Taming The Heart Of The Mafia Boss

Taming The Heart Of The Mafia Boss

last updateLast Updated : 2023-03-30
By:  RoviiieOngoing
Language: Filipino
goodnovel4goodnovel
10
2 ratings. 2 reviews
14Chapters
1.2Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Daniexsa Zirina Alcantara is a twenty-five-year old woman who's into guns and bullets. Her dream is to be the top agent in industry that's why she pursued her dream to become a secret agent. Her mission is to eliminate their enemies especially the unidentified drug lord. When she met a handsome cold hearted CEO, Pierro Raizon Riego. Is she able to do her mission with him? Or her unprotected heart will be the target of the game?

View More

Chapter 1

Prologue

Habang binabaybay ni Daniexsa ang mahaba at madilim na pasilyo ay mas humihigpit naman ang paghawak nito sa kanyang baril. Mas sumeryoso ang ekspresyon ng mukha nito nang makarinig s'ya ng isang malakas na tili na nagmumula sa isang abandonadong kuwarto ng hotel. 

Nakarinig pa s'ya nang ilang tawanan kaya mas lalo s'yang nakaramdam nang pag ngingitngit sa kanyang dibdib dahil sa mga asal asong kalalakihang alam n'yang may maduming ginagawa.

Bago n'ya buksan ang pinto ay agad n'yang iniyos ang suot na mask na kanyang gamit sa tuwing s'ya ay sasabak sa mga misyon. 

Marahas n'yang sinipa ang pinto at halos magiba naman ito sa lakas ng kanyang pagkakasipa at doon ay nadatnan n'ya ang apat na kalalakihang para bang mga asong ulol na sabik sa buto at laman. 

     "Tingnan mo nga naman ang grasya! May dumagdag pa sa'yo, miss!" Natatawang saad ng isang lalaking kalbo at malaki ang tiyan. 

Nagawa pa nitong humimas sa kanyang pagkalalaki kaya nakaramdam nang pagkaasiwa si Daniexsa dahil sa kanyang nasilayan. 

     "Ang ganda ng porma mo, miss ah? Iyan na ba ang usong damit ngayon?" Mapanuya pang saad ng lalaking isang hangin na lang ay magkakalas na ang mga buto sa sobrang payat nito. 

Ultimo ang mga pisngi nito ay lubog na sa kapayatan. 

     "Bitawan n'yo s'ya kung ayaw n'yong masaktan!" May halong pagbabanta sa boses ni Daniexsa ngunit nagkatinginan naman ang apat na lalaki at ilang segundo pa ay sabay sabay na naghalakhakan. 

     "Teka nga, miss? Sino ka ba ha? Ano? Pakiramdam mo si wonder woman ka- a-aahh! A-Aray! A-Aray!" Sigaw ng lalaking may kahabaan ang buhok nang akmang hahawakan s'ya nito sa balikat ngunit agad n'yang hinuli ang kamay nito at mabilis na iniikot kaya halos mamilipit ito sa sakit. 

     "Papakawalan n'yo s'ya? O kailangan ko pa kayong turuan ng leksyon isa-isa?" Mahina ngunit sapat na upang marinig ng tatlo pang lalaking nasa harapan ng dalaga. 

Imbes na masindak ang mga ito ay nagkatinginan pa ang mga ito at para bang nag-uusap gamit ang kanilang mga mata. 

     "Mayabang kang pakialamera ka ha!" Singhal ng isa at agad nitong inilabas ang kutsilyo na nakasiksik sa kanyang tagiliran at agad na sumugod sa kinaroroonan nang dalaga. 

Agad n'yang sinipa ang lalaking nahuli n'ya kanina at napaigik ito sa sakit nang tumama ang likod nito sa sahig. Mabilis naman n'yang napigilan ang lalaking may hawak na patalim at sinikmuraan ito dahilan upang mabitawan nito ang kutsilyong hawak at mapaluhod. 

Sumugod rin ang isa pa ngunit bago pa man ito makalapit kay Daniexsa ay nanlaki na ang mga mata nito nang salubungin s'ya ng sipa ng dalaga. Halos panawan ito ng ulirat at dali-daling tinulungan ang dalagang nakahiga pa sa semento habang nakatali ang mga kamay at paa. 

     "S-Salamat.." nanginginig na saad ng biktima at kasabay no'n ay ang panlalaki nang mga mata nito. "Sa likod mo!" Sigaw nito. 

Agad namang kumilos si Daniexsa at agad s'yang gumulong papalayo. Doon ay mas klaro n'yang nakita ang isang lalaki na hawak ang patalim at muntik pa na s'yang masaksak. 

Agad s'yang bumangon at mabilis na tumakbo upang bigyan nang malakas na sipa sa dibdib ang lalaki. Nang tuluyang tumama ang sipa nito ay para huminto ang tibok ng puso nito bago tuluyang matumba sa sahig. Habang ang iba naman ay nakaluhod at humihingi nang tawad dahil sa kanilang kapangahasan. 

     "Pangako, hindi na mauulit!" Umiiling pang saad ng kalbong lalaki habang magkalapat ang mga kamay at paulit-ulit itong ikinukuskos sa sariling palad. 

     "P-Patawarin mo na kami, miss! Magpapakabait na kami simula ngayon!" Pagmamakaawa pang saad ng isa ngunit bahagya lamang tumaas ang kilay n'ya sa narinig. 

     "Sa presinto na lang kayo magpaliwanag." Tipid nitong saad at mabilis na inilabas ang kanyang baril na ang bala ay isang uri ng pampatulog at tig iisa n'ya itong pinatamaan sa leeg. 

Wala pang ilang segundo nang bumulagta na ito sa sahig at tanging s'ya at ang babaeng biktima na lang ang naroroon. Agad itong lumapit sa kanya at bahagyang ngumiti. Bago s'ya nito yakapin ay inayos pa nito ang suot na malaking salamin. 

     "Maraming salamat! Kung hindi dahil sa'yo.. b-baka, b-baka napahamak na ako!" Humihikbi nitong saad kaya bahagya na lamang n'yang tinapik ang balikat nito. 

Matapos nitong gamitin ang telepono nang dalaga upang humingi ng tulong sa pulisya ay nagpaalam s'yang aalis na ngunit ang totoo ay pumunta lamang s'ya sa pinakataas nang bahagi ng gusali at hinintay ang pagdating nang mga pulis upang masigurado ang kaligtasan ng babaeng kanyang sinagip. 

Ilang minuto ay narinig n'ya na ang wawang ng sasakyan nang mga pulis at agad na dinakip ang apat na mga lalaking kanyang pinatulog habang ang isang pulis naman ay nakaantabay sa babaeng kanyang iniligtas. 

Napahinto si Daniexsa nang maramdaman ang pag vibrate ng kanyang sariling telepono kaya agad n'ya itong kinuha at napabuntong hininga ng makitang si Allen ang tumatawag- ang matalik nitong kaibigan. 

Labag man sa kanyang loob ay in-off nito ang kanyang telepono at inayos ang suot na earpiece sa kanyang kaliwang tenga. 

     "Mission accomplished," aniya at walang pag aalinlangan s'yang tumalon sa likod ng mataas na gusali upang makaalis na sa lugar. 

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Arlene Arias
update po pls
2024-11-23 17:20:00
0
user avatar
Arlene Arias
wla p bng kasunod
2024-11-22 20:13:58
0
14 Chapters
Prologue
Habang binabaybay ni Daniexsa ang mahaba at madilim na pasilyo ay mas humihigpit naman ang paghawak nito sa kanyang baril. Mas sumeryoso ang ekspresyon ng mukha nito nang makarinig s'ya ng isang malakas na tili na nagmumula sa isang abandonadong kuwarto ng hotel. Nakarinig pa s'ya nang ilang tawanan kaya mas lalo s'yang nakaramdam nang pag ngingitngit sa kanyang dibdib dahil sa mga asal asong kalalakihang alam n'yang may maduming ginagawa.Bago n'ya buksan ang pinto ay agad n'yang iniyos ang suot na mask na kanyang gamit sa tuwing s'ya ay sasabak sa mga misyon. Marahas n'yang sinipa ang pinto at halos magiba naman ito sa lakas ng kanyang pagkakasipa at doon ay nadatnan n'ya ang apat na kalalakihang para bang mga asong ulol na sabik sa buto at laman. "Tingnan mo nga naman ang grasya! May dumagdag pa sa'yo, miss!" Natatawang saad ng isang lalaking kalbo at malaki ang tiyan. Nagawa pa nitong humimas sa kanyang pagkalalaki kaya nakaramdam nang pagkaasiwa si Daniexsa dahil sa kany
last updateLast Updated : 2022-08-06
Read more
Chapter 1
Daniexsa's POV NAPAYUKO na lamang ako sa aking office table nang matapos kong masalansan ang mga tambak na papel sa aking lamesa. Alas-otso nang umaga at one-time rin naman akong nakapasok sa opisina. Ayon nga lang at inaantok pa talaga ako dahil sa huling misyon na ginawa ko kagabi. Oo, huling misyon dahil isa akong secret agent. Noon pa man ay pinapangarap ko na ito, ang makahawak ng magandang baril. Mailigtas ang mga nangangailangan ng tulong at bukod pa roon ay makapagbigay hustisya sa mga taong hindi kayang makamit iyon. Napahinto ako sa pag-iisip nang maramdaman ang pag galaw ng lamesa kaya tamad kong iniangat ang aking ulo at doon ay nakita ko ang aming manager na halos umusok na ang ilong sa galit. Umagang umaga masama ang loob? Tsk. "Miss Alcantara, if you can't do your job you can file a resignation letter para may mas mahaba ka ng tulog sa sarili mong pamamahay!" Namumula ang mga pisngi nito at kulang na lang ay sampalin ako ngunit halatang nagpipigil lamang ito.
last updateLast Updated : 2022-08-07
Read more
Chapter 2
Daniexsa's POV NAGMAMADALI akong umakyat sa rooftop dahil doon raw muna gustong manatili ni Allen. Hindi naman na ako umangal pa dahil ito na rin ang pagkakataon ko para umamin sa kaniya! Nang makarating ako sa rooftop ay naabutan ko pa itong nakapamulsa ang isang kamay habang hawak ang kanyang telepono gamit ang kanang kamay nito. Bahagyang nakangiti, tila ba may kausap kaya bahagya akong tumikhim upang makuha ang atensyon nito at agad naman s'yang napatingin sa akin. Nakaramdam ako nang panlalamig dahil sa lakas nang hangin na bumabalot sa buong kapaligiran. "You know what? I'm so damn happy right now!" Untag nito at halata naman sa kanyang mga mata dahil maging ang mga ito ay kumikislap pa sa labis na kasiyahan. Pinilit kong ngumiti dahil para bang bumigat ang pakiramdam ko sa mga oras na ito. Hindi ko maintindihan, para bang masakit sa pakiramdam. "Mukha nga. Halata naman sa mukha mong masaya ka. Ano bang meron?" Usisa ko pa at agad itong humarap sa akin. Agad i
last updateLast Updated : 2022-08-07
Read more
Chapter 3
Daniexsa's POV LUMIPAS ang mga araw at mas naging abala ako lalo na noong pumutok ang balita dahil sa sunod sunod na pagkakawala nang mga kabataan. Alam kong trabaho na iyon nang kapulisan ngunit hindi ko pa rin maiwasang h'wag makialam. "Agent Gunner?" Napahinto ako nang makasalubong ang kinikilala naming boss rito sa Defense Resources Organization. Palabas na ito sa kaniyang opisina kaya naman wala na akong inaksayang panahon pa upang makausap ito. "Mabuti naman at dumating ka. May maganda akong trabahong ibibigay sayo." Makahulugan nitong saad at nagkalad na naman ito pabalik sa kanyang opisina kaya sumunod na rin ako upang makausap ito. "Please, have a sit." Aniya at naupo ako. Pinakatitigan ko itong mabuti ngunit talagang hanggang ngayon ay hindi ko malaman ang totoong pagkatao nito. Maging s'ya ay nakasuot nang maskara. S'ya ang ang nagbibigay sa amin ng mga dapat gawin, at iba naman ang nagmominitor sa trabaho namin kung natapos ba namin ito ng maayos
last updateLast Updated : 2022-08-07
Read more
Chapter 4
Daniexsa's POV HABANG prente akong nakaupo sa isang couch na pag-aari pa rin ng kompanya ay kaharap ko naman ay ang nagpakilalang si Officer Genji Feliciano, ang pulis na kanina lamang ay inimbitahan ako para sa ilang mga personal na katanungan. "Anong ginagawa mo sa parking lot ng mga oras na naganap ang krimen?" Diretso lamang akong nakatingin sa mga mata nito bago tumikhim upang magsalita. "Kakatapos lang ng aking final interview kay Mrs. Sison nang mapagdesisyonan kong umuwi na, sa kasamaang palad nang makarating ako sa parking lot ay nakarinig ako ng mahinang hikbi kaya dali-dali kong tinungo ang pinagmumulan ng boses," pinakatitigan ko muna ito sa kanyang mga mata bago muling nagpatuloy sa pagsasalita. "D-Doon ko nasaksihan ang babaeng naliligo na sa kanyang sariling dugo," pahayag ko at saka naman ito natahimik sandali habang malalim na nag-iisip. Mukhang inaanalisa nitong mabuti ang aking naging pahayag upang mas maintindihan nito ang aking nasaksihan. Kung sin
last updateLast Updated : 2022-11-20
Read more
Chapter 5
Daniexsa's POV SA sobrang excited kong makapasok ay literal napaaga ako rito sa opisina. May mangilan-ngilang empleyado na rin namang nandito at patuloy pa rin ang imbestigasyon sa parking lot. Napag-alamang hindi naman pala parte ng kompanya ang babaeng namatay kahapon, ngunit ang nakakapagtaka lang ay bakit naman namatay ang dalawang lalaki sa control room? Napabuga na lamang ako ng hangin mula sa aking bibig bago pinakatitigan ang mga tambak na papeles sa aking harapan. Inisa-isa ko lamang ito at pirma pala ni Mr. Riego ang kailangan para sa mga papeles na ito. "You are?" Halos mapatalon ako sa aking kinauupan nang marinig ang boses ng isang lalaki. Awtomatiko akong napatingin rito at agad naman itong ngumiti. Mahina itong natawa marahil sa naging reaksyon ko at agad na lumapit sa akin. "I'm sorry, hindi ko ginustong gulatin ka.," Natatawa pa nitong paumanhin kaya naman hindi ko malaman kung ano ba'ng dapat na maging reaksyon. "I am Wayden Briones, nice meeting y
last updateLast Updated : 2023-02-11
Read more
Chapter 6
Daniexsa's POV WEEKS had passed and luckily, I am able to cope up with different work tasks I need to pull up each day. As of now ay kaliwa't kanan ang aking trabaho dahil nga abalang-abala ako sa bawat papeles at schedule na kailangan kong ayusin. May bali-balita kasing darating ngayon si Mr. Riego mula sa business trip nito sa galing sa ibang bansa. At talaga namang halos lahat ng empleyado ay hindi makuha magrelax sa kani-kanilang kinauupuan habang tinatapos ang kanilang trabaho. Marami na rin akong kilalang mga katrabaho sa kompanya, natural lang na may iba't-ibang ugali ang bawat taong narito at hindi naman ako nandito upang alamin ang bawat ginagawa nila. Narito ako upang gawin ang misyon ko ng malinis at maayos. Matapos kong maibigay kay Mrs. Sison ang bawat listahan ng schedule ng meeting ay dumiretso na ako sa restroom upang makapaghugas ng kamay at makapaghilamos. Ang akala ko ay magiging madali ang lahat para sa akin kapag nakapasok na ako sa kompanya ng mga Riego, ngun
last updateLast Updated : 2023-02-20
Read more
Chapter 7
DANIEXSA'S POV LUMIPAS ang trenta minutos ay s'ya namang pagdating ni Officer Feliciano sa opisina ni Mr. Riego. Bahagya pa itong tumango sa akin kaya naman ganoon rin ang ginawa ko dahil pakiramdam ko hindi pa man nag-uumpisang mag-usap ang dalawa ay may tensyon na agad ang namuo sa buong paligid. "Salamat sa pagpapaunlak mo sa akin ngayon, Mr. Riego. Ikinalulugod kong maging panauhin mo sa araw na ito." Mababakas ang paggalang nito sa aking binatang amo na kasalukuyang sumisimsim ng kape na kakagawa ko lamang habang prente itong nakamasid sa kaniyang importanteng panauhin. Relax na relax lamang ito at walang mababakas na kahit na anong emosyon sa kaniyang guwapong mukha. Para bang sanay na sanay na itong itago ang totoong emosyon sa bawat taong nakakaharap kaya hindi na nakakapagduda pa. "Do you want anything? Coffee, juice, water or wine?" Hindi pinansin ni Mr. Riego ang pormal nitong pagbati sa kaniya imbes ay nakuha pa nitong itanong kung may nais bang inumi
last updateLast Updated : 2023-02-27
Read more
Chapter 8
Daniexsa's POV NAPAHINTO ako sa paglalakad nang marinig ang isang pamilyar na boses rito malapit sa control room. Dahan dahan kong sinilip ang pinto at doon ay kitang-kita ko ang pamilyar na bulto ng lalaking nakatayo sa loob. [Don't worry! I'll make sure na malinis ang ginawa kong trabaho! Wala akong iniwang bakas. Isa pa, hindi naman sila maghihinala na ako ang gumawa sa krimen na kinakaharap ngayon ni Mr. Riego! Bagay lang sa kaniya ang mabato ng mga paratang!] Naningkit ang aking mga mata dahil sa aking narinig, sinasabi ko na nga ba... Wala talagang mapagkakatiwalaan kahit saan ako magpunta. [I'll go ahead, baka magtaka sila kung bakit wala ako sa pwesto ko sa oras ng trabaho..] Dali dali kong tinungo ang kabilang kuwarto kung saan doon lamang maaaring makapagpa-photo copy nang mas marami. Sinilip ko pa ito sa isang maliit na siwang ng bintana at nagpalinga-linga muna ito sa buong paligid bago tuluyang lumabas. Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla na lang
last updateLast Updated : 2023-03-04
Read more
Chapter 9
Daniexsa's POV DAHIL inabot na kami ng gabi dahil sa kung saan-saan gustong pumunta ni Natalie na hindi naman matanggihan ni Mr. Riego at Cairo, wala din akong ibang pagpipilian kundi ang sumama sa kanila. Hindi ko nga magawang mag enjoy dahil sa presensya nitong si Mr. Riego na tahimik ngunit animo'y palaging galit at masama ang titig sa akin! Akala n'ya ba hindi ko napapansin? Tsk. "Kuya Pierro, please ihatid mo na si Daniexsa! Kay Cairo na lang ako sasabay sa pag-uwi!" Suhestiyon pa ng magaling kong kaibigan at kanina ko pa napapansin na ponagtutulakan n'ya ako sa butihin n'yang kapatid. Kahit na nasa ilang distansya sa amin si Mr. Riego ay alam kong naririnig kami nito at ang mga sinasabi ni Natalie. I sigh, "No, it's fine with me na mag-taxi na lang. Isa pa, may dadaanan pa ako ngayon kaya ayos lang naman!" I lied. Ang totoo n'yan ay gusto ko lang makaiwas kay Mr. Riego dahil hindi ako kumportable na kasama ito. Hindi nga ako kumportable sa kaniya kahit kasama ko s
last updateLast Updated : 2023-03-06
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status