Chapter: Ikadalawamput-Siyam na Kabanata"Gaano pa ba katagal bago lumabas ang resulta? You called me to say na meron ng results pero pagdating ko ay kailangan ko pa palang maghintay."Napatungo na lamang si Demetrio kay Pio."Pasensya na po, young master. Hindi ko po alam kung anong aberya ang nangyayari."Napabuntong-hininga na lamang si Pio at naghintay nang mataimtim. Wala rin namang magagawa ang pagwawala niya sa ospital kung gagawin niya iyon. Makadadagdag lamang siya sa stress ng doktor at baka lalo pang tumagal ang proseso.Sabay na lamang napatingin sina Demetrio at Pio sa direksyon kung saan sila nakarinig ng pagbukas ng pinto. Lumabas na nga ang taong nag-aasikaso sa kanila na may hawak na mga papeles.Agad na tumayo sa Pio mula sa kanyang kinauupuan at sinalubong ang doktor."Paumanhin po, Mr. Cypher. Ito na po ang papeles na inyong hinihingi."Agad na kinuha ni Pio mula sa kamay ng doktor ang brown na envelope at inilabas ang papel na nasa loob nito. Habang binabasa niya ang laman nito ay nagpaliwanag naman ang d
Huling Na-update: 2023-08-07
Chapter: Ikadalawampu't-Walong Kabanata"Catalina? Uuna na kami ni Pio. Gabi na rin kasi. Salamat sa pag-imbita ha." Dali-dali namang nagpunas si Ruanne ng kanyang kamay at sinalubong ang dalawa sa sala. "Wala 'yon. Para ka namang estranghero n'an. At saka, ako nga dapat ang magpasalamat sa inyo at kundi di kayo dumating, malamang ay walang bisita ang anak ko." "Ninang!" Napatingin na lamang silang tatlong matatanda sa batang tumatakbo papunta sa kanila. "Uuwi na po kayo?"Tumango naman si Ruanne."Oo, Oval. Gabi na rin kasi at baka kung ano pang mangyari sa amin sa daan. Bibisitahin ka na lang namin sa ibang araw ha?"Masigasig namang tumango ang bata at bumaling kay Pio."Ninong Pio! Sa susunod po, gusto ko naman ay malaking robot! Yung umiilaw saka nagsasalita!"Napakunot na lamang sina Ruanne at Catalina sa hiling ni Oval. Ngunit si Pio naman ay napangiti na lamang. Ginulo niya ang buhok ng bata na siyang nagpatawa rito." Sa susunod, hindi lang iyon ang ibibigay ko sa iyo. Huwag kang mag-alala, " ani Pio.Napairap na
Huling Na-update: 2023-08-06
Chapter: To My Few ReadersHello, peeps! May nag-aabang pa kaya sa story na ito?I would like to apologize for not being able to keep my word na mag-uupdate ako ng 2-3 times a week since isang beses ko lang na naiupdate ang story na ito nitong nakaraang week.By August 6, 2023, this Sunday, I will try to post two chapters to make up for what I deprived you of. I repeat, I will TRY. Hindi ko maipapangako na magagawa ko talaga siya since medyo busy ako sa ibang bagay and ayaw ko naman na minadali yung chapter na ibibigay ko sa inyo. Despite being pressured sa time, I will do my best to give you updates as soon as possible without sacrificing the quality of the content. Thank you for still waiting for an update even if it's really slow. I really appreciate you guys.Love lots,achyyy
Huling Na-update: 2023-08-06
Chapter: Ikadalawamput-Pitong KabanataHindi inakala ni Ruanne na ganito ang kalalabasan ng araw ng kaarawan ni Oval. Inaasahan niya ay kakain lamang siya o di kaya ay makikipaglaro sa bata. Okay rin naman sana kung pupunta sila sa perya. Ngunit bakit pa kailangang dumating sila Jacoma?Napabuntong-hininga na lamang si Ruanne na akala mo ay pagod na pagod na, kahit kararating lamang nila sa perya. Maagang nagbubukas ang perya at maliwanag pa naman. At dahil nga maliwanag pa, wala pang katao-tao. Hindi naman kasi ganoon kasaya sa isang peryahan kung maliwanag pa.At sino naman kasing magbubukas ng perya nang maliwanag pa? Ito lang yatang perya na ito na pinuntahan nila ang gagawa nang ganoon.Masayang nagtatatalon si Oval papasok ng peryahan habang hawak-hawak ang espadang niregalo sa kanya. Nagniningning ang mga mata ng bata na akala mo ay ito ang unang beses na nakapunta ito sa isang peryahan. Sigurado si Ruanne na hindi ito ang first time ni Oval sa mga ganitong lugar dahil nababanggit na rin naman ni Catalina ang mga kwe
Huling Na-update: 2023-07-31
Chapter: Ikadalawamput-Anim na Kabanata"Ay, Diyos ko. Ano ba naman ito?!" Nagmamadaling isinukbit ni Catalina ang kanyang bag at naglakad papuntang pinto. "Ruanne, puwedeng ikaw muna bahala rito? Susunduin ko lang si Manang Niña at umuwi na pala iyon dito."Napatango-tango na lamang si Ruanne. Bigla namang napatayo si Oval mula sa paglalaro ng kanyang mga laruan at napatakbo sa kung nasaan ang kanyang mama." Ma, punta ka saan? "Napalingon na lamang si Catalina sa anak at nginitian ito. Niyakap niya ito sa may ulo."'Nak, pupuntahan lang ni mama si Aling Niña. Pupunta raw siya rito at makikikain sa atin. Dito ka muna kay ninang mo ha."Tumango na lamang si Oval at nagpaalam na sa kanyang mama. Bumaling ang tingin ng bata sa kanyang ninang na hindi niya maintindihan ang ekspresyon." Ninang Uanne, bakit po pula ang pisngi mo? "Tila naalimpungatan naman si Ruanne na nanlaki ang mga mata at umiling-iling ang mga kamay kay Oval. Natatarantang bumaling ng tingin si Ruanne kay Pio. Nanonood lamqng qng binata sa kanya. Ang totoo
Huling Na-update: 2022-10-04
Chapter: Ikadalawamput-Limang Kabanata"Hoy teh. Ano na? Hinahanap ka na ng inaanak mo? Nasaan ka na?"Napakamot na lamang si Ruanne sa ulo gamit ang tuktok ng telepono. Palakad-lakad siya sa loob ng kanyang opisina at stressed na stressed ang mukha. Kanina pa yata siya may hinahanap ngunit hindi niya mahanap."Pakisabi kay Oval, hinahanda ko lang ang regalo niya ha. Wait lang siya. Maganda ito!"Napatingin na lamang si Catalina sa anak na naglalaro ng kotse-kotsehan bago ibalik ang atensyon sa telepono. Halos mapairap siya sa kaibigan na siguradong may inaasikasong iba kaya hindi magkandaugaga." O sige sige. Basta bilisan mo ha. Walang katao-tao rito. Alam mo naman yung mga nanay ng kaklase ni Oval, mga tsismosang palaka. Huwag raw makipagkaibigan sa anak ko at anak ng p*ta. Aba, sinong sinasabihan nila ng p*ta? Ako?!"Papaalalahan lang sana ni Catalina si Ruanne ngunit nagawa niya pang maglabas ng sama ng loob dito. At hindi iyon nakatulong sa aligagang si Ruanne na lihim na iniisip na sana ay ibaba na ni Catalina ang te
Huling Na-update: 2022-09-28