Meet the Aserons. Ravin Aseron-Navarre, Simoun Aseron, Bastian Aseron and Giac Aseron. They are the rich and gorgeous grandsons of billionaire Nemo Aseron. All of them are eligible bachelors. But none of them wanted to get married. Bagay na labis na tinututulan ng lolo nila. Lolo Nemo Aseron is an old billionaire who wanted to see his grandchildren married before he passes away. Kaya naman plinano niya na ihanap ng mga mapapangasawa ang apat na apo niya na sina Ravin, Simoun, Bastian at Giac. Buo na ang plano ni Lolo Nemo na iparehas sila sa mga babaeng napili niya para sa mga ito. The old crafty and scheming billionaire was determined to arrange the next Aseron Weddings. Ravin was the tough former Marine. Could bratty heiress Shebbah tame his heart? Simoun was the cold businessman. Could quiet and shy Menchie melt his heart? Bastian was the heartbroken bastard of the family. Could former bad girl Aishell heal his broken heart? And Giac was known as the Casanova Aseron. Could straitlaced Elizabeth capture his elusive heart? Are you invited to the next Aseron Wedding?
View MoreIsa-isa naman nitong inilarawan ang tatlong lalaking disimuladong namilit ditong aminin ang totoo. Nang matapos ito ay hindi niya malaman kung matatawa o mapapaiyak. Isa sa mga tinukoy nito ay walang dudang si Hisoka, isa sa mga pinsan ni Giac. Ang dalawa pa ay halos natitiyak na niyang ang dalawa pang pinsan ni Giac na sina Flynn at Ethan.“Huwag kang mag-alala, sisikapin kong makausap si Giac para ipaliwanag ang lahat. Aaminin ko sa kanya ang plano namin ni Maisie. Pati na ang pagiging peke ng mga litrato,” anito. “No need, I already know it’s fake.”
Mabilis na ibinaba ni Elizabeth sa ibabaw ng kitchen counter ang hawak niyang bowl ng fruit salad nang maulinigan ang pagparada ng sasakyan ni Giac sa harap ng bahay niya. Hinayaan na lang niyang si Aling Ching ang magbukas ng gate at magpatuloy dito. Sabik na inabangan na lang niya ito sa sala. “Giac,” masigla ang ngiting bati niya dito. Lumapit siya dito at akmang ipapaloob ang hapong katawan sa mga bisig nito. Subalit imbes na yakapin siya ay pinigilan siya ni Giac sa mga braso at inilayo dito.
Minasdan ni Elizabeth ang pagkalat ng pagkagulat sa anyo ni Giac dahil sa sinabi niya. Alam niyang alam na nito ang tungkol kay Justin kaya bakit tila labis na nagulat ito?“Hindi ko alam na ngayon din pala ang petsa ng kasal ninyo dapat. It’s funny and a bit odd. You see, ngayon din dapat ang petsa ng kasal namin ni Shaina seven years ago,” anito na tila sinasagot ang pagtataka sa anyo niya dahil sa pagkagulat na bumakas sa mukha nito.Kung gayon ang dahilan pala ng pagkagulat nito ay dahil kung nagkataong natuloy ang kanya-kanyang kasal nila sa dating mga kapareha, pareho pa rin sila ng wedding anniversary kung tutuusin. Tama ito, it was indeed a bit odd and funny.
Walang sapat na salitang makakapaglarawan sa kagalakan ni Elizabeth nang makitang muli ang kanyang Kuya Elias. Pero wala iyon sa antas ng kaligayahang nakikita niya sa anyo ni Sam na halos ayaw nang umalis ng ospital para bantayan ang amang hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Ayon sa mangingisdang sumagip sa kapatid niya, hindi daw akalain nitong mabubuhay pa ang kuya niya. Malubha daw kasi ang kalagayan nito nang dalhin nito ang kapatid niya sa maliit na ospital sa bayan nito.Walang TV o radyo sa bahay ng mangingisdang nagmagandang-loob na tulungan ang kuya niya. Kaya naman walang kaide-ideya iyon kung sino eksakto ang kuya niya.
Natigilan si Elizabeth sa akmang pagtawag sa mga nawawala sa mga mesa nitong tauhan niya nang maulinigan niya ang mga boses na nagmumula sa loob ng conference room. Kunot-noong inilapag niya sa ibabaw ng office desk niya ang bag niya. Humakbang siya patungo sa bahagyang nakaawang na pinto ng conference room. Para lang sa marketing department ang silid na iyon. At wala siyang natatandaang ini-schedule niyang meeting para sa araw na iyon.“Ah, Giac, kailangan na naming simulan ang mga ipinapaggawa ni Ma’am Elizabeth sa amin. Baka dumating na siya at hanapin iyon,” wika ni Louie, isa sa mga marketing executive na under niya.
“Hindi ba dapat ako ang nagmo-moment dito at hindi ikaw?” Napapitlag sa gulat si Elizabeth nang marinig ang boses na iyon ni Giac mula sa pinto ng living room. Animo déjà vu na bumalik sa isipan niya ang huling naging pag-uusap nila sa loob ng silid na ito ten years ago. Nakaupo din siya sa window seat noon tulad ngayon. Tulad din ba noon, wawasakin nito ang mg ailusyon niya patungkol sa kanilang dalawa? Nilingon niya si Giac nang maupo ito sa tabi niya. Iniwan niya ito kanina sa terasa kasama si Sh
Kinabukasan ay isang sportsfest ang ihinanda ng events organizer na inupahan ni Lolo Nemo para sa week-long celebration ng kaarawan nito. Ginanap ang naturang sportsfest sa malawak na lupain ng Aseron Farms. At kung may pagdududa pa si Elizabeth ukol sa sinabi ni Giac na pagma-matchmake ni Lolo Nemo sa mga apo nito, binura iyon nang natuklasan niyang numero unong requirement para sa mga kasali sa mga palaro. Kailangan ay pareha ang mga manlalaro. Isang babae at isang lalaki. At hindi pwedeng maging magkapareha ang mga magkakamag-anak.&n
Mapait na napangiti si ELIZABETH. Bahagyang napailing.“Mali ka, Giac. Ang tinutukoy mo ay si Lizzie. That stupid, naïve and love-starved girl who belived you were really in love with her when all along you were just playing around. I just lost my mother that time. Kahit hindi kami masyadong malapit ni Mama sa isa’t isa, kahit paano, binibigyan niya ako ng atensyon at oras noon. Kahit para lang pulaan ako o i-criticize lahat ng kilos ko. “I was so lonely that time. Kaya nang pakitaan mo ako ng maganda, inisip kong ikaw ang makakabura ng lungkot ko dahil nakaya mo akong patawanin kahit mas gusto kong magmukmok noon. I fell in love with the idea of love.
“Ano’ng ginawa mo kay Giac at napapayag mo siyang magpanggap na nobyo mo gayong alam ko namang magka-away na mortal kayong dalawa?! Hindi ka ba nahiya? Nagsisinungaling kayo sa pamilya niya!” kompronta ni Maisie kay Elizabeth nang mapagsolo sila sa hardin matapos niya itong yayaing maglakad-lakad doon pagkatapos ng hapunan. Tulad ng selebrasyon para sa death at birthday anniversary ng yumaong asawa ni Lolo Nemo na si Lola Salome, one-week long affair din ang pagdiriwang ng kaarawan ni Lolo Nemo. Sinimulan lang nito ang tradisyong iyon nang tumuntong na nang seventy-eight ang edad nito. Sa
PROLOGUEA PAGE FROM THE MEMOIRS OF AN OLD, INTERFERING, MEDDLING, MANIPULATIVE, SCHEMING---ERASE, ERASE…HMM…A PAGE FROM THE MEMOIRS OF NEMO ASERON, THE MOST LOVING AND CARING GRANDFATHER… I am turning eighty next year. At bagamat halos lahat na ng bagay sa mundo ay naggawa at nakamit ko na, hindi ko pa rin masabing kuntento na ako at handa nang mamaalam sa mundo nang may ngiti sa mga labi. Sapagkat sa labinlima kong apo ay iisa pa lamang ang may asawa. Tanging si Zareth pa lamang ang nakikita kong masaya na at payapa sa piling ng pamilyang sinisimulan nit...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments