Aniela's parents committed a hideous crime. Habang pinagdudusahan ang kamalian ng mga magulang ay saka naman dumating ang tagapagligtas niyang si Samuel. Tinulungan siya ng binatang makabangon, mamuhay uli ng normal at makapag-aral. Ngunit tila kadugtong na ng buhay niya ang “kasalanan”, hindi na lamang kasi pagmamahal bilang kapatid ang nais niya mula sa kumupkop. May higit pa siyang hangad, kaya't inakit niya ang binata at nagbunga ang gabing iyon. Ngunit nakalilimutan na yata niya ang dala ng tunay niyang pagkatao sa lalaking mahal na maaaring sumira sa buhay nito. Maaatim ba niyang maranasan nito ang bangungot na pinagdaanan niya oras na malaman ng lahat ang kaniyang itinatago?
View MoreExtra III"MAGANDANG umaga ho!" bati ni Aniela sa maghahatid sa kanya sa school. Labingdalawang taong gulang na siya at nasa first year highschool na. Napakalaki ng ipinagbago niya nang magsimulang magdalaga.Bagay na bagay sa kanya ang suot na uniporme at paldang umaabot lamang hanggang tuhod. Nakalugay ang buhok na mamasa-masa pa dahil hindi na nagawang mapatuyo dahil tinanghali na siya ng gising, sa sobrang kaba kasi niya kaiisip tungkol sa unang araw niya sa pagiging highschooler nakalimutan na niyang ipikit ang mga mata.Sa katunayan, halos tatlong oras lang ang tulog niya. Pero hindi mahahalata dahil sa baby face pa ring mukha.Agad siyang lumulan ng sasakyan na nakaparada sa labas lamang ng tinutuluyang bahay kung saan ay kasama si Samuel.Mayamaya'y lamang ay kasabay ring lumabas si Samuel habang ang suot naman ay simpleng polo at maong pants."Lalong gumaganda si Ma'am Aniela, 'di na ako magugulat kung maraming lalaki ang manliligaw sa ka
TINUPAD ni Tito Rucio ang pangakong tutulong siyang mabuo muli ang pamilya ko. Hindi naman nito iyon responsibilidad, pero lubos-lubos ang pagpapasalamat ko.Katuwang ang anak na si Samuel, agad kaming naghanap ng malilipatang bahay. Pinili ko kasing manirahan na lamang ang mga magulang ko sa syudad. Lubos akong natutuwa na matapos ang ilang taon ko na pag-iipon upang makapagpundar ng sariling bahay ay nagamit ko na.Dinagdagan lang 'yon ni Samuel para sa mga ibang appliances na kakailanganin ng mga magulang ko para maging komportable sila.Tahimik, payapa at malayo sa mga mapangbuskang mga tao. Iyon ang gusto kong lugar kung saan sila mamumuhay na dalawa. Kahit unti-unti nang nakalilimutan ng nanay ko ang sariling pamilya nang lumala ang kanyang dimentia. Wala akong nagawa kung hindi umiyak nang umiyak sa bisig ni Samuel.Napakabigat ng dibdib ko sa tuwing sasagi sa isip ko ang mga taon na nasayang at mga panah
PINAMULAHANAN ako ng mukha. "Alam na rin ba ni Tita Sophia?" halos pabulong ko nang tanong."Yeah. Even Ate Sera knows it."Gusto ko mang sumabog sa pagkahiya. Parang nanariwa sa akin na animo'y normal lamang kanina ang naging pag-uusap namin ng pamilya niya."I can't tell if they were mad about me...""Why would they?"Binalingan ko siya. Parang hindi siya apektado ng balitang 'to at wala mula sa kahit sino sa kanila ang negatibo ang reaksyon.Kaya nagduda na naman ako kung panaginip lang itong lahat.Muling nagbadyang maluha ako. Ayokong magising na panaginip lang lahat at hindi totoong pinangakuan ako ni Samuel.Sunod-sunod ang pagtikhim ang narinig ko na kapwa pumukaw ng atensyon ko at ni Samuel.Madilim ang anyo ng mukha ni Tito Rucio nang makita ang namumugto kong mga mata. Nakita kong umigting ang panga niya at ano mang oras ay handa ng ambahin ng suntok ang lalaking nasa tabi ko. Matalim ang tinging ipinukol niya sa anak
***continuation
Extra I
UNTI-UNTI kong iminulat ang mga mata. Nagtaka ako nang makita ang Ate Frixie ko na iyak nang iyak habang hawak ang kamay ko.Bumakas ang gulat sa mukha niya nang makitang gising ako.“Aniela!” bulalas niya. Dali-dali siyang tumakbo palabas ng silid kung nasaan ako. Wala akong nagawa kung hindi sundan lamang siya ng tingin.Mayamaya'y inilbot ko ang paningin. Puting-puti ang buong lugar at naiiba lamang ang kulay ng kurtina. Kulay beige kasi iyon kaya nakapupukaw ng pansin.Binalak ko sanang tumayo nang mahagip ng paningin ko ang nakatusok sa likod ng kamay kong iv fluid. Gusto ko sanang matawa dahil kung dati-rati ay ako ang naglalagay niyon sa pasyente pero ako ngayon ang mayroon n'on. Nang maisipan kong tanggalin 'yon, napangiwi ako nang makitang naka-cast ang isa kong braso.Kaya napagtanto kong totoo ang lahat ng nangyari. Hindi 'yon panaginip.Pero may isang bagay akong naalala na gusto kong matiyak na totoo mula sa mga natunghayan kong nangy
Kabanata XXNANG magising kaninang umaga masakit man
ILANG sandaling natahimik ang ama ko bago tumikhim. "Ngayon lang kami nakapag-usap ng anak ko at ngayon niya lang din nabanggit sa akin na nakapag-propose na siya kagabi. I'm really sorry to say that Aniela is now part of my family."Napatitig sa akin ng ilang segundo si Mr. Caleb. "My son really likes her..." anito sa mababang boses."She likes me Mr. Caleb David, and I love her. We already settled everything last night. If you want I can invite you and your son for my upcoming wedding... or should I call you Ravier Calbrieto?" Tumalim ang mga mata kong nakatingin sa kanya. "Pero sa tingin ko ay hindi na kailangan pa dahil bago dumating ang araw na 'yon ay sisiguraduhin kong mabubulok ka na sa kulungan..."Gumuhit ang nakatatakot na ngiti sa mga labi niya. Kahit labis na naguguluhan sa tunay niyang pakay at base pa lamang sa reaksyon niyang hindi man lang kinakaila ang pagtawag ko sa kanya sa pangalang iyon, lalo ko lang napatunayang siya ang nasa likod
Kabanata XVIIISamuel
“This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales and incidents are either the products of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons living, or dead and events happened are purely coincidental.”***PrologueMARIING napapikit ako nang makita ang resulta ng pregnancy test kit na binili ko kanina sa isang botika malapit sa bayan ng San Agustin. Hindi ako makapaniwala na totoo ang sapantaha ko ng dahilan ng madalas na pagduwal ko sa umaga. Madali rin akong mahapo, mabuti na nga lang ay mabilis na dumating ang bakasyon upang mapagtuunan ko ng pansin ang aking kalusugan.Iiling-iling ako nang isilid iyon sa paper bag at ilagay sa basurahan. Tulad ng ginawa ko sa mga naunang test kit na ginamit ko. Mayamaya'y lumabas ako ng banyo at agad tinungo ang drawer kung saan nakalagay ang cellphone na palihim ko noong binili upang magamit sa mga ganitong pagkakataon.Hindi ko maiwasang...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments