Hacienda Del Puedo #1 Hara

Hacienda Del Puedo #1 Hara

last updateHuling Na-update : 2021-07-31
By:  Magic Heart  Kumpleto
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
9.9
34 Mga Ratings. 34 Rebyu
41Mga Kabanata
34.2Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Si Hara Del Puedo ay kilala sa buong hacienda bilang pinakamabait, pinakamadaling lapitan at higit sa lahat ay pinakamatapang na apo ni Don Ernesto. Iginagalang at minamahal siya ng mga tauhan nila. Sa edad niyang bente anyos ay marami na siyang naranasan katulad ng isang insidente limang taon na ang nakakaraan. Dahil dito ay umalis ang dalaga sa Hacienda Del Puedo upang makalimot. Ngayon, nagbabalik na si Hara sa kaniyang bayang sinilangan upang harapin ang malagim na trahedya ng kahapon. Sa kaniyang pagdating ay may isang Xandro na naghihintay sa kanya. Kasabay ng mga alaalang muling nanunumbalik ay ang pagkahulog ng loob ng dalaga sa lalaking katulad niya ay may amnesia rin. Sa tulong ng binata ay gagawin ng dalaga ang lahat upang hanapin ang mga totoong salarin sa Hacienda Del Puedo massacre. Unti-unting makakamit ng dalaga ang hustisya ngunit maraming hadlang ang sa kaniya'y naghihintay. Pakiramdam ng dalaga ay pilit ibinabaon ng sinuman ang katotohanan upang wala siyang matuklasan. Gamit ang tatag ng loob at determinasyon ay malalaman ni Hara ang mga lihim ng kahapon kasama na rin ang mga sikreto ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ang katotohanang akala niya ay magpapalaya sa kaniya ay muli palang susugat sa puso niyang durog na durog na kaya gagawin ni Xandro ang lahat upang muling mabuo ang dalagang ngayon ay hindi na kayang magtiwala pa sa kahit sino man.

view more

Pinakabagong kabanata

Libreng Preview

PROLOGUE

"I'm back!"Masayang bungad ni Hara sa mga kamag-anak na kumakain sa kubong katabi ng kanilang mansiyon."Ikaw na bata ka, ginulat mo kami," masayang wika ng kaniyang lolo sabay yakap sa kaniya.Matagal na hindi umuwi si Hara sa Hacienda Del Puedo kaya sabik na sabik siyang makita ang mga taong nandito."Oh, sino siya?" pagkuway baling ni Hara sa lalaking paparating na may dalang mga buko.Napakakisig ng binata sa suot nitong short at manipis na sandong puti. Lalong pina-angat ang kagwapohan nito ng kaniyang buhok na basa ng pawis."Pinsan, si Xandro yan," wika ng kaniyang Kuya Ryan."Nadampot ni lolo sa tabing kalsada. May amnesia kaya kinupkop na muna ng pamilya."Napatango-tango si Hara. Masaya siyang nakabalik na siya sa paraisong kaniyang kinalakihan.Nagagalak rin ang mga tauhan nila na makitang muli ang kanilang Senyorita Hara. Ang babaeng ito lang naman ang pinakama

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

user avatar
JHAZPHER
IsA sa mga stories ng author na recommended talagang basahin!
2022-06-19 23:23:09
2
user avatar
Jana Cheskaas
ang gandang kwento galing ng mga twist Congrats Ms A
2022-06-16 15:09:16
3
user avatar
Che Acala Paragas
bago ko pa lang naumpisahan.pero nagandahan na agad ako kaya tatapusin ko to
2022-05-09 08:13:33
2
user avatar
Dimple
Excellent Story... highly recommended ............
2022-04-17 10:22:22
1
user avatar
Docky
Ang ganda nito! Di mo mapipigilang basahin agad yung next chapters ...️ Galing Author!
2022-04-02 20:48:20
1
user avatar
ERVIN ROC
maganda nakakasabik basahin...
2022-01-02 22:25:58
5
user avatar
Rai
Grabe naman itong story na ito. Nakakakilig sina Hara at Xandro. Napakatapang naman nung girl na yun ipaglalaban nya talaga ang dapat ipaglaban. Ang ganda ng flow ng story worth it basahin.
2021-12-24 14:04:58
5
user avatar
Author Rivera
Ang ganda nung storyyy, feeling ko nga pareho tayo ng writing style hahaha. Pag may time ako, gawan ko kayo ng book cover hahaha. i'm from team Jhazzz...
2021-12-24 12:50:10
2
user avatar
alittletouchofwinter
Ang ganda ng story. Kinikilig ako kay Hara at Xandro. ...
2021-12-24 12:42:10
2
user avatar
vanessa triñanes
next chapter
2021-11-18 13:20:05
1
user avatar
Zyra
The story is worth reading. Conflicts were very well executed in the story making the story a page-turner. Kudos to the author who write such a very entertaining story and relatable characters that can be an inspiration to us as a reader and something that we can learn more about love & life.
2021-11-11 18:50:16
1
user avatar
Marie Dreame
tumbs up, I Salute sa Author nito
2021-11-06 04:35:45
2
user avatar
Marie Dreame
I love the plot, the flow at kung paano natapos ang buong kwento. worth it.
2021-11-06 04:35:21
2
user avatar
Marie Dreame
wow just wow ang ganda ng story
2021-11-06 04:34:20
2
user avatar
Fe Santiago
Kakaiba ito. Girl power. Basa na.
2021-11-04 19:16:57
1
  • 1
  • 2
  • 3
41 Kabanata

PROLOGUE

"I'm back!"Masayang bungad ni Hara sa mga kamag-anak na kumakain sa kubong katabi ng kanilang mansiyon. "Ikaw na bata ka, ginulat mo kami," masayang wika ng kaniyang lolo sabay yakap sa kaniya. Matagal na hindi umuwi si Hara sa Hacienda Del Puedo kaya sabik na sabik siyang makita ang mga taong nandito. "Oh, sino siya?" pagkuway baling ni Hara sa lalaking paparating na may dalang mga buko. Napakakisig ng binata sa suot nitong short at manipis na sandong puti. Lalong pina-angat ang kagwapohan nito ng kaniyang buhok na basa ng pawis. "Pinsan, si Xandro yan," wika ng kaniyang Kuya Ryan."Nadampot ni lolo sa tabing kalsada. May amnesia kaya kinupkop na muna ng pamilya." Napatango-tango si Hara. Masaya siyang nakabalik na siya sa paraisong kaniyang kinalakihan. Nagagalak rin ang mga tauhan nila na makitang  muli ang kanilang Senyorita Hara. Ang babaeng ito lang naman ang pinakama
Magbasa pa

HARA CHAPTER 1

Maagang gumising ang dalaga. Sosorpresahin niya ang lolo at papa niya. Birthday ngayon ng Lola Candida niya kaya sigurado siyang may salo-salong magaganap sa Hacienda Del Puedo.  Pinili niyang isuot ang isang bulaklaking off shoulder maxi dress. Hapit na hapit ito sa kaniyang bewang kaya lutang na lutang ang kasexy-han niya sa damit na ito. Mataman niyang tiningnan ang sarili sa salamin.  "Hmmmm... Ang ganda mo talaga Hara," bulong niya sa sarili.  Napangiti siya sa repleksyon sa salamin. Kaya maraming tutol na magmadre siya dahil hindi raw siya tatanggapin ng kahit anong kongregasyon dahil marami ang magkakasala. Naalala pa niya ang madalas na biro ng kaniyang mga pinsan.  "Hara nandito ka pa lang sa lupa ay maraming lalake na kaagad ang makakaabot sa langit pero dahil din sa'yo ay lalampas sila doon kaya huwag mo na lang ituloy iyang pagmamadre mo kasi babagsak din sila sa impye
Magbasa pa

HARA CHAPTER 2

Masayang sinalubong ng kaniyang mga kamag-anak si Hara. Bakas sa mga kilos ng bawat isa ang labis na pagkasabik na makita siyang muli sa Hacienda Del Puedo. Napuno ng yakapan at halikan ang simple lang sanang tanghalian ng angkan para sa kaarawan ng namayapang Donya ng hacienda. "Bakit hindi ka man lang nagpasabi? Sana nakapaghanda kami sa pagdating mo." Umiiyak na wika ni Mia habang yakap-yakap siya. Noong mga teenagers pa lamang ang dalawa ay halos hindi sila mapaghiwalay ng pinsan niyang ito. Palibhasa'y lumaki silang magkakasama sa mansyon ng mga Del Puedo ay sobrang napalapit sila sa isa't-isa. Kambal ang tawag sa kanila ng mga kaibigan ng pamilya nila ganun din ng mga tauhan nila. "Huwag ka nang umiyak diyan. Andito na ako. Hindi na lang sa videocall mo makikita ang magandang mukhang ito. Mananawa ka tiyak ngayon na makasama mo na ako araw-araw." "I miss you so much," marahang pinahid ni Mia an
Magbasa pa

HARA CHAPTER 3

Luminga-linga si Hara. Napagod siya kasisigaw. Ang malamig na tubig sa kanyang harapan ay para bang inaanyayahan siyang magtampisaw sa mala-kristal nitong kulay.   "Hmmm.... Wala sigurong maglalakas loob na pumunta rito ngayong tiyak nang alam na ng lahat na nakabalik na ako ng hacienda," bulong ng dalaga sa sarili. Marahang tumayo si Hara ng matiyak na mag-isa lamang siya sa lugar na iyon. Dahan-dahan niyang hinubad ang kaniyang sombrero, suot na jacket at pang-itaas na blusa. Tumambad ang malulusog na dibdib ng dalaga na bahagya na lamang natatakpan ng maliit na tela. Inilugay rin nila ang kanyang buhok na kapag tinataaman ng sikat ng araw ay talaga naming napakaganda. Agad na isinunod tanggalin ng dalaga ang kaniyang suot na sapatos. Pagkuwan ay walang pag-aalinlangan niyang ibinaba ang kaniyang suot na pantalon. Sa puntong ito ay lumantad na ang katawan ng dalaga na para bang inukit ng isang eskult
Magbasa pa

HARA CHAPTER 4

Unang gabi sa hacienda at hindi makatulog ang dalaga.  Naisipan niya kaninang lumabas ng silid para magpahangin. Nakita niya si Mia na papalabas ng mansyon kaya sinundan niya ito. Ilang sandali pa ay tumigil ito sa may puno ng manga. Naabutan niyang kausap nito si Xandro. Gusto niya sanang makipagkwentohan sa pinsan niya pero dahil sa binata ay padabog siyang pumasok na lamang ulit ng mansiyon. "Ang lakas ng loob ng lalaking iyon na asarin ako. Sampid lang naman siya rito." “Hindi ka ba makatulog iha?” tanong ng lolo niya na naabutan niyang nagkakape sa sala. “Gusto ko lang po sanang magpahangin lolo kaya lang sobrang lamig sa labas kaya pumasok na lang ako ulit. Gabing-gabi na iyang pagkakape mo ah. Hindi mo dapat yan ginagawa lolo. Mahihirapan kang makatulog niyan.” “Naku itong batang ito. Hindi ako lalo makakatulog apo kapag hindi ako nakapagkape. Hinahanap-hanap
Magbasa pa

HARA CHAPTER 5

Pagkatapos mag-agahan ay naisipan ng dalagang pumunta sa koprahang bahagi ng hacienda. Katulad ng kagustuhan ng lolo niya ay nakasunod kay Hara si Xandro. "Huwag mo akong dikitan ha. Allergic ako sa'yo," galit nasabi ng dalaga. "Huwag mo akong kainisan, Hara. Darating ang araw na hahanap-hanapin mo ang makisig na lalaking ito. Nag-iisa lang kasi ang katulad ko sa mundong ito. Lumalapit kahit ipinagtatabuyan, nagmamahal kahit..." "Nasobrahan ka ba sa kape? Sobrang believe mo kasi sa sarili. Nakalimutan mo yatang ako ang kausap mo. Matuto kang gumalang sa isang Del Puedo!" "Hindi ako nagkakape, senyorita. Ikaw lang sapat na para tumibay ang dibdib ko." "Hoy, lalaki! Hindi ako vitamins na nabibili lang sa kanto. Hindi ako energizer battery na pwedeng mong kuhaan ng enerhiya. Ang presko mong unggoy ka!" "Sige na, huwag ka nang magalit diyan. Binibiro ka lang ang
Magbasa pa

HARA CHAPTER 6

Mabilis na lumipas ang mga araw. Unti-unti ay nagiging relax na si Hara sa Hacineda Del Puedo at sa mansiyon. Sinisikap niyang maging normal ang mga araw na para bang hinahabol siya ng multo ng kahapon. Isa sa gustong gawin ng dalaga ay ang muling makapamasyal nang walang kinakatakutan. Gusto niyang ibalik ang dating buhay na malaya siyang gawin ang lahat.   Habang nag-uusap sa hardin ang matandang Del Puedo at si Klein ay nilapitan ni Hara ang mga ito. Mababakas sa matanda ang edad nito ngunit kahit nakatalikod ay napakakisig pa rin nitong tingnan. Hindi nakapagtatakang minahal ito ng labis ng Lola Candida niya. Bahagyang napangiti ang dalaga ng maalala kung paano magmahalan ang kanilang lolo at lola. Ang nasabing pag-iibigan ay nagbunga ng tatlong anak, si Fausto Del Puedo ang panganay, sinundan ng kaniyang papa at ng kaniyang Ninang Marcela na bunso. Si Fausto ang ama nina Ryan at Mia sa
Magbasa pa

HARA CHAPTER 7

Sa ospital na naabutan ni Mia ang pinsan niya. Sa sobang pagkataranta ni Xandro kanina ay hindi na nito naisipan pang pasakayin ang dalaga. "Where is she?" nag-aalalang tanong ng dalaga sa binata. "Inaasikaso na ng papa mo. Tiyak magagalit si Don Ernesto kapag nalaman niya ito. Ihanda mo na rin ang sarili mo," sabi ni Xandro. Nakita niya ang panginginig ng dalaga.  Hindi nga nagkamali ang binata. Paglabas ng ama ni Mia sa kwarto kung nasaan si Hara ay galit nitong binalingan ang anak. "Follow me," matigas na utos nito. Naiwan naman si Xandro na nakatingin lang sa kwarto ni Hara. Nang hindi na makatiis ang binata ay pumasok na rin siya. Nilapitan ang namumutla at tulog na dalaga. "I'm sorry, nahuli ako ng dating. Matigas kasi ang ulo mo eh. Pangako hindi na kita pababayaan pa. I will protect you." Hinawakan ng binata ang kamay ng dalagang may swero. Marah
Magbasa pa

HARA CHAPTER 8

"Bye, lolo. Bye, papa," masayang paalam ni Hara sa kaniyang lolo at ama. "Sigurado bang hindi kayo sasama? Aba, gusto rin kayong makita ni kumpadre." Ang tinutukoy ng lolo ni Hara ay ang matalik na kaibigan nitong nasa Bulacan. "Ayaw kong makita ang mayabang mong kaibigan," nakasimangot na sagot ng Lola Candida ni Hara. "Matagal na iyang away n'yo. Isa pa, minahal ka rin niya dati." Malumanay ANG pagkakasabi  noon ng lolo ni Hara pero lalong sumimangot ang Lola Candida niya. "Sige na, umalis na kayo at mahaba pa ang byahe ninyo. Kung ano-ano pa ang mga sinasabi mo diyan. Kunwari ka pang hindi nagseselos. Halos ayaw mo ngang nilalapitan ako noon." Pagtataboy ng ginang sa matandang Del Puedo. Namilog ang mata ng labing-limang taong gulang na si Hara dahil sa mga naririnig niya. Kinikilig siya sa usapan ng kaniyang lolo at lola. Inilagay pa niya ang mga kamay sa kaniyang pisngi
Magbasa pa

HARA CHAPTER 9

Pag-angat niHara ng mukha mula sa pagkakayakap kay Xandro ay ang pinsan niyang nakatayo lamang sa may pintuan ang nakita niya. Nakangiti na ito at tila ba aliw aliw sa pinapanood niya. "Mia, kanina ka pa ba riyan?" tanong ni Hara. "Oo, nanonood ako ng isang magandang eksena," lumaki ang ngiti nito at pumasok ng silid ni Hara. "Papasok na sana ako ng kwarto ko nang marinig kong umuungol ka. Akala ko kung anong nangyayari na sa'yo." Napahiya ang dalaga dahil mahigpit pa rin ang pagkakayakap sa kaniya ni Xandro kahit nasa silid na niya si Mia. Kusang humiwalay siya sa lalaki. "Binangungot lang ako. Dala siguro ng sobrang pagod," paliwanag ni Hara. "Ayaw mo kasing magpapigil sa pagpunta sa taniman. Pwede namang sa opisina ka na lang magtrabaho para matulungan mo ako," sermon ni Mia.  "Huwag mo akong simulan, Mia. Hala, magbihis ka na at bababa na tayo. Kakai
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status