Nawala ang ina sa murang edad at simula rito, wala na siyang ibang ginawa kung hindi ang magtrabaho, pag-aralin ang sarili pati na rin ang kapatid, at maghain ng pagkain sa kanilang lamesa. Ni minsan ay hindi siya nagalit sa kanyang ama. Pero ngayon, hindi na niya kinakaya. Parang isang batang paslit si Leil na nangangailangan ng aruga ng isang magulang, ng isang ama at ina, na alam niyang kahit kailan ay hindi na niya mararamdaman pa. “Wala akong ibang ginawa kung hindi ang magtrabaho para may maipadala sa inyo, pa! Halos lahat ng sahod ko binigay ko para lang hindi kayo magutom! Ako ang nagbabayad ng lahat ng utang mo, ako ang nag-aayos ng lahat ng gulong napapasukan mo, ako lahat ang nagbabayad sa mga kailangan sa bahay! Pero, Pa… napapagod din po ako. Pagod na po ako! Kahit isang yakap man lang, wala? Pa, naman…”Pinanood ni Francisco ang kanyang anak na sabihin ang mga ito. Wala siyang pakealam sa mga gustong sabihin ni Leil, ang kanyang gusto lamang ay mabigyan na siya nito ng
Huling Na-update : 2025-01-24 Magbasa pa