"H-Hindi na! Aalis na nga ako!"
Kung totoong thunderclouds lang ang puso ni Ruanne, baka ilang puno na ang nasira dahil sa mga kidlat at kulob na inilalabas nito. Tuluyan na nga siyang nawala sa sarili. Ang sobrang lapit na distansya niya kay Pio ay nagpablangko ng kanyang isipan.Hindi siya makapaniwalang ganoon si Pio. Anong tingin niya sa dalaga, easy to get? Halatang-halata ni Ruanne ang intensyon ni Pio sa kanya. May gusto siya rito! At malamang sa malamang, hindi ito seryoso. Nakita niya naman kung paano umarte ang lalaki. Parang skilled na skilled sa ginagawa."Binibini, hindi ka pa nakakapili ng ibang sapatos. Hindi ka na ba bibili?""Hindi na! Ayoko nang mapalapit sa iyo. Manyak!" galit na galit niyang saad.Maglalakad na sana ulit si Ruanne nang tawagin na naman siya ni Pio. Napairap na lamang siya at lumingon ulit."Ano na naman ba?" irita niyang tanong.May naglalarong ngiti sa mga labi ng binata nang ituro niya ang sahig. Napatingin naman doon si Ruanne at nakita ang kahong ibinigay sa kanya na naglalaman ng tsinelas niya."Masyado yatang natuon ang isip mo sa akin. Hindi mo namalayang nabitawan mo na."Napanganga na lamang si Ruanne sa kapal ng mukha ni Pio. Anong akala niya, gusto siya nito? Hindi noh! Hinding-hindi siya mahuhumaling sa halata namang playboy na kagaya niya.Madaling kinuha ni Ruanne ang kahon at naglakad na papalabas. Hindi niya nasundan pa ang mga galaw ni Pio dahil hindi na siya lumingon pa. Baka mamaya, kung ano na naman ang mangyari sa pagitan nila. Halata namang inaakit siya ng lalaki. Ngunit hindi siya papaakit dito. Nararamdaman niya ng magdudusa rin siya sa binata. Hindi pa nga siya tapos kay Fajardo tapos may kasunod na agad.Tila nakapasok sa langit ang itsura ni Ruanne nang makalabas siya mula sa The Shoemaker. Naipikit niya pa ang mga mata at huminga nang malalim. At sa pagbuklat ng mga mata niya, muntik ng sumabog ang puso niya. Sino ba namang hindi kikilabutan kung makita mo ang ex mong nakatitig sa iyo, di ba?Tila torong papasugod sa isang pulang tela ang dating ni Fajardo. Kumalabog ang puso ni Ruanne. Hindi ba't hihingi siya ng tawad sa kanya? Bakit mukhang siya pa ang galit?Napalingon si Ruanne sa tindahan at inisip na baka puwedeng pumasok na lang siya roon. Mas matitiis niya pa yata ang manyakis na si Pio kaysa sa ex niyang hayop na si Fajardo. Ngunit hindi siya magpapakaduwag ngayon. Wala siyang nagawang masama kaya wala siyang dapat ikatakot. Kung tutuusin, dapat ang ex niya ang matakot at mahiya sa ginagawa niya.Humugot siya ng isang napakalalim na paghinga at naglakad nang diretso sa kanyang tapat. Nagliwanag naman ang mga mata ni Fajardo at napangisi na akala mo ay may naisahan siyang utak. Kung akala niya ay tatanggapin siyang muli ng dalaga, nagkakamali siya."Ruanne! Sabi ko na nga ba, hindi mo ako matitiis," naglalambing na sabi ni Fajardo.Napangisi naman si Ruanne. Hindi siya makapaniwalang iyon talaga ang isasalubong na mga salita sa kanya ng dating nobyo."Anong ginagawa mo rito? Huwag ka ng babalik dito at huwag na huwag mo ng ipapakita ang mukha mo sa 'kin!"Sinalubong ni Fajardo si Ruanne ngunit nilagpasan lamang siya nito. Sobrang sumama ang loob ni Fajardo at hinila si Ruanne sa kanyang braso upang mapabalik siya. Nanlaki na lamang ang mga mata ni Ruanne dahil sa lakas ng pwersang humila sa kanya. Lumagutok ang buto niya sa kanyang balikat at napanganga na lamang siya sa sobrang sakit."Aray! Ano ba?!"Kagat-labing hinilot ni Ruanne ang balikat niya. Halos maiyak siya sa sobrang sakit."K-Kasalanan mo iyan. Ikaw kasi, kita mong kinakausap kita tapos dadaan-daanan mo lang ako? Sino ka ba sa akala mo? Hindi ka na ba marunong rumespeto?!"Ang kapal naman talaga ng mukha ng dati niyang nobyo. Sobrang lakas pa ng boses nito na halos isigaw na nito sa buong kalye na may kasalanan siya sa kanya. At balak pa talaga siyang pagmukhaing masama." Huwag ka ng babalik dito! "Iyon lang at pinagsarhan na ng pinto ni Ruanne si Fajardo. Naririnig niya pa ang mga sigaw nito hanggang sa makaabot siya sa ikalawang palapag ng gusali niya. Naabutan niya roon si Catalina na natutulog nang mahimbing.Hindi niya na inistorbo pa ang kaibigan. Ngunit kailangan niya itong gisingin mamaya dahil may anak pa itong kailangang alagaan. Wala tuloy siyang nagawa kundi ang tiisin ang mga nakabibinging hiyaw ni Fajardo. Tiningnan niya na lamang ang mga supply niya ng materyales at nakitang nagkukulang na siya sa mga sinulid. Mukhang kakailanganin niyang pumunta sa ibang barangay upang mamili.At iyon nga ang ginawa ni Ruanne. Nagpalipas siya ng gabi sa Fabs nang mag-isa dahil hindi talaga siya tinigilan ni Fajardo lalo na nang umalis si Catalina. Mabuti na lamang at wala na ang lalaki sa labas paglabas niya. Maaga siyang nagising at nagdesisyong kumain na lamang sa katabing karinderya. Pumuwesto siya sa isang lamesa sa labas at doon kumain.Habang nakain ay tumitingin-tingin lang siya sa The Shoemaker. Medyo maaga pa kung kaya't wala masyadong napasok doon. Ngunit ganoon na lamang ang pagtaas ng mga kilay niya nang may lumapit na dalawang babae sa tindahan upang tingnan ang mga naka-display mula sa labas. Bigla namang lumabas si Pio at nakipag-usap sa dalawang babae.Ahh. Mali pala. Para makipaglandian pala roon sa dalawang babae.Kumulubot ang mukha ni Ruanne sa nakita. Hindi niya magawang bilisan ang pagsubo ng sopas dahil masyadong nakakawalang-gana ang nasasaksihan niya.Labis ang ngiting ipinapakita ni Pio sa dalawang babae. Ang dalawang babae naman ay magkahawak pa ng kamay habang kinikilig sa kausap. Halata namang nagpapabebe lang ang dalawang babae kay Pio at game na game naman ang binata. Mas lalong kumulubot ang kanyang mukha nang liparin ng hangin ang buhok ng isang babae kung kaya't tumabing lahat ng iyon sa kanyang mukha. Si Pio naman, hindi nag-alinlangang hawakan ang mukha ng babae at ayusin ang buhok nito. Inilagay niya pa ang iba sa likod ng tenga ng babae. Ang simpleng gesture niyang iyon ay nagdudulot ng hipnotismo sa dalawang babae.Makasalanan talaga ang mga guwapong mukha.Napatawa na lamang si Ruanne nang maiksi at napairap."Kung ganoon, iyon pala ang strategy niya para makakuha ng maraming mamimili. Huh! Babaero," galit na komento ni Ruanne.Nagtagumpay naman si Pio na kunin ang loob ng dalawang babae para mamili. Pinapasok niya muna ang dalawa sa loob. Bumaling ang tingin niya kay Ruanne at napaiwas na lamang si Ruanne ng tingin. Nasa akto siyang pagsubo ng sopas kung kaya't nang umiwas siya ay may natapon na kakaunting sabaw sa kanyang damit. Napapikit nang mariin si Ruanne sa sobrang pagkapahiya. Hindi niya alam ngunit napangiti na lamang si Pio sa kanya. Binilisan na ni Ruanne ang pagkain at dumiretso na sa kabilang barangay para mamili ng sinulid.Nang makarating siya sa Brgy. Calloso, nagtaka na lamang siya nang makitang sarado ang tindahan ni Ginang Remedios, ang lagi niyang binibilhan ng mga gamit sa pananahi pag nagkukulang siya ng gamit. At mas nakapagtataka pa, may nakaharang na caution tape sa pintuan nito.Habang nakatitig ang dalaga sa tindahan ay nagsimulang pumatak ang ambon. Kay aga-aga, ulan agad ang sumalubong sa kanya. Naglakad nang mabilis si Ruanne papunta sa tindahan ng sombrero na katapat lang ng tindahan ni Aling Remedios. Itinulak niya ang pinto kung kaya't tumunog ang bell, sinasabihan ang may-ari na may customer. Nakita naman ni Ruanne ang isang matandang lalaki na mukhang nagbibilang ng pera sa may cashier."Magandang umaga, binibini! Ano ho bang maipaglilingkod ko sa inyo? May natitipuhan ho ba kayong sombrero?"Napanguso na lamang si Ruanne at tumingin sa mga naka-display na hat. Magaganda nga at may kalidad ang mga sombrero. Ngunit hindi iyon ang pinunta niya." Naku ho, bibili na lang ho ako ng isa. Ngunit napatakbo talaga ako rito dahil sa ambon. "Napatawa naman ang matandang lalaki."Ayos lang iyon, nene. Sige pumili ka na lang ng gusto mo at umalis kapag tumila na ang ulan, ha. Siguradong lalakas pa iyan."Ngumiti na lamang si Ruanne. Ngunit bago siya maglibot-libot, hindi niya maiwasang magtanong."Ahh lolo, nasaan ho pala si Aling Remedios? Ano hong nangyari?"Nawala ang ngiti sa mga mata ng matanda at napalunok na lamang. Kumunot ang noo ni Ruanne dahil sa reaksyon ng matanda. Halatang may nalalaman ito ngunit hindi gustong magsalita."M-May nanloob kasi sa kaniya n-noong isang linggo. Nasa o-ospital siya. Nakaratay simula noon."Nanlaki ang mga mata ni Ruanne sa nabalitaan. Kung tutuusin nga, hindi na dapat siya magulat dahil nasa bayan siya ng Garapal— ang bayang kilala sa pagiging pugad ng mga ilegal na gawain. Ngunit ni minsan, wala pang nangyari sa kanya at ngayon lang siya nakabalita ng krimen na nangyari sa isa sa mga malapit sa kanya. Kung ganoon, kailangan niya palang bisitahin ang ginang."Ganoon ho ba? Eh mukha naman hong ayos ang tindahan mula sa labas kaya hindi ko ho nahalata."Labis ang pagkadismaya ni Ruanne. Ang matanda naman ay hindi makatingin nang diretso sa mga mata niya. Napahinga ito nang malalim at tumingin sa orasan. Nakita niyang malapit nang mag-alas otso ng umaga. Nanlaki ang mga mata niya at bumaling sa dalagang nagtitingin-tingin na ng hat."S-Sandali hija, alam mo ba kung anong araw na ngayon?""Lunes ho," agad na sagot ni Ruanne.Nanlaki ang mga mata ng matanda at agad na lumabas mula sa kanyang pwesto. Nabigla naman siya nang hawakan siya ng matanda sa kanyang braso at igiya papunta sa labas."S-Sandali lang ho. B-Bakit...""Mabuti pa, mamaya ka na lang hapon pumunta rito. Magsasara muna ako. D-Dali. Baka maabuyan ka pa nila rito," nagpapanic na sabi ng matanda.Hindi man maintindihan ni Ruanne ay nagpatangay siya sa matanda. Hindi naman naging bastos ang matanda at malakas na pwersahan siyang nilalabas. Hindi nga lang niya maintindihan kung bakit." Manong, sino ho ba ang—"Napatigil si Ruanne sa pagsasalita nang ilang mga kalalakihang nakabihis ng maong ang naglalakad sa kabilang banda ng kalye at nakatingin dito sa tindahan. Nagsisimula ng pumatak nang malakas ang ulan ngunit hindi iyon alintana ng grupo. Naglalakad sila na parang mga siga sa daan."N-Naku. Nandito na sila. Dali! Doon ka muna sa likod. Bilisan mo!"Bumalik sila ng matanda habang hila-hila siya nito papunta sa isang pintong katabi ng counter. Sa isang tingin, alam ni Ruanne na ang grupo ng kalalakihan ang ikinakatakot ng matanda. Halata namang walang magandang gawain ang mga iyon sa buhay." Sandali lang ho. Huwag niyo hong sabihing manantili kayo rito? Hindi ho puwede baka kung anong mangyari sa inyo," nag-aalalang sabi ni Ruanne.Umiling naman ang matanda."Hindi na. Nakita na nilang bukas ang tindahan ko. Alam nilang nandito ako. Masisira ang buong lugar kung magtatago ako. Sige na. Pumasok ka na," sabi ng matanda."Pero ma—"Hindi na naituloy ni Ruanne ang pagsasalita nang biglang isara ng matanda ang pinto. Pinihit ni Ruanne ang doorknob ngunit nangunot na lamang ang noo niya nang hindi niya iyon mabuksan. Kumatok si Ruanne ngunit walang sumagot sa kanya. Napasuntok na lamang siya sa hangin sa sobrang frustration.Siguradong nasa panganib ang buhay ng matanda.Isinandal ni Ruanne ang ulo sa pinto upang mapakinggan ang mga nangyayari. Narinig ni Ruanne ang pamilyar na tunog ng bell, senyales na may pumasok. Hindi niya marinig ang matanda ngunit rinig na rinig niya ang mga yabag ng mga pumapasok."Mang Tomi! Nandito na pala kayo.""Mang Tomi, alam mo naman siguro ang ipinunta namin dito. Huwag mo na kaming pahirapan. Amin na. Tutal naman, pinoprotektahan namin itong mga tindahan niyo mula sa mga masasamang loob diyan."Nakarinig naman si Ruanne ng mga pagtawa."M-Meron ako r-rito kaso konti lang. B-Baka naman puwedeng s-sa susunod na linggo na lang," nanginginig na sagot ng matanda.Isang malakas na hampas sa kung saan ang nagpakislot kay Ruanne."Anong sa susunod na linggo? Nagpapakahirap kaming protektahan itong tindahan mo tapos wala kaming bayad na matatanggap? Nasisiraan ka na ba Mang Tomi?""Gusto yata ni Mang Tomi bisitahin pa natin ang anak niya ospital para bigyan tayo eh."Malisyosong tawanan ang sumakop sa buong lugar. Hindi maipaliwanag ang kabang nararamdaman ni Ruanne sa naririnig. Ngunit mas lalong hindi niya maisip ang kalagayan ng matanda." H-Ha? I-Ito na ang b-bayad ninyo! H-Huwag niyo ng bisitahin ang anak ko," sabi ni Mang Tomi.Napakagat na lamang ng labi si Ruanne. Matalino si Mang Tomi. Tama lang ang ginawa niya. Sa ngayon ay wala siyang kalaban-laban at kahit na kasama niya pa ang dalaga roon, wala ring magbabago. Ngunit nakapagtataka, parang matagal na itong nangyayari."Sandali lang, Mang Tomi. Bakit parang kulang ito? Kulang pa ito ng limang libo," reklamo ng isa."Tsk. Tsk. Tsk. Mang Tomi, nagtatrabaho kami nang maayos ha. Di bale na, mabait naman kami. Sa susunod na linggo na lang namin sisingilin iyon. Bali limang libong piso ang ibibigay mo sa amin ha."Kahit sa nanginginig na boses, sumagot si Mang Tomi."D-Di ba masyado namang m-malaki iyon. H-Hindi naman ganoon k-kalaki ang—"Napatakip na lamang ng bibig si Ruanne at naging parang sa kwago ang mga mata nang biglaang matigil sa pagsasalita si Mang Tomi at isang malakas na lagapak ang nag-echo sa buong lugar." Anong sinasabi mo?! Baka nakakalimutan mo kung sino kami, tanda," nagbabantang sabi ng isa."Hoy. Tama na iyan. Umalis na tayo. Sisingilin natin siya sa isang linggo. Kapag hindi niya nagawa ang gusto natin, alam niya ang mangyayari sa kanya. Tara na."Hindi maipaliwanag ang takot at pag-aalalang meron si Ruanne para sa matanda. Narinig niya ang papalayong mga yabag kung kaya't kahit papaano ay nabawasan abg tibok ng puso niya sa isang minuto. Ngunit hindi pa rin siya nakasisiguro sa lagay ng matanda.Pilit na binuksan ni Ruanne ang pinto. Kinatok at sinipa niya na ang pinto ngunit wala pa rin."Mang Tomi!"Tumigil si Ruanne sa ginagawa nang marinig ang tunog ng doorknob. Nag-click ang doorknob at agad niyang binuksan ang pinto. Napakurap-kurap na lamang siya at napahawak sa bibig nang makita ang lagay ng matanda. May malaki itong sapak sa kanyang mata at bakat ng kamay sa kanyang pisngi. Hindi maipinta ang mukha nito. Gusto niyang hawakan ang matanda ngunit nag-aalangan. Para bang sa isang dampi niya lamang ay tutumba ang matanda."M-Manong...""A-Ayos lang ako. L-Lumakad ka na."Bago pa man makapagsalita si Ruanne ay pumikit ang mga mata ng matanda at unti-unting bumagsak sa lupa. Naging mabilis ang kilos ni Ruanne at naagapan niya ang ulo nito bago pa mauntog iyon sa sahig.Labis ang kabang nararamdaman ni Ruanne sa mga sandaling iyon. Hindi niya malaman ang gagawin. Nakatingin lamang siya sa matanda nang may takot at pangamba. Para bang nablanko ang utak niya. Ngunit hindi na iyon kataka-taka. Kahit sino naman yata, kahit sa isang segundo lang, maninigas sa sobrang takot kapag inilahad sa harap nila ang panganib."Ninang Anne!"Napaangat na lamang ng ulo mula sa pagkakayuko si Ruanne nang tawagin ng isang bata ang pangalan niya. Ngumiti na lang siya nang malaki at ibinuka ang mga kamay upang salubungin ang bata. Si Oval naman ay masayang niyakap ang kanyang ninang na halos isang linggo din niyang hindi nakita.Nabaling ang tingin ni Ruanne sa nanay ng inaanak. Mapipinta sa kanyang mukha ang pag-aalala."Anong nangyari, Ruanne? Wala bang nanakit sa iyo?"Naupo na lamang si Catalina sa tabi ng kaibigan. Hinayaan na lang naman nilang magtatakbo si Oval sa tapat nila dahil wala namang dumadaan. Nakakapagtaka. Sa dami ng tao at mga pasyente sa ospital, wala man lang ni isang nurse na dumadaan." Si Mang Tomi kasi, ni-lock ako sa loob ng bodega niya kaya ayan ang nangyari. Siya ang sumalo ng lahat ng kabulastugan ng mga lalaking iyon," komento ni Ruanne.Napahinga naman nang malalim si Catalina."Alam mo, wala ka rin naman kasing magagawa. Saka ano bang ginawa nila kay Mang Tomi?"Napakunot naman an
"Anong nangyayari rito, magandang binibini?"Malinaw na malinaw sa tenga ni Ruanne ang narinig niya. Ngunit gusto niyang paniwalaang nabingi na yata siya dahil kung anu-ano na ang naririnig niya. Ngunit hindi eh. Iyon talaga ang narinig niya. Mahal? Magandang binibini? Ano na ba ang tumama kay Pio at kung anu-ano na ang pinagsasasabi niya?Naiilang na napatingin si Ruanne sa kanyang dalawang kaaway. Nakita niya ang mapagmataas na tingin ni Jacoma at ang inis na nagtatakang titig ni Fajardo. Nakahawak pa sila sa isa't isa nang ipakita nila ang mga ganoong ekspresyon. Aakalain ng kahit sinong matalinong tao katulad ni Pio na kalokohan lang ang relasyon ng dalawa. Ngunit si Ruanne ay t*nga. Lumingon na lamang muli si Ruanne kay Pio. Nakikipagtitigan ang binata sa mga nasa harapan nila at ayaw na ni Ruanne na makahakot pa ng napakaraming atensyon. Napapatungo na lamang siya dahil dumadami na ang mga taong nasa paligid na tumitingin sa kanila. Ang iba ay pinipili na lamang dumiretso sa p
Bigla na lamang nabulunan si Catalina at naubo sa tubig na pumasok sa baga niya. Nanlaki ang mga mata ni Ruanne at agad na inabutan ng tuwalya si Catalina. "Anong sabi mo? Anong ginawa sa iyo nung dalawa? Ang kapal naman talaga ng mga mukha nila!"Siya rin naman ay ganoon ang tingin. Gaya ng inaasahan, umusok ang ilong ni Catalina dahil sa inis sa dalawa. Kinuwento niya kasi ang nangyari dahil hindi naman siya matatahimik kung kikimkimin niya lang ang nararamdaman." Oh eh tapos ano? Hinayaan mo na lang?" naiinip na tanong nito sa kanya. Dumukwang pa ito papalapit sa kanya at naitulak na lamang niya ang ulo ng kaibigan." Umayos ka nga. Hinayaan ko na lang," kalmadong sagot ni Ruanne.Uminom na lamang si Ruanne ng kape at umiwas ng tingin. Na-iimagine niya na ang mapanghusga at bwisit na mukha ng kaibigan."Iyon na iyon! Hindi ka man lang lumaban?!" sigaw nito na halos dinig na yata sa buong kalye.Napatayo na lamang si Catalina at napaduro-duro kay Ruanne. Agad naman na hinawakan ni
"Manang, ayos na. Huwag na kayong pumasok ngayong araw. May pupuntahan lang din ako ngayon kaya isasara ko muna ang tindahan," sabi ni Ruanne sa telepono, hawak-hawak ang listahan ng number ng kanyang mga manggagawa."Sige na nga, ma'am. Basta inaasahan ko na pupunta kayo rito mamaya ha. Hihintayin ko ho kayo," sabi ni Manang Celeste sa kabilang linya.Napangiti naman si Ruanne."Oho, sige. Asahan niyo pong darating ako.""Sige, ma'am. Kita na lang tayo mamaya!" masaya nitong saad sa kabilang linya. "Sige ho."Ibinaba na ni Ruanne ang telepono. Si Manang Celeste na ang pinakahuli niyang kailangang tawagan. Mula sa kanyang mga pajama at lawlaw na damit, nagpalit siya sa isang pantalon at kulay rosas na maliit na pantaas na may strap. Dala-dala ang kanyang wallet at payong, naglakad siya papunta sa bahay ni Catalina. "Hoy, saan ang gala mo? Hindi ka magbubukas ng tindahan mo?" tanong ni Catalina nang makita ang kaibigan na ayos na ayos.Wala namang masyadong ginagawa si Catalina. Sa li
"Pasensya ka na. Masyado lang emosyonal si Lilia ngayon. Hanggang sa susunod na linggo pa naman ang lamay bago ilibing si tiya. Puwede kang bumalik dito para makita siya at si Lilia," sabi ni Boyet, ang boyfriend ni Lilia.Tumango na lamang nang marahan si Ruanne. Labis siyang nasaktan at nagulat sa nakikita niya ngayon. Parang kailan lang, nalaman niyang nasa ospital si Ginang Remedios. Ngayon, wala na siya sa ospital. Ngunit wala na rin siya sa mundong ito."Sige. Mauna na ako. May kailangan din kasi akong puntahan. Hindi ko naman inaasahan na ito ang maaabutan ko rito," pagpapaalam ni Ruanne sa kanya."Ayos lang iyon. Siguradong napagod ka rin kay Lilia. Parehas nating hindi inasahan na mahihimatay siya sa sobrang kalungkutan." Napahilod na lamang ng noo si Boyet at bumuga nang malakas na hangin. "Sabi ko naman kasi sa kanya, magpahinga na muna siya ngunit hindi siya nakikinig. Tapos ayun nga, dumagdag pa ang pamilya Lavin na iyan."Hindi naman maiwasan ni Ruanne na ma-curious."Sin
"Ayon sa intel namin, may away ho mismo sa loob ng pamilya Villamor. Balak nilang palitan ang Don ng pamilya," ani ng janitor.Tumango-tango naman si Pio at tinapik sa balikat ang matanda."Sige lang. Hindi natin kaanib ang pamilyang iyon kaya hindi na dapat tayo mangialam. At kung mapalitan man ang Don, baka mas lalo pa silang humina," sagot ng binata."Ang utos ho ng inyong ama ay bantayan ang kilos ng pamilya Villamor. At mabuti na rin hong makipag-alyansa sa ibang pamilya ang pamilya natin."Agad namang napatawa nang pagak si Pio."Hindi sila banta sa pamilya natin. Kinonsulta niya ba si Demetrio tungkol dito?" tanong ni Pio na agad namang inilingan ng matanda. "Tsk. Tsk. Dapat lagi niyang kinukonsulta ang ating consigliere sa mga bagay-bagay na makakaapekto sa pamilya. Huwag kang mag-alala. Ako na ang kakausap sa kanya."Agad nang umalis si Pio habang nakatungo ang matandang lalaki bilang paggalang sa kanya. Napahinga na lamang nang malalim si Pio. Hindi niya maintindihan sa kany
"Naku, ma'am! Buti nakarating kayo. Akala ko ay naligaw na kayo sa kung saan," salubong ni Manang Celeste kina Ruanne at Pio pagkakitang-pagkakita niya pa lang sa dalawa.Hilaw namang natawa si Ruanne. Halos maligaw na nga silang dalawa ni Pio. Buti na lamang ay may sense of direction ang kasama niya at siya na ang nag-lead ng daan para sa kanya."Pasensya na ho. Nahirapan din ho kaming hanapin itong lugar ninyo dahil ang daming tao sa daan," komento ni Ruanne.Napangiti naman ang matanda."Hay. Buti na lang pala." Bumaling naman si Manang Celeste kay Pio. "Ikaw, ginoo. Kamusta? Maayos naman ba ang lagay mo?"Tipid lamang na ngumiti si Pio at tumango sa matanda."Diyos ko. Mukhang nahihiya pa ang nobyo mo," mapagbirong komento ni Manang Celeste.Nanlaki naman ang mga mata ni Ruanne."H-Ho? Nobyo?"Si Manang Celeste naman ngayon ang naguluhan."Nobyo. Hindi ba't nobyo mo ang napakapoging lalaki na ito? Hindi ba? Aba'y sayang naman kung mapupunta lang sa iba," komento ni Manang Celeste.
"Ma'am! Bakit ngayon lang kayo? Nagsimula na ang ibang palaro," komento ni Manang Sitang pagkadating na pagkadating nina Manang Celeste, Ruanne, at Pio.Napangiti na lamang si Ruanne."Naku, kayo talaga. Siyempre, pinagpahinga ko na muna silang dalawa saka pinakain nang kaunti. Kayo naman, hindi makapaghintay," saway naman ni Manang Celeste sa dalawang kaibigan.Nabaling naman ang tingin nina Manang Sitang at Manang Orang kay Pio. Agad namang ngumiti si Pio at yumuko bilang paggalang sa kanila. Napangiti naman ang dalawang matanda." Ma'am, buti naisama mo ang nobyo mo. Mas marami, mas masaya!" ani Manang Orang.Pilit na ngumiti si Ruanne sa dalawang matanda. Bakit ba kasi kailangang i-point out na nobyo niya ang binata?"Oo nga ho. Buti nakasama kami," sagot na lang ni Ruanne.Napapalakpak na lamang ng isang beses si Manang Sitang."O siya, ano pang hinihintay natin? Makisali na tayo sa ibang palaro. Kayo ba ma'am, anong gusto niyong gawin?"Napakurap-kurap naman si Ruanne."H-Ho? Eh
"Gaano pa ba katagal bago lumabas ang resulta? You called me to say na meron ng results pero pagdating ko ay kailangan ko pa palang maghintay."Napatungo na lamang si Demetrio kay Pio."Pasensya na po, young master. Hindi ko po alam kung anong aberya ang nangyayari."Napabuntong-hininga na lamang si Pio at naghintay nang mataimtim. Wala rin namang magagawa ang pagwawala niya sa ospital kung gagawin niya iyon. Makadadagdag lamang siya sa stress ng doktor at baka lalo pang tumagal ang proseso.Sabay na lamang napatingin sina Demetrio at Pio sa direksyon kung saan sila nakarinig ng pagbukas ng pinto. Lumabas na nga ang taong nag-aasikaso sa kanila na may hawak na mga papeles.Agad na tumayo sa Pio mula sa kanyang kinauupuan at sinalubong ang doktor."Paumanhin po, Mr. Cypher. Ito na po ang papeles na inyong hinihingi."Agad na kinuha ni Pio mula sa kamay ng doktor ang brown na envelope at inilabas ang papel na nasa loob nito. Habang binabasa niya ang laman nito ay nagpaliwanag naman ang d
"Catalina? Uuna na kami ni Pio. Gabi na rin kasi. Salamat sa pag-imbita ha." Dali-dali namang nagpunas si Ruanne ng kanyang kamay at sinalubong ang dalawa sa sala. "Wala 'yon. Para ka namang estranghero n'an. At saka, ako nga dapat ang magpasalamat sa inyo at kundi di kayo dumating, malamang ay walang bisita ang anak ko." "Ninang!" Napatingin na lamang silang tatlong matatanda sa batang tumatakbo papunta sa kanila. "Uuwi na po kayo?"Tumango naman si Ruanne."Oo, Oval. Gabi na rin kasi at baka kung ano pang mangyari sa amin sa daan. Bibisitahin ka na lang namin sa ibang araw ha?"Masigasig namang tumango ang bata at bumaling kay Pio."Ninong Pio! Sa susunod po, gusto ko naman ay malaking robot! Yung umiilaw saka nagsasalita!"Napakunot na lamang sina Ruanne at Catalina sa hiling ni Oval. Ngunit si Pio naman ay napangiti na lamang. Ginulo niya ang buhok ng bata na siyang nagpatawa rito." Sa susunod, hindi lang iyon ang ibibigay ko sa iyo. Huwag kang mag-alala, " ani Pio.Napairap na
Hello, peeps! May nag-aabang pa kaya sa story na ito?I would like to apologize for not being able to keep my word na mag-uupdate ako ng 2-3 times a week since isang beses ko lang na naiupdate ang story na ito nitong nakaraang week.By August 6, 2023, this Sunday, I will try to post two chapters to make up for what I deprived you of. I repeat, I will TRY. Hindi ko maipapangako na magagawa ko talaga siya since medyo busy ako sa ibang bagay and ayaw ko naman na minadali yung chapter na ibibigay ko sa inyo. Despite being pressured sa time, I will do my best to give you updates as soon as possible without sacrificing the quality of the content. Thank you for still waiting for an update even if it's really slow. I really appreciate you guys.Love lots,achyyy
Hindi inakala ni Ruanne na ganito ang kalalabasan ng araw ng kaarawan ni Oval. Inaasahan niya ay kakain lamang siya o di kaya ay makikipaglaro sa bata. Okay rin naman sana kung pupunta sila sa perya. Ngunit bakit pa kailangang dumating sila Jacoma?Napabuntong-hininga na lamang si Ruanne na akala mo ay pagod na pagod na, kahit kararating lamang nila sa perya. Maagang nagbubukas ang perya at maliwanag pa naman. At dahil nga maliwanag pa, wala pang katao-tao. Hindi naman kasi ganoon kasaya sa isang peryahan kung maliwanag pa.At sino naman kasing magbubukas ng perya nang maliwanag pa? Ito lang yatang perya na ito na pinuntahan nila ang gagawa nang ganoon.Masayang nagtatatalon si Oval papasok ng peryahan habang hawak-hawak ang espadang niregalo sa kanya. Nagniningning ang mga mata ng bata na akala mo ay ito ang unang beses na nakapunta ito sa isang peryahan. Sigurado si Ruanne na hindi ito ang first time ni Oval sa mga ganitong lugar dahil nababanggit na rin naman ni Catalina ang mga kwe
"Ay, Diyos ko. Ano ba naman ito?!" Nagmamadaling isinukbit ni Catalina ang kanyang bag at naglakad papuntang pinto. "Ruanne, puwedeng ikaw muna bahala rito? Susunduin ko lang si Manang Niña at umuwi na pala iyon dito."Napatango-tango na lamang si Ruanne. Bigla namang napatayo si Oval mula sa paglalaro ng kanyang mga laruan at napatakbo sa kung nasaan ang kanyang mama." Ma, punta ka saan? "Napalingon na lamang si Catalina sa anak at nginitian ito. Niyakap niya ito sa may ulo."'Nak, pupuntahan lang ni mama si Aling Niña. Pupunta raw siya rito at makikikain sa atin. Dito ka muna kay ninang mo ha."Tumango na lamang si Oval at nagpaalam na sa kanyang mama. Bumaling ang tingin ng bata sa kanyang ninang na hindi niya maintindihan ang ekspresyon." Ninang Uanne, bakit po pula ang pisngi mo? "Tila naalimpungatan naman si Ruanne na nanlaki ang mga mata at umiling-iling ang mga kamay kay Oval. Natatarantang bumaling ng tingin si Ruanne kay Pio. Nanonood lamqng qng binata sa kanya. Ang totoo
"Hoy teh. Ano na? Hinahanap ka na ng inaanak mo? Nasaan ka na?"Napakamot na lamang si Ruanne sa ulo gamit ang tuktok ng telepono. Palakad-lakad siya sa loob ng kanyang opisina at stressed na stressed ang mukha. Kanina pa yata siya may hinahanap ngunit hindi niya mahanap."Pakisabi kay Oval, hinahanda ko lang ang regalo niya ha. Wait lang siya. Maganda ito!"Napatingin na lamang si Catalina sa anak na naglalaro ng kotse-kotsehan bago ibalik ang atensyon sa telepono. Halos mapairap siya sa kaibigan na siguradong may inaasikasong iba kaya hindi magkandaugaga." O sige sige. Basta bilisan mo ha. Walang katao-tao rito. Alam mo naman yung mga nanay ng kaklase ni Oval, mga tsismosang palaka. Huwag raw makipagkaibigan sa anak ko at anak ng p*ta. Aba, sinong sinasabihan nila ng p*ta? Ako?!"Papaalalahan lang sana ni Catalina si Ruanne ngunit nagawa niya pang maglabas ng sama ng loob dito. At hindi iyon nakatulong sa aligagang si Ruanne na lihim na iniisip na sana ay ibaba na ni Catalina ang te
Kanina pa palakad-lakad si Ruanne sa kanyang opisina. Hindi siya mapakali at tila ba kitikiti na nagpapaikot-ikot sa kama kanina lang bago naman siya magpaikot-ikot. Kung naroroon lamang ang kaibigan niya ay nasisiguro niyang kanina pa siya nito binatukan at nakakahilo na ang ginagawa niya.Ngunit kahit anong gawing pag-ikot-ikot at pag-iisip ni Ruanne, hindi nito mareresolba ang problema niya. Lalo pa't mukhang bayolente ang kalaban niya.Napapikit na lamang siya at napasandal sa sulok ng kanyang lamesa. Itiningala niya ang kanyang ulo sa ilaw niya sa kisame at pumikit.Nakakagulat talaga at ayaw niyang maniwala. Ngunit ang nakita niya ay nakita niya. Hindi mabait na tao si Julian. May lihim itong tinatago at hindi niya na gugustuhin pang tuklasin ang side niyang iyon. Sa katunayan niyan ay salungat doon ang nais niyang mangyari. Nais niyang malayo sa binata. Ngunit paano naman niya gagawin iyon? Siguradong alam na ng binata na may nalalaman siya. Well, hindi naman sigurado na alam ng
Labis-labis ang pagharurot ng puso ni Ruanne sa pagtibok. Ni paghinga niya ay hindi niya magawang ituloy sa takot na makalikha siya ng ni katiting na tunog na maaaring magpahamak sa kanya. Hindi niya na tinangkang tumingin pa sa maliit na siwang sa pinto upang siguraduhin ang presensya ng mga taong nasa labas. Ang magagawa niya lamang ay pakiramdaman ang mga bagay-bagay.Mahigpit na nakatakip ang palad ni Ruanne sa kanyang bibig. Pinatalas niya ang kanyang pandinig upang malaman kung wala ng mga tao sa labas. Narinig niya ang mararahas na yabag ng mga taong iyon palabas. Nang unti-unti nang humina ang mga yabag at wala na siyang marinig, maingat niyang iginalaw ang sarili upang tumingin sa siwang.Malilikot ang mga matang naglakas-loob siyang sumilip. Sa kanyang pagtingin ay walang naabutan ang kanyang mga mata. Wala na sina Julian at ang dalawa pang lalaki sa may tapat ng lababo.Sa nanginginig na mga kamay ay pinalaki ni Ruanne ang siwang sa pinto. Matatalas ang kanyang mga mata na
"Ma'am Ruanne, kahit wala ka ng kolorete sa mukha, maganda ka na. Saka girlfriend ka ni Ginoong Pio, ano. Siguradong maganda ka sa paningin niya kahit ano pa man ang mangyari," komento ni Manang Celeste.Napanguso naman si Ruanne sa itsura niya sa salamin. Kahit mukhang maayos naman ang itsura niya, hindi siya kumbinsido sa kanyang nakikita. Kahit ano naman kasing mangyari, maganda ang tingin niya sa sarili niya. Ewan niya nga lang kung anong itsura niya sa paningin ng ibang tao.Nakasuot siya ngayon ng skinny jeans at camisole top na pinatungan ng cropped denim jacket. Naka-high ponytail ang mahaba niyang buhok at nagsuot na rin siya ng kaunting kolorete sa mukha. Sa kanyang paa ay nakasuot ang isang pares ng white sneakers na pinaresan niya naman ng white na handbag.Sobrang ayos ng itsura niya. Sobrang ganda niya na. Ngunit pakiramdam niya, kapag humarap siya kay Pio ay hindi. Natatakot siya na ma-disappoint ang binata.Ngayon lang siya lalakad para sa isang proper date ano! Natural