(((Charmaine))) “Congratulations, Mr. and Mrs. Abrazaldo,” bati sa amin ni Sir Onse, pagkalabas at pagkalabas namin ng kwarto. Sabay namin siyang nilingon at ginantihan ng matinding simangot na nagpailing naman sa kanya ng paulit-ulit. Oo, natuloy ang kasal namin. Isa na akong Abrazaldo. Dala-dala ko na ang apilyedo nitong boss ko. Wala kasing silbi ang mga sinabi namin kanina, hindi pa rin lumusot ang paliwanag at mga dahilan namin dahil sa biglang pagdating ng Daddy ni Sir Danreve. Kaya pala panay dotdot sa cellphone ang Mommy ni Sir Danreve kanina, tumawag pala ng backup. Pinarating nito sa asawa niya ang kalokohang pinaggagawa ng Anak nila. Kaya ayon, sumugod sa hospital; nagdala ng judge, isinama pa si Onse, bilang witness, at agad-agad nga kaming pinakasal. Napatingin din ako sa suot kong singsing na takot na takot ko sanang isuot. Sa Lola raw kasi ‘to ni Sir Danreve. Wedding ring ng Lola niya. Bukod sa takot akong mawala ‘to, hindi naman kasi para sa akin ‘to—hindi
“Sir Danreve, masyado ka po’ng pikon! Binibiro ka lang po ni Sir Onse.” Kaagad kong sabi. Dinuro-duro ba naman ang kaibigan niyang halata namang inaasar lang siya. Tiim bagang na parang gustong sapakin si Sir Onse na ngising-ngisi naman. Nilingon niya ako at sinamaan ng tingin. Pero wala na sa kanya ang focus ko; nasa cellphone ko na. “Ihatid mo na lang po ako, Sir Danreve. Pwede po ba? Kanina pa kasi nag-aalala si Nanay.” Kinapalan ko na ang mukha ko. Kailangan ko na kasing umuwi kaagad. Kanina pa tumatawag si Daisy, pero hindi ko masagot-sagot dahil sa nangyari kanina. Heto, at nag-ring na naman ang cellphone ko. “Hello, Daisy,” agad kong sagot. “Charmaine, nasaan ka na?” tanong ni Daisy. “Daisy, bakit ganyan ang boses mo? Anong problema? May nangyari ba kay Nanay?” kabado kong tanong sa kaibigan ko na parang pinipigil ang pag-iyak at parang natatakot. “Uwi ka na…ano ba?! Akin na ‘yan!” Kumabog ng malakas ang dibdib ko nang marinig ang sigaw ni Daisy na sumabay sa
Dahil sa naramdamang takot, hindi ko na naawat ang sarili. Yumakap na rin ako ng mahigpit kay Sir Danreve. ‘Yong yakap na parang nakahanap ng kakampi. Pakiramdam ko, safe na ako dahil iniligtas niya ako. “Sinaktan ka ba nila. Anong ginawa nila sa’yo?” Bakas ang galit sa boses nito, pero ramdam ko naman ang pag-aalala niya. Paulit-ulit ko lang na pinilig ang ulo ko, bilang sagot sa tanong niya. Mas humigpit naman ang yakap niya sa akin sa puntong dikit na dikit na ang mukha ko sa dibdib niya. “Tahan na, you’re safe now. Wala ng mananakit sa’yo,” sabi niya pa na sumabay sa banayad na haplos sa likod ko. “Bro, tama na ‘yan. Nakatingin ang Nanay, oh. At saka, parang hindi ka na boss, d’yan sa ginawa mo!” Sabay kaming napabitiw sa isa’t-isa nang marinig ang pabulong na sabi ni Sir Onse. Hindi namin namalayan ang paglapit niya, at ngayon nga ay may nang-aasar na naman itong ngiti. Pero maya maya ay dinuro naman ang mga lalaking payat na hanggang ngayon ay hindi pa rin tumatayo. Puro d
Maang akong humarap kay Sir Danreve. Hindi ko alam kung paano mag-react. Gusto ko siyang kaladkarin palabas at doon kausapin ng masinsinan. Pero alam ko naman na lalo lang magtaka si Nanay kapag ginawa ko ‘yon. Lalo lang siyang mag-iisip ng masama at baka lalo niya pa kaming pagdudahan. Mas lumapit pa ako kay Sir Danreve. “Hindi nga po pwede, sir," madiin at pabulong kong sabi. Kinagat ko pa ang pang ibaba kong labi. Nakakagigil ‘to eh! Inismiran ba naman ako, at pagkatapos ay kumibot ang labi na parang may sinasabi na hindi ko naman maintindihan. Talagang hindi ko siya maintindihan. Grabe ang tago namin sa mga magulang niya sa fake naming kasal. Lahat ng masakit na salita, tiniis ko. Nilunok ko, kahit ang hirap lunukin. Tapos, aamin lang pala siya kay Nanay. Kung hindi ba naman siya buang! “Charmaine, mag-isip ka nga—” “Hinda nga po, pwede, sir! Kita mo naman, galit na si Nanay.” Agad kong putol sa pagsasalita niya na nagpatiim sa labi niya. “Kaya nga, we need to tell her the t
Napakamot ako sa ulo. Unti-unti rin akong lumayo sa kanya. Sira-ulo eh! Hindi nag-iisip. Boss ko nga lang siya, pero kong makayapos sa baywang ko, ang lupit. Ano na lang kaya ang iisipin ni Nanay at Daisy. Porke’t benefactor siya ay pwede na niya akong hawakan kahit kailan niya gusto. Loko! “Sir Danreve, pwede po ba, bukas na lang po ako magsisimula?” Ngiting-aso ang tumapos sa salita kong ‘yon. “No!” madiin niyang sagot na may kasabay na kunot ng noo. Napalunok ako. “Sir kasi, kailangan ako ni Nanay. Sabi mo nga, ngayon siya dadalhin sa hospital. So, kailangan nandito ako. Kailangan kasama niya ako.” Putol-putol kong sabi. Nilingon niya si Nanay, at tipid na ngumiti. “Hindi mo ba naiintindihan ang agreement na pinirmahan mo? You should start today or else—” “Anak, sige na. Sumama ka na sa boss mo. Hindi pwedeng ma-apektuhan ang trabaho mo sa mga personal isyu ng buhay mo,” sabat ni Nanay na nagpabagsak sa balikat ko. Napasimangot pa ako. Ang in-expect ko na gagawin niya ay
(((Danreve))) “Picca, no!” sigaw ko na sumabay sa pagtiim ng mga mata ko at pagtalon ni Picca papunta kay Charmaine! Hindi agad ako nakakilos. Hindi nakapagsalita. Ngayon ko lang kasi nakita si Picca na gano’n ka agresibo. Pero mamaya ay napadilat ako. Imbes na atungal, walang humpay na hagikhik kasi ang naririnig ko mula kay Charmaine. “Picca...” masayang sabi pa nito sa alaga ko. ‘Yong kaba at takot na nararamdaman ko kanina habang nakikita ang mabilis na pagtakbo at pagtalon ni Picca na parang gustong lapain si Charmaine ay napalitan ng pagkagulat. “Are you okay?” Maya maya ay tanong ko kay Charmaine na tumango-tango lang at humahagikhik pa rin. Umupo na rin ako. I patted Picca’s head. “Picca, stop it,” sita ko naman sa alaga ko na ayaw lubayan ng pagdila ang mukha ni Charmaine. “Toni, ipasok mo muna si Picca,” utos ko, kasabay ang pagpa-upo kay Charmaine na hindi napigilan ang dumaing. Bumagsak na naman kasi siya. Malamang nadagdagan na naman ang pasa niya. Mabuti na
Si Lolo Clam ang tumawag. Bakas sa boses nito ang pag-aalala, pero mas nangingibabaw naman ang galit. At alam ko na kung bakit; nakarating na agad sa kanya ang nangyari kanina. “Lolo Clam, napatawag ka po?” maang-maangan pero masigla kong tanong na sumabay sa pagtakip ni Charmaine sa bibig niya, namaluktot at tumalikod. “You, brat! Of course, I want to check on you. I want to check on Charmaine. How is she? Is she okay? Goding told me, Picca attacked her,” sunod-sunod na tanong ni Lolo. Bahagya ko pang nailayo ang cellphone sa tainga ko dahil sa pasigaw nitong pagsasalita na ang sakit sa tainga. “She’s fine, Lolo. And yes, Picca did attack her, para dilaan ang mukha niya.” Walang gana kong sagot, pero napapaisip naman kung bakit gano’n si Picca kay Charmaine. Unang pagkikita pa lang nila, pero parang sabik na sabik na sa kanya si Picca. Parang attached sa kanya ang alaga ko. Hindi nga ako pinansin kanina. “Are you sure? Give her the phone; I want to talk to her,” madiing utos n
(((Charmaine))) “Hmmm...” ungol ko nang maramdaman ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa balat ko. Ang sarap sa pakiramdam, hindi ko mapigil ang sarili na mapangiti, habang pikit ang mga mata at nag-uunat ng mga braso. Rinig ko kasi ang mahinang hampas ng alon sa dalampasigan. Nandito nga kasi ako sa mala-paraisong villa ni Sir Danreve. “Ang sarap ng tulog mo, ah!” Para akong naalimpungatan nang marinig ang boses ni Sir Danreve. Ang antok kong mga mata, ngayon ay dilat na dilat na. Dahan-dahan akong lumingon at bumangad nga sa akin ang gwapo niyang mukha at nakaka-asar na ngiti. Sinadya pa nitong pagsalubungin ang mga kilay. “A-anong ginagawa mo rito, sir?” tanong ko, at akmang uupo. Pero pinigil na naman ako ng masakit ko pa ring balakang. Ngumiti siya at inunan ang mga braso niya. Napalunok na lamang ako. Ang ganda kasi ng view. Sa sobrang ganda, takot na akong tumingin. Bumakat kasi ang muscle sa braso niya; abs niya pa, parang mainit na tinapay na ang sarap