Isa-isa naman nitong inilarawan ang tatlong lalaking disimuladong namilit ditong aminin ang totoo. Nang matapos ito ay hindi niya malaman kung matatawa o mapapaiyak. Isa sa mga tinukoy nito ay walang dudang si Hisoka, isa sa mga pinsan ni Giac. Ang dalawa pa ay halos natitiyak na niyang ang dalawa pang pinsan ni Giac na sina Flynn at Ethan.
“Huwag kang mag-alala, sisikapin kong makausap si Giac para ipaliwanag ang lahat. Aaminin ko sa kanya ang plano namin ni Maisie. Pati na ang pagiging peke ng mga litrato,” anito.
“No need, I already know it’s fake.”
PROLOGUEA PAGE FROM THE MEMOIRS OF AN OLD, INTERFERING, MEDDLING, MANIPULATIVE, SCHEMING---ERASE, ERASE…HMM…A PAGE FROM THE MEMOIRS OF NEMO ASERON, THE MOST LOVING AND CARING GRANDFATHER… I am turning eighty next year. At bagamat halos lahat na ng bagay sa mundo ay naggawa at nakamit ko na, hindi ko pa rin masabing kuntento na ako at handa nang mamaalam sa mundo nang may ngiti sa mga labi. Sapagkat sa labinlima kong apo ay iisa pa lamang ang may asawa. Tanging si Zareth pa lamang ang nakikita kong masaya na at payapa sa piling ng pamilyang sinisimulan nit
CHAPTER 1 “I’m really sorry, Ervic, but this is the last time I’m going out with you,” malamig ang boses pero mas malamig ang tinging wika ni Shebbah sa lalaking kaharap. Mabining sumimsim siya sa straw ng apple juice na tanging inorder niya. “W-what?! Ano’ng pinagsasasabi mo, Shebbah?” ulit ni Ervic sa tinig na puno ng hindi pagkapaniwala. Kunsabagay, sino nga ba namang babae ang kusang makikipaghiwalay dito? Isa itong sikat na basketbolista sa kanilang campus. Kilalang palikero sa dami ng babaeng pinaibig at pinaluha. He was always, always the one to break up with girls. Hi
“Anak ka ba sa labas? Hindi ka ba niya tinatanggap bilang totoong apo niya kaya wala kang posisyon sa kompanya ninyo at kinakailangan mong buhayin ang sarili mo nang walang tulong niya? O itinakwil ka niya?” walang prenong usisa niya dito.Hindi kasi siya naniniwala sa mga paliguy-ligoy na usapan. Kung may gusto siyang malaman, tatanungin niya ng diretsahan. Para bawas misunderstanding at bawas din sa aksaya ng panahon.Matabang na tinignan siya nito. “Why don’t you try asking me all the questions bugging you? Huwag mo nang isipin pa ang manners, pagiging magalang o pagrespeto sa personal na buhay ng taong bagong kakilala mo pa lang. Go on, ask what you want to ask,” puno ng sarkasmong anito.Kung inaasahan nitong mapapahiya siya sa disimuladong pagkastigo nito ay bigo ito.“I am a
MULING nagkibit-balikat si Shebbah. Hindi niya matukoy kung bakit pero habang minamasdan niya ang mukha ng bodyguard niya, tila may munting tinig sa likod ng tainga niya na nagsasabing may kamukha itong tao na nakita na niya matagal na. Kanina nang una niya itong masilayan ay estranghero talaga ito sa mata niya. Pero ngayon, animo may pamilyaridad na binubuhay sa kanya ang napansin niyang mannerism nitong idinidiin ng hintuturo sa sentido.“So? It was just a dead cat and rat. Now if it was a bunch of dead cockroaches, I would’ve freaked out! Takot ako sa ipis eh. Pero hindi ako takot sa pusa o kahit pa sa daga, ’’ aniya.Nakita niya ang eksasperadong pag-ikot nito ng mga mata sa rearview mirror.‘’Hindi naman iyon tungkol sa kung ano talag
“I swear, if that woman hurts my dad, isa-isa kong bubunutin lahat ng hibla ng buhok niya!” mariing aniya kay Ravin na para bang kilala nito si Hetty.Umarko ang isang kilay nito. At sa pagkakataong iyon, hindi na nito itinago ang pagka-aliw sa mga kulay abuhing mata nito.“Hindi ko trabahong pakialaman ang personal na buhay ng ama mo. Kinuha niya ako para tiyaking hindi ka mapapaano. Kaya wala akong opinyon tungkol diyan.” “Hah! Right! Anyway---where are we going?! Hindi ito ang daan pauwi sa bahay namin!” puna niya nang makita ang kalsadang dina
ISLA FUEGO.Maya’t maya ang pagsulyap ni Ravin sa natutulog niyang pasahero sa back seat. Kung kanina ay animo ito leon na handang manlapa ng tao, ngayon ay mistula itong napaka-among kuting na nahihimbing.Nakahiga ito pahaba sa upuan. Nakaunan sa ulo nito ang bag nito. Nakaipit sa ilalim ng kaliwang pisngi ang magkasalikop na mga palad.Ni hindi ito natinag kaninang buhatin niya mula sa kotse nito palipat dito sa pick-up truck niya. Iniwan kasi niya sa pantalan sa Batangas ang kotse nito imbes na isakay pa iyon sa barge. Alam naman kasi niyang naghihintay sa kanila sa Puerto Fuego ang sasakyan niya.Mula nang marinig nito ang tungkol sa bombang ipinadala dito ay nasaksihan niya ang tila unti-unting pagtakas ng tapang at seguridad nito. Kung noon ay isa lang walang kwentang kalokohan ng isang hindi kilalang estranghero ang mga death threats na natatanggap nito,
Ang amoy ng freshly brewed na kape ang gumising sa nahihimbing pang kamalayan ni Shebbah. Hindi siya masyadong mahilig sa gatas pero pagdating sa kape, kayang-kaya niyang lumaklak ng isang drum sa isang upuan lang. Lalo na iyong kapeng barako. Kaya naman agad na napabalikwas siya ng bangon. Para lang mapatda nang makita ang matangkad na lalaking nakatayo sa tapat ng bukas na bintana ng hindi pamilyar na silid na kinaroroonan niya. Nakatalikod ito sa kanya. Pero kahit ganoon ay agad niyang nakilala ito. Tila may mata sa batok na naramdaman naman nitong gising na siya kaya agad itong lumingon sa kanya. ‘’Good, you’re awake!’’ bigkas nito bago sumimsim sa hawak na mug ng kape.
Nasa aktong pag-inom sa baso ng tubig si Ravin nang mapa-angat ang tingin niya mula sa binabasang dyaryo. Kaya nang makita niya ang hitsura ni Shebbah ay nasamid siya.“Ano? Buhay ka pa?” ang naaaliw nitong pakli nang tuluyang lumapit sa dining table kung saan naghihintay siya.“Saan ka pupunta? May photo shoot ka ba?” aniya para pagtakpan ang inisyal na kagalakan na nadama niya sa nasilayang kagandahang nakahain sa harap niya.Tila natigilan din naman si Shebbah. Nagtatakang niyuko nito ang sarili.“Ano’ng mali sa suot ko?” ang puno ng kuryusidad na tanong nito.Napakamot sa ulong umiling na lamang si Ravin.“Isasama sana kita sa paglilibot sa farm ko. Pero hindi na bale.”Tumaas ang mga kilay ni Shebbah. Nameywang pa ito.
Isa-isa naman nitong inilarawan ang tatlong lalaking disimuladong namilit ditong aminin ang totoo. Nang matapos ito ay hindi niya malaman kung matatawa o mapapaiyak. Isa sa mga tinukoy nito ay walang dudang si Hisoka, isa sa mga pinsan ni Giac. Ang dalawa pa ay halos natitiyak na niyang ang dalawa pang pinsan ni Giac na sina Flynn at Ethan.“Huwag kang mag-alala, sisikapin kong makausap si Giac para ipaliwanag ang lahat. Aaminin ko sa kanya ang plano namin ni Maisie. Pati na ang pagiging peke ng mga litrato,” anito. “No need, I already know it’s fake.”
Mabilis na ibinaba ni Elizabeth sa ibabaw ng kitchen counter ang hawak niyang bowl ng fruit salad nang maulinigan ang pagparada ng sasakyan ni Giac sa harap ng bahay niya. Hinayaan na lang niyang si Aling Ching ang magbukas ng gate at magpatuloy dito. Sabik na inabangan na lang niya ito sa sala. “Giac,” masigla ang ngiting bati niya dito. Lumapit siya dito at akmang ipapaloob ang hapong katawan sa mga bisig nito. Subalit imbes na yakapin siya ay pinigilan siya ni Giac sa mga braso at inilayo dito.
Minasdan ni Elizabeth ang pagkalat ng pagkagulat sa anyo ni Giac dahil sa sinabi niya. Alam niyang alam na nito ang tungkol kay Justin kaya bakit tila labis na nagulat ito?“Hindi ko alam na ngayon din pala ang petsa ng kasal ninyo dapat. It’s funny and a bit odd. You see, ngayon din dapat ang petsa ng kasal namin ni Shaina seven years ago,” anito na tila sinasagot ang pagtataka sa anyo niya dahil sa pagkagulat na bumakas sa mukha nito.Kung gayon ang dahilan pala ng pagkagulat nito ay dahil kung nagkataong natuloy ang kanya-kanyang kasal nila sa dating mga kapareha, pareho pa rin sila ng wedding anniversary kung tutuusin. Tama ito, it was indeed a bit odd and funny.
Walang sapat na salitang makakapaglarawan sa kagalakan ni Elizabeth nang makitang muli ang kanyang Kuya Elias. Pero wala iyon sa antas ng kaligayahang nakikita niya sa anyo ni Sam na halos ayaw nang umalis ng ospital para bantayan ang amang hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Ayon sa mangingisdang sumagip sa kapatid niya, hindi daw akalain nitong mabubuhay pa ang kuya niya. Malubha daw kasi ang kalagayan nito nang dalhin nito ang kapatid niya sa maliit na ospital sa bayan nito.Walang TV o radyo sa bahay ng mangingisdang nagmagandang-loob na tulungan ang kuya niya. Kaya naman walang kaide-ideya iyon kung sino eksakto ang kuya niya.
Natigilan si Elizabeth sa akmang pagtawag sa mga nawawala sa mga mesa nitong tauhan niya nang maulinigan niya ang mga boses na nagmumula sa loob ng conference room. Kunot-noong inilapag niya sa ibabaw ng office desk niya ang bag niya. Humakbang siya patungo sa bahagyang nakaawang na pinto ng conference room. Para lang sa marketing department ang silid na iyon. At wala siyang natatandaang ini-schedule niyang meeting para sa araw na iyon.“Ah, Giac, kailangan na naming simulan ang mga ipinapaggawa ni Ma’am Elizabeth sa amin. Baka dumating na siya at hanapin iyon,” wika ni Louie, isa sa mga marketing executive na under niya.
“Hindi ba dapat ako ang nagmo-moment dito at hindi ikaw?” Napapitlag sa gulat si Elizabeth nang marinig ang boses na iyon ni Giac mula sa pinto ng living room. Animo déjà vu na bumalik sa isipan niya ang huling naging pag-uusap nila sa loob ng silid na ito ten years ago. Nakaupo din siya sa window seat noon tulad ngayon. Tulad din ba noon, wawasakin nito ang mg ailusyon niya patungkol sa kanilang dalawa? Nilingon niya si Giac nang maupo ito sa tabi niya. Iniwan niya ito kanina sa terasa kasama si Sh
Kinabukasan ay isang sportsfest ang ihinanda ng events organizer na inupahan ni Lolo Nemo para sa week-long celebration ng kaarawan nito. Ginanap ang naturang sportsfest sa malawak na lupain ng Aseron Farms. At kung may pagdududa pa si Elizabeth ukol sa sinabi ni Giac na pagma-matchmake ni Lolo Nemo sa mga apo nito, binura iyon nang natuklasan niyang numero unong requirement para sa mga kasali sa mga palaro. Kailangan ay pareha ang mga manlalaro. Isang babae at isang lalaki. At hindi pwedeng maging magkapareha ang mga magkakamag-anak.&n
Mapait na napangiti si ELIZABETH. Bahagyang napailing.“Mali ka, Giac. Ang tinutukoy mo ay si Lizzie. That stupid, naïve and love-starved girl who belived you were really in love with her when all along you were just playing around. I just lost my mother that time. Kahit hindi kami masyadong malapit ni Mama sa isa’t isa, kahit paano, binibigyan niya ako ng atensyon at oras noon. Kahit para lang pulaan ako o i-criticize lahat ng kilos ko. “I was so lonely that time. Kaya nang pakitaan mo ako ng maganda, inisip kong ikaw ang makakabura ng lungkot ko dahil nakaya mo akong patawanin kahit mas gusto kong magmukmok noon. I fell in love with the idea of love.
“Ano’ng ginawa mo kay Giac at napapayag mo siyang magpanggap na nobyo mo gayong alam ko namang magka-away na mortal kayong dalawa?! Hindi ka ba nahiya? Nagsisinungaling kayo sa pamilya niya!” kompronta ni Maisie kay Elizabeth nang mapagsolo sila sa hardin matapos niya itong yayaing maglakad-lakad doon pagkatapos ng hapunan. Tulad ng selebrasyon para sa death at birthday anniversary ng yumaong asawa ni Lolo Nemo na si Lola Salome, one-week long affair din ang pagdiriwang ng kaarawan ni Lolo Nemo. Sinimulan lang nito ang tradisyong iyon nang tumuntong na nang seventy-eight ang edad nito. Sa