"W-Wala kasi akong mapili."
Napakagat-labi na lamang si Ruanne. Wala naman siyang balak bumili talaga. Napapasok lang siya rito dahil sa kaibigan. Ngunit, napag-isip-isip niya na rin ang suhestyon ng kaibigan. Paano kung alamin niya na lang din kaya kung sino talaga ang may-ari ng lugar?Siguro iyon na nga lang ang gagawin niya. Matagal na rin siyang curious sa kung sino ba ang misteryosong lalaking iyon, o kung lalaki ba talaga iyon. Ngunit hindi makapag-isip si Ruanne nang maayos sa presensya ng lalaking nasa harap niya. Bukod pa sa napakagwapo nito, hindi rin maikakailang malakas ang dating. Ang dating niya ay ang tipo na hindi mo maaaring basta-bastahin. Ewan ba niya. Basta intimidating ang lalaki para sa kanya."Ano ba ang tipo mo sa mga tsinelas?" tanong ng lalaki.Hindi naman nakatingin si Ruanne na sumagot."W-Wala naman akong espisipikong gusto. Basta maganda tingnan at komportable, a-ayos na sa akin."Ngumiti naman si Pio kay Ruanne."Kung ganoon, maupo ka na lamang diyan. Alam ko na sa simula pa lang na babagay sa iyo iyon. Kukunin ko lang sa likod. Maghintay ka riyan."Umalis naman agad si Pio. Nagtataka man kung ano ang tinutukoy, napatingin na lang siya sa paligid. Imbis na maupo sa itim na sofa sa gilid, pinili niya na lamang maglibot sa buong lugar, kahit na nalibot niya na naman ito kanina pa.Tumitibok ang kanyang puso na parang isang tambol. Pakiramdam niya ay hindi siya makahinga kahit ba napaka-open ng suot niya. Hindi niya inaasahan ang turn of events. Ni hindi pa nga siya nakakakain nang maayos tapos ganito pa ang sumalubong sa kanya.Dali-daling nagpunta si Ruanne sa may pinto at sumilip. Nandoon pa rin ang truck na humaharang sa sikat ng araw kung kaya't hindi siya kita. Nakita niya si Fajardo na matiyagang nakatayo sa tapat ng fashion house niya habang si Catalina ay hindi niya makita. Naisip niya na lamang na baka pumasok na ang dalaga sa Fabs at hindi na pinansin pa ang ex niya."HOY CATALINA! ALAM KONG ALAM MO KUNG NASAAN SI RUANNE! ILABAS MO NA SIYA!"Halos takpan ni Ruanne ang kanyang tenga sa sobrang lakas ng boses ng ex niya. Halos takpan niya na rin ang mukha sa sobrang hiya. Halos pagtinginan ng lahat ng tao si Fajardo dahil sa pagsigaw-sigaw nito. Akala yata ng mga ito na nababaliw na ang lalaki. Napatakip na lamang siya sa kanyang mukha dahil sa pagkapahiya. Halos lahat yata ng tao sa kalyeng ito, kilala ang pagmumukha niya." RUANNE! MAHAL KITA! HINDI AKO AALIS DITO HANGGA'T HINDI KITA NAKAKAUSAP! PAKIUSAP, HAYAAN MO AKONG MAGPALIWANAG!"Napailing-iling na lamang si Ruanne. Gustuhin niya mang maniwala sa sinasabi ng lalaki ay hindi iyon ang nakitq at narinig niya.Napadako ang kanyang tingin sa lamesang nasa gilid na mukhang pwesto ng tagapamahala. Dali-dali na lamang siyang nagpunta roon at tiningnan ang mga papeles na naroon. Tumingin siya sa paligid at napansing wala pa naman si Pio.Kahit walang permiso, tiningnan niya ang mga papeles. Ngunit sa ilang paglilipat-lipat niya ng papel, wala siyang ibang makitang detalye bukod sa mga materyales. Nakalagay lamang doon ang inventory ng materyales nila maging ang ilang mga order ng sapatos. At nakalagda naman doon ang may-ari ng tindahan. Si Ciprus. Iyon lamang ang nakalagay na pangalan at wala ng iba pa."Hay, ano ba ito? Wala naman akong ibang malalaman dito eh," dismayadong komento ni Ruanne."Binibini?"Nanlaki ang mga mata ni Ruanne at agad na sinalansan ang mga papel pabalik sa lamesa. Sinubukan niyang ayusin iyon sa dating pagkakasunud-sunod ngunit wala na siyang oras. Naririnig niya na ang yabag ng mga sapatos ng binata. Inayos niya na lamang ang pagkakasalansan ng mga ito sa lamesa at naglakad na."Anong ginagawa niyo rito, binibini?"Napatigil sa paglalakad si Ruanne at napalunok nang malaki. Napakabilis naman kasi maglakad ni Pio. Ni hindi man lang siya nakapag-ayos ng sarili."A-Ahh... Wala naman. Nagtitingin-tingin lang ng... sapatos."Tumaas naman ang mga kilay ni Pio."Akala ko ba wala kayong natitipuhan sa mga iyan?" tanong nito.Agad namang dumepensa si Ruanne."B-Bakit ba?! Titingin lang naman eh. Ganiyan ka ba sa mga mamimimili rito?!" pasigaw nitong sabi.Masyadong defensive ang dating ni Ruanne. Nagtatanong lang naman si Pio. Hindi niya naman kailangang sumigaw. Sa pagkakataong iyon, baka mahalata pa siyang may ibang ginagawa.Napatawa naman ang lalaki na siyang nagpahaba ng nguso ni Ruanne."B-Bakit ka natawa, ha?! May nakakatawa ba sa mukha ko?!"Tumigil ang lalaki sa pagtawa at may ningning ang mga matang tumingin sa kanya."Hindi naman ako ganito sa lahat ng mamimili namin. Sa iyo lang."Hindi nakasagot si Ruanne sa banat ni Pio. Kahit na parang wala namang ibang ibig sabihin ang sinabi nito, bigla na lamang kumabog ang kanyang dibdib nang malakas. Sa loob-loob niya, iba ang ibig sabihin ng binata.Napadako ang tingin niya sa kahong hawak ng binata. Kulay pula ito at may nakatali pang gintong ribbon. Akala mo naman ay isa iyong aguinaldo para sa pasko dahil sa paraan ng pagkakabalot."I-Iyan na ba ang tsinelas na sinasabi mo?" pag-iiba ni Ruanne ng usapan."Ito na nga, binibini.""Bakit nakatali na iyan? Paano ko masusukat iyan?" pabalang na tanong ng dalaga.Tila hindi naman iyon dinamdam ni Pio at sumagot nang magalang."Hindi naman malaking problema iyon. Puwede ko namang tanggalin ang tali at buksan ang kahon. Ibabalik ko na lang sa dati pagkatapos mong masukat," tugon niya."Hindi na." Bigla na lamang hinablot ni Ruanne ang kahon mula kay Pio. "Sa bahay ko na ito susukatin. Saka nga pala, p-puwede bang b-bukas ko na ito bayaran?"Natameme si Pio sa sinabi ng kanyang nakakatawang mamimili. Maging si Ruanne ay hindi na nakapagsalita. Wala kasi siyang salaping dala. Nakakahiya. Sa buong buhay niya, ngayon lang yata siya nangutang."Huwag kang mag-alala. Katapat ng tindahan niyo ang tindahan ko. May-ari ako ng isang—""Hindi mo na kailangang magpaliwanag. Naiintindihan ko na. Maaari ka nang umalis. At mabuting umalis ka na habang wala pa si Mang Domeng. Parehas lang kami ng estado rito pero hindi iyon matutuwa kapag nalaman niyang may nangutang sa tindahan. Sige na, binibini. "Napakurap-kurap na lamang si Ruanne dahil sa biglang pagbabago ng mood nito. Nakangiti pa rin naman ang lalaki sa kanya pero hindi maganda ang pakiramdam niya rito. Bakit parang biglaan naman na gusto niyang umalis siya rito?Napalingon muli si Ruanne sa labas at nakitang nakaupo sa tapat ng kanyang boutique si Fajardo. Matiyaga itong naghihintay habang pabalik-balik ang tingin sa kanyang kaliwa at kanan. Halata sa pagtapik ng kanyang mga paa sa lupa ang pagkainip subalit siya ay naghihintay pa rin.Matulin na ibinalik ni Ruanne ang tingin sa kanyang kaharap. Kumunot ang kanyang noo sa aktong pag-iisip."On second thought, puwede namang bumili ako ng isa pa. Bakit hindi mo ipakita sa akin ang iba niyo pang gawa? Sigurado naman akong mayroon, 'di ba?"Tumango agad si Pio. Ang kanyang mga mata ay kumikislap ngunit may kadiliman sa mga ito. Sa kabila nito, napanatili niya ang inosenteng itsura ng kanyang mukha. Tunay na nagagalak siya kay Ruanne." Oo naman. Meron kami. Bakit naman kami mawawalan? "Iginiya ni Pio si Ruanne sa likod ng tindahan kung saan nakatambak ang iilang mga sapatos na balak din nilang ibenta. Wala ng natitirang espasyo sa mismong tindahan kaya dinadala na lamang nila rito ang mga mamimili kung sakaling maghanap pa sila ng ibang pares.Napahanga naman si Ruanne sa kalakihan ng tindahan. Hindi niya alam na marami pala silang nagagawa ng sapatos. Ngunit nakapagtataka. Ang sabi sa mga bali-balita, ang nag-iisang gumagawa ng mga sapatos sa lugar na ito ay si Ciprus. Ngunit kung iisipin, halos lampas na yata sa isang libo ang bilang ng mga pares na narito. Imposible namang ginawa ito lahat ng isang tao lamang."Ang dami naman nito. S-Sino ba ang gumagawa ng lahat ng mga ito?" tanong ni Ruanne na may ibang motibo."Si Mr. Ciprus ang gumagawa ng lahat ng sapatos na ito.""Bakit ang dami naman? Imposible namang siya lahat ang gumagawa ng mga ito?" komento pa ni Ruanne.Hindi na siya sinagot pa ni Pio at tumigil sila sa isang malaking rack ng mga pumps. Si Pio na ang namili para kay Ruanne. Habang si Ruanne naman ay nag-iisip ng maidudugtong sa sinabi. Desidido talaga siyang malaman kung sino ang Mr. Ciprus na tinatawag nila. Bukod pa roon, desidido rin siyang makalayo sa kanyang nobyo. Magtatagal siya rito hangga't kaya niya hanggang sa makaalis na ang peste sa labas ng bahay niya."M-Mayroon ba kayong kahit mga loafers man lang na pambabae? Ayoko ko kasi ng pumps eh. Nasaan ba ang mga loafers ninyo? Bakit wala akong nakikita?"Tumingin-tingin pa si Ruanne sa paligid na akala mo ay curious talaga sa mga sapatos. Ngunit ang pakay niya talaga ay malibot ang buong lugar. Gusto niyang makakuha ng kahit ano tungkol kay Mr. Ciprus.Habang tumitingin-tingin ang dalaga sa paligid ay ibinalik naman ni Pio ang pumps na kinuha. Napangisi na lamang siya sa inaakto ng katapat niya."Ang mga loafers namin ay hindi pa nadating. Ipinapadala lamang iyon ni Mr. Ciprus dito sa tindahan."Napataas ang dalawang kilay ni Ruanne. Tila ba nakakuha siya ng isang magandang ideya."Kung ganoon... Sa ibang lugar niyo pa ginagawa ang mga sapatos. Hmmm... S-Saan naman iyon?"Bakas pa ang ngiti sa mukha ni Ruanne nang tanungin niya iyon. Iniisip niyang makakakuha siya ng sagot kay Pio. At pag nalaman niya talaga kung saan iyon, pupuntahan niya talaga iyon. Makalayo lang muna pansamantala sa dating nobyo.Napatawa naman nang mahina si Pio. Nawala ang ngiti sa mga labi ni Ruanne at napalitan ng pagsasalubong ng kanyang mga kilay. Tumayo nang tuwid si Ruanne."Anong nakak—"Halos makagat ni Ruanne ang sariling labi nang biglang humakbang si Pio paabante, papalapit sa kanya. Nanlaki ang kanyang mga mata at automatic na umatras ang mga paa. Nagpatuloy sa pag-abante ang lalaki kaya't patuloy din siya sa pag-atras. Naramdaman niya na lamang na bumangga siya sa isang rack ng mga sapatos kaya't napatigil siya. Ganoon din ang lalaki. Napanatili niya ang tingin kay Pio at napansin niyang agad na nawala ang mga ngiti sa labi nito. Napalitan na ito ng mapaglarong ngisi.Labis ang nararamdamang kaba ni Ruanne. Hindi niya alam kung anong binabalak ni Pio. Ngunit humakbang ito paabante kung kaya't ang ibig sabihin nito ay gusto niyang mapalapit sa kanya. Kung hindi pa yata siya nabangga ay hindi siya titigil. Hindi kaya may balak sa kanya ang binata?Hindi maisip ni Ruanne kung ano ba talaga ang nangyayari ngayon. Sa sobrang tensyon na kanyang naramdaman nang magtama ang kanilang mga mata ay itinuon niya na lamang ang pansin sa sahig. Ngunit ayaw pakawalan ni Pio ang mga mata niya. Tumungo ito nang kaunti upang mag-lebel ang kanilang mga mata. Hindi na nakaiwas pa si Ruanne at napatingin na nang diretso kay Pio. Nahihilo siya sa mga titig niya. Para bang may kakaiba."Akala mo ba hindi ko nahahalata iyang ginagawa mo?" Napalunok na lamang si Ruanne sa sinabi ni Pio. "Alam kong gusto mong malaman kung sino si Mr. Ciprus at gusto mo ring makalayo sa lalaking nasa labas. Sino pala siya? Siguro... Ex-boyfriend?"Tila isang librong madaling basahin ang naging dating ni Ruanne. Ganoon ba talaga kahalata ang mga kilos niya? Hindi siya makapaniwala.Sinubukan niyang umalis ngunit ikinulong siya ni Pio nang iharang nito ang braso sa kanyang dadaanan. Napapikit na lamang si Ruanne at huminga nang malalim."Wala akong pakialam sa Mr. Ciprus na iyan, ha! Malay ko ba riyan?! Okay, sige! Aamin na ako. Gusto kong lumayo sa ex ko. Happy ka na?! Ngayon, wala naman talaga akong bibilhin kaya puwede na ba akong umalis?!" tuloy-tuloy niyang sabi.Napangiti naman si Pio. Talagang itinanggi ng dalaga ang isa pa niyang pakay. Ngunit ano bang magagawa niya? Kung iyon ang sinabi niya, eh di iyon ang pakay niya.Lumusot si Ruanne sa ilalim ng braso ni Pio upang makaalis. Inayos niya ang kanyang damit at naglakad na. Grabe ang tensyon sa pagitan nila. Hindi niya na kayang manatili pa sa tabi ng lalaki dahil pakiramdam niya, may kung anong kuryente ang dumadaloy sa katawan niya at dumadagundong ang dibdib niya na akala mo ay lilindol sa loob nito.Ngunit nang akala niya ay nakalaya na siya ay naramdaman niya na lamang ang isang palad na bumalot sa kanyang pulsuhan. Nanlaki ang kanyang mga mata ngunit huli na. Nahila na siya ni Pio palapit sa kanya at bumangga si Ruanne sa katawan ng binata.Habol-habol niya ang kanyang hininga. Sa sobrang lakas ng pagkakahila sa kanya ay ni isang metrong pagitan sa kanila ay hindi mo makikita. Ang kanyang isang kamay ay nakapahinga sa dibdib ni Pio at ang isa naman ay hawak pa rin ng lalaki. Halos nakayakap na ang dating niya rito."Ang sabi mo, lumalayo ka sa ex mo."Ang lalim sa boses ni Pio ay hindi nagparamdam ng gaan ng loob sa puso ni Ruanne. Mas lalong bumilis ang kanyang paghinga at naguguluhan ang kanyang isip.Itinaas niya ang kanyang tingin kay Pio at nakitang madiing nakatingin sa kanya ang binata. Ang mga mata nito ay nangungusap sa kanya ngunit hindi niya maintindihan kung ano ang ipinapahiwatig nito.Napalunok na lamang si Ruanne. Ang kamay na kanina'y nakahawak sa kanyang pulsuhan na ngayon ay umakyat na sa kanyang beywang ay naghatid ng kakaibang kiliti sa kanyang puso.Hindi inalis ni Ruanne ang tingin kay Pio. At unti-unti, ibinaba ng lalaki ang kanyang mukha papalapit kay Ruanne. Papalapit nang papalapit nang papalapit, hanggang sa halos magdikit na ang kanilang mga ilong at magkiskisan.Kitang-kita sa mukha ng dalaga ang epekto ng binata. Napangisi na lamang ang binata."Then, should we stay here a little bit longer?""H-Hindi na! Aalis na nga ako!"Kung totoong thunderclouds lang ang puso ni Ruanne, baka ilang puno na ang nasira dahil sa mga kidlat at kulob na inilalabas nito. Tuluyan na nga siyang nawala sa sarili. Ang sobrang lapit na distansya niya kay Pio ay nagpablangko ng kanyang isipan.Hindi siya makapaniwalang ganoon si Pio. Anong tingin niya sa dalaga, easy to get? Halatang-halata ni Ruanne ang intensyon ni Pio sa kanya. May gusto siya rito! At malamang sa malamang, hindi ito seryoso. Nakita niya naman kung paano umarte ang lalaki. Parang skilled na skilled sa ginagawa. "Binibini, hindi ka pa nakakapili ng ibang sapatos. Hindi ka na ba bibili?""Hindi na! Ayoko nang mapalapit sa iyo. Manyak!" galit na galit niyang saad.Maglalakad na sana ulit si Ruanne nang tawagin na naman siya ni Pio. Napairap na lamang siya at lumingon ulit."Ano na naman ba?" irita niyang tanong.May naglalarong ngiti sa mga labi ng binata nang ituro niya ang sahig. Napatingin naman doon si Ruanne at nakita ang kah
"Ninang Anne!"Napaangat na lamang ng ulo mula sa pagkakayuko si Ruanne nang tawagin ng isang bata ang pangalan niya. Ngumiti na lang siya nang malaki at ibinuka ang mga kamay upang salubungin ang bata. Si Oval naman ay masayang niyakap ang kanyang ninang na halos isang linggo din niyang hindi nakita.Nabaling ang tingin ni Ruanne sa nanay ng inaanak. Mapipinta sa kanyang mukha ang pag-aalala."Anong nangyari, Ruanne? Wala bang nanakit sa iyo?"Naupo na lamang si Catalina sa tabi ng kaibigan. Hinayaan na lang naman nilang magtatakbo si Oval sa tapat nila dahil wala namang dumadaan. Nakakapagtaka. Sa dami ng tao at mga pasyente sa ospital, wala man lang ni isang nurse na dumadaan." Si Mang Tomi kasi, ni-lock ako sa loob ng bodega niya kaya ayan ang nangyari. Siya ang sumalo ng lahat ng kabulastugan ng mga lalaking iyon," komento ni Ruanne.Napahinga naman nang malalim si Catalina."Alam mo, wala ka rin naman kasing magagawa. Saka ano bang ginawa nila kay Mang Tomi?"Napakunot naman an
"Anong nangyayari rito, magandang binibini?"Malinaw na malinaw sa tenga ni Ruanne ang narinig niya. Ngunit gusto niyang paniwalaang nabingi na yata siya dahil kung anu-ano na ang naririnig niya. Ngunit hindi eh. Iyon talaga ang narinig niya. Mahal? Magandang binibini? Ano na ba ang tumama kay Pio at kung anu-ano na ang pinagsasasabi niya?Naiilang na napatingin si Ruanne sa kanyang dalawang kaaway. Nakita niya ang mapagmataas na tingin ni Jacoma at ang inis na nagtatakang titig ni Fajardo. Nakahawak pa sila sa isa't isa nang ipakita nila ang mga ganoong ekspresyon. Aakalain ng kahit sinong matalinong tao katulad ni Pio na kalokohan lang ang relasyon ng dalawa. Ngunit si Ruanne ay t*nga. Lumingon na lamang muli si Ruanne kay Pio. Nakikipagtitigan ang binata sa mga nasa harapan nila at ayaw na ni Ruanne na makahakot pa ng napakaraming atensyon. Napapatungo na lamang siya dahil dumadami na ang mga taong nasa paligid na tumitingin sa kanila. Ang iba ay pinipili na lamang dumiretso sa p
Bigla na lamang nabulunan si Catalina at naubo sa tubig na pumasok sa baga niya. Nanlaki ang mga mata ni Ruanne at agad na inabutan ng tuwalya si Catalina. "Anong sabi mo? Anong ginawa sa iyo nung dalawa? Ang kapal naman talaga ng mga mukha nila!"Siya rin naman ay ganoon ang tingin. Gaya ng inaasahan, umusok ang ilong ni Catalina dahil sa inis sa dalawa. Kinuwento niya kasi ang nangyari dahil hindi naman siya matatahimik kung kikimkimin niya lang ang nararamdaman." Oh eh tapos ano? Hinayaan mo na lang?" naiinip na tanong nito sa kanya. Dumukwang pa ito papalapit sa kanya at naitulak na lamang niya ang ulo ng kaibigan." Umayos ka nga. Hinayaan ko na lang," kalmadong sagot ni Ruanne.Uminom na lamang si Ruanne ng kape at umiwas ng tingin. Na-iimagine niya na ang mapanghusga at bwisit na mukha ng kaibigan."Iyon na iyon! Hindi ka man lang lumaban?!" sigaw nito na halos dinig na yata sa buong kalye.Napatayo na lamang si Catalina at napaduro-duro kay Ruanne. Agad naman na hinawakan ni
"Manang, ayos na. Huwag na kayong pumasok ngayong araw. May pupuntahan lang din ako ngayon kaya isasara ko muna ang tindahan," sabi ni Ruanne sa telepono, hawak-hawak ang listahan ng number ng kanyang mga manggagawa."Sige na nga, ma'am. Basta inaasahan ko na pupunta kayo rito mamaya ha. Hihintayin ko ho kayo," sabi ni Manang Celeste sa kabilang linya.Napangiti naman si Ruanne."Oho, sige. Asahan niyo pong darating ako.""Sige, ma'am. Kita na lang tayo mamaya!" masaya nitong saad sa kabilang linya. "Sige ho."Ibinaba na ni Ruanne ang telepono. Si Manang Celeste na ang pinakahuli niyang kailangang tawagan. Mula sa kanyang mga pajama at lawlaw na damit, nagpalit siya sa isang pantalon at kulay rosas na maliit na pantaas na may strap. Dala-dala ang kanyang wallet at payong, naglakad siya papunta sa bahay ni Catalina. "Hoy, saan ang gala mo? Hindi ka magbubukas ng tindahan mo?" tanong ni Catalina nang makita ang kaibigan na ayos na ayos.Wala namang masyadong ginagawa si Catalina. Sa li
"Pasensya ka na. Masyado lang emosyonal si Lilia ngayon. Hanggang sa susunod na linggo pa naman ang lamay bago ilibing si tiya. Puwede kang bumalik dito para makita siya at si Lilia," sabi ni Boyet, ang boyfriend ni Lilia.Tumango na lamang nang marahan si Ruanne. Labis siyang nasaktan at nagulat sa nakikita niya ngayon. Parang kailan lang, nalaman niyang nasa ospital si Ginang Remedios. Ngayon, wala na siya sa ospital. Ngunit wala na rin siya sa mundong ito."Sige. Mauna na ako. May kailangan din kasi akong puntahan. Hindi ko naman inaasahan na ito ang maaabutan ko rito," pagpapaalam ni Ruanne sa kanya."Ayos lang iyon. Siguradong napagod ka rin kay Lilia. Parehas nating hindi inasahan na mahihimatay siya sa sobrang kalungkutan." Napahilod na lamang ng noo si Boyet at bumuga nang malakas na hangin. "Sabi ko naman kasi sa kanya, magpahinga na muna siya ngunit hindi siya nakikinig. Tapos ayun nga, dumagdag pa ang pamilya Lavin na iyan."Hindi naman maiwasan ni Ruanne na ma-curious."Sin
"Ayon sa intel namin, may away ho mismo sa loob ng pamilya Villamor. Balak nilang palitan ang Don ng pamilya," ani ng janitor.Tumango-tango naman si Pio at tinapik sa balikat ang matanda."Sige lang. Hindi natin kaanib ang pamilyang iyon kaya hindi na dapat tayo mangialam. At kung mapalitan man ang Don, baka mas lalo pa silang humina," sagot ng binata."Ang utos ho ng inyong ama ay bantayan ang kilos ng pamilya Villamor. At mabuti na rin hong makipag-alyansa sa ibang pamilya ang pamilya natin."Agad namang napatawa nang pagak si Pio."Hindi sila banta sa pamilya natin. Kinonsulta niya ba si Demetrio tungkol dito?" tanong ni Pio na agad namang inilingan ng matanda. "Tsk. Tsk. Dapat lagi niyang kinukonsulta ang ating consigliere sa mga bagay-bagay na makakaapekto sa pamilya. Huwag kang mag-alala. Ako na ang kakausap sa kanya."Agad nang umalis si Pio habang nakatungo ang matandang lalaki bilang paggalang sa kanya. Napahinga na lamang nang malalim si Pio. Hindi niya maintindihan sa kany
"Naku, ma'am! Buti nakarating kayo. Akala ko ay naligaw na kayo sa kung saan," salubong ni Manang Celeste kina Ruanne at Pio pagkakitang-pagkakita niya pa lang sa dalawa.Hilaw namang natawa si Ruanne. Halos maligaw na nga silang dalawa ni Pio. Buti na lamang ay may sense of direction ang kasama niya at siya na ang nag-lead ng daan para sa kanya."Pasensya na ho. Nahirapan din ho kaming hanapin itong lugar ninyo dahil ang daming tao sa daan," komento ni Ruanne.Napangiti naman ang matanda."Hay. Buti na lang pala." Bumaling naman si Manang Celeste kay Pio. "Ikaw, ginoo. Kamusta? Maayos naman ba ang lagay mo?"Tipid lamang na ngumiti si Pio at tumango sa matanda."Diyos ko. Mukhang nahihiya pa ang nobyo mo," mapagbirong komento ni Manang Celeste.Nanlaki naman ang mga mata ni Ruanne."H-Ho? Nobyo?"Si Manang Celeste naman ngayon ang naguluhan."Nobyo. Hindi ba't nobyo mo ang napakapoging lalaki na ito? Hindi ba? Aba'y sayang naman kung mapupunta lang sa iba," komento ni Manang Celeste.
"Gaano pa ba katagal bago lumabas ang resulta? You called me to say na meron ng results pero pagdating ko ay kailangan ko pa palang maghintay."Napatungo na lamang si Demetrio kay Pio."Pasensya na po, young master. Hindi ko po alam kung anong aberya ang nangyayari."Napabuntong-hininga na lamang si Pio at naghintay nang mataimtim. Wala rin namang magagawa ang pagwawala niya sa ospital kung gagawin niya iyon. Makadadagdag lamang siya sa stress ng doktor at baka lalo pang tumagal ang proseso.Sabay na lamang napatingin sina Demetrio at Pio sa direksyon kung saan sila nakarinig ng pagbukas ng pinto. Lumabas na nga ang taong nag-aasikaso sa kanila na may hawak na mga papeles.Agad na tumayo sa Pio mula sa kanyang kinauupuan at sinalubong ang doktor."Paumanhin po, Mr. Cypher. Ito na po ang papeles na inyong hinihingi."Agad na kinuha ni Pio mula sa kamay ng doktor ang brown na envelope at inilabas ang papel na nasa loob nito. Habang binabasa niya ang laman nito ay nagpaliwanag naman ang d
"Catalina? Uuna na kami ni Pio. Gabi na rin kasi. Salamat sa pag-imbita ha." Dali-dali namang nagpunas si Ruanne ng kanyang kamay at sinalubong ang dalawa sa sala. "Wala 'yon. Para ka namang estranghero n'an. At saka, ako nga dapat ang magpasalamat sa inyo at kundi di kayo dumating, malamang ay walang bisita ang anak ko." "Ninang!" Napatingin na lamang silang tatlong matatanda sa batang tumatakbo papunta sa kanila. "Uuwi na po kayo?"Tumango naman si Ruanne."Oo, Oval. Gabi na rin kasi at baka kung ano pang mangyari sa amin sa daan. Bibisitahin ka na lang namin sa ibang araw ha?"Masigasig namang tumango ang bata at bumaling kay Pio."Ninong Pio! Sa susunod po, gusto ko naman ay malaking robot! Yung umiilaw saka nagsasalita!"Napakunot na lamang sina Ruanne at Catalina sa hiling ni Oval. Ngunit si Pio naman ay napangiti na lamang. Ginulo niya ang buhok ng bata na siyang nagpatawa rito." Sa susunod, hindi lang iyon ang ibibigay ko sa iyo. Huwag kang mag-alala, " ani Pio.Napairap na
Hello, peeps! May nag-aabang pa kaya sa story na ito?I would like to apologize for not being able to keep my word na mag-uupdate ako ng 2-3 times a week since isang beses ko lang na naiupdate ang story na ito nitong nakaraang week.By August 6, 2023, this Sunday, I will try to post two chapters to make up for what I deprived you of. I repeat, I will TRY. Hindi ko maipapangako na magagawa ko talaga siya since medyo busy ako sa ibang bagay and ayaw ko naman na minadali yung chapter na ibibigay ko sa inyo. Despite being pressured sa time, I will do my best to give you updates as soon as possible without sacrificing the quality of the content. Thank you for still waiting for an update even if it's really slow. I really appreciate you guys.Love lots,achyyy
Hindi inakala ni Ruanne na ganito ang kalalabasan ng araw ng kaarawan ni Oval. Inaasahan niya ay kakain lamang siya o di kaya ay makikipaglaro sa bata. Okay rin naman sana kung pupunta sila sa perya. Ngunit bakit pa kailangang dumating sila Jacoma?Napabuntong-hininga na lamang si Ruanne na akala mo ay pagod na pagod na, kahit kararating lamang nila sa perya. Maagang nagbubukas ang perya at maliwanag pa naman. At dahil nga maliwanag pa, wala pang katao-tao. Hindi naman kasi ganoon kasaya sa isang peryahan kung maliwanag pa.At sino naman kasing magbubukas ng perya nang maliwanag pa? Ito lang yatang perya na ito na pinuntahan nila ang gagawa nang ganoon.Masayang nagtatatalon si Oval papasok ng peryahan habang hawak-hawak ang espadang niregalo sa kanya. Nagniningning ang mga mata ng bata na akala mo ay ito ang unang beses na nakapunta ito sa isang peryahan. Sigurado si Ruanne na hindi ito ang first time ni Oval sa mga ganitong lugar dahil nababanggit na rin naman ni Catalina ang mga kwe
"Ay, Diyos ko. Ano ba naman ito?!" Nagmamadaling isinukbit ni Catalina ang kanyang bag at naglakad papuntang pinto. "Ruanne, puwedeng ikaw muna bahala rito? Susunduin ko lang si Manang Niña at umuwi na pala iyon dito."Napatango-tango na lamang si Ruanne. Bigla namang napatayo si Oval mula sa paglalaro ng kanyang mga laruan at napatakbo sa kung nasaan ang kanyang mama." Ma, punta ka saan? "Napalingon na lamang si Catalina sa anak at nginitian ito. Niyakap niya ito sa may ulo."'Nak, pupuntahan lang ni mama si Aling Niña. Pupunta raw siya rito at makikikain sa atin. Dito ka muna kay ninang mo ha."Tumango na lamang si Oval at nagpaalam na sa kanyang mama. Bumaling ang tingin ng bata sa kanyang ninang na hindi niya maintindihan ang ekspresyon." Ninang Uanne, bakit po pula ang pisngi mo? "Tila naalimpungatan naman si Ruanne na nanlaki ang mga mata at umiling-iling ang mga kamay kay Oval. Natatarantang bumaling ng tingin si Ruanne kay Pio. Nanonood lamqng qng binata sa kanya. Ang totoo
"Hoy teh. Ano na? Hinahanap ka na ng inaanak mo? Nasaan ka na?"Napakamot na lamang si Ruanne sa ulo gamit ang tuktok ng telepono. Palakad-lakad siya sa loob ng kanyang opisina at stressed na stressed ang mukha. Kanina pa yata siya may hinahanap ngunit hindi niya mahanap."Pakisabi kay Oval, hinahanda ko lang ang regalo niya ha. Wait lang siya. Maganda ito!"Napatingin na lamang si Catalina sa anak na naglalaro ng kotse-kotsehan bago ibalik ang atensyon sa telepono. Halos mapairap siya sa kaibigan na siguradong may inaasikasong iba kaya hindi magkandaugaga." O sige sige. Basta bilisan mo ha. Walang katao-tao rito. Alam mo naman yung mga nanay ng kaklase ni Oval, mga tsismosang palaka. Huwag raw makipagkaibigan sa anak ko at anak ng p*ta. Aba, sinong sinasabihan nila ng p*ta? Ako?!"Papaalalahan lang sana ni Catalina si Ruanne ngunit nagawa niya pang maglabas ng sama ng loob dito. At hindi iyon nakatulong sa aligagang si Ruanne na lihim na iniisip na sana ay ibaba na ni Catalina ang te
Kanina pa palakad-lakad si Ruanne sa kanyang opisina. Hindi siya mapakali at tila ba kitikiti na nagpapaikot-ikot sa kama kanina lang bago naman siya magpaikot-ikot. Kung naroroon lamang ang kaibigan niya ay nasisiguro niyang kanina pa siya nito binatukan at nakakahilo na ang ginagawa niya.Ngunit kahit anong gawing pag-ikot-ikot at pag-iisip ni Ruanne, hindi nito mareresolba ang problema niya. Lalo pa't mukhang bayolente ang kalaban niya.Napapikit na lamang siya at napasandal sa sulok ng kanyang lamesa. Itiningala niya ang kanyang ulo sa ilaw niya sa kisame at pumikit.Nakakagulat talaga at ayaw niyang maniwala. Ngunit ang nakita niya ay nakita niya. Hindi mabait na tao si Julian. May lihim itong tinatago at hindi niya na gugustuhin pang tuklasin ang side niyang iyon. Sa katunayan niyan ay salungat doon ang nais niyang mangyari. Nais niyang malayo sa binata. Ngunit paano naman niya gagawin iyon? Siguradong alam na ng binata na may nalalaman siya. Well, hindi naman sigurado na alam ng
Labis-labis ang pagharurot ng puso ni Ruanne sa pagtibok. Ni paghinga niya ay hindi niya magawang ituloy sa takot na makalikha siya ng ni katiting na tunog na maaaring magpahamak sa kanya. Hindi niya na tinangkang tumingin pa sa maliit na siwang sa pinto upang siguraduhin ang presensya ng mga taong nasa labas. Ang magagawa niya lamang ay pakiramdaman ang mga bagay-bagay.Mahigpit na nakatakip ang palad ni Ruanne sa kanyang bibig. Pinatalas niya ang kanyang pandinig upang malaman kung wala ng mga tao sa labas. Narinig niya ang mararahas na yabag ng mga taong iyon palabas. Nang unti-unti nang humina ang mga yabag at wala na siyang marinig, maingat niyang iginalaw ang sarili upang tumingin sa siwang.Malilikot ang mga matang naglakas-loob siyang sumilip. Sa kanyang pagtingin ay walang naabutan ang kanyang mga mata. Wala na sina Julian at ang dalawa pang lalaki sa may tapat ng lababo.Sa nanginginig na mga kamay ay pinalaki ni Ruanne ang siwang sa pinto. Matatalas ang kanyang mga mata na
"Ma'am Ruanne, kahit wala ka ng kolorete sa mukha, maganda ka na. Saka girlfriend ka ni Ginoong Pio, ano. Siguradong maganda ka sa paningin niya kahit ano pa man ang mangyari," komento ni Manang Celeste.Napanguso naman si Ruanne sa itsura niya sa salamin. Kahit mukhang maayos naman ang itsura niya, hindi siya kumbinsido sa kanyang nakikita. Kahit ano naman kasing mangyari, maganda ang tingin niya sa sarili niya. Ewan niya nga lang kung anong itsura niya sa paningin ng ibang tao.Nakasuot siya ngayon ng skinny jeans at camisole top na pinatungan ng cropped denim jacket. Naka-high ponytail ang mahaba niyang buhok at nagsuot na rin siya ng kaunting kolorete sa mukha. Sa kanyang paa ay nakasuot ang isang pares ng white sneakers na pinaresan niya naman ng white na handbag.Sobrang ayos ng itsura niya. Sobrang ganda niya na. Ngunit pakiramdam niya, kapag humarap siya kay Pio ay hindi. Natatakot siya na ma-disappoint ang binata.Ngayon lang siya lalakad para sa isang proper date ano! Natural