Ang amoy ng freshly brewed na kape ang gumising sa nahihimbing pang kamalayan ni Shebbah. Hindi siya masyadong mahilig sa gatas pero pagdating sa kape, kayang-kaya niyang lumaklak ng isang
drum sa isang upuan lang. Lalo na iyong kapeng barako.
Kaya naman agad na napabalikwas siya ng bangon. Para lang mapatda nang makita ang matangkad na lalaking nakatayo sa tapat ng bukas na bintana ng hindi pamilyar na silid na kinaroroonan niya. Nakatalikod ito sa kanya. Pero kahit ganoon ay agad niyang nakilala ito.
Tila may mata sa batok na naramdaman naman nitong gising na siya kaya agad itong lumingon sa kanya.
‘’Good, you’re awake!’’ bigkas nito bago sumimsim sa hawak na mug ng kape.
“Hindi, tulog pa ako. Obvious ba? Nasaan na tayo? Ito ba ang bahay ng pamilya mo? At mas importante, ano ang ginagawa mo dito sa kwartong tinutulugan ko habang natutulog ako?!” aniya dito.
Sinulyapan niya ang suot niyang damit, iyon pa rin naman ang suot niya kagabi nang makatulog siya sa kotse. Kaya wala siyang dapat ipag-alala doon.
“You don’t believe in wasting time before you wear your badge of sarcasm, don’t you? No, wala tayo sa bahay ng pamilya ko. Nandito ka sa bahay ko. Sa sobrang himbing ng pagtulog mo ni hindi mo na namalayan ang pagdaong natin sa pantalan ng Isla Fuego. Para ka palang patay matulog, ano?”
Matabang na titig lang ang tugon niya dito. Nakangising nagkibit-balikat naman ito. Ngising mas lalong lumapad habang binibigkas ang mga kasunod nitong kataga. May kasama pa iyong pilyong pagtaas-baba ng mga kilay nito.
“At para sa huling tanong mo. Dito rin ako natulog kagabi, sa tabi mo. And, babe, let me just say this to you. That was the most---hey!” sambit nito dahil malakas na ibinato niya dito ang unan sa likod niya.
Maagap na itinaas nito ang kamay na may hawak ng mug
kaya hindi natapon ang kapeng laman niyon dito. Bagay na nakapanghihinayang! Mas maganda sana kung nalapnos ito ng mainit na kape nito.
“Okay, okay. Hindi nga ako dito natulog. Actually, sa lakas mong humilik, duda ako kung may mababayaran ka para tabihan ka sa pagtulog at---“
Iyong pangalawang unan naman ang ibinato niya dito. Natatawang napailing ito.
“Cranky in the morning, huh?”
“Crankier with you standing there waving that mug of coffee around without offering me some!” angil niya dito.
“Sinabi mo dapat agad. Mayroon pa nito sa labas. Kaya maghilamos ka na at sabayan mo ako sa almusal. Alas-otso na kaya mas tamang sabihing brunch na ito para sa akin. Pero malamang para sa iyo, midnight snack lang ito dahil tanghali ka na karaniwang gumigising,” anito na humakbang patungo sa pinto.
Pero ang mga mata ay nananatiling nakatutok sa mukha niya. May antisipasyong nakabanaag doon na nagsasabing inaabangan nito ang iritasyon niya sa pasaring nito. Why the handsome devil is deliberately provoking her, she didn’t know. Pero hindi niya ito pagbibigyan.
Kaya sa halip ay iginala na lang niya ang mga mata sa loob ng silid habang tumatayo mula sa kama. No doubt about it, anak-mayaman nga ito. Bagamat simple lang kasi ang disenyo ng silid, halata namang mamahalin at imported antiques ang mga muwebles na nakikita niya.
Kahit ang four-poster bed na hinihigaan niya ay halata niyang antigo at mamahalin. Pale yellow ang tema ng buong silid. Magmula kasi sa kurtina, bed cover, throw pillows sa window seat at cover ng silyang nasa tapat ng dresser na nasa paanan ng kama ay pale yellow ang kulay.
Wala siyang makitang de-kuryenteng kagamitan doon maliban sa table lamp na nasa ibabaw ng console table na nasa isang sulok. At sa isiping wala siyang TV o DVD na mapapanooran bago matulog gabi-gabi ay parang gusto niyang mapaiyak.
“Bathroom’s there. Iisa lang ang gamit nating banyo kaya kapag bigla mo na lang akong nabungarang naliligo, inaasahan kong paiiralin mo ang pagiging dalagang-Filipina mo at kusang isasara ulit ang pinto.
“Wala akong balak papikot. Bodyguard lang ang trabaho ko sa iyo, hindi kasama ang stud service,” kaswal na anito.
Pero base sa pilyong ngiting naglalaro sa sulok ng mga labi nito, halatang-halata ang pananadya nitong inisin siya.
Naiikot naman niya ang mga mata. Saan na napunta ang pa-suplado effect nito kagabi?
“Sigurado ka bang ikaw si Ravin?!”
“Balik na naman ba tayo diyan?”
“Gusto ko lang makatiyak dahil parang hindi na ikaw ‘yung supladong IronMan from last night.”
Muli na naman itong napangisi. At muli ay naramdaman niya ang abnormal na pagkislot ng puso niya pagkakita sa ngisi nitong pinagmumukha itong mas bata at mas gwapo. Kainis! Dapat ay manatili na lang itong pormal at supladito nang hindi ganitong para siyang inaatake sa puso dahil sa ngisi nito. Ang aga-aga ay kinukurta nito ang utak niya!
“Must be the air here in Fuego. Pinapabait nito kahit sino. Malamang bago ka umalis dito, mabawasan na rin ng hangin namin dito iyang katarayan mo. Kapag tapos ka nang maghilamos, sumunod ka na lang sa dining area,” anito saka humakbang papalabas ng silid.
“Teka! Wala akong ibang damit!”
“Meron. Pinaghanda ka na ng Yaya Nancy mo ng maleta bago kita sundan sa The Villa kagabi. At kung sinubukan mong silipin iyong bangkay na binanggit mong nasa trunk ng kotse mo, nakita mo sana iyon. Nariyan na sa closet ang mga gamit mo, inayos ni Manang kanina.”
“How long exactly am I staying here? At paano ang klase ko?!” bulalas niya na noon lang naalala ang eskwela niya.
“Pansamantala ka munang titigil.”
“What?! Hindi pwede! Ayokong umulit ulit next year!”
“Sorry, pero kung mamamatay ka na this year dahil sa stalker mo, malamang wala ka na rin dito para umulit pa ng klase mo next year. Pagtiyagaan mo na lang na lola ka na kumpara sa mga kaklase mo sa susunod. Mas mabuti naman iyon kaysa kung bangkay ka na,” kibit-balikat naman na
anito.
“Salamat sa pag-aalala ha? At pati na sa pagiging morbid mo!” angil niya dito.
Sa tono nito para bang kaswal na kaswal na bagay lang ang kamatayan niya.
“Hey, huwag ka sa aking magalit. Doon sa stalker mo.”
Gigil na kumuyom naman ang mga kamao niya. Tama ito, wala naman itong kasalanan sa sitwasyong iyon. Ang talagang dapat niyang sisihin ay ang walang kwentang nilalang na iyon na nagbabanta sa buhay niya.
“I swear, kapag nakilala ko talaga kung sinuman ang tamaan sana ng kidlat na stalker na iyon, ilulublob ko siya sa kumukulong mantika! Ang laki ng perwisyong dala niya!”
“Plan your revenge later. Maghilamos ka na muna. At pakibilisan ang pagbaba. Nagugutom na ako.”
“Bakit, dala ko ba bituka mo?”
“Hindi. Pero kapag nagligpit na si Manang ng pinagkainan ko, ikaw mag-isa ang magluluto at maghahain para sa sarili mo.”
“Fine! I’ll---teka, sabi mo nasa bahay mo tayo?! Akala ko ba sabi mo dadalhin mo ako sa bahay ng pamilya mo? Kung wala tayo sa Aseron Farms, nasaan tayo?” naalala niya ang isinagot nito kanina na agad na usisa niya dito.
“Nasa loob ng Aseron Farms itong farm ko. So technically, dinala pa rin kita sa poder ng pamilya ko. Pero masyado kasing bukas sa lahat ng sari-saring tao ang Aseron Castillo. Sa dami ng bumibisita doon kina Lolo, mahirap salain ang bawat pumapasok doon. Kaya mahihirapan akong protektahan ka.
“Samantalang dito sa Esther Farms ay tanging ako lang ang pwedeng magbigay ng permiso sa bawat taong papasok dito. The whole farm is walled too. Hindi basta-batsta mapapasok ng kahit sino,” paliwanag nito.
Nakuntento sa paliwanag nitong tumangu-tango naman siya.
“And speaking of your safety, siguro naman alam mo na hindi ka pwedeng basta pumunta sa kung saan-saan nang wala ako o isa sa mga tauhan ko. Bagamat imposibleng matunton ka pa dito ng stalker mo, mas mabuti na rin iyong nag-iingat.”
“I know, believe me, I know. Wala akong balak maging ten thousand pieces sakaling ihagis na lang niya mismo sa akin ang bomba imbes na ibalot pa,” mariing aniya.
Muli siyang kinilabutan sa pagka-alala sa bombang ipinadala ng stalker niya sa kanya.
“Mabuti at nauunawaan mo na ngayon kung gaano
kaseryoso ang sitwasyon mo. Huwag kang mag-alala. Tinawagan ko na rin ang pinsan kong may-ari ng isang private detective agency. Tutulong siya sa pag-iimbestiga sa stalker mo. North is good in finding his guy.”
“Thanks, I guess. Though I wonder why you’re doing this. Hindi naman ninyo obligasyon ng lolo mong tulungan ako at mas lalong imposibleng dahil sa pera kaya ninyo ginagawa ito. So tell me, what is it to you and your grandfather?” kunot-noong untag niya dito.
Inarkuhan naman siya nito ng mga kilay.
“Kailangan bang may malalim na dahilan o ulterior motive kami para gawin ito?”
Nagkibit-balikat siya. “I’ve been a part of showbiz for too many years, I guess. At doon ko natutunan na walang sinuman ang gagawa ng isang mabuting bagay para sa akin nang hindi naghihintay o umaasa ng kapalit.”
Bahagyang napangiti ito. Pero hindi niya yata gusto ang klase ng ngiti nito ngayon. Para kasing may bahid ng awa at pang-unawa ang ngiti nitong iyon.
“Then it’s a good thing you’re not part of that world anymore. Masyado pang maaga para maging ganyan ka na ka-cynical. When you reach my age and seen and done some of the things I did, doon ka lang dapat magsimulang ma-
disillusion sa mundo,” anito sa malumanay na boses.
Kaswal na nagkibit-balikat naman siya.
“Too late,” simpleng aniya na lang bago humakbang patungo sa itinuro nitong pinto ng adjoining bathroom nila.
Nasa aktong pag-inom sa baso ng tubig si Ravin nang mapa-angat ang tingin niya mula sa binabasang dyaryo. Kaya nang makita niya ang hitsura ni Shebbah ay nasamid siya.“Ano? Buhay ka pa?” ang naaaliw nitong pakli nang tuluyang lumapit sa dining table kung saan naghihintay siya.“Saan ka pupunta? May photo shoot ka ba?” aniya para pagtakpan ang inisyal na kagalakan na nadama niya sa nasilayang kagandahang nakahain sa harap niya.Tila natigilan din naman si Shebbah. Nagtatakang niyuko nito ang sarili.“Ano’ng mali sa suot ko?” ang puno ng kuryusidad na tanong nito.Napakamot sa ulong umiling na lamang si Ravin.“Isasama sana kita sa paglilibot sa farm ko. Pero hindi na bale.”Tumaas ang mga kilay ni Shebbah. Nameywang pa ito.
Lihim na napaismid si Shebbah. Gusto ni Ravin na patunayan sa sarili kung gaano siya kamaldita. Kung bakit at para saan, hindi niya alam. Pero hindi niya ito pinagbigyan.Kaswal na sinipat naman niya ang mga kuko niya.“Oh, you’ll see her soon enough. Kung hindi mo ako titigilan sa panunubok mo sa pasensya ko. As it is, sinusunod ko lang ang bilin ni Dad na maging mabait sa iyo. After all, malaking pabor ang ginagawa mo para sa akin ngayon.“I may be a bitch but I’m not an ungrateful bitch. Marunong akong tumanaw ng utang na loob. Huwag mo lang
Habang humahakbang palayo kina mang Simoy, Aling Gunding at Shebbah ay nais tadyakan ni Ravin ang sarili niya.Batid niyang umakto siyang parang gago kanina nang ilayo niya si Shebbah kay Reden. Hindi rin niya alam kung saan nanggaling ang pagkayamot na namuo sa dibdib nang makita niya ang totoong ngiting sumilay sa mga labi ng dalaga habang kausap ang binatilyo. Hindi niya matukoy kung saan siya mas naiinis. Sa pagngiti nito sa binatilyo o dahil naunahan siya ng binatilyo na patikimin ng mga saging nila ang dalaga. Kahit alin pa sa dalawa, kalokohan pa rin ang nadama niya. Eh ano naman kung
Bahagyang natawa si Shebbah. Inarkuhan niya ng mga kilay ang lalaki. “Bakit? Balak mo ba akong gawing isa rin sa mga tauhan mo? Do you plan to turn me into a farmer?” Nagkibit-balikat si Ravin. “Kung interesado ka, bakit hindi?” Napaisip si Shebbah. Wala naman siyang ginagawa, might as well learn how to farm and show this man that she wasn't as airheaded as he seems to think. “Bakit nga hindi?”*******************************************************************&n
Inis na pinukol muli ng masamang tingin ni Shebbah ang nakapinid na pinto ng silid niya.“Buksan mo na itong pinto, Shebbah!” salitan sa pagkatok at pagtawag sa pangalan niya si Ravin sa labas ng pinto ng silid. Bakas sa boses nito ang pag-aalala.Pero kahit magdugo ang mga kamao nito sa pagkatok doon, hinding-hindi niya ito papayagang makita siya sa kasalukuyang anyo niya. Muli siyang napasulyap sa salamin ng dresser. At muli bumalon ang mga luha sa mata niya pagkakita sa napakapangit niyang hitsura. In her mind, she was chopping into a hundred pieces those two nasty insects that crawled all over her body. “Ay!” gulat na napalundag siya sa sahig mula sa kama nang walang babalang bumukas an
Hindi makatulog si Ravin nang gabing iyon kaya pilit niyang pinapagod ang sarili sa pagsuntok sa punching bag na nakasabit sa puno sa likod ng bahay niya. Hanggang ngayon ay hindi maalis ang iritasyon niya sa Lolo Nemo niya at sa sinabi nito patungkol kay Shebbah kaninang sa Castillo sila maghapunan ng dalaga. It was not their first dinner with his family. Pangatlong linggo nang narito sa poder niya ang dalaga at kalahati ng mga gabi niyon, kadalasan ay sa Castillo sila naghahapunan. Batid kasi niyang nababagot si Shebbah sa pwersahang pagkaka-isolate nit
Buti na lamang at tulog mantika si Manang Auring. Dahil kung naroon ito, tiyak napaliguan nito ng talak ang dalaga. “At ano’ng gusto mo? alukin ko pa ng kumot ang ipis na iyan? Ang sarap-arap ng tulog ko nang bigla akong makiliti sa paggapang niya sa leeg ko! Naiisip mo ba kung gaano kadaming germs ang dala niya?!” diring-diring sikmat nito na kiniskis pa ang napansin na niyang namumulang leeg nito. Eksasperadong napabuga siya ng hangin. Akmang lalapit siya sa kama upang hulihin ang insekto nang makita ang ayaw paawat nitong pagkiskis sa leeg nito.“Stop it. Hugasan mo na lang. Magkakasugat ka pa niyan sa ginagawa mo,” saway niya dito.“Good idea,” tango naman nito. “But only after you get rid of that. Baka mamaya sumunod pa sa akin iyan sa bathroom!”
Ang balak lang ni Ravin ay buhatin at ihiga sa kama niya mula sa lapag ang nahihimbing nang si Shebbah. Siya na lang ang lilipat sa silid nito para doon matulog. Kung ibabalik kasi niya ito sa silid nito at maalimpungatan ito ay baka magtitili at mambulahaw na naman ito kapag nakitang nasa silid nito ito. Kasalanan niya, tinakot pa kasi niya ito tungkol sa ipis.Ngunit nang mailapag na niya ito sa gitna ng kama niya ay natukso naman siyang pagmasdan ito habang nahihimbing. Parang kaysarap isiping mag-asawa sila at may karapatan siyang tabihan ito sa pagtulog. Ang sarap isiping siya
Isa-isa naman nitong inilarawan ang tatlong lalaking disimuladong namilit ditong aminin ang totoo. Nang matapos ito ay hindi niya malaman kung matatawa o mapapaiyak. Isa sa mga tinukoy nito ay walang dudang si Hisoka, isa sa mga pinsan ni Giac. Ang dalawa pa ay halos natitiyak na niyang ang dalawa pang pinsan ni Giac na sina Flynn at Ethan.“Huwag kang mag-alala, sisikapin kong makausap si Giac para ipaliwanag ang lahat. Aaminin ko sa kanya ang plano namin ni Maisie. Pati na ang pagiging peke ng mga litrato,” anito. “No need, I already know it’s fake.”
Mabilis na ibinaba ni Elizabeth sa ibabaw ng kitchen counter ang hawak niyang bowl ng fruit salad nang maulinigan ang pagparada ng sasakyan ni Giac sa harap ng bahay niya. Hinayaan na lang niyang si Aling Ching ang magbukas ng gate at magpatuloy dito. Sabik na inabangan na lang niya ito sa sala. “Giac,” masigla ang ngiting bati niya dito. Lumapit siya dito at akmang ipapaloob ang hapong katawan sa mga bisig nito. Subalit imbes na yakapin siya ay pinigilan siya ni Giac sa mga braso at inilayo dito.
Minasdan ni Elizabeth ang pagkalat ng pagkagulat sa anyo ni Giac dahil sa sinabi niya. Alam niyang alam na nito ang tungkol kay Justin kaya bakit tila labis na nagulat ito?“Hindi ko alam na ngayon din pala ang petsa ng kasal ninyo dapat. It’s funny and a bit odd. You see, ngayon din dapat ang petsa ng kasal namin ni Shaina seven years ago,” anito na tila sinasagot ang pagtataka sa anyo niya dahil sa pagkagulat na bumakas sa mukha nito.Kung gayon ang dahilan pala ng pagkagulat nito ay dahil kung nagkataong natuloy ang kanya-kanyang kasal nila sa dating mga kapareha, pareho pa rin sila ng wedding anniversary kung tutuusin. Tama ito, it was indeed a bit odd and funny.
Walang sapat na salitang makakapaglarawan sa kagalakan ni Elizabeth nang makitang muli ang kanyang Kuya Elias. Pero wala iyon sa antas ng kaligayahang nakikita niya sa anyo ni Sam na halos ayaw nang umalis ng ospital para bantayan ang amang hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Ayon sa mangingisdang sumagip sa kapatid niya, hindi daw akalain nitong mabubuhay pa ang kuya niya. Malubha daw kasi ang kalagayan nito nang dalhin nito ang kapatid niya sa maliit na ospital sa bayan nito.Walang TV o radyo sa bahay ng mangingisdang nagmagandang-loob na tulungan ang kuya niya. Kaya naman walang kaide-ideya iyon kung sino eksakto ang kuya niya.
Natigilan si Elizabeth sa akmang pagtawag sa mga nawawala sa mga mesa nitong tauhan niya nang maulinigan niya ang mga boses na nagmumula sa loob ng conference room. Kunot-noong inilapag niya sa ibabaw ng office desk niya ang bag niya. Humakbang siya patungo sa bahagyang nakaawang na pinto ng conference room. Para lang sa marketing department ang silid na iyon. At wala siyang natatandaang ini-schedule niyang meeting para sa araw na iyon.“Ah, Giac, kailangan na naming simulan ang mga ipinapaggawa ni Ma’am Elizabeth sa amin. Baka dumating na siya at hanapin iyon,” wika ni Louie, isa sa mga marketing executive na under niya.
“Hindi ba dapat ako ang nagmo-moment dito at hindi ikaw?” Napapitlag sa gulat si Elizabeth nang marinig ang boses na iyon ni Giac mula sa pinto ng living room. Animo déjà vu na bumalik sa isipan niya ang huling naging pag-uusap nila sa loob ng silid na ito ten years ago. Nakaupo din siya sa window seat noon tulad ngayon. Tulad din ba noon, wawasakin nito ang mg ailusyon niya patungkol sa kanilang dalawa? Nilingon niya si Giac nang maupo ito sa tabi niya. Iniwan niya ito kanina sa terasa kasama si Sh
Kinabukasan ay isang sportsfest ang ihinanda ng events organizer na inupahan ni Lolo Nemo para sa week-long celebration ng kaarawan nito. Ginanap ang naturang sportsfest sa malawak na lupain ng Aseron Farms. At kung may pagdududa pa si Elizabeth ukol sa sinabi ni Giac na pagma-matchmake ni Lolo Nemo sa mga apo nito, binura iyon nang natuklasan niyang numero unong requirement para sa mga kasali sa mga palaro. Kailangan ay pareha ang mga manlalaro. Isang babae at isang lalaki. At hindi pwedeng maging magkapareha ang mga magkakamag-anak.&n
Mapait na napangiti si ELIZABETH. Bahagyang napailing.“Mali ka, Giac. Ang tinutukoy mo ay si Lizzie. That stupid, naïve and love-starved girl who belived you were really in love with her when all along you were just playing around. I just lost my mother that time. Kahit hindi kami masyadong malapit ni Mama sa isa’t isa, kahit paano, binibigyan niya ako ng atensyon at oras noon. Kahit para lang pulaan ako o i-criticize lahat ng kilos ko. “I was so lonely that time. Kaya nang pakitaan mo ako ng maganda, inisip kong ikaw ang makakabura ng lungkot ko dahil nakaya mo akong patawanin kahit mas gusto kong magmukmok noon. I fell in love with the idea of love.
“Ano’ng ginawa mo kay Giac at napapayag mo siyang magpanggap na nobyo mo gayong alam ko namang magka-away na mortal kayong dalawa?! Hindi ka ba nahiya? Nagsisinungaling kayo sa pamilya niya!” kompronta ni Maisie kay Elizabeth nang mapagsolo sila sa hardin matapos niya itong yayaing maglakad-lakad doon pagkatapos ng hapunan. Tulad ng selebrasyon para sa death at birthday anniversary ng yumaong asawa ni Lolo Nemo na si Lola Salome, one-week long affair din ang pagdiriwang ng kaarawan ni Lolo Nemo. Sinimulan lang nito ang tradisyong iyon nang tumuntong na nang seventy-eight ang edad nito. Sa