Kabanata II
BINILANG ko ang laman ng savings ko sa laptop bago nagmamadaling isinara iyon. Tumayo kasi sa harap ko si Samuel habang magkasalubong ang mga kilay. Tiniyak ko muna kasi kung pumasok ang compensation pay ko sa nangyari ngayong gabi. Sayang naman ang mga gabing pinagpuyatan ko sa pagtatrabaho sa club kung hindi ako mababayaran.
Baka bigla ko na lang sugurin ang kulungan kung saan ngayon nakapiit si Aziel. Hindi sana ako mahuhuli ni Samuel kung marunong siyang magpigil ng libido.
Hayop na 'yon, balak pa yata akong gawing parausan. Kahit may hitsura iyon, wala naman sa kalingkingan ang gandang lalaki ni Samuel ang taong iyon. Parang hindi rin nga makatarungang ikumpara ko ang dalawa dahil iba naman ang pagka-yummy ng tagapag-alaga ko sa mukhang gangster na ex-manager ko sa club.
Para tuloy gustong masuka sa mga naiisip ko. Ilang beses ko na ngang hinugasan ang nadumihan kong kamay sa paghimas sa nakadidiring dibdib ng impaktong 'yon. Hindi ko pa ring maiwasang mapaigtad sa tuwing naaalala, kulang na nga lang ay iligo ko ang bleach baka may rabies din ang laway niyon.
Kadiri...
"Hindi ka ba magpapaliwanag?" biglang sikmat ni Samuel sa akin. Muntik ko ng makalimutan ang tungkol sa pagkastigo niya sa akin sa nangyari.
"Ano pa bang ipapaliwanag ko kung napanood mo na sa video ang lahat ng nangyari kagabi?" untag ko. Kasalukuyan akong nakaupo sa kama ko nang pumasok siya ng kuwarto na hindi niya karaniwang ginagawa.
"That's why I'm asking you what really happened," aniya.
Ngunit katahimikan ang naging tugon ko. Lihim kong sinundan siya ng tingin nang kunin niya ang isang silya sa study table ko. Inilagay niya iyon sa harap ko. Ang hudyo sa harap ko rin naupo!
Napamaang ako. "Hey!"
Napaurong ako nang ilang dipa lang ang layo ng mukha niya sa akin. Nahigit ko maging ang sarili kong hininga nang mapagmasdan ang napakaganda niyang mga mata niya. Those hazel colored eyes, pointy nose and thin lips never fails to always captivate me.
Nakagat ko ang ibabang labi at naiyukom ang mga kamay pinipigilan ang sariling sunggaban siya at halikan. Kung alam lang marahil niya ang pagwawala ng puso ko sa dibdib maging pag-iinit ng katawan ko na maangkin siya, baka matagal na niya akong tinapon sa bangketa.
This is how evil I am.
"Better tell me now or I'll take your silence as your pure disrespect towards me."
"Ganyan ka na naman. Bakit hindi mo na lang ako pagalitan?"
Umiling-iling siya na lubhang ikinagulat at ikinainis ko.
"Bakit hindi ka magalit? You should get mad, why are you showing me that concerned look again?" galit na sigaw ko. Nasagad na ang pasensya na mayroon ako. "Ganyan ka na lang palagi, hindi ka magsasalita kapag nagagalit ka. Iniisip ko tuloy na wala kang pakialam sa akin kaya ano pang dahilan para magpaliwanag ako!"
Iniwas niya ang mukha mula sa akin na dumagdag lang sa bigat ng nararamdaman ko ngayon.
Sa halos sampung taon simula nang pagkupkop niya sa akin, ang katahimikan niya ang senyales ng kaniyang galit at iritasyon. Naiinis ako kapag ganoon siya, hindi ko kasi maiwasang isipin na parang aksaya lang ako ng oras niya na kagalitan at pagsabihan. Natuto akong manahimik na lang at kimkimin ang lahat ng bagay kaya nakakapanibagong ipagpipilitan niya sa akin na magpaliwanag ako.
After all those years of his silence, I can't believe that he is asking me for an explanation.
Natawa ako ng pagak. Kung ginagawa niya lang ito para ma-pacify ang pride niya. Nag-aaksaya lang siya ng oras.
"Hindi mo na kailangan pang bantayan ako. If you think that taking good care of me will help you gain Sienna's love, ngayon pa lang sinasabi ko ng hindi 'yon mangyayari."
Halatang nagulat siya sa sinabi ko. Kitang-kita ko ang kalungkutan sa mga mata niya, naniniwala akong hindi niya inaasahang manggagaling iyon mismo sa akin. Hindi ako hangal para ikaila ang katotohanan na iyon, kung may martyr na sigurong lalaki ang nabubuhay sa mundo. Si Samuel na yata ang taong hindi nag-e-exist ang salitang ‘move on’ dahil hindi lingid sa kaalaman ko na mahal niya ang kapatid kong si Sienna na ngayon nga'y kasal na at may tatlo ng anak sa asawa nito.
He's pitiful. Nakita kong dahan-dahan siyang napatayo.
"Nakahain na ang agahan, tumayo ka na at maligo. May klase ka pa," anang niya sa mahinang boses na sapat upang marinig ko saka siya lumabas ng kuwarto ko.
You're supposed to be mine, Samuel.
Hindi ko maiwasang mainggit kay Ate Sienna kung bakit hanggang ngayon ay palagi pa ring laman ng isip niya. Kung puwede ko lang baligtarin ang mundo kung saa'y ako ang unang naging laman ng puso ni Samuel, hindi siya sana nasasaktan dapat ng ganito.
***
"PAKIDALA 'to sa C12," utos sa akin ng head chef.
"Okay po," sagot ko.
Mabilis kong kinuha ang tray at hinanap agad ang table na binanggit. Hating gabi na ngunit wala pa ring humpay ang dagsa ng mga tao sa bago kong pinapasukan na chinese restaurant na karaniwang customers ay mga call center agent ng isang kompanya malapit sa lugar na iyon.
"Buttered chicken, Ma'am and Sir," wika ko nang matunton na rin sa wakas ang table na kanina ko pa hinahanap.
Kaya kasing mag-accomodate ng lugar hanggang isandaan na mga customer kaya nalilito pa rin ako kapag sabay-sabay na dadalhing pagkain sa mga mesa. Nang akmang magpapahinga lang ako sandali sa isang sulok narinig ko na naman ang bell sa may kitchen.
"Nandiyan na po!" sigaw ko.
Nagawa ko lang magpahinga noong naghuhugas na ng mga plato at ginamit na kitchen utensils. Sinulyapan ko ang nakasabit na orasan sa dingding. Natuwa naman akong malaman na may isang oras pa akong tulog mamaya pag-uwi ko.
Ipinunas ko muna ang mga kamay sa suot kong apron bago hinubad. Hindi ko maiwasang palaging i-check ang oras kahit nagpapalit na ako ng damit sa locker room.
Malalim na napabuntong-hininga ako nang lumabas ng naturang lugar. Agad na dumampi sa balat ko ang malamig na simoy ng hangin. Maymaya’y napakislot ako at bumahing ng ilang beses.
Isinara ko ang zipper ng suot kong jacket at nagsimulang maglakad. Batid ko sa sariling kahit ano'ng gawin ko para kontrolin ko ang sariling huwag na muling maalala ang nakaraan, bumabalik pa rin ang mga iyon sa tuwing nag-iisa ako.
Itinaas ko ang kamay kung nasaan ang peklat na pilit nagpapaalala sa akin na kahit ano'ng pagtakbo ang gawin ko ay hindi niyon ako basta-basta lulubayan. Exhausting myself never helps me at all. Kahit siguro patayin ko ang sarili ay hindi ako niyon matutulungan na maitago ang katotohanan sa tunay kong pagkatao. Nahagip ng paningin ko ang isang glass wall ng isang bilihan ng damit. Hindi ang laman niyon ang pumukaw ng atensyon ko subalit ang sarili kong repleksyon.
Sa araw-araw na nagdaraan hirap kong malaman ang dahilan bakit wala sa lahat ng ginagawa ko ang nagbibigay galak sa puso ko. Marahil wala sa mga iyon ang tunay na purpose ko. Natawa ako ng pagak nang mapagtanto ang isang bagay na walang dudang dahilan ng lahat.
Because I'm only running away from everything.
Nakaramdam ako ng presensya na nakasunod sa akin sa likod. Inihanda ko na ang sarili sa ano mang sumunod maaaring mangyari. Huminto ako sa isang eskinita upang doon i-corner ang kanina pa sumusunod sa akin.
Maliksing inamba ko ang taong sinusundan ako ng dulo ng ballpen ko nang manlaki ang mga mata ko nang makilala iyon.
"S—Samuel?" usal ko.
Tila nanlamig ang buong katawan ko nang makitang tumulo ang dugo niya sa pisngi ko.
"Aniela..." he uttered.
Sinapo niya ang sugatang pisngi kung saan dumaplis ang dulo ng ballpen ko kanina roon.
"Why are you following? You should have approached me!" bulyaw ko sa kaniya nang ilapat ko sa sugat niya ang panyong dala ko.
Ngunit nagulat na lang akong nang hawakan niya ang kamay ko at idampi iyon sa mukha niya. "I'm sorry..."
Napakunot-noo ako. "Saan ka nagso-sorry? Ako nga ang dapat na magsorry sa 'yo, kailangang magamot muna ang sugat mo baka maimpeksyon!"
Ngunit ng akmang hihilahin ko na siya palayo ay pinigilan niya ako.
"Ano ba? Halika na sabi!"
He gave me a cold look, kaya napatigil ako.
"I never got mad because I thought doing so will only make your life hard," aniya.
Para saan pa ang mga sinasabi niya kung hindi naman makapag-focus ng isip ko irehistro iyon gawa ng pagpapanic ko.
Namuhay akong malayo sa mga magulang ko. Habang siya tumayong ikalawa kong pamilya noong mga panahon na tinalikuran ako ng lahat ngayong unti-unti kong hinahangad na hindi lamang kapatid ang turing niya sa batang kinupkop niya sampung taon na ang nakararaan. Pakiramdam ko ay may kung ano'ng matalim na bagay ang tumutusok sa puso ko.
Ano na ngayon ang puwedeng mangyari sa akin? Ang nag-iisang taong mayroon ako ay maaaring sa isang iglap ay mawala kapag nagmatigas ako.
That is why I need a lot of fucking money!
"Mamaya ka na please magpaliwanag, kailangan na muna natin gamutin ang sugat mo!" Hinatak ko na siya palabas ng eskinitang pinuntahan ko para sana i-corner ang kung sino man na sumusunod sa akin, pero malay ko bang si Samuel iyon?
Malutong na napamura ako. Paano na lang pala kung napatay ko siya? Katakot-takot na pagsisisi ang aabutin ko.
Labis ang pasasalamat ko ng natanaw sa hindi kalayuan ang sasakyan niya na nakaparada.
"Napansin kong marami ng nagbago sa 'yo. Before you were such a young child, your eyes never lie when they look at me," biglang wika ni Samuel sa likod habang ang kamay ay tinatakpan ang nagdurugo pa ring galos.
Sinulyapan ko siya saka nanggagalaiting pinukol ng masamang tingin ang kamay kong may bakas ng dugo.
"So, you now know," usal ko.
"Matagal ko ng alam." Gulat na gulat akong napatitig sa kaniya hindi makapaniwala sa narinig. May kung ano'ng kinuha siya sa compartment ng sasakyan. First aid kit iyon na ngayon ko lang nalaman na mayroon ang kotse niya. "You're a nurse, you know how to disinfect my wound. We don't have to go to any hospital," aniya.
Padabog kong kinuha iyon mula sa kaniya. Inis na inis ako sa sarili dahil para akong tuod sa pagkilos ngayong mas kailangan kong bilisan. Matagal ng naexpose ang sugat at natatakot akong magkaroon iyon ng peklat.
"Ano pang alam mo?" tanong ko habang nililinis na ang sugat niya sa mukha.
Dumako ang mga mata niya sa akin. Muntik na akong mawalan ng malay dahil pakiramdam ko dumoble ang pagwawala ng puso ko.
"Naalala mo ba noong nine years old ka pa lang, you would always clinged on me as if anytime I will disappear from you." Sinadya kong lagyan ng pwersa ang cotton buds na may povidone-iodine na ginagamit sa sugat niya. Ayoko pa naman na inuungkat niya ang walang kamatayang istorya ng pagkabata ko nang mapunta ako sa poder niya. Narinig kong malalim na napasinghap siya. "Y—you're such a sweet child... minsan mo pa nga akong niregaluhan ng bulaklak. Pero ngayon nagagawa mo na akong saktan."
Nagsalubong ang kilay ko sa mga huling salita na binitawan niya.
"Bakit parang kasalanan ko?" gulat na tanong ko.
Napatitig na naman siya sa mga mata ko. Pakiramdam ko para akong nilulunod ng mga iyon sa isang malalim na karagatan at oras na hindi ko iiwas ang mga mata ko ay hindi na ako makakaalis.
"I miss those days," aniya. Hinawakan niya ang kamay kong may hawak ng cotton bud. "You calling me Kuya Sam than Samuel today," dugtong niya.
I don't miss those days. Bahagi na lang iyon ng nakaraan ko na kung maaari ay ayoko ng balikan. Iyon din kasi ang dahilan kaya ako lubhang nasasaktan ngayon... and for Pete's sake he doesn't have any idea about it!
"‘Yon lang pala, Kuya Sam. ‘Ayan masaya ka na?" iritableng sabi ko.
"Aniela..."
"Sinabi ko na sa 'yo, I don't want to call you Kuya Sam anymore. Pero kung 'yon ang gusto mo at para matapos lang ang pag-uusap na 'to, tatawagin na uli kita sa ganoon."
"But it's normal. I'm ten years older than you, you supposed to call me kuya."
Dagdag sama ng loob na naman ang ibinigay niya sa akin ngayon. Iniisip ba niyang nagiging salbahe na ako? Ano ako bata?
Hanggang kailan ba niya akong ituturing na bata? Sawang-sawa na akong ganyan niya ako pakitunguhan. Gusto ko siyang alagaan dahil alam kong may kakayahan na akong gawin iyon.
Samuel is an amazing man. Wala akong reklamo sa pagpapalaki niya sa akin, malaki nga ang utang na loob ko sa kaniya. Siya lang kasi ang tumayong magulang ko, nagpaaral, nag-alaga at sumuporta sa akin habang wala ang mga magulang ko.
"Kuya Sam..." pukaw ko sa atensyon niya.
Minamaneho na niya ang sasakyan pauwi.
"Sigurado ka bang hindi na natin 'yan ipapatingin sa espesyalista?" tanong ko tinutukoy ang sugat niya sa pisngi. Natakpan ko na iyon subalit hindi pa rin ako mapakali.
Sandaling sinulyapan niya ako. "You're a nurse," aniya.
"Not yet a nurse," pagtatama ko binigyang diin ang bawat salitang binigkas ko.
Gumuhit sa labi niya ang isang munting ngiti. "Soon you will."
Umismid at napahalukipkip ako. Napasandal na rin ako sa kinauupuan.
"Bakit napaaga yata ang pagbalik mo sa bansa? Hindi ba't next month pa dapat?"
"Something happened."
Duda ako sa bagay na iyon. Kamailan lang ng ibigay na sa kaniya ng ama ang pamamahala ng Mandragon Empire kaya mas naging abala ang schedule niya sa trabaho. Sa katunayan, halos isang beses na lang namin makita ang isa't isa sa loob ng isang buwan, kaya kahit ako ay kinuha ko na rin ang pagkakataon na habang wala siya ay nagtatrabaho ako.
Ngunit isa ang tiyak na sigurado, may nagbago nang minsang umuwi ng bansa ang kapatid ko. Ninakawan ko siya ng halik ng gabing iyon, kaya may ideya na siya sa tunay na nararamdaman ko para sa kaniya. Palusot na lang niya ang business ventures sa ibang bansa.
Ipinilig ko na lamang ang ulo ko sa bintana. Ang kapayapaan sa tabi niya ang nagpaalala sa katawan kong nangangailangan na iyon ng pahinga. Hindi ko na namalayang unti-unti nang bumabagsak ang talukap ng mga mata ko.
Being beside this man is my so called sanctuary. My peace and rest.
***
Kabanata III"ANIELA!" tawag ni Madison sa akin nang papalabas na ako ng unibersidad noong hapon na iyon.Habol pa niya ang hininga nang tumigil siya sa harap ko. Nang biglang mamaywang at nagtaas siya ng isang kilay nang mapasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko."Ano ba 'yang suot mo?" salubong ang kilay na tanong niya."What?" nagtatakang tanong ko. I'm wearing a loose peach shirt at hapit na blue jeans. Wala naman akong makitang mali sa suot ko ng araw na iyon.She rolled her eyes. Sunod-sunod ang pag-iling niya na labis kong pinagtakahan. "May part-time job ka ba ngayon?" kalauna'y tanong niya."Same as ever.""Good, sa akin ka lang magpart-time ngayong gabi kailangang-kailangan ko kasi ng driver." Ngumiti siya ng nakaloloko sa akin. "I told my dad that you will be coming with me kaya pinayagan niya ako."Natawa naman ako sa sinabi niyang iyon.
Kabanata IV"I'M sorry..." Tinitigan ko sa mga mata si Samuel. He was hurting just like me, sapagkat saksi siya noong mga panahon na hindi ko alam kung paano bumangon nang mawala na sa akin ang lahat.Niyakap niya ako at agad naman akong gumanti. Hindi ko na matandaan kung kailan ang huling beses na humantong kami sa ganitong estado na kapwa nasasaktan. Hindi rin naman lingid sa kaalaman ko na ako ang palaging may dahilan niyon at wala pa ring humpay na ginagamit ko ang pangako niya noon."A-Aalis ka pa rin ba?" nauutal kong tanong habang humihikbi sa bisig niya.Hinaplos niya ang pisngi ko upang alisin ang mga luhang naroon. "No," tipid na sagot niya.Sa halip na agad magbunyi, tinanggap ko ang sagot niyang iyon bilang salitang walang katumbas na kahulugan. Balang araw ay iiwan niya rin ako, magkakaroon siya ng pamilya at doon na matutuon ang atensyon niya. Mawawala na ako sa isipan niya at magigin
Kabanata VUMAWANG ang mga labi ko nang matiyak na mantsa nga ng lipstick ang nasa pisngi ni Samuel. Parang gusto ko na lang himatayin sa sobrang galit na nararamdaman.Ngunit pilit kong itinago sa matamis kong ngiti ang selos na lumulukob sa buong pagkatao ko. Hindi ko magawang makatingin sa kaniya ng deretso dahil batid kong oras na gawin ko 'yon mag-aaway lang kami.Mayamaya'y may mainit na kamay na humawak sa likod ko. Napapitlag ako sa gulat. Nang mag-angat ako ng tingin ilang dipa lamang ang layo ng mukha niya sa akin. "Let's go," anang niya sa nagmamadaling tono ng boses."Where?" nagtatakang tanong ko."I just can't take it anymore."Napakunot-noo ako sapagkat hindi ko maintindihan ang huli niyang sinabi.Lumiko kami sa isang pasilyo
Kabanata VISamuel"HOY, hindi tambayan ang condo ko ng mga Mandragon. Umuwi ka na, doon ka sa bahay mo magmukmok!" sigaw ni Joseph habang hinahampas ng unan ng couch ang likod ko.Unti-unti kong minulat ang mga mata, naulingan kong nakatayo sa harap si Joseph habang masama ang tinging ipinupukol sa akin. Bumangon ako at sumandal sa couch kung saan ako nakatulog kagabi. Nagkalat sa carpet na sahig ang mga walang laman ng alak na ininom ko buong gabi.Kahit kumikirot ang sentido ay nagawa kong tumayo para kunin sa hindi kalayuan ang cellphone ko."Pre, kung nag-away kayo ni Aniela. Hindi naman puwedeng palagi ka lang sa bahay ko tumatakbo para magtago-tago," reklamo ni Joseph nang sundan ako.Hinayaan kong bukas ang pinto ng banyo nang maghilamos ako. Ngunit nahagip pa rin ng paningin ko nang sumandal siya sa gilid ng pintuan."Aren't you going to say any
Kabanata VIISamuelLIHIM na nakamasid ako sa hindi kalayuan sa isang pamilyar na pigura ng babaeng ang buong akala ko ay matagal pa bago kami magkita. Napalagok ako ng laway habang pilit ikinukubli ang presensya ko na baka mapansin ni Aniela.Napakalakas ng musika ng naturang club kaya duda rin akong mapapansin niya ako mula sa kinatatayuan ko. Hindi ko maiwasang maiyukom ang mga kamay, heto na naman ang bumabangong inis sa loob ko. Ayoko mang aminin sa sarili ko subalit tama ang hinala ni Joseph sa maaaring kahantungan ng lahat oras na malaman ni Aniela ang nangyayari.Mariing napapikit ako. Wala siyang ideya na nasa bingit ng panganib ang buhay niya, and I'm afraid sticking with her would only make the situation more worse.Napapiksi ako nang makitang may dalawang lalaking lumapit sa kaniya at maupo sa dalawang bakanteng stool. Doon ako naalerto upang lumapit.
HINDI nga ako nagkamali, hindi pa man tuluyang nakapagpapalit ng damit. Suot ko pa noon ang scrub suit ay bigla na lamang akong pinatawag sa nursing head office.Kakatok pa lang sana ako niyon nang biglang bumukas ang pinto. "Mabuti hindi ka pa nakakauwi Nurse Villaruiz," nakangiting bungad sa akin ng head nurse.Inuwestra niya ang isang bakanteng couch sa tapat ng table. "Please, have a seat," aniya habang hindi pa rin naalis ang ngiti sa mga labi.She looked disoriented when she suddenly remembered something. "Oh, I forgot. May gusto ka bang inumin, I'll get it for you, softdrinks? Iced tea? Coffee?"Doon na ako kintuban na may kakaiba. Being called by the head nurse is something I never thought would happen this soon. Isa lang naman akong nursing student at unang araw ko ngayon."Snacks? Tamang-tama dinner na, baka nagugutom ka na Miss Villaruiz," aniya.
TULAK-TULAK ang wheelchair ni Estevan ay nagtungo kami sa rooftop ng ospital.Nang makarating, inalalayan kong makatayo siya upang mahawakan ang gilid. "Thank you," aniya habang nakatitig lang sa akin.His knees were trembling when I removed my hands supporting him. Hinayaan ko lamang siya habang pinapanood na pilit na ihakbang ang mga paa."Narinig kong naaksidente ka raw," biglang wika ko.Binalingan niya ako. "Yeah, it was my carelessness why this happened to me," nakangiting sagot niya."I see. Pwede ko bang sabihin, buti nga sa 'yo?"Naglahong parang bula ang mga ngiti niya sa labi ng marinig iyon mula sa akin."If you're still mad, just tell me. Alam kong galit ka dahil sa nangyari kanina.""I'm glad you know. Kahit sino naman ay magagalit kapag nalaman nilang may isang taong hindi nila kilalan
"AS far as I know, his mother died when he's only ten years old. Kaya hindi na ako nagtataka why he's acting like that, well in fact, even his own father doesn't give a damn on his own child..." saad ni Madison habang nasa cafeteria kami ng ospital. Isang linggo na ang nakararaan ng magsimula ang residency niya kung saan ko kinukuha ang clinical training ko. Bumara yata sa lalamunan ko ang kinakain na excited pa naman ako nang malamang adobo ang ulam ko. Tinungga ko ang isang basong tubig bago sinulyapan sa tabi ko si Madison na payapang kumakain ng vegetable salad na halos kalahating oras na ay hindi pa rin niya maubos-ubos. Hindi ko alam kung ano'ng dapat na isipin nang marinig ang bagay na iyon dahil sa totoo lang wala naman sana akong problema kung hindi ako naging assisting nurse ni Estevan. Sa tingin ko nga kahit hindi na siya manatili sa ospital kaya niyang gawin ang mga physical therapy niya sa bahay. Ngunit hindi nakaligtas ang katotohanan sa 'kin. E
Extra III"MAGANDANG umaga ho!" bati ni Aniela sa maghahatid sa kanya sa school. Labingdalawang taong gulang na siya at nasa first year highschool na. Napakalaki ng ipinagbago niya nang magsimulang magdalaga.Bagay na bagay sa kanya ang suot na uniporme at paldang umaabot lamang hanggang tuhod. Nakalugay ang buhok na mamasa-masa pa dahil hindi na nagawang mapatuyo dahil tinanghali na siya ng gising, sa sobrang kaba kasi niya kaiisip tungkol sa unang araw niya sa pagiging highschooler nakalimutan na niyang ipikit ang mga mata.Sa katunayan, halos tatlong oras lang ang tulog niya. Pero hindi mahahalata dahil sa baby face pa ring mukha.Agad siyang lumulan ng sasakyan na nakaparada sa labas lamang ng tinutuluyang bahay kung saan ay kasama si Samuel.Mayamaya'y lamang ay kasabay ring lumabas si Samuel habang ang suot naman ay simpleng polo at maong pants."Lalong gumaganda si Ma'am Aniela, 'di na ako magugulat kung maraming lalaki ang manliligaw sa ka
TINUPAD ni Tito Rucio ang pangakong tutulong siyang mabuo muli ang pamilya ko. Hindi naman nito iyon responsibilidad, pero lubos-lubos ang pagpapasalamat ko.Katuwang ang anak na si Samuel, agad kaming naghanap ng malilipatang bahay. Pinili ko kasing manirahan na lamang ang mga magulang ko sa syudad. Lubos akong natutuwa na matapos ang ilang taon ko na pag-iipon upang makapagpundar ng sariling bahay ay nagamit ko na.Dinagdagan lang 'yon ni Samuel para sa mga ibang appliances na kakailanganin ng mga magulang ko para maging komportable sila.Tahimik, payapa at malayo sa mga mapangbuskang mga tao. Iyon ang gusto kong lugar kung saan sila mamumuhay na dalawa. Kahit unti-unti nang nakalilimutan ng nanay ko ang sariling pamilya nang lumala ang kanyang dimentia. Wala akong nagawa kung hindi umiyak nang umiyak sa bisig ni Samuel.Napakabigat ng dibdib ko sa tuwing sasagi sa isip ko ang mga taon na nasayang at mga panah
PINAMULAHANAN ako ng mukha. "Alam na rin ba ni Tita Sophia?" halos pabulong ko nang tanong."Yeah. Even Ate Sera knows it."Gusto ko mang sumabog sa pagkahiya. Parang nanariwa sa akin na animo'y normal lamang kanina ang naging pag-uusap namin ng pamilya niya."I can't tell if they were mad about me...""Why would they?"Binalingan ko siya. Parang hindi siya apektado ng balitang 'to at wala mula sa kahit sino sa kanila ang negatibo ang reaksyon.Kaya nagduda na naman ako kung panaginip lang itong lahat.Muling nagbadyang maluha ako. Ayokong magising na panaginip lang lahat at hindi totoong pinangakuan ako ni Samuel.Sunod-sunod ang pagtikhim ang narinig ko na kapwa pumukaw ng atensyon ko at ni Samuel.Madilim ang anyo ng mukha ni Tito Rucio nang makita ang namumugto kong mga mata. Nakita kong umigting ang panga niya at ano mang oras ay handa ng ambahin ng suntok ang lalaking nasa tabi ko. Matalim ang tinging ipinukol niya sa anak
***continuation
Extra I
UNTI-UNTI kong iminulat ang mga mata. Nagtaka ako nang makita ang Ate Frixie ko na iyak nang iyak habang hawak ang kamay ko.Bumakas ang gulat sa mukha niya nang makitang gising ako.“Aniela!” bulalas niya. Dali-dali siyang tumakbo palabas ng silid kung nasaan ako. Wala akong nagawa kung hindi sundan lamang siya ng tingin.Mayamaya'y inilbot ko ang paningin. Puting-puti ang buong lugar at naiiba lamang ang kulay ng kurtina. Kulay beige kasi iyon kaya nakapupukaw ng pansin.Binalak ko sanang tumayo nang mahagip ng paningin ko ang nakatusok sa likod ng kamay kong iv fluid. Gusto ko sanang matawa dahil kung dati-rati ay ako ang naglalagay niyon sa pasyente pero ako ngayon ang mayroon n'on. Nang maisipan kong tanggalin 'yon, napangiwi ako nang makitang naka-cast ang isa kong braso.Kaya napagtanto kong totoo ang lahat ng nangyari. Hindi 'yon panaginip.Pero may isang bagay akong naalala na gusto kong matiyak na totoo mula sa mga natunghayan kong nangy
Kabanata XXNANG magising kaninang umaga masakit man
ILANG sandaling natahimik ang ama ko bago tumikhim. "Ngayon lang kami nakapag-usap ng anak ko at ngayon niya lang din nabanggit sa akin na nakapag-propose na siya kagabi. I'm really sorry to say that Aniela is now part of my family."Napatitig sa akin ng ilang segundo si Mr. Caleb. "My son really likes her..." anito sa mababang boses."She likes me Mr. Caleb David, and I love her. We already settled everything last night. If you want I can invite you and your son for my upcoming wedding... or should I call you Ravier Calbrieto?" Tumalim ang mga mata kong nakatingin sa kanya. "Pero sa tingin ko ay hindi na kailangan pa dahil bago dumating ang araw na 'yon ay sisiguraduhin kong mabubulok ka na sa kulungan..."Gumuhit ang nakatatakot na ngiti sa mga labi niya. Kahit labis na naguguluhan sa tunay niyang pakay at base pa lamang sa reaksyon niyang hindi man lang kinakaila ang pagtawag ko sa kanya sa pangalang iyon, lalo ko lang napatunayang siya ang nasa likod
Kabanata XVIIISamuel