Dahan-dahang ibinuka ni Ruanne ang kanyang mga mata. Ihinarang pa niya ang kanyang palad sa kanyang mata dahil sa biglaang pagkasilaw sa liwanag. Kahit sa malabong paningin dahil sa pagkakagising, naaaninag niya ang mukha ng dalawang lalaking nasa harap niya. Unti-unting naging malinaw ang itsura ng dalawa at agad na lamang siyang napaatras. Hindi niya kilala ang mga taong ito.
"T-Teka, sino kayo? Ha? Anong kailangan niyo?" napapraning na tanong ni Ruanne.Agad namang umatras ang mga lalaki upang bigyan siya ng espasyo at hindi masyadong magalit. Itinaas ng isang lalaki ang kanyang kamay na parang sumusuko sa pulis."Sandali lang, binibini. Wala kaming gagawing masama sa iyo. Nag-aalala nga kami sa iyo at ganyan ang kalagayan mo," sagot nito.Tinarayan naman ni Ruanne ang dalawang lalaki sa pamamagitan ng pagtaas ng kilay."At bakit naman kayo---"Ruanne? RUANNE!"Nakarinig na lamang si Ruanne ng paglakad ng heels na papalapit sa kanya. Agad niyang namukhaan ang mabungangang kaibigan. Alalang-alala ang mukha nito nang makalapit sa kanya at alalayan siya patayo."G*ga! Anong ginagawa mo riyan? Diyan ka ba natulog?!" nag-aalalang tanong nito.Tiningnan ni Catalina ang buong katawan ng kaibigan at pinagpag ang dumi sa katawan at damit nito.Napatingin naman si Ruanne sa paligid. May mga bukas na tindahan at naglalakad na mga tao. Maingay na ang kalye at marami na ring nagsisidaanan na kalesa. Napatingin siya kanyang kinahihigaan kanina at napagtantong nasa gilid siya ng kalye.Napatulala na lamang si Ruanne. Ibig sabihin ba... natulog siya sa lansangan?"Siraulo ka talaga. Halika na nga! Mga kuya, salamat ha."Hindi na nakaimik pa si Ruanne nang hilahin siya ng kaibigan. Hinayaan niya na lamang na tangayin siya nito sa kung saan."Sabi ko naman kasi sa iyo, huwag ka nang maglasing. Tingnan mo kung anong nangyari sa iyo. Paano kung manyakis ang nakakita sa iyo? Eh di wala na iyang pagkabirhen mo!"Napasinghal naman si Ruanne at napairap ng mata habang pinupunasan ng basang tuwalya ni Catalina." Ayaw mo niyon? Parehas tayo. "Napatigil naman si Catalina sa pagpupunas sa kaibigan at napanganga rito. Hindi siya makapaniwalang sinabi iyon ng kaibigan."Hoy, mahirap maging isang ina nang walang kaagapay. Buti nga pinapadalhan ako ng nanay ko ng pera eh sagad sa buto ang galit niyon sa akin," komento ni Catalina.Hindi na naman nakasagot pa si Ruanne. Nang matapos punasan nang basang tela ay tuyong tela naman ang isinunod ni Catalina. Ayaw pa raw kasing umuwi ni Ruanne kung kaya't dinala na lang siya ni Catalina sa fashion house niya mismo at doon sila naglinis sa ikalawang palapag."Alam mo, imbis na magpakalasing ka, bakit hindi ka na lang maghanap ng ibang pagkakaabalahan? Hindi ka naman siguro mauubusan ng pera kung mawawala ka ng isang linggo.""Saan naman ako pupunta?" Tanong ni Ruanne.Nagkibit-balikat ang kaibigan."Ikaw, baka gusto mong manirahan sa isang sakahan para tahimik. Pwede naman siguro iyon."Sakahan? Wala namang mali roon. Ngunit, hindi nakikita ni Ruanne ang sarili na naninirahan sa isang maberdeng lugar. Ang buhay na naiisip ni Ruanne para sa sarili ay isang buhay sa siyudad. Ang sarili niya sa isang balkonaheng mahangin pagdating ng gabi at pinagmamasdan ang mga bituin, iyon ang lagi niyang naiisip. Kaya gusto niya ay dito na lamang siya sa siyudad.Naupo na lamang ang magkaibigan sa mahabang upuan malapit sa bintana. Natanaw naman nilang dalawa ang isang truck na nagbaba ng mga materyales sa tindahan. Ito ang pangalawang beses na nakita ito ni Ruanne kaya't hindi na siya nagtaka. Ngunit mukhang interesante si Catalina sa katapat nila."Hoy. Psst."Napatingin naman si Ruanne sa kaibigang sumitsit sa kanya."Bakit may ganiyan diyan?"Nagkibit-balikat naman siya."Ewan ko. Kahapon pa iyan eh. Baka may gagawin silang sapatos," walang ganang sagot ni Ruanne.Napatango-tango naman ang kaibigan habang pinagmamasdan ang nangyayari sa baba. Ilang sandali lang, napatigil ito sa pagtitig at nanlaki ang mga mata na para bang may bombilyang lumabas sa ibabaw ng kanyang ulo." Alam ko na, Ruanne!"Humagikgik pa siya na parang may exciting na naiisip gawin. Napakunit naman ng noo si Ruanne nang hilahin siya nito papunta sa kanyang sofa. Umupo si Catalina nang tuwid habang nakasandal naman si Ruanne sa sofa na nakikinig sa kanya." Di ba balak mong magdagdag din ng sapatos sa mga koleksyon mo? Ito na yung hinihintay natin!"Napakunot-noo si Ruanne."Ang alin?""Ang alamin ang sikreto ng The Shoemaker!"Tumaas ang mga kilay ni Ruanne at agad na umiling.Kilala ng lahat ang 'The Shoemaker'. Isa itong tanyag na pagawaan ng sapatos na kilala maging sa ibang bansa. At ang sabi-sabi, lahat ng sapatos ay handmade at gawa ng iisang tao lang, kaya napakatagal kung maglabas ng bagong modelo ang tindahan. Ngunit kahit matagal naman iyon, masisiguro mong maganda ang kalidad.At isa pa, anong mapapala niya kung malaman niya ang sikreto ng pagawaan? Hindi niya naman nanakawin ang paraan nila ng paggawa ng sapatos. Hindi papayag ang pride niya. At isa pa, kung malaman man ng buong mundo ang pagkatao ng may-ari niyon, hindi naman magbabago ang kalidad ng ginagawa nila. Tiyak na mababawasan ang maiintriga, ngunit hindi mababawasan ang mamimili."Alam mo, matagal ko na ring gustong gawin iyan. Kaso imposible iyan. Huwag ka nang mangarap."Napanguso naman ang kaibigan nang marinig ang sagot ni Ruanne."Sige na. Kahit wala ka namang mapuntahan sa gagawin mong iyon, at least mawawaglit sa isip mo yung dalawang hayop. Wala namang mawawala at masasayang sa iyo maliban na lang sa oras mong hindi mo naman madalas ginagamit. Ayun oh! Tingnan mo."Napatingin naman si Ruanne sa bintana. Nakita niya ang lalaking nakita niya kahapon. Halos hindi nagbago ang suot nito dahil sapatos lamang ang naiiba sa kanya. At gaya kahapon, wala pa ring bakas ng pagod ang mukha ng binata. Mukha pa rin itong masaya at walang problema sa buhay. Abot-langit ang ngiti nito sa kanyang mga kausap."Hoy, Ruanne, nakikinig ka ba?"Napakurap-kurap na lamang ang dalaga na tila ba napasailalim na naman ng hipnotismo. Wala sa ulirat siyang tumingin sa kaibigan na nakangisi na sa kanya habang nakakrus pa ang magkabilang braso. Pinanlakihan niya lamang ito ng mga mata na para bang nahuli niya itong gumagawa ng krimen."A-Anong mukha iyan? Bakit ganiyan iyang mukha mo?" kinakabahang sabi ni Ruanne."Crush mo?" Biglaang tanong ng kaibigan.Agad na nangunot ang noo ni Ruanne at umiling-iling sa kaibigan. Iniiwas niya ang paningin dito at tumingin na lang muna sa labas."H-Hindi ah. Pinagsasasabi mo..."Natawa naman si Catalina at tinusok-tusok ang kanyang tagiliran. Kahit may kiliti siya roon ay pinipigilan ni Ruanne ang matawa dahil lalo siyang aasarin ni Catalina."Uy, may bago na siyang bet!"Hinawakan ni Ruanne ang kamay ni Catalina."Hindi nga sabi. Tumigil ka na," kunwaring naiinis na sabi ni Ruanne.Tumigil naman si Catalina at napahinga nang malalim."Pero alam mo, mabuti pa. Pumunta ka na lang doon sa tindahan na iyon ngayon din. Bumili ka ng gusto mong sapatos at magtago roon," ani Catalina habang nakatingin sa bintana."Bakit naman," tanong ni Ruanne."Dahil nakikita ko na ang isa sa mga peste sa buhay mo."Dali-daling sumilip si Ruanne sa bintana. Ganoon na lamang ang paninigas ng kanyang kamao at panliliit ng kanyang mga mata."Ang kapal naman ng mukha niya! At may dala pa siyang bulaklak ha!"Mula sa bintana ay kitang-kita nila si Fajardo na mas matulin pa sa hangin kung maglakad. Mukha ngang galit pa ito. Ngunit may dala itong bulaklak. Ano iyon? Aakyat siya ng ligaw nang galit?"Para sa akin ba iyang mga bulaklak na dala niya?" Tanong ni Ruanne sa sarili."Bakit? Tatanggapin mo?"Iritang bumaling si Ruanne sa kaibigan. Umirap naman si Catalina at hinila na siya pababa. Pinilit ni Ruanne na tumigil ngunit wagas kung makahila si Catalina."Sandali, bakit tayo bababa? Sasalubungin ba natin iyon?" nag-aalalang tanong ni Ruanne."Hindi ano! Pupunta ka sa The Shoemaker at doon ka magtago. Hindi sila nagpapasok ng hindi customer doon kaya bumili ka na lang ng sapatos."Bago pa makapagsalita si Ruanne ay nakalabas na sila ng Fabs. Napalingon sila sa kanilang kaliwa at nakitang malapit na si Fajardo. Naaninag naman sila ng dating nobyo. Agad na nagliwanag ang mukha ng peste at mas lalong binilisan ang lakad. Hindi naman maipinta ang mukha ng dalawa na nagpapanic na at hindi na malaman kung saan pupunta."Tumakbo ka na dali!""Oh eh paano ka?"Akala mo naman ay nasa bingit ng kamatayan ang dalawa kung mag-usap."Ako na ang bahala rito. Sige na. Takbo!"Naitulak na lamang ni Catalina si Ruanne sa sobrang panic. Halos matalapid naman si Ruanne dahil sa hindi maayos na pagkakabalanse nang siya ay maitulak. Agad na tumakbo ang dalaga papunta sa katapat na tindahan at hindi na lumingon pa. Pakiramdam niya ay nakasalalay roon ang buhay niya.Tumakbo si Ruanne sa pagitan ng mga nakakalat na materyales at nagtatrabahong mga kargador. Mabuti na lamang at wala siyang nadanggil sa mga iyon. Nakahinga lamang siya nang maluwag nang maitulak niya ang pinto ng tindahan at makapasok sa loob. Napasandal na lamang siya sa likod ng pinto at napahinga nang malalim. Sa wakas, ligtas na siya."Hindi kami tumatanggap ng hindi customer dito," sabi ng isang matigas na boses.Napalingon naman si Ruanne sa kanyang kanan at nakita ang isang matandang lalaki. Ang una niyang napansin ay ang nawawala nitong kaliwang braso. Dagdag pa rito, hindi rin maganda ang hilatsa ng mukha niya. Labis na kinabahan si Ruanne sa matanda."A-Ahh ehh... Ano po--- Bi---""Mang Domeng, huwag niyo naman ho tinatakot ang customer natin."Napatingin si Ruanne sa kanyang likod at nakita ang lalaking kanina lang ay nakikipag-usap sa kargador. Napatitig si Ruanne sa kakisigan ng lalaki. Ganoon din ang lalaki sa kanya. Napansin ni Ruanne na napakapormal ng tindig nito. Taas-noo kung maglakad at halos wala kang maririnig sa paghakbang nito.Malakas ang dating ng lalaki na hindi nagawang magsalita ni Ruanne. Nakatitig lamang siya sa lalaki at ganoon din ang lalaki sa kanya. Ang mga mata nila ay tila nag-uusap ngunit wala namang sinasabi. Sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ni ruanne ay napakagat na lamang siya sa kanyang labi at umiwas ng tingin. Ngunit, ang lalaki ay hindi inalis ang tingin sa kanya. Sa halip, mula sa kanyang mga mata ay dumako ito sa kanyang labi na mas lalong namula dahil sa kanyang pagkagat. Napadila na lamang ang lalaki sa kanyang labi at naglakad nang diretso papunta sa tapat nila."Pasensya na. Bigla na lang kasing pumasok itong babaeng ito. Malay ko ba kung---""Mang Domeng..."Binigyan ng makahulugang tingin ng lalaki si Mang Domeng. Huminga na lamang nang malalim si Mang Domeng bago tumango at umalis. Napangiti ang binata at napatingin sa dalagang nasa harap niya. Naiwan si Ruanne kasama ng lalaki at hindi niya pa rin magawang ibaling ang tingin dito. Tumikhim ang lalaki upang kuhanin ang kanyang atensyon."Anong sapatos ang hanap mo, binibini?"Agad namang tumaas ang ulo ni Ruanne at gulat na napatingin sa lalaki."H-Ha? A-Ano...""May bibilhin ka ba? Kung wala ay maaari ka ng umalis dito. Hindi kami nagpapapasok ng hindi mamimili rito."Napakurap-kurap na lamang si Ruanne. Tumingin siya sa labas at nakitang kinukumpronta ni Catalina ang kanyang ex-boyfriend. Hindi pa siya handang harapin ang dati niyang nobyo. Aaminin niyang kahit galit siya rito. Ngunit hindi naman siya magagalit kung hindi niya ito mahal. Baka kahit alam niya namang puro kasinungalingan lang ang sasabihin sa kanya, maniwala pa rin siya at patawarin ang dating nobyo.Dahan-dahan niyang ibinaling muli sa maginoong binata ang tingin at tumango. Mukhang mapapagastos pa siya nang malaki."O-Oo. Gusto ko sanang bumili ng magandang t-tsinelas."Lihim na napangisi ang binata. Ngunit, kalaunan ay pinalitan niya iyon ng ngiti para sa babaeng kaharap."Kung ganoon, halika. Maghanap tayo ng babagay sa iyo."Inilahad ng lalaki ang kanyang kamay sa dalaga. Kinakabahan man ay unti-unting inihain ng dalaga ang kanyang kamay sa binata. Ngunit sa sobrang bagal niya, hindi na nakapaghintay pa ang binata at hinablot niya ito at hinila. Hinawakan niya sa bewang ang dalaga at inalalayan.Labis na nagulat si Ruanne sa ginawa ng lalaki. At mas lalo pa siyang nagulat nang makita niyang napakalapit ng mukha niya rito."A-Anong---""Napakaganda ng iyong mukha. Dapat lamang na alagaan ang isang katulad mo."Hindi maintindihan ni Ruanne ang pinagsasasabi ng lalaki."Hindi kita maintindihan," ani Ruanne."Ang ibig ko lamang sabihin ay dapat lang na makuha mo ang dapat sa iyo."Walang masabi si Ruanne dahil hindi niya maintindihan ang lalaki. Ngunit, sa sinabi ng lalaki ay may naramdaman siyang kiliti sa puso."Ako nga pala si Pio.""Pio?" paninigurado pa ni Ruanne.Tumango naman ang lalaki."At handa akong ibigay ang bagay na nararapat lamang para sa iyo.""W-Wala kasi akong mapili."Napakagat-labi na lamang si Ruanne. Wala naman siyang balak bumili talaga. Napapasok lang siya rito dahil sa kaibigan. Ngunit, napag-isip-isip niya na rin ang suhestyon ng kaibigan. Paano kung alamin niya na lang din kaya kung sino talaga ang may-ari ng lugar?Siguro iyon na nga lang ang gagawin niya. Matagal na rin siyang curious sa kung sino ba ang misteryosong lalaking iyon, o kung lalaki ba talaga iyon. Ngunit hindi makapag-isip si Ruanne nang maayos sa presensya ng lalaking nasa harap niya. Bukod pa sa napakagwapo nito, hindi rin maikakailang malakas ang dating. Ang dating niya ay ang tipo na hindi mo maaaring basta-bastahin. Ewan ba niya. Basta intimidating ang lalaki para sa kanya. "Ano ba ang tipo mo sa mga tsinelas?" tanong ng lalaki.Hindi naman nakatingin si Ruanne na sumagot."W-Wala naman akong espisipikong gusto. Basta maganda tingnan at komportable, a-ayos na sa akin."Ngumiti naman si Pio kay Ruanne. "Kung ganoon, maupo ka na lamang diyan.
"H-Hindi na! Aalis na nga ako!"Kung totoong thunderclouds lang ang puso ni Ruanne, baka ilang puno na ang nasira dahil sa mga kidlat at kulob na inilalabas nito. Tuluyan na nga siyang nawala sa sarili. Ang sobrang lapit na distansya niya kay Pio ay nagpablangko ng kanyang isipan.Hindi siya makapaniwalang ganoon si Pio. Anong tingin niya sa dalaga, easy to get? Halatang-halata ni Ruanne ang intensyon ni Pio sa kanya. May gusto siya rito! At malamang sa malamang, hindi ito seryoso. Nakita niya naman kung paano umarte ang lalaki. Parang skilled na skilled sa ginagawa. "Binibini, hindi ka pa nakakapili ng ibang sapatos. Hindi ka na ba bibili?""Hindi na! Ayoko nang mapalapit sa iyo. Manyak!" galit na galit niyang saad.Maglalakad na sana ulit si Ruanne nang tawagin na naman siya ni Pio. Napairap na lamang siya at lumingon ulit."Ano na naman ba?" irita niyang tanong.May naglalarong ngiti sa mga labi ng binata nang ituro niya ang sahig. Napatingin naman doon si Ruanne at nakita ang kah
"Ninang Anne!"Napaangat na lamang ng ulo mula sa pagkakayuko si Ruanne nang tawagin ng isang bata ang pangalan niya. Ngumiti na lang siya nang malaki at ibinuka ang mga kamay upang salubungin ang bata. Si Oval naman ay masayang niyakap ang kanyang ninang na halos isang linggo din niyang hindi nakita.Nabaling ang tingin ni Ruanne sa nanay ng inaanak. Mapipinta sa kanyang mukha ang pag-aalala."Anong nangyari, Ruanne? Wala bang nanakit sa iyo?"Naupo na lamang si Catalina sa tabi ng kaibigan. Hinayaan na lang naman nilang magtatakbo si Oval sa tapat nila dahil wala namang dumadaan. Nakakapagtaka. Sa dami ng tao at mga pasyente sa ospital, wala man lang ni isang nurse na dumadaan." Si Mang Tomi kasi, ni-lock ako sa loob ng bodega niya kaya ayan ang nangyari. Siya ang sumalo ng lahat ng kabulastugan ng mga lalaking iyon," komento ni Ruanne.Napahinga naman nang malalim si Catalina."Alam mo, wala ka rin naman kasing magagawa. Saka ano bang ginawa nila kay Mang Tomi?"Napakunot naman an
"Anong nangyayari rito, magandang binibini?"Malinaw na malinaw sa tenga ni Ruanne ang narinig niya. Ngunit gusto niyang paniwalaang nabingi na yata siya dahil kung anu-ano na ang naririnig niya. Ngunit hindi eh. Iyon talaga ang narinig niya. Mahal? Magandang binibini? Ano na ba ang tumama kay Pio at kung anu-ano na ang pinagsasasabi niya?Naiilang na napatingin si Ruanne sa kanyang dalawang kaaway. Nakita niya ang mapagmataas na tingin ni Jacoma at ang inis na nagtatakang titig ni Fajardo. Nakahawak pa sila sa isa't isa nang ipakita nila ang mga ganoong ekspresyon. Aakalain ng kahit sinong matalinong tao katulad ni Pio na kalokohan lang ang relasyon ng dalawa. Ngunit si Ruanne ay t*nga. Lumingon na lamang muli si Ruanne kay Pio. Nakikipagtitigan ang binata sa mga nasa harapan nila at ayaw na ni Ruanne na makahakot pa ng napakaraming atensyon. Napapatungo na lamang siya dahil dumadami na ang mga taong nasa paligid na tumitingin sa kanila. Ang iba ay pinipili na lamang dumiretso sa p
Bigla na lamang nabulunan si Catalina at naubo sa tubig na pumasok sa baga niya. Nanlaki ang mga mata ni Ruanne at agad na inabutan ng tuwalya si Catalina. "Anong sabi mo? Anong ginawa sa iyo nung dalawa? Ang kapal naman talaga ng mga mukha nila!"Siya rin naman ay ganoon ang tingin. Gaya ng inaasahan, umusok ang ilong ni Catalina dahil sa inis sa dalawa. Kinuwento niya kasi ang nangyari dahil hindi naman siya matatahimik kung kikimkimin niya lang ang nararamdaman." Oh eh tapos ano? Hinayaan mo na lang?" naiinip na tanong nito sa kanya. Dumukwang pa ito papalapit sa kanya at naitulak na lamang niya ang ulo ng kaibigan." Umayos ka nga. Hinayaan ko na lang," kalmadong sagot ni Ruanne.Uminom na lamang si Ruanne ng kape at umiwas ng tingin. Na-iimagine niya na ang mapanghusga at bwisit na mukha ng kaibigan."Iyon na iyon! Hindi ka man lang lumaban?!" sigaw nito na halos dinig na yata sa buong kalye.Napatayo na lamang si Catalina at napaduro-duro kay Ruanne. Agad naman na hinawakan ni
"Manang, ayos na. Huwag na kayong pumasok ngayong araw. May pupuntahan lang din ako ngayon kaya isasara ko muna ang tindahan," sabi ni Ruanne sa telepono, hawak-hawak ang listahan ng number ng kanyang mga manggagawa."Sige na nga, ma'am. Basta inaasahan ko na pupunta kayo rito mamaya ha. Hihintayin ko ho kayo," sabi ni Manang Celeste sa kabilang linya.Napangiti naman si Ruanne."Oho, sige. Asahan niyo pong darating ako.""Sige, ma'am. Kita na lang tayo mamaya!" masaya nitong saad sa kabilang linya. "Sige ho."Ibinaba na ni Ruanne ang telepono. Si Manang Celeste na ang pinakahuli niyang kailangang tawagan. Mula sa kanyang mga pajama at lawlaw na damit, nagpalit siya sa isang pantalon at kulay rosas na maliit na pantaas na may strap. Dala-dala ang kanyang wallet at payong, naglakad siya papunta sa bahay ni Catalina. "Hoy, saan ang gala mo? Hindi ka magbubukas ng tindahan mo?" tanong ni Catalina nang makita ang kaibigan na ayos na ayos.Wala namang masyadong ginagawa si Catalina. Sa li
"Pasensya ka na. Masyado lang emosyonal si Lilia ngayon. Hanggang sa susunod na linggo pa naman ang lamay bago ilibing si tiya. Puwede kang bumalik dito para makita siya at si Lilia," sabi ni Boyet, ang boyfriend ni Lilia.Tumango na lamang nang marahan si Ruanne. Labis siyang nasaktan at nagulat sa nakikita niya ngayon. Parang kailan lang, nalaman niyang nasa ospital si Ginang Remedios. Ngayon, wala na siya sa ospital. Ngunit wala na rin siya sa mundong ito."Sige. Mauna na ako. May kailangan din kasi akong puntahan. Hindi ko naman inaasahan na ito ang maaabutan ko rito," pagpapaalam ni Ruanne sa kanya."Ayos lang iyon. Siguradong napagod ka rin kay Lilia. Parehas nating hindi inasahan na mahihimatay siya sa sobrang kalungkutan." Napahilod na lamang ng noo si Boyet at bumuga nang malakas na hangin. "Sabi ko naman kasi sa kanya, magpahinga na muna siya ngunit hindi siya nakikinig. Tapos ayun nga, dumagdag pa ang pamilya Lavin na iyan."Hindi naman maiwasan ni Ruanne na ma-curious."Sin
"Ayon sa intel namin, may away ho mismo sa loob ng pamilya Villamor. Balak nilang palitan ang Don ng pamilya," ani ng janitor.Tumango-tango naman si Pio at tinapik sa balikat ang matanda."Sige lang. Hindi natin kaanib ang pamilyang iyon kaya hindi na dapat tayo mangialam. At kung mapalitan man ang Don, baka mas lalo pa silang humina," sagot ng binata."Ang utos ho ng inyong ama ay bantayan ang kilos ng pamilya Villamor. At mabuti na rin hong makipag-alyansa sa ibang pamilya ang pamilya natin."Agad namang napatawa nang pagak si Pio."Hindi sila banta sa pamilya natin. Kinonsulta niya ba si Demetrio tungkol dito?" tanong ni Pio na agad namang inilingan ng matanda. "Tsk. Tsk. Dapat lagi niyang kinukonsulta ang ating consigliere sa mga bagay-bagay na makakaapekto sa pamilya. Huwag kang mag-alala. Ako na ang kakausap sa kanya."Agad nang umalis si Pio habang nakatungo ang matandang lalaki bilang paggalang sa kanya. Napahinga na lamang nang malalim si Pio. Hindi niya maintindihan sa kany
"Gaano pa ba katagal bago lumabas ang resulta? You called me to say na meron ng results pero pagdating ko ay kailangan ko pa palang maghintay."Napatungo na lamang si Demetrio kay Pio."Pasensya na po, young master. Hindi ko po alam kung anong aberya ang nangyayari."Napabuntong-hininga na lamang si Pio at naghintay nang mataimtim. Wala rin namang magagawa ang pagwawala niya sa ospital kung gagawin niya iyon. Makadadagdag lamang siya sa stress ng doktor at baka lalo pang tumagal ang proseso.Sabay na lamang napatingin sina Demetrio at Pio sa direksyon kung saan sila nakarinig ng pagbukas ng pinto. Lumabas na nga ang taong nag-aasikaso sa kanila na may hawak na mga papeles.Agad na tumayo sa Pio mula sa kanyang kinauupuan at sinalubong ang doktor."Paumanhin po, Mr. Cypher. Ito na po ang papeles na inyong hinihingi."Agad na kinuha ni Pio mula sa kamay ng doktor ang brown na envelope at inilabas ang papel na nasa loob nito. Habang binabasa niya ang laman nito ay nagpaliwanag naman ang d
"Catalina? Uuna na kami ni Pio. Gabi na rin kasi. Salamat sa pag-imbita ha." Dali-dali namang nagpunas si Ruanne ng kanyang kamay at sinalubong ang dalawa sa sala. "Wala 'yon. Para ka namang estranghero n'an. At saka, ako nga dapat ang magpasalamat sa inyo at kundi di kayo dumating, malamang ay walang bisita ang anak ko." "Ninang!" Napatingin na lamang silang tatlong matatanda sa batang tumatakbo papunta sa kanila. "Uuwi na po kayo?"Tumango naman si Ruanne."Oo, Oval. Gabi na rin kasi at baka kung ano pang mangyari sa amin sa daan. Bibisitahin ka na lang namin sa ibang araw ha?"Masigasig namang tumango ang bata at bumaling kay Pio."Ninong Pio! Sa susunod po, gusto ko naman ay malaking robot! Yung umiilaw saka nagsasalita!"Napakunot na lamang sina Ruanne at Catalina sa hiling ni Oval. Ngunit si Pio naman ay napangiti na lamang. Ginulo niya ang buhok ng bata na siyang nagpatawa rito." Sa susunod, hindi lang iyon ang ibibigay ko sa iyo. Huwag kang mag-alala, " ani Pio.Napairap na
Hello, peeps! May nag-aabang pa kaya sa story na ito?I would like to apologize for not being able to keep my word na mag-uupdate ako ng 2-3 times a week since isang beses ko lang na naiupdate ang story na ito nitong nakaraang week.By August 6, 2023, this Sunday, I will try to post two chapters to make up for what I deprived you of. I repeat, I will TRY. Hindi ko maipapangako na magagawa ko talaga siya since medyo busy ako sa ibang bagay and ayaw ko naman na minadali yung chapter na ibibigay ko sa inyo. Despite being pressured sa time, I will do my best to give you updates as soon as possible without sacrificing the quality of the content. Thank you for still waiting for an update even if it's really slow. I really appreciate you guys.Love lots,achyyy
Hindi inakala ni Ruanne na ganito ang kalalabasan ng araw ng kaarawan ni Oval. Inaasahan niya ay kakain lamang siya o di kaya ay makikipaglaro sa bata. Okay rin naman sana kung pupunta sila sa perya. Ngunit bakit pa kailangang dumating sila Jacoma?Napabuntong-hininga na lamang si Ruanne na akala mo ay pagod na pagod na, kahit kararating lamang nila sa perya. Maagang nagbubukas ang perya at maliwanag pa naman. At dahil nga maliwanag pa, wala pang katao-tao. Hindi naman kasi ganoon kasaya sa isang peryahan kung maliwanag pa.At sino naman kasing magbubukas ng perya nang maliwanag pa? Ito lang yatang perya na ito na pinuntahan nila ang gagawa nang ganoon.Masayang nagtatatalon si Oval papasok ng peryahan habang hawak-hawak ang espadang niregalo sa kanya. Nagniningning ang mga mata ng bata na akala mo ay ito ang unang beses na nakapunta ito sa isang peryahan. Sigurado si Ruanne na hindi ito ang first time ni Oval sa mga ganitong lugar dahil nababanggit na rin naman ni Catalina ang mga kwe
"Ay, Diyos ko. Ano ba naman ito?!" Nagmamadaling isinukbit ni Catalina ang kanyang bag at naglakad papuntang pinto. "Ruanne, puwedeng ikaw muna bahala rito? Susunduin ko lang si Manang Niña at umuwi na pala iyon dito."Napatango-tango na lamang si Ruanne. Bigla namang napatayo si Oval mula sa paglalaro ng kanyang mga laruan at napatakbo sa kung nasaan ang kanyang mama." Ma, punta ka saan? "Napalingon na lamang si Catalina sa anak at nginitian ito. Niyakap niya ito sa may ulo."'Nak, pupuntahan lang ni mama si Aling Niña. Pupunta raw siya rito at makikikain sa atin. Dito ka muna kay ninang mo ha."Tumango na lamang si Oval at nagpaalam na sa kanyang mama. Bumaling ang tingin ng bata sa kanyang ninang na hindi niya maintindihan ang ekspresyon." Ninang Uanne, bakit po pula ang pisngi mo? "Tila naalimpungatan naman si Ruanne na nanlaki ang mga mata at umiling-iling ang mga kamay kay Oval. Natatarantang bumaling ng tingin si Ruanne kay Pio. Nanonood lamqng qng binata sa kanya. Ang totoo
"Hoy teh. Ano na? Hinahanap ka na ng inaanak mo? Nasaan ka na?"Napakamot na lamang si Ruanne sa ulo gamit ang tuktok ng telepono. Palakad-lakad siya sa loob ng kanyang opisina at stressed na stressed ang mukha. Kanina pa yata siya may hinahanap ngunit hindi niya mahanap."Pakisabi kay Oval, hinahanda ko lang ang regalo niya ha. Wait lang siya. Maganda ito!"Napatingin na lamang si Catalina sa anak na naglalaro ng kotse-kotsehan bago ibalik ang atensyon sa telepono. Halos mapairap siya sa kaibigan na siguradong may inaasikasong iba kaya hindi magkandaugaga." O sige sige. Basta bilisan mo ha. Walang katao-tao rito. Alam mo naman yung mga nanay ng kaklase ni Oval, mga tsismosang palaka. Huwag raw makipagkaibigan sa anak ko at anak ng p*ta. Aba, sinong sinasabihan nila ng p*ta? Ako?!"Papaalalahan lang sana ni Catalina si Ruanne ngunit nagawa niya pang maglabas ng sama ng loob dito. At hindi iyon nakatulong sa aligagang si Ruanne na lihim na iniisip na sana ay ibaba na ni Catalina ang te
Kanina pa palakad-lakad si Ruanne sa kanyang opisina. Hindi siya mapakali at tila ba kitikiti na nagpapaikot-ikot sa kama kanina lang bago naman siya magpaikot-ikot. Kung naroroon lamang ang kaibigan niya ay nasisiguro niyang kanina pa siya nito binatukan at nakakahilo na ang ginagawa niya.Ngunit kahit anong gawing pag-ikot-ikot at pag-iisip ni Ruanne, hindi nito mareresolba ang problema niya. Lalo pa't mukhang bayolente ang kalaban niya.Napapikit na lamang siya at napasandal sa sulok ng kanyang lamesa. Itiningala niya ang kanyang ulo sa ilaw niya sa kisame at pumikit.Nakakagulat talaga at ayaw niyang maniwala. Ngunit ang nakita niya ay nakita niya. Hindi mabait na tao si Julian. May lihim itong tinatago at hindi niya na gugustuhin pang tuklasin ang side niyang iyon. Sa katunayan niyan ay salungat doon ang nais niyang mangyari. Nais niyang malayo sa binata. Ngunit paano naman niya gagawin iyon? Siguradong alam na ng binata na may nalalaman siya. Well, hindi naman sigurado na alam ng
Labis-labis ang pagharurot ng puso ni Ruanne sa pagtibok. Ni paghinga niya ay hindi niya magawang ituloy sa takot na makalikha siya ng ni katiting na tunog na maaaring magpahamak sa kanya. Hindi niya na tinangkang tumingin pa sa maliit na siwang sa pinto upang siguraduhin ang presensya ng mga taong nasa labas. Ang magagawa niya lamang ay pakiramdaman ang mga bagay-bagay.Mahigpit na nakatakip ang palad ni Ruanne sa kanyang bibig. Pinatalas niya ang kanyang pandinig upang malaman kung wala ng mga tao sa labas. Narinig niya ang mararahas na yabag ng mga taong iyon palabas. Nang unti-unti nang humina ang mga yabag at wala na siyang marinig, maingat niyang iginalaw ang sarili upang tumingin sa siwang.Malilikot ang mga matang naglakas-loob siyang sumilip. Sa kanyang pagtingin ay walang naabutan ang kanyang mga mata. Wala na sina Julian at ang dalawa pang lalaki sa may tapat ng lababo.Sa nanginginig na mga kamay ay pinalaki ni Ruanne ang siwang sa pinto. Matatalas ang kanyang mga mata na
"Ma'am Ruanne, kahit wala ka ng kolorete sa mukha, maganda ka na. Saka girlfriend ka ni Ginoong Pio, ano. Siguradong maganda ka sa paningin niya kahit ano pa man ang mangyari," komento ni Manang Celeste.Napanguso naman si Ruanne sa itsura niya sa salamin. Kahit mukhang maayos naman ang itsura niya, hindi siya kumbinsido sa kanyang nakikita. Kahit ano naman kasing mangyari, maganda ang tingin niya sa sarili niya. Ewan niya nga lang kung anong itsura niya sa paningin ng ibang tao.Nakasuot siya ngayon ng skinny jeans at camisole top na pinatungan ng cropped denim jacket. Naka-high ponytail ang mahaba niyang buhok at nagsuot na rin siya ng kaunting kolorete sa mukha. Sa kanyang paa ay nakasuot ang isang pares ng white sneakers na pinaresan niya naman ng white na handbag.Sobrang ayos ng itsura niya. Sobrang ganda niya na. Ngunit pakiramdam niya, kapag humarap siya kay Pio ay hindi. Natatakot siya na ma-disappoint ang binata.Ngayon lang siya lalakad para sa isang proper date ano! Natural