The Shoemaker

The Shoemaker

last updateLast Updated : 2023-08-07
By:   Achyxia  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
31Chapters
1.1Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Napakarami na ng problema ng bayan ng Garapal dahil sa bilang ng mga krimeng nangyayari ngunit parang mas malaki pa yata ang problema ni Ruanne. Nais lang naman ni Ruanne na makalimot sa pangangaliwa ng nobyo niya na sa kaaway pa niya napiling makipaglandian. Ngunit ang taksil niyang puso ay hindi umaayon sa gusto ng kanyang isip. Sa gitna ng kanyang pagmomove-on ay nakilala niya si Pio, ang isa sa mga staff ng sikat na tindahang 'The Shoemaker'. Ang 'The Shoemaker' lang naman ang pinakasikat na tindahan ng sapatos na mayroon lamang isang branch na nakapuwesto pa sa tapat ng boutique ni Ruanne. Ito lang din naman ang magiging kalaban ni Ruanne kung sakaling simulan niya na ang kanyang shoe line. At ang tahimik na buhay ng binatang nag-aasikaso nito ay mabubulabog dahil sa alok ni Ruanne na maging pekeng kasintahan niya na siya namang tinanggap agad ng binata. Ngunit sa pagsunud-sunod ni Ruanne kay Pio, may malalaman siyang hindi dapat. At matatagpuan niya na lamang ang sarili niyang sinusunod ang lahat ng gusto ng binata, maging sa ibabaw ng kama. At hindi lang iyon, mapapasok niya pa ang delikadong mundo ng mafia.

View More

Latest chapter

Free Preview

Prologo

"Fajardo, ipapaalala ko lang sa iyo, ha. Gusto kong akin ka lang. Kailan mo ba hihiwalayan ang bruhang si Ruanne? Matagal na akong naghihintay!""Alam mo namang hindi pa pwede, di ba? Basta hangga't hindi kami kasal, wala kang dapat ipag-alala. At hindi mangyayari iyon, Jacoma."Ang palitan ng mga salitang iyon ay tila mga patalim na tumarak sa puso ni Ruanne at nagpasakit ng dibdib nito. Huli na nga siyang nakarating sa pinagtatrabahuhan ng nobyo kung kaya't hindi siya umasang maaabutan pa niya ito. Ngunit, pinagpala yata siya ng langit at naabutan niya pa ito sa mismong tapat ng gusali nila. Ngunit kasama niya si Jacoma, ang mortal niyang kaaway na dati ay kaibigan niya.Hindi maipaliwanag ni Ruanne ang nadarama. Halu-halong kaba, gulat, kalungkutan, at galit. Sobrang gulo ng kanyang puso't isipan na hindi niya malaman kung ano ang uunahin. Nanigas na lamang siya sa kanyang kinatatayuan."Babe, alam mo namang wala akong balak pakasalan si Ru-RUANNE!" Para bang nakakita ng multo so ...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
31 Chapters
Prologo
"Fajardo, ipapaalala ko lang sa iyo, ha. Gusto kong akin ka lang. Kailan mo ba hihiwalayan ang bruhang si Ruanne? Matagal na akong naghihintay!""Alam mo namang hindi pa pwede, di ba? Basta hangga't hindi kami kasal, wala kang dapat ipag-alala. At hindi mangyayari iyon, Jacoma."Ang palitan ng mga salitang iyon ay tila mga patalim na tumarak sa puso ni Ruanne at nagpasakit ng dibdib nito. Huli na nga siyang nakarating sa pinagtatrabahuhan ng nobyo kung kaya't hindi siya umasang maaabutan pa niya ito. Ngunit, pinagpala yata siya ng langit at naabutan niya pa ito sa mismong tapat ng gusali nila. Ngunit kasama niya si Jacoma, ang mortal niyang kaaway na dati ay kaibigan niya.Hindi maipaliwanag ni Ruanne ang nadarama. Halu-halong kaba, gulat, kalungkutan, at galit. Sobrang gulo ng kanyang puso't isipan na hindi niya malaman kung ano ang uunahin. Nanigas na lamang siya sa kanyang kinatatayuan."Babe, alam mo namang wala akong balak pakasalan si Ru-RUANNE!" Para bang nakakita ng multo so
last updateLast Updated : 2022-08-04
Read more
Unang Kabanata
"Nababaliw ka na," nasabi na lamang ni Catalina sa kaibigan nang makita niya ang singsing na hawak-hawak nito at ipinagmamalaki pa. "Magkano naman iyan?"Nagsalubong ang mga kilay ni Ruanne at napaatras ang ulo sa sunod na sinabi ni Catalina. "Bakit mo naman natanong? May reregaluhan ka ba? O pakakasalan?" tanong ni Ruanne.Napairap naman ang kaibigan at hinablot ang kahon ng singsing mula rito."Hoy!"Sinubukang bawiin ni Ruanne ang singsing ngunit inilayo ni Catalina ang mga bisig niya kaya hindi niya maabot. Hindi naman niya mahabol ito dahil nakakahiya sa dami ng tao sa paligid. "Tinatanong ko kasi baka sobrang mahal nito tapos nasayang lang. Ikaw naman kasi. Bakit mo naman naisipang mag-propose? ," sabi ng kaibigan habang kinikilatis ang singsing.Simple lang naman ang singsing na binili niya. Wala namang kahit anong bato na nakalagay roon. Masyado kasing feminine ang style ng mga ganoon. Makapal lamang ang singsing na gawa sa ginto. May nakaukit lamang na infinity sign dito a
last updateLast Updated : 2022-08-04
Read more
Ikalawang Kabanata
"Ci---""Don't call me by my name, Hara. You know the rules," nagbabantang sabi ng lalaki.Naiinis ang lalaki sa tuwing tinatawag nito ang pangalan niya. At higit sa lahat, malapit na siyang labasan. Gusto niyang labasan na kaso napakaingay ng dalaga at hindi matuloy-tuliy ang gusto niya. "But---ohhh! Oh, God! Sige pa. Ahhh!"Hindi na nga napigilan pa ng dalawa ang sarili at narating na nga nila ang rurok ng kanilang kaligayahan. Sobrang sarap sa pakiramdam lalo na at pangatlong beses na nila nito sa gabing iyon. At mas lalo pang naging kapana-panabik ang kanilang pakikipagtalik dahil nasa isang pampublikong lugar sila--- sa loob ng men's bathroom."Ci---uhmmm... Orcy, kailan ulit tayo magkikita? Balita ko sasabak ka na talaga sa negosyo ng pamilya mo. Mind telling me your plans, mister?"Walang ganang tumingin ang lalaki sa kanya at itinaas na lamang ang pang-ibaba. Kaya lang naman siya nakipagkita rito ngayon dahil sa nais niyang mapaligaya ngayong gabi. Dahil sa mga susunod na ara
last updateLast Updated : 2022-08-05
Read more
Ikatlong Kabanata
Dahan-dahang ibinuka ni Ruanne ang kanyang mga mata. Ihinarang pa niya ang kanyang palad sa kanyang mata dahil sa biglaang pagkasilaw sa liwanag. Kahit sa malabong paningin dahil sa pagkakagising, naaaninag niya ang mukha ng dalawang lalaking nasa harap niya. Unti-unting naging malinaw ang itsura ng dalawa at agad na lamang siyang napaatras. Hindi niya kilala ang mga taong ito. "T-Teka, sino kayo? Ha? Anong kailangan niyo?" napapraning na tanong ni Ruanne. Agad namang umatras ang mga lalaki upang bigyan siya ng espasyo at hindi masyadong magalit. Itinaas ng isang lalaki ang kanyang kamay na parang sumusuko sa pulis. "Sandali lang, binibini. Wala kaming gagawing masama sa iyo. Nag-aalala nga kami sa iyo at ganyan ang kalagayan mo," sagot nito. Tinarayan naman ni Ruanne ang dalawang lalaki sa pamamagitan ng pagtaas ng kilay. "At bakit naman kayo---"Ruanne? RUANNE!" Nakarinig na lamang si Ruanne ng paglakad ng heels na papalapit sa kanya. Agad niyang namukhaan ang mabungangang kai
last updateLast Updated : 2022-08-06
Read more
Ikaapat na Kabanata
"W-Wala kasi akong mapili."Napakagat-labi na lamang si Ruanne. Wala naman siyang balak bumili talaga. Napapasok lang siya rito dahil sa kaibigan. Ngunit, napag-isip-isip niya na rin ang suhestyon ng kaibigan. Paano kung alamin niya na lang din kaya kung sino talaga ang may-ari ng lugar?Siguro iyon na nga lang ang gagawin niya. Matagal na rin siyang curious sa kung sino ba ang misteryosong lalaking iyon, o kung lalaki ba talaga iyon. Ngunit hindi makapag-isip si Ruanne nang maayos sa presensya ng lalaking nasa harap niya. Bukod pa sa napakagwapo nito, hindi rin maikakailang malakas ang dating. Ang dating niya ay ang tipo na hindi mo maaaring basta-bastahin. Ewan ba niya. Basta intimidating ang lalaki para sa kanya. "Ano ba ang tipo mo sa mga tsinelas?" tanong ng lalaki.Hindi naman nakatingin si Ruanne na sumagot."W-Wala naman akong espisipikong gusto. Basta maganda tingnan at komportable, a-ayos na sa akin."Ngumiti naman si Pio kay Ruanne. "Kung ganoon, maupo ka na lamang diyan.
last updateLast Updated : 2022-08-09
Read more
Ikalimang Kabanata
"H-Hindi na! Aalis na nga ako!"Kung totoong thunderclouds lang ang puso ni Ruanne, baka ilang puno na ang nasira dahil sa mga kidlat at kulob na inilalabas nito. Tuluyan na nga siyang nawala sa sarili. Ang sobrang lapit na distansya niya kay Pio ay nagpablangko ng kanyang isipan.Hindi siya makapaniwalang ganoon si Pio. Anong tingin niya sa dalaga, easy to get? Halatang-halata ni Ruanne ang intensyon ni Pio sa kanya. May gusto siya rito! At malamang sa malamang, hindi ito seryoso. Nakita niya naman kung paano umarte ang lalaki. Parang skilled na skilled sa ginagawa. "Binibini, hindi ka pa nakakapili ng ibang sapatos. Hindi ka na ba bibili?""Hindi na! Ayoko nang mapalapit sa iyo. Manyak!" galit na galit niyang saad.Maglalakad na sana ulit si Ruanne nang tawagin na naman siya ni Pio. Napairap na lamang siya at lumingon ulit."Ano na naman ba?" irita niyang tanong.May naglalarong ngiti sa mga labi ng binata nang ituro niya ang sahig. Napatingin naman doon si Ruanne at nakita ang kah
last updateLast Updated : 2022-08-17
Read more
Ikaanim na Kabanata
"Ninang Anne!"Napaangat na lamang ng ulo mula sa pagkakayuko si Ruanne nang tawagin ng isang bata ang pangalan niya. Ngumiti na lang siya nang malaki at ibinuka ang mga kamay upang salubungin ang bata. Si Oval naman ay masayang niyakap ang kanyang ninang na halos isang linggo din niyang hindi nakita.Nabaling ang tingin ni Ruanne sa nanay ng inaanak. Mapipinta sa kanyang mukha ang pag-aalala."Anong nangyari, Ruanne? Wala bang nanakit sa iyo?"Naupo na lamang si Catalina sa tabi ng kaibigan. Hinayaan na lang naman nilang magtatakbo si Oval sa tapat nila dahil wala namang dumadaan. Nakakapagtaka. Sa dami ng tao at mga pasyente sa ospital, wala man lang ni isang nurse na dumadaan." Si Mang Tomi kasi, ni-lock ako sa loob ng bodega niya kaya ayan ang nangyari. Siya ang sumalo ng lahat ng kabulastugan ng mga lalaking iyon," komento ni Ruanne.Napahinga naman nang malalim si Catalina."Alam mo, wala ka rin naman kasing magagawa. Saka ano bang ginawa nila kay Mang Tomi?"Napakunot naman an
last updateLast Updated : 2022-08-28
Read more
Ikapitong Kabanata
"Anong nangyayari rito, magandang binibini?"Malinaw na malinaw sa tenga ni Ruanne ang narinig niya. Ngunit gusto niyang paniwalaang nabingi na yata siya dahil kung anu-ano na ang naririnig niya. Ngunit hindi eh. Iyon talaga ang narinig niya. Mahal? Magandang binibini? Ano na ba ang tumama kay Pio at kung anu-ano na ang pinagsasasabi niya?Naiilang na napatingin si Ruanne sa kanyang dalawang kaaway. Nakita niya ang mapagmataas na tingin ni Jacoma at ang inis na nagtatakang titig ni Fajardo. Nakahawak pa sila sa isa't isa nang ipakita nila ang mga ganoong ekspresyon. Aakalain ng kahit sinong matalinong tao katulad ni Pio na kalokohan lang ang relasyon ng dalawa. Ngunit si Ruanne ay t*nga. Lumingon na lamang muli si Ruanne kay Pio. Nakikipagtitigan ang binata sa mga nasa harapan nila at ayaw na ni Ruanne na makahakot pa ng napakaraming atensyon. Napapatungo na lamang siya dahil dumadami na ang mga taong nasa paligid na tumitingin sa kanila. Ang iba ay pinipili na lamang dumiretso sa p
last updateLast Updated : 2022-08-29
Read more
Ikawalong Kabanata
Bigla na lamang nabulunan si Catalina at naubo sa tubig na pumasok sa baga niya. Nanlaki ang mga mata ni Ruanne at agad na inabutan ng tuwalya si Catalina. "Anong sabi mo? Anong ginawa sa iyo nung dalawa? Ang kapal naman talaga ng mga mukha nila!"Siya rin naman ay ganoon ang tingin. Gaya ng inaasahan, umusok ang ilong ni Catalina dahil sa inis sa dalawa. Kinuwento niya kasi ang nangyari dahil hindi naman siya matatahimik kung kikimkimin niya lang ang nararamdaman." Oh eh tapos ano? Hinayaan mo na lang?" naiinip na tanong nito sa kanya. Dumukwang pa ito papalapit sa kanya at naitulak na lamang niya ang ulo ng kaibigan." Umayos ka nga. Hinayaan ko na lang," kalmadong sagot ni Ruanne.Uminom na lamang si Ruanne ng kape at umiwas ng tingin. Na-iimagine niya na ang mapanghusga at bwisit na mukha ng kaibigan."Iyon na iyon! Hindi ka man lang lumaban?!" sigaw nito na halos dinig na yata sa buong kalye.Napatayo na lamang si Catalina at napaduro-duro kay Ruanne. Agad naman na hinawakan ni
last updateLast Updated : 2022-08-30
Read more
Ikasiyam na Kabanata
"Manang, ayos na. Huwag na kayong pumasok ngayong araw. May pupuntahan lang din ako ngayon kaya isasara ko muna ang tindahan," sabi ni Ruanne sa telepono, hawak-hawak ang listahan ng number ng kanyang mga manggagawa."Sige na nga, ma'am. Basta inaasahan ko na pupunta kayo rito mamaya ha. Hihintayin ko ho kayo," sabi ni Manang Celeste sa kabilang linya.Napangiti naman si Ruanne."Oho, sige. Asahan niyo pong darating ako.""Sige, ma'am. Kita na lang tayo mamaya!" masaya nitong saad sa kabilang linya. "Sige ho."Ibinaba na ni Ruanne ang telepono. Si Manang Celeste na ang pinakahuli niyang kailangang tawagan. Mula sa kanyang mga pajama at lawlaw na damit, nagpalit siya sa isang pantalon at kulay rosas na maliit na pantaas na may strap. Dala-dala ang kanyang wallet at payong, naglakad siya papunta sa bahay ni Catalina. "Hoy, saan ang gala mo? Hindi ka magbubukas ng tindahan mo?" tanong ni Catalina nang makita ang kaibigan na ayos na ayos.Wala namang masyadong ginagawa si Catalina. Sa li
last updateLast Updated : 2022-08-31
Read more
DMCA.com Protection Status