Habang humahakbang palayo kina mang Simoy, Aling Gunding at Shebbah ay nais tadyakan ni Ravin ang sarili niya.
Batid niyang umakto siyang parang gago kanina nang ilayo niya si Shebbah kay Reden. Hindi rin niya alam kung saan nanggaling ang pagkayamot na namuo sa dibdib nang makita niya ang totoong ngiting sumilay sa mga labi ng dalaga habang kausap ang binatilyo.
Hindi niya matukoy kung saan siya mas naiinis. Sa pagngiti nito sa binatilyo o dahil naunahan siya ng binatilyo na patikimin ng mga saging nila ang dalaga. Kahit alin pa sa dalawa, kalokohan pa rin ang nadama niya.
Eh ano naman kung
Bahagyang natawa si Shebbah. Inarkuhan niya ng mga kilay ang lalaki. “Bakit? Balak mo ba akong gawing isa rin sa mga tauhan mo? Do you plan to turn me into a farmer?” Nagkibit-balikat si Ravin. “Kung interesado ka, bakit hindi?” Napaisip si Shebbah. Wala naman siyang ginagawa, might as well learn how to farm and show this man that she wasn't as airheaded as he seems to think. “Bakit nga hindi?”*******************************************************************&n
Inis na pinukol muli ng masamang tingin ni Shebbah ang nakapinid na pinto ng silid niya.“Buksan mo na itong pinto, Shebbah!” salitan sa pagkatok at pagtawag sa pangalan niya si Ravin sa labas ng pinto ng silid. Bakas sa boses nito ang pag-aalala.Pero kahit magdugo ang mga kamao nito sa pagkatok doon, hinding-hindi niya ito papayagang makita siya sa kasalukuyang anyo niya. Muli siyang napasulyap sa salamin ng dresser. At muli bumalon ang mga luha sa mata niya pagkakita sa napakapangit niyang hitsura. In her mind, she was chopping into a hundred pieces those two nasty insects that crawled all over her body. “Ay!” gulat na napalundag siya sa sahig mula sa kama nang walang babalang bumukas an
Hindi makatulog si Ravin nang gabing iyon kaya pilit niyang pinapagod ang sarili sa pagsuntok sa punching bag na nakasabit sa puno sa likod ng bahay niya. Hanggang ngayon ay hindi maalis ang iritasyon niya sa Lolo Nemo niya at sa sinabi nito patungkol kay Shebbah kaninang sa Castillo sila maghapunan ng dalaga. It was not their first dinner with his family. Pangatlong linggo nang narito sa poder niya ang dalaga at kalahati ng mga gabi niyon, kadalasan ay sa Castillo sila naghahapunan. Batid kasi niyang nababagot si Shebbah sa pwersahang pagkaka-isolate nit
Buti na lamang at tulog mantika si Manang Auring. Dahil kung naroon ito, tiyak napaliguan nito ng talak ang dalaga. “At ano’ng gusto mo? alukin ko pa ng kumot ang ipis na iyan? Ang sarap-arap ng tulog ko nang bigla akong makiliti sa paggapang niya sa leeg ko! Naiisip mo ba kung gaano kadaming germs ang dala niya?!” diring-diring sikmat nito na kiniskis pa ang napansin na niyang namumulang leeg nito. Eksasperadong napabuga siya ng hangin. Akmang lalapit siya sa kama upang hulihin ang insekto nang makita ang ayaw paawat nitong pagkiskis sa leeg nito.“Stop it. Hugasan mo na lang. Magkakasugat ka pa niyan sa ginagawa mo,” saway niya dito.“Good idea,” tango naman nito. “But only after you get rid of that. Baka mamaya sumunod pa sa akin iyan sa bathroom!”
Ang balak lang ni Ravin ay buhatin at ihiga sa kama niya mula sa lapag ang nahihimbing nang si Shebbah. Siya na lang ang lilipat sa silid nito para doon matulog. Kung ibabalik kasi niya ito sa silid nito at maalimpungatan ito ay baka magtitili at mambulahaw na naman ito kapag nakitang nasa silid nito ito. Kasalanan niya, tinakot pa kasi niya ito tungkol sa ipis.Ngunit nang mailapag na niya ito sa gitna ng kama niya ay natukso naman siyang pagmasdan ito habang nahihimbing. Parang kaysarap isiping mag-asawa sila at may karapatan siyang tabihan ito sa pagtulog. Ang sarap isiping siya
"Good morning, babe."Iminulat ni Shebbah ang isang mata at minasdan ang may-ari ng baritonong boses na iyon. Bagong ahit si Ravin at mamasa-masa pa ang buhok nito na bagong paligo. Nakasuot lang ito ng loose sweat pants at walang pang-itaas maliban sa puting twalyang nakasampay pa sa leeg nito. Kaya malaya niyang nabibistahan ang matipunong dibdib nitong amoy panlalaking sabon.Malapad ang ngising iwinasiwas nito sa tapat ng mukha niya ang mug ng kapeng hawak nito. Pero nang hahablutin niya iyon mula sa kamay nito ay mataktikang dumiretso ito ng tayo at lumayo sa kanya."A kiss in exchange for your daily dose of coffee, babe,&rdqu
Pinukaw ng pagtunog ng cellphone ni Ravin na nasa ibabaw ng counter ng mini bar sa Castillo Aseron ang tahimik na pagtungga niya sa ikalimang bote ng beer na inuubos niya. Doon muna siya tumuloy dahil hindi niya pa kayang harapin si Shebbah matapos ang naging pag-aaway nila kanina.Baka nga dito na nga muna rin siya magpalipas ng magdamag. Naguguluhan pa rin siya sa tila naging pagbabago s augali ni Shebbah mula nang maging sila. Mula sa pagiging confident, independent at spirited na babae ay tila naging kabaligtaran ito ng mga iyon. Tuloy natutukso siyang isiping may sumpa yata siya.Kaya lahat ng babaeng nauugnay sa kanya ay nagiging clingy sa kalagitnaan ng re
Natatawang napailing si Shebbah habang minamasdan ang pagsasayaw ng kanyang ama at ni Hetty sa gitna ng wedding reception ng mga ito. Kahit pa siguro ang pinaka-cynical na tao ay makukumbinsing mahal nga ni Hetty ang ama niya. Hindi kasi mapuknat ang ngiti at pagtitig nito sa kanyang ama. Kahit pa naglipana ang mga gwapong bisita sa kasal ng mga ito. She also witnessed how Hetty takes care of her dad. Masaya siya para sa kanyang ama. Sa kabila ng inisyal na pagtutol niyakay Hetty, ngayon ay batid na niyang ang babae nga ang tanging nababagay dito. Subalit ang kabilang mukha ng kasiyahan niya ng gabi
Isa-isa naman nitong inilarawan ang tatlong lalaking disimuladong namilit ditong aminin ang totoo. Nang matapos ito ay hindi niya malaman kung matatawa o mapapaiyak. Isa sa mga tinukoy nito ay walang dudang si Hisoka, isa sa mga pinsan ni Giac. Ang dalawa pa ay halos natitiyak na niyang ang dalawa pang pinsan ni Giac na sina Flynn at Ethan.“Huwag kang mag-alala, sisikapin kong makausap si Giac para ipaliwanag ang lahat. Aaminin ko sa kanya ang plano namin ni Maisie. Pati na ang pagiging peke ng mga litrato,” anito. “No need, I already know it’s fake.”
Mabilis na ibinaba ni Elizabeth sa ibabaw ng kitchen counter ang hawak niyang bowl ng fruit salad nang maulinigan ang pagparada ng sasakyan ni Giac sa harap ng bahay niya. Hinayaan na lang niyang si Aling Ching ang magbukas ng gate at magpatuloy dito. Sabik na inabangan na lang niya ito sa sala. “Giac,” masigla ang ngiting bati niya dito. Lumapit siya dito at akmang ipapaloob ang hapong katawan sa mga bisig nito. Subalit imbes na yakapin siya ay pinigilan siya ni Giac sa mga braso at inilayo dito.
Minasdan ni Elizabeth ang pagkalat ng pagkagulat sa anyo ni Giac dahil sa sinabi niya. Alam niyang alam na nito ang tungkol kay Justin kaya bakit tila labis na nagulat ito?“Hindi ko alam na ngayon din pala ang petsa ng kasal ninyo dapat. It’s funny and a bit odd. You see, ngayon din dapat ang petsa ng kasal namin ni Shaina seven years ago,” anito na tila sinasagot ang pagtataka sa anyo niya dahil sa pagkagulat na bumakas sa mukha nito.Kung gayon ang dahilan pala ng pagkagulat nito ay dahil kung nagkataong natuloy ang kanya-kanyang kasal nila sa dating mga kapareha, pareho pa rin sila ng wedding anniversary kung tutuusin. Tama ito, it was indeed a bit odd and funny.
Walang sapat na salitang makakapaglarawan sa kagalakan ni Elizabeth nang makitang muli ang kanyang Kuya Elias. Pero wala iyon sa antas ng kaligayahang nakikita niya sa anyo ni Sam na halos ayaw nang umalis ng ospital para bantayan ang amang hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Ayon sa mangingisdang sumagip sa kapatid niya, hindi daw akalain nitong mabubuhay pa ang kuya niya. Malubha daw kasi ang kalagayan nito nang dalhin nito ang kapatid niya sa maliit na ospital sa bayan nito.Walang TV o radyo sa bahay ng mangingisdang nagmagandang-loob na tulungan ang kuya niya. Kaya naman walang kaide-ideya iyon kung sino eksakto ang kuya niya.
Natigilan si Elizabeth sa akmang pagtawag sa mga nawawala sa mga mesa nitong tauhan niya nang maulinigan niya ang mga boses na nagmumula sa loob ng conference room. Kunot-noong inilapag niya sa ibabaw ng office desk niya ang bag niya. Humakbang siya patungo sa bahagyang nakaawang na pinto ng conference room. Para lang sa marketing department ang silid na iyon. At wala siyang natatandaang ini-schedule niyang meeting para sa araw na iyon.“Ah, Giac, kailangan na naming simulan ang mga ipinapaggawa ni Ma’am Elizabeth sa amin. Baka dumating na siya at hanapin iyon,” wika ni Louie, isa sa mga marketing executive na under niya.
“Hindi ba dapat ako ang nagmo-moment dito at hindi ikaw?” Napapitlag sa gulat si Elizabeth nang marinig ang boses na iyon ni Giac mula sa pinto ng living room. Animo déjà vu na bumalik sa isipan niya ang huling naging pag-uusap nila sa loob ng silid na ito ten years ago. Nakaupo din siya sa window seat noon tulad ngayon. Tulad din ba noon, wawasakin nito ang mg ailusyon niya patungkol sa kanilang dalawa? Nilingon niya si Giac nang maupo ito sa tabi niya. Iniwan niya ito kanina sa terasa kasama si Sh
Kinabukasan ay isang sportsfest ang ihinanda ng events organizer na inupahan ni Lolo Nemo para sa week-long celebration ng kaarawan nito. Ginanap ang naturang sportsfest sa malawak na lupain ng Aseron Farms. At kung may pagdududa pa si Elizabeth ukol sa sinabi ni Giac na pagma-matchmake ni Lolo Nemo sa mga apo nito, binura iyon nang natuklasan niyang numero unong requirement para sa mga kasali sa mga palaro. Kailangan ay pareha ang mga manlalaro. Isang babae at isang lalaki. At hindi pwedeng maging magkapareha ang mga magkakamag-anak.&n
Mapait na napangiti si ELIZABETH. Bahagyang napailing.“Mali ka, Giac. Ang tinutukoy mo ay si Lizzie. That stupid, naïve and love-starved girl who belived you were really in love with her when all along you were just playing around. I just lost my mother that time. Kahit hindi kami masyadong malapit ni Mama sa isa’t isa, kahit paano, binibigyan niya ako ng atensyon at oras noon. Kahit para lang pulaan ako o i-criticize lahat ng kilos ko. “I was so lonely that time. Kaya nang pakitaan mo ako ng maganda, inisip kong ikaw ang makakabura ng lungkot ko dahil nakaya mo akong patawanin kahit mas gusto kong magmukmok noon. I fell in love with the idea of love.
“Ano’ng ginawa mo kay Giac at napapayag mo siyang magpanggap na nobyo mo gayong alam ko namang magka-away na mortal kayong dalawa?! Hindi ka ba nahiya? Nagsisinungaling kayo sa pamilya niya!” kompronta ni Maisie kay Elizabeth nang mapagsolo sila sa hardin matapos niya itong yayaing maglakad-lakad doon pagkatapos ng hapunan. Tulad ng selebrasyon para sa death at birthday anniversary ng yumaong asawa ni Lolo Nemo na si Lola Salome, one-week long affair din ang pagdiriwang ng kaarawan ni Lolo Nemo. Sinimulan lang nito ang tradisyong iyon nang tumuntong na nang seventy-eight ang edad nito. Sa