Home / Romance / Aseron Weddings / PART 1-SENSIBLE

Share

PART 1-SENSIBLE

Author: Dream Grace
last update Last Updated: 2021-05-16 05:04:44

Nasa aktong pag-inom sa baso ng tubig si Ravin nang mapa-angat ang tingin niya mula sa binabasang dyaryo. Kaya nang makita niya ang hitsura ni Shebbah ay nasamid siya.

“Ano? Buhay ka pa?” ang naaaliw nitong pakli nang tuluyang lumapit sa dining table kung saan naghihintay siya.

“Saan ka pupunta? May photo shoot ka ba?” aniya para pagtakpan ang inisyal na kagalakan na nadama niya sa nasilayang kagandahang nakahain sa harap niya.

Tila natigilan din naman si Shebbah. Nagtatakang niyuko nito ang sarili.

“Ano’ng mali sa suot ko?” ang puno ng kuryusidad na tanong nito.

Napakamot sa ulong umiling na lamang si Ravin.

“Isasama sana kita sa paglilibot sa farm ko. Pero hindi na bale.”

Tumaas ang mga kilay ni Shebbah. Nameywang pa ito.

“At bakit naman? May dress code ba sa farm mo?”

Umiling si Ravin.

“Wala. Pero hindi ko gustong mag-riot ang mga tauhan ko kapag nakita ka sa ganyang suot mo. Hindi ka ba nilalamig?”

Bukod kasi sa halos nasa kalahati na ng hita ng dalaga ang suot nito na maong na shorts, backless pa ang suot nito na pang-itaas. Mistula iyong bandana lang na itinali lang nito sa leeg at sa baywang nito.

Eksasperado namang naiikot ni Shebbah ang mga mata.

“Right! I forgot old-fashioned nga pala kayong maga taga-probinsya. Malamang itali ninyo pa ako sa kawayan at sunugin kung mao-offend ko ang balat-sibuyas ninyong mga paniniwala. Don’t worry, magpapalit ako mamaya. Gusto ko munang magkape.”

Bahagyang nagulat sa hindi na nito pakikipagtalo tungkol sa kasuotan nito na nanlaki ang mga mata ni Ravin. Inaasahan na niya ang mala-world war three na argumentong mamamagitan sa kanila dahil sa demand niya tungkol sa pananamit ng dalaga. Pero ni hindi man lang ito kumurap bago kibit-balikat na pumayag.

Nasaan na iyong babaeng nabasa niya sa isang magazine na nag-walk-out sa ka-date nitong producer dahil sa komento niyon ukol sa suot nito? Matapos kasing sabihan ito ng producer na mukha daw itong bimbo sa gown na suot nito ay nilayasan nito ang lalaki sa gitna ng dance floor. Pero hindi

lang basta walk-out ang ginawa nito.

 Dahil bago nito layasan ang ka-date, malakas na inanunsyo pa nito sa buong pagtitipon na kung insecure daw ang naturang producer dahil mas bagay ang gown dito kaysa sa closet queen na lalaki, ipapahiram na lang nito iyon sa lalaki.

Of course, she could wear what she is wearing now around his men. Pero ang totoo ay may malaking bahagi niya mismo ang umaalma sa ideya na makikita ang dalaga ng ibang lalaki nang ganoon ang hitsura. Damn, but those gorgeous legs and smooth back were for his eyes only!

At oo, alam niyang irasyunal ang damdaming iyon. Hindi niya ito nobya, ni hindi niya rin nililigawan. Kaya ano’ng karapatan niyang maging posessive o overprotective dito?

Tila napansin naman nito ang pagkagulat niya sa hindi nito pakikipag-argumento sa lagay ng kasuotan nito dahil inarkuhan siya nito ng mga kilay.

“What?!” asik nito.

“Akala ko, kakailanganin pa kitang bitbitin paakyat para

pwersahing magbihis,” sagot naman niya dito.

“Haha! As if bibigyan kita ng rason para hawakan ako.

Dream on, soldier boy slash farmer boy. At ngayon pa lang

binabalaan na kita, keep your hands to yourself kung ayaw mong pagbayaran ng habang-buhay na paghimas sa rehas sakaling magkamali ka.”

Napangising napailing na lang siya. Ano kaya ang sasabihin nito kung malalaman nito ang totoong inisiip niya? She would probably threaten to cut off his head! Both

heads!

*******************************************************************

                                                                         “So, Esther Farms? Is it like a branch of your family’s farms?” curious na untag ni Shebbah kay Ravin habang lulan sila ng pick-up nito patungo sa taniman diumano nito.

“Hindi. Hiwalay na itong farm ko sa farm ng pamilya ko. Mostly fruit-bearing trees ang mayroon ako. Pero mayroon ding ilang parte na gulay at mais ang nakatanim. Hindi ito kasing-laki ng Aseron Farms. Sapat lang para sa pangangailangan ko.”

“I see,” tango niya na sumulyap sa hile-hilerang puno ng niyog na nadaraanan nila. “No, actually, I don’t. Bakit mo pa kailangang bumukod sa farm ng pamilya mo?”

“I just want to. Para wala akong ibang boss kundi sarili ko.”

“Now that I understand. But it seems like a huge leap from being a Marine.”

“Hindi gaano. Bago pa ako pumasok sa military ay hilig ko na ang pagtatanim. Madalas bumuntot ako kay Lolo noon tuwing maglilibot siya sa plantasyon. Kaya nang mag-resign ako sa militar, ito ang naisip ko agad na pamalit sa dating trabaho ko.”

Minasdan niya ito mula sa sulok ng mga mata. For someone who is a billionaire’s grandson, tila napakasimple ng tastes nito. Bungalow type lang ang bahay nito. Bagamat fully furnished ay hindi ganoon karami ang kagamitan nito. Malinis na malinis na parang nakakahiyang iwanan kahit isang marka lang ng daliri ang kumikintab na sahig at mga

muwebles.

“Bakit ka umalis sa pagiging Marine?” untag niya dito.

Sa tingin niya mas bagay nga itong sundalo. Nasa tikas, tindig at bawat hakbang kasi nito ang pagiging likas na mandirigma. He doesn’t look injured to her. Kaya imposibleng umalis ito sa serbisyo dahil sa tinamong kapansanan mula sa mga sinabakang laban.

Sa halip sumagot ay mariing tumiim ang mga bagang

nito. Tila nagdilim din ang kanina ay maaliwalas nitong mukha.

“Nandito na tayo,“ anito.

 Itinigil nito sa ilalim ng puno ng mangga ang sasakyan nito. Sa ‘di kalayuan ay namataan niya ang mga trabahador na abala sa pagbubuhat ng kaing-kaing ng mga saging. Ngunit may kutob siyang kahit wala pa sila sa destinasyon talaga nila, iyon pa rin ang sasabihin nito. Para lang makaiwas na sagutin siya sa tanong niya ukol sa pag-alis nito sa serbisyo.

Mas lalo tuloy siyang na-curious. Nauna na itong bumaba. Akala niya basta na lang siya nitong iiwan doon pero lumigid ito patungo sa pinto niya at inalalayan siya sa pagbaba.

“Dahan-dahan ka. Medyo maputik dahil umulan kagabi.”

“No worries, hindi naman nakakamatay ang putik,” balewalang aniya.

Kunot-noong minasdan naman siya nito. Tinging mula pa kanina ay pinupukol na nito sa kanya.

“I’m still waiting for you to indulge in one of your famous hysterics. But everytime I think you’re about to have one, ginugulat mo ako sa pag-aktong normal lang.

“Kanina ni hindi ka umangal nang hainan ka ni Manang

ng tuyo at kamatis. Naka-dalawang tuyo ka pa. Where’s the Bitch Princess everyone says you are?” sa anyo at tono nitong bahagyang nalalangkapan ng indignasyon, animo kasalanan pa ang ginagawa niyang pagpapakita ng magandang ugali dito.

At halos maluha siya sa pagpipigil sa pagtawa habang minamasdan ang hindi pagkapaniwala sa anyo nito kanina. Halos lumuwa kasi ang mga mata nito sa nasaksihang sarap na sarap na pagkain niya sa tuyong isinawsaw pa niya sa suka. Then and there she knew what he was trying to do.

Related chapters

  • Aseron Weddings   PART 1- JEALOUS

    Lihim na napaismid si Shebbah. Gusto ni Ravin na patunayan sa sarili kung gaano siya kamaldita. Kung bakit at para saan, hindi niya alam. Pero hindi niya ito pinagbigyan.Kaswal na sinipat naman niya ang mga kuko niya.“Oh, you’ll see her soon enough. Kung hindi mo ako titigilan sa panunubok mo sa pasensya ko. As it is, sinusunod ko lang ang bilin ni Dad na maging mabait sa iyo. After all, malaking pabor ang ginagawa mo para sa akin ngayon.“I may be a bitch but I’m not an ungrateful bitch. Marunong akong tumanaw ng utang na loob. Huwag mo lang

    Last Updated : 2021-05-17
  • Aseron Weddings   PART 1-NOT JEALOUS

    Habang humahakbang palayo kina mang Simoy, Aling Gunding at Shebbah ay nais tadyakan ni Ravin ang sarili niya.Batid niyang umakto siyang parang gago kanina nang ilayo niya si Shebbah kay Reden. Hindi rin niya alam kung saan nanggaling ang pagkayamot na namuo sa dibdib nang makita niya ang totoong ngiting sumilay sa mga labi ng dalaga habang kausap ang binatilyo. Hindi niya matukoy kung saan siya mas naiinis. Sa pagngiti nito sa binatilyo o dahil naunahan siya ng binatilyo na patikimin ng mga saging nila ang dalaga. Kahit alin pa sa dalawa, kalokohan pa rin ang nadama niya. Eh ano naman kung

    Last Updated : 2021-05-18
  • Aseron Weddings   PART 1-DARING

    Bahagyang natawa si Shebbah. Inarkuhan niya ng mga kilay ang lalaki. “Bakit? Balak mo ba akong gawing isa rin sa mga tauhan mo? Do you plan to turn me into a farmer?” Nagkibit-balikat si Ravin. “Kung interesado ka, bakit hindi?” Napaisip si Shebbah. Wala naman siyang ginagawa, might as well learn how to farm and show this man that she wasn't as airheaded as he seems to think. “Bakit nga hindi?”*******************************************************************&n

    Last Updated : 2021-05-19
  • Aseron Weddings   PART 1-SURE

    Inis na pinukol muli ng masamang tingin ni Shebbah ang nakapinid na pinto ng silid niya.“Buksan mo na itong pinto, Shebbah!” salitan sa pagkatok at pagtawag sa pangalan niya si Ravin sa labas ng pinto ng silid. Bakas sa boses nito ang pag-aalala.Pero kahit magdugo ang mga kamao nito sa pagkatok doon, hinding-hindi niya ito papayagang makita siya sa kasalukuyang anyo niya. Muli siyang napasulyap sa salamin ng dresser. At muli bumalon ang mga luha sa mata niya pagkakita sa napakapangit niyang hitsura. In her mind, she was chopping into a hundred pieces those two nasty insects that crawled all over her body. “Ay!” gulat na napalundag siya sa sahig mula sa kama nang walang babalang bumukas an

    Last Updated : 2021-05-20
  • Aseron Weddings   PART 1-CAN'T SLEEP

    Hindi makatulog si Ravin nang gabing iyon kaya pilit niyang pinapagod ang sarili sa pagsuntok sa punching bag na nakasabit sa puno sa likod ng bahay niya. Hanggang ngayon ay hindi maalis ang iritasyon niya sa Lolo Nemo niya at sa sinabi nito patungkol kay Shebbah kaninang sa Castillo sila maghapunan ng dalaga. It was not their first dinner with his family. Pangatlong linggo nang narito sa poder niya ang dalaga at kalahati ng mga gabi niyon, kadalasan ay sa Castillo sila naghahapunan. Batid kasi niyang nababagot si Shebbah sa pwersahang pagkaka-isolate nit

    Last Updated : 2021-05-21
  • Aseron Weddings   PART 1-GOOD NIGHT

    Buti na lamang at tulog mantika si Manang Auring. Dahil kung naroon ito, tiyak napaliguan nito ng talak ang dalaga. “At ano’ng gusto mo? alukin ko pa ng kumot ang ipis na iyan? Ang sarap-arap ng tulog ko nang bigla akong makiliti sa paggapang niya sa leeg ko! Naiisip mo ba kung gaano kadaming germs ang dala niya?!” diring-diring sikmat nito na kiniskis pa ang napansin na niyang namumulang leeg nito. Eksasperadong napabuga siya ng hangin. Akmang lalapit siya sa kama upang hulihin ang insekto nang makita ang ayaw paawat nitong pagkiskis sa leeg nito.“Stop it. Hugasan mo na lang. Magkakasugat ka pa niyan sa ginagawa mo,” saway niya dito.“Good idea,” tango naman nito. “But only after you get rid of that. Baka mamaya sumunod pa sa akin iyan sa bathroom!”

    Last Updated : 2021-05-22
  • Aseron Weddings   PART 1-SLEEP WITH YOU

    Ang balak lang ni Ravin ay buhatin at ihiga sa kama niya mula sa lapag ang nahihimbing nang si Shebbah. Siya na lang ang lilipat sa silid nito para doon matulog. Kung ibabalik kasi niya ito sa silid nito at maalimpungatan ito ay baka magtitili at mambulahaw na naman ito kapag nakitang nasa silid nito ito. Kasalanan niya, tinakot pa kasi niya ito tungkol sa ipis.Ngunit nang mailapag na niya ito sa gitna ng kama niya ay natukso naman siyang pagmasdan ito habang nahihimbing. Parang kaysarap isiping mag-asawa sila at may karapatan siyang tabihan ito sa pagtulog. Ang sarap isiping siya

    Last Updated : 2021-05-23
  • Aseron Weddings   PART 1-A GOOD MORNING INDEED

    "Good morning, babe."Iminulat ni Shebbah ang isang mata at minasdan ang may-ari ng baritonong boses na iyon. Bagong ahit si Ravin at mamasa-masa pa ang buhok nito na bagong paligo. Nakasuot lang ito ng loose sweat pants at walang pang-itaas maliban sa puting twalyang nakasampay pa sa leeg nito. Kaya malaya niyang nabibistahan ang matipunong dibdib nitong amoy panlalaking sabon.Malapad ang ngising iwinasiwas nito sa tapat ng mukha niya ang mug ng kapeng hawak nito. Pero nang hahablutin niya iyon mula sa kamay nito ay mataktikang dumiretso ito ng tayo at lumayo sa kanya."A kiss in exchange for your daily dose of coffee, babe,&rdqu

    Last Updated : 2021-05-24

Latest chapter

  • Aseron Weddings   PART 4-TWENTY-SEVEN, YOU'LL BE THERE FOR ME

    Isa-isa naman nitong inilarawan ang tatlong lalaking disimuladong namilit ditong aminin ang totoo. Nang matapos ito ay hindi niya malaman kung matatawa o mapapaiyak. Isa sa mga tinukoy nito ay walang dudang si Hisoka, isa sa mga pinsan ni Giac. Ang dalawa pa ay halos natitiyak na niyang ang dalawa pang pinsan ni Giac na sina Flynn at Ethan.“Huwag kang mag-alala, sisikapin kong makausap si Giac para ipaliwanag ang lahat. Aaminin ko sa kanya ang plano namin ni Maisie. Pati na ang pagiging peke ng mga litrato,” anito. “No need, I already know it’s fake.”

  • Aseron Weddings   PART 4-TWENTY-SIX, SHOCKED, LIZZIE LOVE?

    Mabilis na ibinaba ni Elizabeth sa ibabaw ng kitchen counter ang hawak niyang bowl ng fruit salad nang maulinigan ang pagparada ng sasakyan ni Giac sa harap ng bahay niya. Hinayaan na lang niyang si Aling Ching ang magbukas ng gate at magpatuloy dito. Sabik na inabangan na lang niya ito sa sala. “Giac,” masigla ang ngiting bati niya dito. Lumapit siya dito at akmang ipapaloob ang hapong katawan sa mga bisig nito. Subalit imbes na yakapin siya ay pinigilan siya ni Giac sa mga braso at inilayo dito.

  • Aseron Weddings   PART 4-TWENTY-FIVE, I LOVE YOUS

    Minasdan ni Elizabeth ang pagkalat ng pagkagulat sa anyo ni Giac dahil sa sinabi niya. Alam niyang alam na nito ang tungkol kay Justin kaya bakit tila labis na nagulat ito?“Hindi ko alam na ngayon din pala ang petsa ng kasal ninyo dapat. It’s funny and a bit odd. You see, ngayon din dapat ang petsa ng kasal namin ni Shaina seven years ago,” anito na tila sinasagot ang pagtataka sa anyo niya dahil sa pagkagulat na bumakas sa mukha nito.Kung gayon ang dahilan pala ng pagkagulat nito ay dahil kung nagkataong natuloy ang kanya-kanyang kasal nila sa dating mga kapareha, pareho pa rin sila ng wedding anniversary kung tutuusin. Tama ito, it was indeed a bit odd and funny.

  • Aseron Weddings   PART 4-TWENTY-FOUR, BY HER SIDE

    Walang sapat na salitang makakapaglarawan sa kagalakan ni Elizabeth nang makitang muli ang kanyang Kuya Elias. Pero wala iyon sa antas ng kaligayahang nakikita niya sa anyo ni Sam na halos ayaw nang umalis ng ospital para bantayan ang amang hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Ayon sa mangingisdang sumagip sa kapatid niya, hindi daw akalain nitong mabubuhay pa ang kuya niya. Malubha daw kasi ang kalagayan nito nang dalhin nito ang kapatid niya sa maliit na ospital sa bayan nito.Walang TV o radyo sa bahay ng mangingisdang nagmagandang-loob na tulungan ang kuya niya. Kaya naman walang kaide-ideya iyon kung sino eksakto ang kuya niya.

  • Aseron Weddings   PART 4-TWENTY-THREE, A GOOD SURPRISE

    Natigilan si Elizabeth sa akmang pagtawag sa mga nawawala sa mga mesa nitong tauhan niya nang maulinigan niya ang mga boses na nagmumula sa loob ng conference room. Kunot-noong inilapag niya sa ibabaw ng office desk niya ang bag niya. Humakbang siya patungo sa bahagyang nakaawang na pinto ng conference room. Para lang sa marketing department ang silid na iyon. At wala siyang natatandaang ini-schedule niyang meeting para sa araw na iyon.“Ah, Giac, kailangan na naming simulan ang mga ipinapaggawa ni Ma’am Elizabeth sa amin. Baka dumating na siya at hanapin iyon,” wika ni Louie, isa sa mga marketing executive na under niya.

  • Aseron Weddings   PART 4-TWENTY-TWO, SHE LEFT ME

    “Hindi ba dapat ako ang nagmo-moment dito at hindi ikaw?” Napapitlag sa gulat si Elizabeth nang marinig ang boses na iyon ni Giac mula sa pinto ng living room. Animo déjà vu na bumalik sa isipan niya ang huling naging pag-uusap nila sa loob ng silid na ito ten years ago. Nakaupo din siya sa window seat noon tulad ngayon. Tulad din ba noon, wawasakin nito ang mg ailusyon niya patungkol sa kanilang dalawa? Nilingon niya si Giac nang maupo ito sa tabi niya. Iniwan niya ito kanina sa terasa kasama si Sh

  • Aseron Weddings   PART 4-TWENTY-ONE, HE LOVES ANOTHER WOMAN

    Kinabukasan ay isang sportsfest ang ihinanda ng events organizer na inupahan ni Lolo Nemo para sa week-long celebration ng kaarawan nito. Ginanap ang naturang sportsfest sa malawak na lupain ng Aseron Farms. At kung may pagdududa pa si Elizabeth ukol sa sinabi ni Giac na pagma-matchmake ni Lolo Nemo sa mga apo nito, binura iyon nang natuklasan niyang numero unong requirement para sa mga kasali sa mga palaro. Kailangan ay pareha ang mga manlalaro. Isang babae at isang lalaki. At hindi pwedeng maging magkapareha ang mga magkakamag-anak.&n

  • Aseron Weddings   PART 4-TWENTY, FORGET MY OWN DREAMS

    Mapait na napangiti si ELIZABETH. Bahagyang napailing.“Mali ka, Giac. Ang tinutukoy mo ay si Lizzie. That stupid, naïve and love-starved girl who belived you were really in love with her when all along you were just playing around. I just lost my mother that time. Kahit hindi kami masyadong malapit ni Mama sa isa’t isa, kahit paano, binibigyan niya ako ng atensyon at oras noon. Kahit para lang pulaan ako o i-criticize lahat ng kilos ko. “I was so lonely that time. Kaya nang pakitaan mo ako ng maganda, inisip kong ikaw ang makakabura ng lungkot ko dahil nakaya mo akong patawanin kahit mas gusto kong magmukmok noon. I fell in love with the idea of love.

  • Aseron Weddings   PART 4-NINETEEN, THE EVIL SISTER

    “Ano’ng ginawa mo kay Giac at napapayag mo siyang magpanggap na nobyo mo gayong alam ko namang magka-away na mortal kayong dalawa?! Hindi ka ba nahiya? Nagsisinungaling kayo sa pamilya niya!” kompronta ni Maisie kay Elizabeth nang mapagsolo sila sa hardin matapos niya itong yayaing maglakad-lakad doon pagkatapos ng hapunan. Tulad ng selebrasyon para sa death at birthday anniversary ng yumaong asawa ni Lolo Nemo na si Lola Salome, one-week long affair din ang pagdiriwang ng kaarawan ni Lolo Nemo. Sinimulan lang nito ang tradisyong iyon nang tumuntong na nang seventy-eight ang edad nito. Sa

DMCA.com Protection Status