"Naku, ma'am! Buti nakarating kayo. Akala ko ay naligaw na kayo sa kung saan," salubong ni Manang Celeste kina Ruanne at Pio pagkakitang-pagkakita niya pa lang sa dalawa.Hilaw namang natawa si Ruanne. Halos maligaw na nga silang dalawa ni Pio. Buti na lamang ay may sense of direction ang kasama niya at siya na ang nag-lead ng daan para sa kanya."Pasensya na ho. Nahirapan din ho kaming hanapin itong lugar ninyo dahil ang daming tao sa daan," komento ni Ruanne.Napangiti naman ang matanda."Hay. Buti na lang pala." Bumaling naman si Manang Celeste kay Pio. "Ikaw, ginoo. Kamusta? Maayos naman ba ang lagay mo?"Tipid lamang na ngumiti si Pio at tumango sa matanda."Diyos ko. Mukhang nahihiya pa ang nobyo mo," mapagbirong komento ni Manang Celeste.Nanlaki naman ang mga mata ni Ruanne."H-Ho? Nobyo?"Si Manang Celeste naman ngayon ang naguluhan."Nobyo. Hindi ba't nobyo mo ang napakapoging lalaki na ito? Hindi ba? Aba'y sayang naman kung mapupunta lang sa iba," komento ni Manang Celeste.
"Ma'am! Bakit ngayon lang kayo? Nagsimula na ang ibang palaro," komento ni Manang Sitang pagkadating na pagkadating nina Manang Celeste, Ruanne, at Pio.Napangiti na lamang si Ruanne."Naku, kayo talaga. Siyempre, pinagpahinga ko na muna silang dalawa saka pinakain nang kaunti. Kayo naman, hindi makapaghintay," saway naman ni Manang Celeste sa dalawang kaibigan.Nabaling naman ang tingin nina Manang Sitang at Manang Orang kay Pio. Agad namang ngumiti si Pio at yumuko bilang paggalang sa kanila. Napangiti naman ang dalawang matanda." Ma'am, buti naisama mo ang nobyo mo. Mas marami, mas masaya!" ani Manang Orang.Pilit na ngumiti si Ruanne sa dalawang matanda. Bakit ba kasi kailangang i-point out na nobyo niya ang binata?"Oo nga ho. Buti nakasama kami," sagot na lang ni Ruanne.Napapalakpak na lamang ng isang beses si Manang Sitang."O siya, ano pang hinihintay natin? Makisali na tayo sa ibang palaro. Kayo ba ma'am, anong gusto niyong gawin?"Napakurap-kurap naman si Ruanne."H-Ho? Eh
"Anong sabi mo? Si Cypher, may girlfriend?" tanong na lamang ng isang matandang lalaki habang humihithit ng tabako. Napangisi na lang ang kanyang kausap. Kahit mismo siya, hindi makapaniwala. "Oo nga, papa. Nakita mismo ng mga mata ko at siya mismo ang nagsabi sa akin. Hindi ko nga alam kung bakit niya naisip ipakilala sa akin iyon eh. I'm sure he knows the situation of our families at ang maaaring mangyari sa babae niya kapag nagsilabasan na ang lahat ng demonyo mula sa lupa," natatawang reply ng binata. Bumuga na lamang ng usok ang matandang lalaki bago bumaling sa kanyang anak. Alam niyang mas excited pa ang anak niya kaysa sa kanya sa mga masasamang planong siya mismo ang gumawa. Wala namang kaso sa kanya iyon. Sa totoo nga ay ipinagmamalaki niya ang sariling anak dahil sa sobrang pagmamana nito mula sa kanya. Ngunit, hindi pa ito ang tamang oras. "Ano't ano pa man iyon, huwag mo muna silang gagalawin. Hindi pa ito ang oras. Once I gave you the instructions, that's when you can
“Ruanne tingnan mo ‘to oh. Dali!” sigaw ni Catalina sa kaibigan.Napairap na lamang si Ruanne at agad na pumunta sa kinaroroonan ng kaibigan. Kanina pa ito nagkukulit at kung anu-anong kinukuwento sa kanya na tsinitsismis ng mga bumibili sa tindahan niya.“Huwag mong sabihing tsismis na naman iyan. O kaya mapagkakakitaan na wala namang katuturan? Sinasabi ko sa iyo Catalina, huwag kang nagpapauto sa mga iyon. Puro madadaling pera lang hanap ng mga iyon,” komento na lang ni Ruanne kahit hindi niya pa alam kung anong sasabihin ng kaibigan.Tinawid ni Ruanne ang mga hilera ng tinda ni Catalina at pumangalumbaba na lang sa counter kung nasaan ang kaibigan. Ibinalandra ni Catalina sa mukha ni Ruanne ang isang papel na nakuha niya mula sa katsismisan niya kahapon. Napataas na lamang ang kilay ni Ruanne na para bang hindi talaga siya interesado sa nakikita niya kahit hindi niya pa naman nababasa.Iwinagayway pa ni Catalina ang papel sa harap ni Ruanne. Hinablot naman ni Ruanne ang papel at tu
Paikot-ikot ang lapis ni Ruanne sa pagitan ng kanyang mga daliri. Gabing-gabi na pero nasa opisina niya pa rin siya at hindi pa umuuwi sa sariling bahay. Paikot-ikot lamang siya sa kanyang swivel chair habang nakatingin sa kisame. Dapat ay gagawa siya ng panibagong disenyo ngunit hindi iyon ang pumapasok sa isip niya."Ano naman kayang ginagawa ni Lilia roon kanina? Hindi ba't hindi pa tapos ang burol ni Ginang Remedios?" tanong ni Ruanne sa sarili.Napahinga na lamang siya nang malalim at umayos ng upo upang simulan na ang kanyang pagdidisenyo. Ngunit nang makita niya naman ang blangkong papel, pumasok sa isip niya ang event na tinutukoy ni Catalina.Should she design something for the contest? Or should she just become a lowkey fashion designer inside a dangerous city?Sayang naman ang opportunity kung palalampasin niya. At isa pa, hindi niya pa nasisimulan ang plano niyang shoe line para sa tindahan niya. Iyon naman talaga ang initial plan niya— ang magkaroon ng shoe line para sa mg
"A-Ano?"Kusa yatang nagsarado ang mga tenga ni Ruanne na hindi niya naintindihan kung ano ang sinabi ng binata na nasa harapan niya. Rinig na rinig niya naman ito ngunit tila ba hirap na hirap siyang ilahad ang ibig sabihin ng sinabi ng binata.Napahinga na lamang nang malalim si Pio at inulit ang kanyang sinabi."Ang sabi ko, huwag tayong ma-in love sa isa't isa. Hindi ako mahilig sa mga ganoong bagay kaya siguraduhin mo lang na hindi ka mahuhulog sa akin," maliwanag pa sa sikat ng araw na sabi ni Pio.Tila na-stuck pa yata ng ilang segundo ang utak ni Ruanne kung saan. Ngunit kalaunan ay napailing na lamang siya at bumalik sa sariling ulirat." Ruanne? "" Ahh... Ahhh, oo naman. Baka nga ikaw pa ang mahulog sa akin eh," pabirong sabi ni Ruanne.Napangiti na lamang si Pio."Kung ganoon, malinaw na tayo. Tara na. Maghanap na lamang tayo ng pedicab para mabilis tayo."Tumango na lamang si Ruanne bilang tugon sa suhestyon ni Pio. Napahinga na lamang nang malalim ang dalaga bago sumunod
"Demetrio, kailangan ko ng tulong mo." frustrated na sabi ni Pio sa telepono.May bahid pa ng dugo ni Lira ang mga kamay ni Pio. Tumatagaktak ang pawis ni Pio mula sa pagbuhat sa katawan ni Lira papunta sa ospital. Meron lamang isang bala ang tumama sa katawan ni Lira ngunit natitiyak ni Pio na tumama iyon sa kanyang puso. At natitiyak din ni Pio na walang ibang intensyon ang gumawa nito kundi ang patayin lamang siya. Nalintikan na talaga. "Pasensya na, young master. Hindi ako makakarating kung nasaan ka man ngayon. Kasalukuyan kong—""Halt the plan. Huwag mo nang pakialaman si Julian. May mas kailangan tayong alalahanin ngayon," pagputol ni Pio kay Demetrio.Sa kabilang linya naman ay napakunot na lamang ng noo si Demetrio. Napalunok ang matanda bago magtanong sa kanyang amo."Kung ganoon, ano hong maipaglilingkod ko?" tanong ni Demetrio.Puno ng inis at galit na napabuga na lamang ng hininga si Pio. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari. Hindi niya inakalang ganoon ang mangyayari.
"Ano... Nandiyan ba si Lilia? Hindi ko pa kasi siya nakikita mula kanina?" tanong na lamang ni Ruanne kay Boyet. Napakamot naman sa ulo ang lalaki. Napahinga ito nang malalim at agad na hinila si Ruanne papalabas ng burol. Nagpunta sila sa isang sulok kung saan medyo madilim at hindi kita ng kahit sino. " Mabuti pa Ruanne, umalis ka na rito. Kaya lang naman kita pinapasok dito dahil wala si Lilia rito. Kaso baka pag bumalik iyon..." "Ano?" "Baka magwala pa iyon dito." Napapikit na lamang si Boyet at napahilod na kangyang noo. Samantala, si Ruanne naman ay gulung-gulo sa pinagsasasabi ni Boyet. Simula kanina nang dumalaw ulit siya ay pansin niya na ang kakaibang kilos ni Boyet. Tila gulat na gulat pa ito nang makita siya kanina. Nagtataka man ay hinayaan niya na lang ang lalaki dahil marami itong ginagawa para sa mga bisita. Ngunit ngayong pababa na ang araw, wala ng mga bisita, ay maaari niya nang kausapin ang binata. Kanina niya pa nga itong nakikita na nakaabang lamang sa pinto
"Gaano pa ba katagal bago lumabas ang resulta? You called me to say na meron ng results pero pagdating ko ay kailangan ko pa palang maghintay."Napatungo na lamang si Demetrio kay Pio."Pasensya na po, young master. Hindi ko po alam kung anong aberya ang nangyayari."Napabuntong-hininga na lamang si Pio at naghintay nang mataimtim. Wala rin namang magagawa ang pagwawala niya sa ospital kung gagawin niya iyon. Makadadagdag lamang siya sa stress ng doktor at baka lalo pang tumagal ang proseso.Sabay na lamang napatingin sina Demetrio at Pio sa direksyon kung saan sila nakarinig ng pagbukas ng pinto. Lumabas na nga ang taong nag-aasikaso sa kanila na may hawak na mga papeles.Agad na tumayo sa Pio mula sa kanyang kinauupuan at sinalubong ang doktor."Paumanhin po, Mr. Cypher. Ito na po ang papeles na inyong hinihingi."Agad na kinuha ni Pio mula sa kamay ng doktor ang brown na envelope at inilabas ang papel na nasa loob nito. Habang binabasa niya ang laman nito ay nagpaliwanag naman ang d
"Catalina? Uuna na kami ni Pio. Gabi na rin kasi. Salamat sa pag-imbita ha." Dali-dali namang nagpunas si Ruanne ng kanyang kamay at sinalubong ang dalawa sa sala. "Wala 'yon. Para ka namang estranghero n'an. At saka, ako nga dapat ang magpasalamat sa inyo at kundi di kayo dumating, malamang ay walang bisita ang anak ko." "Ninang!" Napatingin na lamang silang tatlong matatanda sa batang tumatakbo papunta sa kanila. "Uuwi na po kayo?"Tumango naman si Ruanne."Oo, Oval. Gabi na rin kasi at baka kung ano pang mangyari sa amin sa daan. Bibisitahin ka na lang namin sa ibang araw ha?"Masigasig namang tumango ang bata at bumaling kay Pio."Ninong Pio! Sa susunod po, gusto ko naman ay malaking robot! Yung umiilaw saka nagsasalita!"Napakunot na lamang sina Ruanne at Catalina sa hiling ni Oval. Ngunit si Pio naman ay napangiti na lamang. Ginulo niya ang buhok ng bata na siyang nagpatawa rito." Sa susunod, hindi lang iyon ang ibibigay ko sa iyo. Huwag kang mag-alala, " ani Pio.Napairap na
Hello, peeps! May nag-aabang pa kaya sa story na ito?I would like to apologize for not being able to keep my word na mag-uupdate ako ng 2-3 times a week since isang beses ko lang na naiupdate ang story na ito nitong nakaraang week.By August 6, 2023, this Sunday, I will try to post two chapters to make up for what I deprived you of. I repeat, I will TRY. Hindi ko maipapangako na magagawa ko talaga siya since medyo busy ako sa ibang bagay and ayaw ko naman na minadali yung chapter na ibibigay ko sa inyo. Despite being pressured sa time, I will do my best to give you updates as soon as possible without sacrificing the quality of the content. Thank you for still waiting for an update even if it's really slow. I really appreciate you guys.Love lots,achyyy
Hindi inakala ni Ruanne na ganito ang kalalabasan ng araw ng kaarawan ni Oval. Inaasahan niya ay kakain lamang siya o di kaya ay makikipaglaro sa bata. Okay rin naman sana kung pupunta sila sa perya. Ngunit bakit pa kailangang dumating sila Jacoma?Napabuntong-hininga na lamang si Ruanne na akala mo ay pagod na pagod na, kahit kararating lamang nila sa perya. Maagang nagbubukas ang perya at maliwanag pa naman. At dahil nga maliwanag pa, wala pang katao-tao. Hindi naman kasi ganoon kasaya sa isang peryahan kung maliwanag pa.At sino naman kasing magbubukas ng perya nang maliwanag pa? Ito lang yatang perya na ito na pinuntahan nila ang gagawa nang ganoon.Masayang nagtatatalon si Oval papasok ng peryahan habang hawak-hawak ang espadang niregalo sa kanya. Nagniningning ang mga mata ng bata na akala mo ay ito ang unang beses na nakapunta ito sa isang peryahan. Sigurado si Ruanne na hindi ito ang first time ni Oval sa mga ganitong lugar dahil nababanggit na rin naman ni Catalina ang mga kwe
"Ay, Diyos ko. Ano ba naman ito?!" Nagmamadaling isinukbit ni Catalina ang kanyang bag at naglakad papuntang pinto. "Ruanne, puwedeng ikaw muna bahala rito? Susunduin ko lang si Manang Niña at umuwi na pala iyon dito."Napatango-tango na lamang si Ruanne. Bigla namang napatayo si Oval mula sa paglalaro ng kanyang mga laruan at napatakbo sa kung nasaan ang kanyang mama." Ma, punta ka saan? "Napalingon na lamang si Catalina sa anak at nginitian ito. Niyakap niya ito sa may ulo."'Nak, pupuntahan lang ni mama si Aling Niña. Pupunta raw siya rito at makikikain sa atin. Dito ka muna kay ninang mo ha."Tumango na lamang si Oval at nagpaalam na sa kanyang mama. Bumaling ang tingin ng bata sa kanyang ninang na hindi niya maintindihan ang ekspresyon." Ninang Uanne, bakit po pula ang pisngi mo? "Tila naalimpungatan naman si Ruanne na nanlaki ang mga mata at umiling-iling ang mga kamay kay Oval. Natatarantang bumaling ng tingin si Ruanne kay Pio. Nanonood lamqng qng binata sa kanya. Ang totoo
"Hoy teh. Ano na? Hinahanap ka na ng inaanak mo? Nasaan ka na?"Napakamot na lamang si Ruanne sa ulo gamit ang tuktok ng telepono. Palakad-lakad siya sa loob ng kanyang opisina at stressed na stressed ang mukha. Kanina pa yata siya may hinahanap ngunit hindi niya mahanap."Pakisabi kay Oval, hinahanda ko lang ang regalo niya ha. Wait lang siya. Maganda ito!"Napatingin na lamang si Catalina sa anak na naglalaro ng kotse-kotsehan bago ibalik ang atensyon sa telepono. Halos mapairap siya sa kaibigan na siguradong may inaasikasong iba kaya hindi magkandaugaga." O sige sige. Basta bilisan mo ha. Walang katao-tao rito. Alam mo naman yung mga nanay ng kaklase ni Oval, mga tsismosang palaka. Huwag raw makipagkaibigan sa anak ko at anak ng p*ta. Aba, sinong sinasabihan nila ng p*ta? Ako?!"Papaalalahan lang sana ni Catalina si Ruanne ngunit nagawa niya pang maglabas ng sama ng loob dito. At hindi iyon nakatulong sa aligagang si Ruanne na lihim na iniisip na sana ay ibaba na ni Catalina ang te
Kanina pa palakad-lakad si Ruanne sa kanyang opisina. Hindi siya mapakali at tila ba kitikiti na nagpapaikot-ikot sa kama kanina lang bago naman siya magpaikot-ikot. Kung naroroon lamang ang kaibigan niya ay nasisiguro niyang kanina pa siya nito binatukan at nakakahilo na ang ginagawa niya.Ngunit kahit anong gawing pag-ikot-ikot at pag-iisip ni Ruanne, hindi nito mareresolba ang problema niya. Lalo pa't mukhang bayolente ang kalaban niya.Napapikit na lamang siya at napasandal sa sulok ng kanyang lamesa. Itiningala niya ang kanyang ulo sa ilaw niya sa kisame at pumikit.Nakakagulat talaga at ayaw niyang maniwala. Ngunit ang nakita niya ay nakita niya. Hindi mabait na tao si Julian. May lihim itong tinatago at hindi niya na gugustuhin pang tuklasin ang side niyang iyon. Sa katunayan niyan ay salungat doon ang nais niyang mangyari. Nais niyang malayo sa binata. Ngunit paano naman niya gagawin iyon? Siguradong alam na ng binata na may nalalaman siya. Well, hindi naman sigurado na alam ng
Labis-labis ang pagharurot ng puso ni Ruanne sa pagtibok. Ni paghinga niya ay hindi niya magawang ituloy sa takot na makalikha siya ng ni katiting na tunog na maaaring magpahamak sa kanya. Hindi niya na tinangkang tumingin pa sa maliit na siwang sa pinto upang siguraduhin ang presensya ng mga taong nasa labas. Ang magagawa niya lamang ay pakiramdaman ang mga bagay-bagay.Mahigpit na nakatakip ang palad ni Ruanne sa kanyang bibig. Pinatalas niya ang kanyang pandinig upang malaman kung wala ng mga tao sa labas. Narinig niya ang mararahas na yabag ng mga taong iyon palabas. Nang unti-unti nang humina ang mga yabag at wala na siyang marinig, maingat niyang iginalaw ang sarili upang tumingin sa siwang.Malilikot ang mga matang naglakas-loob siyang sumilip. Sa kanyang pagtingin ay walang naabutan ang kanyang mga mata. Wala na sina Julian at ang dalawa pang lalaki sa may tapat ng lababo.Sa nanginginig na mga kamay ay pinalaki ni Ruanne ang siwang sa pinto. Matatalas ang kanyang mga mata na
"Ma'am Ruanne, kahit wala ka ng kolorete sa mukha, maganda ka na. Saka girlfriend ka ni Ginoong Pio, ano. Siguradong maganda ka sa paningin niya kahit ano pa man ang mangyari," komento ni Manang Celeste.Napanguso naman si Ruanne sa itsura niya sa salamin. Kahit mukhang maayos naman ang itsura niya, hindi siya kumbinsido sa kanyang nakikita. Kahit ano naman kasing mangyari, maganda ang tingin niya sa sarili niya. Ewan niya nga lang kung anong itsura niya sa paningin ng ibang tao.Nakasuot siya ngayon ng skinny jeans at camisole top na pinatungan ng cropped denim jacket. Naka-high ponytail ang mahaba niyang buhok at nagsuot na rin siya ng kaunting kolorete sa mukha. Sa kanyang paa ay nakasuot ang isang pares ng white sneakers na pinaresan niya naman ng white na handbag.Sobrang ayos ng itsura niya. Sobrang ganda niya na. Ngunit pakiramdam niya, kapag humarap siya kay Pio ay hindi. Natatakot siya na ma-disappoint ang binata.Ngayon lang siya lalakad para sa isang proper date ano! Natural