Home / Romance / Aseron Weddings / PART 1-THAT WOMAN

Share

PART 1-THAT WOMAN

Author: Dream Grace
last update Huling Na-update: 2021-05-13 06:10:36

                                        “I swear, if that woman hurts my dad, isa-isa kong bubunutin lahat ng hibla ng buhok niya!” mariing aniya kay Ravin na para bang kilala nito si Hetty.

Umarko ang isang kilay nito. At sa pagkakataong iyon, hindi na nito itinago ang pagka-aliw sa mga kulay abuhing mata nito.

“Hindi ko trabahong pakialaman ang personal na buhay ng ama mo. Kinuha niya ako para tiyaking hindi ka mapapaano. Kaya wala akong opinyon tungkol diyan.”

       “Hah! Right! Anyway---where are we going?! Hindi ito

ang daan pauwi sa bahay namin!” puna niya nang makita ang kalsadang dinaraanan nila.

       “Hindi nga. May sinabi ba akong sa inyo kita ihahatid?” ang kalmado namang tugon nito.

       “What?!” biglang nanlaki ang mga mata niya.

Hindi siya makapaniwala at bigla ang ragasa ng pagkasindak sa kanya. Agad ding natutop niya ang bibig sa pagpipigil na mapatili ng malakas. She had been so certain that the stalker business was just pure nonsense.

Subalit masyado yata siyang naging kampante at mapagtiwala. At mukhang pagbabayaran niya ngayon iyon.

“Oh God! You’re the stalker!” tili niya na tarantang hinaklit pabukas ang seatbelt niya.

Kinuha niya ang shoulder bag niya at tinangkang buksan iyon upang kunin mula sa loob niyon ang pepper spray at cellphone niya. Pero sa pagka-aligaga niya, nahulog iyon sa sahig ng kotse at kumalat ang lahat ng laman. Nilundag niya ang pinto pero naka-powerlock iyon.

       “Let me out! Let me out! And stop the car!” patuloy na tili niya.

Malakas na halakhak nito ang nagpatigil sa kanya. Naaaliw ang mga mata nitong sumulyap sa kanya mula sa rearview mirror.

       “Hindi ba dapat pahintuin mo muna ang kotse bago mo hilinging pababain kita? Or perhaps you believe you could fly. That or you’re suicidal,” ang nang-aasar nitong wika.

       “Stop the car, whoever you are!” asik niya dito.

Pilit tinatakpan ng galit ang takot na pumupuno sa dibdib niya. Napakatanga naman niya para dagling maniwala na ito nga ang bodyguard na kinuha ng ama niya. Ano bang malay niya kung hinarang nito ang totoong bodyguard niya

at nagpakilalang ito iyon?

       ‘’Oh no! Ano ang ginawa mo sa totoong bodyguard ko?! D-did you k-kill him and stole his ID?! Oh god! D-did you put his body inside the trunk of my car?!” nanginginig ang boses na aniya.

Umaariba ang imahinasyon sa sari-saring kahindik-hindik na paliwanag kung bakit ito ang naroon at hindi ang tunay na bodyguard niya.

       Mas lalong lumakas ang halakhak nito. Kung hindi lang siguro siya kinakain ng kapraningan, masasabi niyang tunay nga itong may karapatang tawaging gwapo dahil pinabata at pinaamo ng pagtawa nito ang matapang na mukha nito.

       “Hindi ka pala dapat nag-artista. Dapat nagsulat ka na lang ng nobela.  Grabe ang imahinasyon mo.”

       “Sino ka ba talaga?!”

       “I am Ravin Navarre, your bodyguard for the next two or three months. Depende kung gaano kabilis mahahanap ng mga pulis ang trail ng stalker mo. I’m not your stalker.

“Nor did I kill anybody and hid his body inside your car’s trunk. I’m not that stupid, babe. If I did that I would have had to kill you too once you see the body. At dahil alam ng tatay mong nasa poder kita, automatic ako ang una nilang paghihinalaan kapag nangyari iyon.”

Kung inaasahan nitong mapapanatag siya dahil sa kaswal nitong tono habang sinasabi iyon, nagkamali ito. Dahil mas lalo lang dumoble ang kaba sa dibdib niya. Pero para que pang naging award-winning actress siya kung hindi niya kayang pagtakpan ng pagtataray ang takot na lumulukob sa kanya?

       “Kung gayon ipaliwanag mo kung bakit dito tayo dumaraan? Mas mapapalayo tayo pauwi sa amin!”

       “Dahil hindi naman tayo sa bahay ninyo pupunta.”

       “Kini-kidnap mo nga ako!”

       Eksasperadong napailing at napapalatak ito.

       “Will you stop your paranoia, lady?! Hindi kita kini-

kidnap. Mukha ba akong kidnapper sa iyo?”

       “Well---“

       “No, huwag mo na lang sagutin at baka mainis lang ako,

ibangga ko pa itong kotse mo sa susunod na stoplight na makikita ko,” umiiling na pigil nito sa kanya. Sinulyapan siya nito sa rearview mirror.

“Request ito mismo ng Daddy mo. Gusto niya magtago ka muna sa ligtas na lugar habang hindi pa nabibigyang linaw kung sino ang nagbabanta sa buhay mo. And the safest place I could think of is my place in Isla Feugo. Doon tayo pupunta ngayon.”

       Nagdududang tinitigan niya ang likod ng ulo nito. Gaano kaya kalakas na paghataw dito ang dapat niyang gawin para mawalan ito ng malay? Pero kung gagawin niya iyon, tiyak mabubunggo sila.

Pero dapat pa ba niyang hintayin na huminto sila bago niya tangkaing tumakas dito? Paano kung kasabay ng pagparada nito ay barilin na siya nito sa ulo at ihagis ang katawan niya sa talahiban?

       “Madidisgrasya tayo kung itutuloy mo ang paghampas sa ulo ko, Shebbah. At hindi ka rin nakakatiyak kung sa paghampas mo sa ulo ko ay mawawalan nga agad ako ng malay.

“Malamang sa hindi ay gagalitin mo lang ako sa paglalagay mo sa panganib sa buhay nating dalawa,” kalmadong saad nito na ikinasinghap niya.

       Napamaang siya dito. Was he a damned mind-reader?! Paano nito nalaman ang pinaplano niya?!

       Bahagyang natawa at napailing ito.

       “Tinitignan ko ang mukha mo sa salamin, Shebbah. At hindi mahirap basahin ang tumatakbo diyan sa utak mo ngayon,’’ wika naman nito na tila direktang sagot sa tanong

sa isip niya.

       Bumunot siya ng malalim na paghinga. Sinikap kontrolin ang mabilis na pagtibok ng puso na halos bumutas na sa dibdib niya. Pakiramdam niya may microphone na nakadikit doon kaya hindi malabong naririnig nito ang bilis at lakas ng pagkabog ng dibdib niya.

‘’Gusto kong tawagan ang Dad ko, ngayon din,’’ aniya sa pilit pinakalmang tinig.

“Go ahead,” sagot naman nito.

Nagdududa pa rin ang tingin ditong dinampot niya mula

sa sahig ng kotse niya ang cellphone niya at agad pinindot ang speed dial sa numero ng ama. Sa unang ring pa lang ay sinagot na ng ama niya ang tawag niya.

“Shebbah? I take it you’ve already met Ravin?” agad na wika nito sa kanya.

“Dad! This---this living thing is kidnapping me! Help me!” patiling aniya sa ama.

Isang mahabang buntung-hininga naman ang pinakawalan ng ama niya.

“No, he is not. Napagkasunduan naming mas ligtas kung lalayo ka muna dito habang iniimbestigahan ng mga pulis ang tungkol sa stalker mo.

“He is taking you to his family’s farm in Isla Fuego. Be nice to him, sweetheart. He and his grandfather agreed to help us though they really did not need to,” saad nito.

“B-but---but---“

“He’s doing this as a favor to us. Dahil dati siyang Marine, trained siya sa pakikipaglaban bukod pa sa minsan din siyang naging PSG. If anyone could keep you safe, it would be him.

“Kaya gawin mo na lang lahat ng iniuutos niya at huwag mong pasakitin ang ulo niya, okay?” wika ng kanyang ama na bahagyang nabahiran ng pakiusap ang tono.

Mayroon ding kakaibang diin ang tinig nito na para bang buo na sa utak nito ang desisyong iyon. At kahit ano pang gawin niyang pakiusap dito ay hindi na nito iyon babaguhin pa.

“Dad! Hindi ba masyado naman itong OA?! Bakit kailangan ko pang magtago na para bang nasa ilalim ako ng witness protection program? It was just a silly---“

“A gift for you came last Tuesday with a home-made bomb inside it,” putol nito sa pag-angal niya.

“W-what?! A---a bomb?!” bulalas niya.

Nanlalaki ang mga mata sa pagkasindak. Nasalubong niya ang seryosong tingin ni Ravin sa rearview mirror. Sa kawalan ng sorpresa sa anyo nito, malinaw na alam na nito ang tungkol doon.

“Mula nang dumating ang mga death threat letters na

iyon sa iyo ay pinabantayan ko nang maige sa mga guards natin ang lahat ng sulat at packages na dumarating sa bahay at naka-adress para sa iyo.

“Kaya hindi na nakarating sa iyo ang package na iyon. Ang bombang laman niyon ay naka-set sumabog ilang oras matapos iyong mapasakamay mo. Kung hindi iyon nasabat ng guards natin, malamang nasa loob ka na ng kwarto mo at binubuksan iyon kung sumabog iyon,” anang kanyang ama.

“A-ano?! P-pero paano?!” bulalas niya sa nanghihinang tinig.

Para mai-set ng ganoon ang bomba ibig sabihin kabisado ng nagpadala niyon ang schedule niya araw-araw.

“Ipinadala ko iyon diretso sa mga pulis nang matuklasan ng mga guards kung ano ang laman niyon. Sabi nil, hindi daw ganoon kalakas ang bomba. Pero siguradong mapipinsala ang sinumang nasa loob ng seven meter radius niyon. They agreed that it would be best for you to

disappear for a while, habang iniimbestigahan nila ito.”

“Daddy…” sa unang pagkakataon mula nang huminto siya sa pagtawag dito ng daddy noong labing dalawang taong gulang siya ay ngayon lang niya muling nausal ang salitang iyon.

The kid in her wanted her only stable parent’s protection. The kid that she had deliberately left behind after she caught her mom in bed with her dad’s employee.

She hated that naïve and foolish kid who did everything to try to please her mother and yet failed again and again.

       Hindi niya kailanman ipinagtapat sa ama ang nasaksihan niya. Hindi niya kasi gustong saktan ito. Pero noon niya ipinasyang bilisan ang paglaki. Upang hindi na siya nito tratuhing animo prinsesang kailangang protektahan lagi nito laban sa emotionally abusive niyang ina.

       Naisip kasi niya noon na siya na ang mas dapat magprotekta sa kanyang ama. Kaya hindi na niya ito tinatawag ng pambatang Daddy. Until now. Now when her terror threatens her hard won confidence and courage.

       “Who wants me dead, daddy?” anas niya sa takot na

tinig.

       “I do not know, sweetheart. Pero ipinapangako ko sa iyo,

gagawin ko lahat para mahanap ang taong iyon. Sa ngayon, mas ligtas ka kasama ni Ravin. He will protect you.”

Kaugnay na kabanata

  • Aseron Weddings   PART 1-SLEEPING TIGRESS

    ISLA FUEGO.Maya’t maya ang pagsulyap ni Ravin sa natutulog niyang pasahero sa back seat. Kung kanina ay animo ito leon na handang manlapa ng tao, ngayon ay mistula itong napaka-among kuting na nahihimbing.Nakahiga ito pahaba sa upuan. Nakaunan sa ulo nito ang bag nito. Nakaipit sa ilalim ng kaliwang pisngi ang magkasalikop na mga palad.Ni hindi ito natinag kaninang buhatin niya mula sa kotse nito palipat dito sa pick-up truck niya. Iniwan kasi niya sa pantalan sa Batangas ang kotse nito imbes na isakay pa iyon sa barge. Alam naman kasi niyang naghihintay sa kanila sa Puerto Fuego ang sasakyan niya.Mula nang marinig nito ang tungkol sa bombang ipinadala dito ay nasaksihan niya ang tila unti-unting pagtakas ng tapang at seguridad nito. Kung noon ay isa lang walang kwentang kalokohan ng isang hindi kilalang estranghero ang mga death threats na natatanggap nito,

    Huling Na-update : 2021-05-14
  • Aseron Weddings   PART 1-NEW

    Ang amoy ng freshly brewed na kape ang gumising sa nahihimbing pang kamalayan ni Shebbah. Hindi siya masyadong mahilig sa gatas pero pagdating sa kape, kayang-kaya niyang lumaklak ng isang drum sa isang upuan lang. Lalo na iyong kapeng barako. Kaya naman agad na napabalikwas siya ng bangon. Para lang mapatda nang makita ang matangkad na lalaking nakatayo sa tapat ng bukas na bintana ng hindi pamilyar na silid na kinaroroonan niya. Nakatalikod ito sa kanya. Pero kahit ganoon ay agad niyang nakilala ito. Tila may mata sa batok na naramdaman naman nitong gising na siya kaya agad itong lumingon sa kanya. ‘’Good, you’re awake!’’ bigkas nito bago sumimsim sa hawak na mug ng kape.

    Huling Na-update : 2021-05-15
  • Aseron Weddings   PART 1-SENSIBLE

    Nasa aktong pag-inom sa baso ng tubig si Ravin nang mapa-angat ang tingin niya mula sa binabasang dyaryo. Kaya nang makita niya ang hitsura ni Shebbah ay nasamid siya.“Ano? Buhay ka pa?” ang naaaliw nitong pakli nang tuluyang lumapit sa dining table kung saan naghihintay siya.“Saan ka pupunta? May photo shoot ka ba?” aniya para pagtakpan ang inisyal na kagalakan na nadama niya sa nasilayang kagandahang nakahain sa harap niya.Tila natigilan din naman si Shebbah. Nagtatakang niyuko nito ang sarili.“Ano’ng mali sa suot ko?” ang puno ng kuryusidad na tanong nito.Napakamot sa ulong umiling na lamang si Ravin.“Isasama sana kita sa paglilibot sa farm ko. Pero hindi na bale.”Tumaas ang mga kilay ni Shebbah. Nameywang pa ito.

    Huling Na-update : 2021-05-16
  • Aseron Weddings   PART 1- JEALOUS

    Lihim na napaismid si Shebbah. Gusto ni Ravin na patunayan sa sarili kung gaano siya kamaldita. Kung bakit at para saan, hindi niya alam. Pero hindi niya ito pinagbigyan.Kaswal na sinipat naman niya ang mga kuko niya.“Oh, you’ll see her soon enough. Kung hindi mo ako titigilan sa panunubok mo sa pasensya ko. As it is, sinusunod ko lang ang bilin ni Dad na maging mabait sa iyo. After all, malaking pabor ang ginagawa mo para sa akin ngayon.“I may be a bitch but I’m not an ungrateful bitch. Marunong akong tumanaw ng utang na loob. Huwag mo lang

    Huling Na-update : 2021-05-17
  • Aseron Weddings   PART 1-NOT JEALOUS

    Habang humahakbang palayo kina mang Simoy, Aling Gunding at Shebbah ay nais tadyakan ni Ravin ang sarili niya.Batid niyang umakto siyang parang gago kanina nang ilayo niya si Shebbah kay Reden. Hindi rin niya alam kung saan nanggaling ang pagkayamot na namuo sa dibdib nang makita niya ang totoong ngiting sumilay sa mga labi ng dalaga habang kausap ang binatilyo. Hindi niya matukoy kung saan siya mas naiinis. Sa pagngiti nito sa binatilyo o dahil naunahan siya ng binatilyo na patikimin ng mga saging nila ang dalaga. Kahit alin pa sa dalawa, kalokohan pa rin ang nadama niya. Eh ano naman kung

    Huling Na-update : 2021-05-18
  • Aseron Weddings   PART 1-DARING

    Bahagyang natawa si Shebbah. Inarkuhan niya ng mga kilay ang lalaki. “Bakit? Balak mo ba akong gawing isa rin sa mga tauhan mo? Do you plan to turn me into a farmer?” Nagkibit-balikat si Ravin. “Kung interesado ka, bakit hindi?” Napaisip si Shebbah. Wala naman siyang ginagawa, might as well learn how to farm and show this man that she wasn't as airheaded as he seems to think. “Bakit nga hindi?”*******************************************************************&n

    Huling Na-update : 2021-05-19
  • Aseron Weddings   PART 1-SURE

    Inis na pinukol muli ng masamang tingin ni Shebbah ang nakapinid na pinto ng silid niya.“Buksan mo na itong pinto, Shebbah!” salitan sa pagkatok at pagtawag sa pangalan niya si Ravin sa labas ng pinto ng silid. Bakas sa boses nito ang pag-aalala.Pero kahit magdugo ang mga kamao nito sa pagkatok doon, hinding-hindi niya ito papayagang makita siya sa kasalukuyang anyo niya. Muli siyang napasulyap sa salamin ng dresser. At muli bumalon ang mga luha sa mata niya pagkakita sa napakapangit niyang hitsura. In her mind, she was chopping into a hundred pieces those two nasty insects that crawled all over her body. “Ay!” gulat na napalundag siya sa sahig mula sa kama nang walang babalang bumukas an

    Huling Na-update : 2021-05-20
  • Aseron Weddings   PART 1-CAN'T SLEEP

    Hindi makatulog si Ravin nang gabing iyon kaya pilit niyang pinapagod ang sarili sa pagsuntok sa punching bag na nakasabit sa puno sa likod ng bahay niya. Hanggang ngayon ay hindi maalis ang iritasyon niya sa Lolo Nemo niya at sa sinabi nito patungkol kay Shebbah kaninang sa Castillo sila maghapunan ng dalaga. It was not their first dinner with his family. Pangatlong linggo nang narito sa poder niya ang dalaga at kalahati ng mga gabi niyon, kadalasan ay sa Castillo sila naghahapunan. Batid kasi niyang nababagot si Shebbah sa pwersahang pagkaka-isolate nit

    Huling Na-update : 2021-05-21

Pinakabagong kabanata

  • Aseron Weddings   PART 4-TWENTY-SEVEN, YOU'LL BE THERE FOR ME

    Isa-isa naman nitong inilarawan ang tatlong lalaking disimuladong namilit ditong aminin ang totoo. Nang matapos ito ay hindi niya malaman kung matatawa o mapapaiyak. Isa sa mga tinukoy nito ay walang dudang si Hisoka, isa sa mga pinsan ni Giac. Ang dalawa pa ay halos natitiyak na niyang ang dalawa pang pinsan ni Giac na sina Flynn at Ethan.“Huwag kang mag-alala, sisikapin kong makausap si Giac para ipaliwanag ang lahat. Aaminin ko sa kanya ang plano namin ni Maisie. Pati na ang pagiging peke ng mga litrato,” anito. “No need, I already know it’s fake.”

  • Aseron Weddings   PART 4-TWENTY-SIX, SHOCKED, LIZZIE LOVE?

    Mabilis na ibinaba ni Elizabeth sa ibabaw ng kitchen counter ang hawak niyang bowl ng fruit salad nang maulinigan ang pagparada ng sasakyan ni Giac sa harap ng bahay niya. Hinayaan na lang niyang si Aling Ching ang magbukas ng gate at magpatuloy dito. Sabik na inabangan na lang niya ito sa sala. “Giac,” masigla ang ngiting bati niya dito. Lumapit siya dito at akmang ipapaloob ang hapong katawan sa mga bisig nito. Subalit imbes na yakapin siya ay pinigilan siya ni Giac sa mga braso at inilayo dito.

  • Aseron Weddings   PART 4-TWENTY-FIVE, I LOVE YOUS

    Minasdan ni Elizabeth ang pagkalat ng pagkagulat sa anyo ni Giac dahil sa sinabi niya. Alam niyang alam na nito ang tungkol kay Justin kaya bakit tila labis na nagulat ito?“Hindi ko alam na ngayon din pala ang petsa ng kasal ninyo dapat. It’s funny and a bit odd. You see, ngayon din dapat ang petsa ng kasal namin ni Shaina seven years ago,” anito na tila sinasagot ang pagtataka sa anyo niya dahil sa pagkagulat na bumakas sa mukha nito.Kung gayon ang dahilan pala ng pagkagulat nito ay dahil kung nagkataong natuloy ang kanya-kanyang kasal nila sa dating mga kapareha, pareho pa rin sila ng wedding anniversary kung tutuusin. Tama ito, it was indeed a bit odd and funny.

  • Aseron Weddings   PART 4-TWENTY-FOUR, BY HER SIDE

    Walang sapat na salitang makakapaglarawan sa kagalakan ni Elizabeth nang makitang muli ang kanyang Kuya Elias. Pero wala iyon sa antas ng kaligayahang nakikita niya sa anyo ni Sam na halos ayaw nang umalis ng ospital para bantayan ang amang hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Ayon sa mangingisdang sumagip sa kapatid niya, hindi daw akalain nitong mabubuhay pa ang kuya niya. Malubha daw kasi ang kalagayan nito nang dalhin nito ang kapatid niya sa maliit na ospital sa bayan nito.Walang TV o radyo sa bahay ng mangingisdang nagmagandang-loob na tulungan ang kuya niya. Kaya naman walang kaide-ideya iyon kung sino eksakto ang kuya niya.

  • Aseron Weddings   PART 4-TWENTY-THREE, A GOOD SURPRISE

    Natigilan si Elizabeth sa akmang pagtawag sa mga nawawala sa mga mesa nitong tauhan niya nang maulinigan niya ang mga boses na nagmumula sa loob ng conference room. Kunot-noong inilapag niya sa ibabaw ng office desk niya ang bag niya. Humakbang siya patungo sa bahagyang nakaawang na pinto ng conference room. Para lang sa marketing department ang silid na iyon. At wala siyang natatandaang ini-schedule niyang meeting para sa araw na iyon.“Ah, Giac, kailangan na naming simulan ang mga ipinapaggawa ni Ma’am Elizabeth sa amin. Baka dumating na siya at hanapin iyon,” wika ni Louie, isa sa mga marketing executive na under niya.

  • Aseron Weddings   PART 4-TWENTY-TWO, SHE LEFT ME

    “Hindi ba dapat ako ang nagmo-moment dito at hindi ikaw?” Napapitlag sa gulat si Elizabeth nang marinig ang boses na iyon ni Giac mula sa pinto ng living room. Animo déjà vu na bumalik sa isipan niya ang huling naging pag-uusap nila sa loob ng silid na ito ten years ago. Nakaupo din siya sa window seat noon tulad ngayon. Tulad din ba noon, wawasakin nito ang mg ailusyon niya patungkol sa kanilang dalawa? Nilingon niya si Giac nang maupo ito sa tabi niya. Iniwan niya ito kanina sa terasa kasama si Sh

  • Aseron Weddings   PART 4-TWENTY-ONE, HE LOVES ANOTHER WOMAN

    Kinabukasan ay isang sportsfest ang ihinanda ng events organizer na inupahan ni Lolo Nemo para sa week-long celebration ng kaarawan nito. Ginanap ang naturang sportsfest sa malawak na lupain ng Aseron Farms. At kung may pagdududa pa si Elizabeth ukol sa sinabi ni Giac na pagma-matchmake ni Lolo Nemo sa mga apo nito, binura iyon nang natuklasan niyang numero unong requirement para sa mga kasali sa mga palaro. Kailangan ay pareha ang mga manlalaro. Isang babae at isang lalaki. At hindi pwedeng maging magkapareha ang mga magkakamag-anak.&n

  • Aseron Weddings   PART 4-TWENTY, FORGET MY OWN DREAMS

    Mapait na napangiti si ELIZABETH. Bahagyang napailing.“Mali ka, Giac. Ang tinutukoy mo ay si Lizzie. That stupid, naïve and love-starved girl who belived you were really in love with her when all along you were just playing around. I just lost my mother that time. Kahit hindi kami masyadong malapit ni Mama sa isa’t isa, kahit paano, binibigyan niya ako ng atensyon at oras noon. Kahit para lang pulaan ako o i-criticize lahat ng kilos ko. “I was so lonely that time. Kaya nang pakitaan mo ako ng maganda, inisip kong ikaw ang makakabura ng lungkot ko dahil nakaya mo akong patawanin kahit mas gusto kong magmukmok noon. I fell in love with the idea of love.

  • Aseron Weddings   PART 4-NINETEEN, THE EVIL SISTER

    “Ano’ng ginawa mo kay Giac at napapayag mo siyang magpanggap na nobyo mo gayong alam ko namang magka-away na mortal kayong dalawa?! Hindi ka ba nahiya? Nagsisinungaling kayo sa pamilya niya!” kompronta ni Maisie kay Elizabeth nang mapagsolo sila sa hardin matapos niya itong yayaing maglakad-lakad doon pagkatapos ng hapunan. Tulad ng selebrasyon para sa death at birthday anniversary ng yumaong asawa ni Lolo Nemo na si Lola Salome, one-week long affair din ang pagdiriwang ng kaarawan ni Lolo Nemo. Sinimulan lang nito ang tradisyong iyon nang tumuntong na nang seventy-eight ang edad nito. Sa

DMCA.com Protection Status