Share

Aniela's Plea
Aniela's Plea
Author: Carmela Beaufort

Prologue

last update Last Updated: 2021-04-09 17:27:51

“This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales and incidents are either the products of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons living, or dead and events happened are purely coincidental.”

***

Prologue

MARIING napapikit ako nang makita ang resulta ng pregnancy test kit na binili ko kanina sa isang botika malapit sa bayan ng San Agustin. Hindi ako makapaniwala na totoo ang sapantaha ko ng dahilan ng madalas na pagduwal ko sa umaga. Madali rin akong mahapo, mabuti na nga lang ay mabilis na dumating ang bakasyon upang mapagtuunan ko ng pansin ang aking kalusugan.

Iiling-iling ako nang isilid iyon sa paper bag at ilagay sa basurahan. Tulad ng ginawa ko sa mga naunang test kit na ginamit ko. Mayamaya'y lumabas ako ng banyo at agad tinungo ang drawer kung saan nakalagay ang cellphone na palihim ko noong binili upang magamit sa mga ganitong pagkakataon.

Hindi ko maiwasang mainis sa sarili ko kung bakit napakadaling bumigay ako nang gabing iyon. Kasalanan ko naman kaya nangyari ang bagay na iyon, kaya wala akong dapat sisihin, ngayon pang napag-alaman kong buntis ako. Ang tama kong gawin ay ipaalam iyon sa ama ng bata.

Mabigat ang bawat paghinga ko nang bumaba ako ng hagdan at tunguhin ang kusina. Naabutan ko ang ama ko na abala sa pagluluto ng hapunan.

"Oh, nandiyan ka na pala. Kumusta? Okay na ba ang tiyan mo?" bungad ng ama ko.

Marahang tumango ako. Naupo ako sa isang kahoy na upuan na sinadya kong ilipat ng puwesto sa harap upang makita ng malinaw ang bawat mumunting kilos na ginagawa ni Tatay Anton.

"Okay na po ako," sagot ko. Nagsinungaling ako na masama lamang ang pakiramdam ko kaya nang makarating ako galing Manila ay agad akong nagkulong sa silid ko.

Taon-taon ay umuuwi ako sa San Agustin upang magbakasyon tuwing semestral break at para makasama na rin ang ama ko. Ilang buwan lang akong mananatili sa isang bahay na kasalukuyang tinutuluyan ng ama ko sa hacienda ng Mandragon.

"Hindi mo yata kasama si Señorito Samuel ng dumating ka kanina," puna ni Tatay Anton.

Agad akong natigilan ng marinig ang pangalan ng lalaking kailangan sa lalong madaling panahon na masabihan ko tungkol sa batang nasa sinapupunan ko.

Pilit kong inalis ang bikig sa lalamunan ko. "May kailangan pa raw ho kasi siyang gawin," wika ko.

"Ganoon ba? Nasanay kasi akong palagi ka niyang hinahatid. Nag-away ba kayo?"

Umiling naman ako. "Hindi ho kami nag-away, saka busy lang talaga siya ngayon gawa nga nang ibigay na ni Don Mauricio ang kompanya sa kaniya."

"Ay, oo nga pala. Pagpasensyahan mo na, medyo nag-uulyanin na si Tatay mo."

Maliksing kumilos ako upang kunin sa kaniya ang kaldero laman ang niluto niyang ulam. Iyon din kasi ang dahilan kaya sa loob ng limang taon matapos na makalaya ang ama ko sa kulungan ay wala akong palya sa pagbisita sa kaniya. Madalas na rin kasi siyang makalimot, minsan nga ay natawag niya ako sa pangalan ni Ate Frexa ang dating bata na kinupkop niya.

"Naku, maraming salamat Frixie!" aniya.

Kiming ngumiti ako. "Aniela po ‘Tay," pagtatama ko.

"Ay, naku. Ano ba ‘yan? Mali na naman ako." Sunod-sunod ang pag-iling niya nang maupo.

Inayos ko naman ang mga plato sa mesa. Nagsandok na rin ako ng kanin para sa aming dalawa.

"Kumusta nga pala ang school mo? May nang-aaway ba sa 'yo ro'n sa Maynila?" tanong ni Tatay habang kumakain na kami sa hapagkainan.

Nagtaas ako ng kilay. "Sino naman ho ang aaway sa akin do'n?" usal ko. Nginuya ko muna ang pagkain saka iyon nilunok. "Takot lang nila sa isang Villaruiz. Baka mapadali ang buhay nila oras na banggain ako?" may pagbabanta na sabi ko.

Nakita ko namang natawa ang aking ama. Nakatutulong iyon upang mapagaan ang nararamdaman ko.

"Nag-aalala lang ako, nalaman ko kasi na nakaranas ka ng pambu-bully noon ng mawala ako at ng nanay mo," mahinang sambit niya.

Binasa ko muna ang labi bago magsalita. Kahit nagdaan na ang maraming taon hindi pa rin nakalilimutan ng ama ko ang lahat. Minsan nga niyang nabanggit na kung ano mang oras ay kunin siya ng Maykapal ay ayos lang. Nararapat lang daw iyon dahil sa mga kasalanang nagawa niya. Ngunit ilang beses ko rin siyang napagsabihan sapagkat halos lahat naman ay ginagawa ko upang makabayad sa mga pagkakasala niya na hindi rin lingid sa aking kaalaman na may kinalaman din ako.

Tila buong pamilya namin ay pinarurusahan ngayon dahil sa ginawa namin sa batang iyon.

"‘Wag kayong mag-alala ‘Tay, ako na ho ang bahala sa kanila."

Malungkot na pinasadahan niya ng tingin ang peklat na nasa kamay ko. Agad ko iyon na itinago sa ilalim ng mesa natatakot na ipaalala sa kaniya ang mga nangyari sa akin matapos na lumabas ang katotohanan.

"Patawad anak, patawad kung nadamay kayo ng kapatid mo sa kasalanang ginawa namin ng ina ninyo..."

Kitang-kita ko ang pamamasa ng kaniyang mga mata na ikinaalerto ko. Sa katunayan, sanay na ako sa bagay na ito na karaniwang nangyayari. Pero ang makitang umiyak ang aking ama ang hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makasanayan. Para bang tinutusok ang puso ko ng ilang libong karayom kapag nakikita siyang lumuluha.

Hindi nga ako nagkamali. Maagap akong nagsalin ng tubig sa baso at ibinigay iyon sa ama ko. Tinapik-tapik ko ang likod niya.

"Tatay naman, minsan na nga lang tayo magkita ganyan pa kayo. ‘Wag n'yo na pong isipin ang mga bagay na 'yon. Balang araw makakasama rin natin sina Nanay at Ate Frixie, makokompleto uli tayo," wika ko.

Duda na rin ako na maaari pa iyon na mangyari ngunit umaasa, nagdarasal na muling mabubuo ang pamilya ko.

Sa ganitong estado ng ama ko, parang wala yata akong lakas ng loob na aminin sa kaniya na nagdadalang-tao ako. Kaya nang kumalma siya ay ipinagpatuloy na namin ang pagkain. Natutuwa akong makita na magana siyang kumain hindi tulad dati na todo siya kung tumanggi na kumain.

Naiwan akong mag-isa sa kusina na naghuhugas ng mga plato pero hindi maiwasang may traydor na luhang pumatak mula sa mata ko. Nakagat ko ang ibabang labi saka tinanaw ang labas ng bintana sa taas lamang ng lababo.

Kung hanggang ngayon pinagbabayaran pa rin namin ang nangyari noon, panalangin ko ay hindi madamay ang anak ko.

Bukas na bukas ay ipaaalam ko na kay Samuel na buntis ako at siya ang ama. Iyon ang tama kong gawin na hindi ko dapat ipagkait ang katotohanan.

Inihahanda ko na ang sarili ko oras man na itanggi niya na siya ang ama. Kaya ko naman, pipilitin kong kayanin ano man ang mangyari.

Malungkot na sinulyapan ko ang tiyan ko na kahit wala pang umbok ay batid kong may buhay na roon.

***

"ANIELA!" Agad kong nilingon ang pinanggalingan ng boses na iyon. Nakita ko si Señora Serafina na kumakaway habang patungo sa direksyon ko.

Inilapag ko muna ang hawak na bilao.

"Ate Sera," bungad ko nang tuluyang makalapit siya.

Hawak niya sa isang kamay ang unico hijo na si Czelby. Napakaganda nitong batang lalaki. Kaya hindi ko tuloy maiwasang masabik na makita ang anak namin ni Samuel dahil tiyak akong magmamana iyon sa ama.

"Kumusta na Aniela?" nakangiting bati ni Ate Sera sa akin. Kahit tatlumpu't limang taong gulang na siya ay napakabata pa rin niyang tingnan. Binuhat niya ang anak saka iyon marahan na tinapik-tapik sa likod.

"Ayos lang po," sagot ko na hindi maitago ang pagkasabik na magkaroon ng sariling anak.

"Pasensya ka na pala, nabalitaan kong hindi ka raw hinatid ng kapatid ko."

Nagulat naman akong marinig iyon. Ibig sabihi'y umabot na rin sa mga magulang ng binata na hindi kami magkasama ng dumating sa San Agustin.

Karaniwan kasing hinahatid ako ng kapatid niya kapag umuuwi ako. Simula ng magkahiwa-hiwalay ang pamilya ko, tumira na ako sa poder ni Samuel.

Itinuring ko ng ikalawang pamilya ang mga Mandragon. Wala akong masabi sa kabaitang ipinakita nila sa akin kahit na kung tutuusi'y anak ako ng kriminal. Ngunit ng magkolehiyo ako sinubukan kong hindi na umasa sa sustento na ibinigay nila, nagtrabaho ako habang nag-aaral. Nahihiya na kasi ako lalo na ng makarinig ako ng balita tungkol sa kumakalat na tsismis na tumatanggap ang pamilya umano nila ng mga kriminal.

Kaya hanggang sa makakaya ko pilit kong ikinukubli ang tunay kong pagkatao. Iniiwasang magkaroon ng problema sa pamilyang walang pag-aalinlangan na tumanggap at tumulong sa amin, lalo na sa ama ko.

"First time lang na nangyari na hindi ka niya hinatid. Nag-away ba kayo?" biglang hirit ni Ate Sera. May mapaglarong ngiti ang nakaguhit sa kaniyang mga labi habang naghihintay sa magiging sagot ko.

"Hindi po. Bakit naman kami mag-aaway?" tanong ko.

"Iyon nga rin ang pinagtatakahan ko dahil noong unang bumalik kayo rito ay para kayong inahing manok at sisiw na hindi mapaghiwa-hiwalay."

Natawa naman ako ng ipaalala niya ang bagay na iyon. Hindi ko naman masisisi ang sarili ko kung para akong linta na palaging nakadikit kay Samuel dahil ito lang noon ang pinagkakatiwalaan ko.

"‘Tapos ngayon, ni anino niya ay wala akong makita nang dumating ka kahapon. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na nag-away kayo kaya hindi kayo sabay na umuwi."

Agad akong natigilan sa narinig. "Umuwi rin siya kahapon?"

"Kagabi nakita ko ang sasakyan niyang dumating, hindi na nga siya nakasabay sa amin ng hapunan." Pinasadahan niya ng tingin ang malawak na lupain ng pamilya nila. Marahil may ideya na siya na may nangyari sa pagitan namin ng kapatid. "Kung may problema. Huwag kang mahihiyang sabihin sa akin, baka makatulong ako."

Para yatang wala akong lakas ng loob na aminin sa kaniya ang sitwasyon ko ngayon. Hiyang-hiya ako matapos kasi ang lahat ng naitulong nila sa akin ay ganito pa ang nangyari, marapat na sigurong si Samuel na ang magsabi sa kanila ng lahat.

Mukhang wala ng atrasan mamaya ang pakikipag-usap ko sa kaniya tungkol sa batang nasa sinapupunan ko. Nagsimulang bumagal ang tibok ng puso ngunit bago pa man ako malugmok sa matinding takot ay napukaw agad ang atensyon ko ng kamay ni Czelby ang dumampi sa pisngi ko.

Ibinaba ni Sera ang anak nang magsimulang maglikot iyon. Agad naman na lumapit si Czelby sa akin. Iniumang niyon ang mga kamay upang ipaalam na ako naman daw ang magbuhat. Hindi naman ako tumanggi.

Bumungisngis pa ang ina ng abutin ang kamay ng anak na ngayon ay buhat ko. Pangkaraniwan na iyon na magaan ang loob sa akin ng mga anak niya dahil simula nang makapag-asawa ay ako na ang palaging kasama ng mga ito tuwing sasapit ang bakasyon.

"Tita Anie, kailan tayo magplay?" biglang tanong ni Czelby sa akin.

Binalingan ko siya na ngayon ay nakahilig ang ulo sa balikat ko. "Mamaya na lang, may gawain pa kasi si Tita Aniela," turan ko.

Biglang narinig kong malalim na napasinghap sa tabi ko si Ate Sera. Nagtaka naman ako nang makitang mapasapo siya ng noo. "Muntik ko ng makalimutan, pinapasabi nga pala ni Mommy na sumabay na kayo ng tatay mo sa 'min na mananghalian sa mansyon," aniya.

Kung sasabay ako sa kanila tiyak na magkikita kami ni Samuel.

Napatitig ako sa mga bilugang mata ng batang nasa bisig ko. "Why sad?" biglang tanong nito.

"Ako, sad?" nagtatakang tanong ko.

"Naku, Anie. Kilala na kita, kanina ko pa napansin na may malalim kang iniisip."

Pilit na bumakas sa mga labi ko ang isang ngiti. "Medyo masama lang ang pakiramdam ko. Pero sasabihan ko si Tatay Anton tungkol sa inbitasyon ni Tita Sophia," wika ko.

Tumango-tango naman siya. Laking pasasalamat ko lang ng dumaan ang sasakyan ng asawa ni Ate Sera sa gilid namin. Marahil sinusundo na ang mag-ina nito.

"Sige, saka nga pala may mahalaga rin akong sasabihin sa 'yo," habol na sabi niya. Seryoso ang anyo ng mukha niya tiyak na wala akong rason para tumanggi.

Tumango ako bilang tugon.

"You know that you can't hide anything from me," aniya bago tuluyang nakalayo ang sasakyan.

Wala naman akong balak na itago ang katotohanan. Ngunit wala rin naman akong karapatang ipangalandakan na si Samuel Mandragon ang ama ng batang nasa sinapupunan ko.

***

"NASA huling taon mo na pala Aniela. May plano ka na ba kung saan magtatrabaho?" tanong ni Señora Sophia.

Inililigpit na ang mga pinagkainan nang balingan ako ng ina ni Samuel. Wala pa talaga sa isip ko kung agad akong maghahanap ng trabaho sa ibang kompanya. Hindi dahil sa gusto ko muna magliwaliw, sigurado kasi akong kabuwanan ko niyon kaya ayokong maiwan ang anak na mag-isa. Ngunit bago ako magpasya nais ko muna na marinig ang sasabihin ni Samuel. Pero ano man ang mangyari ay hindi ko basta-basta na isusuko ang bata.

"Pinag-iisipan ko na ho," magalang kong sagot.

Inilibot ko ang paningin sa buong dining area subalit wala akong Samuel na nakita.

"Ano man ang mapagpasyahan mo hija ‘wag mo akong kalilimutan na sabihan?"

Nilukob naman ang puso ko ng munting saya sa narinig. Itinuring na nila akong miyembro ng pamilya sa kabila ng tunay kong pagkatao.

"Opo."

"Teka, napansin ko yatang namumutla ka. May nangyari ba?" puna niya.

Napahawak ako ng aking pisngi sa narinig. Sinubukan kong lagyan ng face powder ang mukha ko upang itago ang nanamlay kong balat.

"Hindi naman ho," kaila ko.

Nagsalubong ang kilay ng senyora na halatang hindi naniniwala sa akin. "Noong huli tayong nagkita, hindi naman ganyan ang mukha mo. Hindi ba'y nabanggit ko naman sa 'yo na ayos lang kahit ‘wag ka na munang magtrabaho habang nag-aral. Hayan, tingnan mo halatang stress na stress ka."

Gumuhit sa mga labi ko ang isang munting ngiti. Samantala, nakaramdam naman ang puso ko ng init at pagmamahal. Kahit busy ako sa school hindi ko nakalimutang padalhan ng mensahe ang itinuring kong ikalawang ina. Wala ring palya ang pagtawag niya sa akin upang kumustahin ako at si Samuel.

Ngunit imposible namang tumigil ako sa mga part-time na trabahong pinagsasabay ko habang nag-aaral. Malaking bagay din kasi ang may sariling pera kaysa palagi akong nakaasa sa pamilya nila. Kumbaga, pakunswelo ko na lang iyon para sa natitirang dignidad na mayroon ako.

Nakita kong mariing napapikit si Tita Sophia habang sapo ang noo. "Kakausapin ko si Samuel na pigilan ka ng magtrabaho, alam ko naman napakahirap ng kursong pinasok mo."

"Naku, ‘wag na po. Saka kaya ko naman po," agad na tanggi ko.

Tila sirang plaka lamang ang pag-uusap namin ngayon. Ganitong-ganito ang kinahahantungan ng pangangamusta niya kapag dumadayo ako sa mansyon. Lubhang nauunawaan ko naman iyon sapagkat pamilya na ang turing nila sa akin.

"Hayaan mo na siya Pia, baka hanggang pagtulog natin ang paghihimutok mo upang pakiusapan ako na patigilin na si Aniela sa pagtatrabaho," biglang sabad ni Señor Mauricio, ang asawa ni Señora Sophia.

Hawak nito sa isang kamay ang kopita ng paborito nitong wine. Kahit may edad na ang parehong mag-asawa ay hindi ang mga ito makikitaan ng pagdaan ng panahon, tulad ng mga anak nito.

Tiningnan ako ni Tito Mauricio sa mga mata at batid kong pati siya ay sumuko na rin sa balak na sabihin. "Kung may mangyari, don't hesitate to tell me," wika na lamang niya.

Sunod-sunod ang pagtango ko. "Opo, salamat po Tito Rucio!" masayang tugon ko.

Narinig kong pumalatak si Tita Sophia sa tabi ko. Humalukipkip ito at marahas na nilingon ang asawa. "How could you Rucio?! Aniela is only nineteen years old. She should be enjoying her life!" protesta nito.

Binigyan ng nang-uuyam na tingin ng asawang lalaki ang huli. "Honey, maraming beses na nating napag-usapan ang bagay na 'to. Kung ano'ng gusto ng bata gawin, let her be."

Padabog na tumayo si Señora Sophia at tuloy-tuloy na naglakad palabas ng dining area. Balak ko sanang sundan siya nang pigilan ako ni Señor Mauricio.

Tumango siya. Hudyat iyon na manatili na lamang ako roon. Agad din namang sumunod sa asawa matapos na maubos ang laman ng kopita.

"Let them be, magiging okay din sila mayamaya. Masanay ka na sa kanila," biglang wika ni Ate Sera. Ngunit nagtaka ako nang matuon ang mga mata niya sa likod ko. Napatingin din ako sa direksyon kung saa'y pumasok si Samuel.

Bolta-boltaheng kuryente ang dumaloy sa buong sistema ko nang matiyak kong si Samuel nga ang taong iyon. Tahimik lang akong nanonood sa bawat kilos niya lalo na noong binuhat niya si Czelby at halikan sa pisngi.

"Where have you been? Kanina ka pa hinahanap ni Manang Sally," iritableng sabi ni Ate Sera nang lapitan ito.

"Pasensya na, may kinausap lang akong investor kanina kaya hindi muna ako nagpaabala," paliwanag ni Samuel. Sinulyapan niya ang direksyon kung nasaan ako nakatayo. Batid kong natanggap niya ang text message na ipinadala ko kagabi. "Tapos na kayong kumain?" tanong niya sa pamangkin.

"Yes, we ate a huge roasted chicken!" excited na sagot ni Czelby.

"Is that so, that's great then." Ibinaba niya ang pamangkin saka naman iyon nagmamadaling tumakbo patungo sa ama. Binalingan niyang muli ako. Sa mga simpleng tinging ibinibigay niya sa akin ngayon pakiramdam ko inuubos niyon ang natitirang lakas na inipon ko buong gabi para lang makausap siya. Ang parehong mga mata na natunghayan ko habang magkasiping kami.

Nag-iwas na ako ng mukha nang makaramdam ng pag-iinit ng magkabila kong pisngi. "I—ipag-iinit na lang kita ng pagkain," nauutal na sabi ko nang maiwan na lamang kaming dalawa roon.

Saka naman bumangon sa kalooban ko ang matinding pagkailang kahit sa simpleng presensya niya sa tabi ko. Ganoon katindi ang kayang gawin niya sa akin kaya naman hanggang nasa tamang katinuan pa ako kailangan ko na munang pahupain ang emosyong mayroon ako sa dibdib.

Ngunit hindi pa man tuluyang nakalalabas ay napaderetso ako ng tayo nang hawakan niya ang braso ko. Nang balingan ko siya ay agad kong nahigit ang hininga nang mapagmasdan ng malapitan ang mga mata ng lalaki na unang nakasaksi sa hubo't hubad kong katawan ng gabing iyon.

Oo, inakit ko siya nang gabing may mangyari sa amin. Sa sobrang kapusukan ko nawala ako sa sarili kaya hinatak ko siya sa loob ng silid ko. Ginawa ko ang lahat upang bumigay siya na angkinin ako. Kaya heto, makapal na nga talaga ang mukha ko na ipaalam sa kaniya na nagbunga ang gabing iyon.

"You stay with me," aniya.

Nakagat ko ang ibabang labi at marahang tumango. Matagal ko na siyang kilala kaya naman ang simpleng mga salitang binitawan nito ay kahit kailan ay hindi ko kayang tanggihan.

Tumalima naman ako, ikinuha ko muna siya ng kanin at ulam saka ako naupo malapit sa kaniya.

Palihim ko siyang sinusulyap-sulyapan habang tahimik siyang kumakain. Ngunit sapat na iyon upang mapatunayan ko sa sarili na malaki ang pagkakaiba niya sa mga lalaking nakilala ko. He has a perfectly scultured face every women would love to see. Kung dati ay iwas siya sa mga gym dahil ang katwiran niya ay magsasayang lang siya ng oras sa mga iyon, heto namumutok sa abs ang tiyan niya. Kita iyon dahil manipis lamang ang suot niyang sando kaya nagkaroon tuloy ako ngayon ng libreng live-show.

Years helped him to look like a perfect man. Minsan nga nag-away kami dahil sa isang maliit na bagay, sa sobrang inis ko nahampas ko ng malakas ng kamay ko ang dibdib niya. Ngunit imbes na siya ang mapangiwi sa sakit, ilang araw ako niyon na nagdusa sa pananakit ng kamay ko.

Pero hindi sa pagmamayabang, I once licked his... Ipinilig ko ang ulo sapagkat hindi na yata kaaya-aya ang itinatakbo ng isip ko.

Kagat-kagat ko ang ibabang labi ng ibaling ang atensyon sa mga vase na naka-display lubhang nakatulong iyon para pahupain ang pag-iinit na nararamdaman ko.

Kung hindi ba naman ako gaga. Bakit sa tuwing napapadako kasi ang paningin ko kay Samuel tila lahat ay biglang nawawala sa bokabularyo ko ang salitang inosente?

"You have something to tell me, right?"

Napukaw ng boses niya ang atensyon ko.

"Ha?" gulat na tanong ko.

"You texted me last night, I think it's important."

Damn! Kahit ilang beses kong na-practice ang mga salitang bibitawan tila naman umuurong ang dila ko. Ngayon kasi mas naging conscious ako na makapag-isip ng maayos hindi tulad kagabi na puro salamin lang ang kausap ko.

"Oo," sagot ko. Ngunit sandaling ibinalot ng nakabibinging katahimikan ang buong silid na wala ng salita ang lumabas sa bibig ko.

Nakatitig lang siya sa akin habang hinihintay ang sasabihin ko.

Shit! How can I just forget every single word that I should be telling him right now?

"I—forgot what I was supposed to say," I confessed.

Bakas ang gulat sa mukha niya sa narinig mula sa akin. Hindi marahil makapaniwala na aaminin ko iyon.

Subalit ang mas lalong ikinabigla ko ay ang pag-angat ng magkabilang sulok ng labi niya. He's amused from my reaction.

I supposed to feel offended, pero mahina ako sa mga ngiti niya lalo na ang mapuputi niyang ngipin na lumilitaw kapag pinipigilan niyang matawa.

"I'm pregnant," I suddenly uttered after clearing my throat. 

***

Related chapters

  • Aniela's Plea   Kabanata I

    Kabanata IALASINGKO na nang magdesisyon mag-dismiss ang professor ko noong hapon na iyon ng klase. Kaya todo-todo ang pagmamadali kong magligpit ng mga ginamit ko sa laboratory."Aalis ka na?" tanong ni Madison sa akin, kaklase ko sa mga laboratory subject.Isinukbit ko muna ang backpack saka siya hinarap. Taas pareho ang kilay niya habang nakatingin sa akin. My friend is wearing a v-neck shirt na hinapit niya sa bandang baywang at mini-skirt na kitang-kita ang mahahaba at mapuputi niyang legs. Doon ko lang din napansin ang mga kakaibang tingin na ibinigay sa kaniya ng mga kaklase namin sa loob ng laboratory.Pero halata namang wala siyang pakialam sa mga iyon dahil kanina pa nakatuon ang atensyon niya sa akin.Nang biglang napasinghap ako. I forgot that I promised to go with her after class."I'm sorry, Madi! Nakalimutan kong may lakad pala tayo tonight," nagmamadaling wika ko.

    Last Updated : 2021-04-09
  • Aniela's Plea   Kabanata II

    Kabanata IIBINILANG ko ang laman ng savings ko sa laptop bago nagmamadaling isinara iyon. Tumayo kasi sa harap ko si Samuel habang magkasalubong ang mga kilay. Tiniyak ko muna kasi kung pumasok ang compensation pay ko sa nangyari ngayong gabi. Sayang naman ang mga gabing pinagpuyatan ko sa pagtatrabaho sa club kung hindi ako mababayaran.Baka bigla ko na lang sugurin ang kulungan kung saan ngayon nakapiit si Aziel. Hindi sana ako mahuhuli ni Samuel kung marunong siyang magpigil ng libido.Hayop na 'yon, balak pa yata akong gawing parausan. Kahit may hitsura iyon, wala naman sa kalingkingan ang gandang lalaki ni Samuel ang taong iyon. Parang hindi rin nga makatarungang ikumpara ko ang dalawa dahil iba naman ang pagka-yummy ng tagapag-alaga ko sa mukhang gangster na ex-manager ko sa club.Para tuloy gustong masuka sa mga naiisip ko. Ilang beses ko na ngang hinugasan ang nadumihan kong kamay sa paghimas sa nakadidirin

    Last Updated : 2021-04-09
  • Aniela's Plea   Kabanata III

    Kabanata III"ANIELA!" tawag ni Madison sa akin nang papalabas na ako ng unibersidad noong hapon na iyon.Habol pa niya ang hininga nang tumigil siya sa harap ko. Nang biglang mamaywang at nagtaas siya ng isang kilay nang mapasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko."Ano ba 'yang suot mo?" salubong ang kilay na tanong niya."What?" nagtatakang tanong ko. I'm wearing a loose peach shirt at hapit na blue jeans. Wala naman akong makitang mali sa suot ko ng araw na iyon.She rolled her eyes. Sunod-sunod ang pag-iling niya na labis kong pinagtakahan. "May part-time job ka ba ngayon?" kalauna'y tanong niya."Same as ever.""Good, sa akin ka lang magpart-time ngayong gabi kailangang-kailangan ko kasi ng driver." Ngumiti siya ng nakaloloko sa akin. "I told my dad that you will be coming with me kaya pinayagan niya ako."Natawa naman ako sa sinabi niyang iyon.

    Last Updated : 2021-04-09
  • Aniela's Plea   Kabanata IV

    Kabanata IV"I'M sorry..." Tinitigan ko sa mga mata si Samuel. He was hurting just like me, sapagkat saksi siya noong mga panahon na hindi ko alam kung paano bumangon nang mawala na sa akin ang lahat.Niyakap niya ako at agad naman akong gumanti. Hindi ko na matandaan kung kailan ang huling beses na humantong kami sa ganitong estado na kapwa nasasaktan. Hindi rin naman lingid sa kaalaman ko na ako ang palaging may dahilan niyon at wala pa ring humpay na ginagamit ko ang pangako niya noon."A-Aalis ka pa rin ba?" nauutal kong tanong habang humihikbi sa bisig niya.Hinaplos niya ang pisngi ko upang alisin ang mga luhang naroon. "No," tipid na sagot niya.Sa halip na agad magbunyi, tinanggap ko ang sagot niyang iyon bilang salitang walang katumbas na kahulugan. Balang araw ay iiwan niya rin ako, magkakaroon siya ng pamilya at doon na matutuon ang atensyon niya. Mawawala na ako sa isipan niya at magigin

    Last Updated : 2021-04-09
  • Aniela's Plea   Kabanata V

    Kabanata VUMAWANG ang mga labi ko nang matiyak na mantsa nga ng lipstick ang nasa pisngi ni Samuel. Parang gusto ko na lang himatayin sa sobrang galit na nararamdaman.Ngunit pilit kong itinago sa matamis kong ngiti ang selos na lumulukob sa buong pagkatao ko. Hindi ko magawang makatingin sa kaniya ng deretso dahil batid kong oras na gawin ko 'yon mag-aaway lang kami.Mayamaya'y may mainit na kamay na humawak sa likod ko. Napapitlag ako sa gulat. Nang mag-angat ako ng tingin ilang dipa lamang ang layo ng mukha niya sa akin. "Let's go," anang niya sa nagmamadaling tono ng boses."Where?" nagtatakang tanong ko."I just can't take it anymore."Napakunot-noo ako sapagkat hindi ko maintindihan ang huli niyang sinabi.Lumiko kami sa isang pasilyo

    Last Updated : 2021-04-13
  • Aniela's Plea   Kabanata VI

    Kabanata VISamuel"HOY, hindi tambayan ang condo ko ng mga Mandragon. Umuwi ka na, doon ka sa bahay mo magmukmok!" sigaw ni Joseph habang hinahampas ng unan ng couch ang likod ko.Unti-unti kong minulat ang mga mata, naulingan kong nakatayo sa harap si Joseph habang masama ang tinging ipinupukol sa akin. Bumangon ako at sumandal sa couch kung saan ako nakatulog kagabi. Nagkalat sa carpet na sahig ang mga walang laman ng alak na ininom ko buong gabi.Kahit kumikirot ang sentido ay nagawa kong tumayo para kunin sa hindi kalayuan ang cellphone ko."Pre, kung nag-away kayo ni Aniela. Hindi naman puwedeng palagi ka lang sa bahay ko tumatakbo para magtago-tago," reklamo ni Joseph nang sundan ako.Hinayaan kong bukas ang pinto ng banyo nang maghilamos ako. Ngunit nahagip pa rin ng paningin ko nang sumandal siya sa gilid ng pintuan."Aren't you going to say any

    Last Updated : 2021-04-28
  • Aniela's Plea   Kabanata VII

    Kabanata VIISamuelLIHIM na nakamasid ako sa hindi kalayuan sa isang pamilyar na pigura ng babaeng ang buong akala ko ay matagal pa bago kami magkita. Napalagok ako ng laway habang pilit ikinukubli ang presensya ko na baka mapansin ni Aniela.Napakalakas ng musika ng naturang club kaya duda rin akong mapapansin niya ako mula sa kinatatayuan ko. Hindi ko maiwasang maiyukom ang mga kamay, heto na naman ang bumabangong inis sa loob ko. Ayoko mang aminin sa sarili ko subalit tama ang hinala ni Joseph sa maaaring kahantungan ng lahat oras na malaman ni Aniela ang nangyayari.Mariing napapikit ako. Wala siyang ideya na nasa bingit ng panganib ang buhay niya, and I'm afraid sticking with her would only make the situation more worse.Napapiksi ako nang makitang may dalawang lalaking lumapit sa kaniya at maupo sa dalawang bakanteng stool. Doon ako naalerto upang lumapit.

    Last Updated : 2021-05-25
  • Aniela's Plea   Kabanata VIII

    HINDI nga ako nagkamali, hindi pa man tuluyang nakapagpapalit ng damit. Suot ko pa noon ang scrub suit ay bigla na lamang akong pinatawag sa nursing head office.Kakatok pa lang sana ako niyon nang biglang bumukas ang pinto. "Mabuti hindi ka pa nakakauwi Nurse Villaruiz," nakangiting bungad sa akin ng head nurse.Inuwestra niya ang isang bakanteng couch sa tapat ng table. "Please, have a seat," aniya habang hindi pa rin naalis ang ngiti sa mga labi.She looked disoriented when she suddenly remembered something. "Oh, I forgot. May gusto ka bang inumin, I'll get it for you, softdrinks? Iced tea? Coffee?"Doon na ako kintuban na may kakaiba. Being called by the head nurse is something I never thought would happen this soon. Isa lang naman akong nursing student at unang araw ko ngayon."Snacks? Tamang-tama dinner na, baka nagugutom ka na Miss Villaruiz," aniya.

    Last Updated : 2021-05-25

Latest chapter

  • Aniela's Plea   Extra V

    Extra III"MAGANDANG umaga ho!" bati ni Aniela sa maghahatid sa kanya sa school. Labingdalawang taong gulang na siya at nasa first year highschool na. Napakalaki ng ipinagbago niya nang magsimulang magdalaga.Bagay na bagay sa kanya ang suot na uniporme at paldang umaabot lamang hanggang tuhod. Nakalugay ang buhok na mamasa-masa pa dahil hindi na nagawang mapatuyo dahil tinanghali na siya ng gising, sa sobrang kaba kasi niya kaiisip tungkol sa unang araw niya sa pagiging highschooler nakalimutan na niyang ipikit ang mga mata.Sa katunayan, halos tatlong oras lang ang tulog niya. Pero hindi mahahalata dahil sa baby face pa ring mukha.Agad siyang lumulan ng sasakyan na nakaparada sa labas lamang ng tinutuluyang bahay kung saan ay kasama si Samuel.Mayamaya'y lamang ay kasabay ring lumabas si Samuel habang ang suot naman ay simpleng polo at maong pants."Lalong gumaganda si Ma'am Aniela, 'di na ako magugulat kung maraming lalaki ang manliligaw sa ka

  • Aniela's Plea   Extra IV

    TINUPAD ni Tito Rucio ang pangakong tutulong siyang mabuo muli ang pamilya ko. Hindi naman nito iyon responsibilidad, pero lubos-lubos ang pagpapasalamat ko.Katuwang ang anak na si Samuel, agad kaming naghanap ng malilipatang bahay. Pinili ko kasing manirahan na lamang ang mga magulang ko sa syudad. Lubos akong natutuwa na matapos ang ilang taon ko na pag-iipon upang makapagpundar ng sariling bahay ay nagamit ko na.Dinagdagan lang 'yon ni Samuel para sa mga ibang appliances na kakailanganin ng mga magulang ko para maging komportable sila.Tahimik, payapa at malayo sa mga mapangbuskang mga tao. Iyon ang gusto kong lugar kung saan sila mamumuhay na dalawa. Kahit unti-unti nang nakalilimutan ng nanay ko ang sariling pamilya nang lumala ang kanyang dimentia. Wala akong nagawa kung hindi umiyak nang umiyak sa bisig ni Samuel.Napakabigat ng dibdib ko sa tuwing sasagi sa isip ko ang mga taon na nasayang at mga panah

  • Aniela's Plea   Extra III

    PINAMULAHANAN ako ng mukha. "Alam na rin ba ni Tita Sophia?" halos pabulong ko nang tanong."Yeah. Even Ate Sera knows it."Gusto ko mang sumabog sa pagkahiya. Parang nanariwa sa akin na animo'y normal lamang kanina ang naging pag-uusap namin ng pamilya niya."I can't tell if they were mad about me...""Why would they?"Binalingan ko siya. Parang hindi siya apektado ng balitang 'to at wala mula sa kahit sino sa kanila ang negatibo ang reaksyon.Kaya nagduda na naman ako kung panaginip lang itong lahat.Muling nagbadyang maluha ako. Ayokong magising na panaginip lang lahat at hindi totoong pinangakuan ako ni Samuel.Sunod-sunod ang pagtikhim ang narinig ko na kapwa pumukaw ng atensyon ko at ni Samuel.Madilim ang anyo ng mukha ni Tito Rucio nang makita ang namumugto kong mga mata. Nakita kong umigting ang panga niya at ano mang oras ay handa ng ambahin ng suntok ang lalaking nasa tabi ko. Matalim ang tinging ipinukol niya sa anak

  • Aniela's Plea   Extra II

    ***continuation

  • Aniela's Plea   Extra I

    Extra I

  • Aniela's Plea   Kabanata XXI

    UNTI-UNTI kong iminulat ang mga mata. Nagtaka ako nang makita ang Ate Frixie ko na iyak nang iyak habang hawak ang kamay ko.Bumakas ang gulat sa mukha niya nang makitang gising ako.“Aniela!” bulalas niya. Dali-dali siyang tumakbo palabas ng silid kung nasaan ako. Wala akong nagawa kung hindi sundan lamang siya ng tingin.Mayamaya'y inilbot ko ang paningin. Puting-puti ang buong lugar at naiiba lamang ang kulay ng kurtina. Kulay beige kasi iyon kaya nakapupukaw ng pansin.Binalak ko sanang tumayo nang mahagip ng paningin ko ang nakatusok sa likod ng kamay kong iv fluid. Gusto ko sanang matawa dahil kung dati-rati ay ako ang naglalagay niyon sa pasyente pero ako ngayon ang mayroon n'on. Nang maisipan kong tanggalin 'yon, napangiwi ako nang makitang naka-cast ang isa kong braso.Kaya napagtanto kong totoo ang lahat ng nangyari. Hindi 'yon panaginip.Pero may isang bagay akong naalala na gusto kong matiyak na totoo mula sa mga natunghayan kong nangy

  • Aniela's Plea   Kabanata XX

    Kabanata XXNANG magising kaninang umaga masakit man

  • Aniela's Plea   Kabanata XIX

    ILANG sandaling natahimik ang ama ko bago tumikhim. "Ngayon lang kami nakapag-usap ng anak ko at ngayon niya lang din nabanggit sa akin na nakapag-propose na siya kagabi. I'm really sorry to say that Aniela is now part of my family."Napatitig sa akin ng ilang segundo si Mr. Caleb. "My son really likes her..." anito sa mababang boses."She likes me Mr. Caleb David, and I love her. We already settled everything last night. If you want I can invite you and your son for my upcoming wedding... or should I call you Ravier Calbrieto?" Tumalim ang mga mata kong nakatingin sa kanya. "Pero sa tingin ko ay hindi na kailangan pa dahil bago dumating ang araw na 'yon ay sisiguraduhin kong mabubulok ka na sa kulungan..."Gumuhit ang nakatatakot na ngiti sa mga labi niya. Kahit labis na naguguluhan sa tunay niyang pakay at base pa lamang sa reaksyon niyang hindi man lang kinakaila ang pagtawag ko sa kanya sa pangalang iyon, lalo ko lang napatunayang siya ang nasa likod

  • Aniela's Plea   Kabanata XVIII

    Kabanata XVIIISamuel

DMCA.com Protection Status