Nang malaman ni Christelle Alessandra Galvez na s'ya ay nagdadalang tao ay excited s'yang ibalita ito sa kanya nobyo, kay Mir Leonel Alejandro, she wanted to surprise him on their fourth year anniversary but fate twisted when she caught her boyfriend cheating on her with her school mate, Sabrina. Nakipag hiwalay si Leonel kay Christelle at dahil nga buntis si Christelle ay nagmakaawa ito kay Leonel na wag itong ipagpatuloy, ngunit kahit sinabi na ni Christelle na buntis ito ay tuluyan pa ding nakipag hiwalay si Leonel matapos ang masasakit na salitang binitawan nito kay Christelle. ------- Walong taon matapos ang nangyari at muling nagkita sina Christelle at Leonel sa isang coffee at dahil gustong makabawi ni Christelle ay nagkunwari itong hindi kilala si Leonel. Leonel couldn't accept the fact that Christelle denied him so, he did something unbelievable ---- He kidnapped Christelle and brought her in the middle of the sea where they are the only people there. Christelle got mad at him and to ease Christelle's anger Leonel brought up an agreement, they will stay together on the yatch for a week nang hindi nag-aaway and after that, the agreement was off and Christelle can go back to her old life. Pumayag si Christelle sa paniniwalang wala namang ibang pwedeng mangyari sa loob ng isang linggo. but the question is... What could possibly happen for week? Can she really hold her anger towards him until the end of their agreement?
View More"Hoy!Gising!!" Nagising ako sa isang malakas na sigaw ng kung sino. Napatingin ako sa paligid ko at bahagya pang nasilaw dahil umaga na naman pala, mga basyo ng jack daniels, tin cans ng beer at apat na bote ng tequila na walang laman na nakakalat sa sahig ang bumugad saakin. Good morning ah. Nilibot ko pa ng kaunti ang mata ko na bahagyang nakapikit dahil nasisilaw sa ilaw at tumambad saakin ang naka taon na single sofa, couch, at side table, katabi nito ay ang lamp shade na basag din. Pinilit kong inupo ang aking sarili mula sa pagkakahiga, medyo nahihilo pa ako at ang sakit-sakit ng ulo ko. Hangover nanaman, anak ng patatas. Dahil wala akong nakuhang impormasyon kay Riley ay bumalik ako sa condo ko kahapon ng bigo, pagkarating ko ay umiyak kaagad ako, uminom at nagwala pa 'ata? "A-Ang aga aga andito agad kayo?!" Inis kong tanong sa mga kaibigan ko Nasa harapan ko silang lahat, nakatayo at ang aayos ng mga hitsura habang ako ay andito sabog pa dahil sa hangover. "Lasing
Dalawang linggo na matapos ang hiwalayan namin ni Christelle pero walang nagbago sa routine ko, kundi iinom, ay iiyak at kundi iiyak ay magmamakaawa sa 'kanya' na ibalik na saakin si Christelle. Nakakapagod pero ito lang ang alam ko para makalimutan ng panandalian ang sakit. "D*mn it, Alejandro, are you planning to kill your self?!" Iyon ang ibinungad saakin ni Lucifer matapos nila akong bisitahin sa condo ko. Nakahiga ako sa sala ng condo ko, nakatulala sa ceiling, hinahayaang dumaloy ang mga luha sa aking mga mata at napapalibutan ng mga bote ng alak. Napasobra nanamn ata yung inom ko. tss. Lahat ba ng alak na to naubos ko? ang dami. "Buhay pa ba yang g gong yan?" Singit naman ni Lucco mula sa kung saan. "Buhay pa yan, ang masamang damo mahirap matigok." tatawa-tawang sagot ni dash "Sabagay, gumulong nga sa hagdan ng bahay nila yan noon e until now buhay pa din." Tumatawang dagdag naman ni Lucifer. Sinubukan kong idilat ang mga mata ko pero agad ding napapikit sa sakit ng
Today's the day. Ngayon araw na ako makikipag hiwalay kay Christelle, alam kong hindi tama lalo pa't anniversarry namin ngayong araw pero wala na akong choice dahil ito lang ang parraan na alam ko para magalit s'ya saakin ay layuan n'ya ako. Halos dalawang linggo na din akong hindi nagpapakita sa kanya, kahit na anong aya n'ya saakin lumabas at magkita ay tinatangghan ko, natatakot kasi ako na baka kapag nita ko ang mukha n'ya ay magback-out na lang ako bigla at hindi tumupad sa usapan namin ng tatay n'ya. Magaling na din si Mommy at halos bumabalik na ang buhay namin noon. Oo, ganon kabilis kaming natulungan ng tatay ni Christelle, ganon kabilis bumalik ang buhay namin sa dati dahil sa tulong n'ya. "Are you ready?" Walang emosyon kong taong kay Sabrina. S'ya lang ang tanging tao na alam kong makakatulong saakin at hindi lingid sa kaalaman kong may gusto s'ya saakin. Hindi ganitong klase ng plano ang naisip ko noon pero kung hihiwalayan ko lang si Christelle ng walang dahilan ay
Nagising ako kinabukasan dahil sa katok mula sa pintuan ng kwarto ko, pipikit-pikit akong bumangon para tingnan kung anong oras na. Alas otso pa lang, inaantok pa ako dahil madaling araw na din akong natulog kakaisip sa kung paano ako makakatulong sa pamilya ko."Come in, the door's open..!" Medyo malakas kong sigaw, pumasok naman mula sa pinto si Kyline, my youngest sibling. "Why?" Tanong ko dito matapos humikab."Kuya... d-do you have money pa ba?... I uhm... need ko na kasi ibigay yung kulang na bayad para... para sa school trip namin..." Tila nahihiya nitong sabi, pinaglalaro n'ya ang kanyang mga daliri habang nakatingin duon."How much?" "it's... 7,250 pesos, Kuya..."Bumangon ako sa kama ko para kunin ang bag ko, I fished my wallet from my bag at napamura ako sa isip ko nang makitang hindi aabot ang pera ko. Tatlong libo lang ang meron ako. Kinuha ko iyon at iniabot kay Kyline, "here, ihahatid ko sa school n'yo mamaya yung kulang before your first class ends." Mabilis naman a
Leonel's POV"Pre, may naghahanap sayo sa labas." Tawag saakin ni Owen sabay turo sa labas ng room namin."Salamat, p're." I tapped his shoulder before going outside. Wala pa naman kaming Prof. kaya ayos lang kung lumabas ako sandali.Nang makalabas ako ng room ay inilibot ko pa ang paningin ko upang makiga kung sinong naghahanap saakin at dun ko nakita ang isang pamilyar na bulto ng lalaki. Nakatayo ito sa tapat ng bench sa batibot, katapat ng room namin ang batibot kaya naman nakita ko agad ito."Sir.." Magalang kong tawag dito matapos kong makalapit sa kanyang harapan.He look at me formally, "Are you busy? May I ask for a couple minutes of your time, Leonel?" Pasimple akong napatingin sa relo ko at nang makitang mahaba pa naman ang oras kong bakante ay saka ako sumagot. "Sure, sir." Pormal kong sagot sa kanya. He is the father of Christelle, girlfriend ko, the one and only Christopper Galvez. It's a while since we met, ang huli ata naming pagkikita ay nung araw na ipakilala ako
Mas lalong nanlaki ang mga mata ko, hindi ako makapaniwala sa sinasabi ni Leonel. Hindi ako naniniwalang totoo ang sinasabi n'ya pero parang may kusa ang sarili ko at napahagulgol na lamang ako sa aking mga palad, hindi"N-no... D-diem can't do that to us..." umiiling kong sabi habang patuloy sa pag iyak at pag hikbi. Hindi ako naniniwala, hindi ako makapaniwala!"S'ya mismo ang nagsabi saakin ng bagay na yan.. he asked to meet me two years after our separation. He told me to stop bothering you and stop looking for you because he won't let me find you..." nag isang linya ang labi ni Leonel, huminto ng bahagya ang kanyang pag-iyak at mahigpit na nakayukom ang kanyang mga palad. "and you stop because he told you—"No." He cutted me again. "I didn't stop, hindi ko pinansin ang utos n'ya kasi sino ba s'ya? Pinsan lang s'ya ng babaeng mahal ko, wala s'yang karapatang diktahan ako." Mas lalo akong napahagulgol sa sinabi ni Leonel, hindi ko alam pero parang mayroon sa puso ko na matagal nan
Nakapikit ang aking mga mata habang hinahayaan kong dumaloy ang maligamgam na tubig sa aking mukha, iniisip ko kung kakayanin ko bang makasama si Leonel sa buong gabi at pasimpleng hinihiling na sana ay huwag nang muling mapag-usapan ang aming napag-usapan noong nakaraang araw. Ayaw ko nang muking balikan ang sakit na iyon lalo pa't hindi pa ako nakaka-recover ng maayos sa naging sagutan naming dalawa.Isa sa pa sa iniisip ko ay si Riley, hindi ako makapaniwalang binenta ako ng sarili kong best friend sa kapatid n'ya at isa lang ang alam ko, lagot s'ya saakin kapag nakabalik ako sa Manila. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote n'ya at sinet up n'ya ako sa ganitong bagay, lalo pa't alam naman n'yang ayaw kong nalalapit kay Leonel. Isa pa sa inaalala ki ay ang mga anak ko, malakas ang ulan sa manila ngayon —ayon kay Leonel, nag-aalala ako sa mga anak ko kahit pa alam kong kasama nila sila Mommy. Kawawa naman ang mga anak ko at sigurado akong naghintay sila saaking pagbalik, kaya l
"Leonel?..." Hindi ko makapaniwalang saad nang tuluyan nang makalapit saakin ang bulto.Malakas pa rin ang ulan at nababasa na si Leonel, gulat din ang kanyang hitsura at mukhang hindi inaasahan na makikita ako dito sa gitna ng daan."Christelle, what are you doing in...here?" Bakas ang pagtataka sa boses ni Leonel pagkatapos n'yang tingnan ang paligid kung nasaan kami.Napaiwas ako ng tingin dahil sa kahihiyan. Basa ang kalahti ng katawan ko dahil nakasilip pa din ang kalahati ng katawan ko sa bintana ng kotse ko, habang si Leonel naman ay nakatayo sa labas ng aking sasakyan, hawak ng isang kamay n'ya ang sapatos na ibinato ko kanina habang yung kabilang kamay naman n'ya ay hawak ang pumutok n'yang noo."D-dumudugo yung noo m-mo..." Hindi ako makatingin sa kanyang mga mata nang sabihin ko yun lalo pa at alam kong ako ang dahilan kung bakit pumutok ang noo n'ya."Y-yeah.." Napahawak s'yang muli sa kanyang noo na pumutok at saka mahinang natawa. "So, what are you doing in here? It's
Wala akong pinagsabihan ng nangyari sa pagitan namin ni Leonel, maging si Tiara na alam na magkikita kami ay walang alam sa kung ano ang buong nangyari. Wala akong balak i-kwento ang nangyari sa kahit na kanino at wala din akong balak sa buksan pang muli ang usapin na iyon, masyado ata akong naubos sa nangyari nuong nakaraan. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Hindi ko sinabi sa kahit na kanino ang nangyari, not because I am protecting Leonel or what but because I want to protect our peace; I want to protect my children and I want to keep them away from him. He can only do nothing but hurt them, alam na alam ko na yun; Hindi din p'wedeng malaman ng mga anak ko na s'ya ang tatay nila, mamamatay muna ako bago iyon mangyari.Nagmamaneho ako ngayon papunta ng batangas, ayos na ang kotse ko at kalalabas lang sa talyer kahapon. Papunta ako ng batangas ngayon dahil nakiusap saakin si Riley kanina na kunin ang Blueprint n'ya para sa isa pa n'yang project na nasa manila naka-base, hindi daw
Christelle's POV 'You can do this, Christelle..' I calm myself. Huminga ako ng malalim para mapakalma ang aking sarili dahil sobra talaga akong kinakabahan. I'm here in front of my boyfriend's condo, It's our first anniversary, and I wanted to surprise him. I don't know if I am feeling this feeling because I am too nervous to tell him that I am pregnant and we're having a baby or there's something else.. "Oh gad..! Ano ba itong iniisip ko?.." I ignore that feeling and continue to enter Leonel's door, and I was surprise when a panty.. on the floor greeted me.. What the heck?! I stormed to my boyfriend's room and there.. I saw him.. moaning.. on the top of my classmate. Sarap na sarap ang kanyang hitsura, tila ninanamnam ang bawat oras ng pag iisa ng kanilang katawan. "Oh my gad! What the hell is this, Leonel!?" Nahulog ko ang dala-dala kong cake at nabitawan ang aking hawak na mga lobo, nagliparan ang mga ito sa loob ng kwarto ni Leonel at kasabay ng pagkasira ng cake na h...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments