Lovebele
Kagat labi ako maingat na bumangon upang hindi magising si Scott sa mahimbing nitong tulog sa 'king tabi. Anong oras na kaya? Napabuga ako ng hangin sa bibig ko dahil ang sakit ng katawan ko kapag iginagalaw ko ang aking magkabilang hita. Tumingin ako sa wall clock. Ala-sais pa ng umaga. Kailangan kong tiisin ang sakit kung gusto kong makaalis ng hindi nagigising si Attorney Scott. Kahit napapangiwi ako sa kirot ng katawan ko lalo na ang pukengkeng ko. Tiniis ko 'yon upang magtagumpay ako na makaalis sa penthouse ng binata. Pagdating ko sa sala naalala ko ang bag ko. Paktay naiwan iyon doon sa locker ko sa Elite disco. Paano ako nito uuwi wala akong pamasahe. Bahala na kukuha na lang ako sa wallet ni Scott. H'wag sana ito magising ayaw kong maabutan niya ako na nandito pa sa penthouse niya. Dahan-dahan akong bumalik. Kahit nahihirapan maglakad pinilit kong maging mabilis ang kilos. Nakisama si Scott mahimbing pa rin ang tulog nito pagpasok ko sa kuwarto nito. Hinanap ko kung nasaan ang pants nito kasi basta lang namin itinapon kagabi sa pagmamadaling mahubad. Namula ang pisngi ko ng maalala ang mainit naming pinagsaluhan kagabi. Susko lakas ng energy naming dalawa kagabi. Pero mas malakas si Scott, parang walang kapaguran at kasawaan. Hindi lang isang beses niya akong dinala sa langit. Tatlong beses akong inangkin kagabi ng binata. Wala naman akong pagsisi ibinigay ko ang sarili sa kaniya. Gusto ko ito bonus na binayaran niya ako. Quits na kami nasarapan siya ako naman nagkaroon ng pera. Nakita ko ang maong pants ni Scott sa baba ng malapit sa dashboard ng kama. Buong ingat akong humakbang upang lapitan ko ang maong pants ni Scott. Tiningnan ko sa likuran ng bulsa. Napangiti ako ng makapa ko ang wallet niya. Agad ko iyon hinugot pagkatapos binuklat ko iyon upang kumuha ng pera. Natigilan pa ako ng mayroon akong makitang picture ng isang batang babae sa wallet niya. Kumunot ang noo ko. Parang anim na taon ang batang babae sa larawan. Hmp. Kapatid n'ya kaya ito? Ah bakit ko naman ito ako pag aaksayahan ng panahon. Ang pakay ko ang kailangan kong isipin. Perang pamasahe Lovebele. H'wag ka ng makimarites. Lihim ko pinagalitan ang aking sarili. Kaya mabilis kong hinugot ang pera. Limang daan lang ang kinuha ko at nag-iisa pa iyon kaya mabilis malaman ni Scott kapag tiningnan nito na mayroon nawawala. Kamalas-malasan naman bahala na. Mayaman naman siya hindi nito ikahihirap ang five hundred pesos. Nagbayad nga ng two hundred thousand para sa VIP. Five hundred lang hahabulin pa niya. Ano na lng ang five hundred pesos. Sinulyapan ko muna si Scott bago ulit dahan-dahan kumilos palabas ng k'warto. Mabuti pagdating ko sa labas mayroon agad dumating na taxi kaya mabilis kong pinara. "Kuya driver. M. Dela Cruz po ako," saad ko rito. Sa loob na ako ng taxi mag-aayos. Napangiwi ako kasi sa totoo lang masakit ang pagkabab e ko. Pinilit ko lang talaga umalis ayaw kong maabutan ako ni Scott na gising ito. As if naman pag aaksayahan ako noon ng panahon na hanapin. Basta ayaw ko lang humarap sa kaniya ngayon. May kailangan akong asikasuhin kaya uuwi na ako. Dapat nasa bahay na ako ng alas-siyete ng umaga. Walang pasok ang dalawa kong kapatid sakto lang. Aayusin namin ang lilipatan na apartment. “Kuya driver dito na lang po ako,” saad ko sa kaniya ng makarating ako ng M. Dela Cruz. Masikip na kasi ang daan kaya hindi ko na sa kaniya pinapasok sa looban. Pagkaabot ko sa kaniya ng bayad dere-diretso akong lumabas. Tinawag pa ako sa sukli raw. “Keep the change Kuya,” “Ang laki naman nito ma'am. Maraming salamat po,” anang labis pa ito natutuwa. Nakonsensya pa ako kasi hindi ko naman iyon pera. Tipid na lang akong ngumiti. “Walang anuman po,” sagot kona lang sa kaniya binilisan ko ang lakad dahil marami ng tao sa daan. Damit ko masyadong revealing. Tube white blouse at fit pa sa katawan ko at ang black miniskirt ko kapag tumawad ako makikita ang kuyukot ko. Though sanay na kami ni Analisa, sabihan na babaeng mababa ang lipad kasi kalat sa looban na dancer kami sa isang club hindi nga lang nila alam kung saang club iyon. Basta labas na lang sa kabilang tainga namin ng bestfriend ko kapag may marinig kami pangungutya dahil sa trabaho namin ni Analisa. Papasok pa ako sa eskinita. Malayo pa lang rinig ko na ang boses ng kaibigan ko. Pisti si Tiyang iyong kaaway ni Analisa. Anong binubunganga nitong Tiyahin kong ubod sama ng ugali sumugod pa sa bahay nila Analisa. “Hoy babaeng malandi! Sabihin mo sa kaibigan mo. Hindi sila pu-pwede lumipat ng hindi nagbabayad sa akin ng utang." Biglang uminit ang anit ko. Kapag ganitong masakit ang pukaykay ko papatulan ko ito ngayon 'wag akong subukan ni Tiyag. Matagal na akong nagtitiis dahil sa mga kapatid ko ngunit ngayon na kaya ko na ang sarili ko at kaya ko na rin buhayin ang dalawa kong kapatid. Magkakasubukan kami. Mahigit tatlong taon na kaming alila nito kung ituring parang hindi niya kadugo. Bawat kanin naming isusubo kailangan pagtrabaho-an. Dahil kapag hindi, lagapak sa pisngi namin ng dalawa kong kapatid ang kapalit. Mabilis akong naglakad upang makarating sa bahay ng bestfriend ko. “Sobrang kapal mo talagang aling Balyena. Este aling Lena. Anong bayaran. Ikaw nga ang dapat ang magbayad sa bestfriend ko, dahil bahay iyon ng Tatay nila iyang bahay na tinitirahan mo.” “Hoy p****k! Anong bahay? FYI! Bago pa makulong at mamatay ang kapatid ko. Benenta niya na sa akin ang bahay. Alam mo kung saan ginamit? Dahil sa pang-apply niya na scam dahil tatanga-tanga siya." “Ate,” nakita ako ni Bebeng at Jaya. Agad ang dalawa tumakbo papunta sa 'kin parehong umiiyak kaya nag-alala ako pareho ko silang niyakap. Nakangiti ako pagkatapos ng ilang sandali kusa akong kumalas upang kumustahin kung okay lang sila pareho. Natigilan ako ng makita ko si Jaya may bakas pa ng sampal sa pisngi nito kaya biglang kumulo ang dugo ko sa Tiyahin ko. "Sinaktan ka ba ni Tiyang?!" malamig ang boses na tanong ko sa kapatid ko. “Ate ‘wag mo ng patulan. Okay na ako hindi naman masakit eh. Alis na lang tayo rito malayo sa Tiyang Lena," pilit na nginitian ako ni Jaya. Sinamaan ko ng tingin si Tiyang. "Bakit ka niya sinaktan?!" "Kasi Ate, pinipilit niya akong siputin iyong intsik. Kahit ngayon lang dahil daw nakakuha siya ng pera doon," "Bakit lumabas ka?" tanong ko sa kaniya napahilot ako sa noo ko. "Kanina. Sorry ate. Bibili lang sana ako ng bondpaper kasi may project kami sa Mapeh. Nakaabang pala si Tiyang umaga pa sa labas ng bahay nila Ate Analisa. Ate alis na lang tayo rito. Nakakatakot na po ngayon si Tiyang," umiiyak na saad ni Jaya. Kaya ako'y napasinghap. Binigyan ko ng nakamamatay na tingin ang Tiyang na hanggang ngayon nakatalikod pa rin sa amin dahil nagsasagutan pa sila ng bestfriend kong si Analisa. “Oo Jaya. Lilipat na tayo bukas. Pero kakausapin ko ang may-ari kung p'wede na ngayon tayo lumipat. Konting linis lang p'wede na iyon bago naman iyon renovate," saad ko sa kapatid ko. "Anong lilipat kayo? Bayaran mo muna ang utang ng Tatay mo sa 'kin!" Pisti nasa harapan na pala namin si Tiyang Lena. Nanlilisik ang mata sa 'min tatlo at palitan kaming binigyan ng masama tingin. "Walang utang si Tatay. Pwede ba Tiyang! Tantanan n'yo ako dahil marami ka ng kasalanan sa 'min lalo na rito sa dalawa kong kapatid." "Aba mayabang na huh? Kahit anong gawin mo. Nagsasayaw ka pa rin sa club at nagpapatable sa mga matatandang manyakis." Ngumisi ako. Taas noo kong tiningnan nilabanan siya ng titig. "Pakialam mo!" matigas ang boses na sabi ko. "Tara na Jaya, Bebeng. Pasok na tayo sa bahay nila Analisa," "Saan ka pupuntang malandi ka ha!" galit na sigaw ni Tiyang Lena, hinila ang mahaba kong buhok at sinabunutan ako. "Besh," lumapit si Analisa. "Ipasok mo na ang dalawa besh, sa loob please. Kaya ko na ito," pakiusap ko sa bestfriend ko. "Kaya mo na ba iyang Balyena na iyan?" tanong pa ng kaibigan ko ewan ko kung may halong pang-asar sa Tiyahin ko. "Ate!" tutol ang dalawa kong kapatid. Sumenyas ako na okay lang ako sumama na sila, pumasok sa loob. "Sumama n kayo sa Ate Analisa. Kaya na ni Ate rito." Taboy ko sa kanila. "Tiya Lena, bitiwan mo ang, Ate ko!" sumugod si Bebeng. Na-shocked ako dahil tinulak ni Tiya Lena, si Bebeng. Mali pa ang bagsak ng bunso kong kapatid patihaya at saktong bumagsak ito sa mayroon nakausli na bato tumama sa likuran ng ulo nito. "Bebeng!" sigaw naming lahat. Mabilis ang kilos ko. Ubod lakas kong sinampal si Tiya Lena at tinulak napalupagi ito sa semento pinagtawanan ng mga usyusero nandoon akala mo isang shooting mga naghihiyawan. "Jaya, tumawag ka ng tricycle dali! Dadalhin natin sa ospital si Bebeng." Utos ko sa Kapatid ko pareho kami umiiyak ni Jaya. Kahit may kabigatan na si Bebeng dahil grade four na ito at siyam na taon na. Kinaya ko itong pangkuin. Ganito siguro kapag emergency. Kahit anong bigat ng isang bagay ay nagiging magaan maging maayos lang ang lahat. "Besh, dali," Napatingin ako sa huminto tricycle. Si Analisa pala ang tumawag. Siya pala ang narinig ko mabilis na tumakbo palabas at hindi ko na ito napansin kanina dahil agad ko nilapitan si Bebeng na hawak ang dumudugong ulo. Sumama rin sa 'min si Analisa. Sa backride ito umupo sa likuran ng driver at kami ni Jaya sa loob umupo. Kinalong ko si Bebeng. Si Jaya naman palad nito ang nakatakip sa dumudugong ulo ni Bebeng upang mapigilan itong dumugo. Tang-na! Ipagdasal ni Tiyang Lena na walang masamang mangyari sa kapatid ko. Babalikan ko siya kahit kamag-anak ko pa siya.... "Ate, 'wag ka na mag-alala. Walang masamang mangyayari sa akin. H'wag na kayo umiyak ni Ate Jaya. Kapag umiiyak kayo natatakot ako," saad ng kapatid ko kaya nakangiti akong umiiyak habang yakap ito.Lovebele Kanina pa akong pabalik-balik ng lakad sa labas ng emergency room habang nasa loob si Bebeng ginagamot ng duty doktor. Umupo ako sa tabi ni Analisa hinawakan ko ang palad niya. “Besh, natatakot ako baka kung ano na ang nangyari sa kapatid ko,” anang ko kinukurot ko ang palad ko. “Gaga, lalo kang kinakabahan kasi nga ang likot mo. Maaari bang pumirmi ka ng upo. Ako nga kanina pa nahihilo sa ‘yo,” saad ng bestfriend ko sa 'kin. Lumabas ang doktor na kasama ni Bebeng sa loob. Hinahanap nito kung sino ang kamag-anak ni Bebeng. Nagtaas ako ng kamay pinalapit n'ya ako. “Dok, kumusta po ang kapatid ko?” “Nalinis na namin sugat niya. Malaki kasi ang sugat no choice tinahi namin ng gayon maampat ang pagdurugo,” wika nito't pagkatapos bumaling sa hawak na medyo may kakapalan na papel. Binuklat nito ang hawak na papel. Kapagkuwan nagsulat ito at nang matapos bumalik ng tingin sa ‘kin. “Request ito para sa head CT scan ng kapatid mo. D'yan lang sa harap mayroon sila. Kapag
LovebeleKinuhit ako ni Analisa sa braso’t impit ang tili pagkakita kay Attorney Scott. Sina Tiya Lena at mga pulis parang nakakita ng artista nabatobalani. Tulalang namamangha habang nakatitig kay Scott.Ang guwapo naman kasi nito. Idagdag pa blue eyes ito para bang nangungusap ang mata ni Scott, kapag nakatitig sa akin.Feeling ko may foreign blood si Scott Miguel. Well kung pagbabasehan ang surname nito malamang nga half afam ito.Pasimple akong tumingin sa Tiya Lena, natitigilan sa bagong dating na si Scott. Pero s'yempre kapag nakabawi ang bruha kong Tiyahin. Balik ulit ito sa pakay nito sa akin.Hindi ko alam kung saan si Tiya Lena, kumukuha ng kakapalan ng pagmumukha. Kung sumugod dito sa bahay nila Analisa. Akala mo hindi siya ang naunang sumugod sa akin.Ayaw lang ni Bebeng na masaktan ako kaya nito nilapitan si Tiya Lena.Kung mayroon makukulong. Sisiguruhin ko si Tiya Lena iyon. Sa dami nitong kasalanan sa aming tatlong magkapatid bagay rito maghimas ng rehas sa kulungan at
Lovebele Naglaban kami ng nakamamatay na titigan ni Tiya Lena. Hindi ko uurungan ang tapang nito. Siya ang unang bumawi ng tingin kaysa sa akin. Unang nagsalita ang bestfriend ko. “Mamang pulis. Wag po kayong maniwala sa Balyenang iyan. Manloloko iyan dito sa lugar namin. Niloloko lang po kayo niyan.. Ang totoo po niyan siya po ang totoong may kasalanan hindi po ang bestfriend ko.” “Hoy! Isa ka pang malandi ka! Palibhasa iisa ang kaliskis n'yo ng babaeng haliparot na iyan kaya todo depensa ka,” “Hoy ka rin tiya Lena. Wag na wag mong idadamay rito ang bestfriend ko!” bulyaw ko rin sa kaniya. “Bakit masakit ba malaman ang katotohanan?” sabi pa nitong Tiyang Lena. “Of course pareho kami ng beshsyup kong Lovebele, fresh palagi at super ganda. At higit sa lahat, batang-bata. Eh, ikaw Balyenang aswang? Kahit na maligo ka pa ng sampung beses sa isang araw. Hindi ka pa rin magiging fresh dahil isa ka ng Balyenang bilasa,” panggagalit dito ni Analisa. Gusto kong tumawa dahil namul
Lovebele “Nasaan ako? Nilibot ko ang aking mata ko sa paligid. Ospital? Bulong ko, nang makita ko ang puting pintura sa buong sulok ng dingding sa kinaroroonan kong k'warto. Ospital nga kasi pag-angat ko ng kamay bumungad sa akin ang nakakabit na dextrose sa kamay ko.Naalala ko na ang nangyari. Hinimatay ako dahil sa labis na sama ng aking pakiramdam….Bumalik ang tingin ko sa dingding upang alamin kung anong oras na. Luh! Bakt alas alas diyes na ng umaga ngayon…ibig sabihin ba nito kagabi pa ako rito?“Scott?” mahina kong bulong pagkakita rito na nakayupyop sa gilid ng kama.Inangat ko ang palad ko na walang nakakabit na swero upang hawakan ang buhok ni Scott. Dahan-dahan ko iyon hinagod ng pasuklay.Nanlaki ang aking mata ng gumalaw ito kaya mabilis kong binawi ang aking kamay nagkunwari wala akong ginawa sa buhok niya.Unti-unti umangat nag ulo ni Scott. Bayolente akong napalunok. Nang magtama ang aming mata pag-angat nito ng ulo. Ngumiti ako ngunit si Scott, mabilisan akong nila
Lovebele "Salamat, Scott," saad ko nang ako'y kumalma. "My pleasure, love...Bele? Narinig ko tumawa. Sa sunod kapag nasa tama kayo. Dapat matapang kayo lumaban." "Madali lang sabihin kasi may pera ka. May pangalan ka na kilala sa Pinas. Pero sa katulad naming mahirap. Malabo iyang sinasabi mo na kapag tama, ay lumaban. Dati ginawa na namin iyon. Pero sa huli kami ang nawalan." "What do you mean, mmm?" tanong nito parang nagtataka pa tinanong niya ako. "Wala, mema lang," sagot ko ngunit narinig ko napa 'tsk' ito tila ayaw maniwala sa 'king sinabi. "Okay," sabi na lang nito at inayos pa ang buhok ko. "Ehem!" tumikhim ako ngunit umingay ang phone ni Scott tanda na mayroon tumatawag. Nagri-ring ang phone ni Scott kaya humiwalay ako sa kaniya. Mabuti pinakawalan din ako hindi niya ako pinigilan. Hindi kasi nito pinapansin ewan kong sinasadya ba nito kasi impossible namang hindi niya iyon naririnig. Ang lakas kaya ng ringtone ng phone niya plus may vibrate rin iyon. Kaya si
Lovebele Akala ko si Scott ang bumalik ngunit ang bestfriend kong si Analisa, lang pala ang pumasok sa pinto. Lumapit agad si Analisa sa 'kin. Umupo sa gilid ng kama ko. Nakita kaya nito si Scott sa labas? Mahina ko pang sabi tanong sa 'king sarili. Parang nabasa ni Analisa ang iniisip ko. Kaya nanunukso ang mata tiningnan ako. “Na miss mo agad si hattorney, ano? Nasa labas lang naman iyan sa pinto. Parang model nakasandal sa gilid ng pinto habang may kausap sa phone niya. Daming napapalingon na mga babae. Kahit ako lumingon ako, besh. Ang hot naman kasi hindi ko mapigilan lihim na pagnasaan, este pasadahan ng tingin. Ano bang feeling besh, kapag nakipagjugjugan?” tanong nito sabay hagikhik. “Meserep,” ngisi ko putrages akala mo kung makatili kiniliti ng bongga. “Magaling ba?” tanong ulit nito. “Secret! ‘wag mo ng itanong sa 'min na lang iyon ni, Scott,” “Madamot naman bff,” wika nito't nakapangalumbaba pa sa akin nakatingin. “Sana Lord kapag binigyan mo ako ng kukuha sa
Lovebele “Oh? Bakit alam iyon ni Mamasang?” tanong ko kay Analisa nakataas kilay ko. Bigla akong pinag-overthink ng manager namin. Kasi first time lang ni attorney pumasok sa Elite club. Ang bilis naman makasagap ni Mamasang ng balita tungkol kay Scott Miguel. Maliban lang kung dati pang pabalik-balik si Scott, noong hindi pa ako dancer sa Elite club, kaya kilala na siya ni Mamasang. Binata naman si Scott, Lovebele? Masama bang pumasok si hottorney sa club? Eh, kung yung may mga asawa nga laman ng mga club o bar si Scott pa kaya na binata? Oo nga naman bakit masyado iyon big deal sa ‘kin. “Besh, matagal na bang customer si Scott sa club?” tanong ko kinaawang ng labi nito ngunit mamaya lang tinukso ako. “Oi interesado siya,” anang nito itinataas-taas pa kilay inaasar ako. “Kung matagal na siyang pumapasok doon. May angal ka?” tudyo ng babahita sa ‘kin. “Tsk, kahit pa gabi-gabi siya laman ng Elite club pakialam ko roon,” anang ko kina bungisngis ng bruha. “Bakit lumalaki ang butas
Lovebele "S-Scott," nauutal kong sabi dahil sa kaniyang itinatanong sa 'min ni Analisa. “W-wala iyon mabiro lang talaga itong kaibigan ko,” sagot ko kay Scott bago pa ako unahan ng bruha kong kaibigan sa nakakahiya namin pinag-usapan tungkol sa nangyari sa amin dalawa. Tumikhim ako. "Ang bilis mo naman makipagusap sa girlfriend mo,” wika ko para iligaw ko siya sa narinig n'yang topic na pinag-uusapan namin ni Analisa kanina. “Tapos na,” tugon ni Scott umupo rin sa gilid ko. Edi girlfriend nga talaga niya ang Zorayda na iyon. Ano ba bakit ganito ang naisip ko wala naman kami ni Scott para usisain ko pa siya sa kausap. “Hindi na ba bumalik si Aling Balyena?” tanong ni Scott kay Analisa pero bakit sa ‘kin siya nakatingin? Napansin ko rin ang bansag niya sa Tiya Lena. Si Analisa kasi pasimuno sa ‘balyena’ kung tawagin ang Tiyang ay Balyena. Napakamot na lang ako sa kilay ko. “Sana nga hindi na iyon bumalik,” sabi ulit ni Scott nanatili pa rin sa 'kin ang tingin. “Sa ngayon nana
Belle Nang sumapit ang alas-nueve ng gabi. Nagpaalam na si Analisa at Nanay niya na uuwi sa bahay nila. Papasok pa pala si Analisa sa Elite, nagpaalam lang kay Mamasang na ten pm na siya papasok pinayagan naman siya ni Mamasang. “Kuya! Ihatid mo si Analisa at Nanay," anang ko tumayo naman din agad si kuya Daniel. “Hindi na besh. Kasama ko naman si Nanay ah,” “Luh! Hindi naman sa bahay n'yo. Sa Elite club. Bakit umiiwas ka yata Analisa? Hmm, dati rati friendship kayo niyan ni kuya Daniel,” paalala ko baka lang nagka amnesia rin ang bestfriend ko hindi na naalala si kuya Daniel. “Taxi naman ako ayos lang. Nag-uusap pa kayo—” “Hindi! Ipahahatid kita para hindi ka na mahirapan mag-abang ng taxi. Tumingin ako sa kuya Daniel. “Kuya ihatid mo hanggang sa Elite club ha? Sa bahay muna nila at antayin mo na lang,” “Okay sis. Babalik ako mamaya rito ako matutulog ngunit mamaya na pagka out ni Analisa.” “Baka kuya tulog na kami niyan. Ito susi ko pumasok ka na lang pagdating mo. Di
Belle "Dahil diyan besh, siguro naman pwede na tayong kumain. Gutom na ako. Isa pa talaga bang dito na lang tayo sa pinto?" sumabat si Analisa at doon lang din namin naalala hindi nga kami nakaalis sa pinto. Nagkatawanan kaming lahat. Tawa na puno ng saya. "Yes! Makakakain na rin ng unlimited cake," pumalpak si Bebeng ng buksan nila Scott ang tatlong cake. Kasi ang hawak ni Jaya. Galing daw iyon kay kuya Daniel. Iba rin kay Scott at kay Analisa. "Jaya ikaw na ang mag-umpisa kumanta." Utos ni Analisa. "Sure ate Lisa," wika ni Jaya nag-umpisa ng kumanta. Sumabay ang lahat. “Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday happy birthday, happy birthday ate, Belle. Dali ate Love. Blow the candle na and make a wish na,” sabi ng kapatid kong si Jaya na may hawak na rectangular chocolate cake. Umuulan ng cake. Natakam ako lahat kasi ay favorite ko. Pumikit ako. Isa lang naman ang hiling ko. Kung nasaan sina mommy ngayon sana nakikisaya rin sila sa okasyon na ito
Belle Nang ilang sandali kaming magkayakap ni Scott Miguel. Kumalas ako sa kaniya upang balita ko sa kuya Daniel na wala na akong amnesia. “Bakit?” tanong pa ni Scott ngunit umiling ako at humarap sa kuya Daniel ko. “Kuya Daniel,” anang ko namula agad ang mata ko dahil sa guilty sa katigasan ng ulo ko. Kumunot ang noo nila pareho ni Scott Miguel. Noon si Kuya Daniel lang ang tagapagtanggol ko ngayon ay dalawa na sila ni Scott Miguel, kaya sobra akong natutuwa. Sa mommy at daddy lang namin ni kuya Daniel ako nalungkot. Kasi ngayon dapat makakasama ko na sila ngunit wala na akong naabutan. “Bakit gan'yan ang reaksyon mo sis? Ayaw mo ba sa sorpresa na ito?” aniya ay tila bang na stress ang kuya ko. Kasi nga naman paiyak na ako ngayon ng sumagi sa isip ko ang mabait naming magulang. Tumulo na pala ang luha ko naulinigan ko pareho sila napamura ni Scott Miguel at kuya Daniel. "Shit!" Sinamaan ng tingin ni kuya Daniel si Scott Miguel. Talagang sa paraan ng titig nito sa boy
Belle Naalala ko na ang nangyari noon. Dahil sa pagpigil ko na makidnap iyong batang nakita ko roon sa parking lot. Pati ako ay nadamay. Na-guilty ako sa pangungulila ni kuya sa ‘kin lalo na sinisi nito ang sarili niya dahil sa pagkawala ko. Isang sindikato ang napuntahan ko. May clinic sa loob ng warehouse na nagbebenta ng organ sa mga nangangailangan pasyente sa ospital. Lahat ng mga batang nakukuha nila inaalisan ng organ pagkatapos pinapatay at doon din sa warehouse na iyon nililibing. Illegal ang operation ng clinic na iyon. Sana malaman ng awtoridad ang illegal na operation ng clinic. Upang managot sa batas ang walang pusong nagpapatakbo noon. Kawawa ang mga magulang ng mga batang nawawala. Hindi na kailanman makababalik sa nanngungulilang pamilya. Nag-unahan tumulo ang luha sa pisngi ko. Isang linggo akong umiiyak gaya sa mga batang kasama ko. Sa pinagdaanan ko sa nakaraan. Buti na lang nakatakas ako dapat ako na ang nakatakdang isalang kinabukasan para kunin ang orga
Belle Flashback…. “Bunso ‘wag na ‘wag kang bababa rito ha? Mabilis lang ako sa loob ng grocery store.” “Opo kuya,” nakangiti kong sabi nagba-bye pa ako ng kamay ko pagkatapos umayos ng upo. “Good!” tugon nito pagkatapos lumabas na ng kotse. Sampung minuto pa si kuya nakaalis ng may nakita akong batang lalaki kinakaladkad at pilit na isinasakay sa kotse. Maganda ang suot ng batang lalaki. Hala! Nanlaki ang mata ko. Sabi ng mommy ko marami ngayon pakalat-kalat na masasamang tao kaya magi-ingat daw ako. Pero kawawa naman iyong bata kapag hindi ko tutulungan. Nagpalinga-linga ako sa paligid baka may p'wedeng hingian ng tulong habang hindi pa tuluyang naisakay ang bata sa nakaabang na van. Wala akong makita ni isa. Galing naman tumiming nitong kidnaper walang dumadating na sasakyan ngayon dito sa parking lot. Naawa ako sa batang lalaki kasi umiiyak hinahanap ang mommy nito. Paano kaya ito nakuha ng mga kidnaper bakit pinabayaan ng mommy niya. O baka hinahanap na ito nalig
Belle "Ate Belle, pwede rin po ako pumunta kay ate Jaya, sa bakery?" naulinigan ko tanong ni Bebeng. Lumundo ang kama sa gilid ko umupo siguro ang kapatid ko. Ha? Anong oras na kaya? Hindi na ako gaano'n inaantok pero ayaw ko lang dumilat at bumangon. Nitong dalawang araw. Napansin ko mas gusto kong matulog at humilita na lang. Kaya nga hapon na ako nagtutungo ng bakery kalimitan alas-dos na ng hapon. "Sige na ate Belle. Babalik din agad ako," paalam nito kaya tumango ako. Panahon na siguro masanay sila sa bakery para katuwang ko mapalago ang maliit naming negosyo kapag hindi ko kaya pumunta roon. "Basta sa kakilalang tricycle ka sumakay ha? I-text mo sa 'kin kapag naroon ka na," bilin ko sa kaniya. "Yes! The best ka talagang ate. Love po kita mwahhh...." niyakap ako sa leeg hinalikan sa magkabila kong pisngi. "Galing ng convincing power ah," anang ko. Pero masaya ako kasi ang lambing talaga ni Bebeng. Well pareho naman sila ni Jaya. Mas malambing nga lang si Bebeng kaysa
Belle Nang makarating kami ni sir Daniel sa apartment. Nag-effort pa rin akong i-text si Scott Miguel. Ako: nakauwi ako ng ligtas. Nasa apartment na ako. Text mo ako kapag nakauwi ka na rin sa condo unit mo. Ako: Scott, sorry sa nasabi ko kanina. Gulong-gulo lang ang isip ko. Hindi ko talaga kayang maghiwalay tayo dahil mahal na mahal kita. Nag-antay ako ng reply nito kung sasagot agad si Scott. Nang wala pa. Inilapag ko na muna ang cellphone ko sa sofa. Lumingon ako sa kuya Daniel ko. Napangiti ako ng lihim ko s'yang tawagin ng kuya Daniel ko. Kasi para bang sanay na sanay akong tawagin siyang kuya. Mabait kaya itong kuya? Sa layo kasi ng agwat ng edad namin ni kuya Daniel. Siguro madalas kaming mag-away. Hindi magkasundo lalo pa babae ako magkaiba kami ng hilig. “Gusto mong kape?” tanong ko sa kaniya itinuro ko ang maliit naming sofa. Umiling ito umupo pagkatapos sa akin na nakatitig lang. “Bakit?” nakataas kilay na tanong ko sa kaniya nagpamaywang pa ako ngumiti lang i
Belle Naging tahimik kami ni Scott ng pabalik sa table ng magulang niya. Ngunit ng makarating kami sa table ng magulang niya ngumiti na ako. Pinasadahan ako ng tingin ng mommy ni Scott, ngumiti pa rin ako kahit feeling ko tinaasan nito ako ng kilay. “Daddy, ihahatid ko lang po si Belle. Sumama ang pakiramdam niya,” iyon agad ang sinabi ni Scott sa daddy niya. “Anak party ng dad mo aalis ka na agad?” sumagot si Tita Mabel tila dismayado pagkatapos sa akin tumingin napalunok ako kaya pinilit ko maging kalmado. “Hindi po ako ihahatid ni Scott. Diba? Tumingin ako sa kaniya. Hanggang sa parking lot lang po. May susundo po sa akin kapatid ko po,” tugon ko kaya tumango si Tito Edward ngunit hindi si tita Mabel. “Sure ka ba hija okay ka lang? Maiintindihan ko kung ihahatid ka hanggang sa bahay n'yo ng anak ko—” “Edward! Sinabi na nga ni Belle, susunduin ng kapatid bakit ihahatid pa ng anak mo. Isa pa hindi pa tapos ang party mo. Hindi pa nga nakikita iyan ng ibang bisita kasi naka
Belle Nakangiti ako habang pinanood si Scott, siya kasi ang unang hiningian ng speech noong emcee, ng birthday message para sa daddy niya. Seryoso din akong nagbi-video sa kaniya. Pangalawa ang Tito Edward. Ang galing nitong speaker. Hindi nakakaantok kasi may kasamang biro ang atake nito. Natapos ang Tito Edward si Tita Mabel naman ang huli. Kahit na inaaway ako ni Tita Mabel. Kinukuhaan ko pa rin siya ng video. Sa kalagitnaan ng speech nito. Napasinghap ako. “Isa rin itong pagkakataon para ipaalam ko sa lahat, ang nalalapit na pagpapakasal ng nag-iisa naming anak na si Scott Miguel Stewart. Sa anak nina attorney Carlos at doktora Michelle, walang iba si doktora Abril.” Masigabong palakpakan ang nangingibabaw sa buong venue sa announcement na iyon ni Mrs. Stewart. May humiling pa na mga bisita kung maari daw paakyatin sa stage si Abril. Napatingin ako kay Scott. Nakita ko gustong iwanan ang magulang niya sa taas umiling ako. “I'm sorry. Inihatid muna pauwi ng anak ko, dahil m