Daniexsa's POV
NAPAYUKO na lamang ako sa aking office table nang matapos kong masalansan ang mga tambak na papel sa aking lamesa. Alas-otso nang umaga at one-time rin naman akong nakapasok sa opisina.
Ayon nga lang at inaantok pa talaga ako dahil sa huling misyon na ginawa ko kagabi. Oo, huling misyon dahil isa akong secret agent. Noon pa man ay pinapangarap ko na ito, ang makahawak ng magandang baril. Mailigtas ang mga nangangailangan ng tulong at bukod pa roon ay makapagbigay hustisya sa mga taong hindi kayang makamit iyon.
Napahinto ako sa pag-iisip nang maramdaman ang pag galaw ng lamesa kaya tamad kong iniangat ang aking ulo at doon ay nakita ko ang aming manager na halos umusok na ang ilong sa galit.
Umagang umaga masama ang loob? Tsk.
"Miss Alcantara, if you can't do your job you can file a resignation letter para may mas mahaba ka ng tulog sa sarili mong pamamahay!"
Namumula ang mga pisngi nito at kulang na lang ay sampalin ako ngunit halatang nagpipigil lamang ito. Napatingin naman sa amin ang ilang kasamahan ko pa sa trabaho ngunit agad ring ibinalik ang kanilang tingin sa sariling mga kumpyuter.
"Pasensya na sir, puyat lang ho talaga ako!" Paliwanag ko at bahagya pang ngumiti ngunit napakuyom ito sa kanyang kamao.
"Diyan ka magaling! Ang magpalusot! Pero ang umpisahan itong trabaho mo ay hindi mo kaagad magawa! Hindi ka ba nahihiya? Binabayaran ka ng kompanya upang gawin ang mga trabahong iyan pero nagagawa mo pang matulog rito?!" Nanggagalaiti nitong sigaw ngunit napahikab pa ako na mas lalo nitong ikinainis.
"Sir, one-time ko namang naipapasa sa inyo ang mga papeles na iyan. Isa pa, hindi naman ako natutulog dito ah? Pumikit lang ako saglit-"
Hindi ko na nagawa pang tapusin ang sasabihin ko nang hampasin nito ang lamesa.
"Enough, Miss Alcantara! Go to my office! NOW!" Dumagundong ang boses nito sa buong paligid at dali-daling umalis.
Napailing na lamang ako nang sundan ito ng tingin at napangisi naman ang isa ko pang kasamahan. Alam kong lahat sila ay tuwang-tuwa sa nasaksihan. Malamang ay tsimis ang bumubuhay sa mga tsismosa at tsismoso kaya hinding hindi maaapektuhan ang mga iyan sa gulong ito.
"Good bye, Alcantara! Mukhang mababawasan na kami rito ah?" Mapang-asar na saad ni Rey, isa sa mga tsismoso rito sa kompanya.
Hindi ko na lamang ito pinansin at tamad na lumabas ng quarters at tinungo ang opisina ng aming Manager na akala mo ay tagapagmana ng kompanya.
Kumatok ako ng tatlong beses at narinig ko naman ang boses nito kaya agad akong pumasok sa loob. Prente itong nakaupo sa kanyang swivel chair habang hawak ang isang sigarilyo.
Inis itong sumulyap sa akin at nakuha pang umirap. Napatakip ako sa aking bibig dahil muli na naman akong napahikab.
"Sa araw-araw na ginawa nang diyos, Alcantara. Wala kang ginawang tama rito sa kompanya! Kailan ka ba magtitino sa trabaho at nakukuha mong gawin iyan rito?" May inis nitong saad kaya ipinagsiklop ko na lamang ang aking mga kamay.
Nagagawa ko naman nang tama ang trabaho ko ah? Ang totoo nga n'yan ay ako lang ata itong hindi umuulit sa trabaho dahil lagi namang maayos ang mga ginagawa ko. Well, siguro bukod sa ganitong bagay-
"Answer me, Alcantara!" Muling saad nito kaya napabuntong hininga na lamang ako.
"Sir-"
"You know what? You had a good reputation. Malinis ang trabaho mo at maging ang record mo ngunit nasisira lang dahil diyan sa mga kalokohan mo!" Dagdag pa nito at humithit ng sigarilyo sa aking harapan.
"Sir, 'diba bawal ang manigarilyo rito sa-"
"Wala kang pakialam! Ako ang Senior Manager rito sa kompanya at gagawin ko ang gusto ko! Ikaw! Isang hamak na empleyada ka lang pero kung umasta ka, daig mo pa ang boss!" Singhal na naman nito kaya napailing na naman ako sa narinig. "I'm telling you! This is your last warning, Alcantara! Sa oras na mahuli pa kitang natutulog sa lamesa mo, ako na mismo ang magtatanggal sa'yo sa trabaho!" Aniya at agad na itong tumalikod sa akin.
Tamad akong tumayo at muling bumalik sa quarters. Naabutan ko pa roon na nagdadaldalan ang mga kasamahan ko sa trabaho at napahinto nang makita ako.
Agad akong naupo sa harap ng kumpyuter at isa-isang binasa ang mga email na nandoon.
Ang totoo n'yan ay hindi naman problema sa akin kung mawala ako sa trabahong ito dahil kumikita rin naman ako bilang isang agent. Ang problema lang ay mawawalan na ako nang alibi sa aking mamang at papang.
Madalas ko na nga lang idahilan na sobrang abala ko rito sa kompanya kahit na ang totoo ay hindi naman.
Lumipas ang ilang oras ay natapos ko na ang mga report na kailangan ng aming Senior Manager na palaging mainit ang dugo sa akin. Mali naman talaga ang ginagawa ko at aminado naman ako sa bagay na iyon.
Ngunit, sa lahat ng laban antok ang mahirap pigilan. Hindi ko naman puwedeng ipaalam sa kanila na isa akong secret agent dahil baka isipin lang nilang isa akong baliw at lumuwag na ang turnilyo sa aking utak.
Isa pa, walang puwedeng makaalam sa bagay na iyon patungkol sa akin. Sobra sobra ang pag-iingat ko para sa importanteng bagay na iyan.
Walang nakakakilala sa amin, hindi ang gobiyerno at mas lalong hindi ang mga mamamayan. May kaniya-kaniya kaming mga pangalan iniingatan at maging ang mga kasamahan ko sa Defense Resources Organization ay walang alam sa pagkakakilanlan ko.
Hindi masasabing legal ang aming ginagawa ngunit hindi rin maituturing na mali ang aming pagtanggap sa mga misyong aming hinahawakan.
"Daniexsa?"
Naalis ang mga mata ko sa kumpyuter at doon ay napatingin ako kay Allen na nasa aking harapan na pala. Kinunutan ko lamang ito nang noo dahil naabala tuloy ako sa mga iniisip ko.
"I heard what happened. Bakit naman kasi natutulog ka na naman sa oras nang trabaho?" He paused and bite his lips for a while.
Malamig ko itong tiningnan at nagkibit-balikat.
"What? H'wag mong sabihing pumunta ka lang rito upang sermonan ako?" Tamad kong saad at napangisi naman ito nang iangat n'ya ang isang plastik na may mga lamang pagkain na sa tingin ko ay binili n'ya pa sa labas.
"Nah, I'm here to give you this. Why don't we eat? Break time na kaya!" Nakanguso nitong sabi kaya napasandal na lamang ako sa aking kinauupuan.
Bakit ba kapag ganitong trabaho ay napapagod agad ako? Samantalang ang makipagbakbakan sa mga kalaban ay enjoy na enjoy ako at para bang walang kapaguran.
Inihinto ko na ang aking ginagawa at nag umpisa na kaming kumain ni Allen. Matagal ko nang kilala si Allen. Kolehiyo kami noon ay nakilala ko na s'ya. Mabait at matalino s'yang tao, bukod pa roon ay responsable kahit na lumaki sa mayamang pamilya.
"Daniexsa?"
Napahinto ako sa aking pagnguya nang banggitin nito ang aking pangalan. Tinitigan ko ito sa kanyang malamlam na mga mata at bahagya itong ngumiti.
"Huh?" Tanging namutawi sa aking bibig nang punasan nito ang gilid nang aking labi!
Hindi ako nakabawi sa kanyang ginawa dahil masyadong mabilis ang kamay nito.
"Ang kalat mong kumain, para kang bata!" Natatawa nitong pahayag at tsaka muling kumain.
Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakatulala at heto na naman ang kabog sa aking dibdib na noon pa man ay aking nararamdaman.
Pinilit kong ngumiti at bumalik sa pagkain. Alam ko at malinaw sa aking sarili kung ano ang nararamdaman ko para sa taong ito.
Noon pa man, alam ko nang may espesyal na bahagi s'ya sa aking puso. Ngunit, natatakot akong ipaalam dahil ayokong masaktan.
Sino ba naman kasing hindi mahuhulog sa isang Kieth Allen Pascual? Guwapo, mayaman, mabait, responsable at higit sa lahat ay mapagmahal na tao.
Pinilit kong pigilan ang sarili kong h'wag mahulog sa isang kagaya n'ya ngunit kinain ko lamang ang mga katagang binitawan ko sa kaniya noon na hinding-hindi ako magkakagusto sa kaniya.
"I'm done. So, paano? Kita na lang ulit tayo mamaya." Saad pa nito at isa-isang inililigpit ang aming pinagkainanan. "May importante nga pala akong sasabihin sayo mamaya." Nakangiti pa nitong dagdag kaya mas naramdaman ko ang pagbilis nang tibok ng puso ko.
Hindi ko namalayang nakatitig lamang ako rito hanggang sa makaalis s'ya. Ni hindi ko na nga nagawang magpasalamat dahil masyadong puno ang aking isipan.
Napangiti ako nang maaalala ang huli nitong sinabi.
"Hindi kaya aamin na s'ya?" Bulong kong saad at tsaka napangiti nang husto dahil sa aking naisip!
Sa tagal ng pagkakaibigan namin ay wala man lang itong pinakilalang girlfriend sa akin. Ibig sabihin ba noon ay hindi s'ya attracted sa iba?
Kung ganoon ay posible pang may pag asa na maging kami in the near future?
Nawala ang ngiti ko nang magsidatingan na ang mga katrabaho ko kaya naman balik na naman sa seryosong ekspresyon ang itsura ko.
Agad kong tinapos ang trabaho ko rito upang makapaghanda mamaya! Desidido na ako! Aaminin ko na kay Allen ang totoong nararamdaman ko.
Wala namang masama sa bagay na iyon hindi ba? Isa pa, paano kung parehas lang pala kaming nahihiyang gumawa nang hakbang? Tsk. Hindi na kami mga bata para patagalin pa ang mga ganitong bagay!
Daniexsa's POV NAGMAMADALI akong umakyat sa rooftop dahil doon raw muna gustong manatili ni Allen. Hindi naman na ako umangal pa dahil ito na rin ang pagkakataon ko para umamin sa kaniya! Nang makarating ako sa rooftop ay naabutan ko pa itong nakapamulsa ang isang kamay habang hawak ang kanyang telepono gamit ang kanang kamay nito. Bahagyang nakangiti, tila ba may kausap kaya bahagya akong tumikhim upang makuha ang atensyon nito at agad naman s'yang napatingin sa akin. Nakaramdam ako nang panlalamig dahil sa lakas nang hangin na bumabalot sa buong kapaligiran. "You know what? I'm so damn happy right now!" Untag nito at halata naman sa kanyang mga mata dahil maging ang mga ito ay kumikislap pa sa labis na kasiyahan. Pinilit kong ngumiti dahil para bang bumigat ang pakiramdam ko sa mga oras na ito. Hindi ko maintindihan, para bang masakit sa pakiramdam. "Mukha nga. Halata naman sa mukha mong masaya ka. Ano bang meron?" Usisa ko pa at agad itong humarap sa akin. Agad i
Daniexsa's POV LUMIPAS ang mga araw at mas naging abala ako lalo na noong pumutok ang balita dahil sa sunod sunod na pagkakawala nang mga kabataan. Alam kong trabaho na iyon nang kapulisan ngunit hindi ko pa rin maiwasang h'wag makialam. "Agent Gunner?" Napahinto ako nang makasalubong ang kinikilala naming boss rito sa Defense Resources Organization. Palabas na ito sa kaniyang opisina kaya naman wala na akong inaksayang panahon pa upang makausap ito. "Mabuti naman at dumating ka. May maganda akong trabahong ibibigay sayo." Makahulugan nitong saad at nagkalad na naman ito pabalik sa kanyang opisina kaya sumunod na rin ako upang makausap ito. "Please, have a sit." Aniya at naupo ako. Pinakatitigan ko itong mabuti ngunit talagang hanggang ngayon ay hindi ko malaman ang totoong pagkatao nito. Maging s'ya ay nakasuot nang maskara. S'ya ang ang nagbibigay sa amin ng mga dapat gawin, at iba naman ang nagmominitor sa trabaho namin kung natapos ba namin ito ng maayos
Daniexsa's POV HABANG prente akong nakaupo sa isang couch na pag-aari pa rin ng kompanya ay kaharap ko naman ay ang nagpakilalang si Officer Genji Feliciano, ang pulis na kanina lamang ay inimbitahan ako para sa ilang mga personal na katanungan. "Anong ginagawa mo sa parking lot ng mga oras na naganap ang krimen?" Diretso lamang akong nakatingin sa mga mata nito bago tumikhim upang magsalita. "Kakatapos lang ng aking final interview kay Mrs. Sison nang mapagdesisyonan kong umuwi na, sa kasamaang palad nang makarating ako sa parking lot ay nakarinig ako ng mahinang hikbi kaya dali-dali kong tinungo ang pinagmumulan ng boses," pinakatitigan ko muna ito sa kanyang mga mata bago muling nagpatuloy sa pagsasalita. "D-Doon ko nasaksihan ang babaeng naliligo na sa kanyang sariling dugo," pahayag ko at saka naman ito natahimik sandali habang malalim na nag-iisip. Mukhang inaanalisa nitong mabuti ang aking naging pahayag upang mas maintindihan nito ang aking nasaksihan. Kung sin
Daniexsa's POV SA sobrang excited kong makapasok ay literal napaaga ako rito sa opisina. May mangilan-ngilang empleyado na rin namang nandito at patuloy pa rin ang imbestigasyon sa parking lot. Napag-alamang hindi naman pala parte ng kompanya ang babaeng namatay kahapon, ngunit ang nakakapagtaka lang ay bakit naman namatay ang dalawang lalaki sa control room? Napabuga na lamang ako ng hangin mula sa aking bibig bago pinakatitigan ang mga tambak na papeles sa aking harapan. Inisa-isa ko lamang ito at pirma pala ni Mr. Riego ang kailangan para sa mga papeles na ito. "You are?" Halos mapatalon ako sa aking kinauupan nang marinig ang boses ng isang lalaki. Awtomatiko akong napatingin rito at agad naman itong ngumiti. Mahina itong natawa marahil sa naging reaksyon ko at agad na lumapit sa akin. "I'm sorry, hindi ko ginustong gulatin ka.," Natatawa pa nitong paumanhin kaya naman hindi ko malaman kung ano ba'ng dapat na maging reaksyon. "I am Wayden Briones, nice meeting y
Daniexsa's POV WEEKS had passed and luckily, I am able to cope up with different work tasks I need to pull up each day. As of now ay kaliwa't kanan ang aking trabaho dahil nga abalang-abala ako sa bawat papeles at schedule na kailangan kong ayusin. May bali-balita kasing darating ngayon si Mr. Riego mula sa business trip nito sa galing sa ibang bansa. At talaga namang halos lahat ng empleyado ay hindi makuha magrelax sa kani-kanilang kinauupuan habang tinatapos ang kanilang trabaho. Marami na rin akong kilalang mga katrabaho sa kompanya, natural lang na may iba't-ibang ugali ang bawat taong narito at hindi naman ako nandito upang alamin ang bawat ginagawa nila. Narito ako upang gawin ang misyon ko ng malinis at maayos. Matapos kong maibigay kay Mrs. Sison ang bawat listahan ng schedule ng meeting ay dumiretso na ako sa restroom upang makapaghugas ng kamay at makapaghilamos. Ang akala ko ay magiging madali ang lahat para sa akin kapag nakapasok na ako sa kompanya ng mga Riego, ngun
DANIEXSA'S POV LUMIPAS ang trenta minutos ay s'ya namang pagdating ni Officer Feliciano sa opisina ni Mr. Riego. Bahagya pa itong tumango sa akin kaya naman ganoon rin ang ginawa ko dahil pakiramdam ko hindi pa man nag-uumpisang mag-usap ang dalawa ay may tensyon na agad ang namuo sa buong paligid. "Salamat sa pagpapaunlak mo sa akin ngayon, Mr. Riego. Ikinalulugod kong maging panauhin mo sa araw na ito." Mababakas ang paggalang nito sa aking binatang amo na kasalukuyang sumisimsim ng kape na kakagawa ko lamang habang prente itong nakamasid sa kaniyang importanteng panauhin. Relax na relax lamang ito at walang mababakas na kahit na anong emosyon sa kaniyang guwapong mukha. Para bang sanay na sanay na itong itago ang totoong emosyon sa bawat taong nakakaharap kaya hindi na nakakapagduda pa. "Do you want anything? Coffee, juice, water or wine?" Hindi pinansin ni Mr. Riego ang pormal nitong pagbati sa kaniya imbes ay nakuha pa nitong itanong kung may nais bang inumi
Daniexsa's POV NAPAHINTO ako sa paglalakad nang marinig ang isang pamilyar na boses rito malapit sa control room. Dahan dahan kong sinilip ang pinto at doon ay kitang-kita ko ang pamilyar na bulto ng lalaking nakatayo sa loob. [Don't worry! I'll make sure na malinis ang ginawa kong trabaho! Wala akong iniwang bakas. Isa pa, hindi naman sila maghihinala na ako ang gumawa sa krimen na kinakaharap ngayon ni Mr. Riego! Bagay lang sa kaniya ang mabato ng mga paratang!] Naningkit ang aking mga mata dahil sa aking narinig, sinasabi ko na nga ba... Wala talagang mapagkakatiwalaan kahit saan ako magpunta. [I'll go ahead, baka magtaka sila kung bakit wala ako sa pwesto ko sa oras ng trabaho..] Dali dali kong tinungo ang kabilang kuwarto kung saan doon lamang maaaring makapagpa-photo copy nang mas marami. Sinilip ko pa ito sa isang maliit na siwang ng bintana at nagpalinga-linga muna ito sa buong paligid bago tuluyang lumabas. Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla na lang
Daniexsa's POV DAHIL inabot na kami ng gabi dahil sa kung saan-saan gustong pumunta ni Natalie na hindi naman matanggihan ni Mr. Riego at Cairo, wala din akong ibang pagpipilian kundi ang sumama sa kanila. Hindi ko nga magawang mag enjoy dahil sa presensya nitong si Mr. Riego na tahimik ngunit animo'y palaging galit at masama ang titig sa akin! Akala n'ya ba hindi ko napapansin? Tsk. "Kuya Pierro, please ihatid mo na si Daniexsa! Kay Cairo na lang ako sasabay sa pag-uwi!" Suhestiyon pa ng magaling kong kaibigan at kanina ko pa napapansin na ponagtutulakan n'ya ako sa butihin n'yang kapatid. Kahit na nasa ilang distansya sa amin si Mr. Riego ay alam kong naririnig kami nito at ang mga sinasabi ni Natalie. I sigh, "No, it's fine with me na mag-taxi na lang. Isa pa, may dadaanan pa ako ngayon kaya ayos lang naman!" I lied. Ang totoo n'yan ay gusto ko lang makaiwas kay Mr. Riego dahil hindi ako kumportable na kasama ito. Hindi nga ako kumportable sa kaniya kahit kasama ko s
Daniexsa's POV BAGO pa man kami makalabas sa ospital ay saka naman nagmamadali ang mga nurses na mailagay sa stretcher ang kakababa lamang sa ambulansyang taong isinugod rito. Napahinto ako nang makilala ang taong iyon at maging si Mr. Riego ay agad na nakuha ang atensyon ng taong parehang pamilyar sa aming dalawa! O-Officer F-Feliciano! "Officer! Officer!" Sigaw ni Mr. Riego at agad na lumapit sa kinaroroonan nito. Maging ako ay sumunod na habang tulak tulak ang stretcher na kinaroroonan nito at maraming dugo ang nakamarka na sa damit nito. "S-Si.. M-Mike... L-Lorenzo," hirap na hirap na itong makapagsalita at mukhang napuruhan ito nang husto! "N-Nakatakas s'ya!" Iyon ang huling katagang binitawan nito bago tuluyang maipasok sa operating room! Napanganga na lamang ako sa aking narinig at kitang-kita ko naman sa mga mata ni Mr. Riego ang labis na emosyon nito. Agad itong tumingin sa akin na halos magtagpo na ang dalawang kilay, "Let's go! Ihahatid na kita, nak
Daniexsa's POV NARAMDAMAN ko ang pagluwag nang paghawak nito sa aking buhok kaya naman kinuha ko na ang pagkakataong makaalis sa kamay ni Lorenzo. Agad namang hinawakan ni Mr. Riego ang aking palapulsuhan at agad akong inilagay sa kaniyang likuran upang masigurodong hindi na ako muling mahahawakan pa ni Lorenzo sa pagkakataong ito. Napangisi ito nang salubungin ang malamig na tingin ni Mr. Riego at animo'y tuwang-tuwa pa sa mga oras na ito. Wala na s'yang matatakbuhan pa at ito na ang katapusan n'ya sa paggawa ng mga krimen! "What? Are you going to kill me, Mr. Riego?" Mapanuyang sambit nito at idinikit n'ya pa ang sariling noo sa baril na hawak ni Mr. Riego. "Shoot me, goddamn it! Kill me, fucking bastard!!" Umalingawngaw ang malakas nitong sigaw ngunit kinuha naman ni Officer Feliciano ang pagkakataong ito upang malagyan s'ya nang posas na ikinagulat n'ya. "Sa presinto ka na magpaliwanag, Mike Lorenzo! Marami kang kasong kahaharapin kaya mas mabuti nang ihanda mo
Daniexsa's POV PINALIPAS ko muna ang ilang oras bago tuluyang pumasok sa isang magarang restaurant kung saan naghihintay sa akin si Mike Lorenzo.Ito kasi ang eksaktong lokasyon na kaniyang napili at wala naman akong magagawa kundi ang sundin ang gusto nito upang malaman kung ano nga ba talaga ang pakay n'ya. "I have a reservation under the named of Mr. Mike Lorenzo..." Tugon ko sa isang receptionist matapos ako nitong tanungin. Agad naman itong ngumiti saka marahang tumango at may isang lalaki pa ang nag guide sa akin kaya naman sinundan ko lamang ito. Nang makapasok kami sa isang VIP room ay tanaw ko na agad ang taong sinadya kong puntahan rito. Prente lamang itong nakaupo habang sumisimsim ng isang red wine. At matamang nakatitig sa akin habang papalapit na ako sa kaniya. Sumilay ang ngiti sa labi nito na para bang galak na galak akong makita agad s'yang tumayo upang salubungin ako at mas lalong ngumiti sa aking harapan kaya kahit labag man sa loob ko ay matamis ko ito
Daniexsa's POV BAHAGYA akong ngumiti bago tuluyang kumaway kay Allen nang papalayo na ang sasakyan nito mula sa aking kinatatayuan. Sumalubong sa aking mukha ang malamig na hangin, kaya naman pasimple kong inilibot ang aking paningin sa paligid dahil kanina ko pa nararamdamang may nakamasid sa akin at hindi nga ako nagkamali. Sa isang sulok kung saan may isang poste ay nakatayo roon ang isang lalaking nakasuot ng isang kulay itim na hoodie. Pinaningkitan ko pa ito ng mga mata ngunit hindi ko makita ng maayos ang mukha nito. Napansin nitong nakatitig na ako sa kaniya kaya naman agad na itong tumilikod saka naglakad papalayo, hindi na ako nag-aksaya ng oras at agad na akong pumasok sa loob at pasado alas-dose na pala ng madaling araw. Napakatahimik ng paligid, tanging paghinga ko lamang ang aking naririnig. Marahan akong umakyat sa pangalawang palapag ng aming bahay upang dumiretso na sa aking kuwarto ngunit nang mapadaan ako sa kuwarto ng aking mga magulang ay agad rin akong napa