Home / Romance / Aniela's Plea / Kabanata III

Share

Kabanata III

last update Huling Na-update: 2021-04-09 17:52:43

Kabanata III

"ANIELA!" tawag ni Madison sa akin nang papalabas na ako ng unibersidad noong hapon na iyon.

Habol pa niya ang hininga nang tumigil siya sa harap ko. Nang biglang mamaywang at nagtaas siya ng isang kilay nang mapasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko.

"Ano ba 'yang suot mo?" salubong ang kilay na tanong niya.

"What?" nagtatakang tanong ko. I'm wearing a loose peach shirt at hapit na blue jeans. Wala naman akong makitang mali sa suot ko ng araw na iyon.

She rolled her eyes. Sunod-sunod ang pag-iling niya na labis kong pinagtakahan. "May part-time job ka ba ngayon?" kalauna'y tanong niya.

"Same as ever."

"Good, sa akin ka lang magpart-time ngayong gabi kailangang-kailangan ko kasi ng driver." Ngumiti siya ng nakaloloko sa akin. "I told my dad that you will be coming with me kaya pinayagan niya ako."

Natawa naman ako sa sinabi niyang iyon. Matagal ko ng kilala si Madison kapag tungkol sa mga lakad niyang mangangailangan siya ng kasama, ako ang palaging palusot niya sa ama.

Kumindat pa siya nang iabot sa akin ang susi ng kotse niya. Tinanggap ko naman iyon.

"Date?" usisa ko.

Tumango-tango siya. "Yes, nakilala ko siya sa hilig kong tambayang bar sa Pasay. Nag-text siya sa 'kin kanina na gusto niyang makipagkita."

"Paano si Marco?" Ang huling natatandaan kong nobyo niyang ipinakilala. Kasama niya rin ako noong makipagkita siya ng palihim kay Marco.

"Sino'ng Marco?" kunot-noo niyang tanong.

"Si Marco, boyfriend mo."

"Ano ka ba, last month pa kami nag-break. Nakatatlo na akong jowa pagkatapos naming maghiwalay, huli ka na sa balita."

Hindi na ako nagulat nang marinig iyon. Hindi na kasi iyon bago sa akin, Madison is the type of person who never bother herself thinking of those things. Basta masaya siya, wala ng pakialam ang mundo.

Naglakad na kami patungo sa parking lot nang pasadahan niyang muli ng tingin ang kabuuan ko.

"By the way, you will be needing a dress for tonight," biglang wika niya.

"Sasamahan ba kita hanggang sa loob?" takang tanong ko.

"Of course, sagot ko ang lahat ng magagastos. Kainin mo ang lahat ng gusto mo habang hinihintay mo kami. Ang alam ko kasi may kuwarto sa taas ng club na pupuntahan natin. Ayoko naman pumuti ang mata mo kahihintay sa loob ng sasakyan," aniya.

Lalong lumapad ang ngiti sa mga labi ko. "I like that."

Si Madison ang tipo ng babae na sinusulit ang bawat kalayaang mayroon siya. Sa totoo lang naiinggit ako sa kaniya. She's carefree and fearless. Ang mga katangiang hindi ko taglay.

I can't be those. Para makuha ang puso ng lalaking gusto ko kailangang maialis ko muna ang harang na naghihiwalay sa aming dalawa. Kapag nagawa ko iyon, wala ng ibang maaaring pumigil ng tunay na relasyong hangad ko.

***

DAHAN-DAHAN kong iminulat ang mga mata. Agad na gumuhit sa mga labi ko ang isang mapaglarong ngiti. Bumungad kasi sa akin ang mukha ni Samuel habang mahimbing na natutulog sa tabi ko.

Tumatagos ang sikat ng araw mula sa siwang ng blindfolds ng sliding door ng kuwarto. Nakatulong ang kakaunting liwanag upang mapagmasdan ko ng malinaw ang napakaamong mukha ng pinapangarap kong lalaki simula pa nang mapunta ako sa poder niya.

Marahan kong hinawakan ang baba niya. Saka ko napansin na may mga tumutubo ng bigote roon.

I giggled. Iginaya ko ang isang daliri mula sa noo hanggang sa tungki ng ilong niya. Hindi na ako nakatiis, marahang pinisil ko iyon kitang-kita ko ang pagngiwi niya habang pikit ang mga mata. Tila ba sa bawat mumunting reaksyon niya ay nagagawa niyon alisin ang ano mang alalahanin sa puso ko.

Hindi ako nakontento nang lakbayin ng daliri ko ang magkalapat na mga labi niya. Inilapit ko ang sarili sa kaniya hanggang ang iisang hangin na lamang ang aming hinihinga. He smells very manly. Naaamoy ko pa sa kaniya ang shampoo na ginamit niya kagabi maging ang parehong brand ng toothpaste na gamit namin.

Hindi na ako nakatiis at hinalikan ko siya. Naramdaman kong gumanti siya. Impit na napangiti tuloy ako habang inaangkla ko ang braso sa leeg niya, sinusundan ang bawat labi ng inaabot ang tamis ng loob ng bibig. Ang mainit niyang dila na naglalakbay sa loob niyon. Napaungol ako nang kagatin niya ang ibabang labi ko.

Nang magdilat ako bumungad agad sa akin ang mga mata niyang ako lamang makikitang repleksyon mula roon. "Can we go further?" I pleaded.

"What?" gulat na tanong niya.

Doon ako nagising ng tuluyan sa pagpapantasya ko nang mapagtanto na wala ako sa kuwarto ni Samuel. Wala rin ako sa bahay, at hindi rin ang lalaking gusto kong umangkin ng lahat ang nasa harap ko.

Malutong na napamura ako. Naihilamos ko ang mga kamay sa mukha. Frustrated na malalim na bumuntong-hininga ako. Bumangon ako sa kama at nagmamadaling dinampot ang mga nagkalat kong gamit sa sahig.

"Aniela, where do you think you're going?" galit na tanong ng lalaking hubot-hubad na nasa kama. Nang akmang tatayo siya ay agad kong itinaas ang isang kamay para pigilan siya.

"I'm going home," tipid na sagot ko.

Matinding pagtataka ang bumakas sa maganda niyang mukha sa naging sagot. "We're not yet starting, akala ko ba gusto mo ako?"

Natawa ako ng pagak. "Ako may gusto sa 'yo? Baligtad yata, baka ikaw ang may gusto sa 'kin?"

Sunod-sunod ang pag-iling niya bakas ang matinding kalituhan. Nasa hotel suite ako ng isa sa mga kaklase ko. Medyo malabo na sa alaala ko kung paano ako napunta sa hotel suite ni Drevor pero mukhang may ideya na ako kung sino ang may pakana ng set-up na ito.

“Madison...” I uttered to myself.

Hindi rin nakatiis si Drevor at tumayo na upang habulin ako. "Oo, may gusto ako sa 'yo! Kaya kinausap ko si Madison na i-set-up tayo kagabi sa isang blinddate. Pero kung hindi ako nagkakamali, alam mo 'yon. Kaya ka nga sumama sa 'kin dito," aniya.

Umismid ako. Binasa ko muna ang mga labi saka siya pinukol ng masamang tingin.

Lihim kong inasadahan muna ng tingin ang kabuuan ng hubot-hubad niyang katawan. Pero hindi ako nakaramdam ng ano mang pag-iinit hindi tulad kapag kaharap ko si Samuel. Wala siya sa kalingkingan ng lalaking gusto kong makauna sa akin.

"Iyon lang ba?" tanong ko.

"What? What do you mean, iyon lang ba?" gulong-gulong usal niya.

"Sinabi sa 'kin ni Madison kagabi na kailangan niya ng driver. I took her offer because I need money. Kaya ngayon pa lang nililinaw ko na sa 'yo magsasayang ka lang ng oras sa 'kin. Magpaligaya ka na lang ng ibang babae gamit 'yang alaga mo."

Napamaang siya. "Aniela, please... I really like you. I waited patiently all night, hindi kita ginalaw dahil ganoon kita nirerespeto. Totoo ang nararamdaman ko para sa 'yo. Bigyan mo naman ako ng pagkakataon."

Tila nabunutan ako ng tinik sa narinig mula sa kaniya. Nagagalak akong malaman na walang nangyari sa amin habang natutulog ako dala ng kalasingan. Hindi ko rin naman maramdaman ang pananakit ng ibaba ko kaya naniniwala ako sa sinabi niya.

Matagal ko na siyang kilala. Nabanggit din sa akin ni Madison na may isa raw kaming kaklase sa isang laboratory subject namin na may gusto sa 'kin. Kahit hindi ni Madi ituro kung sino, alam ko na simula pa noong lumapit sa akin si Drevor para kunin ang number ko. May hitsura naman siya, anak mayaman, malinis sa katawan, maganda ang hubog ng katawan ngunit ang ayoko sa kaniya ang kainosentehan na nakabalot sa buong pagkatao niya.

Pakiramdam ko kapag nasa tabi ko siya kaunting kibot magkakasala na ako. Tulad ngayon, habang nasa harap ko siya nagmamakaawa patong-patong na bigat sa dibdib ko ang nararamdaman ko.

Ngunit marahil nang mapagtanto niya na wala ring saysay ang pagmamakaawa niya. Naglakad na siya palayo. "Ihatid na kita," aniya.

"Hindi na," agad na tanggi ko.

"Ako ang nagdala sa 'yo rito kaya dapat lang na ihatid kita." Nagsuot muna siya ng boxer shorts at jeans.

Kahit pala sino'ng lalaki ang maghubad sa harap ko ay walang epekto sa sistema ko. Sanay na kasi akong makakita ng hubad na katawan, kaya kahit pakitaan ako ng espada hindi ako basta-basta tatablan ng tukso.

Pero sa isang tao siguro baka nauna pa akong tumalon sa giyera ng dala ay wala kahit ano kapag iyon ang nagmakaawa sa akin. Napakagat ako ng ibabang labi dahil pakiramdam ko nag-iinit ang magkabilang pisngi ko.

"Are you feeling sick?" tanong ni Drevor sa akin nang makalapit siya. Nang akmang hahawakan niya ang mukha ko ay agad kong iyon na pinigilan.

"I'm fine," sagot ko nang hindi na siya tinatapunan ng tingin.

Nauna na akong maglakad palabas ng hotel suite niya.

"Gusto mo bang magkape muna? May alam akong coffee shop na malapit," wika ni Drevor habang nasa loob kami ng elevator.

"Hindi na, salamat," tipid na sagot ko.

Muling namayani ang nakabibinging katahimikan sa pagitan namin. Iyon ang gusto ko, kapayapaan.

"Lunch? Baka gusto mong mag-early lunch?"

Salubong ang kilay nang balingan ko siya. "Drevor, please. Ayokong paasahin ka, you deserve better. Stop wasting your time over someone like me."

"Hindi ka aksaya ng oras sa 'kin Aniela. Hindi ako agad susuko, saka hindi mo pa ako lubusang nakikilala. Bigyan mo lang ako ng chance para maipakilala ang sarili ko sa 'yo."

Napamaywang na ako dahil pakiramdam ko para akong nakikipagtalo sa isang batang paslit na nangungulit na bigyan ko siya ng candy.

"Eh, ako ba? Kilala mo ba ako?" sarkastikong tanong ko.

Bahagyang napangiti naman siya. Ang cute pala niya kapag ngumiti, ngayon ko lang napansin. Karaniwan kasing napapalibutan siya ng mga kapwa naming kaklaseng babae kaya wala akong ideya na ganito pala siyang ngumiti.

"You're Aniela," aniya.

Umismid ako. "Syempre, ako si Aniela."

Lumabas na kami ng elevator at nauna naman siyang maglakad akin para salubungin ang isang bell boy na humahangos na lumapit sa kaniya.

Nakatayo ako sa isang sulok habang inililibot ang paningin sa kabuuan ng lobby. Ngayon ko natiyak kung gaano kayaman ang isang Drevor Sebastian.

Ilang sandali lang ay hinawakan ako ni Drevor sa kamay. "Aniela..." pukaw niya ng atensyon ko.

Saka ko napansing nakaparada na sa labas ang sasakyang pinakuha niya kanina. Walang imik na lumulan ako nang pagbuksan niya ako ng pinto. Gusto ko na talagang umuwi at maligo. Naglalagkit na rin kasi ang buhok ko. Naaamoy ko pa ang booze na ininom ko kagabi kaya hindi nakakapagtaka na agad akong nawalan ng malay. Kulang na lang kasi ay gawin kong tubig iyon.

Tila nag-slow motion ang lahat sa akin nang may unti-unting napagtanto. Sa isang iglap biglang nag-flash sa alaala ko ang mga nangyari nang nagdaang gabi.

Napasinghap ako nang manariwa sa memorya ko na umiikot na noon ang paningin ko pero nagawa ko pang makahingi ng panibagong shot ng booze. Gumuhit sa lalamunan ko ang init na dala niyon bago mahapo-hapo na idinikit ang baso sa pisngi ko. Kung hindi ako nagkakamali may mga salita akong binigkas ng gabing iyon habang bukas ang linya ng call sa cellphone ko.

Mabuti kong inalala ang pangalang nakarehistro sa screen ng cellphone ko at laking pagkagimbal kong pangalan ni Samuel ang nakalagay.

"What do you think Aniela? Magkape muna tayo bago kita ihatid sa inyo?" biglang wika ni Drevor habang nakatuon ang mga mata sa daan.

"No, you have to send me home, as soon as possible."

Kalauna'y bumigay din siya at hindi na muling nagsalita. Wala na rin naman akong lakas ng loob para i-entertain pa iyon dahil binalot na ang puso ko ng matinding takot. Para bang katapusan na ng mundo ko habang tumatagal na hindi ako nakakauwi ng bahay sa lalong madaling panahon.

Dinukot ko ang cellphone na nasa loob ng backpack ko. Sinigurado kong hindi lamang iyon dala ng imahinasyon ko na tinawagan ko si Samuel.

“Aniela, sa dinarami-rami ng puwede mong tawagan habang lasing ka. Si Samuel pa!” sermon ng munting tinig sa isip ko.

Napamura ako nang tumunog ang hawak kong cellphone. May text message akong natanggap galing iyon kay Madison.

“How's your hot night with our hottest classmate? You even called your Kuya Samuel last night telling him that you're about to give your virginity to someone.”

Tumirik ang mga mata ko at lihim na nagdasal na sana hindi naniwala si Samuel sa mga pinagsasabi ng intoxicated na ako. Lasing ako kaya hindi ko alam ang ginagawa ko.

Nagmamadaling bumaba ako ng sasakyan. Bababa rin sana niyon si Drevor pero agad ko siyang pinigilan.

Hindi ko na nahintay ang sasabihin niya dahil patakbo kong tinungo ang pinto ng bahay. Dahan-dahan kong pinihit ang seradura ng pinto, katahimikan ang sumalubong sa akin nang pumasok sa loob. Rinig na rinig ko tuloy ang malakas na kabog ng dibdib ko.

"Breakfast is ready," pumailanlang sa loob ng tainga ko ang baritonong boses na iyon ng lalaking ayoko sana munang makita sa pag-uwi ko.

Nangangatal na maging ang labi ko nang mahagip ng paningin ko ang bulto ng isang katawan na nakaupo ngayon sa dining area.

Tumayo si Samuel at dinampot niya ang attache case na nasa ibabaw ng mesa.

"Let me explain..." usal ko.

Nag-angat siya ng paningin upang salubungin ang mga mata kong nakatitig sa kaniya.

"For what? Ang akala ko ba ayaw mo'ng nagpapaliwanag?" nagtatakang tanong niya.

Nakagat ko ang ibabang labi nang manaig sa sistema ko ang kalamigan sa boses niya.

"No, no. Please let me explain Kuya Samuel, kahit ngayon lang. Pakinggan mo ang paliwanag ko."

Tumindig siya sa kaniyang kinatatayuan tanda na wala na siyang oras at wala ang interes niya na malaman ang sasabihin ko.

"Walang nangyari sa 'min ni Drevor," pag-amin ko.

Nilamon ng nakabibinging katahimikan ang pagitan naming dalawa. Hindi ko naman maiangat ang mga mata ko upang tingnan siya. Wala akong karapatang gawin iyon lalo't sa pagkakataong ito ako ang tunay na may kasalanan.

"Is that an explanation for you?"

Napamaang ako sa narinig mula sa kaniya.

"Hindi ka umuwi kagabi, naglasing ka magdamag, binantaan mo akong oras na puntahan kita maglalayas ka at hindi na magpapakita. Tiniis ko buong gabi na hindi ka hanapin dahil baka mawala ka na naman and yet an explanation you will give me is that you did not have sex with anyone?"

"Pero 'yon ang totoo. Walang nangyari sa 'min."

"Aniela, hanggang kailan mo ba ako pahihirapan? You became so liberated, hindi naman kita pinalaki ng ganyan habang nasa poder kita."

Liberated? Nagpanting yata ang tainga ko sa narinig dahil iyon ang hindi ko basta kayang tanggapin na sabihin niya sa akin. Samantalang lahat ng ipinag-uutos niya ay walang pag-aalinlangan kong sinusunod dahil ganoon kataas ang respeto ko sa kaniya.

"Hindi na ako bata," mahinang usal ko.

Narinig kong marahas na bumuntong-hininga siya. "Oo, tama hindi ka na bata. Kaya naman hindi mo na ako kailangan?"

"Wait, what? Hindi 'yon ang ibig kong sabihin!"

"Ano ba ako sa 'yo Aniela? You never listen to what I say."

"I always listen. Sinusunod ko ang lahat ng gusto mo."

Pero nilagpasan niya lang ako na parang wala ako roon.

"I'll be moving today."

"What? Dahil ba sa nangyari ngayong gabi?"

"No, it's not about that."

"Then, why are you leaving me?!" Nagsimulang mangilid ang mga luha ko.

Maging siya ay natigilan nang makitang lumuluha na ako.

"Sige, umalis ka. Lahat naman kayo iniiwan ako!"

"Aniela..." Agad akong lumayo nang akmang lalapitan niya ako.

Pinukol ko siya ng masamang tingin. "Wala ka ring pinagkaiba sa pamilya kong tumalikod sa 'kin! Lahat kayo gusto akong iwan!"

"Aniela, it's not what you think..."

Ten years ago, my father was convicted for homicide while my mother was put into a mental institution. Lumayas ang nag-iisang kapatid ko at nagtago-tago dahil sa takot na madamay siya sa kasalanan ng mga magulang namin. Kaya ako lang ang natira sa bahay na ang buong akala ko ay walang kahit ano'ng sisira.

Mapait na napangiti ako kahit tuloy-tuloy na bumabagsak ang mga luha ko sa mga mata.

"Sana hindi ka na lang nangako kung aalis ka rin tulad nila..."

***

Ten years earlier...

"MGA salot kayo!" Napakislot ako sa aking kinatatayuan sa malakas na boses na iyon ni Aling Hilda habang nakaduro sa akin.

"Pamilya kayo ng mamamatay tao!" sigaw ni Mang Kanor sa hindi kalayuan bakas ang takot sa mukha.

"Bakit naiwan pa 'yang batang 'yan? Baka bukas makalawa patayin na lang niya ang mga anak natin!"

"Anak 'yan ng mag-asawang Anton at Farah, siguradong nagmana rin 'yan sa mga magulang niya. Ang balita ko nga ay pinagmamalupitan din ng Ate Frixie niya si Frexa, kaya habang bata pa ay paalisin n'yo na 'yan sa bayan natin!"

Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko habang yakap-yakap ang bag ko. Kauuwi ko lang galing ng paaralan dahil pinauwi ako ng maaga ng titser ko sa hindi malamang dahilan. Agad na tumambad sa akin ang kumpulan ng mga kapitbahay namin sa harap ng bahay. Masasama ang mga tinging ipinukol nila sa akin na animo'y ano mang oras ay handa nila akong sugurin.

Nanginginig ang mga binti ko sa matinding takot habang nagkukubli ako sa gilid ng bakod ng tahanan namin.

"A—Aling Hilda, hindi po totoo ang sinasabi n'yo. Hindi po mamamatay tao ang mga magulang ko...." nauutal kong sabi.

Nagsalubong ang kilay nito sa narinig mula sa akin. Nanguyapit ako sa puwesto ko nang humakbang ito palapit sa akin at saka ako hinawakan sa braso.

Umalpas sa mga labi ko ang malalim na singhap nang manuot ang sakit niyon.

"Mga salot kayo, magsilayas na kayo rito at baka mahawa pa ang mga anak namin sa kademonyohan ng pamilya n'yo!" bulyaw niya sa mukha ko.

Nagsimulang mangilid ang mga luha ko sa lakas ng pagkakatulak sa maliit kong katawan ay napaatras ako dahilan upang masira ang kahoy na bakod. Nangangatal ang mga labi ko sa pagkahindik dahil hindi ko inaasahan na magagawa nitong saktan ang tulad ko na napakabata. Walang kahit sino'ng naglakas ng loob upang awatin si Aling Hilda nang akmang muling lalapitan nito ako. Mabilis na kumilos ako para maitayo ang sarili natatakot na maaaring may matindi pa itong magagawa sa akin.

Tinakbo ko ang bahay at agad na isinara ang pinto. Isinara ko rin ang lahat ng bintana. Inilibot ko ang buong paningin sa buong kabahayan tinitiyak na wala ng kahit sino'ng nakasunod sa akin. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ang tsinelas ni Ate Frixie kaya tiyak akong naroon siya sa loob at tulad ko'y nagtatago.

"Ate Frixie!" tawag ko sa kaniya.

Hinanap ko agad sa loob ng bahay ang nakatatanda kong kapatid subalit laking gulat ko na imbes na siya ang makita ko, tumambad ang mga nagkalat na damit sa sahig.

Nakagat ko ang ibabang labi nang mahagip ng paningin ko ang papel na nakapatong sa mababang mesa sa silid niya. Damang-dama ko ang pagbagal ng tibok ng puso ko nang lapitan iyon.

Hindi pa man nababasa ang nakasulat ay tila pinagsakloban na ako ng langit at lupa. Papel iyon na nakasulat kung saan ko matatagpuan ang kapatid pati ang pera na maaari kong magamit.

Doon bumagsak ang malulusog kong luha at nagsimula akong humikbi. Umalis siyang hindi ako sinasama.

Tuluyang bumigay ang mga tuhod ko. "A—Ate..." usal ko sa pagitan ng pagluha.

"Lumayas na kayo rito sa bayan ng San Agustin! Mga salot kayo!" Rinig kong sigaw ng mga tao sa labas ng bahay.

Napaigtad ako nang mayamaya'y pumailanlang ang sunod-sunod na hampas sa pinto.

"Magsama-sama kayong buong pamilya na mga salot sa impyerno!"

Balot ng matinding takot hindi ako kumilos sa puwesto ko na yakap ang mga maliliit kong binti. Iniwan na ako ng lahat, si Tatay at Nanay may kumuha sa kanilang dalawa kahapon wala akong ideya kung saan sila dinala. Ang huling nakita ko lang noon ay umiiyak si Ate Frixie habang galit na galit.

"‘Tay, ‘Nay, natatakot si Aniela..." usal ko. Nanginginig ang buong katawan ko sa isang sulok. "Bakit n'yo po ako iniwan? Takot si Aniela mag-isa..."

Ang dating nakasanayan kong tahanan na may kompletong pamilya ay tila naging isang disyerto. Tila sa isang iglap naglahong parang bula ang dati niyon na sigla.

Piping nagdasal ako na may mag-alis sa akin sa bangungot na nangyayaring ito.

Kinaumagahan sinubukan kong maging normal pa rin ang lahat. Gumising ako ng maaga tulad ng karaniwan kong ginagawa. Isinuot ko ang uniporme na pampasok.

Pilit na ngumiti ako sa salamin kahit mugtong-mugto ang mga mata ko kaiiyak buong magdamag.

Nakangiti akong naglakad sa labas na animo'y walang nangyari. Binabati ang mga kapitbahay na kung umilag sa akin ay mistulang may nakahahawa akong sakit. Masama ang tinging ipinupukol ng karamihan ang iba nama'y awa.

Ngunit tiniis kong lahat iyon, wala akong ibang hangad kung hindi maging tulad ng dati.

"Hoy, salot!" Hindi ko sana lilingunin ang batang iyon na alam kong kanina pa nakasunod sa akin. Subalit natigilan ako nang maramdamang may matigas na bagay na hinagis sa likod ko. "Ang kapal naman ng mukha mong magpakita pa sa amin! Sabi ng mama ko pinatay daw ng papa mo ang anak ng dating mayor ng San Agustin at binalak naman patayin ng mama mo ang apo. Mamamatay tao kayo!"

Tila ilang libong karayom ang tumutusok sa puso ko habang pinakikinggan ang bagay na iyon. Pero batid kong walang katotohanan ang mga bagay na iyon, mabait ang ama ko kaya hindi niya magagawang pumatay ng tao.

Nagsimulang maglakad muli ako, pero hindi pa man nakalalayo may humarang sa daan ko. Inangat ko ang paningin upang makita kung sino iyon. Si Mark, dati kong matalik na kabigan.

Gumuhit sa mga labi ko ang isang munting ngiti na makita siya. Tiyak na tutulungan niya akong itaboy ang mga batang naghahagis ng bato sa akin.

"Mark..." Ngunit laking gulat ko nang itulak niya ako kaya natumba ako. "M—Mark?" Umawang ang mga labi ko sa labis na kalituhan sa ginawa niyang iyon. Hindi ko maintindihan.

"Salot kayo!" bulyaw niya sa mukha ko.

Wala na akong nagawa nang magtipon-tipon ang mga bata na lapitan ako at pagtatadyakan. Napahawak na lang ako sa ulo ko upang maprotektahan iyon. Iyak na ako nang iyak nagmamakaawa na tigilan na nila ako. Nanunuot ang bawat sakit sa ginagawa nila subalit wala naman akong ibang magawa para awatin sila.

Ilang sandali ang lumipas saka lamang dumating ang mga magulang ng mga dati kong kalaro. Nanlalabo ang mga matang pinanood ko ng hatakin ang mga bata palayo sa akin.

"Sabi ko na sa inyo! Salot ang batang 'yan, tingnan n'yo! Naiimpluwesyahan n'ya ang mga anak natin para maging masamang tao!"

"Kapag wala pang ginawa ang baranggay ilagay na natin sa kamay ang batas, marapat lang na walang pamarisan ang pamilya nila!"

Pero, wala naman akong ginagawang masama. Ni hindi ko nga maitayo ang sarili mula sa pagkakasadlak sa lupa. Wala na rin akong lakas na ibuka ang bibig upang magsalita.

Walang kahit sino'ng lumapit para tulungan ako maski na itayo. Naghintay ako subalit walang tumulong sa paslit na batang tulad ko. Pilit na itinayo ko ang sarili at ika-ikang dinampot ang bag ko na nagkalat ang mga laman. Isa-isa kong pinulot ang mga notebook ko na nadumihan na matapos tapak-tapakan. Marumi na rin maging ang suot kong puting uniform.

Hindi ko na masyadong makita ang nilalakaran dahil hindi ko na maimulat ang isang mata.

Ngunit kailangan ko ng magmadali dahil siguradong huli na ako sa klase. Mayamaya lang sigurado akong magiging okay din ang lahat. Babalik sa dati na parang magic.

Naniniwala ako na panandalian lang ang mga ito. Mapait na napangiti ako habang tinatahak ang daan patungo sa paaralan hindi alintana ang mga pandidiring tingin na natatanggap ko.

"M—magandang umaga po Aling Lorna..." nauutal kong bati sa ina ng isa sa mga kaklase ko na nasalubong ko noong umagang iyon.

Ngunit inirapan niya lang ako. Tila isa lamang akong basurang iniiwasan ng lahat.

Napatigil ako sa paglalakad ng sa ikalawang pagkakataon ay muling may humarang sa daraanan ko. Kusang kumilos ang mga kamay ko upang iharang sa sarili ko. Kahit balot ang mga iyon ng galot at sugat sa nangyari kanina. "Pakiusap ‘wag n'yo po akong sasaktan..." pagmamakaawa ko.

Ngunit namayani ang sandaling katahimikan na walang ano man ang nangyayari sa akin. Nang iangat ko ang mukha para makita ang taong iyon. Bumungad sa akin ang magandang mukha ng isang lalaki subalit takang-taka ako sa nakarehistrong poot sa mga iyon.

Marahil may galit din siya sa pamilya ko. Masyado siyang malaki kung sakaling bigla niya akong saktan baka wala akong magawa lalo pa ngayong nanghihina ang mga tuhod ko. Dahil matagal na nakatayo ay hindi ko na rin kinaya ngunit bago ko matagpuan ang sarili nakahandusay sa lupa.

May mainit na kamay ang agad umalalay sa akin. Mainit iyon at naghatid sa buong sistema ko ng kapayapaan.

Naglahong parang bula ang kaninang poot sa mga mata ng estranghero napalitang iyon ng awa at malasakit.

Ang pakiramdam ng kaligtasan ang lumukob sa puso ko nang buhatin niya ako at yakapin. Hindi ako umangal. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata.

***

Special Mention: Thank you @servilariclemie!

Kaugnay na kabanata

  • Aniela's Plea   Kabanata IV

    Kabanata IV"I'M sorry..." Tinitigan ko sa mga mata si Samuel. He was hurting just like me, sapagkat saksi siya noong mga panahon na hindi ko alam kung paano bumangon nang mawala na sa akin ang lahat.Niyakap niya ako at agad naman akong gumanti. Hindi ko na matandaan kung kailan ang huling beses na humantong kami sa ganitong estado na kapwa nasasaktan. Hindi rin naman lingid sa kaalaman ko na ako ang palaging may dahilan niyon at wala pa ring humpay na ginagamit ko ang pangako niya noon."A-Aalis ka pa rin ba?" nauutal kong tanong habang humihikbi sa bisig niya.Hinaplos niya ang pisngi ko upang alisin ang mga luhang naroon. "No," tipid na sagot niya.Sa halip na agad magbunyi, tinanggap ko ang sagot niyang iyon bilang salitang walang katumbas na kahulugan. Balang araw ay iiwan niya rin ako, magkakaroon siya ng pamilya at doon na matutuon ang atensyon niya. Mawawala na ako sa isipan niya at magigin

    Huling Na-update : 2021-04-09
  • Aniela's Plea   Kabanata V

    Kabanata VUMAWANG ang mga labi ko nang matiyak na mantsa nga ng lipstick ang nasa pisngi ni Samuel. Parang gusto ko na lang himatayin sa sobrang galit na nararamdaman.Ngunit pilit kong itinago sa matamis kong ngiti ang selos na lumulukob sa buong pagkatao ko. Hindi ko magawang makatingin sa kaniya ng deretso dahil batid kong oras na gawin ko 'yon mag-aaway lang kami.Mayamaya'y may mainit na kamay na humawak sa likod ko. Napapitlag ako sa gulat. Nang mag-angat ako ng tingin ilang dipa lamang ang layo ng mukha niya sa akin. "Let's go," anang niya sa nagmamadaling tono ng boses."Where?" nagtatakang tanong ko."I just can't take it anymore."Napakunot-noo ako sapagkat hindi ko maintindihan ang huli niyang sinabi.Lumiko kami sa isang pasilyo

    Huling Na-update : 2021-04-13
  • Aniela's Plea   Kabanata VI

    Kabanata VISamuel"HOY, hindi tambayan ang condo ko ng mga Mandragon. Umuwi ka na, doon ka sa bahay mo magmukmok!" sigaw ni Joseph habang hinahampas ng unan ng couch ang likod ko.Unti-unti kong minulat ang mga mata, naulingan kong nakatayo sa harap si Joseph habang masama ang tinging ipinupukol sa akin. Bumangon ako at sumandal sa couch kung saan ako nakatulog kagabi. Nagkalat sa carpet na sahig ang mga walang laman ng alak na ininom ko buong gabi.Kahit kumikirot ang sentido ay nagawa kong tumayo para kunin sa hindi kalayuan ang cellphone ko."Pre, kung nag-away kayo ni Aniela. Hindi naman puwedeng palagi ka lang sa bahay ko tumatakbo para magtago-tago," reklamo ni Joseph nang sundan ako.Hinayaan kong bukas ang pinto ng banyo nang maghilamos ako. Ngunit nahagip pa rin ng paningin ko nang sumandal siya sa gilid ng pintuan."Aren't you going to say any

    Huling Na-update : 2021-04-28
  • Aniela's Plea   Kabanata VII

    Kabanata VIISamuelLIHIM na nakamasid ako sa hindi kalayuan sa isang pamilyar na pigura ng babaeng ang buong akala ko ay matagal pa bago kami magkita. Napalagok ako ng laway habang pilit ikinukubli ang presensya ko na baka mapansin ni Aniela.Napakalakas ng musika ng naturang club kaya duda rin akong mapapansin niya ako mula sa kinatatayuan ko. Hindi ko maiwasang maiyukom ang mga kamay, heto na naman ang bumabangong inis sa loob ko. Ayoko mang aminin sa sarili ko subalit tama ang hinala ni Joseph sa maaaring kahantungan ng lahat oras na malaman ni Aniela ang nangyayari.Mariing napapikit ako. Wala siyang ideya na nasa bingit ng panganib ang buhay niya, and I'm afraid sticking with her would only make the situation more worse.Napapiksi ako nang makitang may dalawang lalaking lumapit sa kaniya at maupo sa dalawang bakanteng stool. Doon ako naalerto upang lumapit.

    Huling Na-update : 2021-05-25
  • Aniela's Plea   Kabanata VIII

    HINDI nga ako nagkamali, hindi pa man tuluyang nakapagpapalit ng damit. Suot ko pa noon ang scrub suit ay bigla na lamang akong pinatawag sa nursing head office.Kakatok pa lang sana ako niyon nang biglang bumukas ang pinto. "Mabuti hindi ka pa nakakauwi Nurse Villaruiz," nakangiting bungad sa akin ng head nurse.Inuwestra niya ang isang bakanteng couch sa tapat ng table. "Please, have a seat," aniya habang hindi pa rin naalis ang ngiti sa mga labi.She looked disoriented when she suddenly remembered something. "Oh, I forgot. May gusto ka bang inumin, I'll get it for you, softdrinks? Iced tea? Coffee?"Doon na ako kintuban na may kakaiba. Being called by the head nurse is something I never thought would happen this soon. Isa lang naman akong nursing student at unang araw ko ngayon."Snacks? Tamang-tama dinner na, baka nagugutom ka na Miss Villaruiz," aniya.

    Huling Na-update : 2021-05-25
  • Aniela's Plea   Kabanata IX

    TULAK-TULAK ang wheelchair ni Estevan ay nagtungo kami sa rooftop ng ospital.Nang makarating, inalalayan kong makatayo siya upang mahawakan ang gilid. "Thank you," aniya habang nakatitig lang sa akin.His knees were trembling when I removed my hands supporting him. Hinayaan ko lamang siya habang pinapanood na pilit na ihakbang ang mga paa."Narinig kong naaksidente ka raw," biglang wika ko.Binalingan niya ako. "Yeah, it was my carelessness why this happened to me," nakangiting sagot niya."I see. Pwede ko bang sabihin, buti nga sa 'yo?"Naglahong parang bula ang mga ngiti niya sa labi ng marinig iyon mula sa akin."If you're still mad, just tell me. Alam kong galit ka dahil sa nangyari kanina.""I'm glad you know. Kahit sino naman ay magagalit kapag nalaman nilang may isang taong hindi nila kilalan

    Huling Na-update : 2021-05-25
  • Aniela's Plea   Kabanata X

    "AS far as I know, his mother died when he's only ten years old. Kaya hindi na ako nagtataka why he's acting like that, well in fact, even his own father doesn't give a damn on his own child..." saad ni Madison habang nasa cafeteria kami ng ospital. Isang linggo na ang nakararaan ng magsimula ang residency niya kung saan ko kinukuha ang clinical training ko. Bumara yata sa lalamunan ko ang kinakain na excited pa naman ako nang malamang adobo ang ulam ko. Tinungga ko ang isang basong tubig bago sinulyapan sa tabi ko si Madison na payapang kumakain ng vegetable salad na halos kalahating oras na ay hindi pa rin niya maubos-ubos. Hindi ko alam kung ano'ng dapat na isipin nang marinig ang bagay na iyon dahil sa totoo lang wala naman sana akong problema kung hindi ako naging assisting nurse ni Estevan. Sa tingin ko nga kahit hindi na siya manatili sa ospital kaya niyang gawin ang mga physical therapy niya sa bahay. Ngunit hindi nakaligtas ang katotohanan sa 'kin. E

    Huling Na-update : 2021-05-25
  • Aniela's Plea   Kabanata XI

    Kabanata XNAIYUKOM ko ang mga kamay habang pinagmamasdan ngayon ang sinapit ng isa sa mga tauhang inatasan ko sa pagbabantay kay Aniela.I looked helplessly to Mang Ren's daughter who kept on crying ever since she heard that her father was brought to a hospital because of an encounter.Kung hindi pa rin titigil si Ginoong Romuel sa mga plano niya na gantihan ang pamilya ni Mang Anton sa nangyari ilang taon na ang nakararaan, wala akong pagpipilian kung hindi isiwalat ang lahat kahit kapalit niyon ay napalaking bagay. I couldn't take this anymore seeing my people get hurt and I'm afraid this terrible thing may also happen to Aniela if I didn't tell her everything.Plano kong itago sa kanya ang lahat pero kung walang magbabago kahit na layuan ko si Aniela at panatilihin siyang ligtas sa likod ng anino ko, mawawalang saysay ang lahat.I miss Aniela. We've been together for ten years... sa isang iglap kinailangan ko siyang talikuran

    Huling Na-update : 2021-05-25

Pinakabagong kabanata

  • Aniela's Plea   Extra V

    Extra III"MAGANDANG umaga ho!" bati ni Aniela sa maghahatid sa kanya sa school. Labingdalawang taong gulang na siya at nasa first year highschool na. Napakalaki ng ipinagbago niya nang magsimulang magdalaga.Bagay na bagay sa kanya ang suot na uniporme at paldang umaabot lamang hanggang tuhod. Nakalugay ang buhok na mamasa-masa pa dahil hindi na nagawang mapatuyo dahil tinanghali na siya ng gising, sa sobrang kaba kasi niya kaiisip tungkol sa unang araw niya sa pagiging highschooler nakalimutan na niyang ipikit ang mga mata.Sa katunayan, halos tatlong oras lang ang tulog niya. Pero hindi mahahalata dahil sa baby face pa ring mukha.Agad siyang lumulan ng sasakyan na nakaparada sa labas lamang ng tinutuluyang bahay kung saan ay kasama si Samuel.Mayamaya'y lamang ay kasabay ring lumabas si Samuel habang ang suot naman ay simpleng polo at maong pants."Lalong gumaganda si Ma'am Aniela, 'di na ako magugulat kung maraming lalaki ang manliligaw sa ka

  • Aniela's Plea   Extra IV

    TINUPAD ni Tito Rucio ang pangakong tutulong siyang mabuo muli ang pamilya ko. Hindi naman nito iyon responsibilidad, pero lubos-lubos ang pagpapasalamat ko.Katuwang ang anak na si Samuel, agad kaming naghanap ng malilipatang bahay. Pinili ko kasing manirahan na lamang ang mga magulang ko sa syudad. Lubos akong natutuwa na matapos ang ilang taon ko na pag-iipon upang makapagpundar ng sariling bahay ay nagamit ko na.Dinagdagan lang 'yon ni Samuel para sa mga ibang appliances na kakailanganin ng mga magulang ko para maging komportable sila.Tahimik, payapa at malayo sa mga mapangbuskang mga tao. Iyon ang gusto kong lugar kung saan sila mamumuhay na dalawa. Kahit unti-unti nang nakalilimutan ng nanay ko ang sariling pamilya nang lumala ang kanyang dimentia. Wala akong nagawa kung hindi umiyak nang umiyak sa bisig ni Samuel.Napakabigat ng dibdib ko sa tuwing sasagi sa isip ko ang mga taon na nasayang at mga panah

  • Aniela's Plea   Extra III

    PINAMULAHANAN ako ng mukha. "Alam na rin ba ni Tita Sophia?" halos pabulong ko nang tanong."Yeah. Even Ate Sera knows it."Gusto ko mang sumabog sa pagkahiya. Parang nanariwa sa akin na animo'y normal lamang kanina ang naging pag-uusap namin ng pamilya niya."I can't tell if they were mad about me...""Why would they?"Binalingan ko siya. Parang hindi siya apektado ng balitang 'to at wala mula sa kahit sino sa kanila ang negatibo ang reaksyon.Kaya nagduda na naman ako kung panaginip lang itong lahat.Muling nagbadyang maluha ako. Ayokong magising na panaginip lang lahat at hindi totoong pinangakuan ako ni Samuel.Sunod-sunod ang pagtikhim ang narinig ko na kapwa pumukaw ng atensyon ko at ni Samuel.Madilim ang anyo ng mukha ni Tito Rucio nang makita ang namumugto kong mga mata. Nakita kong umigting ang panga niya at ano mang oras ay handa ng ambahin ng suntok ang lalaking nasa tabi ko. Matalim ang tinging ipinukol niya sa anak

  • Aniela's Plea   Extra II

    ***continuation

  • Aniela's Plea   Extra I

    Extra I

  • Aniela's Plea   Kabanata XXI

    UNTI-UNTI kong iminulat ang mga mata. Nagtaka ako nang makita ang Ate Frixie ko na iyak nang iyak habang hawak ang kamay ko.Bumakas ang gulat sa mukha niya nang makitang gising ako.“Aniela!” bulalas niya. Dali-dali siyang tumakbo palabas ng silid kung nasaan ako. Wala akong nagawa kung hindi sundan lamang siya ng tingin.Mayamaya'y inilbot ko ang paningin. Puting-puti ang buong lugar at naiiba lamang ang kulay ng kurtina. Kulay beige kasi iyon kaya nakapupukaw ng pansin.Binalak ko sanang tumayo nang mahagip ng paningin ko ang nakatusok sa likod ng kamay kong iv fluid. Gusto ko sanang matawa dahil kung dati-rati ay ako ang naglalagay niyon sa pasyente pero ako ngayon ang mayroon n'on. Nang maisipan kong tanggalin 'yon, napangiwi ako nang makitang naka-cast ang isa kong braso.Kaya napagtanto kong totoo ang lahat ng nangyari. Hindi 'yon panaginip.Pero may isang bagay akong naalala na gusto kong matiyak na totoo mula sa mga natunghayan kong nangy

  • Aniela's Plea   Kabanata XX

    Kabanata XXNANG magising kaninang umaga masakit man

  • Aniela's Plea   Kabanata XIX

    ILANG sandaling natahimik ang ama ko bago tumikhim. "Ngayon lang kami nakapag-usap ng anak ko at ngayon niya lang din nabanggit sa akin na nakapag-propose na siya kagabi. I'm really sorry to say that Aniela is now part of my family."Napatitig sa akin ng ilang segundo si Mr. Caleb. "My son really likes her..." anito sa mababang boses."She likes me Mr. Caleb David, and I love her. We already settled everything last night. If you want I can invite you and your son for my upcoming wedding... or should I call you Ravier Calbrieto?" Tumalim ang mga mata kong nakatingin sa kanya. "Pero sa tingin ko ay hindi na kailangan pa dahil bago dumating ang araw na 'yon ay sisiguraduhin kong mabubulok ka na sa kulungan..."Gumuhit ang nakatatakot na ngiti sa mga labi niya. Kahit labis na naguguluhan sa tunay niyang pakay at base pa lamang sa reaksyon niyang hindi man lang kinakaila ang pagtawag ko sa kanya sa pangalang iyon, lalo ko lang napatunayang siya ang nasa likod

  • Aniela's Plea   Kabanata XVIII

    Kabanata XVIIISamuel

DMCA.com Protection Status