Lovebele
Kinuhit ako ni Analisa sa braso’t impit ang tili pagkakita kay Attorney Scott. Sina Tiya Lena at mga pulis parang nakakita ng artista nabatobalani. Tulalang namamangha habang nakatitig kay Scott. Ang guwapo naman kasi nito. Idagdag pa blue eyes ito para bang nangungusap ang mata ni Scott, kapag nakatitig sa akin. Feeling ko may foreign blood si Scott Miguel. Well kung pagbabasehan ang surname nito malamang nga half afam ito. Pasimple akong tumingin sa Tiya Lena, natitigilan sa bagong dating na si Scott. Pero s'yempre kapag nakabawi ang bruha kong Tiyahin. Balik ulit ito sa pakay nito sa akin. Hindi ko alam kung saan si Tiya Lena, kumukuha ng kakapalan ng pagmumukha. Kung sumugod dito sa bahay nila Analisa. Akala mo hindi siya ang naunang sumugod sa akin. Ayaw lang ni Bebeng na masaktan ako kaya nito nilapitan si Tiya Lena. Kung mayroon makukulong. Sisiguruhin ko si Tiya Lena iyon. Sa dami nitong kasalanan sa aming tatlong magkapatid bagay rito maghimas ng rehas sa kulungan at nang malusaw ang taba. Este, malusaw ang masama nitong pag-uugali. “Besh….pigilan mo ako malalaglag ang panty ko. Waaah…beshy ang guwapo talaga niya,” bulong ni Analisa sa aking tabi na kanina pa panay hila sa damit ko sa labis na kilig sa ka-pogian daw ni Scott. “Gage pigilan mo dahil alam mo na.” “Oo naman alams na ko naman beshy. Iyo na si Scott Miguel. Ayieee, ayieee, lumalandi na ang bestfriend ko.” Tumikhim ako kasi nakataas ang sulok ng labi ni Scott, nakatingin sa amin ni Analisa. “Scott? Hey, anong ginagawa mo rito? Sobra ka, paano mo nalaman itong bahay namin?” tanong ko sinamahan ng magandang ngiti. Natampal ko ang noo ko kasi itong bestfriend ko panay hila sa pangtaas kong damit. Mas bumaba ang neckline, kaya taas ng boobs ko sumisilip. Nag-iwas ng tingin si Scott at ng humarap ulit naging seryoso. Binigyan ko naman ng may babalang tingin si Analisa na ‘wag ng hilahin ang damit ko aba'y nakikita na ang aking boobs. “Dali mong nahanap itong lugar namin,” saad ko kay Scott. “Oo nga pala malapit pala ang bahay n'yo rito diba?” sabi ko pa na kina kunot ng noo ni Scott. Ngumiti ako. “Alam ko sa condo mo ikaw nags-stay pasensya na,” mahina kong sabi. Tumango si Scott. Ngunit bakit gano'n parang naguguluhan ito sa aking sinabi. Hindi bale na nga. Hindi naman iyon importante. “Bakit mo ako iniwan?” “A-ano… kasi emergency kaya mabilisan ang uwi ko,” tugon ko bakit ko nauutal sa harapan nito. Bumuntonghininga ito pinasadahan ako ng tingin. Bigla akong na conscious kasi nga p****k short itong suot ko hiniram ko kay Analisa, tapos ang pangtaas pa ay spaghetti strap. Kita pa cleavage ko. “Hindi ka nagbihis lumabas ka ng nakaganyan?” parang naga-akusa na saad nito. “Biglaan kasi ang punta ng mga pulis hindi ko na naisip iyon.” “Tsk! Kahit na,” saad ni Scott. Na para bang big deal ito sa kaniya ang hitsura ko. Teka lang ano ko ba siya? Nagjugjugan lang kami marami ng bawal? “Uhm, ano nga pala ang ginagawa mo rito? May sadya ka ba sa ‘kin?” tanong sa kaniya. “Mayroon at malalaman mo mamaya. Magbihis ka muna pwede?” “Okay na ito. Sa club nga naka bikini mo akong nakita anong bago?” “Belle, sa club iyon. Public ang lugar na ito. Sa club ay trabaho lang kaya ka nakasuot ng ganoon. Iba naman dito,” sabi nito parang galit. “Ano ba kasi ang kailangan mo?” “May kinuha ka kaya dapat lang magpaliwanag ka sa ‘kin,” “Tingnan mo nga naman. Bukod sa pinagtangkaan ang buhay ko. Magnanakaw din pala itong babaeng ito,” sumabat si Tiya Lena. “Alam mo wala akong ginawang kasalanan sa ‘yo. Ikaw ang nauna at pinatulan mo pa si Bebeng kaya kakasa ako!” “Pinagtangkaan mo pa rin akong patayin kaya dapat lang na makulong kang malandi ka!”Lovebele Naglaban kami ng nakamamatay na titigan ni Tiya Lena. Hindi ko uurungan ang tapang nito. Siya ang unang bumawi ng tingin kaysa sa akin. Unang nagsalita ang bestfriend ko. “Mamang pulis. Wag po kayong maniwala sa Balyenang iyan. Manloloko iyan dito sa lugar namin. Niloloko lang po kayo niyan.. Ang totoo po niyan siya po ang totoong may kasalanan hindi po ang bestfriend ko.” “Hoy! Isa ka pang malandi ka! Palibhasa iisa ang kaliskis n'yo ng babaeng haliparot na iyan kaya todo depensa ka,” “Hoy ka rin tiya Lena. Wag na wag mong idadamay rito ang bestfriend ko!” bulyaw ko rin sa kaniya. “Bakit masakit ba malaman ang katotohanan?” sabi pa nitong Tiyang Lena. “Of course pareho kami ng beshsyup kong Lovebele, fresh palagi at super ganda. At higit sa lahat, batang-bata. Eh, ikaw Balyenang aswang? Kahit na maligo ka pa ng sampung beses sa isang araw. Hindi ka pa rin magiging fresh dahil isa ka ng Balyenang bilasa,” panggagalit dito ni Analisa. Gusto kong tumawa dahil namul
Lovebele “Nasaan ako? Nilibot ko ang aking mata ko sa paligid. Ospital? Bulong ko, nang makita ko ang puting pintura sa buong sulok ng dingding sa kinaroroonan kong k'warto. Ospital nga kasi pag-angat ko ng kamay bumungad sa akin ang nakakabit na dextrose sa kamay ko.Naalala ko na ang nangyari. Hinimatay ako dahil sa labis na sama ng aking pakiramdam….Bumalik ang tingin ko sa dingding upang alamin kung anong oras na. Luh! Bakt alas alas diyes na ng umaga ngayon…ibig sabihin ba nito kagabi pa ako rito?“Scott?” mahina kong bulong pagkakita rito na nakayupyop sa gilid ng kama.Inangat ko ang palad ko na walang nakakabit na swero upang hawakan ang buhok ni Scott. Dahan-dahan ko iyon hinagod ng pasuklay.Nanlaki ang aking mata ng gumalaw ito kaya mabilis kong binawi ang aking kamay nagkunwari wala akong ginawa sa buhok niya.Unti-unti umangat nag ulo ni Scott. Bayolente akong napalunok. Nang magtama ang aming mata pag-angat nito ng ulo. Ngumiti ako ngunit si Scott, mabilisan akong nila
Lovebele "Salamat, Scott," saad ko nang ako'y kumalma. "My pleasure, love...Bele? Narinig ko tumawa. Sa sunod kapag nasa tama kayo. Dapat matapang kayo lumaban." "Madali lang sabihin kasi may pera ka. May pangalan ka na kilala sa Pinas. Pero sa katulad naming mahirap. Malabo iyang sinasabi mo na kapag tama, ay lumaban. Dati ginawa na namin iyon. Pero sa huli kami ang nawalan." "What do you mean, mmm?" tanong nito parang nagtataka pa tinanong niya ako. "Wala, mema lang," sagot ko ngunit narinig ko napa 'tsk' ito tila ayaw maniwala sa 'king sinabi. "Okay," sabi na lang nito at inayos pa ang buhok ko. "Ehem!" tumikhim ako ngunit umingay ang phone ni Scott tanda na mayroon tumatawag. Nagri-ring ang phone ni Scott kaya humiwalay ako sa kaniya. Mabuti pinakawalan din ako hindi niya ako pinigilan. Hindi kasi nito pinapansin ewan kong sinasadya ba nito kasi impossible namang hindi niya iyon naririnig. Ang lakas kaya ng ringtone ng phone niya plus may vibrate rin iyon. Kaya si
Lovebele Akala ko si Scott ang bumalik ngunit ang bestfriend kong si Analisa, lang pala ang pumasok sa pinto. Lumapit agad si Analisa sa 'kin. Umupo sa gilid ng kama ko. Nakita kaya nito si Scott sa labas? Mahina ko pang sabi tanong sa 'king sarili. Parang nabasa ni Analisa ang iniisip ko. Kaya nanunukso ang mata tiningnan ako. “Na miss mo agad si hattorney, ano? Nasa labas lang naman iyan sa pinto. Parang model nakasandal sa gilid ng pinto habang may kausap sa phone niya. Daming napapalingon na mga babae. Kahit ako lumingon ako, besh. Ang hot naman kasi hindi ko mapigilan lihim na pagnasaan, este pasadahan ng tingin. Ano bang feeling besh, kapag nakipagjugjugan?” tanong nito sabay hagikhik. “Meserep,” ngisi ko putrages akala mo kung makatili kiniliti ng bongga. “Magaling ba?” tanong ulit nito. “Secret! ‘wag mo ng itanong sa 'min na lang iyon ni, Scott,” “Madamot naman bff,” wika nito't nakapangalumbaba pa sa akin nakatingin. “Sana Lord kapag binigyan mo ako ng kukuha sa
Lovebele “Oh? Bakit alam iyon ni Mamasang?” tanong ko kay Analisa nakataas kilay ko. Bigla akong pinag-overthink ng manager namin. Kasi first time lang ni attorney pumasok sa Elite club. Ang bilis naman makasagap ni Mamasang ng balita tungkol kay Scott Miguel. Maliban lang kung dati pang pabalik-balik si Scott, noong hindi pa ako dancer sa Elite club, kaya kilala na siya ni Mamasang. Binata naman si Scott, Lovebele? Masama bang pumasok si hottorney sa club? Eh, kung yung may mga asawa nga laman ng mga club o bar si Scott pa kaya na binata? Oo nga naman bakit masyado iyon big deal sa ‘kin. “Besh, matagal na bang customer si Scott sa club?” tanong ko kinaawang ng labi nito ngunit mamaya lang tinukso ako. “Oi interesado siya,” anang nito itinataas-taas pa kilay inaasar ako. “Kung matagal na siyang pumapasok doon. May angal ka?” tudyo ng babahita sa ‘kin. “Tsk, kahit pa gabi-gabi siya laman ng Elite club pakialam ko roon,” anang ko kina bungisngis ng bruha. “Bakit lumalaki ang butas
Lovebele "S-Scott," nauutal kong sabi dahil sa kaniyang itinatanong sa 'min ni Analisa. “W-wala iyon mabiro lang talaga itong kaibigan ko,” sagot ko kay Scott bago pa ako unahan ng bruha kong kaibigan sa nakakahiya namin pinag-usapan tungkol sa nangyari sa amin dalawa. Tumikhim ako. "Ang bilis mo naman makipagusap sa girlfriend mo,” wika ko para iligaw ko siya sa narinig n'yang topic na pinag-uusapan namin ni Analisa kanina. “Tapos na,” tugon ni Scott umupo rin sa gilid ko. Edi girlfriend nga talaga niya ang Zorayda na iyon. Ano ba bakit ganito ang naisip ko wala naman kami ni Scott para usisain ko pa siya sa kausap. “Hindi na ba bumalik si Aling Balyena?” tanong ni Scott kay Analisa pero bakit sa ‘kin siya nakatingin? Napansin ko rin ang bansag niya sa Tiya Lena. Si Analisa kasi pasimuno sa ‘balyena’ kung tawagin ang Tiyang ay Balyena. Napakamot na lang ako sa kilay ko. “Sana nga hindi na iyon bumalik,” sabi ulit ni Scott nanatili pa rin sa 'kin ang tingin. “Sa ngayon nana
Lovebele “Ehem!” tumikhim si Scott dahil nakatingin pa rin ako sa pinto kahit nakasarado na iyon at nakaalis na ang bestfriend kong si Analisa. “Bakit?” “Gusto mo bang hanapan kita ng bagong trabaho? Marami kang p'wede pasukan kung gusto mo lang naman," Naningkit ang mata ko't nakipag tagisan ng titigan kay Scott. Parang sa salita nito minamaliit kaming mga dancer doon sa Elite club. “I'm sorry, Belle. Wala akong ibig sabihin sa aking sinabi. Hindi ko intention na i-offend ka, gusto ko lang alukin ka ng ibang trabaho." Dumilim lalo ang mukha ko't tiningnan ng masama si Scott. “Sa tingin mo ba, magtitiyaga ako roon na bikini lang ang suot ko na sumasayaw sa harapan ng mga lalake, kung ayaw ko sa trabaho na iyon ha, attorney? Gago! Kahit Hindi mo sabihin alam na alam ko ang meaning sa salita mong ‘yan. Minamaliit mo ang trabaho ng mga dancer sa Elite club. FYI ha, attorney Scott. Baka nga mas malinis pa ang kaluluwa ng mga dancer na nagtatrabaho roon sa Elite club kaysa ug
Lovebele Natagalan bago nakabalik si Scott sa k'warto. Kaya nasabi ko na matagal dahil wala pa naman akong naririnig na pumasok sa pinto. Kasi kanina paglabas niya isinarado niya ang pinto ngayon wala pa akong naririnig na nagbukas ng pinto. Hindi ko namalayan may mainit na palang likidong pumatak sa pisngi ko. Napakurap ako dahil luha na pala iyon kaya mabilis ko iyon pinunasan sa pisngi ko at pinilit maging kalmado. Sakto lang din huminahon na ako ng marinig kong bumukas ang pinto. Nagkunwari akong hindi ko siya narinig, dahil alam ko naman na si Scott iyon kaya nanatili akong nakatalikod sa kung nasaan ang pinto. Hindi nga ako nagkamali of course, si Scott Miguel nga. Dahil tumikhim ito at hula ko malapit lang si Scott sa ‘kin at pinagmamasdan niya ako. Dahil ramdam ko ang mainit nitong titig sa aking likuran. “Antayin lang natin ang nurse parating na iyon kasi aalisin pa iyang nakakabit mong swero. Pagkatapos naman niyan matanggal, uuwi ka na talaga ‘wag ka munang mainip,
Belle Nang sumapit ang alas-nueve ng gabi. Nagpaalam na si Analisa at Nanay niya na uuwi sa bahay nila. Papasok pa pala si Analisa sa Elite, nagpaalam lang kay Mamasang na ten pm na siya papasok pinayagan naman siya ni Mamasang. “Kuya! Ihatid mo si Analisa at Nanay," anang ko tumayo naman din agad si kuya Daniel. “Hindi na besh. Kasama ko naman si Nanay ah,” “Luh! Hindi naman sa bahay n'yo. Sa Elite club. Bakit umiiwas ka yata Analisa? Hmm, dati rati friendship kayo niyan ni kuya Daniel,” paalala ko baka lang nagka amnesia rin ang bestfriend ko hindi na naalala si kuya Daniel. “Taxi naman ako ayos lang. Nag-uusap pa kayo—” “Hindi! Ipahahatid kita para hindi ka na mahirapan mag-abang ng taxi. Tumingin ako sa kuya Daniel. “Kuya ihatid mo hanggang sa Elite club ha? Sa bahay muna nila at antayin mo na lang,” “Okay sis. Babalik ako mamaya rito ako matutulog ngunit mamaya na pagka out ni Analisa.” “Baka kuya tulog na kami niyan. Ito susi ko pumasok ka na lang pagdating mo. Di
Belle "Dahil diyan besh, siguro naman pwede na tayong kumain. Gutom na ako. Isa pa talaga bang dito na lang tayo sa pinto?" sumabat si Analisa at doon lang din namin naalala hindi nga kami nakaalis sa pinto. Nagkatawanan kaming lahat. Tawa na puno ng saya. "Yes! Makakakain na rin ng unlimited cake," pumalpak si Bebeng ng buksan nila Scott ang tatlong cake. Kasi ang hawak ni Jaya. Galing daw iyon kay kuya Daniel. Iba rin kay Scott at kay Analisa. "Jaya ikaw na ang mag-umpisa kumanta." Utos ni Analisa. "Sure ate Lisa," wika ni Jaya nag-umpisa ng kumanta. Sumabay ang lahat. “Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday happy birthday, happy birthday ate, Belle. Dali ate Love. Blow the candle na and make a wish na,” sabi ng kapatid kong si Jaya na may hawak na rectangular chocolate cake. Umuulan ng cake. Natakam ako lahat kasi ay favorite ko. Pumikit ako. Isa lang naman ang hiling ko. Kung nasaan sina mommy ngayon sana nakikisaya rin sila sa okasyon na ito
Belle Nang ilang sandali kaming magkayakap ni Scott Miguel. Kumalas ako sa kaniya upang balita ko sa kuya Daniel na wala na akong amnesia. “Bakit?” tanong pa ni Scott ngunit umiling ako at humarap sa kuya Daniel ko. “Kuya Daniel,” anang ko namula agad ang mata ko dahil sa guilty sa katigasan ng ulo ko. Kumunot ang noo nila pareho ni Scott Miguel. Noon si Kuya Daniel lang ang tagapagtanggol ko ngayon ay dalawa na sila ni Scott Miguel, kaya sobra akong natutuwa. Sa mommy at daddy lang namin ni kuya Daniel ako nalungkot. Kasi ngayon dapat makakasama ko na sila ngunit wala na akong naabutan. “Bakit gan'yan ang reaksyon mo sis? Ayaw mo ba sa sorpresa na ito?” aniya ay tila bang na stress ang kuya ko. Kasi nga naman paiyak na ako ngayon ng sumagi sa isip ko ang mabait naming magulang. Tumulo na pala ang luha ko naulinigan ko pareho sila napamura ni Scott Miguel at kuya Daniel. "Shit!" Sinamaan ng tingin ni kuya Daniel si Scott Miguel. Talagang sa paraan ng titig nito sa boy
Belle Naalala ko na ang nangyari noon. Dahil sa pagpigil ko na makidnap iyong batang nakita ko roon sa parking lot. Pati ako ay nadamay. Na-guilty ako sa pangungulila ni kuya sa ‘kin lalo na sinisi nito ang sarili niya dahil sa pagkawala ko. Isang sindikato ang napuntahan ko. May clinic sa loob ng warehouse na nagbebenta ng organ sa mga nangangailangan pasyente sa ospital. Lahat ng mga batang nakukuha nila inaalisan ng organ pagkatapos pinapatay at doon din sa warehouse na iyon nililibing. Illegal ang operation ng clinic na iyon. Sana malaman ng awtoridad ang illegal na operation ng clinic. Upang managot sa batas ang walang pusong nagpapatakbo noon. Kawawa ang mga magulang ng mga batang nawawala. Hindi na kailanman makababalik sa nanngungulilang pamilya. Nag-unahan tumulo ang luha sa pisngi ko. Isang linggo akong umiiyak gaya sa mga batang kasama ko. Sa pinagdaanan ko sa nakaraan. Buti na lang nakatakas ako dapat ako na ang nakatakdang isalang kinabukasan para kunin ang orga
Belle Flashback…. “Bunso ‘wag na ‘wag kang bababa rito ha? Mabilis lang ako sa loob ng grocery store.” “Opo kuya,” nakangiti kong sabi nagba-bye pa ako ng kamay ko pagkatapos umayos ng upo. “Good!” tugon nito pagkatapos lumabas na ng kotse. Sampung minuto pa si kuya nakaalis ng may nakita akong batang lalaki kinakaladkad at pilit na isinasakay sa kotse. Maganda ang suot ng batang lalaki. Hala! Nanlaki ang mata ko. Sabi ng mommy ko marami ngayon pakalat-kalat na masasamang tao kaya magi-ingat daw ako. Pero kawawa naman iyong bata kapag hindi ko tutulungan. Nagpalinga-linga ako sa paligid baka may p'wedeng hingian ng tulong habang hindi pa tuluyang naisakay ang bata sa nakaabang na van. Wala akong makita ni isa. Galing naman tumiming nitong kidnaper walang dumadating na sasakyan ngayon dito sa parking lot. Naawa ako sa batang lalaki kasi umiiyak hinahanap ang mommy nito. Paano kaya ito nakuha ng mga kidnaper bakit pinabayaan ng mommy niya. O baka hinahanap na ito nalig
Belle "Ate Belle, pwede rin po ako pumunta kay ate Jaya, sa bakery?" naulinigan ko tanong ni Bebeng. Lumundo ang kama sa gilid ko umupo siguro ang kapatid ko. Ha? Anong oras na kaya? Hindi na ako gaano'n inaantok pero ayaw ko lang dumilat at bumangon. Nitong dalawang araw. Napansin ko mas gusto kong matulog at humilita na lang. Kaya nga hapon na ako nagtutungo ng bakery kalimitan alas-dos na ng hapon. "Sige na ate Belle. Babalik din agad ako," paalam nito kaya tumango ako. Panahon na siguro masanay sila sa bakery para katuwang ko mapalago ang maliit naming negosyo kapag hindi ko kaya pumunta roon. "Basta sa kakilalang tricycle ka sumakay ha? I-text mo sa 'kin kapag naroon ka na," bilin ko sa kaniya. "Yes! The best ka talagang ate. Love po kita mwahhh...." niyakap ako sa leeg hinalikan sa magkabila kong pisngi. "Galing ng convincing power ah," anang ko. Pero masaya ako kasi ang lambing talaga ni Bebeng. Well pareho naman sila ni Jaya. Mas malambing nga lang si Bebeng kaysa
Belle Nang makarating kami ni sir Daniel sa apartment. Nag-effort pa rin akong i-text si Scott Miguel. Ako: nakauwi ako ng ligtas. Nasa apartment na ako. Text mo ako kapag nakauwi ka na rin sa condo unit mo. Ako: Scott, sorry sa nasabi ko kanina. Gulong-gulo lang ang isip ko. Hindi ko talaga kayang maghiwalay tayo dahil mahal na mahal kita. Nag-antay ako ng reply nito kung sasagot agad si Scott. Nang wala pa. Inilapag ko na muna ang cellphone ko sa sofa. Lumingon ako sa kuya Daniel ko. Napangiti ako ng lihim ko s'yang tawagin ng kuya Daniel ko. Kasi para bang sanay na sanay akong tawagin siyang kuya. Mabait kaya itong kuya? Sa layo kasi ng agwat ng edad namin ni kuya Daniel. Siguro madalas kaming mag-away. Hindi magkasundo lalo pa babae ako magkaiba kami ng hilig. “Gusto mong kape?” tanong ko sa kaniya itinuro ko ang maliit naming sofa. Umiling ito umupo pagkatapos sa akin na nakatitig lang. “Bakit?” nakataas kilay na tanong ko sa kaniya nagpamaywang pa ako ngumiti lang i
Belle Naging tahimik kami ni Scott ng pabalik sa table ng magulang niya. Ngunit ng makarating kami sa table ng magulang niya ngumiti na ako. Pinasadahan ako ng tingin ng mommy ni Scott, ngumiti pa rin ako kahit feeling ko tinaasan nito ako ng kilay. “Daddy, ihahatid ko lang po si Belle. Sumama ang pakiramdam niya,” iyon agad ang sinabi ni Scott sa daddy niya. “Anak party ng dad mo aalis ka na agad?” sumagot si Tita Mabel tila dismayado pagkatapos sa akin tumingin napalunok ako kaya pinilit ko maging kalmado. “Hindi po ako ihahatid ni Scott. Diba? Tumingin ako sa kaniya. Hanggang sa parking lot lang po. May susundo po sa akin kapatid ko po,” tugon ko kaya tumango si Tito Edward ngunit hindi si tita Mabel. “Sure ka ba hija okay ka lang? Maiintindihan ko kung ihahatid ka hanggang sa bahay n'yo ng anak ko—” “Edward! Sinabi na nga ni Belle, susunduin ng kapatid bakit ihahatid pa ng anak mo. Isa pa hindi pa tapos ang party mo. Hindi pa nga nakikita iyan ng ibang bisita kasi naka
Belle Nakangiti ako habang pinanood si Scott, siya kasi ang unang hiningian ng speech noong emcee, ng birthday message para sa daddy niya. Seryoso din akong nagbi-video sa kaniya. Pangalawa ang Tito Edward. Ang galing nitong speaker. Hindi nakakaantok kasi may kasamang biro ang atake nito. Natapos ang Tito Edward si Tita Mabel naman ang huli. Kahit na inaaway ako ni Tita Mabel. Kinukuhaan ko pa rin siya ng video. Sa kalagitnaan ng speech nito. Napasinghap ako. “Isa rin itong pagkakataon para ipaalam ko sa lahat, ang nalalapit na pagpapakasal ng nag-iisa naming anak na si Scott Miguel Stewart. Sa anak nina attorney Carlos at doktora Michelle, walang iba si doktora Abril.” Masigabong palakpakan ang nangingibabaw sa buong venue sa announcement na iyon ni Mrs. Stewart. May humiling pa na mga bisita kung maari daw paakyatin sa stage si Abril. Napatingin ako kay Scott. Nakita ko gustong iwanan ang magulang niya sa taas umiling ako. “I'm sorry. Inihatid muna pauwi ng anak ko, dahil m