ISLA FUEGO.
Maya’t maya ang pagsulyap ni Ravin sa natutulog niyang pasahero sa back seat. Kung kanina ay animo ito leon na handang manlapa ng tao, ngayon ay mistula itong napaka-among kuting na nahihimbing.
Nakahiga ito pahaba sa upuan. Nakaunan sa ulo nito ang bag nito. Nakaipit sa ilalim ng kaliwang pisngi ang magkasalikop na mga palad.
Ni hindi ito natinag kaninang buhatin niya mula sa kotse nito palipat dito sa pick-up truck niya. Iniwan kasi niya sa pantalan sa Batangas ang kotse nito imbes na isakay pa iyon sa barge. Alam naman kasi niyang naghihintay sa kanila sa Puerto Fuego ang sasakyan niya.
Mula nang marinig nito ang tungkol sa bombang ipinadala dito ay nasaksihan niya ang tila unti-unting pagtakas ng tapang at seguridad nito. Kung noon ay isa lang walang kwentang kalokohan ng isang hindi kilalang estranghero ang mga death threats na natatanggap nito,
ngayon ay malinaw na ditong hindi iyon basta biro lang.
A part of him was mad that her dad told her about the bomb. Hindi na ito dapat tinakot pa ng ama nito para lang mapahinuhod ito sa naisip nilang plano para mailayo ito sa panganib.
Para kasi siyang tinadyakan sa dibdib nang makita niya ang pagbadha ng pangamba at alinlangan sa anyo nito.
At nang akalain niyang maluluha na ito sanhi ng takot,
muntik na niyang ihinto ang sasakyan upang aluin ito.
He was more used to seeing that confident I-CAN-TAKE-ON-THE-WHOLE-DAMN-WORLD look on her face instead of that vulnerable and helpless expression that covered her entire visage. Para itong aristokratikong reyna na biglang inagawan ng korona at trono nito. Hindi ito makapaniwala na mayroong taong aabot sa sukdulan ang poot dito para gustuhing patayin ito.
At hindi niya gusto iyon. Ang totoo, hindi niya gusto ang ideyang mayroong taong nagnanais na gawan ng masama ito. Kaya nga hindi rin gaanong nahirapan ang Lolo Nemo niya na kumbinsihin siyang tulungan ang mag-amang Larkin sa kasalukuyang problema ng mga ito.
Kahit pa malayo na sa dating trabaho niya ang trabaho niya ngayon. He was now a farmer, not a soldier or security man. At hindi nya gustong pagtuunan ng pansin ang rason kung bakit para sa dalaga ay tila kaydali niyang nagpakumbinsi na balikan ang mundong minsan nang tinalikuran.
Sa kabilang banda ay mabuti na rin ngang malaman ni Shebbah ang sukdulang kayang gawin ng nasa likod ng panganib sa buhay nito. Nang sa gayon ay hindi na nito balewalain pa ang sariling kaligtasan. At mabawasan din ang pagnanais nitong kontrahin ang mga sasabihin niya dito patungkol sa seguridad nito.
“Damn, Ravin! Not again! Not another damsel in distress!” sita niya sa sarili nang sa sa ika-sampu na yatang beses ay sulyapan niyang muli ang dalaga.
He had enough damsels in distress in his past. Una, si
Hetty na inakalang siya na ang sagot sa problema sa napipintong pagkakaubos ng yaman ng pamilya nito dahil sa pagkakalugi sa negosyo.
Kaya tinangka nitong siluin siya sa pamamagitan ng pagpapanggap na buntis ito. Buti na lamang at nakosensya rin ito kaya inamin agad ang totoo sa kanya.
Pangalawa, si Sheena na matapos niyang tulungang makakawala sa abusive relationship nito sa dating nobyo nitong sundalo din ay inakalang may patutunguhan pang iba
ang pagtulong niya dito.
From being the sweet, helpless and abused woman she turned into a jealous, posessive and clinging tyrant. Dahil hindi niya maibalik dito ang damdaming nagsimula na palang mabuo dito.
At pangatlo at pinaka-malala ay ang anak ng presidenteng sinagip ng troop niya mula sa mga teroristang kumidnap dito. Tama nang leksyon sa kanya ang nangyari kay Ludy at sa obsesyon nito sa kanya na humantong pa sa tangkang pagpapakamatay nito halos isang taon na ang nakakaraan.
Hindi niya kailangang sumagip na naman ng isang babaeng sa huli’y mas mapapahamak pa pala dahil sa kanya. Isang babaeng aasang masusuklian niya ang damdamin nito
at pag-aalayan niya ng puso niyang mailap.
But on second thought, Shebbah is the last woman he
would ever call a damsel in distress needing a knight to
save her. Sa asta nito, mukhang ang knight pa ang mas
mangangailangan ng pagsagip kaysa dito.
Bagamat mukha itong mahinhin, maamo at ubod ng bait,
kinokontra nito iyon oras na magsimula na itong magsalita at kumilos. She is stubbornness personified and she has an independent streak that goes on and on.
Ito ang huling babaeng kakapit sa laylayan ng pantalon ng lalaki para lang mabuo ang pagkatao nito. A modern woman who would rather save herself than wait for Prince Charming to do it for her. Kaya sa tingin niya, ligtas siya dito. Sana.
Nang makita niya ang arko ng entrada sa Aseron Farms ay nakahinga siya ng maluwag. Finally, he was home once again. Bagay na hindi niya aakalaing mararanasan niya noong isa pa siyang rebeldeng teenager na walang iang nais kundi makakawala sa saya ng Lolo Nemo at Lola Salome niya.
When he was eighteen, all he wanted to do was leave Isla Fuego and become a soldier like his dad who died even before he was born. Naturally, ayaw siyang payagan ng kanyang lolo at lola na siya nang nagpalaki sa kanya mula nang mamatay sa aksidente sa barko ang kanyang ina noong labing-isang taong gulang siya.
But he was one persistent and stubborn brat back then.
Kaya sa huli, walang naggawa ang lolo at lola niya kundi
pakawalan siya.
But now that he’s thirty-one, he couldn’t think of any
other place on earth he’d rather be than here in Isla Fuego.
Ekta-ektarya ang lupaing sakop ng Aseron Farms. May parte pa nga ng Ilog Fria na tumatagos sa lupain nila. Sa sentro niyon ay doon matatagpuan ang Aseron Castillo na siyang ancestral house ng angkan nila.
Pero sa gawing silangan niya iniliko ang sasakyan niya. At ipinasok sa mataas na bakal na tarangkahang may security code at electronically controlled ang sasakyan niya.
Naroon ang maliit na farm at bahay niyang ipinatayo niya sa lupaing ipinamana sa kanya ng yumaong ina. Ihininto niya sa tapat ng mismong bahay ang pick-up niya.
Isa pang dahilan kaya iniwan niya sa pantalan sa Batangas ang kotse ng dalaga ay sapagkat hindi uubra iyong sasakyan papasok dito sa Esther Farms. Matarik kasi ang daan patungo dito.
Hangos na lumabas ang katiwala niyang si Manang Auring.
“Ravin! Buti naman at---Aba’y sino ang babaing iyan?! Bakit walang malay?!” gulat na bulalas nito na tarantang binuksan ang pinto upang maipasok niya ang buhat-buhat na dalaga. “Teka! Teka, hindi ba at iyan si Shebbah?! Iyong artista?!”
Napangisi siya sa bilis ng matandang makilala ang
dalagang nasa bisig niya. Bagamat hindi naman na ganoon ka-backward dito sa Isla Fuego para hindi sila maging updated sa mga balita sa ibang panig ng Pilipinas, hindi rin ganoon ka-mahilig sa showbiz ang mga tao dito. Maliban sa iilang kinabibilangan ni Manang Auring.
Ang manood ng TV kasi ang paboritong past time nito ngayong hindi na ito kasinlakas tulad ng dati. Kaya kilalang-kilala nito lahatngmga sikat na artista. At kahit pa ang isang dating sikat na tulad ni Shebbah.
“Oho. At siya rin iyong binanggit ko sa inyong makakasama natin pansamantala dito. Nakahanda na ho ba iyong silid na ipapaggamit natin sa kanya?”
“Oo. Naku! May bisita pala tayong sikat! Bakit hindi mo man lang sinabi agad na si Shebbah pala ang dadalhin mong bisita?! Sana ay nakapagluto ako ng paborito niyang mga ulam. Nabasa ko iyon sa isang interview niya eh,” pumapalatak na kastigo pa nito sa kanya.
“Para ho surprise. Marami pa naman kayong oras para ipagluto siya. Medyo matagal-tagal ang ilalagi niya dito sa atin,” ngisi niya dito.
Dumiretso siya sa tatlong baitang na hagdan patungo sa hallway kung saan naroon ang tatlong kwarto. Maagap na binuksan naman ni Manang Auring ang pinto sa guest room
na katabi lang ng silid niya mismo. Iyong isa pang silid ay silid nito.
“Teka, hayan, ihiga mo na siya,” anito matapos hilahin
ang comforter sa kama. “Naku! Ke ganda talaga niya sa personal, ano? Napakaamo, mukhang anghel.”
“Mukha lang ho pero may sa tigre ho iyan. Ingat kayo at baka biglang manakmal kapag naggising mamaya,” aniya na sinundan ng paghikab.
Napagod siya sa mahigit walong oras din nilang biyahe mula Maynila. Ala-singko na ng umaga. At bagamat iyon ang oras ng paggising dapat niya para asikasuhin ang mga trabaho niya sa farm niya, matutulog muna siya.
Kahit tatlong oras lang ang itulog niya ay fully charged na siya. Noong nasa serbisyo pa nga siya, umaabot ng seventy-two hours na wala siyang tulog.
“Sus! Ikaw bata ka, wala nang matinong babae para sa iyo. Kaya tuloy naiisip ng lolo mong hanapan ka na niya mismo ng---ah, wala pala akong sinasabi. Hay, naku! Ano ba itong dila ko?! Kung anu-ano ang pinagsasasabi!” dagling pagbawi nito sa sinasabi.
Tinampal pa nito ang bibig nito. Larawan ng guilt at disgusto sa sarili ang anyo. Pero kahit ano pang sabihin nito ay nadulas na ito. At sapat na iyon para mahulaan niya ang ibig nitong tukuyin. After all, he knew his grandfather. The old man was not called ‘The Eccentric, Meddling Old Man’ for nothing.
Alamat sa pamilya nila ang ginawa nitong pagtayong kupido sa lovelife ng sampung mga anak nito. Ayon sa kanyang ina noong nabubuhay pa ito at pati na sa mga tiyuhin niya, maliban daw sa Tito Adam at Tito Japhet niya, lahat ng mga ito ay ang lolo niya ang pumili ng mapapangasawa.
Fortunately, masaya ang naging buhay mag-asawa ng mga ito. Kahit pa ang kanyang inang maagang nabiyuda. At sa malas, ang dalawang tiyuhin niyang sumuway sa kagustuhan ng lolo niya ay hindi naging ganoon kapalad sa sariling buhay mag-asawa ng mga ito.
Kaya naman kumbinsido ang matanda na salamat dito kaya naging masaya sa kanya-kanyang buhay mag-asawa ang walong anak nito.
“Damn!” sambit niya.
Mukhang siya na ang next in line na ihanap ng kapareha ng atribido niyang lolo. Awtomatikong napalipad ang tingin niya kay Shebbah. Ang lolo niya ang nakiusap sa kanyang tulungan niya ang dalaga sa kinakaharap nitong problema. Maari kayang si Shebbah ang kandidato nito para
makatuluyan niya?
“Manang Auring, si Shebbah ba ang napili ni Lolo para ireto sa akin?!” sindak na bulalas niya.
“Ha?!”
“Umamin na kayo, Manang Auring. Bistado ko na kayo. Kasabwat kayo malamang ni Lolo sa binabalak niyang pagma-match sa amin,” wika niya sa matandang babae.
Bago niya ito kuning personal na katiwala ay nagsisilbi na ito sa lolo niya. Kaya alam niyang hindi malabong kinasapakat ito ng lolo niya sa plano niyon.
Maari na itong magretiro matagal na at magpahila-hilata na lamang sa retirement pay na ibinigay dito ng lolo niya. Pero nagkakasakit daw ito kapag walang ginagawa. Kaya kusa nitong inalok ang serbisyo sa kanya nang malamang bubukod na siya sa ancestral house ng pamilya ngayong nagbalik na siya.
Bilang pagbibigay katuparan sa hiling nito ay pumayag siya. Bagamat ang pagmamando sa katiwala niya dito sa bahay na si Janus ang talagang tanging trabaho nito.
Sumusukong bumuntung-hininga naman ito.
“Hindi, iho. Hindi si Shebbah ang napili ng lolo mo para sa iyo. Hindi ko kilala kung sino eksakto ang babaeng iyon pero malamang ay darating daw sa susunod na buwan mula
States ang babaeng iyon. Anak yata ng isang kasosyo niya.”
Napakunot-noo naman siya. So, hindi pala si Shebbah
ang gusto ng lolo niya. Bakit hindi si Shebbah? Ang tila
pagpoprotesta ng munting boses sa tainga niya. Pero agad din niyang ipinilig ang ulo para palisin ang tinig na iyon.
Ano naman kung hindi si Shebbah? Kahit sino pa ang babaeng iyon na napili ng matanda para sa kanya ay hindi rin uubra. Dahil wala pa sa plano niya ang mag-asawa. In fact with the luck he had with all the women he got involved in, he probably would not marry at all.
‘’Mabuti kung ganoon. Dahil malamang bumalik na lang ako sa pagsu-sundalo kaysa patulan ang spoiled brat na ito. Doon bibigyan ako ng baril kahit paano para pang-depensa sa sarili ko. Dito, malamang ako pa mismo magbaril sa sarili ko,’’ pumapalatak na aniya.
Pero hindi rin naman niya naiwasang tapunan ng huling sulyap ang nahihimbing na dalaga bago siya lumabas ng silid. And no, he refused to admit that it was regret he felt when he stared at her lovely face.
Ang amoy ng freshly brewed na kape ang gumising sa nahihimbing pang kamalayan ni Shebbah. Hindi siya masyadong mahilig sa gatas pero pagdating sa kape, kayang-kaya niyang lumaklak ng isang drum sa isang upuan lang. Lalo na iyong kapeng barako. Kaya naman agad na napabalikwas siya ng bangon. Para lang mapatda nang makita ang matangkad na lalaking nakatayo sa tapat ng bukas na bintana ng hindi pamilyar na silid na kinaroroonan niya. Nakatalikod ito sa kanya. Pero kahit ganoon ay agad niyang nakilala ito. Tila may mata sa batok na naramdaman naman nitong gising na siya kaya agad itong lumingon sa kanya. ‘’Good, you’re awake!’’ bigkas nito bago sumimsim sa hawak na mug ng kape.
Nasa aktong pag-inom sa baso ng tubig si Ravin nang mapa-angat ang tingin niya mula sa binabasang dyaryo. Kaya nang makita niya ang hitsura ni Shebbah ay nasamid siya.“Ano? Buhay ka pa?” ang naaaliw nitong pakli nang tuluyang lumapit sa dining table kung saan naghihintay siya.“Saan ka pupunta? May photo shoot ka ba?” aniya para pagtakpan ang inisyal na kagalakan na nadama niya sa nasilayang kagandahang nakahain sa harap niya.Tila natigilan din naman si Shebbah. Nagtatakang niyuko nito ang sarili.“Ano’ng mali sa suot ko?” ang puno ng kuryusidad na tanong nito.Napakamot sa ulong umiling na lamang si Ravin.“Isasama sana kita sa paglilibot sa farm ko. Pero hindi na bale.”Tumaas ang mga kilay ni Shebbah. Nameywang pa ito.
Lihim na napaismid si Shebbah. Gusto ni Ravin na patunayan sa sarili kung gaano siya kamaldita. Kung bakit at para saan, hindi niya alam. Pero hindi niya ito pinagbigyan.Kaswal na sinipat naman niya ang mga kuko niya.“Oh, you’ll see her soon enough. Kung hindi mo ako titigilan sa panunubok mo sa pasensya ko. As it is, sinusunod ko lang ang bilin ni Dad na maging mabait sa iyo. After all, malaking pabor ang ginagawa mo para sa akin ngayon.“I may be a bitch but I’m not an ungrateful bitch. Marunong akong tumanaw ng utang na loob. Huwag mo lang
Habang humahakbang palayo kina mang Simoy, Aling Gunding at Shebbah ay nais tadyakan ni Ravin ang sarili niya.Batid niyang umakto siyang parang gago kanina nang ilayo niya si Shebbah kay Reden. Hindi rin niya alam kung saan nanggaling ang pagkayamot na namuo sa dibdib nang makita niya ang totoong ngiting sumilay sa mga labi ng dalaga habang kausap ang binatilyo. Hindi niya matukoy kung saan siya mas naiinis. Sa pagngiti nito sa binatilyo o dahil naunahan siya ng binatilyo na patikimin ng mga saging nila ang dalaga. Kahit alin pa sa dalawa, kalokohan pa rin ang nadama niya. Eh ano naman kung
Bahagyang natawa si Shebbah. Inarkuhan niya ng mga kilay ang lalaki. “Bakit? Balak mo ba akong gawing isa rin sa mga tauhan mo? Do you plan to turn me into a farmer?” Nagkibit-balikat si Ravin. “Kung interesado ka, bakit hindi?” Napaisip si Shebbah. Wala naman siyang ginagawa, might as well learn how to farm and show this man that she wasn't as airheaded as he seems to think. “Bakit nga hindi?”*******************************************************************&n
Inis na pinukol muli ng masamang tingin ni Shebbah ang nakapinid na pinto ng silid niya.“Buksan mo na itong pinto, Shebbah!” salitan sa pagkatok at pagtawag sa pangalan niya si Ravin sa labas ng pinto ng silid. Bakas sa boses nito ang pag-aalala.Pero kahit magdugo ang mga kamao nito sa pagkatok doon, hinding-hindi niya ito papayagang makita siya sa kasalukuyang anyo niya. Muli siyang napasulyap sa salamin ng dresser. At muli bumalon ang mga luha sa mata niya pagkakita sa napakapangit niyang hitsura. In her mind, she was chopping into a hundred pieces those two nasty insects that crawled all over her body. “Ay!” gulat na napalundag siya sa sahig mula sa kama nang walang babalang bumukas an
Hindi makatulog si Ravin nang gabing iyon kaya pilit niyang pinapagod ang sarili sa pagsuntok sa punching bag na nakasabit sa puno sa likod ng bahay niya. Hanggang ngayon ay hindi maalis ang iritasyon niya sa Lolo Nemo niya at sa sinabi nito patungkol kay Shebbah kaninang sa Castillo sila maghapunan ng dalaga. It was not their first dinner with his family. Pangatlong linggo nang narito sa poder niya ang dalaga at kalahati ng mga gabi niyon, kadalasan ay sa Castillo sila naghahapunan. Batid kasi niyang nababagot si Shebbah sa pwersahang pagkaka-isolate nit
Buti na lamang at tulog mantika si Manang Auring. Dahil kung naroon ito, tiyak napaliguan nito ng talak ang dalaga. “At ano’ng gusto mo? alukin ko pa ng kumot ang ipis na iyan? Ang sarap-arap ng tulog ko nang bigla akong makiliti sa paggapang niya sa leeg ko! Naiisip mo ba kung gaano kadaming germs ang dala niya?!” diring-diring sikmat nito na kiniskis pa ang napansin na niyang namumulang leeg nito. Eksasperadong napabuga siya ng hangin. Akmang lalapit siya sa kama upang hulihin ang insekto nang makita ang ayaw paawat nitong pagkiskis sa leeg nito.“Stop it. Hugasan mo na lang. Magkakasugat ka pa niyan sa ginagawa mo,” saway niya dito.“Good idea,” tango naman nito. “But only after you get rid of that. Baka mamaya sumunod pa sa akin iyan sa bathroom!”
Isa-isa naman nitong inilarawan ang tatlong lalaking disimuladong namilit ditong aminin ang totoo. Nang matapos ito ay hindi niya malaman kung matatawa o mapapaiyak. Isa sa mga tinukoy nito ay walang dudang si Hisoka, isa sa mga pinsan ni Giac. Ang dalawa pa ay halos natitiyak na niyang ang dalawa pang pinsan ni Giac na sina Flynn at Ethan.“Huwag kang mag-alala, sisikapin kong makausap si Giac para ipaliwanag ang lahat. Aaminin ko sa kanya ang plano namin ni Maisie. Pati na ang pagiging peke ng mga litrato,” anito. “No need, I already know it’s fake.”
Mabilis na ibinaba ni Elizabeth sa ibabaw ng kitchen counter ang hawak niyang bowl ng fruit salad nang maulinigan ang pagparada ng sasakyan ni Giac sa harap ng bahay niya. Hinayaan na lang niyang si Aling Ching ang magbukas ng gate at magpatuloy dito. Sabik na inabangan na lang niya ito sa sala. “Giac,” masigla ang ngiting bati niya dito. Lumapit siya dito at akmang ipapaloob ang hapong katawan sa mga bisig nito. Subalit imbes na yakapin siya ay pinigilan siya ni Giac sa mga braso at inilayo dito.
Minasdan ni Elizabeth ang pagkalat ng pagkagulat sa anyo ni Giac dahil sa sinabi niya. Alam niyang alam na nito ang tungkol kay Justin kaya bakit tila labis na nagulat ito?“Hindi ko alam na ngayon din pala ang petsa ng kasal ninyo dapat. It’s funny and a bit odd. You see, ngayon din dapat ang petsa ng kasal namin ni Shaina seven years ago,” anito na tila sinasagot ang pagtataka sa anyo niya dahil sa pagkagulat na bumakas sa mukha nito.Kung gayon ang dahilan pala ng pagkagulat nito ay dahil kung nagkataong natuloy ang kanya-kanyang kasal nila sa dating mga kapareha, pareho pa rin sila ng wedding anniversary kung tutuusin. Tama ito, it was indeed a bit odd and funny.
Walang sapat na salitang makakapaglarawan sa kagalakan ni Elizabeth nang makitang muli ang kanyang Kuya Elias. Pero wala iyon sa antas ng kaligayahang nakikita niya sa anyo ni Sam na halos ayaw nang umalis ng ospital para bantayan ang amang hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Ayon sa mangingisdang sumagip sa kapatid niya, hindi daw akalain nitong mabubuhay pa ang kuya niya. Malubha daw kasi ang kalagayan nito nang dalhin nito ang kapatid niya sa maliit na ospital sa bayan nito.Walang TV o radyo sa bahay ng mangingisdang nagmagandang-loob na tulungan ang kuya niya. Kaya naman walang kaide-ideya iyon kung sino eksakto ang kuya niya.
Natigilan si Elizabeth sa akmang pagtawag sa mga nawawala sa mga mesa nitong tauhan niya nang maulinigan niya ang mga boses na nagmumula sa loob ng conference room. Kunot-noong inilapag niya sa ibabaw ng office desk niya ang bag niya. Humakbang siya patungo sa bahagyang nakaawang na pinto ng conference room. Para lang sa marketing department ang silid na iyon. At wala siyang natatandaang ini-schedule niyang meeting para sa araw na iyon.“Ah, Giac, kailangan na naming simulan ang mga ipinapaggawa ni Ma’am Elizabeth sa amin. Baka dumating na siya at hanapin iyon,” wika ni Louie, isa sa mga marketing executive na under niya.
“Hindi ba dapat ako ang nagmo-moment dito at hindi ikaw?” Napapitlag sa gulat si Elizabeth nang marinig ang boses na iyon ni Giac mula sa pinto ng living room. Animo déjà vu na bumalik sa isipan niya ang huling naging pag-uusap nila sa loob ng silid na ito ten years ago. Nakaupo din siya sa window seat noon tulad ngayon. Tulad din ba noon, wawasakin nito ang mg ailusyon niya patungkol sa kanilang dalawa? Nilingon niya si Giac nang maupo ito sa tabi niya. Iniwan niya ito kanina sa terasa kasama si Sh
Kinabukasan ay isang sportsfest ang ihinanda ng events organizer na inupahan ni Lolo Nemo para sa week-long celebration ng kaarawan nito. Ginanap ang naturang sportsfest sa malawak na lupain ng Aseron Farms. At kung may pagdududa pa si Elizabeth ukol sa sinabi ni Giac na pagma-matchmake ni Lolo Nemo sa mga apo nito, binura iyon nang natuklasan niyang numero unong requirement para sa mga kasali sa mga palaro. Kailangan ay pareha ang mga manlalaro. Isang babae at isang lalaki. At hindi pwedeng maging magkapareha ang mga magkakamag-anak.&n
Mapait na napangiti si ELIZABETH. Bahagyang napailing.“Mali ka, Giac. Ang tinutukoy mo ay si Lizzie. That stupid, naïve and love-starved girl who belived you were really in love with her when all along you were just playing around. I just lost my mother that time. Kahit hindi kami masyadong malapit ni Mama sa isa’t isa, kahit paano, binibigyan niya ako ng atensyon at oras noon. Kahit para lang pulaan ako o i-criticize lahat ng kilos ko. “I was so lonely that time. Kaya nang pakitaan mo ako ng maganda, inisip kong ikaw ang makakabura ng lungkot ko dahil nakaya mo akong patawanin kahit mas gusto kong magmukmok noon. I fell in love with the idea of love.
“Ano’ng ginawa mo kay Giac at napapayag mo siyang magpanggap na nobyo mo gayong alam ko namang magka-away na mortal kayong dalawa?! Hindi ka ba nahiya? Nagsisinungaling kayo sa pamilya niya!” kompronta ni Maisie kay Elizabeth nang mapagsolo sila sa hardin matapos niya itong yayaing maglakad-lakad doon pagkatapos ng hapunan. Tulad ng selebrasyon para sa death at birthday anniversary ng yumaong asawa ni Lolo Nemo na si Lola Salome, one-week long affair din ang pagdiriwang ng kaarawan ni Lolo Nemo. Sinimulan lang nito ang tradisyong iyon nang tumuntong na nang seventy-eight ang edad nito. Sa