Home / All / Aseron Weddings / PART 1-RAVIN MEETS HIS GIRL

Share

PART 1-RAVIN MEETS HIS GIRL

Author: Dream Grace
last update Last Updated: 2021-05-12 06:40:50

CHAPTER 1

                                        “I’m really sorry, Ervic, but this is the last time I’m going out with you,” malamig ang boses pero mas malamig ang tinging wika ni Shebbah sa lalaking kaharap.

Mabining sumimsim siya sa straw ng apple juice na tanging inorder niya.

       “W-what?! Ano’ng pinagsasasabi mo, Shebbah?” ulit ni Ervic sa tinig na puno ng hindi pagkapaniwala.

Kunsabagay, sino nga ba namang babae ang kusang makikipaghiwalay dito? Isa itong sikat na basketbolista sa kanilang campus. Kilalang palikero sa dami ng babaeng pinaibig at pinaluha. He was always, always the one to break up with girls. Hindi mga babae mismo ang humihiwalay dito.

Kaya paanong naggawa ng isang fourth year MassCom student na transferee lang sa eskwelahan nila ang makipaghiwalay dito?

 Sure, Shebbah is known as the prettiest girl in campus. Ang totoo, kung nakumbinsi nga lang siya ng mga guro at kaibigan niya na sumali sa katatapos lang na Ms. Collegio de San Isidro, malamang ay siya ang nanalo.

Subalit iyon din mismo ang rason kaya hindi siya sumali. Dahil naisip niyang masyado namang unfair sa iba kung umpisa pa lang ng paligsahan ay ungos na ungos na ang laban niya.

Hindi siya conceited. Hindi rin siya nagmamayabang. Sadya lang may mga mata siya at marunong siyang manalamin kaya hindi ikinakaila ang katotohanang mismong ang mga taong nakapaligid sa kanya ang nagsasabi.

She was a quarter Japanese on her mother’s side and a quarter American on her father’s side. Habang ang nalalabi pang kalahati ay Filipino dahil kapwa half-Filipino ang kanyang ama’t ina.

With her dark brown eyes, chestnut brown hair, creamy complexion and five-foot eight height, she could easily conquer the modeling world. Tulad noong bata pa siya nang isabak na agad siya ng ina sa kung anu-anong commercials sa kabila ng mahigpit na pagtutol ng kanyang ama.

 Subalit ngayong twenty-four na siya, ni katiting na hangaring tumapak muli sa show business ay wala na siya. Halos kalahati yata ng kabataan niya ay nilamon na ng maingay, makulay at magulong mundo na iyon kaya sawang-sawa na siya.

Gusto naman niyang maranasang maging normal kahit papaano. Gusto na rin niyang matapos ang pag-aaral niyang ilang beses niyang hinintuan dahil sa pag-aartista niya noon. Nakakahiya na beinte-kwatro na siya pero heto at hindi pa rin siya tapos. Samantalang karamihan sa mga naging kaklase niya noon sa highschool, lahat ay titulado na.

“Nabingi ka bang bigla, Ervic?” aniya na awtomatikong tumaas ang mga kilay sa kausap.

Hindi niya alam kung ano ang nagbunsod sa kanyang tanggapin ang alok nitong paglabas. Kung tutuusin, maliban sa gwapo ito at mahusay sa basketball, wala na siyang makitang magandang trait nito. He was rude, temperamental, arrogant, lazy and immature.

Dala marahil ng kabagutan niya kaya ipinasya niyang tanggapin ang naunang dalawang beses nitong pagyayaya. Pero hanggang doon na lang iyon. Lalo pa at naririnig niya ang mga ipinapakalat nitong balita na sila na daw nito.

Pero dahil magaan ang mood niya ngayon dahil nakita niyang muli ang kanyang tunay na object of desire bago siya pumasok ng eskwelahan kanina, hindi niya masyadong ginawang brutal ang pakikipag-usap dito.

Ika nga ng kaibigan niyang sina Ceza at Dana, hindi pa daw niya pinapalabas ang mga sungay niya.

“P-pero bakit?! Akala ko ba nag-i-enjoy kang kasama ako?! Ibig mong sabihin pinaasa mo lang ako sa pagpayag mong lumabas kasama ko?!” papataas ng papataas ang tono

nito.

Tuloy napatingin sa gawi nila ang nag-iisang okupante ng katabing mesa nila.

Kanina pa niya napapansin ang madalas na pagsulyap sa kanya ng lalaki. Usually alam niyang tantiyahin kung ano ang nararamdaman ng mga lalaking sumusulyap sa kanya. Mayroong humahanga, mayroong nagnanasa, mayroong nang-uuri at mayroon din namang nagugustuhan lang talagang titigan siya.

Pero kakatwang wala siyang mabasang kahit ano’ng ekspresyon sa anyo ng lalaki. Panay man ang tingin nito sa kanya, wala naman siyang makitang emosyon sa anyo nito. Para itong dispassionate bystander na napasulyap lang sa pinagkakaguluhan ng mga miron pero hindi nais mag-aksaya ng panahong makiusyoso din.

He was not exactly what one would call handsome. Masyado kasing matapang at matitigas ang anggulo ng mukha nito para doon. Kung pahuhulain siya kung ano ang trabaho nito, dalawa lang ang pumapasok sa isip niya, sundalo o hired killer.

There was a hardness in his dark gray eyes that says he’s not a gentle man. A cynical twist in his firm, red lips that says he had seen and done things no regular man does. With his obvious tallness despite his being seated, his high cheekbones, aquiline nose and dark brown hair, he is obviously not a pure-blooded Filipino.

Pero ang kulay nito ay Filipino’ng Filipino. Moreno. At kaninang narinig niya itong mag-order sa waitress ay diretso at ni katiting na foreign accent ay wala sa tinig nito.

“Wala akong sinabing kahit ano sa iyo para umasa ka, Ervic. Kung iniisip mong porket inanunsyo mo na sa buong campus na tayo na ay totoo na iyon, nagkamali ka. Hindi ko problema kung masyado kang mahangin,” kalmadong aniya.

“Damn you, nobody dumps me! Especially women like you, you whore! Hindi mo ako pwedeng ipahiya sa mga---“

Hindi na niya pinatapos pa ang anumang sasabihin nito. She stood up regally. And poured her glass of apple juice on his head just as regally.

“Nobody but nobody calls me a whore, you pig! I may be a bitch but I’m not a whore,” patag pa rin ang tonong aniya dito.

Bagamat sinumang makakakilala sa kanya ay madaling mababasa ang nagliliyab na galit sa mga mata niya.

“Dammit!” malakas na mura ni Ervic.

 Mabilis na tumindig ito at akmang hahablutin ang

braso niya pero naunahan itong pigilan ng matipunong

kamay ng lalaki mula sa katabi nilang mesa. Napa-arko ang

mga kilay niya. Well, well, well, a Sir Galahad!

“Salamat, mister,” matamis ang ngiting tiningala niya ito.

Even at her five-foot eleven inches height now, salamat sa suot niyang three inches heels ay kinailangan pa rin niyang tingalain ang lalaki. Animo higante ito kumpara sa taas ni Ervic na nasa six-foot na. The man must be six-three or four!

Sa halip na kausapin siya, si Ervic ang pinagtuunan nito ng pansin.

“She’s not worth it, man. If you hit her, they will probably just arrest you,” anito.

 Sa tono nito para bang siya pa ang nasa mali at pag-aaksaya lang ng oras at effort ang gagawin sana ni Ervic na panunugod sa kanya. Tipong pinigilan nito si Ervic hindi para proteksyunan siya kundi para tulungan pa ang lalaking huwag magkasala!

“Why you---“

“Be quiet for once, lady. You’ve said enough. Nakaganti ka na, makuntento ka na doon.”

“Sino ka ba? At ano bang pakialam mo sa amin ha?! Will you just mind your own business!” gigil na pameywang niya

dito.

Pero bago pa ito makasagot ay nakalapit na sa kanila

ang manager at head waiter ng kainan.

       “It was nothing. Just a slight misunderstanding. We’ll be leaving now,” ito ang sumagot sa pag-uusisa ng dalawa.

Naglabas ito ng cash na sa hula niya ay sasapat na sa inorder nito pati na sa inorder ni Ervic. Balewalang iniabot nito iyon sa napatanga ditong manager at head waiter.

 Hindi siya henyo pero kahit siya ay madaling nabasa ang pagkamangha at paghangang nakabakas sa anyo ng dalawa habang nakatitig ang mga ito sa mukha ng lalaki.

“You don’t mind if I ask you if you’re that---“

“You’re that man on TV---“

Halos panabay pang wika ng manager at head waiter. Pero kapwa hindi pinatapos ito ng lalaki.

“No, I’m not.”

“Pero kamukhang-kamukha ninyo siya, sir! May---“

“No, you must have mistaken me for someone else. Hindi ako iyon. Kamukha ko lang, marami nang nagtanong sa akin niyan pero hindi ako iyon,” putol nito sa pag-uusisa pa sana ng manager na tila siguradong-sigurado na ito nga iyong taong iniiisip niyon na kamukha nito.

Pero tila hindi mukhang kumbinsido ang manager

maging ang head waiter. Bagamat umalis na ang head waiter

para asikasuhin ang bill ng lalaki.

Kunot-noong mas napatitig naman siya dito. Sikat ba ito? Artista? Pulitiko? Athlete? Wanted hitman?

“Shit! Ikaw iyong sundalong sumagip sa anak ng presidente nang ma-kidnap iyon last year!” surprise of all surprises, si Ervic ang nagbigay kasagutan sa mga tanong sa isip niya ukol sa katauhan ng lalaki.

The man heaved a huge sigh. Muling umiling bago

bumaling sa kanya.

“Coming?” untag nito sa kanya na para bang magkasama sila or more to the point ay magkakilala sila nito!

Gayong kahit itaya pa niya ang paborito niyang Prada bag, sigurado siyang ngayon lang niya ito nakita. Maaaring pamilyar nga rin ito kay Ervic pero sa kanya ay hindi. Bagay na hindi naman ganoon kaimposible.

Hindi naman kasi siya talaga mahilig manood ng balita. Lalo pa at halos lahat na lang ng ipinapalabas sa TV ay puros patayan, nakawan, rape at kung anu-anopang trahedya sa bansa na para bang wala manlang ni katiting na magandang nangyayari sa paligid nila.

“Do I know you, mister?! Or more to the point, do I look like I have a sign that says STUPID on my forehead?! Ang lakas ng loob mong umaktong kilala kita at nakuha mo pang maniwalang basta na lang ako sasama sa iyo!” mataray na tugon naman niya dito.

Bago inismiran ito saka walang lingong lumakad palayo.

Narinig niya ang pagtawag sa pangalan niya ni Ervic pero hindi na niya ito nilingon. The nerve of that man! Ano porket pumayag siyang lumabas sila awtomatiko nang sila?!

Halos inaasahan na niya ang gagawin nitong paghabol. At nakahanda na ang kamay niya sa paghawak sa pepper spray na laging baon niya sa handbag niya.

Subukan lang nitong kumilos ulit nang hindi niya gusto at talagang makakatikim na ito sa kanya. Ngunit kakatwang hindi ito sumunod pa sa kanya. Hanggang makalabas siya ng restaurant ay walang annoying Ervic na pumigil sa kanya.

Nagtatakang napahinto tuloy siya sa paglalakad at lumingon sa pinanggalingan. Ni hindi niya namalayang kasunod na pala niya ang estrangherong lalaki.

 Para sa isang malaking tao, mistulang pusa ang bawat yabag nito, walang ingay. Kaya bumunggo siya sa malapad na

dibdib nito pagpihit niya sa pinanggalingan.

“Oof!” sambit niya.

Para siyang bumunggo sa Mt. Apo.

Maagap na hinawakan naman siya nito magkabilang

braso at inilayo sa katawan nito. Isang bahagi niya ang nais magprotesta. Para kasing masarap singhutin ang panlalaking pabango nito na kakaiba sa lahat ng naamoy niya. It must be because of his manly scent mixing with the expensive cologne.

Animo nilalandi niyon ang hormones niya at tinutukso siyang magpalabas ng pheromones.

‘Magtigil ka, Shebbah Marie! Ni hindi mo nga kilala ang lalaking iyan! Eh ano kung macho siya at parang gumagwapo sa matagalang pagtitig?’ gigil na sawata niya sa sarili.

“So? Where to? Uuwi na ba tayo? O gusto mo pang balikan ang boyfriend mo at iyong beef mushrooms naman ang ipaligo sa kanya?” untag nito sa napaka-kaswal na

paraan.

Kung maari lang niyang tanggalin pansamantala ang mga kilay at pataasin iyon hanggang bumbunan niya, malamang ginawa na niya. As it is, hindi niya ito sinagot. Binigyan lang niya ito ng pamosong I’M-A-PRINCESS-KEEP-YOUR-DIRTY-HANDS-OFF-ME look niya.

Tinging naperpekto na niya two years old pa lamang yata siya at alagang kurutin ng mga matatanda ang pisngi niya. Sabi ng daddy niya, madalas daw niyang gamitin iyon sa mga hindi niya gustong matatanda.

Ngunit imbes na masindak o mangimi ay tila naaliw pa ito. Bagamat hindi niya sigurado iyon dahil hindi naman nagbago ang ekspresyon nito. Pero ang mas nakakairita ay sinagot pa siya nito ng sariling bersyon nito ng parehong tingin.

Inis na tinalikuran na lamang niya ito. Lumakad siya ng ilang hakbang palayo dito at saka niya binunot ang cellphone niya. Idinayal niya ang numero ng driver nila.

“Hello? Mang Lino? Pakisundo naman po ako dito sa San Pedro. Narito pa po ako sa The Villa Restaurant,” aniya nang sagutin ng limampung taong gulang na tapat na driver nila ang tawag niya.

Sinabihan na niya ito kanina na malamang ay magpasundo siya dito pagkagaling sa date nilang ito ni Ervic. May kutob na kasi siyang hindi tatanggapin nang maayos ng lalaki ang sasabihin niya dito. Kaya alam niyang imbes na umuwi na ay naghihintay lang ng tawag niya si Mang Lino sa

bahay nila.

“Ha? Aba’y bakit? Hindi ba dumating diyan si Ravin? Sabi niya’y siya na daw ang bahalang sumundo sa iyo ah. Ay, pinagalitan pa nga ako dahil bakit daw hindi pa ako sumama o sumunod sa inyo ni Sir Ervic,” ang nagtatakang tugon naman nito.

“Ravin? Who’s Ravin?” sambit niya na wala sa loob na napasulyap sa lalaking nakahalukipkip na minamasdan siya.

Tila bilang sagot sa tanong niya, itinuro naman nito ang sarili. At sa unang pagkakataon ay nasilayan niyang magkaroon ng emosyon ang kanina pa animo nililok sa batong anyo nito. Isang smug na ngisi ang bumakas sa mga labi nito.

“Ay, siya iyong sinasabi sa iyo ng Daddy mo na kinuha niyang bodyguard mo. Iyong dating Navy Seal daw,” ani Mang Lino sa kabilang linya.

Naniningkit ang mga matang tinalikuran niyang muli ang lalaki.

“Mang Lino, ano ho ang hitsura niya?” untag niya sa driver.

“Ay, matangkad, mukhang Kano at naka-puting t-shirt at gray na jacket.”

 Eksakto ang deskripsyong iyon ni Mang Lino sa suot ng

estranghero.

“Wala pa ba siya diyan? Pero sabi niya kanina ay alam niya iyang The Villa. Teka at ako na ang susunod diyan. Sa loob---“

Isang talunang buntung-hininga ang pinakawalan niya.

“Huwag na ho, Mang Lino. Narito na ho siya. Salamat ho.

Bye,” aniya.

Tinapos niya ang tawag. Pero nang lingunin ang lalaki ay may pagdududa pa rin sa mga mata niya.

“Show me your ID,”utos niya dito.

“Please,” wika nito na inarkuhan siya ng mga kilay.

“Huh?” pagtataka naman niya.

“Say please. Hindi mo ako utusan para gamitan mo ako ng ganyang tono,” wika naman nito.

 At sa hitsura nito kahit abutin sila ng taghukom doon, balewala dito. Maghihintay muna itong sabihin niya ang gusto nito bago nito iabot ang hinihingi niyang ID nito.

“Please,” walang kabuhay-buhay na aniya na lang kaysa makipagtalo pa dito.

Nagsisimula nang umatake ang migrane niya kaya gusto na niyang makauwi sa lalong madaling panahon. First, Ervic. And now, this annoying man! Sadya talaga siyang minamalas nang gabing iyon!

Iniabot naman nito ang ID nito. At kusang tumaas ang isang sulok ng mga labi niya nang mabasa ang tunay na pangalan nito. May pa-Ravin-Ravin pa ito gayong ang tunay na pangalan naman pala nito ay Robertinus. Robertinus Aseron Navarre ayon sa lisenysa nito.

Bahagyang napakunot-noo siya sa middle name nito. It

sounded familiar to her. As a matter of fact, even his surname is familiar. Saan nga ba niya---ah, tama! Ang bagong kasosyo ng Daddy niya sa bagong pinagka-interesan nitong pasukang negosyo.

Aseron din ang apelyido niyon. Si Lolo Nemo Aseron.

The eccentric billionaire behind ASRON Food Manufacturing Corporation. Ang may gawa ng mga paborito niyang preserved fruits at Beat hotdogs.

Tatlong beses na niyang nakatagpo ang negosyante na sa kabila ng edad nitong seventy-nine ay napakatikas at napaka-gwapo pa rin. Akala nga niya noong una itong ipakilala sa kanya ng ama niya ay kasing-edad lang ito ng fifty-year old niyang ama.

Samantalang ang apelyidong Navarre ay kilalang angkan din. Kung sakaling monarkiya ang Pilipinas, masasabi niyang nasa hanay ng mga duke at prinsipe ang dalawang naturang angkan.

Paanong naging isang Aseron at Navarre ito? Hindi ba’t mas tamang ito ang mangailangan ng bodyguards imbes na ito ang mismong bodyguard kung totoo ngang kapamilya nito ang mga pamosong Aseron at Navarre? Kunsabagay posible din namang malayong kamag-anak na lamang ito ng bilyonaryong si Lolo Nemo.

“Are you related to the Aserons from Isla Fuego and the Navarres from Montagu?” nagdududang untag niya dito nang ibalik nita dito ang lisenysa nito.

Bahagyang umarko naman ang isang kilay nito. Tila biglang nagtaka o mas tamang sabihing nagduda sa kanya.

“Hindi mo ba talaga alam o mahusay ka lang talagang artista?”

“Meaning?”

Bumuntung-hininga naman ito. “My grandfather recommended me as your bodyguard to your father. Nemo Aseron is my grandfather.”

“Oh!” sambit niya.

Pero imbes na masagot ang kuryusidad niya mas lalo lang lumalim iyon. If he was really Lolo Nemo’s grandson, how come he is working as a bodyguard? Bilyonaryo ang lolo nito at halos lahat yata ng kompanya sa buong bansa ay stockholder iyon.

The old man rubs elbows with the Townsends, the Cassidys, the Winters and the Nevados. The cream of the crop, so to speak. Kaya paanong naging sundalo at ngayon ay bodyguard ang apo ng isang bilyonaryo?

“Kung gayon bakit ka nagtatrabaho bilang bodyguard

kung lolo mo pala si Lolo Nemo? A billionaire’s grandson

who happens to ba a soldier too?!

Related chapters

  • Aseron Weddings   PART 1-SPARKS FLY

    “Anak ka ba sa labas? Hindi ka ba niya tinatanggap bilang totoong apo niya kaya wala kang posisyon sa kompanya ninyo at kinakailangan mong buhayin ang sarili mo nang walang tulong niya? O itinakwil ka niya?” walang prenong usisa niya dito.Hindi kasi siya naniniwala sa mga paliguy-ligoy na usapan. Kung may gusto siyang malaman, tatanungin niya ng diretsahan. Para bawas misunderstanding at bawas din sa aksaya ng panahon.Matabang na tinignan siya nito. “Why don’t you try asking me all the questions bugging you? Huwag mo nang isipin pa ang manners, pagiging magalang o pagrespeto sa personal na buhay ng taong bagong kakilala mo pa lang. Go on, ask what you want to ask,” puno ng sarkasmong anito.Kung inaasahan nitong mapapahiya siya sa disimuladong pagkastigo nito ay bigo ito.“I am a

    Last Updated : 2021-05-12
  • Aseron Weddings   PART 1-THE BODYGUARD

    MULING nagkibit-balikat si Shebbah. Hindi niya matukoy kung bakit pero habang minamasdan niya ang mukha ng bodyguard niya, tila may munting tinig sa likod ng tainga niya na nagsasabing may kamukha itong tao na nakita na niya matagal na. Kanina nang una niya itong masilayan ay estranghero talaga ito sa mata niya. Pero ngayon, animo may pamilyaridad na binubuhay sa kanya ang napansin niyang mannerism nitong idinidiin ng hintuturo sa sentido.“So? It was just a dead cat and rat. Now if it was a bunch of dead cockroaches, I would’ve freaked out! Takot ako sa ipis eh. Pero hindi ako takot sa pusa o kahit pa sa daga, ’’ aniya.Nakita niya ang eksasperadong pag-ikot nito ng mga mata sa rearview mirror.‘’Hindi naman iyon tungkol sa kung ano talag

    Last Updated : 2021-05-12
  • Aseron Weddings   PART 1-THAT WOMAN

    “I swear, if that woman hurts my dad, isa-isa kong bubunutin lahat ng hibla ng buhok niya!” mariing aniya kay Ravin na para bang kilala nito si Hetty.Umarko ang isang kilay nito. At sa pagkakataong iyon, hindi na nito itinago ang pagka-aliw sa mga kulay abuhing mata nito.“Hindi ko trabahong pakialaman ang personal na buhay ng ama mo. Kinuha niya ako para tiyaking hindi ka mapapaano. Kaya wala akong opinyon tungkol diyan.” “Hah! Right! Anyway---where are we going?! Hindi ito ang daan pauwi sa bahay namin!” puna niya nang makita ang kalsadang dina

    Last Updated : 2021-05-13
  • Aseron Weddings   PART 1-SLEEPING TIGRESS

    ISLA FUEGO.Maya’t maya ang pagsulyap ni Ravin sa natutulog niyang pasahero sa back seat. Kung kanina ay animo ito leon na handang manlapa ng tao, ngayon ay mistula itong napaka-among kuting na nahihimbing.Nakahiga ito pahaba sa upuan. Nakaunan sa ulo nito ang bag nito. Nakaipit sa ilalim ng kaliwang pisngi ang magkasalikop na mga palad.Ni hindi ito natinag kaninang buhatin niya mula sa kotse nito palipat dito sa pick-up truck niya. Iniwan kasi niya sa pantalan sa Batangas ang kotse nito imbes na isakay pa iyon sa barge. Alam naman kasi niyang naghihintay sa kanila sa Puerto Fuego ang sasakyan niya.Mula nang marinig nito ang tungkol sa bombang ipinadala dito ay nasaksihan niya ang tila unti-unting pagtakas ng tapang at seguridad nito. Kung noon ay isa lang walang kwentang kalokohan ng isang hindi kilalang estranghero ang mga death threats na natatanggap nito,

    Last Updated : 2021-05-14
  • Aseron Weddings   PART 1-NEW

    Ang amoy ng freshly brewed na kape ang gumising sa nahihimbing pang kamalayan ni Shebbah. Hindi siya masyadong mahilig sa gatas pero pagdating sa kape, kayang-kaya niyang lumaklak ng isang drum sa isang upuan lang. Lalo na iyong kapeng barako. Kaya naman agad na napabalikwas siya ng bangon. Para lang mapatda nang makita ang matangkad na lalaking nakatayo sa tapat ng bukas na bintana ng hindi pamilyar na silid na kinaroroonan niya. Nakatalikod ito sa kanya. Pero kahit ganoon ay agad niyang nakilala ito. Tila may mata sa batok na naramdaman naman nitong gising na siya kaya agad itong lumingon sa kanya. ‘’Good, you’re awake!’’ bigkas nito bago sumimsim sa hawak na mug ng kape.

    Last Updated : 2021-05-15
  • Aseron Weddings   PART 1-SENSIBLE

    Nasa aktong pag-inom sa baso ng tubig si Ravin nang mapa-angat ang tingin niya mula sa binabasang dyaryo. Kaya nang makita niya ang hitsura ni Shebbah ay nasamid siya.“Ano? Buhay ka pa?” ang naaaliw nitong pakli nang tuluyang lumapit sa dining table kung saan naghihintay siya.“Saan ka pupunta? May photo shoot ka ba?” aniya para pagtakpan ang inisyal na kagalakan na nadama niya sa nasilayang kagandahang nakahain sa harap niya.Tila natigilan din naman si Shebbah. Nagtatakang niyuko nito ang sarili.“Ano’ng mali sa suot ko?” ang puno ng kuryusidad na tanong nito.Napakamot sa ulong umiling na lamang si Ravin.“Isasama sana kita sa paglilibot sa farm ko. Pero hindi na bale.”Tumaas ang mga kilay ni Shebbah. Nameywang pa ito.

    Last Updated : 2021-05-16
  • Aseron Weddings   PART 1- JEALOUS

    Lihim na napaismid si Shebbah. Gusto ni Ravin na patunayan sa sarili kung gaano siya kamaldita. Kung bakit at para saan, hindi niya alam. Pero hindi niya ito pinagbigyan.Kaswal na sinipat naman niya ang mga kuko niya.“Oh, you’ll see her soon enough. Kung hindi mo ako titigilan sa panunubok mo sa pasensya ko. As it is, sinusunod ko lang ang bilin ni Dad na maging mabait sa iyo. After all, malaking pabor ang ginagawa mo para sa akin ngayon.“I may be a bitch but I’m not an ungrateful bitch. Marunong akong tumanaw ng utang na loob. Huwag mo lang

    Last Updated : 2021-05-17
  • Aseron Weddings   PART 1-NOT JEALOUS

    Habang humahakbang palayo kina mang Simoy, Aling Gunding at Shebbah ay nais tadyakan ni Ravin ang sarili niya.Batid niyang umakto siyang parang gago kanina nang ilayo niya si Shebbah kay Reden. Hindi rin niya alam kung saan nanggaling ang pagkayamot na namuo sa dibdib nang makita niya ang totoong ngiting sumilay sa mga labi ng dalaga habang kausap ang binatilyo. Hindi niya matukoy kung saan siya mas naiinis. Sa pagngiti nito sa binatilyo o dahil naunahan siya ng binatilyo na patikimin ng mga saging nila ang dalaga. Kahit alin pa sa dalawa, kalokohan pa rin ang nadama niya. Eh ano naman kung

    Last Updated : 2021-05-18

Latest chapter

  • Aseron Weddings   PART 4-TWENTY-SEVEN, YOU'LL BE THERE FOR ME

    Isa-isa naman nitong inilarawan ang tatlong lalaking disimuladong namilit ditong aminin ang totoo. Nang matapos ito ay hindi niya malaman kung matatawa o mapapaiyak. Isa sa mga tinukoy nito ay walang dudang si Hisoka, isa sa mga pinsan ni Giac. Ang dalawa pa ay halos natitiyak na niyang ang dalawa pang pinsan ni Giac na sina Flynn at Ethan.“Huwag kang mag-alala, sisikapin kong makausap si Giac para ipaliwanag ang lahat. Aaminin ko sa kanya ang plano namin ni Maisie. Pati na ang pagiging peke ng mga litrato,” anito. “No need, I already know it’s fake.”

  • Aseron Weddings   PART 4-TWENTY-SIX, SHOCKED, LIZZIE LOVE?

    Mabilis na ibinaba ni Elizabeth sa ibabaw ng kitchen counter ang hawak niyang bowl ng fruit salad nang maulinigan ang pagparada ng sasakyan ni Giac sa harap ng bahay niya. Hinayaan na lang niyang si Aling Ching ang magbukas ng gate at magpatuloy dito. Sabik na inabangan na lang niya ito sa sala. “Giac,” masigla ang ngiting bati niya dito. Lumapit siya dito at akmang ipapaloob ang hapong katawan sa mga bisig nito. Subalit imbes na yakapin siya ay pinigilan siya ni Giac sa mga braso at inilayo dito.

  • Aseron Weddings   PART 4-TWENTY-FIVE, I LOVE YOUS

    Minasdan ni Elizabeth ang pagkalat ng pagkagulat sa anyo ni Giac dahil sa sinabi niya. Alam niyang alam na nito ang tungkol kay Justin kaya bakit tila labis na nagulat ito?“Hindi ko alam na ngayon din pala ang petsa ng kasal ninyo dapat. It’s funny and a bit odd. You see, ngayon din dapat ang petsa ng kasal namin ni Shaina seven years ago,” anito na tila sinasagot ang pagtataka sa anyo niya dahil sa pagkagulat na bumakas sa mukha nito.Kung gayon ang dahilan pala ng pagkagulat nito ay dahil kung nagkataong natuloy ang kanya-kanyang kasal nila sa dating mga kapareha, pareho pa rin sila ng wedding anniversary kung tutuusin. Tama ito, it was indeed a bit odd and funny.

  • Aseron Weddings   PART 4-TWENTY-FOUR, BY HER SIDE

    Walang sapat na salitang makakapaglarawan sa kagalakan ni Elizabeth nang makitang muli ang kanyang Kuya Elias. Pero wala iyon sa antas ng kaligayahang nakikita niya sa anyo ni Sam na halos ayaw nang umalis ng ospital para bantayan ang amang hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Ayon sa mangingisdang sumagip sa kapatid niya, hindi daw akalain nitong mabubuhay pa ang kuya niya. Malubha daw kasi ang kalagayan nito nang dalhin nito ang kapatid niya sa maliit na ospital sa bayan nito.Walang TV o radyo sa bahay ng mangingisdang nagmagandang-loob na tulungan ang kuya niya. Kaya naman walang kaide-ideya iyon kung sino eksakto ang kuya niya.

  • Aseron Weddings   PART 4-TWENTY-THREE, A GOOD SURPRISE

    Natigilan si Elizabeth sa akmang pagtawag sa mga nawawala sa mga mesa nitong tauhan niya nang maulinigan niya ang mga boses na nagmumula sa loob ng conference room. Kunot-noong inilapag niya sa ibabaw ng office desk niya ang bag niya. Humakbang siya patungo sa bahagyang nakaawang na pinto ng conference room. Para lang sa marketing department ang silid na iyon. At wala siyang natatandaang ini-schedule niyang meeting para sa araw na iyon.“Ah, Giac, kailangan na naming simulan ang mga ipinapaggawa ni Ma’am Elizabeth sa amin. Baka dumating na siya at hanapin iyon,” wika ni Louie, isa sa mga marketing executive na under niya.

  • Aseron Weddings   PART 4-TWENTY-TWO, SHE LEFT ME

    “Hindi ba dapat ako ang nagmo-moment dito at hindi ikaw?” Napapitlag sa gulat si Elizabeth nang marinig ang boses na iyon ni Giac mula sa pinto ng living room. Animo déjà vu na bumalik sa isipan niya ang huling naging pag-uusap nila sa loob ng silid na ito ten years ago. Nakaupo din siya sa window seat noon tulad ngayon. Tulad din ba noon, wawasakin nito ang mg ailusyon niya patungkol sa kanilang dalawa? Nilingon niya si Giac nang maupo ito sa tabi niya. Iniwan niya ito kanina sa terasa kasama si Sh

  • Aseron Weddings   PART 4-TWENTY-ONE, HE LOVES ANOTHER WOMAN

    Kinabukasan ay isang sportsfest ang ihinanda ng events organizer na inupahan ni Lolo Nemo para sa week-long celebration ng kaarawan nito. Ginanap ang naturang sportsfest sa malawak na lupain ng Aseron Farms. At kung may pagdududa pa si Elizabeth ukol sa sinabi ni Giac na pagma-matchmake ni Lolo Nemo sa mga apo nito, binura iyon nang natuklasan niyang numero unong requirement para sa mga kasali sa mga palaro. Kailangan ay pareha ang mga manlalaro. Isang babae at isang lalaki. At hindi pwedeng maging magkapareha ang mga magkakamag-anak.&n

  • Aseron Weddings   PART 4-TWENTY, FORGET MY OWN DREAMS

    Mapait na napangiti si ELIZABETH. Bahagyang napailing.“Mali ka, Giac. Ang tinutukoy mo ay si Lizzie. That stupid, naïve and love-starved girl who belived you were really in love with her when all along you were just playing around. I just lost my mother that time. Kahit hindi kami masyadong malapit ni Mama sa isa’t isa, kahit paano, binibigyan niya ako ng atensyon at oras noon. Kahit para lang pulaan ako o i-criticize lahat ng kilos ko. “I was so lonely that time. Kaya nang pakitaan mo ako ng maganda, inisip kong ikaw ang makakabura ng lungkot ko dahil nakaya mo akong patawanin kahit mas gusto kong magmukmok noon. I fell in love with the idea of love.

  • Aseron Weddings   PART 4-NINETEEN, THE EVIL SISTER

    “Ano’ng ginawa mo kay Giac at napapayag mo siyang magpanggap na nobyo mo gayong alam ko namang magka-away na mortal kayong dalawa?! Hindi ka ba nahiya? Nagsisinungaling kayo sa pamilya niya!” kompronta ni Maisie kay Elizabeth nang mapagsolo sila sa hardin matapos niya itong yayaing maglakad-lakad doon pagkatapos ng hapunan. Tulad ng selebrasyon para sa death at birthday anniversary ng yumaong asawa ni Lolo Nemo na si Lola Salome, one-week long affair din ang pagdiriwang ng kaarawan ni Lolo Nemo. Sinimulan lang nito ang tradisyong iyon nang tumuntong na nang seventy-eight ang edad nito. Sa

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status