“Ano?!” Bulalas ko sabay ang pagtayo.
Hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral, pero ‘yong sinabi ni Onse; intinding-intindi ko kahit english pa ‘yon. Hindi pwedeng hindi ko maintindihan ang simpleng salitang ‘yon. “Ano po bang kalokohan ‘to?!” naguguluhan kong tanong. Medyo tumaas din ang boses ko. Ayoko kasi ng ganito. Oo, mahirap nga ako, pero hindi ako ‘yong tao na payag lang na paglaruan. Lalong ayaw kong inaapakan ang pagkatao ko, at magmukhang tanga sa harap ng mga lalaking ‘to. Kahit mayaman pa sila, hindi ako papayag na gawin nila akong katawa-tawa. “Don’t raise your voice on us!” Dinuro ako ni Danreve. Sa unang pagkakataon, nasilayan ko ang pagmumukha niya. Nagsusumigaw rin ang kagandahang lalaki, pero umalingasaw naman ang masamang ugali. “Wala kang karapatan!” dagdag pa nito, at akmang lalapitan pa ako. Hinawakan naman siya ni Onse sa balikat, sabay sabi, “Bro, kalma.” Nasa akin na rin ang tingin niya. Tingin na parang naguguluhan at hindi na naman mapakali. “Alam ko po na wala akong karapatang magsungit, lalo’t nandito ako sa opisina n’yo.” Mahinahon kong sabi sabay lingon sa desk name plate na pangalan ni Onse ang nakatatak. “Pero po, hindi nga nakatutuwa ‘yong narinig ko. Gusto ko po ng matinong paliwanag,” sabi ko. Kaya lang mas naguguluhan naman ako sa nakikita ko. Bakas din kasi ang pagkalito sa mga mukha nila dahil sa tanong ko; dahil sa inaasta ko, lalo na si Onse na ngayon ay hindi makapagsalita at napanganga pa. “Don’t pretend that you don’t know anything!” sikmat naman ni Danreve, matapos ang sandaling pananahimik. Si Onse naman ay parang nabulunan at paulit-ulit na lumunok. “Saan mo ba napulot ‘to, bro?” tanong naman nito kay Onse na ang tingin ay nasa akin pa rin at duro-duro pa ako. Napasabunot na lang ako sa buhok ko. Ano ba ‘tong napasukan ko? Trabaho ang ipinunta ko rito; hindi ang mag-asawa. Ang bata-bata ko pa. At saka, kung mag-aasawa man ako, do’n sa ka edad ko, hindi dito sa masungit na lalaking halos Tito ko na! “Mga sir, pwede po ba, ‘wag n’yo naman po ako ginu-good time ng ganito. Oo, kailangan ko ng pera. Pero matinong tao ako na nagpunta rito para mag-apply ng trabaho. Tratuhin n’yo naman po ako ng tama,” matino kong pakiusap. “Unbelievable!” bulalas ni Danreve na may kasabay pang palakpak. “Iba ‘tong nakuha mo, bro! Ang bata-bata pa, pero ang galing um-acting? Saan mo ba ‘to nahanap?” nangungutyang tanong naman nito na nagpatiim na lang ng labi ko. Halos hindi ko na kasi masikmura ang mga sinasabi niya. Sakit na sa ulo, sakit pa sa puso. Si Sir Onse naman ay hindi pa rin sumagot. Bakas pa rin ang pagtataka sa mukha nito. Parang umiiwas pa na mapatingin sa akin. Maya maya ay dinukot nito ang cellphone sa bulsa at nag-dial. Pambihira, siya ang naghatak sa akin papasok sa opisina niya, pero ngayon, wala man lang siyang masabi. Hindi man lang niya magawang sitahin ang kaibigan niyang hindi makain ng aso ang ugali. “Iba talaga kapag professional gold-digger!” madiing sabi ni Danreve na may ngiting nanghahamak pa rin. “Gold-digger?!” ulit ko sa sinabi nito. English na naman ‘yon, pero naiintindihan ko. Ang sakit nga e! Kahit hindi totoo, tumarak pa rin sa puso ko ang talim ng salitang ‘yon. Mapait akong ngumiti. Ang dali naman nitong humusga, hindi pa nga niya ako kilala. Hindi pa nga namin alam kung bakit naging ganito ang sitwasyon. Marami na akong nakaharap na mayaman dahil sa business namin ng Nanay ko noon, at lahat sila ay mabait. Itong lang talagang matandang ‘to ang magaspang ang ugali. “Tama ka po, bata pa nga po ako. Pero hindi ako um-acting at lalong hindi ako gold-digger!” madiin ang bawat bigkas ko sa mga salitang ‘yon, pero ang tingin ko naman ay na Kay Sir Onse na ngayon ay nagmamadaling lumabas ng opisina. “Sir Onse! ‘Wag mo po akong iwan dito!” sigaw ko, at agad siyang sinundan. Kaya lang ang bilis niyang narating ang elevator. “Sir Onse! Akin na ‘yang pinirmahan ko! Ayaw ko nang magtrabaho sa mga gaya n’yo na mata pobre!” talak ko habang hinabol siya. Wala na akong pakialam kung pagtinginan pa ako ng mga tao. Ang gusto ko ay mabawi ang pinirmahan ko. Ang malas! Leteral na pera naging bato pa ang nangyari ngayon, pero ayokong matali sa isang taong walang modo. “Sir Onse, hintayin mo po ako!” sigaw ko na sumabay sa pagpasok ni Sir Onse sa elevator. “Ano ba?!” Halos maiiyak ako habang paulit-ulit na pinipindot ang elevator botton. Hinampas-hampas ko pa iyon sakaling magbukas uli. “Stop it!” Pabulong na sikmat ni Danreve, sabay hawak sa kamay ko at patulak akong binitiwan. Sa lakas ng pagbitiw niya ay tumilapon ako. Natamaan ko pa ang water despenser na muntikang matumba. Dahil sa gulat at takot ay napalakas ang paghikbi ko. Ayaw kong umiyak. Lalo’t sa harap pa ng taong mapanghamak, pero ang sakit nga ng balakang ko. Idagdag pa ang nakakatakot na hitsura ni Danreve. “Don’t make a scene here!” gigil pa nitong sabi. “Hindi ang gaya mo ang sisira sa pangalan ng kaibigan ko!” Ang layo ng agwat namin kanina, pero ngayon nasa malapit ko na siya at duro-duro na naman ako. Tiim ang bagang nito at nagbabaga ang mga tingin sa akin. Napatingala at napatitig na lang ako sa kanya. Gusto kong lumayo, pero dahil sa despenser na nasa likuran ko, hindi ko magawa. Hindi ako makagalaw. Ang tapang-tapang kong babae, pero ngayon parang naduduwag ako. Para akong nanliit sa kinatatayuan ko. Gusto ko na lang mawalan ng malay para hindi ko na makita ang pagmumukha nitong matandang ‘to. “Come with me!” Mahigpit niyang hinawakan ang braso ko, at marahas akong hinila. “B-bitawan mo ako! M-masakit!” reklamo ko. Pinilit kong ‘wag humakbang. Ayokong sumama sa kanya. Natatakot ako. “Masakit, huh?!” sabi niya, at hinatak ako ng sobrang lakas. Sa lakas ay bumangga ang mukha ko sa matigas niyang dibdib. Gusto ko siyang itulak. Gusto kong lumayo. Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko, pero nanghihina na nga ako dahil sa takot. Bukod sa ang laking tao nga niya, mayaman pa siya. Lahat magagawa niya gamit ang pera. At ako, kahit anong tapang ko, madali lang sa kanya na e-dispatsa ako. Sumabay naman ang pagpatak ng luha ko sa muling paghatak niya sa akin pabalik sa office ng kaibigan niya, at saka ay itinulak na naman ako paupo sa sofa. Tuluyan na akong hindi nakapagsalita. Puro iyak na lang ako. Kahit kasi anong gawin ko, wala akong laban. Nasa teretoryo niya ako. Umupo siya sa harap ko. Bakas ang pagpipigil sa galit habang tinititigan ako. “Cut the act, damn it! Kahit anong gawin mo; kahit lumuha ka pa ng dugo, I won’t fall to your drama; I won’t fall to a gold-digger like you!” Awtomatikong lumipad ang nanginginig kong kamay sa pisngi niya. “Sira-ulo ka! Paulit-ulit ka! Sabing hindi ako gold-digger!” Marahas kong pinahid ang mga luha ko. Siya naman ay napahawak sa pisnging sumalo ng sampal ko. Pinaikot-ikot niya pa ang dila sa loob ng bibig niya. “Oo, mahirap lang ako. Kailangan ko ng pera para sa Nanay ko, pero never ko ipagpapalit ang dangal ko para lang sa pera!” matapang kong sabi na nagpaangat ng sulok ng labi niya. “Lalong hindi ko pangarap na makasal sa lalaking halos doble na sa edad ko!” Kung kanina ay umangat ang sulok ng labi niya, ngayon ay tumiim naman. Nagsalubong pa ang makapal nitong mga kilay. “Ayaw mo, then why showed up? Why did you sign the contract?!” “Sinabi ko na nga po kanina pa. Pero hindi kayo naniniwala!” Bumuga ako ng hangin, at tumayo na. “Nandito ako para mag-apply ng trabaho. Trabaho bilang pet nanny, at hindi ang magpakasal sa matanda at mata-pobreng gaya mo!”(((Danreve))) “You are not getting any younger, Danreve! You’re thirty two years old, and yet, wala ka pa ring balak na lumagay sa tahimik?” Paulit-ulit ko na lang naririnig ang mga salitang ‘yon mula kay Lolo Clamente at sa magulang ko sa tuwing uuwi ako ng mansion. Ang gusto nila ay mag-asawa na ako. Ang gusto nila ay tigilan ko na ang kahibangan ko sa paghihintay sa girlfriend ko na in-una raw ang career kay sa akin. Hibang na kung hibang, but I won't get tired of waiting for her. Handa akong maghintay kahit gaano katagal. Hindi ko ipagpapalit ang pitong taon na relasyon namin ng girlfriend ko, for some random girls. I won’t deny that in three years, na hindi ko kasama ang mahal ko ay hindi na ako tumikim ng ibang babae. Tumikim ako. Kada labas, iba ang kasama ko. But hanggang do’n lang ‘yon. Hanggang sa kama lang. No string is attached. “Matanda na rin ako, Apo. Bago man lang sana ako mawala sa mundong ‘to, gusto ko sanang makita na maikasal ka, o Kung bibigyan pa ako ng
Ito na nga ang naisip na plano ni Onse. Nakahanap na nga siya ng babae na magiging fake wife ko. Akala ko wala nang magiging problema. Pero bakit nag-da-drama ang babae na ‘to? Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko rin alam kung maniniwala ba ako sinasabi niya. Lahat pa naman ng ayaw ko ay iyong pretender. If only I have the guts to look at her. Maybe I can tell if she’s telling the truth or not, pero hindi ko nga magawa. I lost face. Nahihiya ako, hindi ko alam kung bakit. Sa tuno kasi ng pananalita niya, I can sense na nagsasabi nga siya ng totoo. At isa pa, I feel her pain. Mas masakit sa sampal niya sa mukha ko. But still, there’s a part of me na nagsasabi na ‘wag agad ako maniwala. Sa edad kong ‘to, hindi na ako mahuhulog sa trap ng mga nagpapanggap na angel. Madalas nga kasing nagpapanggap na angel ang mga demonyo. At ayaw ko na mademonyo ng isang ‘to. Lalo’t alam ko na maraming babae ang gustong maging asawa ako. Marami ang gustong makuha ang title na
(((Charmaine))) Panay ang buntong-hininga ko habang nag-aabang ng masasakyan dito sa labas ng Lazaro Law Firm—Law Firm na pagmamay-ari ng pamilya ni Onse. Katatapos ko lang din tawagan si Daisy. At heto nga, mas nanghina pa ako matapos makausap ang kaibigan ko. Bago ko kasi ibinalita sa kanila na minalas ako at hindi natanggap sa trabaho dahil wala akong experience. Palihim munang sinabi sa akin ni Daisy na inatake na naman daw si Nanay kanina. Kaya nagsinungaling na lang ako. Ayaw ko na mag-alala pa si Nanay. Ayaw kong dagdagan pa ang paghihirap niya. Kaya kahit anong mangyari, ililihim ko sa kanya ang nangyari sa akin kanina. Ililihim ko sa kanya ang panlalait na natanggap ko mula sa lalaking mata-pobre. “Come with me!” Parang tumalon ang puso ko sa sobrang gulat nang marinig ang nakakatakot na boses na ‘yon. Mas kumabog pa ang puso ko dahil sa kamay nitong hawak na ang pulsuhan ko. Ang mata-pobreng si Danreve lang naman ang lapastangan na humawak sa akin na para bang p
“Teka lang po, sir,” sabi ko sabay hawak sa kamay nitong fake kong asawa. Nandito na kami sa parking lot ng hospital. Kanina habang sinasabi niya sa akin ang mga dahilan kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito, medyo nabawasan naman ang inis ko sa kanya. May puso din naman palang tumitibok. Akala ko manhid at hindi marunong magmahal. Kaya lang, parang bumabahag naman ang buntot ko ngayong nandito na kami. Paano kung gaya n’ya, mata-pobre rin ang pamilya niya? Paano kung hindi nila ako tanggap bilang asawa nitong masungit nilang Anak? Paano kung sandamakmak na panghahamak na naman ang marinig ko mamaya? Kahit pa hindi totoo ang mga sasabihin nila, ang sakit pa rin kayang marinig. Kanina nga lang, tagos hanggang buto ko ang sakit ng mga sinabi ni Sir Danreve. Kaya kahit alam kong may puso naman pala siya, hindi pa rin tuluyang nawala ang sama ng loob ko. At saka, unang araw pa nga lang ng play namin ngayon bilang mag-asawa. Hindi pa namin kilala ang isa’t-isa, at hindi ko pa
Sa asim ng mukha ng Mommy ni Sir Danreve, gusto ko na lang mahimatay at hindi gigising hangga’t kasama pa namin siya. “Danreve!” Agad akong umatras nang magtaas ito ng kamay. Akala ko, masasampal na ako. Dinuro niya lang pala si Sir Danreve. “Are you out of mind?!” Gigil na sikmat nito. Kung kanina ay duro-duro niya lang si Danreve, ngayon ay kuyom na ang kamao na parang gustong suntukin ito. “Ang gusto namin ay gumawa ka ng paraan na makabawi sa Lolo mo! Hindi ‘yong gagawa ka nga ng paraan na mas ikamamatay niya!” Pabulong, ngunit gigil na gigil nitong sabi. Nanginginig na rin ito sa galit. “Mom, calm down. Makinig muna kayo, please,” pabulong din na pakiusap ni Sir Danreve sa galit nitong ina. Sa totoo lang dobleng takot na ang nararamdaman ko. Takot dahil sa nanggagalaiti sa galit na Mommy ni Sir Danreve, at takot sa kondisyon nito. Tumaas na yata kasi ang dugo. Medyo hirap na rin ito sa paghinga. Paano kong atakihin siya sa puso. Nilingon ko si Sir Danreve. Gusto
Sandali akong natahimik dahil sa singhal ng matanda. Pero nagawa ko naman siyang tulungan na umupo.“I’m sorry, po,” sabi ko, na nagpaismid naman sa kanya.“Bakit ka nag-so-sorry? Ang gusto kong itanong, why risk your life for someone you don’t even know? ” pasinghal pa rin nitong tanong, pero ang tingin ay nasa siko ko na ang laki ng lapnus. Nagmukhang glass skin sa kintab, namumula pa. Hapdi!“Sa totoo lang, hindi ko rin po alam,” sagot ko, sabay ihip sa tuhod kong nalapnus din. “But, siguro dahil po sa reflexes ko. Ang lapit mo lang kasi sa akin, kaya nagawa ko ‘yon.”“Kaya mo bang tumayo?” tanong ng matanda, kasabay na rin ang pagtayo niya, at saka ay nagpagpag. Ngumiti ako. “Syempre po. Bata pa po ako, kaya matibay pa ang buto ko.” Kayabangan kong sagot. Pero no’ng sinubukan kong tumayo, hindi ko pala magawa. Ang sakit ng katawan ko. Ako nga kasi ang unang tumama sa sementadong daan, kaya ako ang napuruhan. Siya ay may gasgas rin, pero hindi kasing laki nitong sa akin.“Akala ko
“Sir Danreve, bakit mo ‘yon sinabi? Bakit mo binigla?!” pabulong kong tanong dito sa asawa kong fake na hindi ko alam kung anong utak mayro’n na kanina pa hindi nagsasalita. Guilty na naman ang sira-ulo. Paano kasi, masiyadong impulsive. Ngayon, ni ang lapitan ang Lolo niya ay hindi na magawa. Nagagalit kasi kapag lumalapit siya. Kaya puro lingon lang ang ginagawa niya sa Lolo Clam niya. “Alam mo namang hindi pa magaling ang Lolo mo, sir!” dagdag ko pa, sabay ang bahagyang silip sa Lolo niya na nakahiga sa hospital bed na hindi kalayuan sa akin. Imbes kasi na ako lang ang dadalhin sa ER; dalawa na kami ng Lolo niya. Tumaas kasi ang presyon. Sumukip pa ang dibdib. At kasalanan na naman nitong pasaway niyang Apo.Ang tanda-tanda na hindi marunong mag-isip ng tama. Akala ko naman, ginagawa niya itong fake marriage namin, para bumawi at mabawasan ang sama ng loob sa kanya ng Lolo niya. E, dinagdagan niya.“Puntahan mo ang Lolo mo. Magpaliwanag ka!” utos ko sa kanya, pero pinanliitan
(((Danreve)))Ilang minuto ko nang pinagmamasdan ang likod ni Charmaine.Matapos niya kasing ilabas ang sama ng loob kanina ay hindi niya na ako muling kinausap. Hindi niya na ako pinansin at tahimik na lang na umiiyak.Gusto ko sanang mag-sorry, but I don't know how. Maski ang e-comfort siya ay hindi ko magawa. Kahit ano kasing sasabihin ko, hindi na siya nag-react. She completely ignored me.“Charmaine, tama na ang arte!” Napangiti na lamang ako ng mapait. Pisil-pisil ko na rin ang noo ko. Sakit siya sa ulo. Ang tigas kasi ng ulo niya. Talagang kaya niyang magmaktol sa taong magpapasweldo sa kanya. Tama si Lolo ang yabang niya! Porket kailangan ko ang tulong niya—ang serbisyo niya, feeling mighty na.“Bumangon ka na, Charmaine. Kanina pa dumating ang result mo. Pwede na raw tayong umalis,” sabi ko pa, kahit hindi pa rin niya ako kinikibo. Para na akong tanga. Kausap ang sarili. Ilang beses na rin akong bumuga ng hangin. Grabe na ang pagtitimpi ko na ‘wag siyang pagalitan at ‘wag