Kuntento na sa buhay niya ang isang Scott Miguel Stewart. Umiikot lang ang pagiging single niya sa trabaho at sa kompanya na pag-aari ng pamilya niya. Minsan din ay ang past time sa mga babaeng nagpapakita ng motibo sa kaniya. Ngunit never pa siyang na inlove. Takbuhan din si Scott ng mga matalik niyang kaibigan kapag may kinakaharap na gusot. Bukod kasi sa pagiging CEO ng family business, isa ring tapat at matapang na attorney ang isang Scott Miguel. Lagi niyang sinasabing hindi siya nagmamadali pagdating sa usaping pag-ibig dahil maraming babaeng nagkakandarapa sa kaniya. Nag-e-enjoy siya sa pagiging single. Ika nga ni Scott, hindi pa ipinanganganak ang babae para sa kanya. Hindi siya naiinggit sa mga kaibigan niyang may kaniya-kaniya ng pamilya. Hanggang isang araw, may babaeng nakakuha sa atensyon ni Scott Miguel. Walang iba kun'di si Lovebele Lozano. Nakilala ni Scott si Lovebele, na dancer sa Elite club na pinuntahan nila ng dating classmate noong college pa siya. Ang dating mapaglaro sa pag-ibig na si Scott Miguel ay na inlove nang sobra. Inalok niya ng kasal si Lovebele. Iyun pala ay sinadyang mapalapit ng dalaga kay Attorney Scott upang ito’y paibigin at kapag nagtagumpay ay saka niya bibitiwan ang binata. Ang inaakala ni Attorney Scott na happy ending ay siya palang pagguho ng lahat ng pangarap niya para sa kanila ng babaeng iniibig. Abangan ang buhay pag-ibig ni Attorney Scott Miguel Stewart and Lovebele Lozano, “Attorney Scott's Sweetest Downfall.”
view moreBelle “Tiya Lena! H’wag ka na po tumakas please! May paraan pa para malutas ang iyong problema pero ang buhay mo ay iisa lang hindi na maibabalik kung mapaslang ka,” Napako ako sa kinatatayuan ko ng hindi na hinayaan ng mga armadong lalaki na makatakas si tiya Lena. Bumangon pa ito, ngunit muling pinaputukan kaya nalugmok ulit sa kalsada. Namalayan ko na lang may mainit na luhang pumatak sa aking pisngi. Awa at nanghihinayang para sa itinuturing ko ng tiyahin. “Love! God damnit!” malutong na mura ni Scott ng maabutan n'ya ako. Naabutan niya ako dahil huminto na ako na dapat ay tatakbuhin ko ang nakahandusay sa semento na si tiya Lena. Hindi ako nakalapit sa mismong katawan ng Tiyahin ngunit malapit lang ako. Nilapitan kasi ng mga pulis bawal pala lapitan muna. Maraming mga taong nagusyuso. Iba-iba ang mga chismis hindi ko na itinama. Mayroon nagsasabi na matatahimik na raw sila dahil maingay din at chismosa itong si tiyang. Hilig daw gumawa ng kwento kaya maraming kaaway.
BelleNang malapit na kami ni Scott sa M. Dela Cruz. Kinuhit ko siya gusto ko kasi roon muna kami sa bahay bago umuwi sa apartment.“May kailangan ka, love?” saglit niya akong nilingon bago muling ipagpatuloy ang kaniyang pagmamaneho.“Doon muna tayo sa dati naming bahay. Gusto kong masilip kung gaano'ng kalaki ang pinsala sa bahay namin,” nakangiti ko pang pakiusap sa kaniya ngunit nagsalubong ang kilay ni Scott ayaw akong pagbigyan.“Love, hindi maaari. Delikado pa dahil katatapos lang ng sunog. Bukas na bukas din. Kung gusto mo maaga pa tayo pupunta roon. H'wag lang ngayon kasi mausok pa rin panigurado doon."“Sisilip lang ako gusto ko lang makita. Please, Scott?”Humugot ito ng hangin tila nagdadalawang isip talaga kung susundin n'ya ako. Nag-iwas ako ng tingin bigla akong nalungkot hindi niya ako pinagbigyan. Maya-maya nagtaka ako ng maulinigan ko ang mahina nitong mura kaya nilingon ko siya puno ng pagtataka.“Dammit!” bulong nito. Humarap na lang ako sa kaniya. At dahil makulit
Belle “See? Kayong mag-ama lang talaga ang masyadong OA. Ako pa ang lumalabas na masama dahil lang na-invite ko si Abril. Big deal sa inyong mag-ama. Pero okay lang naman pala rito kay Belle, kayong mag-ama lang ang masyadong nag-re-react,” Tumikhim si Scott. Tumingin ako sa kaniya at hinawakan ko siya sa kamay niya upang ipaalalang, Mommy niya pa rin kahit na anong kagaspang ng ugali nito sa ‘kin. Tumigil ng kumain si Scott. Kaya tumingin ako sa kaniya. Marami pang kanin kasi marami akong inilagay sa plato niya. “Tapos ka ng kumain Scott Miguel?!” may diin sa boses ni tita Mabel. Iiling si Tito Edward sa asawa niya kahit man ako nagpapasensya lang ako. “Sinong gaganahan sa ginawa mo. Masaya dapat itong family dinner natin ikaw rin ang gumawa ng gulo,” “Family dinner pala bakit may iba pa tayong kasama?” laban pa nito sa tito Edward kaya napayuko ako. Hindi nga talaga ako gusto para sa anak niya. Dahil mayaman ang gusto nito para kay Scott Miguel. At iyon ay si Abril l
Belle “Ang lamig ng kamay mo, love. Relax ako ang bahala sa yo,” assurance ni Scott pagkatapos pinagsalikop nito ang palad namin at mariin hinalikan pa iyon. Nakapasok na kami sa loob ng gate saktong ala-sais ng gabi. Hindi nga lang kami nakababa pa ng kotse. Kasi kanina ko pa siya pinipigilan. Kahit bukas na iyon sa gilid ni Scott. “Natatakot ako sa mommy mo,” totoo naman sa tita Mabel ako nakatatakot. Hindi ako takot sa dad niya kahit isa pa iyon judge. Pero sa mommy ni Scott. Nakaka ilang lalo na’t alam ko ayaw nito sa ‘kin para kay Scott Miguel. Palabiro din kasi ang Tito Edward kagaya ni Scott kapag nasa mood. Akala ko sa una ay seryoso. Ngunit kapag nakilala mo. Malakas mang-asar magkatulad silang mag-ama. “Gusto mong umuwi na lang tayo?” nauunawaan akong tinanong ni Scott. Umiling ako narito na rin kami at alam din ng tito Edward narito na kami ni Scott. Ngayon pa ba ako aatras. “Tara na nga,” niyaya ko na siya. Masayang tumango si Scott kaya nawala ang nararamdaman
Belle Nang makaalis si Tiya Lena. Parang pulis si kuya Daniel kung interview -in ako. Hinihimok pa akong umalis na raw kami rito sa apartment. Total lilipat din naman kami sa bahay. Bakit hindi na lang daw ngayon. Baka raw bumalik si tiya Lena anong gawin sa ‘kin. “Sus kuya Daniel. Wala iyon hayaan mo siya hanggang gan'yan lang iyang si tiya Lena. Pero hindi naman ginagawa.” “Napakatigas talaga ng ulo mo.” “Ay si kuya may ulo ba na malambot?” aba pareho silang nasamid ni Analisa ano kaya iyon. Ang berde ng utak nitong dalawa hindi ko na lang tinanong. “Anong oras ka uuwi Kuya?” tanong ko ng tumabi ito ng upo kay Analisa. “Kararating ko lang gusto mo ng umuwi ako?” may inis ang boses nito. Bumungisngis ako. “Hindi ah. Sige sa kuwarto muna ako mag-usap muna kayo r’yan ni bff ko.” “Woi besh uuwi na ako,” hinabol ako ni Analisa. Tumigil ako at nginisihan siya. “Malapit ko ng isipin na kayong dalawa ng kuya ko, ay may lihim na unawaan. Anong totoo besh? May LQ ba?" “Wala
Belle Calling... Sandaling nawala ang atensyon ko kay kuya Daniel ng may tumatawag kay Analisa. Tumingin si Analisa sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Sino ba iyan bakit titingin ka pa sa 'kin bago mo 'yan sagutin?" "Si Scott Miguel ang tumatawag." "Ah, edi sagutin mo at itanong anong kailangan niya," Nakikinig ako kay Analisa kung anong pag-uusapan nila ni Scott. Pagkatapos lang nito mag-hello aba'y binigay agad sa 'kin. "Kausapin mo ayaw mo raw sagutin sa phone mo kaya sa 'kin tumawag." "Akina na nga!" at binigay nga agad ni Analisa. "Hello, love. Isang oras na ako tumatawag at text sa 'yo. Seriously? Kahit sagutin ang tawag ko kinatamaran mo?" "Nasa k'warto. Hindi pa ako pumasok kasi narito si Analisa at si kuya Daniel." "May gagawin ka mamaya?" tanong pa ni Scott. Wala akong gagawin pero saan niya ako dadalhin. "Bakit mo naitanong?" "Susunduin kita dinner tayo sa bahay. Hinanap ka ni daddy," "Ahmm," "Please? Akong bahala hindi ka makaririnig ng m
Belle “Analisa buntis ka!?” Labis ang aking pagtataka sa nakalarawan galit sa mukha ng kuya Daniel ko. Kung bakit naman ganoon ang react ni kuya sa kaibigan ko parang gustong tirisin kung sino man ang kaaway nito. Si Analisa naman sandaling nakitaan ko na kinakabahan ngunit mabilis lang din ito nakabawi. May lihim na bang unawaan ang kuya Daniel ko at ang bestfriend ko? Hmm, kaya ganun na lang ba ang reaksyon ni kuya pagkakita sa PT? “Kuya hindi ka nagsabi na pupunta ka?” tinaasan ko siya ng kilay. “Tsk! I texted you. Ikaw lang little sis ang hindi nagbabasa ng message,” tinatamad n'yang sagot sa akin. “Ahehe…oo nga naroon pala sa silid ang phone ko hindi pa ako sumilip simula kanina paggising ko.” “Alas diyes na ah! Ngayon ka lang ba nagising?” Ngumiti ako't tumango. Ngunit ng tumayo si Analisa hayun ulit si kuya Daniel badtrip na naman sa PT na hawak ng kaibigan ko. Bakit hindi kasi bitiwan aba'y hawak pa rin talaga walang balak magpaliwanag sa galit kong kuya Dani
Belle “Love, papasok na ako,” paalam ni Scott kinabukasan. Papasok daw e, mahigpit pa rin nakayakap sa baywang ko. Tinulak ko hindi ako pinakawalan sa halip siniil ako ng halik sa labi ko. Ito rin ang unang tumapos nagkasya na lang na yakap ako at nakatitig siya sa ‘kin. Inirapan ko nakangisi lang talaga kahit masungit ako. “Alis na!” taboy ko sa kaniya kakamot na lang si Scott Miguel sa kilay niya napabumuntong hininga ito. Kasi naiinis ako sa hitsura ni Scott. “Palaging mainit ang ulo mo sa akin, love,” sabi pa niya matiim akong pinagmamasdan parang ang lalim ng iniisip. “Kasi papasok ka pa kaya tinataboy kita. Tanghali ka na gumising. Kanina pa si kuya nakaalis ikaw narito pa,” “May nabuo na ba tayo, mmm? Kaya palaging mainit ang ulo mo sa akin?” nakangisi niyang tanong. Naningkit ang mata ko kaya tumawa ito hinalikan ako sa noo ko. “Aalis na ako. I love you, love,” bulong niya pagkatapos humalik din sa pisngi ko. “I love you too, attorney,” sagot ko kumislap ang mata ni
Belle Nang sumapit ang alas-nueve ng gabi. Nagpaalam na si Analisa at Nanay niya na uuwi sa bahay nila. Papasok pa pala si Analisa sa Elite, nagpaalam lang kay Mamasang na ten pm na siya papasok pinayagan naman siya ni Mamasang. “Kuya! Ihatid mo si Analisa at Nanay," anang ko tumayo naman din agad si kuya Daniel. “Hindi na besh. Kasama ko naman si Nanay ah,” “Luh! Hindi naman sa bahay n'yo. Sa Elite club. Bakit umiiwas ka yata Analisa? Hmm, dati rati friendship kayo niyan ni kuya Daniel,” paalala ko baka lang nagka amnesia rin ang bestfriend ko hindi na naalala si kuya Daniel. “Taxi naman ako ayos lang. Nag-uusap pa kayo—” “Hindi! Ipahahatid kita para hindi ka na mahirapan mag-abang ng taxi. Tumingin ako sa kuya Daniel. “Kuya ihatid mo hanggang sa Elite club ha? Sa bahay muna nila at antayin mo na lang,” “Okay sis. Babalik ako mamaya rito ako matutulog ngunit mamaya na pagka out ni Analisa.” “Baka kuya tulog na kami niyan. Ito susi ko pumasok ka na lang pagdating mo. Di
Lovebele “Bakit late ka, besh?” sinalubong ako ng bestfriend kong si Analisa, sa pinto pa lang ng dressing room at hinila na ako papasok sa loob upang magbihis. Buntonghininga ako hinilot ko ang noo ko. Nagtaka ang kaibigan ko ngunit hindi ko na inantay na tanungin ako kung anong problema ko. Sinabi ko na agad sa kaniya. “Hinatid ko muna si Bebeng at Jaya sa inyo, besh. Buset ‘yang si Tiyang. Naabutan kong pinagsasampal si Bebeng. Buti na lang nakalimutan ko iyong balisong ko na lagi ko dala-dala kapag ako'y papasok. Kaya bumalik ako sa bahay.” “Kapal talaga niyang Tiyahin mo. Noon saleslasy ka pa. Inuubos hinihingi ang sahod mo nagtitiis ang dalawa mong kapatid na walang baon. At palaging hindi pinakakain,” gigil ang boses ng kaibigan ko kapag nababanggit ang Tiyahin ko. “Kung hindi lang ako nagmamadali dahil papasok pa ako. Papatulan ko na iyon, besh. Sobra na siya pati si Jaya. Gusto n'yang ereto doon sa kilala niyang intsik. Kanina ko lang nalaman pinagbantaan ang kapatid...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments