Share

Kabanata 6

“Teka lang po, sir,” sabi ko sabay hawak sa kamay nitong fake kong asawa.

Nandito na kami sa parking lot ng hospital. Kanina habang sinasabi niya sa akin ang mga dahilan kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito, medyo nabawasan naman ang inis ko sa kanya.

May puso din naman palang tumitibok. Akala ko manhid at hindi marunong magmahal.

Kaya lang, parang bumabahag naman ang buntot ko ngayong nandito na kami. Paano kung gaya n’ya, mata-pobre rin ang pamilya niya? Paano kung hindi nila ako tanggap bilang asawa nitong masungit nilang Anak?

Paano kung sandamakmak na panghahamak na naman ang marinig ko mamaya?

Kahit pa hindi totoo ang mga sasabihin nila, ang sakit pa rin kayang marinig. Kanina nga lang, tagos hanggang buto ko ang sakit ng mga sinabi ni Sir Danreve.

Kaya kahit alam kong may puso naman pala siya, hindi pa rin tuluyang nawala ang sama ng loob ko. At saka, unang araw pa nga lang ng play namin ngayon bilang mag-asawa. Hindi pa namin kilala ang isa’t-isa, at hindi ko pa alam kung anong ugali mayro’n siya.

Bukod do’n, hindi ko pa alam kung ano ang mangyayari sa susunod na mga araw.

Sana lang kayanin ko ang magpanggap. Sana kakayanin kong maging sweet dito kay Sir Danreve sa harap ng maraming tao.

Kasama kasi ‘yon sa agreement. Syempre, mag-asawa kami, kaya dapat naming gampanan ang papel bilang mag-asawa na nagmamahalan, para hindi kami mahanapan ng butas.

“Bakit na naman?” tanong niya. Gigil at pabulong.

“Kasi po…” Hindi ko maituloy ang sasabihin ko. Hindi ko masabi-sabi sa kanya na natatakot ako.

Malungkot na titig lang ang ginawa ko habang nakatingala sa mukha niya.

“Don’t tell me, you’ve changed your mind?”

Hindi ako sumagot. Nakamot ko na naman ang ulo ko.

“Look, Charmaine, alam kong mahirap sa’yo ang set up na ‘to. But, nandito na tayo. Besides, we’ve discuss everything already. Maayos na ang kontrata. Dapat mo lang tandaan ang lahat ng ‘yon. Be sure na hindi ka magkakamali.”

Bumagsak ang balikat ko, sabay ang buntong-hininga.

Nilakasan ko naman ang loob ko. Lalo’t para sa Nanay ko ang ginagawa kong ‘to. Kaya lang, hindi ko nga maiwasan na makaramdam ng takot.

Mayaman nga sila. At ako, isang dalaga na mahirap at wala pang narating sa buhay. At isa pa, paano sila maniniwala na nag-iibigan kami nitong matandang ‘to. Ang layo nga agwat ng edad namin.

“Hindi lang mahirap, sir! Sobrang hirap! Ni holding hands while walking, never ko pang naranasan. Tapos, bilang may asawa na ako, sa matanda pa!” Nakagat ko naman ang labi ko matapos sabihin ‘yon.

Namaywang ang matanda. Parang Nanay na galit at gusto akong kurutin sa singit.

“Kung hindi ko lang talaga kailangan ang tulong mo!” gigil naman nitong sabi, may kasama pang duro.

Kamot na lang sa ulo ang sagot ko, sabay haba ang nguso.

“Let’s go, kanina pa naghihintay ang Lolo ko,” sabi nito, at walang sabi-sabi na hinawakan ang kamay ko.

“E, sir…”

“Bakit na naman?” asar nitong tanong.

“Pwede ba…” Pagnguso sa kamay ko na hawak niya ang kasabay ng pabitin kong salita.

Ngumiti siya at inangat ang magkahawak naming kamay. “Sabi mo, never mo pa na-experience ang holding hands while walking? So, mag-enjoy ka hanggang sa magsawa ka!”

“Sir naman e! Puro kalokohan. Hawak mo nga ang kamay ko, wala naman akong maramdamang kilig! Paano ako mag-e-enjoy?”

Gigil na nakagat niya ang pang-ibabang labi. Tumirik pa ang mga matal. Ayan ang napala sa nag-asawa ng bata. Manawa ka sa sakit ng ulo.

“Bitiwan mo na lang ako, sir. Hindi naman ako tatakas. Promise?” Taas ang kanang kamay habang sinasabi ko ‘yon.

“No! I have to do this, para magmukha naman tayong mag-asawa at hindi mag-ama!”

Natiim ko ang labi. Pero ilong ko naman bubuka-bukaka. Pinipigil ko kasi ang tawa. Sa wakas, inamin niya rin na matanda na siya.

“Where here,” mamaya ay sabi niya. Nilingon niya rin ako.

“Sir, teka lang. Mamaya na po tayo pumasok.” Pigil ko na naman sa boss ko.

Namumula na ang mukha. Halatang nagpipigil na sumabog.

Bahala nga siya. Takot nga ako at kinakabahan.

“Ano ba naman, Charmaine! Ang dami mong arte.”

“Sir, hayaan mo muna akong huminga sandali. Ang lakas ng tibok, sir!” Tinatapik-tapik ko ang dibdib ko.

Sinuklay ko rin ang buhok ko, gamit ang mga daliri ko, at saka, inayos ko naman ang damit ko.

“Sir, how do I look po?”

“Maganda—” agad nitong sagot, pero nag-break sa dulo. Parang nadulas ang salita niya, at dumeritso sa kanal.

Napaismid ako, pero ngiti ko, hindi ko naman maawat. “Talaga po ba, sir? Maganda ako?” tanong ko sa pinalambing na boses, pero tampal sa noo ko ang sagot niya.

“Umayos ka na, pwede ba? At saka, stop calling me, sir!” madiin na naman nitong sabi. “One more thing, avoid scratching your head in front of my family. It’s discusting!”

“Okay, My heart…” Matamis na ngiti ang kasabay ng sinabi ko na ikinangiwi naman niya.

Pero hindi naman nagreklamo. Mukhang nag-iisip pa nga.

Matapos mag-isip, nanliit naman ang mga mata niya. “Ready, My star?” tanong niya na nagpawala naman ng ngiti ko.

Nag-isip pala ng endearment.

“Wow! Star…galing mong pumili ng endearment, sir.” Nasabi ko na lang.

“Tumahimik ka na!” gigil na naman nitong sabi, sabay hawak sa door handle. “Ihanda mo na ang sarili, dahil tiyak na magiging star ka talaga kapag nasa loob na tayo.”

Hindi ko na naman tuloy napigil ang mapanguso. Ito na kasi talaga. Wala ng atrasan ‘to. Para kay Nanay, lulunukin ko na lang lahat ng maririnig ko.

“Danreve!” Paigtad kaming napalingon nang marinig ang sikmat na ‘yon.

“Where have been? And why are you not answering your phone?” tanong ng maganda at supistikadang Madamme na nasa akin na ang tingin.

Purmahan at kasungitan palang nito. Alam ko na agad, ito na fake kong mother-in-law.

Hindi sadyang napayakap ako sa braso ni Sir Danreve. Nanlilisik kasi ang mga mata ni Madamme, parang galit na tigre na gusto akong kalmutin.

“I’m sorry, Mom. Naiwan ko po ang cellphone ko sa kotse,” sagot ni Sir Danreve na paminsan-minsan akong sinusulyapan.

Niyakap ko nga kasi ng todo ang braso niya sa puntong dumikit na ang jumbo mamon ko sa braso niya. At alam kong ramdam niya ‘yon.

Pero wala na nga akong paki! Sa galit na Mommy niya ako nag-focus. Sa hitsura nito na parang nakakain ng hilaw na ampalayang sinawsaw sa sukang maraming sili.

Nakakatakot! Baka kasi biglang sumugod at kalbuhin ako.

“Is that so, Danreve? O, dahil sa kanya kaya hindi ka ma-contact!” Duro niya ako sa matulis niyang kuko.

Ngayon ay napalunok naman ako. Heto na ‘yong kinatatakutan ko.

Ano ba itong pinasok ko? Hanggang kailan ko kaya kakayanin ang maging star nitong my heart ko?

Para na kasing titigil ang tibok nitong heart ko sa tingin at duro pa lang nitong Mommy ni Sir Danreve.

Paano na lang kung makaharap ko na ang ibang kamag-anak niya?

“Who is she, Danreve?” Taas ang isang kilay nito habang hindi pa rin ako nilubayan ng tingin.

Konti na lang, malulusaw na ako sa init ng tingin niya. “Charmaine, huminga ka! Breath in, breath out!” Tahimik ko na lang na pinapakalma ang sarili ko.

Halos sumuksok na rin ako sa kilikili nitong fake kong asawa na sandali akong nilingon. Tingin ay nagsasabing ‘wag akong padala sa takot, gumawa ako ng paraan para kusang kumalma ang galit ng Mommy niya.

Isa kasi ‘to sa nagpag-usapin namin kanina. Dapat raw, ‘wag na ‘wag ako magpakita ng takot. ‘Wag kong ipakita sa pamilya niya ang kahinaan ko dahil lalo lang nila akong tatakutin hanggang sa sumuko ako.

Kaya kahit nanlalambot na ang mga tuhod ko, at nanlalamig ang mga kamay ko. Nagtapang-tapangan ako.

Ngumiti at humakbang ng konte, sabay sabi, “Tita, I am Charmaine po, your daughter-in-law,” pakikila ko na lalong nagpaasim sa mukha nito.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nan
Hahaha..... nakakatuwa at naka kakaba Ang kwentong ito Ganda talaga Hindi burning , natutuwa sa babae na may pagka walang mukhang piro Hindi magpaloko . Dahil lang sa kailangan talaga Ang pira kaya pumayag para magamot Ang kanyang Ina
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status