Kabanata V
UMAWANG ang mga labi ko nang matiyak na mantsa nga ng lipstick ang nasa pisngi ni Samuel. Parang gusto ko na lang himatayin sa sobrang galit na nararamdaman.
Ngunit pilit kong itinago sa matamis kong ngiti ang selos na lumulukob sa buong pagkatao ko. Hindi ko magawang makatingin sa kaniya ng deretso dahil batid kong oras na gawin ko 'yon mag-aaway lang kami.
Mayamaya'y may mainit na kamay na humawak sa likod ko. Napapitlag ako sa gulat. Nang mag-angat ako ng tingin ilang dipa lamang ang layo ng mukha niya sa akin. "Let's go," anang niya sa nagmamadaling tono ng boses.
"Where?" nagtatakang tanong ko.
"I just can't take it anymore."
Napakunot-noo ako sapagkat hindi ko maintindihan ang huli niyang sinabi.
Lumiko kami sa isang pasilyo at natagpuan ko na lamang ang sariling nakatayo sa labas ng comfort room ng mga babae. Nilingon ko sa hindi kalayuan si Samuel na bakas ang pagkailang at hindi makatingin sa akin ng deretso.
"I saw Serene earlier," aniya.
Bumakas ang gulat sa mukha ko nang marinig na nagkita sila ni Serene. Napamaang ako nang may mapagtanto. "Si Serene ba ang kasama mong babae kanina?" gulat na tanong ko.
Maging siya ay nagulat sa reaksyon ko. "Kaya ba umalis ka sa lugar na sinabi kong manatili ka?"
"Malamang sinundan kita, I should be the one sticking with you."
Iiling-iling siyang itinuro ang inabot niya kaninang paper bag sa akin. "Okay, mamaya na tayo mag-usap. Magpalit ka na muna ng damit."
"Am I that terrible in this dress?"
"Please, Aniela..."
Ngunit humakbang ako paatras at bastang hinatak siya sa isang sulok.
"Look at me again, do I look terrible wearing this dress?" I asked desperately.
Halos ipangalandakan ko ang sariling tingnan niya muna ako sa suot ko. Baka kasi hindi na ako magkaroon ng pagkakataon na maipakita sa kaniya ang alindog ng itinuturing niya pa ring bata hanggang ngayon.
Ngunit nakaiwas ang mukha niya. Imbes na ma-offend, gumuhit sa mga labi ko ang isang mapaglarong ngiti at tinanggal ang coat niya na ipinasuot sa akin. Lumayo ako ng ilang hakbang mula sa kaniya.
Napukaw niyon ang atensyon niya kaya natuon na ngayon ang mga mata niya sa akin.
Umikot ako upang makita niya ng malinaw ang kabuuan ko. "Sabihin mo, hindi ba bagay sa akin?"
I forehead furrowed in disbelief
Sa isang iglap natagpuan ko ang sariling nasa loob na ng comfort room. Padabog ko na lamang ni-lock ang cubicle habang nagngingitngit sa matinding galit. Tatandaan ko ang ginawang ito sa akin ni Samuel!
Kahit iukit ko pa iyon sa ilang daan na bato para hindi ko makakalimutan!
Baka hindi lang talaga para sa akin ang dress na ibinigay niya.
Bagsak pareho ang balikat nang lumabas ako ng cubicle ngunit nagtaka akong wala si Samuel sa labas na ang buong akala ko'y hinihintay niya ako. Inilibot ko ang paningin at nakitang nakabukas ang isang exit door sa hindi kalayuan. Agad kong tinungo iyon subalit natigilan ako ng marinig ang boses ni Samuel na kasalukuyang may kausap sa cellphone.
Nanatili akong nakatayo at hindi pumapasok sa loob niyon.
"You bastard. Paano mo 'to nagawa sa 'kin? Ang buong akala ko tutulungan mo 'ko." Rinig kong inis na sabi ni Samuel sa kausap.
"Yes, tinulungan nga kita. Masyado ka naman kasing halata pinsan, at least alam mo ng naaapektuhan ka sa kaniya. Kaya sa susunod mas magiging aware ka." Saka ko napagtanto na pamilyar ang boses na iyon. Kung hindi ako nagkakamali kausap niya si Joseph ang pinsan. Wala naman akong ideya sa pinag-uusapan nila kaya lihim na lang ako nakinig.
"But you only made everything worst!" Napaigtad ako sa gulat sa pagtataas ng boses na iyon ni Samuel. Parang sobrang stress siya sa hindi ko mawaring dahilan. Sa tingin ko naman ay hindi ako iyon lalo't naging mabuti ako sa kaniya, mahirap nga lang minsan tumalima.
"Sandali lang, huminahon ka muna. Wala ka pa naman ginagawang masama."
"That's not what I mean. Alam mo naman ang plano kong lumipat na ng matutuluyan."
May kakaibang emosyong umusbong sa dibdib ko. Naiyukom ko ang mga kamay, nakagat maging ang ibabang labi dahil sa huling narinig.
"Hindi na rin kita maintindihan. Tungkol ba 'to kay Sienna, nag-usap na kayo?" usisa ni Joseph.
"No, we haven't yet."
Ibig sabihi'y may koneksyon pa rin siya kay Ate Sienna. Kahit pala nag-usap na kami ni Samuel kanina hindi pala lahat iyon totoo, hindi pa rin nagbabago ang isip niya na iwan ako.
"Baka ma-misinterpret ni Aniela kapag hindi mo pa sa kaniya pinali—"
Hindi na naituloy ni Joseph ang sasabihin dahil tumuloy na ako sa loob kung nasaan si Samuel. Bumakas ang gulat sa mukha niya na makita ako roon.
"Tapos na ako. Hindi pa ba tayo uuwi?" pagkunwa'y tanong ko. Inabot ko ang hawak na paper bag kung nasaan ang suot ko kaninang dress. Inangat ko ang paningin upang salubungin ang mga mata niyang tiyak akong sa akin lamang nakatuon ang atensyon. "I'm also quitting as your secretary."
Nang hindi siya kumilos ako na lamang ang lumayo sa kaniya. Nang-uuyam ang tingin na ipinukol ko sa kaniya bago tumalikod.
"Kung sigurado ka ng umalis at iwan ako, ayos lang. Malaki na ako, hindi ko na kailangan ng babysitter."
Tuloy-tuloy na naglakad ako patungo sa kabubukas lamang na elevator. Hindi siya humabol para pigilan ako. Marahil sinagad ko na ang pasensyang inilalaan niya sa akin kaya naman humantong ang lahat na nagdesisyon siyang iwan na lamang ako.
Palabas na ako ng gusali subalit wala pa ring Samuel na pumipigil sa akin.
Putang-ina, seryoso? Hindi niya talaga ako hahabulin? Bakit ‘di naman ganito ang nangyayari sa mga napapanood kong drama sa telebisyon?
I groaned as I stared at the dimmed sky. Walang makikitang bituin sa kalangitan, marahil uulan ngayong gabi. Ngunit ipinagsawalangbahala ko na lamang iyon at nagsimulang maglakad palayo sa naturang lugar na naisumpa ko ng hindi na muling tatapak doon.
Umihip ang malamig na simoy ng hangin at dumampi iyon sa balat ko. Tumawid ako ng kalsada nang mahagip ng paningin ako ang isang toy shop sa hindi kalayuan. Napangiti ako at walang pasubali kong tinungo ang lugar na iyon. Tamang-tama birthday na nga pala ni Eve bukas, mabibili ko na ang gusto ng pamangkin ko na regalo.
"Good evening Ma'am," bati sa akin ng saleslady.
Gumanti rin ako ng bati sa kaniya. Agad kong iginaya ang paningin sa buong shop upang hanapin ang pinakamalaking teddy bear na mayroon ang shop na iyon. Hindi naman ako nabigo. "‘Yon," wika ko nang ituro ang nakapukaw ng pansin kong nakadisplay na teddy bear.
Human size iyon, kaya tiyak na hindi lamang si Eve ang makikipaglaro sa malaking Mr. Bear.
Kinapa ko ang suot na jeans ngunit saka ko na-realize na wala akong kahit na ano'ng dala maliban sa suot kong damit.
Nasisiraan na yata ako ng bait, pati pagpunta sa lugar na iyon na walang pera na dala ay ginawa ko.
"Pwede ba 'yan ipa-cash on delivery?" biglang sabi ko.
"Po?" takang tanong ng babae sa akin.
Kung hindi ba naman ako sira ang ulo, nag-walk in ako subalit ang lakas ng trip ko magtanong na kung puwede na COD ang pinili ko.
"Magkano?"
Kapwa napukaw ng baritonong boses na iyon at atensyon namin ng saleslady. Nanlaki ang mga mata kong makita si Samuel na nakatayo sa likod at dumudukot na ng pera sa wallet niya.
"Po? Magkasama ba kayo?" Pinagpalitan kami ng tingin ng butihing saleslady.
"Oo, magkasama kami. Magkano 'yong gusto niyang bilhin?"
"Three thousand five hundred, sir."
Yakap-yakap ang malaking teddy bear na binayaran ni Samuel ay sabay kaming lumabas ng naturang shop.
"Babayaran kita kapag nakuha ko na ang pera ko," wika ko. Akmang maglalakad na ako palayo sa kaniya nang marinig kong marahas na napabuntong-hininga siya.
Nilingon kong muli siya. Napakurap-kurap pa ako ng basta niyang agawin ang teddy bear mula sa akin at ipasok iyon sa sasakyan niyang nakaparada pala sidewalk.
"Aniela, mag-usap tayo," simula niya nang balingan ako. Nakahawak ang isang kamay niya sa batok. "Totoo nga ang sinabi ni Joseph, mami-misinterpret mo nga ang lahat."
Nagsalubong ang kilay ko saka napahalukipkip. "Bakit hindi mo na lang kasi deretsuhin ang gusto mong sabihin? Marami ka bang dapat ipaliwanag sa 'kin, including your connection to my sister and your promise you're planning to break?"
"Totoo na I'm planning to move."
Animo'y sinagasaan ako ng sampung rumaragasang truck ng sabihin niya iyon na walang pag-aalinlangan.
"Why?"
"I know you're already grown up. Gusto ko ng ibigay sa 'yo ang bahay."
"What? Sa tingin mo ba magiging okay lang 'yon sa akin? That's yours, you work hard to buy it for yourself. Bakit ibibigay mo lang 'yon sa tulad ko na ni hindi mo nga kaano-ano."
"You're a family to me."
"Kaya nga, kung pamilya tayo. Bakit kailangan mong umalis?"
Hindi siya nakasagot sa huling mga salitang binitawan ko.
"Masasayang lang ba ang sampung taon na 'yon dahil lang sa katwiran mong ‘grown up’ na ako?"
"Kung hindi ako ang aalis, ikaw ang aalis."
"What?!" Gulat na gulat ako sa narinig.
"I know that you're badly saving money to buy a house, hindi ako sigurado kung para kanino iyon."
Umawang ang mga labi ko sa matinding gulat na alam niya ang bagay na iyon.
"Ano pa'ng alam mo? Are you investigating me?"
"Aniela, mag-aaway na naman ba tayo?"
Wala rin naman akong plano na makipag-away at itanggi ang bagay na 'yon sapagkat iyon ang totoo. Nag-iipon ako ng pera para bumili ng isang bahay.
"Dahil lang ba talaga sa plano kong bumili ng bahay kaya ka aalis o mayroon pang iba?"
"Yes, that's all." Binuksan niya ang pinto ng sasakyan.
"What if, hindi na ako bumili ng bahay? Aalis ka pa rin ba?"
Halatang hindi niya inaasahan ang tanong ko na iyon base pa lamang sa naging reaksyon ng mukha niya.
***
NAKAMASID ako sa labas ng bahay ni Ate Frixie, doon ako nagpahatid kay Samuel. Binanggit ko kasing kaarawan ni Eve, ang panganay ng kapatid ko. Naalala ko pa ang katahimikan sa buong biyahe. Parang wala pa akong lakas ng loob na umuwi kung ang maaabutan ko roon ay wala na si Samuel. Buo na ang pasya niya umalis.
Sa katunayan, gusto kong sumabog. Hindi mawari ng puso kung ano ang unang irerehistro. Ang pagkabiyak o ang masidhing pagnanais na pigilan si Samuel na huwag na lamang umalis. Saka ko napagtanto na ano man ang gawin ko ay wala pa ring mangyayari sapagkat matagal na raw niyang gustong gawin iyon.
"Tita Aniela, bakit malungkot kayo?" biglang tanong ni Eve na ngayo'y hindi ko namalayang nakaupo na sa tabi ko.
"Ako? Malungkot?" kunwaring natatawang tanong ko.
Tumango-tango naman ang bata.
"‘Di malungkot ang tita, excited lang para bukas."
Nag-angat ako ng tingin nang maulingan kong nakatayo sa pintuan si Ate Frixie. Tumayo ako para lapitan siya. Nakahawak noon sa kamay ko ang anak niya.
"Eve, mag-uusap lang kami ni Tita Aniela mo. Mag-play ka na muna kasama ang kapatid mo sa may sala," anang sa anak niya.
Lumukot ang mukha ng bata. "Pero, ayoko maglaro kasama Dave lagi niya hila hair ko..." maktol ng bata.
"Kapag inaway ka niya ulit tawagin mo mommy," wika ng ina ng bata.
Wala rin namang nagawa si Eve kung hindi sumunod sa ina. Naiwan kami ni Ate Frixie sa loob ng isang silid kung saan ako mananatili hanggang bukas.
"May nangyari ba?" simula niya nang maupo sa gilid ng kama.
"Wala ate," kaila ko.
"Hindi mo pa rin ba tinitigilan ang lalaking 'yon Aniela. Baka nakakalimutan mo ang tunay nating pagkatao," madiin na wika niya. Nang-uuyam na tingin ang pinukol niya sa akin. Bakas ang disgusto sa akin. "Tigilan mo na ang pagpapantasya na magkakatuluyan kayo. Mahiya ka nga, tinulungan ka na nila. Ngayon naman higit pa ang gusto mong makuha, ganyan ka ba kaganid!"
Alam ko na saan hahantong ang pag-uusap na ito. "Wala kang alam sa nararamdaman ko Ate Frixie kaya mo nasasabi 'yan."
"Aniela! Tayo na lang ang pamilya rito, tandaan mo ang mga kasalanang ginawa ng mga magulang natin. Bakit ba napakadali sa 'yong kalimutan ang lahat ng 'yon?!"
Nagulantang akong marinig mismo iyon sa kaniya, bumangon sa dibdib ko ang galit. "Kasalanan n'yo. Hindi ba'y inamin mong matagal mo ng alam ang itinatagong sikreto ni Nanay, pero wala kang ginawa. Pinagtulungan ninyo noon si Ate Sienna!"
Maging siya ay nagulat na manggaling iyon sa akin. Kahit napatawad na kami ni Ate Sienna, hindi maitatangging hanggang ngayon dala namin ang nangyari ilang taon na ang nakararaan.
Mayamaya'y nagbago rin ang ekspresyon ng mukha niya nang mapatitig sa akin. "Hindi mo nga talaga alam ang pakiramdam ko ng lumabas ang katotohanan, ang pagdurusa ng puso ko sa tuwing pumipikit at naaalala ang mga nangyaring 'yon."
Oo, tila hinahabol pa rin kami ng mga nangyari na ngayon nga'y pinagdudusahan naming lahat.
"Aniela, imposible ng maging normal ang buhay natin. Marinig man ng ibang tao ang pangalan natin, maiisip agad nila ang krimen na ginawa ng pamilya natin. Kahit wala kang ginawa, kahit na inosente ka sa lahat ng nangyari noon. Dala-dala mo pa rin 'yon saan ka man magpunta. Sana maisip mo ang bangungot na pinagdaanan natin habang tumatakbo palayo sa lugar na 'yon." Humugot siya ng malalim na hininga. Bago pinagsiklop ang dalawang kamay. "Ayoko lang na masaktan ka, kilalang tao si Samuel sa bayan. Ano na lang pareho ang sasabihin sa inyo ng mga tao, lalo na sa 'yo?"
Naiintindihan ko ang pinupunto niya kaya naiinis ako. Sobrang inis na inis ako sa puso ko kung bakit hinahangad ko si Samuel.
"Hindi ko 'yon magagawa," pagmamatigas ko.
"Aniela!"
Napatiim-bagang ako. "Mahal ko si Samuel!"
Gulat ang agad bumanaag sa mukha ng kapatid ko. Napakalaki ng nagbago sa kaniya simula noong maghiwalay kaming dalawa matapos niyang tumakas. Baon pa rin ang sakit ng nakaraan namin. Pero hindi niyon kayang iwaksi ang tunay kong nararamdaman kahit pa isupalpal ng ilang beses sa mukha ko na anak ako ng kriminal.
Nag-iwas siya ng mukha. "Kung 'yan ang gusto mo wala akong magagawa. Pero tandaan mo, oras na masaktan ka hindi kita tutulungan."
Kailan pa ba noong huli niya akong tinulungan sa sobrang tagal wala na akong matandaan. Naiyukom ko ang mga kamay saka pinagmasdan ang biniling malaking teddy bear ni Samuel kanina.
"Ako na ang bahala sa sarili ko."
***
ISANG linggo na ang nakararaan. Nagdesisyon akong gawing normal pa rin ang lahat. Wala na si Samuel sa bahay, wala na ang gamit niya at unti-unti na ring naglalaho ang amoy na nakasanayan ko. Hindi na rin ako nakatanggap ng ano mang balita mula sa kaniya matapos niyang umalis.
Nagsinungaling siya. May iba pang dahilan kung bakit siya nagpasyang umalis. Pero nangako ako sa sarili ko na magiging normal din ang lahat.
Gumulong-gulong ako sa ibabaw ng aking kama habang panaka-nakang sinusulyapan ang laptop na nasa ibabaw ng drawer ko. Mayamaya'y narinig ko na ang hinihintay kong mensahe. Daig ko pa ang nanalo sa lotto nang magtatalon ako at nagmamadali na bumaba na ng kama.
Sandaling itinali ko ang buhok bago hinarap ang laptop ko. May ngiti sa mga labi ng basahin ko ang mga nakasulat sa natanggap ko e-mail.
Nag-unat ako nang mai-send ko ang reply. Kinuha ko agad ang cellphone na nasa gilid. Na-miss ko tuloy mag-get together kasama si Madison. Nawala na sa sistema ko ang magalit sa kaniya noong ipagkalulong niya ako sa pinsang si Drevor. Ngunit mas matimbang sa akin ang pagkakaibigan naming dalawa kaysa magtanim ako ng galit na wala rin mangyayari.
Ilang sandali lang ay sinagot din niya ang tawag ko. "Oh, what a surprise? Napatawag ka yata?" aniya sa kabilang linya.
"Anything to do tonight?" wika ko.
She chuckled. "Sa 'yo pa mismo nanggaling?"
"I want to party. Natanggap ko na kasi."
Rinig na rinig ko ang malalim na pagsinghap niya. "Really?!" sabik na pagtitiyak niya.
"Duh, really!"
Saka naman malakas na tili ang sunod kong narinig mula sa kaniya kaya inilayo ko muna sa tainga ko ang cellphone.
"OMG, I'm so happy for you! Dahil malaki ang okasyon na 'to, ako na ang susundo sa 'yo! Hintayin mo lang ako!" Kaya batid kong totoo na kaibigan si Madison, grabe kasi siyang magbunyi sa akin. "Dad! Natanggap ang application ni Aniela sa Darwin's General Hospital! Magce-celebrate lang kaming dalawa!"
"I'm so happy for her. Okay, I understand," pagpayag naman ng ama ni Madison.
"Narinig mo ba 'yon?"
"Yeah, tell my thanks to Tito Manuel."
"Yes!" Ibinaba na rin niya ang tawag kaya sigurado akong excited na excited siya sa lakad na ako mismo ang may pasimuno.
Agad kong tinungo ang closet at kumuha mula roon ng masusuot. Wala na akong pakialam sa nakasanayan kong damit na suotin dahil mahalaga ang araw na 'to. I'll decide what I should wear for tonight's celebration.
A white bodycon dress will be the best!
***
"LET'S party!" hiyaw ni Madison habang sumasayaw sa saliw ng malakas na music ng gabing iyon. Hindi na niya ang alintana kahit tumatapon na ang laman ng inumin sa mga taong nasa gitna ng dance floor.
Mayamaya'y binalingan niya ang direksyon kung saan ako nakaupo. She gave a dangerous stare before she walks wobbly towards me. "Ang akala ko ba magpa-party-party tayong gabi? Eh, bakit nakaupo ka lang diyan? May kasama ka ba ngayon at kausap mo?" Inilibot niya ang paningin sa dalawang upuan na bakante sa magkabila kong gilid.
To be honest, may dalawa akong kasama kanina bago siya dumating. Nagkataon lang na ayoko ang mga tinging ipinupukol nila sa dalawang hiyas ko sa harap. Hindi ako sanay kaya minabuting tinaboy ko na lamang sila. Wala rin naman sa taste ko ang mga hitsura nila.
Itinataas ko muna ang baso na may lamang tequila. "No one wants to accompany me," mahinang sabi ko bago inisang lagok ang inumin.
She rolled her eyes. "Baka tinakot mo kaya walang may gustong lumapit sa 'yo," aniya.
"I did? Kailan? Wala akong natatandaan."
Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga bago ako inirapan. "Hay naku, kung wala ka pala sa mood sana hindi ka na lang nag-ayang lumabas."
Binigyan ko siya ng ngiting nakakaloko. Saka ko napagtanto na ramdam ko na ang tama ng alak na kaninang iniinom. "Nasa mood ako."
Pero sa totoo lang umiikot na ang paningin ko. Hindi ko na nga mabuo ang mga salitang nais kong sabihin.
May bastang tinangay na lalaki si Madison at dinala sa puwesto ko. "Hey, landiin mo nga 'tong kaibigan ko sagot ko na ang lahat ng bill mo ngayong gabi," anang niya sa estrangherong lalaki.
Nilingon ako niyon at agad dumapo ang paningin sa luwa kong mga dibdib. I seductively smiled at this poor man. Bumaba ako sa stool na inuupuan saka nilapitan ang lalaki.
"What's your name, pretty boy?" tanong ko habang iginagaya ang daliri sa bukas na dalawang bitones ng suot niya. Tila pamilyar ang amoy ng taong kaharap ko, pakiramdam ko hinihele ako ng pabango niyang gamit.
Biglang tumuwid siya ng tayo nang ilapat ko ang palad sa malapad niyang dibdib.
"...muel," aniya dahil sa ingay ng lugar hindi ko na masyadong naintindihan ang pangalang ibinigay niya.
Bumungisngis ako saka muling bumalik sa table para kunin ang baso ng inumin ko. "Will you accompany me... tonight?" anas ko sa pagitan ng paggaya ko ng paningin sa kabuuan ng lalaking kaharap. I like this man's build. Tiyak na mapa-pacify niya ang nagugutom kong atensyon.
I also like his familiar scent. It intoxicates me more.
Kahit nanlalabo na ang parehong mga mata inabot ko ang kamay niya at hinatak patungo sa taas ng naturang club.
Saktong pagsara ko ng pinto ang pagsiil ko ng halik sa mga labi ng lalaking tinangay ko. Noong una hindi ko maintindihan ang pagtutol niyang gumanti pero impit na napangiti ako nang maramdaman ang kamay niyang lumandas sa likod ko hanggang umabot iyon sa pang-upo ko.
Napatili ako nang iangat ako ng isang kamay niya upang mahalikan ako ng mabuti. Batid kong kapwa kaming gutom noon sa atensyon at higit sa lahat tawag ng laman.
Tuluyang nawala ako sa sarili. Gumanti ako ng halik na higit na mapusok. Kinagat ko ang ibabang labi niya, narinig ko ang pagsinghap niya dahil sa sakit ngunit hindi ako tumigil. Hanggang sa naglakbay ang mga halik ko sa kaniyang tainga. Binigyan ko ng atensyon ang mumunting namumula niyang tainga. Then, licked it.
Doon lalo kong naramdaman ang pagtindig ng buo niyang katawan. Natagpuan ko na lamang ang sariling nakahiga na sa malambot na kama. Madilim noon sa buong silid na pinasok namin, dagdag pa ang nanlalabo kong paningin.
"C—Can we go further, p—please?" I begged.
Nakatayo lang kasi siya sa harap ko na walang ginagawa. Ngunit hindi nakatakas sa paningin ko ang pagtaas-baba ng dibdib niya.
"Please, help me forget my past for at least tonight..." Naitakip ko ang isang braso sa mga mata ko nang magsimulang mangilid ang mga luha ko.
Lubhang nasasaktan ako na malaman na hindi puwede, hindi ako puwedeng magmahal, hindi ako puwedeng magnais ng normal na buhay.
Bakit hindi puwede maging akin ang nag-iisang lalaking gusto ko?
"Please, help me..."
***
Kabanata VISamuel"HOY, hindi tambayan ang condo ko ng mga Mandragon. Umuwi ka na, doon ka sa bahay mo magmukmok!" sigaw ni Joseph habang hinahampas ng unan ng couch ang likod ko.Unti-unti kong minulat ang mga mata, naulingan kong nakatayo sa harap si Joseph habang masama ang tinging ipinupukol sa akin. Bumangon ako at sumandal sa couch kung saan ako nakatulog kagabi. Nagkalat sa carpet na sahig ang mga walang laman ng alak na ininom ko buong gabi.Kahit kumikirot ang sentido ay nagawa kong tumayo para kunin sa hindi kalayuan ang cellphone ko."Pre, kung nag-away kayo ni Aniela. Hindi naman puwedeng palagi ka lang sa bahay ko tumatakbo para magtago-tago," reklamo ni Joseph nang sundan ako.Hinayaan kong bukas ang pinto ng banyo nang maghilamos ako. Ngunit nahagip pa rin ng paningin ko nang sumandal siya sa gilid ng pintuan."Aren't you going to say any
Kabanata VIISamuelLIHIM na nakamasid ako sa hindi kalayuan sa isang pamilyar na pigura ng babaeng ang buong akala ko ay matagal pa bago kami magkita. Napalagok ako ng laway habang pilit ikinukubli ang presensya ko na baka mapansin ni Aniela.Napakalakas ng musika ng naturang club kaya duda rin akong mapapansin niya ako mula sa kinatatayuan ko. Hindi ko maiwasang maiyukom ang mga kamay, heto na naman ang bumabangong inis sa loob ko. Ayoko mang aminin sa sarili ko subalit tama ang hinala ni Joseph sa maaaring kahantungan ng lahat oras na malaman ni Aniela ang nangyayari.Mariing napapikit ako. Wala siyang ideya na nasa bingit ng panganib ang buhay niya, and I'm afraid sticking with her would only make the situation more worse.Napapiksi ako nang makitang may dalawang lalaking lumapit sa kaniya at maupo sa dalawang bakanteng stool. Doon ako naalerto upang lumapit.
HINDI nga ako nagkamali, hindi pa man tuluyang nakapagpapalit ng damit. Suot ko pa noon ang scrub suit ay bigla na lamang akong pinatawag sa nursing head office.Kakatok pa lang sana ako niyon nang biglang bumukas ang pinto. "Mabuti hindi ka pa nakakauwi Nurse Villaruiz," nakangiting bungad sa akin ng head nurse.Inuwestra niya ang isang bakanteng couch sa tapat ng table. "Please, have a seat," aniya habang hindi pa rin naalis ang ngiti sa mga labi.She looked disoriented when she suddenly remembered something. "Oh, I forgot. May gusto ka bang inumin, I'll get it for you, softdrinks? Iced tea? Coffee?"Doon na ako kintuban na may kakaiba. Being called by the head nurse is something I never thought would happen this soon. Isa lang naman akong nursing student at unang araw ko ngayon."Snacks? Tamang-tama dinner na, baka nagugutom ka na Miss Villaruiz," aniya.
TULAK-TULAK ang wheelchair ni Estevan ay nagtungo kami sa rooftop ng ospital.Nang makarating, inalalayan kong makatayo siya upang mahawakan ang gilid. "Thank you," aniya habang nakatitig lang sa akin.His knees were trembling when I removed my hands supporting him. Hinayaan ko lamang siya habang pinapanood na pilit na ihakbang ang mga paa."Narinig kong naaksidente ka raw," biglang wika ko.Binalingan niya ako. "Yeah, it was my carelessness why this happened to me," nakangiting sagot niya."I see. Pwede ko bang sabihin, buti nga sa 'yo?"Naglahong parang bula ang mga ngiti niya sa labi ng marinig iyon mula sa akin."If you're still mad, just tell me. Alam kong galit ka dahil sa nangyari kanina.""I'm glad you know. Kahit sino naman ay magagalit kapag nalaman nilang may isang taong hindi nila kilalan
"AS far as I know, his mother died when he's only ten years old. Kaya hindi na ako nagtataka why he's acting like that, well in fact, even his own father doesn't give a damn on his own child..." saad ni Madison habang nasa cafeteria kami ng ospital. Isang linggo na ang nakararaan ng magsimula ang residency niya kung saan ko kinukuha ang clinical training ko. Bumara yata sa lalamunan ko ang kinakain na excited pa naman ako nang malamang adobo ang ulam ko. Tinungga ko ang isang basong tubig bago sinulyapan sa tabi ko si Madison na payapang kumakain ng vegetable salad na halos kalahating oras na ay hindi pa rin niya maubos-ubos. Hindi ko alam kung ano'ng dapat na isipin nang marinig ang bagay na iyon dahil sa totoo lang wala naman sana akong problema kung hindi ako naging assisting nurse ni Estevan. Sa tingin ko nga kahit hindi na siya manatili sa ospital kaya niyang gawin ang mga physical therapy niya sa bahay. Ngunit hindi nakaligtas ang katotohanan sa 'kin. E
Kabanata XNAIYUKOM ko ang mga kamay habang pinagmamasdan ngayon ang sinapit ng isa sa mga tauhang inatasan ko sa pagbabantay kay Aniela.I looked helplessly to Mang Ren's daughter who kept on crying ever since she heard that her father was brought to a hospital because of an encounter.Kung hindi pa rin titigil si Ginoong Romuel sa mga plano niya na gantihan ang pamilya ni Mang Anton sa nangyari ilang taon na ang nakararaan, wala akong pagpipilian kung hindi isiwalat ang lahat kahit kapalit niyon ay napalaking bagay. I couldn't take this anymore seeing my people get hurt and I'm afraid this terrible thing may also happen to Aniela if I didn't tell her everything.Plano kong itago sa kanya ang lahat pero kung walang magbabago kahit na layuan ko si Aniela at panatilihin siyang ligtas sa likod ng anino ko, mawawalang saysay ang lahat.I miss Aniela. We've been together for ten years... sa isang iglap kinailangan ko siyang talikuran
HINDI pa rin tumitigil ang panginginig ng kamay ko ng lumabas kami ng storage room kanina ni Samuel. Naudlot lang ang mainit na eksena naming dalawa ng tumunog ang suot kong relo hudyat na tapos na ang break ko.
Samuel“SIR, your father is waiting inside your office.”I paused for a second before opening my office door. Siguradong umabot na sa kanya ang balita tungkol sa nangyaring pamamaril sa isa kong tauhan.I entered the office with unease. Hindi nga ako nagkamali. Even without uttering any words. I already know what he was about to say.Hindi na rin ako nagulat nang lumapat ang kamay niya sa pisngi ko at ilang sandali lang ay pinanood ko na lamang dugong dumaloy sa baba ko. I looked at my own reflection the my office glass wall.Dahan-dahan ako na nag-angat ng tingin. Saka tumambad sa 'kin ang nagpipigil sa galit na ama ko na ilang taon na noong huling beses ko siyang huling nakitang ganito.That time, it wasn’t me who's he was angry at. It was towards his father's friend, Romuel. Pero sa pagkakataong ito, walang duda na ako ang dahilan ng matinding galit sa mukha niya.Napasapo ako sa labing kanina lang ay ginamot n
Extra III"MAGANDANG umaga ho!" bati ni Aniela sa maghahatid sa kanya sa school. Labingdalawang taong gulang na siya at nasa first year highschool na. Napakalaki ng ipinagbago niya nang magsimulang magdalaga.Bagay na bagay sa kanya ang suot na uniporme at paldang umaabot lamang hanggang tuhod. Nakalugay ang buhok na mamasa-masa pa dahil hindi na nagawang mapatuyo dahil tinanghali na siya ng gising, sa sobrang kaba kasi niya kaiisip tungkol sa unang araw niya sa pagiging highschooler nakalimutan na niyang ipikit ang mga mata.Sa katunayan, halos tatlong oras lang ang tulog niya. Pero hindi mahahalata dahil sa baby face pa ring mukha.Agad siyang lumulan ng sasakyan na nakaparada sa labas lamang ng tinutuluyang bahay kung saan ay kasama si Samuel.Mayamaya'y lamang ay kasabay ring lumabas si Samuel habang ang suot naman ay simpleng polo at maong pants."Lalong gumaganda si Ma'am Aniela, 'di na ako magugulat kung maraming lalaki ang manliligaw sa ka
TINUPAD ni Tito Rucio ang pangakong tutulong siyang mabuo muli ang pamilya ko. Hindi naman nito iyon responsibilidad, pero lubos-lubos ang pagpapasalamat ko.Katuwang ang anak na si Samuel, agad kaming naghanap ng malilipatang bahay. Pinili ko kasing manirahan na lamang ang mga magulang ko sa syudad. Lubos akong natutuwa na matapos ang ilang taon ko na pag-iipon upang makapagpundar ng sariling bahay ay nagamit ko na.Dinagdagan lang 'yon ni Samuel para sa mga ibang appliances na kakailanganin ng mga magulang ko para maging komportable sila.Tahimik, payapa at malayo sa mga mapangbuskang mga tao. Iyon ang gusto kong lugar kung saan sila mamumuhay na dalawa. Kahit unti-unti nang nakalilimutan ng nanay ko ang sariling pamilya nang lumala ang kanyang dimentia. Wala akong nagawa kung hindi umiyak nang umiyak sa bisig ni Samuel.Napakabigat ng dibdib ko sa tuwing sasagi sa isip ko ang mga taon na nasayang at mga panah
PINAMULAHANAN ako ng mukha. "Alam na rin ba ni Tita Sophia?" halos pabulong ko nang tanong."Yeah. Even Ate Sera knows it."Gusto ko mang sumabog sa pagkahiya. Parang nanariwa sa akin na animo'y normal lamang kanina ang naging pag-uusap namin ng pamilya niya."I can't tell if they were mad about me...""Why would they?"Binalingan ko siya. Parang hindi siya apektado ng balitang 'to at wala mula sa kahit sino sa kanila ang negatibo ang reaksyon.Kaya nagduda na naman ako kung panaginip lang itong lahat.Muling nagbadyang maluha ako. Ayokong magising na panaginip lang lahat at hindi totoong pinangakuan ako ni Samuel.Sunod-sunod ang pagtikhim ang narinig ko na kapwa pumukaw ng atensyon ko at ni Samuel.Madilim ang anyo ng mukha ni Tito Rucio nang makita ang namumugto kong mga mata. Nakita kong umigting ang panga niya at ano mang oras ay handa ng ambahin ng suntok ang lalaking nasa tabi ko. Matalim ang tinging ipinukol niya sa anak
***continuation
Extra I
UNTI-UNTI kong iminulat ang mga mata. Nagtaka ako nang makita ang Ate Frixie ko na iyak nang iyak habang hawak ang kamay ko.Bumakas ang gulat sa mukha niya nang makitang gising ako.“Aniela!” bulalas niya. Dali-dali siyang tumakbo palabas ng silid kung nasaan ako. Wala akong nagawa kung hindi sundan lamang siya ng tingin.Mayamaya'y inilbot ko ang paningin. Puting-puti ang buong lugar at naiiba lamang ang kulay ng kurtina. Kulay beige kasi iyon kaya nakapupukaw ng pansin.Binalak ko sanang tumayo nang mahagip ng paningin ko ang nakatusok sa likod ng kamay kong iv fluid. Gusto ko sanang matawa dahil kung dati-rati ay ako ang naglalagay niyon sa pasyente pero ako ngayon ang mayroon n'on. Nang maisipan kong tanggalin 'yon, napangiwi ako nang makitang naka-cast ang isa kong braso.Kaya napagtanto kong totoo ang lahat ng nangyari. Hindi 'yon panaginip.Pero may isang bagay akong naalala na gusto kong matiyak na totoo mula sa mga natunghayan kong nangy
Kabanata XXNANG magising kaninang umaga masakit man
ILANG sandaling natahimik ang ama ko bago tumikhim. "Ngayon lang kami nakapag-usap ng anak ko at ngayon niya lang din nabanggit sa akin na nakapag-propose na siya kagabi. I'm really sorry to say that Aniela is now part of my family."Napatitig sa akin ng ilang segundo si Mr. Caleb. "My son really likes her..." anito sa mababang boses."She likes me Mr. Caleb David, and I love her. We already settled everything last night. If you want I can invite you and your son for my upcoming wedding... or should I call you Ravier Calbrieto?" Tumalim ang mga mata kong nakatingin sa kanya. "Pero sa tingin ko ay hindi na kailangan pa dahil bago dumating ang araw na 'yon ay sisiguraduhin kong mabubulok ka na sa kulungan..."Gumuhit ang nakatatakot na ngiti sa mga labi niya. Kahit labis na naguguluhan sa tunay niyang pakay at base pa lamang sa reaksyon niyang hindi man lang kinakaila ang pagtawag ko sa kanya sa pangalang iyon, lalo ko lang napatunayang siya ang nasa likod
Kabanata XVIIISamuel