Cedrick and Sylvie were perfectly satisfied with their casual hookup arrangement—until Sylvie decided she was ready for a serious relationship. To avoid any confusion, Cedrick distanced himself from her. However, when Cedrick's ex-girlfriend, Camilla, invites him to their college reunion and demands he introduce Sylvie as his fiancée, Cedrick makes an unexpected proposal. Offering Sylvie twenty million pesos for a year-long contract marriage, Cedrick aims to prove he's moved on from his ex. But can they stick to their rule of "no one should dare to fall in love" when they must convincingly play the part of lovers? As they navigate their charade, the line between pretend and reality begins to blur. Will their agreement hold, or will true feelings emerge, complicating their carefully laid plans?
View More“GUSTO mong sumama?” pagbubukas ni Cedrick ng usapan habang nanananghalian sila sa isang fastfood chain. “Sa’n ka na naman pupunta?” takang tanong niya dahil matapos ng dalawang linggo magmula noong nagbuno sila ni Roy, ngayon na lang ulit ito nagpakita sa kanya. “May business trip ako sa Davao bukas. Gusto mo ba sumama? One week lang naman. Para makapag-unwind ka na rin.” Umiling siya. “Walang maiiwan sa bahay, Ced. Kaka-resign ko nga lang, ‘di ba?”“Kaya nga magtrabaho ka na kasi sa akin.” Muli siyang umiling. “Hinding-hindi mangyayari ‘yan, ako na ang nagsasabi sa ‘yo.”“Bakit ba kasi ayaw mo?” alburoto nito. “Ako pa talaga ang tinatanong mo?” Ngumisi siya habang sinasawsaw ang fries sa sundae. “Matalino ka naman, ah. Organized. Mabilis kumilos.” “Hindi, Ced. Ayoko. Baka lalong wala akong magawa na trabaho kung ikaw ang boss ko.”Tumaas ang kilay ng lalaki. Ngayon lang nito na-gets ang ibig sabihin ni Sylvie. “Grabe, gano’n ba ako kamanyak sa paningin mo?” may halong pagtat
MABIGAT ang nasa bandang puson ni Sylvie kaya naimulat niya ang kanyang mga mata. Halos mapapikit siya nang maramdaman niya ang hininga ni Cedrick na nasa bandang leeg niya. Doon niya lang napansin na nakayakap lang lalaki sa kanyang baywang at mahimbing na natutulog.Hindi nila alam kung ilang oras silang nagpapawis sa kwarto nito at mukhang napagod talaga ang lalaki. Aaminin niyang nanabik siya…at na-miss niya talaga si Cedrick.Maingat niyang tinanggal ang pagkakayakap sa kanya at nagtungo ng banyo upang maligo saglit.“Gusto kong matikman ‘yong spaghetti na ikaw ang nagluto.” Napangiti siya. Minsan na lang mag-request ang lalaki bakit hindi pa niya pagbigyan.Nagtungo siya sa kusina matapos maligo at pinagpatuloy ang naudlot na pagluluto ng lalaki. Mabilis siyang kumilos upang paggising nito ay kakain na lang sila.“Why didn't you wake me up?”Halos mapaigtad siya nang marinig ang boses ng lalaki na kalalabas lang ng kwarto. Bagong ligo rin ito at nakasuot ng pambahay.“Ang sarap
HINDI rin natiis ni Cedrick na umuwi agad ng Marikina nang malaman niya ang sitwasyon ni Sylvie. Sa makalawa pa dapat siya uuwi ngunit may kung anong nag-usig sa kanya at bumulong na umuwi siya as soon as possible.Malayo ang naging byahe niya mula isla pauwi ng Marikina upang tunguhin ang trabaho ng babae. Ikinataas niya ng kilay nang makita ito sa isang kotse na hindi maipinta ang mukha. Base sa buka ng bibig at mga mata nito, mukhang may hindi magandang nangyayari. Kaya naman nai-park niya ang sasakyan silang bloke ang layo sa parking space ng dalawa sa may coffee shop.Lumabas siya ng sasakyan. Tumayo sa may sidewalk at hinintay ang susunod na mangyayari base sa kilos ng dalawa. Agad siyang naglakad nang makita niyang tila ba mas matindi ang pagtatalo ng dalawa.This was the only time that he saw the fear in her eyes. Hindi naman siya papayag sa ganoon kaya mas binilisan niya ang paglalakad. Saktong akma nitong susuntukin si Sylvie ay hinampas niya ang harap
ILANG araw pang naging hindi maganda ang pakikitungo ni Roy kay Sylvie. Madalas na ang mga naging pagtatalo nila. Dumarating na rin sa puntong naitutulak siya ng lalaki na ikinabibigla niya.“Roy, mag-break na lang tayo kung ganito lang din naman ang gagawin mo sa akin,” aniya habang pinipigilan ang luha sa mga mata.Nasa kotse sila ng lalaki at hinihintay na mag-go ang traffic light. Simple lang naman ang pinag-awayan nilang dalawa ngayong araw. Tinanong niya lang naman kung sino iyong babaeng kasama ni Roy na lumabas sa conference room.“Baby, don’t do this to me. You know how much I love you, right?”“Para kasing hindi na nag-wo-work ‘tong relasyon natin. Konting kibot lang, nagagalit ka kaagad. Masama na bang magtanong ako sa ‘yo? ‘Di ako nagseselos, Roy. Gusto ko lang naman malaman kung sino ‘yon?”Hindi na ito umimik.“She’s just one of the new investors we h
THREE WEEKS nang walang paramdam si Cedrick kay Sylvie. Kahit saang social media app nito ay wala man lang itong update. Nakatingin siya ngayon sa huling message na sinabi niya sa lalaki matapos niyang sagutin si Roy ngunit nag-heart react lang ito.Kapag tinatanong naman niya ang secretary nitong si Simon ay hindi rin alam kung nasaang lupalop ng Asya ang lalaki.Napabuntong-hininga siya dahil napakarami niyang gustong ikwento kay Cedrick. Liban kay France, si Cedrick lang ang lalaking walang ibang reaksyon kapag magkukwento siya. Talagang makikinig lang ito unless gusto niya itong magbigay ng opinyon.“’Di ka pa mag-lunch, Sylvie?” tanong sa kanya ng katrabahong nadaanan siya sa bay.“Mamaya na ako. Hinihintay ko pa si Roy, eh.”“Ha? Kanina pa sila naka-lunch. Kasama niya ‘yong mga investors pagkatapos ng meeting nila. ‘Di ba nagsabi sa ‘yo?”Unti-unting nawala ang pagkakangiti sa
“NASAAN ka ba?!” Halos maitapon ni Cedrick ang cellphone na hawak nang marinig niya ang boses ni Minerva noong sagutin niya ito.“Why? What happened? Is she in trouble?” sunod-sunod niyang tanong habang aligagang inaayos ang kanyang gamit.“Wala! Sinagot niya na si Roy! Bakit kasi wala ka dito?!” Nakakarindi ang boses nito ngunit alam niya nag-aalala lang ito sa kapatid.“Ate, hayaan mo siya. We’re just friends—”“With benefits! Wala ka bang pagmamahal sa kapatid ko?”He sighed. “I love her as her partner in bed. Pero, Ate, hayaan na natin siya. ‘Yan ang gusto niya. Maging masaya na lang tayo. Saka na lang natin resbakan kapag pinaiyak niya na si Syl. Okay?”Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito.“Ano ba kasing nangyari? ‘Di ka naman tatawag ng ganyan kung wala lang.”“Hindi ko siya gusto para kay Sylvie,”
ISANG ORAS at kalahati nang naghihintay si Sylvie kay Roy sa K-Mart ngunit hindi pa rin niya nakikita ni anino ng lalaki. Nakailang beses na rin siyang tumawag ngunit dinidiretso lang siya nito sa voice mail.“Ano kayang nangyari? Tawagan ko kaya si Ced?”Mayamaya pa’y nakita niya ang kulay maroon na sasakyan nitong nagpa-park sa labas ng K-Mart kaya naman lumabas na siya ng convenience store.“I am really sorry, babe!”Sinalubong siya nito at nagbeso sa kanyang pisngi. Ikinagulat niya pa ang gesture na iyon ng lalaki dahil ngayon na lang ulit may humalik sa kanyang pisngi matapos mag-sorry.“Kanina ka pa ba rito?”“H-hindi. Medyo thirty minutes pa lang,” pagsisinungalning niya sabay ang pilit na ngiti.“Here. This is for you.”Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang isang malaking bouquet ng pulang rosas na halos hindi niya mahawakan ng isang kam
“I THOUGHT you are going to Malaysia?” nagtatakang tanong ni Simon nang makita si Cedrick sa opisina nito.“Shut the fuck up, Simon. Just work. Don’t mind me.”“Gusto mo bang mag-inom? Maaga pa naman. Alas tres pa lang ng hapon.”“Nope. I want to get busy.”“Bakit ka na naman parang babae kung sumagot? Hindi ba naging maganda ang naging regalo mo kay Sylvie kaya ka ganyan?”“Do you want to know what happened?”“Yes, of course,” taas-noo at nakatindig na sagot nito.“We made it until three rounds. Binigay ko na sa kanya ‘yong polo dress na pinabili ko sa ‘yo last week, at pinagluto ko siya ng almusal bago ko siya hinatid sa kanila. Are you satisfied with my answer?” dire-diresto niyang tugon.“Mukha ka namang boyfriend material sa ginawa mo, Ced. ‘Di ba nandiri sa ‘yo si Syl?” Tumawa pa ito.
TAHIMIK sina Cedrick at Sylvie habang nasa sasakyan. Parang ayaw pa ni Sylvie na paalisin ang lalaki ngunit nakita niya ang mga bagahe nitong nilagay noon sa compartment ng kotse.Makailang ulit siyang nagbuntong-hininga. Hindi makukumpleto ang birthday niya nang wala si Cedrick. Mula noong nag-break sila ng karelasyon niya, ang lalaki ang naging dahilan para makabangon siya ulit.“Ced, aalis ka talaga?” pangungulit niya habang nasa kahabaan sila ng traffic.“Bigyan mo ako ng dahilan kung bakit ‘di ako aalis.”“Kasi birthday ko.”“Nice try, Syl. But no. I know this day is important to you but we’ve already celebrated your birthday last night and early this morning.”“Eh, kahit na.”“So bakit nga ayaw mo akong umalis. Do you want us to go somewhere? We still have time.”“Hindi. ‘Di naman sa gano’n. Gusto ko lang sanang kumpleto
HINDI makapaniwala si Cedrick sa dami ng tao nang tunguhin niya ang Dominican Bar. Who would have expected his bar to go crazy like this especially this time? Alas tres y media na ng madaling araw ngunit para bang maaga pa para sa mga taong naroon.Masaya pa siya habang binabangga ang kanyang katawan ng mga taong nasa dance floor. Masikip. Maingay—ngunit iyon ang gustong-gusto niya.Pag-akyat niya sa second floor ay doon mas lalong nag-abot tainga ang kanyang ngiti. Overcrowded mula sa bar counter hanggang sa mga VIP areas. Habang pinapanood kung paano magkaroo ng good time ang mga taong naroon, sinimsim niya ang baso ng whiskey.“Sabado nights,” aniya pa at saka napangisi. Sinasabayan niya pa ng finger tapping ang saliw ng Beautiful Girls ni Shawn Kingston na pinatugtog ng kaibigan niyang DJ.“Ced!”Agad siyang napalingon nang marinig niya ang pagtawag sa kanya ng isang babae. Hindi siya umimik. Sa lagkit pa lang ng titig nito ay hindi niya na kailangan pang lumapit.Sylvie is one of
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments