Kabanata I
ALASINGKO na nang magdesisyon mag-dismiss ang professor ko noong hapon na iyon ng klase. Kaya todo-todo ang pagmamadali kong magligpit ng mga ginamit ko sa laboratory.
"Aalis ka na?" tanong ni Madison sa akin, kaklase ko sa mga laboratory subject.
Isinukbit ko muna ang backpack saka siya hinarap. Taas pareho ang kilay niya habang nakatingin sa akin. My friend is wearing a v-neck shirt na hinapit niya sa bandang baywang at mini-skirt na kitang-kita ang mahahaba at mapuputi niyang legs. Doon ko lang din napansin ang mga kakaibang tingin na ibinigay sa kaniya ng mga kaklase namin sa loob ng laboratory.
Pero halata namang wala siyang pakialam sa mga iyon dahil kanina pa nakatuon ang atensyon niya sa akin.
Nang biglang napasinghap ako. I forgot that I promised to go with her after class.
"I'm sorry, Madi! Nakalimutan kong may lakad pala tayo tonight," nagmamadaling wika ko.
Palihim kong sinipat ang relong pambisig upang malaman ilang minuto na lang ang natitira sa akin.
Humalukipkip siya nang mapansin ang ginawa kong iyon.
Pilit ang ngiting bumakas sa labi ko dahil tiyak na sermon ang aabutin ko mula sa kaniya. Totoo naman kasing nakalimutan ko ang usapan naming dalawa.
Inihanda ko na ang sarili sa mga salitang bibitawan niya ngunit sandaling katahimikan ang sumunod na namayani sa pagitan namin. Idinilat ko ang mga mata at nakita siyang iiling-iling. She gave me a faint smile.
"Need a ride?" pagkunwa'y tanong niya. Iniladlad niya ang susi ng kaniyang kotse. Gusto kong mabunyi ng mga oras na iyon.
Madi is the best!
Malapad na ngiti ngayon ang gumuhit sa mga labi ko kalauna'y naging mapaglaro. "You're the best!" I screamed.
"Ako pa ba? Hatid na kita baka ma-late ka pa r'yan sa bago mong part-time job," aniya.
"Thank you talaga!"
"Hay naku, wala naman akong magagawa kahit pagalitan pa kita magdamag. Mabuti pang tulungan na lang kita."
Tamang-tama ang timing niya dahil halos three minutes na lang ang natitira sa oras ko para makapunta sa bago kong pinapasukang club.
"But if you do this again, I'll surely slit your throat." Madi hissed.
"I promise. Kailangan ko lang talaga ng pera, gusto kasi ni Eve ng bagong teddy bear. Kaysa naman hindi ko siya bilhan sa Sunday na kasi ang birthday niya," paliwanag ko. Si Eve ang anak ni Ate Frixie na magiging anim na taong gulang na sa susunod na Sunday. Gusto ko sanang sorpresahin ang pamangkin ko ng malaking teddy bear na dati niyang nabanggit sa akin.
"Anie, hayan ka na naman sa Santa-Santa mong pagiging tita sa mga pamangkin mo. Kung kailangan mo pala ng pera eh ‘di sa 'kin ka na lang sana nanghiram," may iritasyon na sabi ni Madi sa akin. Sandaling sinulyapan niya ako sa rear mirror ng sasakyan, abala ako ngayon sa pagpapalit ng damit. Batid ko namang tinted ang bintana ng sasakyan kaya kahit maghubad ako roon ay walang makakikita. "Saka marami namang pera si Samuel. Bakit hindi ka sa kaniya manghiram ng pera? Baka hindi ka lang niya pahiramin, ibigay pa niya iyon sa 'yo ng libre," dagdag niya.
Itinuwid ko ang mga paa para madali kong matanggal ang jeans na suot ko. "Hindi na. Sa halos isang dekada na niyang pagtulong sa pamilya ko pati ba naman iyon ay iaasa ko pa sa kaniya."
"Kaysa naman ganyan, aber? Estudyante sa araw, iba't iba ang raket sa gabi? Buhay ka pa ate?"
"Kaya ko naman." Ipinusod ko ang buhok saka naglagay lang ako ng kaunting face powder sa mukha para maitago ang eyebags na tanda ng ilang sunod-sunod na gabing kulang ko sa tulog.
"Bilib din ako sa 'yo, napagsasabay mo ‘yon at hindi ka kahit kailan nahuli sa klase."
Humimpil ang sasakyan sa tapat ng isang club kung saan kamakailan lang nang magsimula ako roon na magtrabaho. Nagmamadaling lumabas ako habang sukbit ko pa rin ang bag na laman na yata ang lahat ng kailangan ko sa mga gabi kong trabaho.
"Salamat sa paghahatid. Promise babawi ako next time," wika ko.
"‘Wag ka na muna mag-promise sa 'kin dahil sure akong mas matimbang mga trabaho mo kaysa sa kaibigan mo," nagtatampong sabi niya.
Bumungisngis naman ako. "Sige na, late na ako ng one minute."
Kumaway siya. "Kahit bigyan mo na lang ako ng fafa, para naman pampalubag loob mo sa akin."
"Heh!" Natatawang kumaway din ako sa kaniya bago tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng Dawn Club.
Napakislot ako ng dumaiti sa balak ko ang napakalamig na air conditioning ng buong lugar, naamoy ko rin ang nakasusulasok na amoy ng alak. Napangiwi na ako nang mapadaan ako sa isang naninigarilyo sa bandang gilid. May babaeng naroon na kasalukuyang hawak-hawak ng lalaki ang pang-upo nito at pasimpleng hinihimas-himas. Hindi pa rin talaga ako sanay sa ganoong klaseng lugar, pero hindi na ako nag-aksaya ng oras at agad kong tinungo ang staff room para mag-log ng daily time record ko.
"Five minutes late..." pumailanlang ang malalim na boses na iyon sa buong staff room. Natagpuan kong nakatayo sa pintuan si Aziel, nakangisi siya nang lapitan ako at silipin ang nakalagay na oras sa hawak kong slip. "You don't have to do this, I can understand even if you don't log your record every night..."
Inilapit pa niyang mabuti ang sarili kaya hindi ko maiwasang maamoy ang usok ng sigarilyong inihit niya kanina sa sulok nang pumasok ako sa club. Anim na talampakan ang taas niya at may kalakihan ang katawan.
Ngunit kung gaano naman kaganda ang katawan niya ganoon naman kapangit ang ugali niya.
"But I'm an employee Sir Azi," katwiran ko. Tulad ng ibang mga babaeng empleyado ganoon din ang mga linyang binibitawan niya. Kaya hindi na uubra sa akin ang mga pasimpleng pang-aakit niya. "Kailangan ko na rin pong magtrabaho," wika ko saka siya nilagpasan at tinungo ang nakasarang pinto.
Ngunit hindi ko pa man napipihit ang seradura. Inangkla na niya ang braso sa leeg ko dahilan upang mapaatras ako. Nagngitngit tuloy ako sa galit dahil halos sampung minuto na akong delay.
Kahit na sabihing si Aziel ang manager ng club, hindi naman siya ang nagpapasahod sa akin. "Ano ba?!" sigaw ko.
Binalingan ko siya at tumambad sa harap ko ang nakabukas na tatlong bitones ng suot niyang puting dress shirt. Makikita mula roon ang mga nakatatakot na tattoo niya.
"You, you really don't know how to be submissive..." inis na sabi niya. "You may be pretty but you're stubborn as hell!" Mahigpit pa rin niya akong hawak sa magkabilang braso, sinisiguradong hindi ako makatatakbo palabas ng silid.
Hindi na ako nakatiis. Ayoko pa naman sa lahat ay sinisigawan ako. Siguro tama na ang mga gabing pagtitimpi ko na huwag siyang patulan gayong nakikisabay siya sa oras ng trabaho ko. Pinaningkitan ko ng mga mata ang female locker room sa may bandang gilid.
"Hindi tayo puwede rito," anas ko. Hindi rin ako makalalabas ng lugar na iyon na hindi nasasaktan. Saka halos lahat na yata ng katrabaho kong waitress sa club na iyon ay naikama na niya. Kaya kating-kati na siyang matikman din ako. "Can we go to a private room instead?" nagsusumamong hiling ko.
Dumapo ang kamay ko sa dibdib niya at marahan iyon na hinaplos. Batid kong na-tense ang buong katawan niya sa ginawa ko. Lihim akong nagbunyi nang marinig na mapaungol siya nang ilapat ko ang kamay sa pusod niya ngunit sinadya kong tumigil doon.
Bumakas ang matinding iritasyon sa mukha niya.
‘Di ako binigo ng pagkalalaki niyang naramdaman kong umumbok sa tiyan ko. Nagmamadaling hinatak niya ako sa locker room ng mga babae habang hinahalikan sa leeg. Kinikilabutan ako sa ginagawa niyang iyon ngunit iyon lang din ang tanging paraan para makalabas pa akong buhay at buo pa rin ang dignidad.
Pumailanlang ang tilian ng mga babaeng kasalukuyang nagbibihis sa locker room ng mga oras na iyon. Napatigil si Aziel sa ginagawa nang mapagtanto ang tinginan ng mga babaeng naroon.
Lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin. Umasta naman akong takot na takot habang yakap-yakap ang sarili. Kunwari pa akong umiiyak kaya niyakap ako ng mga katrabaho kong babae na naroon.
"Sumusobra ka na Manager El! Estudyante pa lang si Aniela, pero nagawa n'yong bastusin!" sigaw ni Pamela.
"Ilalapit namin ito kay Mr. Viñezo!"
"Magsasampa rin kami ng kaso!"
Humagulgol ako sabay takip ng mukha sa matinding kahihiyan. Ngunit lihim namang umukit sa labi ko ang nakatatakot na ngiti.
***
MALUTONG na napamura ako sa isip ng pati ako ay dalhin sa police station kasama ang ibang mga babaeng pinagsamantalahan ng manager namin sa club. Kailangan daw naming magbigay lahat ng statement upang matiyak na mabubulok sa kulungan ang lalaking umabuso sa karapatan namin.
Pero sa totoo lang, hindi iyon ang problema. Ang tunay kong problema ngayon ay ang blangkong parte ng papel na pinapa-fill up sa akin.
Kailangan ko kasing ilagay ang pangalan ng guardian at cellphone number niyon upang maipaalam ang nangyari. Kung hindi ba naman ako gaga dahil wala akong kilala na puwedeng ilagay doon.
Pinukol na ako ng masamang tingin ng kanina pang naghihintay na pulis sa papel na isa-submit ko. Ito kasi ang mag-e-encode sa computer nito ng mga panayam sa aming mga biktima. Ngunit wala nga talaga akong mailagay.
Napalagok ako ng laway. "Sir, puwede ko bang i-leave as blank ang part na 'to?" tanong ko.
Nagtaas ng kilay ang pulis na lalaki. Tila ba ang iniisip ay nakikipaglokohan lang ako sa kaniya.
"Miss, importante ho ang parte na 'yan. ‘Wag kayong mag-alala siguradong tutulong kami na magpaliwanag sa kanila ng nangyari," paliwanag nito.
Sa totoo lang, hindi naman iyon ang lubhang ikinatatakot ko. Napakalayo ng ama ko rito kaya kung makaaabot sa kaniya ang nangyari ay baka bigla na lang iyon atakihin sa puso.
"May identification card ba kayo, iyon na lang ang titingnan namin," biglang wika ng pulis sa akin.
Mauto pa nito ako. School ID lang naman ang mayroon ako, baka pati sa school na pinapasukan ko umabot pa ang balita at humantong pa sa expulsion.
Nakagat ko tuloy ang ibabang labi. Pikit ang mga matang inilagay ko ang pangalan ng tumatayong guardian ko habang nasa Maynila.
Todo-todo ang pagdarasal ko na hindi sumagot si Samuel sa mga tawag. Ang alam ko kasi nasa isang business trip siya sa Japan kaya matagal pa bago ito makauwi ng bansa.
Nakaapat na na tawag ang pulis at halatang iritable na ito.
"Sinabi ko naman sa inyo na wala siya ngayon sa bansa kaya hindi siya ma-contact," paliwanag ko.
Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga ang butihing pulis. Inilibot niya ang paningin sa loob ng opisina, lahat na kasi ng katrabaho niya na naroon ay nagko-coffee break na samantalang siya ay hindi maiwan kahit sandali ang trabaho hangga't wala pang sumusundo sa aking kamag-anak.
"Kaya ko naman ho na umuwi mag-isa," nakangiting sabi ko.
Nagdududang pinagkatitigan niya ako nang bigla na lang tumunog ang telepono niya. "Yes, kayo po ba si Samuel Mandragon, ang guardian ni Aniela Villaruiz?"
Napamaang ako sa narinig. Para akong pinagsakloban ng langit at lupa nang marinig iyon. Sinipat ko ang relong pambisig na suot. I secretly calculated the time when his plane will land. Kaya imposibleng masagot niyon ang tawag o makatawag pa sa mga oras na iyon.
Rinig na rinig ko ang malakas na kabog ng dibdib ko.
"Nasa police station po namin siya ngayon," wika ng pulis habang tinitingnan ako.
Sumesenyas kasi akong huwag nang ituloy ang sasabihin. Ayoko pa naman makita ang mukha ni Samuel tuwing nagagalit. Iyon na yata ang pinakakinatatakutan kong makita muli habang nabubuhay.
Mayamaya'y inabot niya sa akin ang telepono. Pinuno ko muna ng hangin ang baga ko bago itinapat iyon sa tainga.
"Sam..." usal ko sa napakahinang boses.
"Are you all right?" tanong ni Samuel sa kabilang linya. Kahit mababakas na kalmado ang boses niya, hindi maiwasang mamawis sa kaba.
Nangangatal na ang mga labi ko at grabe na ang pamamawis ng kamay kaya inilipat ko iyon sa kabila.
"I thought you're in Japan," ang nasabi ko na lamang habang ipinupunas ang isang kamay sa skirt na suot ko.
"I'm asking if you're hurt."
Nahimigan kong hindi magandang ideya na iwasan ko ang mga tanong niya.
"I'm not hurt."
"Good, wait for me. I'll be there in five minutes."
Mariing napapikit ako at nakagat ang ibabang labi, kahit puro sugat na, namanhid na yata iyon sa takot na lumulukob sa buong sistema ko.
Pinaningkitan ko ng mga mata ang pulis na nasa harap ko.
Bakit pa kasi niya ipinilit na tawagan ang kuno ay guardian ko?!
***
HUMIMPIL sa tapat ng police station ang isang magarang sasakyan. Tiyak akong pagmamay-ari iyon ni Samuel na walang ibang pagpipilian na nagamit iyon upang puntahan ako. Transparent ang pinto ng lugar kaya kitang-kita ang nasa labas.
"Kaninong kotse ang nasa labas?" biglang tanong ng katabi kong pulis, na si PO3 Del Daza.
Naglapitan na rin sa bahaging iyon ang mga katrabaho nito para makisilip na rin kung ano'ng tinutukoy ni Del Daza sa mga kasamahan.
"Ay, oo nga. Kanino ‘yan?" usisa ng isa.
Nakipagpalitan pa ito ng tingin sa mga kasama kung may importante bang bisita ang mga ito nang gabing iyon.
Saka naman bumaba ng kotseng iyon si Samuel na suot pa rin ang three piece suit niya. Napalagok ako ng laway nang mapadako ang mga mata niya sa akin. Agad akong nag-iwas ng tingin at napakagat muli ng ibabang labi.
Batid kong pumasok na sa naturang lugar si Samuel subalit hindi ko siya magawang salubungin ng tingin. Lalo na nang may maramdaman kong dumagan sa likod ng inuupuan ko. Tiyak akong nasa likod ko na siya sapagkat kabisadong-kabisado ko ang pabango niyang iyon na hindi ko maiwasang maamoy.
No. Hindi ko pa siya kayang harapin. Alam kong nagpupuyos siya sa galit sa akin.
"Sino kayo Sir?" rinig kong tanong ng pulis kanina pang ayaw akong paalisin.
Tila may naramdaman akong titig mula sa likod ko. Batid kong kay Samuel iyon.
"I'm Aniela's guardian," aniya.
"Ganoon ho ba. Maupo muna kayo para maipaliwanag namin ang lahat ng nangyari," mungkahi ng pulis officer.
Napaigtad ako ng may kung ano'ng ilagay si Samuel sa ibabaw ng mesa, cellphone iyon. Doon na ako lubhang nagtaka at hinarap na siya.
"Nasa loob niyan lahat ng ebidensya na magdidiin kay Aziel Perez sa kulungan ng mahabang panahon," wika niya.
Napakunot-noo ako. Ano'ng kalokohan ang nangyayari? Gulong-gulo ang isipan ko nang balingan ko siya nang hawakan niya ang braso ko.
"Ha?" naguguluhang usal ng PO3 Del Daza.
Kahit ako ay hindi rin maiwasang mapanganga.
"My lawyer will talk to you. Papunta na siya ngayon sa lugar na 'to."
"T—teka," habol na tawag sa amin ng huli.
Ngunit hindi siya tumigil hanggang sa buksan niya ang pinto ng sasakyan katabi ng driver's seat. Inalalayan niya akong makapasok at makaupo ng maayos saka siya naglakad patungo sa driver's seat.
Pinanood ko lang ang bawat kilos niya hanggang sa buksan niya ang makina ng sasakyan. Hindi ko magawang tingnan siya matapos niyon kahit binabagtas na namin ang daan pauwi. Madali kong malaman kapag galit siya, ang nakabibinging katahimikan niya ang mas lalong naghahatid sa sistema ko ng takot.
"What are you doing while I'm not around?" tanong niya. Tinatapik-tapik niya ang manibela ng sasakyan senyales na nauupos na ang pasensya niya. "What really happened to you?"
I popped my lips as I try to speak. "My manager tried to uhm—"
Kanina ang ayos-ayos ng paliwanag na ibinigay ko sa mga pulis pero kapag sa kaniya para yatang lahat ng salitang alam ko ay hindi ko maisaboses.
"Hinayaan kitang magtrabaho dahil umiyak ka noon sa harap na maglalayas ka uli kapag hindi kita pinagbigyan," aniya.
"Pero—"
Hindi ko naituloy ang balak kong sabihin ng ihimpil niya sa gilid ng kalsada ang sasakyan.
"If you will give me a lame excuse, you better not tell me." Malinaw ko ngayong nakikita ang mukha niya na hindi ko nagawa kanina nang kunin niya ako sa police station. Namumula siya sa matinding galit na batid ko na ako ang dahilan. "Alam mo'ng habang nasa poder kita ay responsibilidad ko ang kaligtasan mo," anang niya nang sa wakas ay balingan na ako.
"But I'm fine, look. I'm perfectly unharmed," nakangiting sabi ko.
Itinaas ko pa ang magkabila kong kamay para ipakita sa kaniyang kahit na ano'ng galos ay wala ako. Ngunit maling desisyon pala ang ginawa kong iyon dahil siguradong nahagip ng paningin niya ang peklat na nasa likod ng kamay ko. Natuon na kasi ang mga mata niya roon. Pasimple ko na lamang na tinakpan iyon ng kamay ko.
"Ayos lang ako," pag-uulit ko. Ngunit kung gaano ko naman palihim na tinatabingan ng buhok ko ang leeg ko, saka naman napansin iyon ni Samuel.
Dumilim ang ekspresyon ng mukha niya.
Malutong na napamura ako. Sigurado akong kahit ano'ng paliwanag ang gawin ko tiyak na iba naman ang tumatakbo sa isip niya.
Tumunog ang cellphone niya. Laking pasasalamat ko sa tawag na iyon, unti-unti ko ng binubuo ang mga alibi ko sa mga hickey na iyon. ‘Di kasi nakontento ang hayop na si Aziel na halikan ang leeg ko, nag-iwan pa ang gago ng souvenir.
Ngunit bago pa man ako nakapagsimulang magbunyi. Narinig ko pa ang boses ng kausap ni Samuel sa kabilang linya.
"Yes, we retrieved some of the video clips inside the club including the sexual assault of Mr. Perez to Miss Aniela."
Doon tila nilubayan ako ng sariling ulirat. Wala ng kwenta ang buhay ko ngayon oras na panoorin nila iyon.
Damang-dama ko ang lalong pagdidilim ng anyo ng mukha ni Samuel habang nakatitig sa akin.
"Can I explain?" I begged.
***
Kabanata IIBINILANG ko ang laman ng savings ko sa laptop bago nagmamadaling isinara iyon. Tumayo kasi sa harap ko si Samuel habang magkasalubong ang mga kilay. Tiniyak ko muna kasi kung pumasok ang compensation pay ko sa nangyari ngayong gabi. Sayang naman ang mga gabing pinagpuyatan ko sa pagtatrabaho sa club kung hindi ako mababayaran.Baka bigla ko na lang sugurin ang kulungan kung saan ngayon nakapiit si Aziel. Hindi sana ako mahuhuli ni Samuel kung marunong siyang magpigil ng libido.Hayop na 'yon, balak pa yata akong gawing parausan. Kahit may hitsura iyon, wala naman sa kalingkingan ang gandang lalaki ni Samuel ang taong iyon. Parang hindi rin nga makatarungang ikumpara ko ang dalawa dahil iba naman ang pagka-yummy ng tagapag-alaga ko sa mukhang gangster na ex-manager ko sa club.Para tuloy gustong masuka sa mga naiisip ko. Ilang beses ko na ngang hinugasan ang nadumihan kong kamay sa paghimas sa nakadidirin
Kabanata III"ANIELA!" tawag ni Madison sa akin nang papalabas na ako ng unibersidad noong hapon na iyon.Habol pa niya ang hininga nang tumigil siya sa harap ko. Nang biglang mamaywang at nagtaas siya ng isang kilay nang mapasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko."Ano ba 'yang suot mo?" salubong ang kilay na tanong niya."What?" nagtatakang tanong ko. I'm wearing a loose peach shirt at hapit na blue jeans. Wala naman akong makitang mali sa suot ko ng araw na iyon.She rolled her eyes. Sunod-sunod ang pag-iling niya na labis kong pinagtakahan. "May part-time job ka ba ngayon?" kalauna'y tanong niya."Same as ever.""Good, sa akin ka lang magpart-time ngayong gabi kailangang-kailangan ko kasi ng driver." Ngumiti siya ng nakaloloko sa akin. "I told my dad that you will be coming with me kaya pinayagan niya ako."Natawa naman ako sa sinabi niyang iyon.
Kabanata IV"I'M sorry..." Tinitigan ko sa mga mata si Samuel. He was hurting just like me, sapagkat saksi siya noong mga panahon na hindi ko alam kung paano bumangon nang mawala na sa akin ang lahat.Niyakap niya ako at agad naman akong gumanti. Hindi ko na matandaan kung kailan ang huling beses na humantong kami sa ganitong estado na kapwa nasasaktan. Hindi rin naman lingid sa kaalaman ko na ako ang palaging may dahilan niyon at wala pa ring humpay na ginagamit ko ang pangako niya noon."A-Aalis ka pa rin ba?" nauutal kong tanong habang humihikbi sa bisig niya.Hinaplos niya ang pisngi ko upang alisin ang mga luhang naroon. "No," tipid na sagot niya.Sa halip na agad magbunyi, tinanggap ko ang sagot niyang iyon bilang salitang walang katumbas na kahulugan. Balang araw ay iiwan niya rin ako, magkakaroon siya ng pamilya at doon na matutuon ang atensyon niya. Mawawala na ako sa isipan niya at magigin
Kabanata VUMAWANG ang mga labi ko nang matiyak na mantsa nga ng lipstick ang nasa pisngi ni Samuel. Parang gusto ko na lang himatayin sa sobrang galit na nararamdaman.Ngunit pilit kong itinago sa matamis kong ngiti ang selos na lumulukob sa buong pagkatao ko. Hindi ko magawang makatingin sa kaniya ng deretso dahil batid kong oras na gawin ko 'yon mag-aaway lang kami.Mayamaya'y may mainit na kamay na humawak sa likod ko. Napapitlag ako sa gulat. Nang mag-angat ako ng tingin ilang dipa lamang ang layo ng mukha niya sa akin. "Let's go," anang niya sa nagmamadaling tono ng boses."Where?" nagtatakang tanong ko."I just can't take it anymore."Napakunot-noo ako sapagkat hindi ko maintindihan ang huli niyang sinabi.Lumiko kami sa isang pasilyo
Kabanata VISamuel"HOY, hindi tambayan ang condo ko ng mga Mandragon. Umuwi ka na, doon ka sa bahay mo magmukmok!" sigaw ni Joseph habang hinahampas ng unan ng couch ang likod ko.Unti-unti kong minulat ang mga mata, naulingan kong nakatayo sa harap si Joseph habang masama ang tinging ipinupukol sa akin. Bumangon ako at sumandal sa couch kung saan ako nakatulog kagabi. Nagkalat sa carpet na sahig ang mga walang laman ng alak na ininom ko buong gabi.Kahit kumikirot ang sentido ay nagawa kong tumayo para kunin sa hindi kalayuan ang cellphone ko."Pre, kung nag-away kayo ni Aniela. Hindi naman puwedeng palagi ka lang sa bahay ko tumatakbo para magtago-tago," reklamo ni Joseph nang sundan ako.Hinayaan kong bukas ang pinto ng banyo nang maghilamos ako. Ngunit nahagip pa rin ng paningin ko nang sumandal siya sa gilid ng pintuan."Aren't you going to say any
Kabanata VIISamuelLIHIM na nakamasid ako sa hindi kalayuan sa isang pamilyar na pigura ng babaeng ang buong akala ko ay matagal pa bago kami magkita. Napalagok ako ng laway habang pilit ikinukubli ang presensya ko na baka mapansin ni Aniela.Napakalakas ng musika ng naturang club kaya duda rin akong mapapansin niya ako mula sa kinatatayuan ko. Hindi ko maiwasang maiyukom ang mga kamay, heto na naman ang bumabangong inis sa loob ko. Ayoko mang aminin sa sarili ko subalit tama ang hinala ni Joseph sa maaaring kahantungan ng lahat oras na malaman ni Aniela ang nangyayari.Mariing napapikit ako. Wala siyang ideya na nasa bingit ng panganib ang buhay niya, and I'm afraid sticking with her would only make the situation more worse.Napapiksi ako nang makitang may dalawang lalaking lumapit sa kaniya at maupo sa dalawang bakanteng stool. Doon ako naalerto upang lumapit.
HINDI nga ako nagkamali, hindi pa man tuluyang nakapagpapalit ng damit. Suot ko pa noon ang scrub suit ay bigla na lamang akong pinatawag sa nursing head office.Kakatok pa lang sana ako niyon nang biglang bumukas ang pinto. "Mabuti hindi ka pa nakakauwi Nurse Villaruiz," nakangiting bungad sa akin ng head nurse.Inuwestra niya ang isang bakanteng couch sa tapat ng table. "Please, have a seat," aniya habang hindi pa rin naalis ang ngiti sa mga labi.She looked disoriented when she suddenly remembered something. "Oh, I forgot. May gusto ka bang inumin, I'll get it for you, softdrinks? Iced tea? Coffee?"Doon na ako kintuban na may kakaiba. Being called by the head nurse is something I never thought would happen this soon. Isa lang naman akong nursing student at unang araw ko ngayon."Snacks? Tamang-tama dinner na, baka nagugutom ka na Miss Villaruiz," aniya.
TULAK-TULAK ang wheelchair ni Estevan ay nagtungo kami sa rooftop ng ospital.Nang makarating, inalalayan kong makatayo siya upang mahawakan ang gilid. "Thank you," aniya habang nakatitig lang sa akin.His knees were trembling when I removed my hands supporting him. Hinayaan ko lamang siya habang pinapanood na pilit na ihakbang ang mga paa."Narinig kong naaksidente ka raw," biglang wika ko.Binalingan niya ako. "Yeah, it was my carelessness why this happened to me," nakangiting sagot niya."I see. Pwede ko bang sabihin, buti nga sa 'yo?"Naglahong parang bula ang mga ngiti niya sa labi ng marinig iyon mula sa akin."If you're still mad, just tell me. Alam kong galit ka dahil sa nangyari kanina.""I'm glad you know. Kahit sino naman ay magagalit kapag nalaman nilang may isang taong hindi nila kilalan
Extra III"MAGANDANG umaga ho!" bati ni Aniela sa maghahatid sa kanya sa school. Labingdalawang taong gulang na siya at nasa first year highschool na. Napakalaki ng ipinagbago niya nang magsimulang magdalaga.Bagay na bagay sa kanya ang suot na uniporme at paldang umaabot lamang hanggang tuhod. Nakalugay ang buhok na mamasa-masa pa dahil hindi na nagawang mapatuyo dahil tinanghali na siya ng gising, sa sobrang kaba kasi niya kaiisip tungkol sa unang araw niya sa pagiging highschooler nakalimutan na niyang ipikit ang mga mata.Sa katunayan, halos tatlong oras lang ang tulog niya. Pero hindi mahahalata dahil sa baby face pa ring mukha.Agad siyang lumulan ng sasakyan na nakaparada sa labas lamang ng tinutuluyang bahay kung saan ay kasama si Samuel.Mayamaya'y lamang ay kasabay ring lumabas si Samuel habang ang suot naman ay simpleng polo at maong pants."Lalong gumaganda si Ma'am Aniela, 'di na ako magugulat kung maraming lalaki ang manliligaw sa ka
TINUPAD ni Tito Rucio ang pangakong tutulong siyang mabuo muli ang pamilya ko. Hindi naman nito iyon responsibilidad, pero lubos-lubos ang pagpapasalamat ko.Katuwang ang anak na si Samuel, agad kaming naghanap ng malilipatang bahay. Pinili ko kasing manirahan na lamang ang mga magulang ko sa syudad. Lubos akong natutuwa na matapos ang ilang taon ko na pag-iipon upang makapagpundar ng sariling bahay ay nagamit ko na.Dinagdagan lang 'yon ni Samuel para sa mga ibang appliances na kakailanganin ng mga magulang ko para maging komportable sila.Tahimik, payapa at malayo sa mga mapangbuskang mga tao. Iyon ang gusto kong lugar kung saan sila mamumuhay na dalawa. Kahit unti-unti nang nakalilimutan ng nanay ko ang sariling pamilya nang lumala ang kanyang dimentia. Wala akong nagawa kung hindi umiyak nang umiyak sa bisig ni Samuel.Napakabigat ng dibdib ko sa tuwing sasagi sa isip ko ang mga taon na nasayang at mga panah
PINAMULAHANAN ako ng mukha. "Alam na rin ba ni Tita Sophia?" halos pabulong ko nang tanong."Yeah. Even Ate Sera knows it."Gusto ko mang sumabog sa pagkahiya. Parang nanariwa sa akin na animo'y normal lamang kanina ang naging pag-uusap namin ng pamilya niya."I can't tell if they were mad about me...""Why would they?"Binalingan ko siya. Parang hindi siya apektado ng balitang 'to at wala mula sa kahit sino sa kanila ang negatibo ang reaksyon.Kaya nagduda na naman ako kung panaginip lang itong lahat.Muling nagbadyang maluha ako. Ayokong magising na panaginip lang lahat at hindi totoong pinangakuan ako ni Samuel.Sunod-sunod ang pagtikhim ang narinig ko na kapwa pumukaw ng atensyon ko at ni Samuel.Madilim ang anyo ng mukha ni Tito Rucio nang makita ang namumugto kong mga mata. Nakita kong umigting ang panga niya at ano mang oras ay handa ng ambahin ng suntok ang lalaking nasa tabi ko. Matalim ang tinging ipinukol niya sa anak
***continuation
Extra I
UNTI-UNTI kong iminulat ang mga mata. Nagtaka ako nang makita ang Ate Frixie ko na iyak nang iyak habang hawak ang kamay ko.Bumakas ang gulat sa mukha niya nang makitang gising ako.“Aniela!” bulalas niya. Dali-dali siyang tumakbo palabas ng silid kung nasaan ako. Wala akong nagawa kung hindi sundan lamang siya ng tingin.Mayamaya'y inilbot ko ang paningin. Puting-puti ang buong lugar at naiiba lamang ang kulay ng kurtina. Kulay beige kasi iyon kaya nakapupukaw ng pansin.Binalak ko sanang tumayo nang mahagip ng paningin ko ang nakatusok sa likod ng kamay kong iv fluid. Gusto ko sanang matawa dahil kung dati-rati ay ako ang naglalagay niyon sa pasyente pero ako ngayon ang mayroon n'on. Nang maisipan kong tanggalin 'yon, napangiwi ako nang makitang naka-cast ang isa kong braso.Kaya napagtanto kong totoo ang lahat ng nangyari. Hindi 'yon panaginip.Pero may isang bagay akong naalala na gusto kong matiyak na totoo mula sa mga natunghayan kong nangy
Kabanata XXNANG magising kaninang umaga masakit man
ILANG sandaling natahimik ang ama ko bago tumikhim. "Ngayon lang kami nakapag-usap ng anak ko at ngayon niya lang din nabanggit sa akin na nakapag-propose na siya kagabi. I'm really sorry to say that Aniela is now part of my family."Napatitig sa akin ng ilang segundo si Mr. Caleb. "My son really likes her..." anito sa mababang boses."She likes me Mr. Caleb David, and I love her. We already settled everything last night. If you want I can invite you and your son for my upcoming wedding... or should I call you Ravier Calbrieto?" Tumalim ang mga mata kong nakatingin sa kanya. "Pero sa tingin ko ay hindi na kailangan pa dahil bago dumating ang araw na 'yon ay sisiguraduhin kong mabubulok ka na sa kulungan..."Gumuhit ang nakatatakot na ngiti sa mga labi niya. Kahit labis na naguguluhan sa tunay niyang pakay at base pa lamang sa reaksyon niyang hindi man lang kinakaila ang pagtawag ko sa kanya sa pangalang iyon, lalo ko lang napatunayang siya ang nasa likod
Kabanata XVIIISamuel