Home / Romance / Aseron Weddings / PART 1-THE BODYGUARD

Share

PART 1-THE BODYGUARD

Author: Dream Grace
last update Last Updated: 2021-05-12 06:45:15

       MULING nagkibit-balikat si Shebbah. Hindi niya matukoy kung bakit pero habang minamasdan niya ang mukha ng bodyguard niya, tila may munting tinig sa likod ng tainga niya na nagsasabing may kamukha itong tao na nakita na niya matagal na.

       Kanina nang una niya itong masilayan ay estranghero talaga ito sa mata niya. Pero ngayon, animo may pamilyaridad na binubuhay sa kanya ang napansin niyang mannerism nitong idinidiin ng hintuturo sa sentido.

“So? It was just a dead cat and rat. Now if it was a bunch of dead cockroaches, I would’ve freaked out! Takot ako sa ipis eh. Pero hindi ako takot sa pusa o kahit pa sa daga, ’’ aniya.

Nakita niya ang eksasperadong pag-ikot nito ng mga mata sa rearview mirror.

‘’Hindi naman iyon tungkol sa kung ano talaga ang kinatatakutan mo. Ang punto ng nagpadala niyon ay magbigay ng mensaheng baka sa susunod, ikaw naman na ang ikakahon niya.

‘’Even your dad was worried about it. Naniniwala siya sa bantang ipinaparating ng taong nasa likod niyon. Kaya pinakiusapan niya ang lolo ko kung may kilala ba itong maaring magbantay sa iyo.’’

‘’Masyado lang praning si Dad. Or more to the point, ayaw lang niyang maabala sa pag-iisip sa akin at sa kaligtasan ko. Abala nga naman kasi siya sa pagpapalano ng kasal nila ng Hetty na iyon! Kaya ka niya kinuha para maging bodyguard ko. To transfer the worry and responsibility to you.

‘’Pero ang totoo, mas dapat siyang mag-alala para sa sarili niya! Dahil nasisiguro kong gagamitin at paiikutin lang siya ng Hetty na iyon! My God! That woman is almost my age! Can you believe it?!”  wika niya na muling nag-igting ang mga litid sa leeg pagka-alala sa babaeng nagbabalak maging madrasta niya.

Maalala lang niya ang histura, pananamit at paraan ng pananalita ng babae ay umuusok na ang tainga niya sa galit.

Sa dalawang magulang niya, mas malapit siya sa ama niya. Kaya nga nang hiwalayan ito ng kanyang ina upang magpakasal sa movie-director niyong lover ay mas pinili niyang sa ama pumisan. Kasehodang iniyakan pa siya ng kanyang ina, sinumbatan at binantaan.

She was just fifteen then but she knew that if she chose to go with her mother, gagawin nito ang lahat ng makakaya nito upang masigurong mailalayo na siya nang tuluyan sa kanyang ama.

Her mother’s love for her was conditional. Kumbaga, kapag naggagawa niya ang gusto nito, siya ang pinakamamahal nitong unica hija. Subalit kung hindi, katakut-takot na panlalait, panunumbat at sermon ang

ipinupukol nito sa kanya.

       But her father’s love was not like that. Hindi importante dito maging sikat man siyang artista, magkaroon ng maraming endorsements o dagsa ang mga sikat na taong kakilala. Para dito, sapat nang anka siya nito para mahalin nito.

 Sapat na ditong naggagawa niya ang lahat ng gusto niyang gawin. Hindi nito ipinipilit na sumunod siya sa yapak nito bilang businessman. Kung saan siya masaya, sinusuportahan siya nito.

       That is, until that Hetty came and put a gap in her relationship with her father. Mas masahol pa ito sa kanyang ina noon. Mas mahusay itong umarte at magpaikot ng mga tao sa paligid nito.

And worse, ginagawa nitong misyon ngayon ang papaglayuin silang mag-ama upang tanging ito na lamang ang makaka-impluwensya sa kanyang ama.

       “This house is not big enough for both of us, Shebbah. Kaya pagkatapos na pagkatapos ng kasal namin ni Tom, gusto ko lumipat ka na ng bahay. Sumang-ayon sa akin si Tom. Tutal naman beinte-kwatro ka na.

Oras na para maging independent ka. Hindi na tamang hanggang ngayon nakapisan ka pa rin sa ama mo,” ang buong gilas na anunsyo sa kanya ng wicked future stepmother niya nang salubungin siya nito pagbaba niya ng hagdan ng bahay nila.

       Matabang na tinignan niya ito. Sinadya niyang hindi ipakita dito ang pagngingitngit ng loob niya at oo, ang sakit na dulot ng sinabi nitong pagpayag ng ama niya sa ideya nito.

       “In what alternate universe are you living in, Hetty? Dito ako lumaki sa bahay na ito. At bata pa lang ako, ipinamana na sa akin ng lolo’t lola ko ang bahay na ito.

“So you see, kung may aalis man dito, malamang ikaw lang iyon kahit pa matuloy nga kung matutuloy man ang kasal mo kay Dad,” wika niya dito na sinamahan pa ng hanggang taingang ngiti.

       Kung may camera lang sana siya, malamang kinunan na niya ang mukha nitong animo nagta-transform tulad ni Incredible Hulk sanhi ng galit nito.

       “You’re lying! Bahay ito ni Tom! At dito niya ako ititira kapag kasal na kami! I already talked with the interior designers who will redecorate this place!” singhal nito sa kanya.

Ang kaninang puno ng tiwalang ngiti nito, ngayon ay naging puno ng asido nang ngiwi.

She snorted. “Well, that’s your problem, dear future stepmom. Hindi ko na problema iyon. Kung ako sa iyo, pag-iisipan ko munang maige kung itutuloy ko pa nga ang pagpapakasal. Malay mo, lahat na pala ng ari-arian at yaman ni Dad na pinag-aambisyunan mo ay naipasa na niya sa pangalan ko,” aniya.

Kung hindi nga lang kalabisan ay durugtungan pa niya ng nye-nye-nye-nye-nye ang sinabi. She could not hold back the huge grin that spread on her face as she watched the other woman’s growing fury.

‘That’s enough, Shebbah!” dumagundong sa buong sala ang galit na pagsawata sa kanya ng ama niyang pababa ng hagdan.

Obviously narinig nito ang sinabi niya. Pero hindi siya nabahala. Sapagkat alam naman nito ang opinyon niya ukol sa pagpapakasal nito sa babaeng kaharap niya ngayon. Wala siyang tutol kung nais man nitong mag-asawang muli.

Ang totoo, noon pa nga nito dapat ginawa iyon. Ang ina nga niya ang naka-dalawang asawa na mula nang hiwalayan ito. Gusto rin naman niyang lumigaya ito. Pero nasisigurado niyang hindi nito iyon matatagpuan kay Hetty na halos anak

na rin nito sa layo ng agwat ng mga edad nito.

She would not protest if he decided to marry a poor

woman who loves him. In fact, ang bet nga niyang maging stepmom sana ay ang forty-five year old niyang yaya na si Yaya Nancy. Batid kasi niyang matagal nang may lihim na pagtingin sa kanyang ama ang yaya niya.

But a rich, spoiled and greedy socialite like Hetty? Ngayon pa lang alam na niya kung gaano kahaba ang taning ng pagsasama ng mga ito. Anim na buwan! Sobrang ikli para pag-aksayahan pa ng ng panahon ng kanyang ama na paghandaan ng magarbong kasalan.

“Oh, Tom! I’m sorry. I just can’t make her realize that I really love you. Gusto kong magkasundo kami pero siya mismo ang ayaw akong bigyan kahit katiting na tsansa man lang,” wika ni Hetty na lumapit sa kanyang ama at yumakap dito.

Hindi niya itinago ang pag-ikot ng mga mata sa husay nitong umarte. Really, the woman should’ve just tried working in front of a camera!

Tinignan naman siya ng kanyang ama nang matalim.

“I’m disappointed in you, Shebbah. Very disappointed,”

anito sa mababang tono. Nakabakas sa mukha nito ang galit sa kanya.

Pero mas matindi ang latay sa puso niya ng pagkadismayang ihinayag nito. Mas gugustuhin pa siguro niya kung sinigawan siya nito kaysa ganoon. Walang salitang tumalikod na lamang siya.

 She may be rude and bitchy to other people but never to her dad. Kaya imbes na palawakin pang lalo ang nagsisimula na ngang lumapad nilang gap sa isa’t isa, minabuti na lamang niyang lumayo kaysa sagutin ito.

Related chapters

  • Aseron Weddings   PART 1-THAT WOMAN

    “I swear, if that woman hurts my dad, isa-isa kong bubunutin lahat ng hibla ng buhok niya!” mariing aniya kay Ravin na para bang kilala nito si Hetty.Umarko ang isang kilay nito. At sa pagkakataong iyon, hindi na nito itinago ang pagka-aliw sa mga kulay abuhing mata nito.“Hindi ko trabahong pakialaman ang personal na buhay ng ama mo. Kinuha niya ako para tiyaking hindi ka mapapaano. Kaya wala akong opinyon tungkol diyan.” “Hah! Right! Anyway---where are we going?! Hindi ito ang daan pauwi sa bahay namin!” puna niya nang makita ang kalsadang dina

    Last Updated : 2021-05-13
  • Aseron Weddings   PART 1-SLEEPING TIGRESS

    ISLA FUEGO.Maya’t maya ang pagsulyap ni Ravin sa natutulog niyang pasahero sa back seat. Kung kanina ay animo ito leon na handang manlapa ng tao, ngayon ay mistula itong napaka-among kuting na nahihimbing.Nakahiga ito pahaba sa upuan. Nakaunan sa ulo nito ang bag nito. Nakaipit sa ilalim ng kaliwang pisngi ang magkasalikop na mga palad.Ni hindi ito natinag kaninang buhatin niya mula sa kotse nito palipat dito sa pick-up truck niya. Iniwan kasi niya sa pantalan sa Batangas ang kotse nito imbes na isakay pa iyon sa barge. Alam naman kasi niyang naghihintay sa kanila sa Puerto Fuego ang sasakyan niya.Mula nang marinig nito ang tungkol sa bombang ipinadala dito ay nasaksihan niya ang tila unti-unting pagtakas ng tapang at seguridad nito. Kung noon ay isa lang walang kwentang kalokohan ng isang hindi kilalang estranghero ang mga death threats na natatanggap nito,

    Last Updated : 2021-05-14
  • Aseron Weddings   PART 1-NEW

    Ang amoy ng freshly brewed na kape ang gumising sa nahihimbing pang kamalayan ni Shebbah. Hindi siya masyadong mahilig sa gatas pero pagdating sa kape, kayang-kaya niyang lumaklak ng isang drum sa isang upuan lang. Lalo na iyong kapeng barako. Kaya naman agad na napabalikwas siya ng bangon. Para lang mapatda nang makita ang matangkad na lalaking nakatayo sa tapat ng bukas na bintana ng hindi pamilyar na silid na kinaroroonan niya. Nakatalikod ito sa kanya. Pero kahit ganoon ay agad niyang nakilala ito. Tila may mata sa batok na naramdaman naman nitong gising na siya kaya agad itong lumingon sa kanya. ‘’Good, you’re awake!’’ bigkas nito bago sumimsim sa hawak na mug ng kape.

    Last Updated : 2021-05-15
  • Aseron Weddings   PART 1-SENSIBLE

    Nasa aktong pag-inom sa baso ng tubig si Ravin nang mapa-angat ang tingin niya mula sa binabasang dyaryo. Kaya nang makita niya ang hitsura ni Shebbah ay nasamid siya.“Ano? Buhay ka pa?” ang naaaliw nitong pakli nang tuluyang lumapit sa dining table kung saan naghihintay siya.“Saan ka pupunta? May photo shoot ka ba?” aniya para pagtakpan ang inisyal na kagalakan na nadama niya sa nasilayang kagandahang nakahain sa harap niya.Tila natigilan din naman si Shebbah. Nagtatakang niyuko nito ang sarili.“Ano’ng mali sa suot ko?” ang puno ng kuryusidad na tanong nito.Napakamot sa ulong umiling na lamang si Ravin.“Isasama sana kita sa paglilibot sa farm ko. Pero hindi na bale.”Tumaas ang mga kilay ni Shebbah. Nameywang pa ito.

    Last Updated : 2021-05-16
  • Aseron Weddings   PART 1- JEALOUS

    Lihim na napaismid si Shebbah. Gusto ni Ravin na patunayan sa sarili kung gaano siya kamaldita. Kung bakit at para saan, hindi niya alam. Pero hindi niya ito pinagbigyan.Kaswal na sinipat naman niya ang mga kuko niya.“Oh, you’ll see her soon enough. Kung hindi mo ako titigilan sa panunubok mo sa pasensya ko. As it is, sinusunod ko lang ang bilin ni Dad na maging mabait sa iyo. After all, malaking pabor ang ginagawa mo para sa akin ngayon.“I may be a bitch but I’m not an ungrateful bitch. Marunong akong tumanaw ng utang na loob. Huwag mo lang

    Last Updated : 2021-05-17
  • Aseron Weddings   PART 1-NOT JEALOUS

    Habang humahakbang palayo kina mang Simoy, Aling Gunding at Shebbah ay nais tadyakan ni Ravin ang sarili niya.Batid niyang umakto siyang parang gago kanina nang ilayo niya si Shebbah kay Reden. Hindi rin niya alam kung saan nanggaling ang pagkayamot na namuo sa dibdib nang makita niya ang totoong ngiting sumilay sa mga labi ng dalaga habang kausap ang binatilyo. Hindi niya matukoy kung saan siya mas naiinis. Sa pagngiti nito sa binatilyo o dahil naunahan siya ng binatilyo na patikimin ng mga saging nila ang dalaga. Kahit alin pa sa dalawa, kalokohan pa rin ang nadama niya. Eh ano naman kung

    Last Updated : 2021-05-18
  • Aseron Weddings   PART 1-DARING

    Bahagyang natawa si Shebbah. Inarkuhan niya ng mga kilay ang lalaki. “Bakit? Balak mo ba akong gawing isa rin sa mga tauhan mo? Do you plan to turn me into a farmer?” Nagkibit-balikat si Ravin. “Kung interesado ka, bakit hindi?” Napaisip si Shebbah. Wala naman siyang ginagawa, might as well learn how to farm and show this man that she wasn't as airheaded as he seems to think. “Bakit nga hindi?”*******************************************************************&n

    Last Updated : 2021-05-19
  • Aseron Weddings   PART 1-SURE

    Inis na pinukol muli ng masamang tingin ni Shebbah ang nakapinid na pinto ng silid niya.“Buksan mo na itong pinto, Shebbah!” salitan sa pagkatok at pagtawag sa pangalan niya si Ravin sa labas ng pinto ng silid. Bakas sa boses nito ang pag-aalala.Pero kahit magdugo ang mga kamao nito sa pagkatok doon, hinding-hindi niya ito papayagang makita siya sa kasalukuyang anyo niya. Muli siyang napasulyap sa salamin ng dresser. At muli bumalon ang mga luha sa mata niya pagkakita sa napakapangit niyang hitsura. In her mind, she was chopping into a hundred pieces those two nasty insects that crawled all over her body. “Ay!” gulat na napalundag siya sa sahig mula sa kama nang walang babalang bumukas an

    Last Updated : 2021-05-20

Latest chapter

  • Aseron Weddings   PART 4-TWENTY-SEVEN, YOU'LL BE THERE FOR ME

    Isa-isa naman nitong inilarawan ang tatlong lalaking disimuladong namilit ditong aminin ang totoo. Nang matapos ito ay hindi niya malaman kung matatawa o mapapaiyak. Isa sa mga tinukoy nito ay walang dudang si Hisoka, isa sa mga pinsan ni Giac. Ang dalawa pa ay halos natitiyak na niyang ang dalawa pang pinsan ni Giac na sina Flynn at Ethan.“Huwag kang mag-alala, sisikapin kong makausap si Giac para ipaliwanag ang lahat. Aaminin ko sa kanya ang plano namin ni Maisie. Pati na ang pagiging peke ng mga litrato,” anito. “No need, I already know it’s fake.”

  • Aseron Weddings   PART 4-TWENTY-SIX, SHOCKED, LIZZIE LOVE?

    Mabilis na ibinaba ni Elizabeth sa ibabaw ng kitchen counter ang hawak niyang bowl ng fruit salad nang maulinigan ang pagparada ng sasakyan ni Giac sa harap ng bahay niya. Hinayaan na lang niyang si Aling Ching ang magbukas ng gate at magpatuloy dito. Sabik na inabangan na lang niya ito sa sala. “Giac,” masigla ang ngiting bati niya dito. Lumapit siya dito at akmang ipapaloob ang hapong katawan sa mga bisig nito. Subalit imbes na yakapin siya ay pinigilan siya ni Giac sa mga braso at inilayo dito.

  • Aseron Weddings   PART 4-TWENTY-FIVE, I LOVE YOUS

    Minasdan ni Elizabeth ang pagkalat ng pagkagulat sa anyo ni Giac dahil sa sinabi niya. Alam niyang alam na nito ang tungkol kay Justin kaya bakit tila labis na nagulat ito?“Hindi ko alam na ngayon din pala ang petsa ng kasal ninyo dapat. It’s funny and a bit odd. You see, ngayon din dapat ang petsa ng kasal namin ni Shaina seven years ago,” anito na tila sinasagot ang pagtataka sa anyo niya dahil sa pagkagulat na bumakas sa mukha nito.Kung gayon ang dahilan pala ng pagkagulat nito ay dahil kung nagkataong natuloy ang kanya-kanyang kasal nila sa dating mga kapareha, pareho pa rin sila ng wedding anniversary kung tutuusin. Tama ito, it was indeed a bit odd and funny.

  • Aseron Weddings   PART 4-TWENTY-FOUR, BY HER SIDE

    Walang sapat na salitang makakapaglarawan sa kagalakan ni Elizabeth nang makitang muli ang kanyang Kuya Elias. Pero wala iyon sa antas ng kaligayahang nakikita niya sa anyo ni Sam na halos ayaw nang umalis ng ospital para bantayan ang amang hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Ayon sa mangingisdang sumagip sa kapatid niya, hindi daw akalain nitong mabubuhay pa ang kuya niya. Malubha daw kasi ang kalagayan nito nang dalhin nito ang kapatid niya sa maliit na ospital sa bayan nito.Walang TV o radyo sa bahay ng mangingisdang nagmagandang-loob na tulungan ang kuya niya. Kaya naman walang kaide-ideya iyon kung sino eksakto ang kuya niya.

  • Aseron Weddings   PART 4-TWENTY-THREE, A GOOD SURPRISE

    Natigilan si Elizabeth sa akmang pagtawag sa mga nawawala sa mga mesa nitong tauhan niya nang maulinigan niya ang mga boses na nagmumula sa loob ng conference room. Kunot-noong inilapag niya sa ibabaw ng office desk niya ang bag niya. Humakbang siya patungo sa bahagyang nakaawang na pinto ng conference room. Para lang sa marketing department ang silid na iyon. At wala siyang natatandaang ini-schedule niyang meeting para sa araw na iyon.“Ah, Giac, kailangan na naming simulan ang mga ipinapaggawa ni Ma’am Elizabeth sa amin. Baka dumating na siya at hanapin iyon,” wika ni Louie, isa sa mga marketing executive na under niya.

  • Aseron Weddings   PART 4-TWENTY-TWO, SHE LEFT ME

    “Hindi ba dapat ako ang nagmo-moment dito at hindi ikaw?” Napapitlag sa gulat si Elizabeth nang marinig ang boses na iyon ni Giac mula sa pinto ng living room. Animo déjà vu na bumalik sa isipan niya ang huling naging pag-uusap nila sa loob ng silid na ito ten years ago. Nakaupo din siya sa window seat noon tulad ngayon. Tulad din ba noon, wawasakin nito ang mg ailusyon niya patungkol sa kanilang dalawa? Nilingon niya si Giac nang maupo ito sa tabi niya. Iniwan niya ito kanina sa terasa kasama si Sh

  • Aseron Weddings   PART 4-TWENTY-ONE, HE LOVES ANOTHER WOMAN

    Kinabukasan ay isang sportsfest ang ihinanda ng events organizer na inupahan ni Lolo Nemo para sa week-long celebration ng kaarawan nito. Ginanap ang naturang sportsfest sa malawak na lupain ng Aseron Farms. At kung may pagdududa pa si Elizabeth ukol sa sinabi ni Giac na pagma-matchmake ni Lolo Nemo sa mga apo nito, binura iyon nang natuklasan niyang numero unong requirement para sa mga kasali sa mga palaro. Kailangan ay pareha ang mga manlalaro. Isang babae at isang lalaki. At hindi pwedeng maging magkapareha ang mga magkakamag-anak.&n

  • Aseron Weddings   PART 4-TWENTY, FORGET MY OWN DREAMS

    Mapait na napangiti si ELIZABETH. Bahagyang napailing.“Mali ka, Giac. Ang tinutukoy mo ay si Lizzie. That stupid, naïve and love-starved girl who belived you were really in love with her when all along you were just playing around. I just lost my mother that time. Kahit hindi kami masyadong malapit ni Mama sa isa’t isa, kahit paano, binibigyan niya ako ng atensyon at oras noon. Kahit para lang pulaan ako o i-criticize lahat ng kilos ko. “I was so lonely that time. Kaya nang pakitaan mo ako ng maganda, inisip kong ikaw ang makakabura ng lungkot ko dahil nakaya mo akong patawanin kahit mas gusto kong magmukmok noon. I fell in love with the idea of love.

  • Aseron Weddings   PART 4-NINETEEN, THE EVIL SISTER

    “Ano’ng ginawa mo kay Giac at napapayag mo siyang magpanggap na nobyo mo gayong alam ko namang magka-away na mortal kayong dalawa?! Hindi ka ba nahiya? Nagsisinungaling kayo sa pamilya niya!” kompronta ni Maisie kay Elizabeth nang mapagsolo sila sa hardin matapos niya itong yayaing maglakad-lakad doon pagkatapos ng hapunan. Tulad ng selebrasyon para sa death at birthday anniversary ng yumaong asawa ni Lolo Nemo na si Lola Salome, one-week long affair din ang pagdiriwang ng kaarawan ni Lolo Nemo. Sinimulan lang nito ang tradisyong iyon nang tumuntong na nang seventy-eight ang edad nito. Sa

DMCA.com Protection Status