“AYAW mo talagang kumain sa restaurant?” tanong ni Roy kay Sylvie habang naghahanap siya ng makakain sa isang paresan.
“Alam ko naman na may kaya ka sa buhay pero hindi ko talaga gusto ngayon na kumain sa resto. Maybe next time. Huwag ka mag-alala, sa susunod na gusto mong doon kumain, hindi ako hihindi. Gusto ko lang talaga kumain ng pares ngayon,” saan nito habang namimili sa menu.
“Ate, dalawang pares overload nga po—”
“T-teka. ‘Di kasi ako kumakain ng pares. Ikaw na lang siguro. Busog pa rin naman ako dahil kumain ako ng samgyupsal kanina sa office.”
“Ikaw ang bahala. You didn’t know what you were missing.”
Nagtungo sila sa isang mesa at naupo. Mausok, maalikabok, at maingay dahil nasa gilid sila ng kalsada. Kung para kay Roy ay nakakairita ang pwesto nila, kay Sylvie ay hindi. Gustong-gusto niyang kumakain sa mga karinderya at turo-turo sa gilid ng kalsada.
“Sinabi ko na nga pala sa bahay na ipapakilala kita sa kanila,” natutuwang saad niya habang hinihipan ang kinakain.
“Really? Ano’ng sabi nila?”
“Wala naman. Excited lang sila na makita ka. Diyos ko, ilang taon magmula no’ng nagpakilala ako ng lalaki sa bahay.”
“Alam na no’ng best friend mo? Is he going to attend your birthday party?” Halos mabulunan siya sa tanong nito.
Sino ba namang hindi mabubulunan kung si Cedrick ang pag-uusapan nilang dalawa? Bukod sa ayaw nitong maipakilala kay Roy bilang best friend niya, dalawang linggo na rin itong walang paramdam sa kanya—sa tawag man o sa social media.
Sanay siyang hindi siya tinatawagan nito pero hindi ganito katagal. Noon nga, thrice a week ito kung makatawag sa kanya para lang kumustahin siya. Minsan, magagalit pa ang lalaki kung hindi niya sinasagot ang tawag nito at text.
Ang nakakainis pa, alam niyang iniiwasan siya nito dahil tinaon ng lalaki na umalis papuntang Malaysia sa araw mismo ng birthday niya.
“I-I don’t know. Parang hindi…”
Nagsalubong ang kilay ni Roy. “Why? Ayaw niyang makilala ko siya?”
“No. Of course, he wants to,” pagsisinungaling niya pa. “Nataon lang kasi na may business meeting siya sa Malaysia that time.”
“I see. I was hoping to meet him.”
“Marami pa namang time. At saka, bakit gusto mo ba siyang makilala?”
“He’s important to you that’s why. He’s your best friend, right? Gusto ko rin naman siyang makilala dahil siya lang ang lalaking meron ka before me.”
Eh, hindi mo nga sure kung ganyan talaga setup namin, eh.
***
NAKATANGA si Cedrick sa glass wall ng kanyang opisina. Tinatanaw niya ang naglalakihang building sa harap ng kanyang gusali. Makailang buntonghininga pa ang kanyang narinig mula sa sarili bago nagbukas ang pinto.
“You look so dry today,” natatawang puna ng sekretarya niyang si Simon.
“Yep. Two weeks na akong dry kaya please shut your mouth and do your thing here.”
“Napakasungit mo naman. Bakit? Ano bang problema mo at nagkakaganyan ka? Ang init-init palagi ng ulo mo. Nag-away ba kayo ni Nina? Hindi ka na naman ba natuwa sa performance ni Shanty?—”
“Stop! Alam mo naman na wala na akong koneksyon diyan sa mga binabanggit mo.” Umismid siya bago luwangan ang neck tie at pabagsak na inupo ang sarili sa sofa.
“What? Wow.” Huminto ito sa ginagawa at naupo sa katapat na sofa. “Hindi ko alam ‘yan. Mukhang bago ‘yan, ah. In love ka na ulit?”
“Ano’ng in love ka riyan? Matagal na akong hindi tumitikim ng ibang babae except for—”
“For? Ginie? Helga?”
“Sylvie! Si Sylvie, Simon. Please stop enumerating women. Lalo akong nauuyam sa sinasabi mo.” Umiling-iling pa siya kasabay ng paghilot sa sintido.
“Si Sylvie? Siya na lang tinira mo?”
“Correction, pinili kong mag-stay? Okay? Ang sagwa ng term mo.”
“So, ano’ng problema n’yo ni Friend with Benefits since 2021?” Natawa pa ang lalaki.
“Wala akong problema. Siya ang meron.”
“Oh, bakit? Care to tell what happened? Sa pagkakatanda ko, sa kanya mo kino-compare ang mga naging girls mo dati dahil wala kang problema sa kanya. Tapos ngayon para kang nalamangan diyan.”
“She is dating someone.”
“So what?”
“Gusto niya akong ipakilala as her best friend!”
“Eh, ano’ng pinuputok ng butchi mo d’yan? Alangan naman sabihin niyang gumagawa kayo ng milagro pero hindi naman kayo.”
Mas lalong makikita ang pagkairita sa kanyang mukha.
“Ayokong ipakilala niya ako. ‘Di mo ba gets ‘yon?”
Mapanuri siyang pinagkatitigan ni Simon.
“Man, I think you have a problem.”
“At ano na naman ‘yon?”
“Are you jealous?”
“Of course not!”
“Hmmm.” Pilyo itong tumango.
“Hindi nga! You know that I am no longer into relationships. Alam na alam mo ‘yan.”
“Eh, ba’t ka nga ganyan maka-react? Ayaw mo na lang kasi aminin na special si Sylvie sa ‘yo…sexually. Gusto mo, sa ‘yo lang siya eh, ‘di naman pwede ‘yon, dude. Kung gusto mong maging exclusive siya sa ‘yo, ligawan mo rin. Makipag-date ka sa kanya.”
“Why would I do that? Alam mo kung ano’ng nangyari sa amin ni Camilla—”
“That was three years ago. Then, after a year, you found Sylvie. Alam mo bang tuwang-tuwa sina Tita Tess no’n kasi siya lang ‘yong babaeng nagpatawa sa ‘yo nang gano’n. Akala niya nga no’n, girlfriend mo na si Sylvie, eh. Kaso, hindi pala.”
He sighed and stood up. “I am not ready.”
“Eh, ‘di kung hindi ka naman pala ready, wala kang karapatang uminit ang ulo dahil lang sa ipapakilala ka niya as a best friend. Tanggapin mo na magkaka-love life ‘yong tao. ‘Di ka naman selfish na tao, ‘di ba?”
Hindi siya umimik at muling nagtungo sa swivel chair. Kunwari’y binabasa ang mga documents na napirmahan niya na.
“I know you, Ced. Alam kong hindi naging maganda ang breakup n’yo ni Camilla pero sana ma-realize mo na hindi lahat ng babae kagaya niya. Huwag mong i-generalize lahat ng babae, manloloko.”
Hindi siya umimik.
“Alam ko, ready ka na ulit, eh. Pero kung hindi pa talaga, let her be happy. Okay?”
Hindi na nito hinintay ang sagot niya at umalis na sa kanyang opisina. Sumandal siya sa swivel chair at muli, napuno ng buntonghininga ang buong silid.
“HINDI ko alam kung ano’ng problema ni Cedrick,” ani Sylvie na nasa Dominican Bar ngayon kasama si Simon at France.“Eh, ba’t ‘di mo kausapin ‘yang sekretarya niya?” Nginuso pa ng babae si Simon na nasa gitna nilang dalawa.“Believe me, hindi ko rin siya ma-gets. Para siyang babaeng may buwanang dalaw this week. Nakakapagod siyang kausap. Ang hirap intindihin,” kamot-ulong tugon ni Simon.“Wow, ha? Parang alam na alam mo ugali ng mga babae, ha?” panunudyo naman ni France.“Ang weird niya kasi.”“Wala ba siyang nababanggit sa ‘yo?” tanong pa ni Sylvie.“W-wala naman. ‘Di nga kami nakakapag-usap nang maayos, eh,” pagsisinungaling nito.Hindi na umimik pa si Sylvie. Maniniwala na lang siguro siyang sobrang busy ng lalaki this past few days kaya hindi sila nagkikita nito.“Happy birthday, Sylvie!” malakas na sigaw ng dalawa niyang kaibigan sabay taas ng basong may alak.“Tanga, ‘di pa! Five minutes pa!” natatawang sabi niya.She’s going thirty-two years old. Wala siyang ibang wish ngayong
NAGISING si Sylvie nang maramdamang tumatama sa kanya ang liwanag na nangggagaling sa glass wall ng kwarto. She’s still sore on one of the most amazing nights of her life with Cedrick. That was the very first birthday sex she had with him.“Good morning…”Napalingon siya nang makita ang lalaking nakasuot ng kulay navy blue na shirt at itim na jogging pants. Nagsusuklay ito ng buhok habang may kape sa bed side table.“Mag-jog ka na?” tanong niya at saka dahan-dahang naupo.“Nope. My flight is at one o’clock in the afternoon. Ano’ng oras ang celebration ng birthday mo?”“Mamayang gabi pa. ‘Di ka talaga pupunta?” tanong pa niya at saka tinali ang mahabang buhok.“You know that I wanted to. Pero, this is important, Syl. I am really sorry.”“Iniiwasan mo ba ako?”Umiling agad ang lalaki. “Why would I do that?”“Ayaw mo bang may makipag-date sa akin?” tanong pa niya.“Of course, not! Alam mo bang masaya ako kasi naka-move on ka na? I just want the best for you. Bakit ba ganyan ka magtanong?
TAHIMIK sina Cedrick at Sylvie habang nasa sasakyan. Parang ayaw pa ni Sylvie na paalisin ang lalaki ngunit nakita niya ang mga bagahe nitong nilagay noon sa compartment ng kotse.Makailang ulit siyang nagbuntong-hininga. Hindi makukumpleto ang birthday niya nang wala si Cedrick. Mula noong nag-break sila ng karelasyon niya, ang lalaki ang naging dahilan para makabangon siya ulit.“Ced, aalis ka talaga?” pangungulit niya habang nasa kahabaan sila ng traffic.“Bigyan mo ako ng dahilan kung bakit ‘di ako aalis.”“Kasi birthday ko.”“Nice try, Syl. But no. I know this day is important to you but we’ve already celebrated your birthday last night and early this morning.”“Eh, kahit na.”“So bakit nga ayaw mo akong umalis. Do you want us to go somewhere? We still have time.”“Hindi. ‘Di naman sa gano’n. Gusto ko lang sanang kumpleto
“I THOUGHT you are going to Malaysia?” nagtatakang tanong ni Simon nang makita si Cedrick sa opisina nito.“Shut the fuck up, Simon. Just work. Don’t mind me.”“Gusto mo bang mag-inom? Maaga pa naman. Alas tres pa lang ng hapon.”“Nope. I want to get busy.”“Bakit ka na naman parang babae kung sumagot? Hindi ba naging maganda ang naging regalo mo kay Sylvie kaya ka ganyan?”“Do you want to know what happened?”“Yes, of course,” taas-noo at nakatindig na sagot nito.“We made it until three rounds. Binigay ko na sa kanya ‘yong polo dress na pinabili ko sa ‘yo last week, at pinagluto ko siya ng almusal bago ko siya hinatid sa kanila. Are you satisfied with my answer?” dire-diresto niyang tugon.“Mukha ka namang boyfriend material sa ginawa mo, Ced. ‘Di ba nandiri sa ‘yo si Syl?” Tumawa pa ito.
ISANG ORAS at kalahati nang naghihintay si Sylvie kay Roy sa K-Mart ngunit hindi pa rin niya nakikita ni anino ng lalaki. Nakailang beses na rin siyang tumawag ngunit dinidiretso lang siya nito sa voice mail.“Ano kayang nangyari? Tawagan ko kaya si Ced?”Mayamaya pa’y nakita niya ang kulay maroon na sasakyan nitong nagpa-park sa labas ng K-Mart kaya naman lumabas na siya ng convenience store.“I am really sorry, babe!”Sinalubong siya nito at nagbeso sa kanyang pisngi. Ikinagulat niya pa ang gesture na iyon ng lalaki dahil ngayon na lang ulit may humalik sa kanyang pisngi matapos mag-sorry.“Kanina ka pa ba rito?”“H-hindi. Medyo thirty minutes pa lang,” pagsisinungalning niya sabay ang pilit na ngiti.“Here. This is for you.”Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang isang malaking bouquet ng pulang rosas na halos hindi niya mahawakan ng isang kam
“NASAAN ka ba?!” Halos maitapon ni Cedrick ang cellphone na hawak nang marinig niya ang boses ni Minerva noong sagutin niya ito.“Why? What happened? Is she in trouble?” sunod-sunod niyang tanong habang aligagang inaayos ang kanyang gamit.“Wala! Sinagot niya na si Roy! Bakit kasi wala ka dito?!” Nakakarindi ang boses nito ngunit alam niya nag-aalala lang ito sa kapatid.“Ate, hayaan mo siya. We’re just friends—”“With benefits! Wala ka bang pagmamahal sa kapatid ko?”He sighed. “I love her as her partner in bed. Pero, Ate, hayaan na natin siya. ‘Yan ang gusto niya. Maging masaya na lang tayo. Saka na lang natin resbakan kapag pinaiyak niya na si Syl. Okay?”Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito.“Ano ba kasing nangyari? ‘Di ka naman tatawag ng ganyan kung wala lang.”“Hindi ko siya gusto para kay Sylvie,”
THREE WEEKS nang walang paramdam si Cedrick kay Sylvie. Kahit saang social media app nito ay wala man lang itong update. Nakatingin siya ngayon sa huling message na sinabi niya sa lalaki matapos niyang sagutin si Roy ngunit nag-heart react lang ito.Kapag tinatanong naman niya ang secretary nitong si Simon ay hindi rin alam kung nasaang lupalop ng Asya ang lalaki.Napabuntong-hininga siya dahil napakarami niyang gustong ikwento kay Cedrick. Liban kay France, si Cedrick lang ang lalaking walang ibang reaksyon kapag magkukwento siya. Talagang makikinig lang ito unless gusto niya itong magbigay ng opinyon.“’Di ka pa mag-lunch, Sylvie?” tanong sa kanya ng katrabahong nadaanan siya sa bay.“Mamaya na ako. Hinihintay ko pa si Roy, eh.”“Ha? Kanina pa sila naka-lunch. Kasama niya ‘yong mga investors pagkatapos ng meeting nila. ‘Di ba nagsabi sa ‘yo?”Unti-unting nawala ang pagkakangiti sa
ILANG araw pang naging hindi maganda ang pakikitungo ni Roy kay Sylvie. Madalas na ang mga naging pagtatalo nila. Dumarating na rin sa puntong naitutulak siya ng lalaki na ikinabibigla niya.“Roy, mag-break na lang tayo kung ganito lang din naman ang gagawin mo sa akin,” aniya habang pinipigilan ang luha sa mga mata.Nasa kotse sila ng lalaki at hinihintay na mag-go ang traffic light. Simple lang naman ang pinag-awayan nilang dalawa ngayong araw. Tinanong niya lang naman kung sino iyong babaeng kasama ni Roy na lumabas sa conference room.“Baby, don’t do this to me. You know how much I love you, right?”“Para kasing hindi na nag-wo-work ‘tong relasyon natin. Konting kibot lang, nagagalit ka kaagad. Masama na bang magtanong ako sa ‘yo? ‘Di ako nagseselos, Roy. Gusto ko lang naman malaman kung sino ‘yon?”Hindi na ito umimik.“She’s just one of the new investors we h
“GUSTO mong sumama?” pagbubukas ni Cedrick ng usapan habang nanananghalian sila sa isang fastfood chain. “Sa’n ka na naman pupunta?” takang tanong niya dahil matapos ng dalawang linggo magmula noong nagbuno sila ni Roy, ngayon na lang ulit ito nagpakita sa kanya. “May business trip ako sa Davao bukas. Gusto mo ba sumama? One week lang naman. Para makapag-unwind ka na rin.” Umiling siya. “Walang maiiwan sa bahay, Ced. Kaka-resign ko nga lang, ‘di ba?”“Kaya nga magtrabaho ka na kasi sa akin.” Muli siyang umiling. “Hinding-hindi mangyayari ‘yan, ako na ang nagsasabi sa ‘yo.”“Bakit ba kasi ayaw mo?” alburoto nito. “Ako pa talaga ang tinatanong mo?” Ngumisi siya habang sinasawsaw ang fries sa sundae. “Matalino ka naman, ah. Organized. Mabilis kumilos.” “Hindi, Ced. Ayoko. Baka lalong wala akong magawa na trabaho kung ikaw ang boss ko.”Tumaas ang kilay ng lalaki. Ngayon lang nito na-gets ang ibig sabihin ni Sylvie. “Grabe, gano’n ba ako kamanyak sa paningin mo?” may halong pagtat
MABIGAT ang nasa bandang puson ni Sylvie kaya naimulat niya ang kanyang mga mata. Halos mapapikit siya nang maramdaman niya ang hininga ni Cedrick na nasa bandang leeg niya. Doon niya lang napansin na nakayakap lang lalaki sa kanyang baywang at mahimbing na natutulog.Hindi nila alam kung ilang oras silang nagpapawis sa kwarto nito at mukhang napagod talaga ang lalaki. Aaminin niyang nanabik siya…at na-miss niya talaga si Cedrick.Maingat niyang tinanggal ang pagkakayakap sa kanya at nagtungo ng banyo upang maligo saglit.“Gusto kong matikman ‘yong spaghetti na ikaw ang nagluto.” Napangiti siya. Minsan na lang mag-request ang lalaki bakit hindi pa niya pagbigyan.Nagtungo siya sa kusina matapos maligo at pinagpatuloy ang naudlot na pagluluto ng lalaki. Mabilis siyang kumilos upang paggising nito ay kakain na lang sila.“Why didn't you wake me up?”Halos mapaigtad siya nang marinig ang boses ng lalaki na kalalabas lang ng kwarto. Bagong ligo rin ito at nakasuot ng pambahay.“Ang sarap
HINDI rin natiis ni Cedrick na umuwi agad ng Marikina nang malaman niya ang sitwasyon ni Sylvie. Sa makalawa pa dapat siya uuwi ngunit may kung anong nag-usig sa kanya at bumulong na umuwi siya as soon as possible.Malayo ang naging byahe niya mula isla pauwi ng Marikina upang tunguhin ang trabaho ng babae. Ikinataas niya ng kilay nang makita ito sa isang kotse na hindi maipinta ang mukha. Base sa buka ng bibig at mga mata nito, mukhang may hindi magandang nangyayari. Kaya naman nai-park niya ang sasakyan silang bloke ang layo sa parking space ng dalawa sa may coffee shop.Lumabas siya ng sasakyan. Tumayo sa may sidewalk at hinintay ang susunod na mangyayari base sa kilos ng dalawa. Agad siyang naglakad nang makita niyang tila ba mas matindi ang pagtatalo ng dalawa.This was the only time that he saw the fear in her eyes. Hindi naman siya papayag sa ganoon kaya mas binilisan niya ang paglalakad. Saktong akma nitong susuntukin si Sylvie ay hinampas niya ang harap