Lovebele
Kanina pa akong pabalik-balik ng lakad sa labas ng emergency room habang nasa loob si Bebeng ginagamot ng duty doktor. Umupo ako sa tabi ni Analisa hinawakan ko ang palad niya. “Besh, natatakot ako baka kung ano na ang nangyari sa kapatid ko,” anang ko kinukurot ko ang palad ko. “Gaga, lalo kang kinakabahan kasi nga ang likot mo. Maaari bang pumirmi ka ng upo. Ako nga kanina pa nahihilo sa ‘yo,” saad ng bestfriend ko sa 'kin. Lumabas ang doktor na kasama ni Bebeng sa loob. Hinahanap nito kung sino ang kamag-anak ni Bebeng. Nagtaas ako ng kamay pinalapit n'ya ako. “Dok, kumusta po ang kapatid ko?” “Nalinis na namin sugat niya. Malaki kasi ang sugat no choice tinahi namin ng gayon maampat ang pagdurugo,” wika nito't pagkatapos bumaling sa hawak na medyo may kakapalan na papel. Binuklat nito ang hawak na papel. Kapagkuwan nagsulat ito at nang matapos bumalik ng tingin sa ‘kin. “Request ito para sa head CT scan ng kapatid mo. D'yan lang sa harap mayroon sila. Kapag nakapag palista ka na. Balikan mo ang kapatid mo para maisagawa na ngayon.” “Sige ho, dok. Pupunta na ako.” Nagpaalam ako sa kaibigan ko. Si Jaya gustong sumama sabi ko ako na lang mabilis lang naman ako. Babalik din agad ako. Pagdating ko sa sinasabi ni dok na CT scan corner. Walang tao kaya mabilis akong bumalik sa ospital binalikan ko si Bebeng. Mabilis lang natapos muli kaming bumalik sa ospital ni Bebeng. Dito pa kami matutulog kasi bukas pa ng tanghali ang result ayon sa radiologist. Pagdating ng hapon umuwi si Analisa. Kasi may pasok din ang kaibigan ko. Binilin ko dalhin niya pauwi ang bag ko na naiwan sa locker. “Besh, kahit kami na rito kasi alam ko puyat ka mamaya.” “Maliit na bagay. Matutulog naman muna ako bago pumarito.Tanghali pa naman diba ang labas ni Bebeng?” “Oo ikaw lang kasi puyat ka pa naman niyan.” “Kayang-kaya beshy no worries,” sabi nito. Naiwan kami ni Jaya. Bukas daw Sabi ni Doktora lalabas si Bebeng kung wala naman problema sa result ng CT scan niya. Kinabukasan nakuha namin ng alas-nueve ng umaga ng result. Dumating din si Analisa saktong pauwi kami. “Swerte pa rin ang kapatid n'yo kasi mababaw lang ang natamong sugat. Wala akong nakita sa result ng CT scan. Maaari na kayong umuwi ngayon. Ang reseta niyang gamot tuloy ang inom ha? Especially the antibiotics. Saktong seven days.” Bilin ng doktor bago kami iwanan. Nabunutan ako ng tinik sa aking dibdib. Mabuti talaga maayos lang ang kapatid ko kun'di ewan ko na lang kung anong magawa ko sa Tiya Lena. Ala-una ng tanghali kasama na namin si Bebeng lumabas ng ospital. Kina Analisa pa rin muna kami umuwi. Pansamantala lang kasi hindi ko pa nakausap ang may-ari ng apartment na tirahan namin. Isa pa naroon pa ang susi hindi pa binigay sa ‘kin. Pagdating namin ng M. Dela Cruz. Mga marites nag-uumpukan puro tsismis inaatupag sa kalsada. Kaya walang asenso ang mga tao rito sa lugar namin. Dahil imbis na magtrabaho inuuna ang walang kabuluhang chismisan. Ending halos mga bata rito. Kapag hindi maagap nag-asawa. Hindi nakatapos mag-aral. “Mabuti naman walang masamang nangyare kay Bebeng,” nag-aalala na sinalubong kami sa pinto pa lang ng Nanay ni Analisa na si Aling Sally. “Oo nga ‘nay eh. Sobrang natakot po ako,” tugon ko sa kaniya. Nanay ang tawag ko sa Aling Sally. Nakasanayan ko na. Tinapik niya ako sa balikat. “Hindi pa rin talaga magtatagumpay ang masama laban sa kabutihan. Siya magpahinga na kayong lahat. Lalo na si Bebeng, ako'y sa talipapa bibili ng mailulutong hapunan mamaya," anang nito bago kami iwanan lumabas ng pinto. “Besh, okay na kami dito pahinga ka na rin pare-pareho tayong mga pagod.” “Saglit lang ako iidlip besh. Mamaya tayo chikahan.” “Ate ako rin maari ba akong matulog muna?” tanong ni Jaya. Baka pagod din ito kasi pareho kami hindi makatulog kagabi nag-aalala sa bunso naming kapatid. “Oo naman Jaya. Dadalhin ko na rin si Bebeng sa kuwarto. Sakto may kasama siya,” “Ate pahinga muna tayo,” niyaya ako ni Bebeng. “Wala ka pang tulog,” dugtong nito nakatitig sa mukha ko. “Sige na nga,” pagpayag ko. Tumayo muna ako upang i-locked ang pinto. Iiwan ko sana muna sila rito upang puntahan ang lilipatan naming bahay. Magsisikap ako para hindi kami mapaalis kapag wala akong pambayad. Hinawakan ni Bebeng ang palad ko. “Bakit bunso?” tanong ko. “Ate, salamat po ah. Palagi na lang kami pabigat sa ‘yo. Iyan tuloy hindi ka na nagka jowa dahil sa amin ni Ate Jaya.” “Ikaw talaga bata pa alam na jowa. Ayos lang kahit wala akong jowa. May dalawa naman akong kapatid na magaganda at mabait.” “Hayaan mo ate. Kapag ako'y maging mayaman na mayaman. Hindi ka na mahihirapan mag trabaho,” sabi pa ni Bebeng. “Sarap naman niyang pakinggan. Pero ‘wag muna iyan ang isipin natin. Kasi mga bata pa kayo. Ang magandang gawin aral kayo pareho ng mabuti. Ang Ate na ang bahala sa lahat.” Napangiti pa ako ng pareho nila akong niyakap. “I love you, Ate Lovebele. The best kang ate sa buong unibers,” saad ni Bebeng. “Ako rin naman. Mahal na mahal ko kayo ng Ate Jaya. Tara na pahinga muna tayo tatlo,” wika ko kasi kanina ko pa gustong matulog, masama ang pakiramdam ko pinipilit ko lang maging okay para hindi nila ako mahalata. May extrang k'warto sila Analisa. Kasi dati itong silid ng Kuya niya noong hindi pa nag-aasawa. Bumukod kasi simula ng magkaroon ng pamilya. Sa ibang lugar nakatira hindi rito sa M. Dela Cruz. Kaya kapag kami narito sa bahay ng kaibigan ko. Dito kami natutulog sa bakanteng silid ng Kuya nito. Kasya kaming tatlo sa kama. Medyo masikip ngunit kere lang. Dahil ligtas naman kaming tatlo sa bahay ng Aling Sally. Ang balak kong pagidlip humaba. Inabot ako ng alas kuwatro ng hapon. Mabigat ang katawan ko ngunit binulabog kami ng malakas na katok sa labas. Nagising ang dalawa naramdaman ko iyon. Mahirap lang idilat ang aking mata. Naulinigan ko nagbubulungan ang dalawa kong kapatid na kung maysakit daw ba ako kasi ang init ko raw. Sumunod boses ni Tiyang sa labas. Nag-init ang ulo ko naalala ko ang ginawa nito sa kapatid ko. “Ate!” saad ng dalawa. “Hindi ako mapapahamak, pangako,” ani ko sa dalawa. Dahan-dahan akong bumangon ngunit ang init talaga ng katawan ko. Kahit nanginginig ang tuhod ko pinilit kong magtungo sa pinto. “Nandyan iyan sa loob mamang pulis. Hoy babae! Ilabas mo ang matapang mong kaibigan nasaan na siya ngayon.” “Subukan n'yong mayroon pumasok sa loob ng bahay namin. Dedemanda ko. kayong lahat! Trespassing kayo,” binulyawan din ng kaibigan ko si Tiyang Lena. Sumulpot ako sa pinto si Tiya Lena agad ang nakakita sa akin nanlilisik ang mata. “Sabi ko na nasa loob lang iyan. Sige hulihin n'yo iyang babaeng iyan. Nakita n'yo itong mga pasa ko sa magkabila kong tuhod at mga gasgas sa magkabilang braso. Pinagtangkaan akong patayin niyang babaeng iyan.” “Kapal ng mukha mo Tiya Lena. Bagay lang sa ‘yo ang nangyare dahil ang sama mo! Lumayas kayo rito,” “Ano pa ang ginagawa n'yo hulihin iyang babaeng ‘yan,” galit na sabi ni Tiya Lena. “What's going on here?” “S-Scott?”LovebeleKinuhit ako ni Analisa sa braso’t impit ang tili pagkakita kay Attorney Scott. Sina Tiya Lena at mga pulis parang nakakita ng artista nabatobalani. Tulalang namamangha habang nakatitig kay Scott.Ang guwapo naman kasi nito. Idagdag pa blue eyes ito para bang nangungusap ang mata ni Scott, kapag nakatitig sa akin.Feeling ko may foreign blood si Scott Miguel. Well kung pagbabasehan ang surname nito malamang nga half afam ito.Pasimple akong tumingin sa Tiya Lena, natitigilan sa bagong dating na si Scott. Pero s'yempre kapag nakabawi ang bruha kong Tiyahin. Balik ulit ito sa pakay nito sa akin.Hindi ko alam kung saan si Tiya Lena, kumukuha ng kakapalan ng pagmumukha. Kung sumugod dito sa bahay nila Analisa. Akala mo hindi siya ang naunang sumugod sa akin.Ayaw lang ni Bebeng na masaktan ako kaya nito nilapitan si Tiya Lena.Kung mayroon makukulong. Sisiguruhin ko si Tiya Lena iyon. Sa dami nitong kasalanan sa aming tatlong magkapatid bagay rito maghimas ng rehas sa kulungan at
Lovebele Naglaban kami ng nakamamatay na titigan ni Tiya Lena. Hindi ko uurungan ang tapang nito. Siya ang unang bumawi ng tingin kaysa sa akin. Unang nagsalita ang bestfriend ko. “Mamang pulis. Wag po kayong maniwala sa Balyenang iyan. Manloloko iyan dito sa lugar namin. Niloloko lang po kayo niyan.. Ang totoo po niyan siya po ang totoong may kasalanan hindi po ang bestfriend ko.” “Hoy! Isa ka pang malandi ka! Palibhasa iisa ang kaliskis n'yo ng babaeng haliparot na iyan kaya todo depensa ka,” “Hoy ka rin tiya Lena. Wag na wag mong idadamay rito ang bestfriend ko!” bulyaw ko rin sa kaniya. “Bakit masakit ba malaman ang katotohanan?” sabi pa nitong Tiyang Lena. “Of course pareho kami ng beshsyup kong Lovebele, fresh palagi at super ganda. At higit sa lahat, batang-bata. Eh, ikaw Balyenang aswang? Kahit na maligo ka pa ng sampung beses sa isang araw. Hindi ka pa rin magiging fresh dahil isa ka ng Balyenang bilasa,” panggagalit dito ni Analisa. Gusto kong tumawa dahil namul
Lovebele “Nasaan ako? Nilibot ko ang aking mata ko sa paligid. Ospital? Bulong ko, nang makita ko ang puting pintura sa buong sulok ng dingding sa kinaroroonan kong k'warto. Ospital nga kasi pag-angat ko ng kamay bumungad sa akin ang nakakabit na dextrose sa kamay ko.Naalala ko na ang nangyari. Hinimatay ako dahil sa labis na sama ng aking pakiramdam….Bumalik ang tingin ko sa dingding upang alamin kung anong oras na. Luh! Bakt alas alas diyes na ng umaga ngayon…ibig sabihin ba nito kagabi pa ako rito?“Scott?” mahina kong bulong pagkakita rito na nakayupyop sa gilid ng kama.Inangat ko ang palad ko na walang nakakabit na swero upang hawakan ang buhok ni Scott. Dahan-dahan ko iyon hinagod ng pasuklay.Nanlaki ang aking mata ng gumalaw ito kaya mabilis kong binawi ang aking kamay nagkunwari wala akong ginawa sa buhok niya.Unti-unti umangat nag ulo ni Scott. Bayolente akong napalunok. Nang magtama ang aming mata pag-angat nito ng ulo. Ngumiti ako ngunit si Scott, mabilisan akong nila
Lovebele "Salamat, Scott," saad ko nang ako'y kumalma. "My pleasure, love...Bele? Narinig ko tumawa. Sa sunod kapag nasa tama kayo. Dapat matapang kayo lumaban." "Madali lang sabihin kasi may pera ka. May pangalan ka na kilala sa Pinas. Pero sa katulad naming mahirap. Malabo iyang sinasabi mo na kapag tama, ay lumaban. Dati ginawa na namin iyon. Pero sa huli kami ang nawalan." "What do you mean, mmm?" tanong nito parang nagtataka pa tinanong niya ako. "Wala, mema lang," sagot ko ngunit narinig ko napa 'tsk' ito tila ayaw maniwala sa 'king sinabi. "Okay," sabi na lang nito at inayos pa ang buhok ko. "Ehem!" tumikhim ako ngunit umingay ang phone ni Scott tanda na mayroon tumatawag. Nagri-ring ang phone ni Scott kaya humiwalay ako sa kaniya. Mabuti pinakawalan din ako hindi niya ako pinigilan. Hindi kasi nito pinapansin ewan kong sinasadya ba nito kasi impossible namang hindi niya iyon naririnig. Ang lakas kaya ng ringtone ng phone niya plus may vibrate rin iyon. Kaya si
Lovebele Akala ko si Scott ang bumalik ngunit ang bestfriend kong si Analisa, lang pala ang pumasok sa pinto. Lumapit agad si Analisa sa 'kin. Umupo sa gilid ng kama ko. Nakita kaya nito si Scott sa labas? Mahina ko pang sabi tanong sa 'king sarili. Parang nabasa ni Analisa ang iniisip ko. Kaya nanunukso ang mata tiningnan ako. “Na miss mo agad si hattorney, ano? Nasa labas lang naman iyan sa pinto. Parang model nakasandal sa gilid ng pinto habang may kausap sa phone niya. Daming napapalingon na mga babae. Kahit ako lumingon ako, besh. Ang hot naman kasi hindi ko mapigilan lihim na pagnasaan, este pasadahan ng tingin. Ano bang feeling besh, kapag nakipagjugjugan?” tanong nito sabay hagikhik. “Meserep,” ngisi ko putrages akala mo kung makatili kiniliti ng bongga. “Magaling ba?” tanong ulit nito. “Secret! ‘wag mo ng itanong sa 'min na lang iyon ni, Scott,” “Madamot naman bff,” wika nito't nakapangalumbaba pa sa akin nakatingin. “Sana Lord kapag binigyan mo ako ng kukuha sa
Lovebele “Oh? Bakit alam iyon ni Mamasang?” tanong ko kay Analisa nakataas kilay ko. Bigla akong pinag-overthink ng manager namin. Kasi first time lang ni attorney pumasok sa Elite club. Ang bilis naman makasagap ni Mamasang ng balita tungkol kay Scott Miguel. Maliban lang kung dati pang pabalik-balik si Scott, noong hindi pa ako dancer sa Elite club, kaya kilala na siya ni Mamasang. Binata naman si Scott, Lovebele? Masama bang pumasok si hottorney sa club? Eh, kung yung may mga asawa nga laman ng mga club o bar si Scott pa kaya na binata? Oo nga naman bakit masyado iyon big deal sa ‘kin. “Besh, matagal na bang customer si Scott sa club?” tanong ko kinaawang ng labi nito ngunit mamaya lang tinukso ako. “Oi interesado siya,” anang nito itinataas-taas pa kilay inaasar ako. “Kung matagal na siyang pumapasok doon. May angal ka?” tudyo ng babahita sa ‘kin. “Tsk, kahit pa gabi-gabi siya laman ng Elite club pakialam ko roon,” anang ko kina bungisngis ng bruha. “Bakit lumalaki ang butas
Lovebele "S-Scott," nauutal kong sabi dahil sa kaniyang itinatanong sa 'min ni Analisa. “W-wala iyon mabiro lang talaga itong kaibigan ko,” sagot ko kay Scott bago pa ako unahan ng bruha kong kaibigan sa nakakahiya namin pinag-usapan tungkol sa nangyari sa amin dalawa. Tumikhim ako. "Ang bilis mo naman makipagusap sa girlfriend mo,” wika ko para iligaw ko siya sa narinig n'yang topic na pinag-uusapan namin ni Analisa kanina. “Tapos na,” tugon ni Scott umupo rin sa gilid ko. Edi girlfriend nga talaga niya ang Zorayda na iyon. Ano ba bakit ganito ang naisip ko wala naman kami ni Scott para usisain ko pa siya sa kausap. “Hindi na ba bumalik si Aling Balyena?” tanong ni Scott kay Analisa pero bakit sa ‘kin siya nakatingin? Napansin ko rin ang bansag niya sa Tiya Lena. Si Analisa kasi pasimuno sa ‘balyena’ kung tawagin ang Tiyang ay Balyena. Napakamot na lang ako sa kilay ko. “Sana nga hindi na iyon bumalik,” sabi ulit ni Scott nanatili pa rin sa 'kin ang tingin. “Sa ngayon nana
Lovebele “Ehem!” tumikhim si Scott dahil nakatingin pa rin ako sa pinto kahit nakasarado na iyon at nakaalis na ang bestfriend kong si Analisa. “Bakit?” “Gusto mo bang hanapan kita ng bagong trabaho? Marami kang p'wede pasukan kung gusto mo lang naman," Naningkit ang mata ko't nakipag tagisan ng titigan kay Scott. Parang sa salita nito minamaliit kaming mga dancer doon sa Elite club. “I'm sorry, Belle. Wala akong ibig sabihin sa aking sinabi. Hindi ko intention na i-offend ka, gusto ko lang alukin ka ng ibang trabaho." Dumilim lalo ang mukha ko't tiningnan ng masama si Scott. “Sa tingin mo ba, magtitiyaga ako roon na bikini lang ang suot ko na sumasayaw sa harapan ng mga lalake, kung ayaw ko sa trabaho na iyon ha, attorney? Gago! Kahit Hindi mo sabihin alam na alam ko ang meaning sa salita mong ‘yan. Minamaliit mo ang trabaho ng mga dancer sa Elite club. FYI ha, attorney Scott. Baka nga mas malinis pa ang kaluluwa ng mga dancer na nagtatrabaho roon sa Elite club kaysa ug
Belle Dumating si Scott saktong pauwi na rin ang pumuntang kapitbahay. Nakasimangot ako kay Scott pero ito chill lang kaya ako nauurat lalo sa kaniya. “Scott anong ginagawa mo bakit naka tunnganga ka r’yan maupo ka nga!” sinita ko na siya parang temang pinanonood ako. Wala naman akong ginagawa. Nakaupo habang ang atensyon ko nasa tiya Lena. Distracted sa papansin na bagong dating na si Scott. Ano naman kaya ang pautot nito’t may pamasid-masid siya sa ‘kin. “Scott Miguel!” Mahinang tumawa. Kung hindi lang siguro nasa funeral homes kami. Malakas na halakhak ang maririnig ko galing dito. Seriously? Inaasar ba ako nito aliw na aliw huh? Sa pagkairita ko sa kaniya. “Love, ‘tong pinabibili mo ayaw mo bang kainin? Mainit pa kainin mo muna,” wika pa at doon lang talaga kumilos si Scott hindi pa nga lang umupo lumapit lang sa tabi ko. “Pinabili ko lang ‘yan para ikaw ang kumain,” “Really? Akala ko gusto mo ito?” gulat pa ni Scott kumunot pa ang noo. “Bakit abala ba ako sa'
BelleNang pagdating ko sa funeral homes. Labis ang aking tuwa dahil may naabutan akong kapitbahay namin na nakikiramay. Dalawa lang sila pero malaking bagay na rin para sa tiya Lena. Kahit na marami itong kaalitan sa ‘ming lugar. Kahit paano may nakaalala ngayon sa tiya Lena.Pinagpasalamat ko sa kanila ng lubos sa pag-aabalang pumunta rito. Nagulat pa sila ng ipakilala ko si kuya Daniel, bilang kapatid ko tipid na ngiti na lang din ang isinukli ko sa kanila.“Nahihiya lang kami magtanong Belle rito sa guwapo mong kuya. Sabi ni Pacing may hawig sa iyo. Sabi ko nga baka malayo n'yong kamag-anak,” ani nila na hanggang ngayon hindi pa rin talaga makapaniwala sa bagong nalaman.“Opo kamukha ko kasi kapatid ko po talaga siya, aling Pacing. Mahaba pong istorya eh. Iyon na lang po hehe,” anang ko. Mabuti at nauunawaan din nila ako hindi na nila ako inusisa pa hanggang magpaalam silang uuwi na.“Kuya ikaw naman ang magpahinga rin,” saad ko rito ng kami na lang dalawa ang naiwan.“Wala kang k
Belle “Masaya pero umiiyak?” tukso ko kay Scott ng mabasag ang boses niya. Ngumiti na lamang siya pagkatapos niyakap ako sa likuran ko pinatong ang baba sa balikat ko. Sumandal ako naman ako sa dibdib niya ng ipatong ni Scott Miguel ang magkabila n'yang palad sa hindi ko pa halatang tiyan. “Gusto kong magtampo dahil ako na lang ang hindi nakakaalam pero dahil sobrang saya ko ngayon. Lahat ng tampo ko burado na. Dahil dito sa baby natin.” “Sorry na. Sasabihin ko na naman sana sa ’yo noong pauwi tayo galing sa inyo. Na busy naman tayo sa sunod-sunod na emergency nangyari,” “Woah! Tiyak matutuwa sina daddy sa ibabalita kong 'to na magkakaapo na sila. Wala ka bang gustong kainin, love? Bibilhin ko kahit ngayon ay hating-gabi na. Magsabi ka lang lalabas ako para bilhin ko? Diba ganoon maglihi ang mga preggy. Wala ka ba noon?” Umiling ako ang saya ko dahil walang kasing saya ni Scott ngayon. Tumingala ako sa kaniya hinalikan niya agad ako sa noo ko. Yumuko pa si Scott ng abutin
Belle Nang buksan ni Scott ang pinto ng apartment namin. Gising pa ang dalawa kong kapatid at bestfriend kong si Analisa. Naawa ako kay Jaya ng mapunta ang atensyon ko rito. Namumugto ang mata maging si Bebeng ngunit malala ang kay Jaya. Dahil hanggang ngayon panay pa rin punas sa mata nito senyales na umiiyak pa rin si Jaya hanggang ngayon. “Ate Belle,” sabay nila tawag sa 'kin nasa boses nila pareho marami silang isusumbong sa ‘kin. Tumayo ang dalawa sinalubong na kami at agad akong niyakap nila ni Jaya at Bebeng. Nakangiti akong ginulo pareho ng buhok nila. Hinaplos ang likuran nila upang patahanin. Apektado nga naman sila dahil bahay namin ang nawala. Doon kasi nabuo ang aming mga munting pangarap ng buhay pa ang Tatay namin. Nakaalalay ang palad ni Scott sa likuran ko. Lumingon ako sa kaniya dahil napako na kami tatlo nila Jaya sa pintuan. Dahil yakap pa ako ng dalawa kong kapatid ayaw pang kumilos. “Pasok ka na,” nakangiti ako nginuso si Analisa, upang doon siya pa
Belle “Kuya, basta tawagan mo agad ako kapag may problema rito, ha?” bilin ko pa sa kaniya bago kami tuluyang umalis ni Scott. “Noted bunso. Bukas ka na bumalik dito ha? Ako na muna ang bahala rito. Magpahinga ng maayos at kahit tanghali ka na pala bumalik dito, ayos lang. Alam naman ng mga tao sa minimart ang gagawin kahit hindi ako pumunta ng maaga," pagtataboy niya sa ‘kin. Nagtapikan sila ng balikat ni Scott walang katapusan ibinilin ako ni Kuya sa kaniya. Nang makarating kami sa sasakyan. Doon lang ako nakaramdam ng pagod. Inaantok agad ako kalalapat lang sa upuan. Naulinigan ko pa pinagtatawanan ako ni Scott dahil pipikit-pikit na ang talukap ko hindi ko mapigilan ang antok ko. Naulinigan ko pa ang tawang-tawa si Scott inaasar niya ako. “Kanina lang nakipagtalo ka pa sa kuya mo. Hindi raw siya pagod pero bagsak din pala,” pinaringgan ako ni Scott na kinangiti ko na lamang bago akong tuluyang hilahin ng sobra kong antok. “Love, narito na tayo sa tapat ng apartment n'y
Belle “Tiya Lena! H’wag ka na po tumakas please! May paraan pa para malutas ang iyong problema pero ang buhay mo ay iisa lang hindi na maibabalik kung mapaslang ka,” Napako ako sa kinatatayuan ko ng hindi na hinayaan ng mga armadong lalaki na makatakas si tiya Lena. Bumangon pa ito, ngunit muling pinaputukan kaya nalugmok ulit sa kalsada. Namalayan ko na lang may mainit na luhang pumatak sa aking pisngi. Awa at nanghihinayang para sa itinuturing ko ng tiyahin. “Love! God damnit!” malutong na mura ni Scott ng maabutan n'ya ako. Naabutan niya ako dahil huminto na ako na dapat ay tatakbuhin ko ang nakahandusay sa semento na si tiya Lena. Hindi ako nakalapit sa mismong katawan ng Tiyahin ngunit malapit lang ako. Nilapitan kasi ng mga pulis bawal pala lapitan muna. Maraming mga taong nagusyuso. Iba-iba ang mga chismis hindi ko na itinama. Mayroon nagsasabi na matatahimik na raw sila dahil maingay din at chismosa itong si tiyang. Hilig daw gumawa ng kwento kaya maraming kaaway.
BelleNang malapit na kami ni Scott sa M. Dela Cruz. Kinuhit ko siya gusto ko kasi roon muna kami sa bahay bago umuwi sa apartment.“May kailangan ka, love?” saglit niya akong nilingon bago muling ipagpatuloy ang kaniyang pagmamaneho.“Doon muna tayo sa dati naming bahay. Gusto kong masilip kung gaano'ng kalaki ang pinsala sa bahay namin,” nakangiti ko pang pakiusap sa kaniya ngunit nagsalubong ang kilay ni Scott ayaw akong pagbigyan.“Love, hindi maaari. Delikado pa dahil katatapos lang ng sunog. Bukas na bukas din. Kung gusto mo maaga pa tayo pupunta roon. H'wag lang ngayon kasi mausok pa rin panigurado doon."“Sisilip lang ako gusto ko lang makita. Please, Scott?”Humugot ito ng hangin tila nagdadalawang isip talaga kung susundin n'ya ako. Nag-iwas ako ng tingin bigla akong nalungkot hindi niya ako pinagbigyan. Maya-maya nagtaka ako ng maulinigan ko ang mahina nitong mura kaya nilingon ko siya puno ng pagtataka.“Dammit!” bulong nito. Humarap na lang ako sa kaniya. At dahil makulit
Belle “See? Kayong mag-ama lang talaga ang masyadong OA. Ako pa ang lumalabas na masama dahil lang na-invite ko si Abril. Big deal sa inyong mag-ama. Pero okay lang naman pala rito kay Belle, kayong mag-ama lang ang masyadong nag-re-react,” Tumikhim si Scott. Tumingin ako sa kaniya at hinawakan ko siya sa kamay niya upang ipaalalang, Mommy niya pa rin kahit na anong kagaspang ng ugali nito sa ‘kin. Tumigil ng kumain si Scott. Kaya tumingin ako sa kaniya. Marami pang kanin kasi marami akong inilagay sa plato niya. “Tapos ka ng kumain Scott Miguel?!” may diin sa boses ni tita Mabel. Iiling si Tito Edward sa asawa niya kahit man ako nagpapasensya lang ako. “Sinong gaganahan sa ginawa mo. Masaya dapat itong family dinner natin ikaw rin ang gumawa ng gulo,” “Family dinner pala bakit may iba pa tayong kasama?” laban pa nito sa tito Edward kaya napayuko ako. Hindi nga talaga ako gusto para sa anak niya. Dahil mayaman ang gusto nito para kay Scott Miguel. At iyon ay si Abril l
Belle “Ang lamig ng kamay mo, love. Relax ako ang bahala sa yo,” assurance ni Scott pagkatapos pinagsalikop nito ang palad namin at mariin hinalikan pa iyon. Nakapasok na kami sa loob ng gate saktong ala-sais ng gabi. Hindi nga lang kami nakababa pa ng kotse. Kasi kanina ko pa siya pinipigilan. Kahit bukas na iyon sa gilid ni Scott. “Natatakot ako sa mommy mo,” totoo naman sa tita Mabel ako nakatatakot. Hindi ako takot sa dad niya kahit isa pa iyon judge. Pero sa mommy ni Scott. Nakaka ilang lalo na’t alam ko ayaw nito sa ‘kin para kay Scott Miguel. Palabiro din kasi ang Tito Edward kagaya ni Scott kapag nasa mood. Akala ko sa una ay seryoso. Ngunit kapag nakilala mo. Malakas mang-asar magkatulad silang mag-ama. “Gusto mong umuwi na lang tayo?” nauunawaan akong tinanong ni Scott. Umiling ako narito na rin kami at alam din ng tito Edward narito na kami ni Scott. Ngayon pa ba ako aatras. “Tara na nga,” niyaya ko na siya. Masayang tumango si Scott kaya nawala ang nararamdaman