His Pet Nanny

His Pet Nanny

last updateTerakhir Diperbarui : 2024-09-19
Oleh:   sweetjelly  Tamat
Bahasa: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
6 Peringkat. 6 Ulasan-ulasan
100Bab
5.9KDibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Nag-apply bilang pet nanny, natanggap bilang asawa. Si Charmaine, isang nineteen years old na dalaga, dahil sa matinding pangangailangan ay pumayag sa alok na fake marriage ng isang thirty-two years old at mayamang binata. Paano kung ang fake marriage nila ay mauuwi sa totoong kasal? Mauuwi din ba kaya sa totoong pagmamahalan ang pagsasama nila, o mauuwi sa pagkasawak ng mga puso nila?

Lihat lebih banyak

Bab terbaru

Pratinjau Gratis

Kabanata 1

(((CHARMAINE))) “Charmaine, lakad na! Ano ka ba naman! Sabi ko naman sa’yo, ako na ang bahala kay Nanay,” apura sa akin ni Daisy. Matalik kong kaibigan. Kapapasok lang nito sa bahay, at heto tumalak agad. Alam niya kasi na may job interview ako ngayon. Mama nga kasi niya ang nag-recommend sa akin sa trabahong ‘yon. Mabuti na lang at nagkataon naman na wala siyang pasok sa eskwela, kaya siya ang nagpresenta na magbantay kay Nanay habang wala ako. Medyo inggit nga ako sa kanya, dapat kasi ay nag-aaral din ako gaya niya. Pareho na sana kaming first-year college ngayon. Pero dahil nagkasakit si Nanay, kailangan ko munang huminto sa pag-aaral para maghanap ng trabaho. “Akin na nga ‘yan!” Binawi pa nito ang mangkok ng lugaw na ibibigay ko pa sana kay Nanay, at saka, tinulak ako papunta sa pinto. “Bilis na! Mahuhuli ka na!” Tipid na lang akong ngumiti, pero ang tingin ko ay na kay Nanay na. Kahit ngumingiti siya, bakas pa rin ang pananamlay. Bakas ang panghihina. Nadudurog a...

Buku bagus disaat bersamaan

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

default avatar
Rea may Vasquez
Ganda ng story miss A nkakawala ng stress
2024-12-19 15:10:38
1
user avatar
Zhaegy Doremo
highly recommend nakakakilig
2024-09-04 18:23:08
1
user avatar
Nan
Ganda nito. Highly Recommended!
2024-08-20 12:54:14
1
user avatar
sweetjelly
Your comments are much appreciated. Please do not hesitate to leave one
2024-08-17 11:19:57
2
user avatar
Mia Dee
interesting sana my ending
2024-08-06 20:15:47
1
user avatar
sweetjelly
Hello sa mga reader/follower ko d'yan. Basahin at support n'yo rin 'tong new story ko. Pa-add sa library n'yo, at pa rate na rin po. Salamat.
2024-05-28 00:12:34
1
100 Bab
Kabanata 1
(((CHARMAINE))) “Charmaine, lakad na! Ano ka ba naman! Sabi ko naman sa’yo, ako na ang bahala kay Nanay,” apura sa akin ni Daisy. Matalik kong kaibigan. Kapapasok lang nito sa bahay, at heto tumalak agad. Alam niya kasi na may job interview ako ngayon. Mama nga kasi niya ang nag-recommend sa akin sa trabahong ‘yon. Mabuti na lang at nagkataon naman na wala siyang pasok sa eskwela, kaya siya ang nagpresenta na magbantay kay Nanay habang wala ako. Medyo inggit nga ako sa kanya, dapat kasi ay nag-aaral din ako gaya niya. Pareho na sana kaming first-year college ngayon. Pero dahil nagkasakit si Nanay, kailangan ko munang huminto sa pag-aaral para maghanap ng trabaho. “Akin na nga ‘yan!” Binawi pa nito ang mangkok ng lugaw na ibibigay ko pa sana kay Nanay, at saka, tinulak ako papunta sa pinto. “Bilis na! Mahuhuli ka na!” Tipid na lang akong ngumiti, pero ang tingin ko ay na kay Nanay na. Kahit ngumingiti siya, bakas pa rin ang pananamlay. Bakas ang panghihina. Nadudurog a
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-05-21
Baca selengkapnya
Kabanata 2
“Ano?!” Bulalas ko sabay ang pagtayo. Hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral, pero ‘yong sinabi ni Onse; intinding-intindi ko kahit english pa ‘yon. Hindi pwedeng hindi ko maintindihan ang simpleng salitang ‘yon. “Ano po bang kalokohan ‘to?!” naguguluhan kong tanong. Medyo tumaas din ang boses ko. Ayoko kasi ng ganito. Oo, mahirap nga ako, pero hindi ako ‘yong tao na payag lang na paglaruan. Lalong ayaw kong inaapakan ang pagkatao ko, at magmukhang tanga sa harap ng mga lalaking ‘to. Kahit mayaman pa sila, hindi ako papayag na gawin nila akong katawa-tawa. “Don’t raise your voice on us!” Dinuro ako ni Danreve. Sa unang pagkakataon, nasilayan ko ang pagmumukha niya. Nagsusumigaw rin ang kagandahang lalaki, pero umalingasaw naman ang masamang ugali. “Wala kang karapatan!” dagdag pa nito, at akmang lalapitan pa ako. Hinawakan naman siya ni Onse sa balikat, sabay sabi, “Bro, kalma.” Nasa akin na rin ang tingin niya. Tingin na parang naguguluhan at hindi na naman mapakali.
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-05-21
Baca selengkapnya
Kabanata 3
(((Danreve))) “You are not getting any younger, Danreve! You’re thirty two years old, and yet, wala ka pa ring balak na lumagay sa tahimik?” Paulit-ulit ko na lang naririnig ang mga salitang ‘yon mula kay Lolo Clamente at sa magulang ko sa tuwing uuwi ako ng mansion. Ang gusto nila ay mag-asawa na ako. Ang gusto nila ay tigilan ko na ang kahibangan ko sa paghihintay sa girlfriend ko na in-una raw ang career kay sa akin. Hibang na kung hibang, but I won't get tired of waiting for her. Handa akong maghintay kahit gaano katagal. Hindi ko ipagpapalit ang pitong taon na relasyon namin ng girlfriend ko, for some random girls. I won’t deny that in three years, na hindi ko kasama ang mahal ko ay hindi na ako tumikim ng ibang babae. Tumikim ako. Kada labas, iba ang kasama ko. But hanggang do’n lang ‘yon. Hanggang sa kama lang. No string is attached. “Matanda na rin ako, Apo. Bago man lang sana ako mawala sa mundong ‘to, gusto ko sanang makita na maikasal ka, o Kung bibigyan pa ako ng
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-05-21
Baca selengkapnya
Kabanata 4
Ito na nga ang naisip na plano ni Onse. Nakahanap na nga siya ng babae na magiging fake wife ko. Akala ko wala nang magiging problema. Pero bakit nag-da-drama ang babae na ‘to? Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko rin alam kung maniniwala ba ako sinasabi niya. Lahat pa naman ng ayaw ko ay iyong pretender. If only I have the guts to look at her. Maybe I can tell if she’s telling the truth or not, pero hindi ko nga magawa. I lost face. Nahihiya ako, hindi ko alam kung bakit. Sa tuno kasi ng pananalita niya, I can sense na nagsasabi nga siya ng totoo. At isa pa, I feel her pain. Mas masakit sa sampal niya sa mukha ko. But still, there’s a part of me na nagsasabi na ‘wag agad ako maniwala. Sa edad kong ‘to, hindi na ako mahuhulog sa trap ng mga nagpapanggap na angel. Madalas nga kasing nagpapanggap na angel ang mga demonyo. At ayaw ko na mademonyo ng isang ‘to. Lalo’t alam ko na maraming babae ang gustong maging asawa ako. Marami ang gustong makuha ang title na
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-05-21
Baca selengkapnya
Kabanata 5
(((Charmaine))) Panay ang buntong-hininga ko habang nag-aabang ng masasakyan dito sa labas ng Lazaro Law Firm—Law Firm na pagmamay-ari ng pamilya ni Onse. Katatapos ko lang din tawagan si Daisy. At heto nga, mas nanghina pa ako matapos makausap ang kaibigan ko. Bago ko kasi ibinalita sa kanila na minalas ako at hindi natanggap sa trabaho dahil wala akong experience. Palihim munang sinabi sa akin ni Daisy na inatake na naman daw si Nanay kanina. Kaya nagsinungaling na lang ako. Ayaw ko na mag-alala pa si Nanay. Ayaw kong dagdagan pa ang paghihirap niya. Kaya kahit anong mangyari, ililihim ko sa kanya ang nangyari sa akin kanina. Ililihim ko sa kanya ang panlalait na natanggap ko mula sa lalaking mata-pobre. “Come with me!” Parang tumalon ang puso ko sa sobrang gulat nang marinig ang nakakatakot na boses na ‘yon. Mas kumabog pa ang puso ko dahil sa kamay nitong hawak na ang pulsuhan ko. Ang mata-pobreng si Danreve lang naman ang lapastangan na humawak sa akin na para bang p
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-05-28
Baca selengkapnya
Kabanata 6
“Teka lang po, sir,” sabi ko sabay hawak sa kamay nitong fake kong asawa. Nandito na kami sa parking lot ng hospital. Kanina habang sinasabi niya sa akin ang mga dahilan kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito, medyo nabawasan naman ang inis ko sa kanya. May puso din naman palang tumitibok. Akala ko manhid at hindi marunong magmahal. Kaya lang, parang bumabahag naman ang buntot ko ngayong nandito na kami. Paano kung gaya n’ya, mata-pobre rin ang pamilya niya? Paano kung hindi nila ako tanggap bilang asawa nitong masungit nilang Anak? Paano kung sandamakmak na panghahamak na naman ang marinig ko mamaya? Kahit pa hindi totoo ang mga sasabihin nila, ang sakit pa rin kayang marinig. Kanina nga lang, tagos hanggang buto ko ang sakit ng mga sinabi ni Sir Danreve. Kaya kahit alam kong may puso naman pala siya, hindi pa rin tuluyang nawala ang sama ng loob ko. At saka, unang araw pa nga lang ng play namin ngayon bilang mag-asawa. Hindi pa namin kilala ang isa’t-isa, at hindi ko pa
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-05-29
Baca selengkapnya
Kabanata 7
Sa asim ng mukha ng Mommy ni Sir Danreve, gusto ko na lang mahimatay at hindi gigising hangga’t kasama pa namin siya. “Danreve!” Agad akong umatras nang magtaas ito ng kamay. Akala ko, masasampal na ako. Dinuro niya lang pala si Sir Danreve. “Are you out of mind?!” Gigil na sikmat nito. Kung kanina ay duro-duro niya lang si Danreve, ngayon ay kuyom na ang kamao na parang gustong suntukin ito. “Ang gusto namin ay gumawa ka ng paraan na makabawi sa Lolo mo! Hindi ‘yong gagawa ka nga ng paraan na mas ikamamatay niya!” Pabulong, ngunit gigil na gigil nitong sabi. Nanginginig na rin ito sa galit. “Mom, calm down. Makinig muna kayo, please,” pabulong din na pakiusap ni Sir Danreve sa galit nitong ina. Sa totoo lang dobleng takot na ang nararamdaman ko. Takot dahil sa nanggagalaiti sa galit na Mommy ni Sir Danreve, at takot sa kondisyon nito. Tumaas na yata kasi ang dugo. Medyo hirap na rin ito sa paghinga. Paano kong atakihin siya sa puso. Nilingon ko si Sir Danreve. Gusto
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-05-30
Baca selengkapnya
Kabanata 8
Sandali akong natahimik dahil sa singhal ng matanda. Pero nagawa ko naman siyang tulungan na umupo.“I’m sorry, po,” sabi ko, na nagpaismid naman sa kanya.“Bakit ka nag-so-sorry? Ang gusto kong itanong, why risk your life for someone you don’t even know? ” pasinghal pa rin nitong tanong, pero ang tingin ay nasa siko ko na ang laki ng lapnus. Nagmukhang glass skin sa kintab, namumula pa. Hapdi!“Sa totoo lang, hindi ko rin po alam,” sagot ko, sabay ihip sa tuhod kong nalapnus din. “But, siguro dahil po sa reflexes ko. Ang lapit mo lang kasi sa akin, kaya nagawa ko ‘yon.”“Kaya mo bang tumayo?” tanong ng matanda, kasabay na rin ang pagtayo niya, at saka ay nagpagpag. Ngumiti ako. “Syempre po. Bata pa po ako, kaya matibay pa ang buto ko.” Kayabangan kong sagot. Pero no’ng sinubukan kong tumayo, hindi ko pala magawa. Ang sakit ng katawan ko. Ako nga kasi ang unang tumama sa sementadong daan, kaya ako ang napuruhan. Siya ay may gasgas rin, pero hindi kasing laki nitong sa akin.“Akala ko
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-05-30
Baca selengkapnya
Kabanata 9
“Sir Danreve, bakit mo ‘yon sinabi? Bakit mo binigla?!” pabulong kong tanong dito sa asawa kong fake na hindi ko alam kung anong utak mayro’n na kanina pa hindi nagsasalita. Guilty na naman ang sira-ulo. Paano kasi, masiyadong impulsive. Ngayon, ni ang lapitan ang Lolo niya ay hindi na magawa. Nagagalit kasi kapag lumalapit siya. Kaya puro lingon lang ang ginagawa niya sa Lolo Clam niya. “Alam mo namang hindi pa magaling ang Lolo mo, sir!” dagdag ko pa, sabay ang bahagyang silip sa Lolo niya na nakahiga sa hospital bed na hindi kalayuan sa akin. Imbes kasi na ako lang ang dadalhin sa ER; dalawa na kami ng Lolo niya. Tumaas kasi ang presyon. Sumukip pa ang dibdib. At kasalanan na naman nitong pasaway niyang Apo.Ang tanda-tanda na hindi marunong mag-isip ng tama. Akala ko naman, ginagawa niya itong fake marriage namin, para bumawi at mabawasan ang sama ng loob sa kanya ng Lolo niya. E, dinagdagan niya.“Puntahan mo ang Lolo mo. Magpaliwanag ka!” utos ko sa kanya, pero pinanliitan
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-05-31
Baca selengkapnya
Kabanata 10
(((Danreve)))Ilang minuto ko nang pinagmamasdan ang likod ni Charmaine.Matapos niya kasing ilabas ang sama ng loob kanina ay hindi niya na ako muling kinausap. Hindi niya na ako pinansin at tahimik na lang na umiiyak.Gusto ko sanang mag-sorry, but I don't know how. Maski ang e-comfort siya ay hindi ko magawa. Kahit ano kasing sasabihin ko, hindi na siya nag-react. She completely ignored me.“Charmaine, tama na ang arte!” Napangiti na lamang ako ng mapait. Pisil-pisil ko na rin ang noo ko. Sakit siya sa ulo. Ang tigas kasi ng ulo niya. Talagang kaya niyang magmaktol sa taong magpapasweldo sa kanya. Tama si Lolo ang yabang niya! Porket kailangan ko ang tulong niya—ang serbisyo niya, feeling mighty na.“Bumangon ka na, Charmaine. Kanina pa dumating ang result mo. Pwede na raw tayong umalis,” sabi ko pa, kahit hindi pa rin niya ako kinikibo. Para na akong tanga. Kausap ang sarili. Ilang beses na rin akong bumuga ng hangin. Grabe na ang pagtitimpi ko na ‘wag siyang pagalitan at ‘wag
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-06-01
Baca selengkapnya
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status