"Bye, lolo. Bye, papa," masayang paalam ni Hara sa kaniyang lolo at ama. "Sigurado bang hindi kayo sasama? Aba, gusto rin kayong makita ni kumpadre." Ang tinutukoy ng lolo ni Hara ay ang matalik na kaibigan nitong nasa Bulacan. "Ayaw kong makita ang mayabang mong kaibigan," nakasimangot na sagot ng Lola Candida ni Hara. "Matagal na iyang away n'yo. Isa pa, minahal ka rin niya dati." Malumanay ANG pagkakasabi noon ng lolo ni Hara pero lalong sumimangot ang Lola Candida niya. "Sige na, umalis na kayo at mahaba pa ang byahe ninyo. Kung ano-ano pa ang mga sinasabi mo diyan. Kunwari ka pang hindi nagseselos. Halos ayaw mo ngang nilalapitan ako noon." Pagtataboy ng ginang sa matandang Del Puedo. Namilog ang mata ng labing-limang taong gulang na si Hara dahil sa mga naririnig niya. Kinikilig siya sa usapan ng kaniyang lolo at lola. Inilagay pa niya ang mga kamay sa kaniyang pisngi
Last Updated : 2021-05-29 Read more