Pinukaw ng pagtunog ng cellphone ni Ravin na nasa ibabaw ng counter ng mini bar sa Castillo Aseron ang tahimik na pagtungga niya sa ikalimang bote ng beer na inuubos niya. Doon muna siya tumuloy dahil hindi niya pa kayang harapin si Shebbah matapos ang naging pag-aaway nila kanina.
Baka nga dito na nga muna rin siya magpalipas ng magdamag.Naguguluhan pa rin siya sa tila naging pagbabago s augali ni Shebbah mula nang maging sila. Mula sa pagiging confident, independent at spirited na babae ay tila naging kabaligtaran ito ng mga iyon. Tuloy natutukso siyang isiping may sumpa yata siya.
Kaya lahat ng babaeng nauugnay sa kanya ay nagiging clingy sa kalagitnaan ng re
Natatawang napailing si Shebbah habang minamasdan ang pagsasayaw ng kanyang ama at ni Hetty sa gitna ng wedding reception ng mga ito. Kahit pa siguro ang pinaka-cynical na tao ay makukumbinsing mahal nga ni Hetty ang ama niya. Hindi kasi mapuknat ang ngiti at pagtitig nito sa kanyang ama. Kahit pa naglipana ang mga gwapong bisita sa kasal ng mga ito. She also witnessed how Hetty takes care of her dad. Masaya siya para sa kanyang ama. Sa kabila ng inisyal na pagtutol niyakay Hetty, ngayon ay batid na niyang ang babae nga ang tanging nababagay dito. Subalit ang kabilang mukha ng kasiyahan niya ng gabi
A PAGE FROM THE MEMOIRS OF AN OLD, INTERFERING, MEDDLING, MANIPULATIVE, SCHEMING---ERASE, ERASE…HMM…A PAGE FROM THE MEMOIRS OF NEMO ASERON, THE MOST LOVING AND CARING GRANDFATHER… Seeing the happy faces of Ravin and Shebbah makes my heart swell with pride. Salamat sa aking talino at pagiging tuso, natagpuan ni Ravin ang babaeng nababagay sa kanya. Hindi pa talaga kumukupas ang aking husay sa pagiging matchmaker.
PAST EIGHT-THIRTY NA NG UMAGA. Ngunit imbes na kanina pa nasa opisina at naghahanda ng kape para sa masungit niyang among kaanak ni Hitler, nakapamaluktot pa rin sa gitna ng kanyang kama si Menchie.“Menchie? Menchie, hindi ka ba papasok? Aba’y mag-a-alas nueve na!” pasigaw na tawag sa kanya ng landlady niyang si Aling Amor. Sinundan pa nito iyon ng sunod-sunod na pagkatok sa pinto ng apartment niya. Dahil madalas ay nagkukwentuhan pa muna sila nito sa umaga habang nagwawalis ito ng bakuran nito at siya naman ay nagkakape, tiyak nagtaka na ito kung bakit hindi pa siya lumalabas ng bahay niya.Napabalikwas siya ng bangon. Prantikong sinulyapan ang cellphone niya
MARIING KAGAT-KAGAT NI Menchie ang mga labi habang sinusundan ng tingin ang likod ng eleganteng itim na suit ng amo niya.‘Bakit?! Tanong ko sa iyo, o bakit?! Bakit kaylupit ng mundo at hinayaan nitong makita siya ng kanyang lihim na Sinisinta at Itinatangi nang ganito ang hitsura?!’Magwa-walong buwan na siyang nagtatrabaho bilang sekretarya ng executive asisstant nitong si Mr. Andy Gracia. At noong unang araw pa lang ay idiniin na sa kanya ng lalaki na pumatay na siya ng tao sa loob ng Aseron Tower pero huwag na huwag siyang magpapa-late. Iyon daw kasi ang isa sa pinaka-ayaw ng istrikto, masungit at disiplinado nilang vice-president na si M
SUMASAKIT ANG ULONG hinihilot-hilot ni Simoun ang noo niya habang kausap sa kabilang linya si Lola Dorinda. Kasalukuyang nasa Venice na daw ito ngayon. Isa kasi ang Venice sa mga bansang titigilan ng cruise ship na sinasakyan nito. Dalawang buwang maglilibot ang cruise ship nito sa buong mundo. Kasama nito sa pamamasyal na iyon ang mga babaeng pinsan niyang sina Joleen at Teree. Pero kahit malayo dito sa Circe at sari-sari ang magagandang tanawing nakikita nito sa cruise nito, every other day pa rin kung tumawag ito upang pag-report-in siya ukol sa kompanya.
“Lola? Tell me,” hiling ni Simoun sa lola niya.Kinakabahan siya. Ano na naman ang ginawa ng pakialamero niyang lolo?Isang mahabang buntung-hininga naman ang pinakawalan nito. Saka sinimulang ihayag ang nalaman nito mula sa anito ay pakikipag-usap nito kay Lolo Nemo noong Linggo. “Dammit!” naibulalas niya nang matapos nitong ilahad ang binabalak ng lolo niya. “Simoun! I’ll wash your mouth with soap!” agad na kastigo naman ng lola niya. Naiiling na naiikot niya ang mga mata. Hanggang ngayon kung tratuhin
SIMOUN SHUT DOWN HIS COMPUTER. Sumulyap siya sa orasang pambisig. Alas-otso na pala.Kung tutuusin ay maaga pa iyon para tapusin na niya ang trabaho niya. Usually, alas-nueve siya umaalis ng opisina kapag weekdays. Pero may kausap siyang isang stage actress na siyang napili niyang gumanap bilang pekeng fiancee na dadalhin niya sa Isla Fuego next month.Naisip kasi niyang mas makakabuti kung hindi isa sa mga babaeng nakaka-date niya ang kakausapin niya. Malamang mas magka-problema pa siya dahil posibleng isipin ng mga iyon na samantalahin ang pekeng engagement niya sa mga ito.Hindi pa naman niya masabi kung hanggang kailan
“Stop saying you’re sorry, will you? Simula nang makilala kita lahat na lang yata ng pag-uusap natin nagso-sorry ka,” putol ni Simoun sa sasabihin ni Menchie. Nilingon nito ang tumigil na sa pag-iingay na printer. “Tapos na yata ang pini-print mo.”Inilapag niya sa mesa niya ang fish bowl at lumapit sa printer. Dinampot naman nito ang picture frame na naka-display sa mesa niya.‘’Who is this man?’’ kunot-noong untag nito sabay turo sa kuya niya na naka-akbay sa kanya sa litrato. “Ang Kuya Carlosito ko ho.”“I see. Ayos na
Isa-isa naman nitong inilarawan ang tatlong lalaking disimuladong namilit ditong aminin ang totoo. Nang matapos ito ay hindi niya malaman kung matatawa o mapapaiyak. Isa sa mga tinukoy nito ay walang dudang si Hisoka, isa sa mga pinsan ni Giac. Ang dalawa pa ay halos natitiyak na niyang ang dalawa pang pinsan ni Giac na sina Flynn at Ethan.“Huwag kang mag-alala, sisikapin kong makausap si Giac para ipaliwanag ang lahat. Aaminin ko sa kanya ang plano namin ni Maisie. Pati na ang pagiging peke ng mga litrato,” anito. “No need, I already know it’s fake.”
Mabilis na ibinaba ni Elizabeth sa ibabaw ng kitchen counter ang hawak niyang bowl ng fruit salad nang maulinigan ang pagparada ng sasakyan ni Giac sa harap ng bahay niya. Hinayaan na lang niyang si Aling Ching ang magbukas ng gate at magpatuloy dito. Sabik na inabangan na lang niya ito sa sala. “Giac,” masigla ang ngiting bati niya dito. Lumapit siya dito at akmang ipapaloob ang hapong katawan sa mga bisig nito. Subalit imbes na yakapin siya ay pinigilan siya ni Giac sa mga braso at inilayo dito.
Minasdan ni Elizabeth ang pagkalat ng pagkagulat sa anyo ni Giac dahil sa sinabi niya. Alam niyang alam na nito ang tungkol kay Justin kaya bakit tila labis na nagulat ito?“Hindi ko alam na ngayon din pala ang petsa ng kasal ninyo dapat. It’s funny and a bit odd. You see, ngayon din dapat ang petsa ng kasal namin ni Shaina seven years ago,” anito na tila sinasagot ang pagtataka sa anyo niya dahil sa pagkagulat na bumakas sa mukha nito.Kung gayon ang dahilan pala ng pagkagulat nito ay dahil kung nagkataong natuloy ang kanya-kanyang kasal nila sa dating mga kapareha, pareho pa rin sila ng wedding anniversary kung tutuusin. Tama ito, it was indeed a bit odd and funny.
Walang sapat na salitang makakapaglarawan sa kagalakan ni Elizabeth nang makitang muli ang kanyang Kuya Elias. Pero wala iyon sa antas ng kaligayahang nakikita niya sa anyo ni Sam na halos ayaw nang umalis ng ospital para bantayan ang amang hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Ayon sa mangingisdang sumagip sa kapatid niya, hindi daw akalain nitong mabubuhay pa ang kuya niya. Malubha daw kasi ang kalagayan nito nang dalhin nito ang kapatid niya sa maliit na ospital sa bayan nito.Walang TV o radyo sa bahay ng mangingisdang nagmagandang-loob na tulungan ang kuya niya. Kaya naman walang kaide-ideya iyon kung sino eksakto ang kuya niya.
Natigilan si Elizabeth sa akmang pagtawag sa mga nawawala sa mga mesa nitong tauhan niya nang maulinigan niya ang mga boses na nagmumula sa loob ng conference room. Kunot-noong inilapag niya sa ibabaw ng office desk niya ang bag niya. Humakbang siya patungo sa bahagyang nakaawang na pinto ng conference room. Para lang sa marketing department ang silid na iyon. At wala siyang natatandaang ini-schedule niyang meeting para sa araw na iyon.“Ah, Giac, kailangan na naming simulan ang mga ipinapaggawa ni Ma’am Elizabeth sa amin. Baka dumating na siya at hanapin iyon,” wika ni Louie, isa sa mga marketing executive na under niya.
“Hindi ba dapat ako ang nagmo-moment dito at hindi ikaw?” Napapitlag sa gulat si Elizabeth nang marinig ang boses na iyon ni Giac mula sa pinto ng living room. Animo déjà vu na bumalik sa isipan niya ang huling naging pag-uusap nila sa loob ng silid na ito ten years ago. Nakaupo din siya sa window seat noon tulad ngayon. Tulad din ba noon, wawasakin nito ang mg ailusyon niya patungkol sa kanilang dalawa? Nilingon niya si Giac nang maupo ito sa tabi niya. Iniwan niya ito kanina sa terasa kasama si Sh
Kinabukasan ay isang sportsfest ang ihinanda ng events organizer na inupahan ni Lolo Nemo para sa week-long celebration ng kaarawan nito. Ginanap ang naturang sportsfest sa malawak na lupain ng Aseron Farms. At kung may pagdududa pa si Elizabeth ukol sa sinabi ni Giac na pagma-matchmake ni Lolo Nemo sa mga apo nito, binura iyon nang natuklasan niyang numero unong requirement para sa mga kasali sa mga palaro. Kailangan ay pareha ang mga manlalaro. Isang babae at isang lalaki. At hindi pwedeng maging magkapareha ang mga magkakamag-anak.&n
Mapait na napangiti si ELIZABETH. Bahagyang napailing.“Mali ka, Giac. Ang tinutukoy mo ay si Lizzie. That stupid, naïve and love-starved girl who belived you were really in love with her when all along you were just playing around. I just lost my mother that time. Kahit hindi kami masyadong malapit ni Mama sa isa’t isa, kahit paano, binibigyan niya ako ng atensyon at oras noon. Kahit para lang pulaan ako o i-criticize lahat ng kilos ko. “I was so lonely that time. Kaya nang pakitaan mo ako ng maganda, inisip kong ikaw ang makakabura ng lungkot ko dahil nakaya mo akong patawanin kahit mas gusto kong magmukmok noon. I fell in love with the idea of love.
“Ano’ng ginawa mo kay Giac at napapayag mo siyang magpanggap na nobyo mo gayong alam ko namang magka-away na mortal kayong dalawa?! Hindi ka ba nahiya? Nagsisinungaling kayo sa pamilya niya!” kompronta ni Maisie kay Elizabeth nang mapagsolo sila sa hardin matapos niya itong yayaing maglakad-lakad doon pagkatapos ng hapunan. Tulad ng selebrasyon para sa death at birthday anniversary ng yumaong asawa ni Lolo Nemo na si Lola Salome, one-week long affair din ang pagdiriwang ng kaarawan ni Lolo Nemo. Sinimulan lang nito ang tradisyong iyon nang tumuntong na nang seventy-eight ang edad nito. Sa