangkang mangbully dito. Hindi niya hinahayaang masaktan si Leil at lalong laging pinapatawa at pinapasaya ng lalaki ang babae. Pero nagbago ang lahat dahil sa isang t

    Last Updated : 2025-01-16
  • Contract Marriage With The CEO   Kabanata 005

    Alam ni Leil na kahit na maliit na kompanya lamang ang pinagtratrabahuan niya, hindi niya pa rin ito kakayanin. Lalo na at wala siyang perang maaaring gamitin para magsampa ng kaso. Alam niya ring hindi gano’n kadali iyon. “At ano’ng gusto niyong gawin ko?! Ang hayaan at kalimutan na lang ang lahat?!” Isang malakas na tunog ang nagpatigil sa dalawa. Hinampas ng kanilang boss ang lamesa at saka tumayo. “Wala kang sasabihing makasisira sa akin o kahit sa kompanyang ito! Hindi ka magsasalita! Isasarado mo ang bibig mo, Leil!” namumula ang mukha ng lalaki dahil sa sobrang galit. Hindi pwedeng lumabas ang issue na ito. Siguradong siya ang malilintikan ng mga higher bosses kung nagkataon. At baka mawalan pa siya ng trabaho. Trabahong ilang taon niyang pinagsikapang abutin. Hindi siya pwedeng masira dahil lamang sa issue na ito at mas lalong hindi pwedeng maalis siya sa pwesto! Kung kailangang patayin niya si Leil upang mapatahimik ito, gagawin niya. Sinugod ng lalaki si Leil at

    Last Updated : 2025-01-16
  • Contract Marriage With The CEO   Kabanata 006

    Nanghihinang napaupo sa gilid ng daan si Leil, patuloy pa rin sa pagpatak ang kanyang mga luha. Mahigpit niyang hinawakan ang kanyang telepono habang pinipigilan ang sariling humikbi. May kanser sa dugo ang kanyang labing-isang taong gulang na kapatid at kailangan nila ng malaking pera para maipagamot ito sa maayos at mas advance na ospital. Linunok niya ang kanyang mga hikbi bago sumagot sa kanyang ina-inahan. “M-Ma…” isang kataga pa lamang ang kanyang binibitawan ngunit nabasag na ang kanyang boses. “Natanggal po kasi ako sa trabaho k-kaya baka hindi muna ako makakapagpadala ng pera—”“Aba tangina naman, Leil! Ano na naman bang katangahan ang ginawa mo para matanggal sa pinagtratrabahuan mo? Kakarampot na nga lang ang kinikita mo, mawawala pa!”“H-Hindi ko naman po ito inaasahan lalo at biglaan. Hindi ko rin naman po ito ginusto, sadyang minalas lang po talaga…”“Talagang malas ka! Naku, Leil! Huwag mo akong artehan ah! Gawan mo yan ng paraan! Huwag mong hintayin na pati ang kapa

    Last Updated : 2025-01-24
  • Contract Marriage With The CEO   Kabanata 007

    Nawala ang ina sa murang edad at simula rito, wala na siyang ibang ginawa kung hindi ang magtrabaho, pag-aralin ang sarili pati na rin ang kapatid, at maghain ng pagkain sa kanilang lamesa. Ni minsan ay hindi siya nagalit sa kanyang ama. Pero ngayon, hindi na niya kinakaya. Parang isang batang paslit si Leil na nangangailangan ng aruga ng isang magulang, ng isang ama at ina, na alam niyang kahit kailan ay hindi na niya mararamdaman pa. “Wala akong ibang ginawa kung hindi ang magtrabaho para may maipadala sa inyo, pa! Halos lahat ng sahod ko binigay ko para lang hindi kayo magutom! Ako ang nagbabayad ng lahat ng utang mo, ako ang nag-aayos ng lahat ng gulong napapasukan mo, ako lahat ang nagbabayad sa mga kailangan sa bahay! Pero, Pa… napapagod din po ako. Pagod na po ako! Kahit isang yakap man lang, wala? Pa, naman…”Pinanood ni Francisco ang kanyang anak na sabihin ang mga ito. Wala siyang pakealam sa mga gustong sabihin ni Leil, ang kanyang gusto lamang ay mabigyan na siya nito ng

    Last Updated : 2025-01-24
  • Contract Marriage With The CEO   Kabanata 008

    Sa paglubog ng araw, isang mamahaling itim na Land Rover ang pumarada sa harapan ng isang five-star hotel, ang Rockwell hotel. Sa sobrang gara at ganda ng sasakyan na ito, kahit sa gabi ay hindi naitatago ang kinang nito. Bumaba ang driver ng sasakyan at saka binuksan ang back seat door nito. “Andito na po tayo, sir.” ani ng driver. Minulat ni Roscoe ang kanyang mga mata galing sa maikling tulog at saka tinapunan ng malamig na tingin ang kanyang driver. Inayos niya ang kaunting gusot sa kanyang suot na black coat bago bumaba sa sasakyan. Suot ang isang black suit, black pants, at black shoes, lahat ng taong nadadaanan nila ay napapatingin sa gawi ni Roscoe. Kunot-noong pumasok si Roscoe sa loob ng Rockwell. Lahat ng mga empleyado roon, pati na rin ang mga nasa front desk at lobby, ay bumabati sa kanya. Ngunit walang pinansin ni isa si Roscoe. Nagmamadaling sinalubong ni Andrea sina Roscoe sa may lobby ng hotel. Nanginginig pa ang kanyang mga tuhod nang sa kauna-una

    Last Updated : 2025-01-25
  • Contract Marriage With The CEO   Kabanata 009

    Pagmamakaawang iyon ni Leil kay Roscoe, umaasa siyang kahit na kaunting awa ay magkakaroon ang lalaking dating nagtatanggol sa kanya. Ngunit parang walang narinig si Roscoe. Nakatingin lamang siya nang malamig kay Leil habang marahas siyang hinahawakan ng lalaki. Ang kanyang bagang ay nakatangis at sa uri ng kanyang pagtitig, tila walang pakealam si Roscoe sa nangyayari sa kanyang paligid. Sa bandang likuran nila Leil ay parating ang iba pang bodyguards kasama ang matandang nakadate niya. Nang makita iyon ni Leil, mas lalo siyang natakot at nanginig. Her eyes that were full of hope earlier, becomes a hopeless eyes seeking for nothing. Nang makalapit ang matanda kay Leil ay hinaplos nito ang pisngi ng babae. Halos mandiri si Leil nang maramdaman niya ang magaspang na kamay na iyon ng matanda. Kung siya ang papipiliin, mas gugustuhin niya na lamang ang mamatay kaysa ang makasama ang matandang ito. “Ba’t ka ba tumatakas, iha? Huwag kang mag-alala dahil sigurado akong magugustuhan mo

    Last Updated : 2025-01-28

Latest chapter

  • Contract Marriage With The CEO   Kabanata 026

    Hindi alam ni Leil kung paano niyang haharapin si Roscoe ngayon. Nakita siya ng lalaki na hubo’t hubad! Walang kahit anong saplot. “Bakit ko ba kasi nasobrahan ang pagligo sa bathtub?”Napahilamos siya sa kanyang mukha nang marealize na hindi pala siya nakashower nang maayos sapagkat nilublob niya lang ang sarili sa bathtub. “Pero ‘di bale na. Maayos din naman sa bathtub na iyon.”Dahil walang ibang dala na damit si Leil ay kinuha niyang muli ang suot niya kanina at iyon muli ang sinuot niya. Gusto niya sanang humiram ng kahit na anong damit kay Roscoe ngunit dahil sa sobrang hiya niya kanina ay nakalimutan na niya. Mamaya na lang pagkatapos kumain. Bumaba na siya ng kwarto pagkatapos magbihis. Tinuyo niya lang nang kaunti ang buhok para hindi tumulo ang patak ng tubig dito. Pagdating niya sa kusina ay nakita niya ang nakatalikod na si Roscoe, nagluluto. Mabango ang niluluto ni Roscoe, at sa tingin ni Leil ay adobong karne ito. Nang makalapit ay napatunayan niyang tama ang naisi

  • Contract Marriage With The CEO   Kabanata 025

    Mabilis ang tibok ng puso ni Leil pagkapasok niya sa loob ng bathroom. Hinaplos niya ang kanyang labi at saka mariing pumikit. “Shit! Bakit parang iba ang epekto sa akin ng halik na iyon?” Tila hindi alam ni Leil kung ano ang dapat maramdaman. Noong una ay tinutulak pa niya si Roscoe, pero habang tumatagal na hinahalikan siya ng lalaki ay unti-unti ring humihina ang depensa na mayroon siya. Mas madali sigurong maging asawa ni Roscoe kung hindi siya mahal ni Leil. Sa bawat paglapat ng mga labi ng lalaki, sana ay hindi naaapektuhan si Leil. Na sana ay wala lang sa kanyang ang lahat ng iyon, na ginagawa niya lamang ito para sa kanyang kapatid. Pero hindi. May nararamdaman siya kay Roscoe. At mahirap ang ginagawa niya ngayon dahil sa tuwing hinahalikan siya ng lalaki ay nanghihina siya. Hinilamos ni Leil ang kanyang kamay sa kanyang mukha. Huminga siya nang malalim at nagdesisyon na kalimutan na lang muna ang mga nangyari ngayong araw. Napansin ni Leil ang isang malaking bathtub sa

  • Contract Marriage With The CEO   Kabanata 024

    Pinanood ni Leil si Roscoe na pumasok sa loob ng kwarto. Kumuha lamang ang lalaki ng kanyang masusuot bago dumeretso sa bathroom ng kwarto na iyon. Ngumiti nang maliit si Leil. Hanggang ngayon ay bitbit pa rin ni Roscoe ang sakit ng pagkawala ng anak nila. Pero bilang isang ina, walang makakapantay sa sakit na naramdaman ni Leil. Kusang tumulo ang luha ng babae habang inaalala ang magiging buhay niya sa Villa na ito. Hindi niya mawari kung saan ang eksaktong lugar nito. Pero sana ay hindi masyadong malayo sa hospital kung nasaan ang kapatid niya, para kung sakali ay hindi na siya mahihirapan pang puntahan ang kapatid doon. Pinalis ni Leil ang luha sa kanyang mukha at saka huminga nang malalim. Walang mangyayari kung iiyak na naman siya rito. She has to be strong. Not only for herself, but also for her sister. Nakatayo lamang si Leil sa may labas ng kwarto, hindi niya alam kung dapat ba siyang pumasok at hintaying matapos si Roscoe sa kanyang pagligo o dapat lang na umalis muna

  • Contract Marriage With The CEO   Kabanata 023

    “M-married? Paano? Hindi ba ay ayaw mong…”Tumigil sa pagsasalita si Leil nang maging iritado ang mukha ni Roscoe, tila nauubusan ng pasensya. “Hindi ba’t kailangan mo ng pera para sa kapatid mo? Kaya ito at tutulungan kita. I will give the amount of money you need, but instead of paying me back through money, I offer you something that can be used as a compensation for your debt to me. You will submit yourself only to me, you’ll marry me, and you will oblige as I told you to.” Gulat na gulat pa rin si Leil habang tinitingnan niya si Roscoe. Hindi niya batid kung bakit ang bilis magbago ng isipan ng lalaki. Sa mga nakaraang araw lamang ay galit na galit siya sa ino-offer ng babae, pero bakit ngayon ay parang kay bilis para pumayag ang lalaki sa kasal?Hindi niya maintidihan. “Magpapakasal tayo?” naninigurong tanong ni Leil. Roscoe pursed his lips as he looked insultingly at Leil. “Are you fucking deaf or just plain stupid? Just eat your breakfast already before taking bath. Isang

  • Contract Marriage With The CEO   Kabanata 022

    Nagising nang maaga si Roscoe na nasa tabi pa rin niya si Leil. This is the first time again, after their accident meeting in Roscoe’s bed, that Roscoe woke up beside Leil. Hindi niya kailanman naisip na mauulit pa ulit ito. He had always hated the girl, and to be near her disgust him. Hindi niya maatim na makita si Leil, at mas lalo ang malapitan man lang siya ng babae. Pero ngayon, parang saglit na nawala ang lahat ng iyon dahil lang sa yakap-yakap niya ang babae, at pakiramdam niya ay naranasan niyang muli ang pahingang matagal na niyang hindi nararanasan. “Kuya, totoo bang muntik na namang mapahamak si Leil?” Naputol ang kanyang pagtitig sa babae nang marinig ang boses ng kapatid na si Reagan. Nilingon niya ito na nasa pintuan, pansin ang gulat sa mga mata ni Reagan nang mapansin ang posisyon nina Roscoe at Leil. Balot na balot si Leil nang buong katawan ni Roscoe, at sa isang tingin pa lamang, iisipin mo ng mag-asawa ang dalawang ito. Mabilis na napabangon si Roscoe

  • Contract Marriage With The CEO   Kabanata 021

    Bago pa man tuluyang maipikit ni Leil ang kanyang mga mata, she thought that maybe this is already her end. Although she still wanted to stand up and try asking for other people’s help for her sister, she couldn’t. Wala na siyang lakas para gawin pa iyon. Siguro nga ay dito na siya mamamatay. In a cold and lonely street. Hindi na rin naman niya inisip na tutulungan siya ni Roscoe. Galit sa kanya ang lalaki. Alam niya iyon, at laging pinapaalala ni Roscoe kung gaano kadisgusto ng lalaki si Leil at kung gaano niya kagusto ang mamamatay na lang ang babae. Now, maybe this is the night that Roscoe’s wish will come true. Ang katapusan ni Leil.Maybe after this pain, tuluyan ng makaganti si Roscoe kay Leil sa lahat ng kasalanang nagawa ng babae. From trying to abort their child to failing as a mother of their unborn baby. Pero lingid sa kaalaman ni Leil ang patuloy na paghakbang ni Roscoe sa kanya. Nang mawalan ng malay si Leil ay bumagsak siya sa malamig na kalsada. The guards were just

  • Contract Marriage With The CEO   Kabanata 020

    Nanghihinang nilisan ni Leil ang penthouse na iyon ni Roscoe. Ang kanyang mga luha ay patuloy pa rin sa pag agos at tila wala nang katapusan ang sakit na kanyang nararamdaman. She was pregnant of Roscoe’s child when they were still boyfriend and girlfriend. Pero dahil bata pa sila at marami pa silang pangarap, lalo na si Leil, ay natakot siya sa maaaring mangyari. Hindi pa siya handang magbuntis at maging isang ina noong mga panahong iyon. Although she loved Roscoe wholeheartedly. Truly, she loved only Roscoe. Pero hindi sapat ang pagmamahal na iyon para bumuhay ng isang bata. Alam ni Leil na kasalanan niya rin ang nangyari. Masyado silang naging mapusok noon, na nagresulta sa pagbubuntis niya. Bukod sa marami pang pangarap na gustong abutin si Leil, natatakot din siya sa magiging kahihinatnan ng kanyang kapatid. May sakit ang kanyang kapatid. At kung ipagpapatuloy niya ang pagbubuntis, walang maiiwan para sa kapatid niya. She was so scared. So she thought of just abo

  • Contract Marriage With The CEO   Kabanata 019

    Roscoe gritted his teeth as he watched Leil on his bed. Hindi niya kailanman naisip na madadatnan niya rito ang babae, nakahiga sa kanyang malambot na kama. Ngumiti nang maliit si Leil kay Roscoe bago dahan-dahang umupo galing sa pagkakahiga niya sa kama. “I’m sorry kung nagulat kita sa presensya ko rito. Nakausap ko si Reagan kanina at nasabi niyang palagi ka pa ring umuuwi rito.” Humugot nang malalim na hininga si Leil upang mabawasan ang pressure na kanyang nararamdaman dahil sa bigat ng titig ni Roscoe sa kanya. “Hindi mo pa rin pala pinapalitan ang passcode ng penthouse na ito? Sinubukan ko kanina at hindi ko naman inaasahan na iyon pa rin pala ang passcode. Kaya ako nakapasok dito.”“What are you doing here?” medyo kalmado ang boses na iyon ni Roscoe kahit na matalim ang pagtitig niya kay Leil. Napalunok ang babae at pilit na ngumiti. “Gusto ko sanang magbakasali… at gusto ko sanang makausap ka.”“About what?”“Nakausap ko ang kapatid mo kanina…”“How many times are you goin

  • Contract Marriage With The CEO   Kabanata 018

    Malungkot na tiningnan ni Reagan si Leil. “Hindi dapat ako ang hinihingian mo ng tulong, Leil. Dahil wala na akong ibang maibibigay pa na tulong sa iyo.” Nangilid ang luha sa mga mata ni Leil. Alam niya na mabait si Reagan at batid niya ring barya lang ang tatlong milyong piso sa kaniya. Isa pa, uutangin niya naman ito. At pinapangako niyang babayaran niya ito.Hindi pa nga lang niya alam paano siya magbabayad, pero sigurado siyang papalitan niya lahat ng perang tinulong nila. At handa rin siyang manilbihan kay Reagan, o kahit sa buong angkan pa ng Villafuerte, matulungan lang siya at mapagamot ang kapatid niyang may sakit. “R-Reagan, alam kong barya lang sa’yo ang hinihiram ko. Nakikiusap ako, Reagan. Tulungan mo ako. I promise I will pay you. Hindi ko lang alam kung paano ako makakakuha ng pambayad pero handa akong ialay ang buong buhay ko sa pagtra-trabaho maka-ipon lang ako ng pera pambayad sayo. Pakiusap, R-Reagan…” nabasag ang boses ni Leil habang nakikiusap kay Reagan. Kung

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status