Kabanata IV
"I'M sorry..." Tinitigan ko sa mga mata si Samuel. He was hurting just like me, sapagkat saksi siya noong mga panahon na hindi ko alam kung paano bumangon nang mawala na sa akin ang lahat.
Niyakap niya ako at agad naman akong gumanti. Hindi ko na matandaan kung kailan ang huling beses na humantong kami sa ganitong estado na kapwa nasasaktan. Hindi rin naman lingid sa kaalaman ko na ako ang palaging may dahilan niyon at wala pa ring humpay na ginagamit ko ang pangako niya noon.
"A-Aalis ka pa rin ba?" nauutal kong tanong habang humihikbi sa bisig niya.
Hinaplos niya ang pisngi ko upang alisin ang mga luhang naroon. "No," tipid na sagot niya.
Sa halip na agad magbunyi, tinanggap ko ang sagot niyang iyon bilang salitang walang katumbas na kahulugan. Balang araw ay iiwan niya rin ako, magkakaroon siya ng pamilya at doon na matutuon ang atensyon niya. Mawawala na ako sa isipan niya at magiging isang parte na lamang ng kaniyang alaala.
Napakagat ako ng ibabang labi sa ideyang iyon na agad sumagi sa isip ko at muli ring nagbadyang bumagsak ang mga luha ko. Hindi ako handa na maaaring dumating ang araw na iyon, parang may pumipilipit sa puso ko kapag dinadalaw ako ng katotohanan.
Nakayakap pa rin ako sa kaniya hanggang hindi pa tuluyang humuhupa ang emosyong lumulukob sa akin. Hinayaan naman niya ako na lubos kong ikinagalak. Tinatapik-tapik pa niya ang likod ko na hindi ko maiwasang bumungisngis.
Nilunod ko na lang ang sarili sa pagsinghot ng na-miss ko ng sobrang pabango niya.
"I like it," mahinang sabi ko.
"Like what?" takang tanong niya marahil narinig ako.
"Everything."
Hindi siya umimik. Ayos lang at least may baon-baon ako sa isipan kong amoy niya, nakakaadik iyon at ako naman itong willing na maging user niya. Ilang sandali lang ay bumitiw na rin ako at hinarap siya.
Saka ko naalala ang peklat na iniwan ko sa magandang mukha niya. Hindi naman iyon halata pero dahil batid kong dati iyon na nagkasugat nakatatak pa rin sa memorya ko ang pangit na hitsura n'on.
Marahan kong hinawakan ng kamay ko ang bahaging iyon ng mukha niya. Dinadama sa malilit kong daliri ang bunga ng gabing naging padalos-dalos ako.
"It's still beautiful," mahinang wika ko sapat upang marinig niya. Tinutukoy ko ang mukha niyang labis kong kinababaliwan.
"Hindi mo na kailangang isipin pa 'yon. Wala rin namang peklat na naiwan," aniya.
Sinigurado kong walang magiging peklat ang mukha niya. Baka magpatiwakal ako kung magkaroon man iyon, hindi ko kasi maaatim na sinira ko ang biyaya ng Maykapal dahil sa kalapastanganan ko.
"Paano mo nga pala nalaman na nagtatrabaho ako ro'n? Did you follow me?"
Nag-iwas siya ng mukha. So, he did. Kinilig naman ako, pakiramdam ko ang espesyal ko.
"After what happened after I returned from Japan, I don't think I can trust you again."
Napakunot-noo ako. "Ano'ng ibig mong sabihin?"
Binalingan niyang muli ako at hinawakan ang isang kamay. Nahiya naman ako nang makita niya ang sugat-sugat kong daliri. Puro rin kalyo iyon. Hindi ako nakapaghanda na darating ang araw na 'to na hahawakan niya ang kamay ko at marahang pinisil.
"Hindi ko na gustong magtrabaho ka sa mga part-time job mo," aniya.
Nang akmang aalma ako sa sinabi niyang iyon natigilan ako nang mapatitig ako sa mga mata niya.
"Huling taon mo na rin, alam kong magaganda ang grades mo at kasalukuyan kang under scholarship grant. Pero gusto kong makapagpahinga ka ng maayos. Hindi mo naman kailangang magtrabaho, mag-focus ka na lang muna sa pag-aaral."
Bakit umurong yata ang dila ko na magsalita? Para kasing hinihipnotismo ako ng boses niya.
Hindi ako sumagot pero laking pagtataka ko nang bumuntong-hininga siya.
"Okay, mukhang hindi kita makukumbinsi na tumigil. Bakit hindi ka na lang magtrabaho sa 'kin?" alok niya.
Nagulantang ang buong mundo ko sa offer niyang iyon. Teka, tama ba muna ang narinig ko?
Parang hindi ko yata kayang paniwalan ang mga salitang iyon na binitawan niya. Ilang beses pang inulit-ulit ko 'yon. "Magtrabaho sa 'yo?" naisatinig ko tuloy na tanong.
Tumango naman siya. Hindi ako makapaniwalang sa kaniya pa mismo iyon manggagaling.
"Mas mabuting sa akin ka na lang pumasok kaysa sa mga graveyard shifts mo na madaling araw na natatapos. Tutal nasa maternal leave si Pauline." Si Pauline ang sekretarya niya.
"Pero putol-putol ang oras ko," katwiran ko.
"Ayos lang, ang mahalaga nakikita kita."
May ideya kaya siya sa lahat ng mga sinasabi niya ngayon? Kasi ako gusto kong kunin ang pagkakataon na ito para masilip siya sa kung paano magtrabaho.
Nakita kong sinipat niya ang relong pambisig na suot.
"When will I start?" tanong ko.
"Now," agad na sagot niya. Tiningnan niya ako. "Will it be possible?"
"Syempre, wait. Magbibihis lang ako."
Halos lundagin ko ang hagdan upang makarating agad sa silid ko. Hindi ko maitago ang excitement kahit noong namimili ako ang damit na susuotin.
Inabot lang ako ng ten minutes at nagmamadali ring bumaba. Naabutan ko si Samuel na inilagagay sa mga tupperware ang niluto para sa agahan.
"Tapos ka na?" tanong niya.
Sunod-sunod ang pagtango ko at kinuha ang paper bag na pinaglagyan niya ng mga binaon na pagkain.
"Kainin mo na lang 'yan mamaya kapag nagutom ka sa biyahe," aniya.
"Okay."
***
NGINUNGUYA ko pa ang pagkaing baon nang silipin ko ang ginagawa ni Samuel sa loob ng kaniyang opisina. Glass wall naman iyon kaya malinaw kong nakikita ang ginagawa niya maging ang pagsasalubong ng kilay niya. Kasalukuyang may kausap siya telepono kaya nagkasya na lang akong maghintay sa labas.
Iyon kasi ang bilin niya sa akin na maghintay lang daw ako roon at huwag na huwag aalis. Ano'ng akala niya sa akin bata? Ang tagal-tagal ko ng nagtatrabaho at sa dami ng pinasukan kong trabaho ay wala akong kahit na anong naging problema.
Sinilip ko ang laman ng mga drawer ng Pauline. Halatang ilang araw na iyon na hindi nalinis dahil nagkalat na ang mga dokumento sa ibabaw. Sinulyapan kong muli ang direksyon ni Samuel, mukhang busy pa naman siya. Gawin ko na muna ang paglilinis ng magiging puwesto ko habang nandoon.
Hindi naman masyadong makalat ang mesa nagkataon lang na hindi naka-organize ang mga folder na naroon. Kaya inayos ko mula sa petsa at urgency na rin ng mga iyon.
Napagtanto kong nawalang saysay ang selos na naramdaman ko sa sekretarya ni Samuel, kasi ang buong akala ko may relasyon silang dalawa. Maganda at sexy kasi noon nang ipakilala sa akin ni Samuel ang sekretarya kaya laking pasasalamat ko nang maikasal si Pauline noong nakaraang taon. Nagpa-party pa nga ako dahil sa lubos na kagalakan na nawala na ang pinakamalaking bikig sa buhay ko.
"Which folder was it?" Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na iyon ni Samuel. Taas ang isang kilay na tiningnan niya ako na akmang magtatago pa lang sa ilalim. Nabasa ko na sa isip niya ang mga salitang “I told you stay put”, hindi naman kasi nag-e-exits sa bokabularyo ko iyon. Pero dahil mas importante ang kausap niya ay wala siyang nagawa kung hindi ituon ang atensyon sa hinahanap. "Finn's Project?" rinig kong tanong niya sa kausap.
Agad na kumilos ang kamay ko at inabot sa kaniya ang isang folder na kasama sa inayos ko kanina. Halatang nagulat siya sa ginawa ko pero nang mabasa niya ang nakasulat doon ay tumango lang siya.
I smiled sweetly.
Bumalik din naman siya sa loob ng opisina matapos na kunin ang folder.
Itinuon ko na lang uli ang atensyon ko sa pagsasaayos ng puwestong iyon. Tiyak na matagal-tagal pa bago matapos si Samuel sa kausap kaya habang naghihintay ay mabuting ma-accomplish ko na kahit ang linisin na muna iyon.
***
INILAPAG ko sa sahig ang kahon ng used papers nang mag-angat ako ng tingin.
"Delivery po para kay Mr. Samuel Mandragon," wika ng isang lalaki.
Tiningnan kong maigi ang malaking box na iniwan niya saka ko pinindot ang intercom upang sabihin kay Samuel na may package na dumating. Pero bago ko pa man maibuka ang bibig ko nakita ko na siyang maglakad patungo sa direksyon ko. Bakas ang pagmamadali sa kaniyang mukha nang tumigil siya sa tapat ng table ko.
"I have an urgent meeting later this afternoon, you will be coming with me," he said. Dumako ang paningin niya sa nakapatong na box sa ibabaw ng mesa ko. "Nasa loob na rin niyan ang susuotin mo," aniya.
Hindi agad ako nakahulma sa huling sinabi niya dahil okyupado na ang isip ko ng mga braso niya. Itinupi niya kasi hanggang siko ang manggas ng suot kaya nagkaroon ako ng magandang pagkakataon na makita ang namumutok na muscles ng mga braso niya. Look at those delicious arms.
"Aniela, nakikinig ka ba?" biglang untag niya.
"Yes, yes. I'm listening, 'di ba sabi mo kailangan mo ng date ngayong gabi?" pag-uulit ko ng sinabi niya kanina.
Nagtaka naman akong makitang magsalubong ang kilay niya. Napatitig siya sandali sa akin bago sinipat ang relong pambisig na suot.
"We have to go," wika niya.
Walang pag-aatubiling binitbit ko ang box na laman ang damit na susuotin ko mamaya para sa date namin. Hindi naman iyon mabigat kaya malaya pa rin akong nakalalakad ng maayos. Mabilis din akong nakasunod sa kaniya bago pa man sumara ang pinto ng elevetor.
Nakangiting binalingan ko siya at binigyan ng pamatay kong ngiti. Dating nabanggit ni Madison na nakakaakit daw akong ngumiti kaya magsasawa si Samuel na makitang nginingitian ko siya sa tuwing mapapatingin siya sa direksyon ko.
Balak ko sanang unahan siya na malapitan ang sasakyan upang pagbuksan ng pinto. Kaya lang lintik na exit door ito na hindi na matapos-tapos ang pag-ikot ko mula roon. Laking dismaya ko tuloy na naunahan ako ni Samuel na napagbuksan ng pinto ng sasakyan. Lihim na napabusangot ako noong sumakay doon.
Sinimulan ko nang tanggalin ang suot kong blazer at isunod ang white blouse. Agad akong natigilan ng makarinig ako ng pagtikhim.
"Ano'ng ginagawa mo?" tanong ni Samuel sa akin.
Damn! I forgot. "I'm saving your time," paliwanag ko.
It was a bad habit of mine that I usually change my clothes inside the car.
"Saving what?"
"Your time. Sabi mo kasi kanina urgent kaya para walang masayang na oras dito na lang ako sa loob ng kotse magpapalit. Pikit ka na lang."
Wait, kung nakapikit siya. Sino ang magda-drive?
"Aniela, is this some kind of a joke?"
Nagsalubong ang kilay ko. "Hindi ako nagbibiro. Kung ayaw mo ng paraan ng pagtatrabaho ko, maghanap ka na lang ng iba."
Matindi ang pangangailangan niya ng sekretarya base pa lamang sa tambak ng trabahong naiwan ni Pauline sa opisina. Wala naman akong ibang hangad kung hindi makatulong sa kaniya na mabawasan ang problema niya.
Sa totoo lang ay hindi ko makita mula sa puwesto ko ang reaksyon ng mukha niya dahil sa tinuran ko. Nakita ko na lang na hinimpil niya sa tabi ng kalsada ang sasakyan.
"Okay," aniya saka tinanggal ang suot na seatbelt. Nakita ko siyang sandaling sinulyapan ako mula sa rear mirror bago malalim na bumuntong-hininga. "Bilisan mo, nasa labas lang ako. Sabihan mo lang ako kapag tapos ka na."
Hindi makapaniwala ay pinanood ko siyang lumabas ng kotse. Napamaang akong mahagip ng mata ko ang namumula niya tainga. Gawa ko ba 'yon? Nang dahil ba sa akin ay nailang siya?
I can't believe it! Pakiramdam ko sasabog ang puso ko ng mga oras na ito. Ito kasi ang kauna-unahang beses na nakita ko siyang nahihiya. Is it because he doesn't want to see me changing my clothes!
Goddammit, parang gusto kong sumigaw sa sobrang saya ngunit natigilan ako nang makarinig ako ng katok mula sa labas.
"Make it quick..." dinig kong wika niya.
Pero hindi ko pa rin maitago ang impit na kilig na lumulukob ngayon sa buong sistema ko. Ibig sabihin ay conscious siya na babae ako. Umusbong ang pag-asa sa puso ko nang sa wakas ay maisuot ko ang ang dress na laman ng box.
Ngunit unti-unti na napawi ang ngiti ko sa mga labi ng mapagtanto kung gaano kasuklam-suklam ang dress na iyon sa pagkatao ko.
"Tapos na 'ko," kinakabahang sabi ko.
Pumasok siya ng sasakyan at sandaling binalingan ako sa likod. Lubhang nagtaka ako ng wala akong narinig na kahit ano mula sa kaniya. Bakas kasi sa mukha niya ang pagmamadali marahil ay late na kami sa meeting na dapat pupuntahan niya.
Ilang sandali lang ay nakarating din kami ng Royale Hotel. It felt nostalgic. Kanina kasi ay galing din ako sa lugar na iyon.
Napangiti ako ng makitang bumaba si Samuel ng sasakyan habang may nagbukas naman ng pinto para sa akin. Hawak ang isang gilid ng dress upang hindi iyon sumayad ay bumaba ako ng kotse.
Kahit medyo hesitant dahil sa suot kong dark halter and backless dress, lantad na lantad ang likod ko na kaunti na lang ay makikita na ang dalawang bundok ko. Napilitan tuloy akong tanggalin ang suot kong bra dahil baka mapagtawanan ako kung sakaling ipilit ko iyon, naka-expose din sa magkabilang gilid ko ang dibdib. Sa totoo lang hindi ako naiilang sa hitsura ko ngayon, natatakot lang ako sa kung ano'ng maaaring isipin sa akin ni Samuel.
Itinali ko lang sa isang bun ang medyo alon kong mga buhok, may iba na ngang hibla ang natanggal sa pagkakatali niyon. Ngunit hindi ko na muna iyon pinansin, ang mahalaga ay makita ko na muna ang reaksyon ni Samuel na ngayon ay may kausap.
Ngunit nang dumako ang atensyon ng kausap niya sa akin at ituro ako, lihim akong nagbunyi ng sa wakas ay lingunin niya ako na kanina ko pa hinihintay. Mabining ngumiti ako nang dahan-dahan na naglakad patungo sa kaniya. Humawak ako sa braso niya. Tulad ng inaasahan ko,
Tinanguan ko lang ang kausap niya at saka tiningala siya para salubungin ang mga mata niyang hindi ko mabasa kung ano'ng marahil ang nasa isip niya.
"Are you with her Mr. Mandragon? Who is she?" tanong ng matandang lalaki na kausap ni Samuel kanina.
Subalit nang hindi siya sumagot. "Aniela," pakilala ko. Iaabot ko na sana ang kamay ko upang magpakipagkamay ngunit agad akong pinigilan ni Samuel.
Binigyan ko tuloy siya ng tingin na naguguluhan. Ayaw ba niyang makipagkilala ako sa kahit sinong kaibigan niya? Nahihiya ba siyang kasama ako?
Binalingan ko ang matanda na tulad ko ay bakas din ang pagtataka.
Tumikhim ito at sandaling sinulyapan ako. "Mauna na marahil ako sa inyo," anito bago ngumiti sa akin.
Gumanti rin naman ako ng ngiti na hindi man lang umabot sa mga mata ko.
Lubhang nagulat ako nang mag-angat ako ng tingin na makita siya nagtatagis ngayon ang bagang. I could perfectly see his irritation towards to something I didn't know. Nanlalaki ang mga matang agad akong nag-iwas ng mukha.
He's mad.
He's really mad.
Unti-unti kong tinanggal ang mga kamay kong nakakapit sa kaniya nang hapitin niya ako sa baywang na lubhang ikinagulat ko.
"Kagagawan 'tong lahat ni Joseph. That bastard," anas niya. Nagdulot ang mainit niyang hininga sa leeg ko na tumindig ang balahibo ko.
"Kung ayaw mo ng suot ko puwede ko naman suotin na lang ang damit ko kanina," nangangatal na sabi ko.
Parang hindi ko yata kayang tagalan na sobrang lapit ng katawan naming dalawa at baka bigla na lang ako mawala sa katinuan at halikan siya.
Nang lingunin ko ang kotse kung nasaan ang damit kong pinagpalitan, wala na iyon marahil minaneho na ng bantay ng hotel patungo sa parking lot. Nakagat ko na tuloy ang ibabang labi.
"Mr. Mandragon!" Sabay naming nilingon ang pinanggalingan ng boses na iyon.
Hindi pa man tuluyang nakakahulma ay naramdaman ko na lang na may kung ano'ng binalot sa akin si Samuel. Iyon ang coat ng suot niyang three piece suit.
Nakangiting sinalubong niya ang lalaking may hawak pang tobacco sa kamay. "Magandang gabi, Mr. Saavedra," nakangiting bati niya sa bagong dating.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya tinatanggal ang braso na nakahapit sa baywang ko.
"It's nice seeing you here. Ang buong akala ko ay hindi ka makadadalo, ang balita ko kasi ay nasa Japan ka pa," puna ng huli.
"May nangyari lang kaya napabalik agad ako ng bansa." Tiningnan niya muna ang entrance ng lugar. "Bakit hindi na muna tayo pumasok sa loob?" aya niya sa nangngangalang Mr. Saavedra.
Kung hindi ako nagkakamali, isang kilalang business tycoon ang taong dumating. Pero nakontento na lang akong makinig sa pag-uusap nila kahit noong nasa loob na kami ng elevator ngunit nahuhuli-huli kong sinusulyap-sulyapan ako ni Mr. Saavedra lalo na ang slit sa dress ko na litaw ang mga binti ko. Alam ko na ang ganyan na mga tingin, hindi na iyon bago sa akin kaya hinayaan ko na lang dahil ang mas mahalaga ngayon ay ang lihim kong pagbubunyi.
Kasalukuyang hawak ni Samuel ang kamay ko habang panaka-naka akong inuusod sa gilid upang mailayo sa kausap niya. Heto naman ako binubusog ang mga mata na pagmasdan ang bagong reaksyong ipinapakita niya. Tila nilalasing naman ako ng amoy niya dahil sa lapit ng mga katawan namin.
Nang bumukas ang pinto ng elevator naunang lumabas niyon si Mr. Saavedra kasama ang dalawang babae. Susunod na sana ako nang hatakin ako ni Samuel at igaya sa isang sulok. Nasa right side na kasi ang hotel event hall, nagliliwanag ang lugar dala ng eleganteng mga ilaw at disenyo ng nasabing corporate dinner na ginaganap.
"Hintayin mo na lang ako rito, babalik din agad ako," wika ni Samuel.
Napakunot-noo ako. "Teka, iiwan mo 'ko?" tanong ko.
"Babalik din agad ako." Tinungo niya ang buffet table at kumuha muna ng isang platito. "Kapag sinabi kong mag-stay ka lang dito, hindi ka pupunta sa kung saan-saan, okay?"
"Ano ako, bata?" Iiling-iling siya na bakas sa mukha ang pagmamadali. Eh, ano pala papel ko roon kung hindi ko siya sasamahan? Subalit nang makita ko ang frustration sa mukha niya hindi na ako nagmatigas. Marahil hindi lang talaga ako kaaya-aya na dumikit-dikit sa kaniya habang kausap niya ang mga kasosyo. "Okay, dito lang ako, hihintayin ka."
Agad rumehistro sa mukha niya ang relief mula sa huling sinabi ko.
"Good, babalik din agad ako," paalam niya.
***
NAKAANIM na yata akong serving ng macarons na nasa mahabang mesa ngunit hindi pa rin nakababalik si Samuel. Abala pa rin siya sa pakikipag-usap sa hindi kalayuan.
Nanggagalaiting inilagay ko sa bibig ang isang cupcake na nadampot ko bago napaigtad sa kinatatayuan nang makitang may lumapit sa kaniyang babae at ang lintang iyon ay parang ahas na lumingkis sa braso naman niya. Doon na ako hindi nakapagpigil at tinawid ang distansya ngunit hindi pa man ako tuluyang nakalalapit ng maglakad siya palayo upang sundan ang babae.
Mukhang makapapatay yata ako ngayong gabi. Harap-harapan pa sa aking ipinapakita ang pagtataksil na ito samantalang ako ang dinala niya noong gabing iyon bilang date. Pero hindi naman lingid sa kaalaman ko na kaya lang ako dinala roon ni Samuel ay dahil ako ang sekretarya niya.
Naalerto ako nang tuloy-tuloy silang maglakad hanggang sa kabubukas lang na elevator. Para akong pinagsakloban ng langit at lupa ng sumara ang pinto niyon. Agad akong nag-isip luminga-linga ako sa paligid. Nang matiyak sa ano'ng floor sila patungo. Tinungo ko naman ang hagdanan ng hotel.
Nang malapit ko ng matunton iyon ay bigla ko na lang natagpuan ang sariling nakasalampak sa carpet na sahig ng pasilyo. Ipinikit-pikit ko ang mga mata bago inilibot ang paningin sa buong paligid. Nakita ko ang bulto ng isang lalaki na nakahiga sa tabi ko at wheelchair naman sa hindi kalayuan.
"Are you stupid?!" the man screamed.
A knot formed on my forehead as I stared at the man's face. Bakas sa mukha nito ang matinding galit sa hindi ko mawaring dahilan sapagkat ng dahil nga sa kaniya ay natumba ako samantalang may hinahabol pa naman ako ngayon. Ako nga yata ang may karapatan na magalit.
"Damn it!" naiusal ko sa sarili habang tumatayo. Imposible na yatang maabutan ko pa si Samuel at sa babaeng ahas na kasama nito.
Ilang sandali ay binalot naman ako ng pagtataka nang hindi kumilos ang lalaki sa puwesto nito.
Nilapitan ko na ang lalaking nakasuot ng tuxedo, mukhang guest din siya ng naturang okasyon. Sinulyapan ko rin ang wheelchair sa hindi kalayuan.
"Ayos ka lang?" tanong ko.
Nakasubsob lang ang mukha niya sa carpet.
"Kailangan mo ba ng tulong?" muling tanong ko. Hindi ko maintindihan kung bakit nasa ganoon siyang estado. Ngunit nagkaroon na ako ng ideya nang mahagip ng paningin ang mahigpit niyang hawak sa kamay.
"Get the hell out of my business!" bulyaw niya.
Kunot-noo ko na lang na tinungo ang wheelchair at itulak iyon patungo sa kaniya."Hey," wika ko na bakas ang iritasyon nang lumapit sa kaniya.
Dala ng propesyon na pinasok ko at tawag na rin ng tungkulin. Sandaling nawala sa isip ko ang paghabol kay Samuel. Pinagtuunan ko muna ng pansin ang mistulang ligaw na batang ito.
Halatang wala ring nadadaan sa banda na iyon ng lugar kaya wala ring ibang makatutulong sa kaniya. Kailangan ko munang maitayo siya dahil bakas na hindi siya komportable sa posisyong 'yon.
Kung hindi rin ako nagkakamali, stroke patient siya na hindi na maikilos ang kalahati ng katawan.
"Don't touch me!" sigaw niya. Hinampas niya ang kamay ko dahilan upang mapaatras ako. "Hindi ko kailangan ng tulong mo! Iwan mo na lang ako rito!"
Umismid ako. Mukhang nakatagpo pa yata ako ng ma-pride na pasyente. Napamaywang ako nang muling lapitan ko siya at ilagay ang isang braso niya sa balikat ko.
"Sinabi ko ng hindi ko kailangan ng tulong!" protesta niya sa ginawa ko.
"Hindi mo 'ko kailangan sigawan!" singhal ko. Pinukol ko siya ng masamang tingin dahilan upang matuptop siya. "Kung ayaw mong tinutulungan ‘wag kang magpakita ng kahinaan sa harap ko!"
Nanlalaking ang mga matang napatitig siya sa akin. Laking pasasalamat ko na lang at sa wakas sumuko rin siya. May kalakihan ang katawan niya kaya hirap akong maalalayan siyang maiupo sa wheelchair. Mabuti na lang at tinulungan niya rin ako kung hindi baka kanina pa nabali ang balakang ko.
Napahawak ako sa baywang ko. Pakiramdam ko ano mang oras ay mapapatid iyon. Habol pa ang hininga ay marahas kong binalingan ang lalaking dahilan kaya tiyak na ilang gabi kong pagdudusahan iyon.
"What?" nagtatakang tanong ko nang hindi niya inaalis ang tingin sa akin. Pinasadahan ko ang buong sarili bago siya muling hinarap. "No need to tell me, alam kong hindi bagay sa 'kin ang suot ko," wika ko.
"Bagay sa 'yo," aniya na lubhang hindi ko inaasahan. Agad siyang nag-iwas ng tingin. "Estevan..." usal niya.
Nagdududang pinagkatitigan ko siya. Ibinibigay ba niya ang pangalan sa akin?
Ngunit hindi ako umimik. Hindi kasi ako mapakali ngayong hindi ko alam kung nasaan na nagpunta si Samuel habang may kasamang babae. Dapat ako ang lumilingkis sa kaniya pero kung ipagtabuyan niya ako daig ko pa ang may dalang malalang sakit.
"What's your name so I can pay you back for helping me?"
"Hindi na," tanggi ko. Baka maabutan ko pa si Samuel. May masama kasi akong pakiramdam sa babaeng kasama niya. Sana naman mali ang kutob ko.
"Sandali lang," pigil niya sa akin nang akmang iiwan ko na siya. "Can you stay with me until my caregiver arrive?"
Gusto kong matawa. Kung kanina ay todo ang tutol niya na hindi niya kailangan ng tulong ngayon naman ay kung maka-request siya akala daig pa ang isang boss.
Heto ako, sinamahan nga siya hanggang sa dumating ang tinutukoy niyang nana. Marahil iyon ang kaniyang kasamang private nurse nang magtungo sa lugar na iyon.
"Sir Madeo, nandito lang po pala kayo! Kanina ko pa ho kayo hinahanap!"
Itinakip nito ang isang blanket sa mga binti ni Estevan.
Humakbang na ako palayo dahil natanaw ko na sa hindi kalayuan na niluwa ng elevator si Samuel. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at agad na tinungo ang direksyon niya.
Agad nagsalubong ang kilay ko nang mahagip ng paningin ko ang mantsa ng lipstick sa pisngi niya.
***
Kabanata VUMAWANG ang mga labi ko nang matiyak na mantsa nga ng lipstick ang nasa pisngi ni Samuel. Parang gusto ko na lang himatayin sa sobrang galit na nararamdaman.Ngunit pilit kong itinago sa matamis kong ngiti ang selos na lumulukob sa buong pagkatao ko. Hindi ko magawang makatingin sa kaniya ng deretso dahil batid kong oras na gawin ko 'yon mag-aaway lang kami.Mayamaya'y may mainit na kamay na humawak sa likod ko. Napapitlag ako sa gulat. Nang mag-angat ako ng tingin ilang dipa lamang ang layo ng mukha niya sa akin. "Let's go," anang niya sa nagmamadaling tono ng boses."Where?" nagtatakang tanong ko."I just can't take it anymore."Napakunot-noo ako sapagkat hindi ko maintindihan ang huli niyang sinabi.Lumiko kami sa isang pasilyo
Kabanata VISamuel"HOY, hindi tambayan ang condo ko ng mga Mandragon. Umuwi ka na, doon ka sa bahay mo magmukmok!" sigaw ni Joseph habang hinahampas ng unan ng couch ang likod ko.Unti-unti kong minulat ang mga mata, naulingan kong nakatayo sa harap si Joseph habang masama ang tinging ipinupukol sa akin. Bumangon ako at sumandal sa couch kung saan ako nakatulog kagabi. Nagkalat sa carpet na sahig ang mga walang laman ng alak na ininom ko buong gabi.Kahit kumikirot ang sentido ay nagawa kong tumayo para kunin sa hindi kalayuan ang cellphone ko."Pre, kung nag-away kayo ni Aniela. Hindi naman puwedeng palagi ka lang sa bahay ko tumatakbo para magtago-tago," reklamo ni Joseph nang sundan ako.Hinayaan kong bukas ang pinto ng banyo nang maghilamos ako. Ngunit nahagip pa rin ng paningin ko nang sumandal siya sa gilid ng pintuan."Aren't you going to say any
Kabanata VIISamuelLIHIM na nakamasid ako sa hindi kalayuan sa isang pamilyar na pigura ng babaeng ang buong akala ko ay matagal pa bago kami magkita. Napalagok ako ng laway habang pilit ikinukubli ang presensya ko na baka mapansin ni Aniela.Napakalakas ng musika ng naturang club kaya duda rin akong mapapansin niya ako mula sa kinatatayuan ko. Hindi ko maiwasang maiyukom ang mga kamay, heto na naman ang bumabangong inis sa loob ko. Ayoko mang aminin sa sarili ko subalit tama ang hinala ni Joseph sa maaaring kahantungan ng lahat oras na malaman ni Aniela ang nangyayari.Mariing napapikit ako. Wala siyang ideya na nasa bingit ng panganib ang buhay niya, and I'm afraid sticking with her would only make the situation more worse.Napapiksi ako nang makitang may dalawang lalaking lumapit sa kaniya at maupo sa dalawang bakanteng stool. Doon ako naalerto upang lumapit.
HINDI nga ako nagkamali, hindi pa man tuluyang nakapagpapalit ng damit. Suot ko pa noon ang scrub suit ay bigla na lamang akong pinatawag sa nursing head office.Kakatok pa lang sana ako niyon nang biglang bumukas ang pinto. "Mabuti hindi ka pa nakakauwi Nurse Villaruiz," nakangiting bungad sa akin ng head nurse.Inuwestra niya ang isang bakanteng couch sa tapat ng table. "Please, have a seat," aniya habang hindi pa rin naalis ang ngiti sa mga labi.She looked disoriented when she suddenly remembered something. "Oh, I forgot. May gusto ka bang inumin, I'll get it for you, softdrinks? Iced tea? Coffee?"Doon na ako kintuban na may kakaiba. Being called by the head nurse is something I never thought would happen this soon. Isa lang naman akong nursing student at unang araw ko ngayon."Snacks? Tamang-tama dinner na, baka nagugutom ka na Miss Villaruiz," aniya.
TULAK-TULAK ang wheelchair ni Estevan ay nagtungo kami sa rooftop ng ospital.Nang makarating, inalalayan kong makatayo siya upang mahawakan ang gilid. "Thank you," aniya habang nakatitig lang sa akin.His knees were trembling when I removed my hands supporting him. Hinayaan ko lamang siya habang pinapanood na pilit na ihakbang ang mga paa."Narinig kong naaksidente ka raw," biglang wika ko.Binalingan niya ako. "Yeah, it was my carelessness why this happened to me," nakangiting sagot niya."I see. Pwede ko bang sabihin, buti nga sa 'yo?"Naglahong parang bula ang mga ngiti niya sa labi ng marinig iyon mula sa akin."If you're still mad, just tell me. Alam kong galit ka dahil sa nangyari kanina.""I'm glad you know. Kahit sino naman ay magagalit kapag nalaman nilang may isang taong hindi nila kilalan
"AS far as I know, his mother died when he's only ten years old. Kaya hindi na ako nagtataka why he's acting like that, well in fact, even his own father doesn't give a damn on his own child..." saad ni Madison habang nasa cafeteria kami ng ospital. Isang linggo na ang nakararaan ng magsimula ang residency niya kung saan ko kinukuha ang clinical training ko. Bumara yata sa lalamunan ko ang kinakain na excited pa naman ako nang malamang adobo ang ulam ko. Tinungga ko ang isang basong tubig bago sinulyapan sa tabi ko si Madison na payapang kumakain ng vegetable salad na halos kalahating oras na ay hindi pa rin niya maubos-ubos. Hindi ko alam kung ano'ng dapat na isipin nang marinig ang bagay na iyon dahil sa totoo lang wala naman sana akong problema kung hindi ako naging assisting nurse ni Estevan. Sa tingin ko nga kahit hindi na siya manatili sa ospital kaya niyang gawin ang mga physical therapy niya sa bahay. Ngunit hindi nakaligtas ang katotohanan sa 'kin. E
Kabanata XNAIYUKOM ko ang mga kamay habang pinagmamasdan ngayon ang sinapit ng isa sa mga tauhang inatasan ko sa pagbabantay kay Aniela.I looked helplessly to Mang Ren's daughter who kept on crying ever since she heard that her father was brought to a hospital because of an encounter.Kung hindi pa rin titigil si Ginoong Romuel sa mga plano niya na gantihan ang pamilya ni Mang Anton sa nangyari ilang taon na ang nakararaan, wala akong pagpipilian kung hindi isiwalat ang lahat kahit kapalit niyon ay napalaking bagay. I couldn't take this anymore seeing my people get hurt and I'm afraid this terrible thing may also happen to Aniela if I didn't tell her everything.Plano kong itago sa kanya ang lahat pero kung walang magbabago kahit na layuan ko si Aniela at panatilihin siyang ligtas sa likod ng anino ko, mawawalang saysay ang lahat.I miss Aniela. We've been together for ten years... sa isang iglap kinailangan ko siyang talikuran
HINDI pa rin tumitigil ang panginginig ng kamay ko ng lumabas kami ng storage room kanina ni Samuel. Naudlot lang ang mainit na eksena naming dalawa ng tumunog ang suot kong relo hudyat na tapos na ang break ko.
Extra III"MAGANDANG umaga ho!" bati ni Aniela sa maghahatid sa kanya sa school. Labingdalawang taong gulang na siya at nasa first year highschool na. Napakalaki ng ipinagbago niya nang magsimulang magdalaga.Bagay na bagay sa kanya ang suot na uniporme at paldang umaabot lamang hanggang tuhod. Nakalugay ang buhok na mamasa-masa pa dahil hindi na nagawang mapatuyo dahil tinanghali na siya ng gising, sa sobrang kaba kasi niya kaiisip tungkol sa unang araw niya sa pagiging highschooler nakalimutan na niyang ipikit ang mga mata.Sa katunayan, halos tatlong oras lang ang tulog niya. Pero hindi mahahalata dahil sa baby face pa ring mukha.Agad siyang lumulan ng sasakyan na nakaparada sa labas lamang ng tinutuluyang bahay kung saan ay kasama si Samuel.Mayamaya'y lamang ay kasabay ring lumabas si Samuel habang ang suot naman ay simpleng polo at maong pants."Lalong gumaganda si Ma'am Aniela, 'di na ako magugulat kung maraming lalaki ang manliligaw sa ka
TINUPAD ni Tito Rucio ang pangakong tutulong siyang mabuo muli ang pamilya ko. Hindi naman nito iyon responsibilidad, pero lubos-lubos ang pagpapasalamat ko.Katuwang ang anak na si Samuel, agad kaming naghanap ng malilipatang bahay. Pinili ko kasing manirahan na lamang ang mga magulang ko sa syudad. Lubos akong natutuwa na matapos ang ilang taon ko na pag-iipon upang makapagpundar ng sariling bahay ay nagamit ko na.Dinagdagan lang 'yon ni Samuel para sa mga ibang appliances na kakailanganin ng mga magulang ko para maging komportable sila.Tahimik, payapa at malayo sa mga mapangbuskang mga tao. Iyon ang gusto kong lugar kung saan sila mamumuhay na dalawa. Kahit unti-unti nang nakalilimutan ng nanay ko ang sariling pamilya nang lumala ang kanyang dimentia. Wala akong nagawa kung hindi umiyak nang umiyak sa bisig ni Samuel.Napakabigat ng dibdib ko sa tuwing sasagi sa isip ko ang mga taon na nasayang at mga panah
PINAMULAHANAN ako ng mukha. "Alam na rin ba ni Tita Sophia?" halos pabulong ko nang tanong."Yeah. Even Ate Sera knows it."Gusto ko mang sumabog sa pagkahiya. Parang nanariwa sa akin na animo'y normal lamang kanina ang naging pag-uusap namin ng pamilya niya."I can't tell if they were mad about me...""Why would they?"Binalingan ko siya. Parang hindi siya apektado ng balitang 'to at wala mula sa kahit sino sa kanila ang negatibo ang reaksyon.Kaya nagduda na naman ako kung panaginip lang itong lahat.Muling nagbadyang maluha ako. Ayokong magising na panaginip lang lahat at hindi totoong pinangakuan ako ni Samuel.Sunod-sunod ang pagtikhim ang narinig ko na kapwa pumukaw ng atensyon ko at ni Samuel.Madilim ang anyo ng mukha ni Tito Rucio nang makita ang namumugto kong mga mata. Nakita kong umigting ang panga niya at ano mang oras ay handa ng ambahin ng suntok ang lalaking nasa tabi ko. Matalim ang tinging ipinukol niya sa anak
***continuation
Extra I
UNTI-UNTI kong iminulat ang mga mata. Nagtaka ako nang makita ang Ate Frixie ko na iyak nang iyak habang hawak ang kamay ko.Bumakas ang gulat sa mukha niya nang makitang gising ako.“Aniela!” bulalas niya. Dali-dali siyang tumakbo palabas ng silid kung nasaan ako. Wala akong nagawa kung hindi sundan lamang siya ng tingin.Mayamaya'y inilbot ko ang paningin. Puting-puti ang buong lugar at naiiba lamang ang kulay ng kurtina. Kulay beige kasi iyon kaya nakapupukaw ng pansin.Binalak ko sanang tumayo nang mahagip ng paningin ko ang nakatusok sa likod ng kamay kong iv fluid. Gusto ko sanang matawa dahil kung dati-rati ay ako ang naglalagay niyon sa pasyente pero ako ngayon ang mayroon n'on. Nang maisipan kong tanggalin 'yon, napangiwi ako nang makitang naka-cast ang isa kong braso.Kaya napagtanto kong totoo ang lahat ng nangyari. Hindi 'yon panaginip.Pero may isang bagay akong naalala na gusto kong matiyak na totoo mula sa mga natunghayan kong nangy
Kabanata XXNANG magising kaninang umaga masakit man
ILANG sandaling natahimik ang ama ko bago tumikhim. "Ngayon lang kami nakapag-usap ng anak ko at ngayon niya lang din nabanggit sa akin na nakapag-propose na siya kagabi. I'm really sorry to say that Aniela is now part of my family."Napatitig sa akin ng ilang segundo si Mr. Caleb. "My son really likes her..." anito sa mababang boses."She likes me Mr. Caleb David, and I love her. We already settled everything last night. If you want I can invite you and your son for my upcoming wedding... or should I call you Ravier Calbrieto?" Tumalim ang mga mata kong nakatingin sa kanya. "Pero sa tingin ko ay hindi na kailangan pa dahil bago dumating ang araw na 'yon ay sisiguraduhin kong mabubulok ka na sa kulungan..."Gumuhit ang nakatatakot na ngiti sa mga labi niya. Kahit labis na naguguluhan sa tunay niyang pakay at base pa lamang sa reaksyon niyang hindi man lang kinakaila ang pagtawag ko sa kanya sa pangalang iyon, lalo ko lang napatunayang siya ang nasa likod
Kabanata XVIIISamuel