Masayang sinalubong ng kaniyang mga kamag-anak si Hara. Bakas sa mga kilos ng bawat isa ang labis na pagkasabik na makita siyang muli sa Hacienda Del Puedo. Napuno ng yakapan at halikan ang simple lang sanang tanghalian ng angkan para sa kaarawan ng namayapang Donya ng hacienda.
"Bakit hindi ka man lang nagpasabi? Sana nakapaghanda kami sa pagdating mo." Umiiyak na wika ni Mia habang yakap-yakap siya.
Noong mga teenagers pa lamang ang dalawa ay halos hindi sila mapaghiwalay ng pinsan niyang ito. Palibhasa'y lumaki silang magkakasama sa mansyon ng mga Del Puedo ay sobrang napalapit sila sa isa't-isa. Kambal ang tawag sa kanila ng mga kaibigan ng pamilya nila ganun din ng mga tauhan nila.
"Huwag ka nang umiyak diyan. Andito na ako. Hindi na lang sa videocall mo makikita ang magandang mukhang ito. Mananawa ka tiyak ngayon na makasama mo na ako araw-araw."
"I miss you so much," marahang pinahid ni Mia ang mga luha sa pisngi nito.
" I miss you too."
Masayang kumain ng tanghalian ang buong pamilya. Ipinakilala ng mga kamag-anak niya ang mga bagong tauhan sa hacienda. Isa sa mga ito ay si Xandro. Noong una ay nagtataka pa siya dahil kakaiba ang itsura nito. Hindi ito mukhang magsasaka. Maputi ang binata at makinis ang mga balat nito.
Akala niya ay binibiro lamang siya ng Kuya Ryan niya ng sabihin nitong may amnesia ang lalake. Nakita raw ito ng kaniyang lolo na walang malay sa tabi ng kalsada nang minsang pauwi ito galing sa pagbisita sa kaniya. Dinala ito ng matanda sa ospital na pagmamay-ari ng tito niya ngunit nang magising ang lalake ay wala itong maalala.
Umupa ang matandang Del Puedo ng private invistigators para mahanap ang pamilya ng binata ngunit hindi nila ito natagpuan. Ini-report ng Don sa pulisya ang tungkol sa lalake at napagkasunduan na doon na lang muna ito sa hacienda mamalagi habang hindi pa nakikita ang pamilya ni Xandro at hindi pa nito matandaan ang pagkatao niya.
"Mia halika ka," kabig niya sa pinsan niya pagkatapos kumain at makapagpahinga.
"Bakit? May naiisip ka na naman sigurong kalokohan. Huwag mo akong isama riyan," nakangiting sabi ng dalaga. Alam kasi nito na pasaway siya simula noong mga bata pa lamang sila.
"Samahan mo ako."
"Saan tayo pupunta? Alam mo mas mabuting magpahinga ka muna."
Hindi na niya sinagot ang pinsan. Sa halip ay tinawag niya ang isa sa mga tauhan nila. May gusto siyang puntahan kaagad sa pagbabalik niyang ito. Isang lugar kung saan ang mga alaala ng mama at lola niya ay mas nananatili.
"Ihanda mo ang kabayo," utos ni Hara.
"Aling kabayo po senyorita?"
"Kahit alin. Gusto ko iyong matulin tumakbo at hindi tamad ha."
"Sige po senyorita."
Umalis ang inutusan niya habang hila-hila niya sa braso ang pinsang si Mia. Magbibihis lang siya sandali at pupuntahan niya ang talon. Sabik na sabik na siyang makita ito. Napakarami kasing magagandang alaala ang lugar na iyon at nasasabik na rin siyang maligo ulit doon.
Noong nasa dormotoryo pa siya ay madalas niyang napapanaginipan na naliligo siya roon. Isa ang lugar na iyon kung bakit nakumbinsi niya ang sariling bumalik pa sa haciendang ito.
"Ano ba naman iyan Hara!" pagmamaktol ni Mia.
Ganito lang talaga ang pinsan niyang ito pero ito ang pinakamabait sa lahat. Masunurin sa magulang at mapagmahal ito.
"Isama natin si Klein. Hindi ako sanay sumakay ng kabayo. Alam mo naman iyon, diba?"
Natapik ni Hara ang noo. Nakalimutan niyang takot nga palang sumakay ng kabayo si Mia kahit noong maliliit pa lamang sila. Hindi kasing-lakas ng loob niya ang dalaga.
"Oh, I'm so sorry. I forgot. Hanggang ngayon ba hindi ka pa rin sumasakay ng kabayo?"
"Oo eh," malumanay na sagot ng pinsan niya.
"Okay. Well, maiwan ka na nga lang dito. Magbibihis lang ako at si Klein na lang ang isasama ko."
Mabilis na umakyat si Hara sa kaniyang kwarto. Malawak at malaki ang mansiyon nila ngunit hindi siya maliligaw rito kahit marami na ang nagbago sa mga interior designs nito. Lumukob sa kaniya ang kakaibang pakiramdam na iyon ngunit hindi niya ito pinansin bagkos ay mabilis siyang naglakad patungo sa kaniyang dating silid.
Pagpasok ng silid ay luminga-linga si Hara. Walang nabago sa loob nito. Malinis pa rin ito kahit ilang taon na siyang wala rito. Ang mga larawan niya noong maliit pa siya ay nakasabit pa rin sa pader. Ang mga paborito niyang laruan ay naroon pa rin.
"Parang kailan lang ay..." bulong niya sa sarili.
Agad-agad ay nagbihis ang dalaga. Isang crop top blouse at maong na pantalon ang isinuot niya. Pinatungan niya rin ng jacket na maong ang pang-itaas para hindi ito malaswang tingnan. Kinuha niya ang isang sneakers na sapatos at kumuha na rin siya ng sombrero.
Mag-iika-dalawa na ng hapon kaya hindi na niya tiningnan pa ang sarili sa salamin. Hindi na rin siya nanuklay pa. Itinali na lamang niya ang kaniyang buhok. Gusto niyang makabalik ng mansyon bago sumapit ang dilim.
"Nasaan si Klein?" tanong niya sa katulong na nakitang nagpupunas ng sahig.
"Umalis po siya senyorita."
Napabuntong-hininga ang dalaga. Wala siyang makakasama sa lakad na ito. Mabilis siyang lumabas ng bahay. Nakita niya na naroon na ang kabayong ipinahanda niya. Nagpapahinga na ang kaniyang lolo at papa kaya hindi na siya nagpaalam pa sa mga ito.
"Manang kapag nagtanong si lolo o papa pakisabi na lang na pumunta ako sa talon," sigaw niya para marinig ng pinagbilinan niya.
"Sige po senyorita," sagot ng katulong nila.
Matagal na hindi nakasakay ng kabayo ang dalaga ngunit kahit ganun ay komportable pa rin niyang pinatakbo ang kabayong nasasakyan. Kumakaway sa kaniya ang mga magsasakang nadaraanan niya. Nagagalak ang mga itong makita ulit ang mabait na dalaga.
"Kumusta po senyorita?" sigaw ng ilan sa kanila.
"Maayos naman po ako."
Pagkatapos ng halos isang oras ay nasa talon na siya. Ipinagbabawal sa lahat ng tauhan nila ang pumunta sa lugar na ito kapag nandito siya o sino man sa mga kamag-anak niya. Safe ang lugar na ito. Hindi ganun kalalim ang tubig rito.
Nakaugalian ng mga Del Puedo na gawing pasyalan ito. Dito sila nagsasama-sama kapag kompleto ang pamilya kaya ayaw nilang paistorbo sa kahit kanino basta andito sila.Puno ang lugar na ito ng masasayang tawanan noong nabubuhay pa si Donya Candida. Ngunit ang lahat ay nagbago ng mawala ang ilaw ng masyon.
Umupo ang dalaga sa isang bato. Ito rin ang batong madalas niyang inuupuan dati. Tumingin siya sa itaas ng talon sabay napabuntong-hininga. Naroon pa rin ang mga magagandang orchids na para bang sinadyang itanim doon. Ang mga bulaklak nitong kay ganda ay lalong nagpakinang sa bughaw na kulay na tubig. Ang huni ng mga ibon sa itaas ng puno ay tila ba isang musika na nagpapaalala ng kahapon.
Parang nasa paraisong muli ang pakiramdam ng dalaga. Paraisong tanging saksi na lang ngayon ng masayang nakaraan. Hindi namalayan ng dalaga na tumutulo na pala ang luha niya.
"Ayaw kong maging emotional," bulong niya sa sarili.
"Lola, Mama, andito na ako ulit! Nakikita ninyo ba ako? Kumusta na kayo? Ako... Ako... Ito pa rin. Miss na miss ko na kayo!" Malakas na sigaw ng dalaga habang patuloy na lumuluha.
Patuloy ang pagpatak ng mga luha ng dalaga. Ang puso niya ay para bang sinasaksak ng isang matalas na kutsilyo. Alam niyang hindi mgiging madali ang lahat subalit handa na siya sa kung ano man ang muli niyang mararanasan sa kaniyang pagbabalik.
Hindi batid ng dalaga na may mga matang nakakakita sa kanya ng mga oras na iyon. May mga taingang nakakarinig sa mga sigaw niya. Isang tao na nagkukubli lamang upang hindi siya magambala.
Luminga-linga si Hara. Napagod siya kasisigaw. Ang malamig na tubig sa kanyang harapan ay para bang inaanyayahan siyang magtampisaw sa mala-kristal nitong kulay."Hmmm.... Wala sigurong maglalakas loob na pumunta rito ngayong tiyak nang alam na ng lahat na nakabalik na ako ng hacienda," bulong ng dalaga sa sarili.Marahang tumayo si Hara ng matiyak na mag-isa lamang siya sa lugar na iyon. Dahan-dahan niyang hinubad ang kaniyang sombrero, suot na jacket at pang-itaas na blusa. Tumambad ang malulusog na dibdib ng dalaga na bahagya na lamang natatakpan ng maliit na tela. Inilugay rin nila ang kanyang buhok na kapag tinataaman ng sikat ng araw ay talaga naming napakaganda.Agad na isinunod tanggalin ng dalaga ang kaniyang suot na sapatos. Pagkuwan ay walang pag-aalinlangan niyang ibinaba ang kaniyang suot na pantalon. Sa puntong ito ay lumantad na ang katawan ng dalaga na para bang inukit ng isang eskult
Unang gabi sa hacienda at hindi makatulog ang dalaga. Naisipan niya kaninang lumabas ng silid para magpahangin. Nakita niya si Mia na papalabas ng mansyon kaya sinundan niya ito. Ilang sandali pa ay tumigil ito sa may puno ng manga. Naabutan niyang kausap nito si Xandro. Gusto niya sanang makipagkwentohan sa pinsan niya pero dahil sa binata ay padabog siyang pumasok na lamang ulit ng mansiyon."Ang lakas ng loob ng lalaking iyon na asarin ako. Sampid lang naman siya rito."“Hindi ka ba makatulog iha?” tanong ng lolo niya na naabutan niyang nagkakape sa sala.“Gusto ko lang po sanang magpahangin lolo kaya lang sobrang lamig sa labas kaya pumasok na lang ako ulit. Gabing-gabi na iyang pagkakape mo ah. Hindi mo dapat yan ginagawa lolo. Mahihirapan kang makatulog niyan.”“Naku itong batang ito. Hindi ako lalo makakatulog apo kapag hindi ako nakapagkape. Hinahanap-hanap
Pagkatapos mag-agahan ay naisipan ng dalagang pumunta sa koprahang bahagi ng hacienda. Katulad ng kagustuhan ng lolo niya ay nakasunod kay Hara si Xandro."Huwag mo akong dikitan ha. Allergic ako sa'yo," galit nasabi ng dalaga."Huwag mo akong kainisan, Hara. Darating ang araw na hahanap-hanapin mo ang makisig na lalaking ito. Nag-iisa lang kasi ang katulad ko sa mundong ito. Lumalapit kahit ipinagtatabuyan, nagmamahal kahit...""Nasobrahan ka ba sa kape? Sobrang believe mo kasi sa sarili. Nakalimutan mo yatang ako ang kausap mo. Matuto kang gumalang sa isang Del Puedo!""Hindi ako nagkakape, senyorita. Ikaw lang sapat na para tumibay ang dibdib ko.""Hoy, lalaki! Hindi ako vitamins na nabibili lang sa kanto. Hindi ako energizer battery na pwedeng mong kuhaan ng enerhiya. Ang presko mong unggoy ka!""Sige na, huwag ka nang magalit diyan. Binibiro ka lang ang
Mabilis na lumipas ang mga araw. Unti-unti ay nagiging relax na si Hara sa Hacineda Del Puedo at sa mansiyon. Sinisikap niyang maging normal ang mga araw na para bang hinahabol siya ng multo ng kahapon.Isa sa gustong gawin ng dalaga ay ang muling makapamasyal nang walang kinakatakutan. Gusto niyang ibalik ang dating buhay na malaya siyang gawin ang lahat.Habang nag-uusap sa hardin ang matandang Del Puedo at si Klein ay nilapitan ni Hara ang mga ito. Mababakas sa matanda ang edad nito ngunit kahit nakatalikod ay napakakisig pa rin nitong tingnan. Hindi nakapagtatakang minahal ito ng labis ng Lola Candida niya.Bahagyang napangiti ang dalaga ng maalala kung paano magmahalan ang kanilang lolo at lola. Ang nasabing pag-iibigan ay nagbunga ng tatlong anak, si Fausto Del Puedo ang panganay, sinundan ng kaniyang papa at ng kaniyang Ninang Marcela na bunso.Si Fausto ang ama nina Ryan at Mia sa
Sa ospital na naabutan ni Mia ang pinsan niya. Sa sobang pagkataranta ni Xandro kanina ay hindi na nito naisipan pang pasakayin ang dalaga."Where is she?" nag-aalalang tanong ng dalaga sa binata."Inaasikaso na ng papa mo. Tiyak magagalit si Don Ernesto kapag nalaman niya ito. Ihanda mo na rin ang sarili mo," sabi ni Xandro. Nakita niya ang panginginig ng dalaga.Hindi nga nagkamali ang binata. Paglabas ng ama ni Mia sa kwarto kung nasaan si Hara ay galit nitong binalingan ang anak."Follow me," matigas na utos nito. Naiwan naman si Xandro na nakatingin lang sa kwarto ni Hara. Nang hindi na makatiis ang binata ay pumasok na rin siya. Nilapitan ang namumutla at tulog na dalaga."I'm sorry, nahuli ako ng dating. Matigas kasi ang ulo mo eh. Pangako hindi na kita pababayaan pa. I will protect you."Hinawakan ng binata ang kamay ng dalagang may swero. Marah
"Bye, lolo. Bye, papa," masayang paalam ni Hara sa kaniyang lolo at ama."Sigurado bang hindi kayo sasama? Aba, gusto rin kayong makita ni kumpadre." Ang tinutukoy ng lolo ni Hara ay ang matalik na kaibigan nitong nasa Bulacan."Ayaw kong makita ang mayabang mong kaibigan," nakasimangot na sagot ng Lola Candida ni Hara."Matagal na iyang away n'yo. Isa pa, minahal ka rin niya dati." Malumanay ANG pagkakasabi noon ng lolo ni Hara pero lalong sumimangot ang Lola Candida niya."Sige na, umalis na kayo at mahaba pa ang byahe ninyo. Kung ano-ano pa ang mga sinasabi mo diyan. Kunwari ka pang hindi nagseselos. Halos ayaw mo ngang nilalapitan ako noon." Pagtataboy ng ginang sa matandang Del Puedo.Namilog ang mata ng labing-limang taong gulang na si Hara dahil sa mga naririnig niya. Kinikilig siya sa usapan ng kaniyang lolo at lola. Inilagay pa niya ang mga kamay sa kaniyang pisngi
Pag-angat niHara ng mukha mula sa pagkakayakap kay Xandro ay ang pinsan niyang nakatayo lamang sa may pintuan ang nakita niya. Nakangiti na ito at tila ba aliw aliw sa pinapanood niya."Mia, kanina ka pa ba riyan?" tanong ni Hara."Oo, nanonood ako ng isang magandang eksena," lumaki ang ngiti nito at pumasok ng silid ni Hara. "Papasok na sana ako ng kwarto ko nang marinig kong umuungol ka. Akala ko kung anong nangyayari na sa'yo."Napahiya ang dalaga dahil mahigpit pa rin ang pagkakayakap sa kaniya ni Xandro kahit nasa silid na niya si Mia. Kusang humiwalay siya sa lalaki."Binangungot lang ako. Dala siguro ng sobrang pagod," paliwanag ni Hara."Ayaw mo kasing magpapigil sa pagpunta sa taniman. Pwede namang sa opisina ka na lang magtrabaho para matulungan mo ako," sermon ni Mia."Huwag mo akong simulan, Mia. Hala, magbihis ka na at bababa na tayo. Kakai
Hindi nakahuma kaagad ang dalaga sa halik ni Xandro. Unang beses siyang nahalikan ng kahit sinong lalaki. "Teka, unang beses nga ba?" Nalilitong bumitaw si Hara sa lalaki at walang lingon na iniwan ito.Sa isang bahagi ng bahay ay may isang Mia na nagtatangis ang mga ngipin. Mariin ang pagkakakuyom ng mga kamao nito at handang manakmal ano mang oras."Mia, pasensya ka na ha," sabi ni Hara sa pinsang nakatayo sa may isang malaking halaman sa loob ng bahay. Nilapitan niya ito ng kumaway sa kaniya. Kalmado ito at hindi mababakas ang kanina lang ay matinding emosyon na nadarama nito.Ngumiti ng ubod tamis si Mia at nagwika ng, "Para saan naman ang sorry na iyan?""Doon sa… Ano... Kuwan kasi, eh... Mia, iyong..." Halos hindi madugtungan ni Hara ang bawat linyang binitawan niya."Ah, huwag mong alalahanin 'yong kanina. Binibiro ko lang si Xandro. Wala ka pa rito, madalas ko na s
Nakatulala si Hara habang nakatingin sa kabaong na nasa pavilion ng Hacienda Del Puedo. Tradisyon na ng pamilya na rito iburol ang sino mang kamag-anak na namatay. Malungkot niyang tinitingnan ang mga bulaklak na maayos na nakahilera sa loob. "Hindi talaga maganda ang paghihiganti," wika ni Klein sa kaniyang tabi. "Oo nga, Klein. Hindi ko talaga inakala na ampon pala si Kuya Ryan." "Maraming lihim ang pamilya natin. Kahit ako ay hindi rin makapaniwala." "Oh, bawal ma-stress ang asawa ko ha. Kabuwanan mo na," wika ni Xandro na niyakap ang asawa niya mula sa likuran. "Oy, huwag kayong mag-PDA diyan kasi naiinggit ako," pabirong wika ni Mia. "Iniisip ko lang naman ang asawa ko kaya nagpapaalala ako. Baka maglupasay na naman ito katulad ng nangyari sa ospital sa Makilala. Sa sobrang pagmamahal niya sa akin, ayun g
Isang nanghihinang James ang pumasok sa kweba pagkatapos ng sunod-sunod na putok na narinig ng lahat. Nakangisi ito habang nakatingin kay Ryan na noon ay nakadapa sa lupa."Tang-*na, sino ang nagpatakas sa iyo?" namimilipit sa sakit na tanong ni Ryan."Ang sakit ng tiyan ko," iyak ni Mia. "Tulungan n'yo ako, please.""Xandro, Xandro, please, lumaban ka," pagmamakaawa naman ni Hara sa kasintahang kalong-kalong niya. "Huwag mong hayaang lumaki ang anak nating walang ama. Please, lumaban ka. Mahal kita. Hindi ko kakayaning mawala ka."Mahigpit na hinawakan ni Xandro ang kamay ni Hara na punong-puno ng kaniyang dugo. Pinipilit niyang pakalmahin ang babae dahil baka makasama ang pag-aalala sa baby nila ngunit walang salitang lumalabas sa bibig niya."Tulong! Parang awa n'yo na, tulungan n'yo kami!" Ubod lakas na sigaw ni Hara. Pilit tinatakpan ng dalaga ang dibdib ng binatang pa
Parang batang naglalaro si Ryan habang pinahihirapan si James."Ah, f*ck you! Hayop ka talaga Ryan!! Papatayin kita kapag…""Kapag nakatakas ka?" humalakhak si Ryan. "Malabong mangyari iyon, James, kasi papatayin na kita ngayong araw na ito.""Do it faster! Puro ka salita, puro ka angas, wala ka namang buto!""Oh-oh, will you please wait?! I'm still enjoying the show!" Mala-demonyong sabi ni Ryan at pinukpok nito ng baril ang mga ulo ni James.Matinding sakit ang nadama ng binata. Pilit niyang pinaglalaban ang tindi ng kirot at sa isip niya ay bumabalik ang masayang alaala nila ni Hara. Habang unti-unting nawawalan siya ng malay ay bumabalik ang isip niya sa mga naganap noon."Bata, ikaw ba si James Santillano?" wika ng isang lalaki sa noo'y binatilyo pa lamang na si James."Opo, bakit po? Paano n'yo po akon
Kinuha ni James ang papel sa mga kamay ni Xandro. Nang mabasa ng binata ang laman noon ay agad na nagdilim ang mukha nito."Fuck! It's him again!" Sinuntok pa ni James ang bintana ng kotse na dapat ay sasakyan ni Xandro paalis. Nanginginig ang buong katawan nito ngunit hindi dahil sa sugat sa mga kamay kung hindi sa tindi ng emosyon na nararamdaman."May idea ba kayo, sir, kung sino ang may kagagawan nito?" tanong ng mga pulis."Sino ang may gawa nito 'tol?" segundang tanong ni Xandro.Lahat ng nalalaman ni James ay ibinahagi n'ya sa mga alagad ng batas. Sinasabi niya sa sarili na panahon na para bunutin ang tinik sa kaniyang dibdib. Handa siyang makulong kung kinakailangan pero ng mga panahong iyon ay ang kaligtasan ni Hara ang nasa isip niya.Matagal na nawalan ng kibo si Xandro. Hindi n'ya alam kung paano tanggapin ng pamilya Del Puedo ang lahat ng mga sinabi ni Ja
Masayang naghanda si Xandro. Aalis siya ng Hacienda Del Puedo upang sundan si Hara sa Baguio. Nasasabik siyang muling makita ang dalaga lalo pa at nalaman niyang may anak na sila."Mag-iingat ka 'tol. I am so happy na magiging maayos na rin ang lahat ngayon," wika ni James. "Galingan mo ha. Dapat pag-uwi mo sa atin, kasama mo na ang mag-ina mo."Salamat, James. The best ka talaga kapatid ko." Masayang tinapik ng dalawang binata ang balikat ng isa't-isa.Samantala, magaan ang loob ni Mia habang tinitingnan ang larawan nila ni Hara noong maliliit pa lamang sila. Muling nanariwa sa kaniyang isipan ang mga masasayang araw noong kabataan nila."Sana mapatawad mo ako sa mga ginawa ko. Hindi ko alam pero kinain ako ng selos at inggit sa iyo. Nang nagpa-ubaya ka para sa kaligayahan ko ay lubos kong naunawaan na mahal mo nga ako kaysa sa sarili mo."Hinawakan ng matandang Del Puedo
Isang buwan na ang nakalipas ngunit wala pa ring maibigay na magandang report ang private investigator na kinuha ni James. Nauubusan na ng pasensya si Hara. Gusto na niyang matapos ang kaso dahil nais niya munang lumayo para maghilom ang sugat sa kan'yang puso. Si Mia ay abala na sa nalalapit nilang kasal ni Xandro. Mula sa malaki hanggang sa pinakamaliit na detalye ay pinakikialaman niya. Ang binata naman ay walang pakialam. Madalas ay nakatanaw lang ito kay Hara mula sa malayo. At dahil sa bagal ng mga imbistigador kaya minabuti ng dalaga na gumawa ng isang hakbang kung saan ay magiging maayos ang lahat. Lalayo muna siya pansamantala. Makapaghihintay pa naman ang katarungan para sa lola at mama niya ngunit ang puso niyang wasak ay malapit ng bumigay. "Papa, magpapaalam ako. Iyong bahay na ipinagawa n'yo ni mama doon sa Baguio, pwede bang doon muna ako tumira?" "Mapanganib iyon,
Sa ika-21st birthday ni Hara ay puno ng katahimikan ang mansyon. Ang dapat sana'y masayang araw na iyon ay napalitan ng kalungkutan. Nagluto pa rin naman ang mga katulong pero walang simpleng salo-salo ang naganap dahil halos hindi lumabas ng kaniyang silid ang dalaga.Nag-aalala man ay hindi magawang lapitan ni Xandro ang babaeng mahal niya. Si Mia ay nakapulupot palagi sa kaniya buong maghapon. Ipinamamalita nito sa lahat ang nalalapit nilang kasal. Kahit panay ang iwas ni Xandro sa dalaga ay para itong linta na hindi mapuknat sa kaniya. Minsan mas gusto pa ni Xandro ang nakakulong sa kwarto ngunit nahihiya siya kay Don Ernesto."James, bantayan mong mabuti si Hara." Pakiusap niya sa kapatid ng makawala siya kay Mia. May trabaho ang babae sa opisina nito kaya kahit paano ay nakahinga si Xandro sa pangungulit ng babae."Grabe si Mia, Kuya. Parang gusto ka yatang bakuran palagi. Good luck sa'yo. Sana kayanin
Isang araw bago ang kaarawan ni Hara ay may isang sorpresa na dumating sa Hacienda Del Puedo. Iyon ay ang biglaang pagdating ni Felecedario. Parang hari itong bumaba ng sasakyan niya."Oh kumpadre, napadalaw ka yata. Bakit biglaan naman?" tanong ni Don Ernesto sa kaniyang panauhin. "Sana nagsabi ka ng maaga para naipaghanda kita.""Paano akong hindi susugod dito eh nakita ko sa mga balita na ibinuwis ng mga apo ko ang mga buhay nila para diyan sa apo mo!""Hindi ko sila pinilit na bantayan si Hara. Ikaw mismo ang nagpumilit na magpadala ng security personnels dito mula sa J. Santillano Security Agency.""Si James lang ang pinag-usapan natin! Hindi kasama si Jeric! Asan ang mga apo ko? Paanong napunta rit
Inusisa ni Hara ang buong pamilya sa pagsisinungaling ng mga ito na gusto niyang mag madre kaya siya matagal na namalagi sa eksklusibong school na pagmamay-ari ng mga ito. Kaniya-kaniyang paliwanag ang bawat isa at inaarok ng dalaga ang bigat ng bawat eksplinasyong natatanggap niya."Ginawa namin iyon para magustuhan mo ang manirahan doon dahil alam naming ligtas ka sa loob," paliwanag ni Don Ernesto."Anak, mahal kita. Alam mong wala akong ibang hangad kundi ang kaligtasan mo. Huwag mo sana kaming pagdudahan, Hara."Matamang pinakinggan ni Hara ang bawat isa. Ang papa at lolo niya ay pilit siyang pinapaniwala na nagsasabi sila ng totoo.Dahil sa kapani-paniwala ang mga eksplinasyon ng mga kamag-anak ng dalaga kaya minabuti niyang paniwalaan ang mga ito. Ang dalawa kasi ang pinaka pinagkakatiwalaan ng dalaga.Sa kabila ng banta sa buhay ni Hara ay naging masaya sina Xandro