Happy Sunday, sa lahat!
(((Charmaine))) “Hmmm...” ungol ko nang maramdaman ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa balat ko. Ang sarap sa pakiramdam, hindi ko mapigil ang sarili na mapangiti, habang pikit ang mga mata at nag-uunat ng mga braso. Rinig ko kasi ang mahinang hampas ng alon sa dalampasigan. Nandito nga kasi ako sa mala-paraisong villa ni Sir Danreve. “Ang sarap ng tulog mo, ah!” Para akong naalimpungatan nang marinig ang boses ni Sir Danreve. Ang antok kong mga mata, ngayon ay dilat na dilat na. Dahan-dahan akong lumingon at bumangad nga sa akin ang gwapo niyang mukha at nakaka-asar na ngiti. Sinadya pa nitong pagsalubungin ang mga kilay. “A-anong ginagawa mo rito, sir?” tanong ko, at akmang uupo. Pero pinigil na naman ako ng masakit ko pa ring balakang. Ngumiti siya at inunan ang mga braso niya. Napalunok na lamang ako. Ang ganda kasi ng view. Sa sobrang ganda, takot na akong tumingin. Bumakat kasi ang muscle sa braso niya; abs niya pa, parang mainit na tinapay na ang sarap
“Sir, alis na po, ako.” Paalam ko kay Sir Danreve, na halatang nagulat dahil sa biglang pagsulpot ko sa harapan niya. Kalalabas niya lang kasi sa walk-in closet. Bagong ligo at bagong bihis, kaya siguradong fresh pa ang utak niya, at tiyak na papayagan niya akong umalis. “Saan ka pupunta?” tanong niya, kumunot pa ang noo. “Sabado po ngayon, Sir Danreve, day-off ko,” nakangiti ko pa ring sagot. Kampante nga kasi ako na papayag siya na umalis ako. “Ang tinatanong ko, saan ka pupunta, hindi kung anong araw ngayon!” pamemelosopo niya na nagpalunok naman sa akin. Akala ko, malamig ang utak, kasi bagong ligo, pero mainit pa rin pala. Sikmat agad. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin talaga matansya ang ugali niya. Minsan malambing, mabait, at maalalahanin, pero ngayon, nagsusungit na naman. “Wala naman po akong ibang pinupuntahan, sir, si Nanay lang. Sa hospital lang po. Parang hindi mo naman po alam,” sagot ko na may kasamang paghaba ng nguso. “Okay, I’ll go with you,” sab
(((Danreve)))“Enjoy, my star,” malambing kong sabi matapos lasapin ang manipis at malambot na labi ni Charmaine.Pinahid ko pa ang kumalat na lipstick sa mamasa-masa niyang labi, at tinulungan kong isara ang bibig niya. Hindi na kasi niya magawang isara, katulad ng mga mata niya na dilat na dilat pa rin hanggang ngayon. “Breath, my star,” ngisi kong sabi, sabay ang yakap sa kanya.” Masyado kang napaghahalata na first time mo,” bulong ko pa na nagpabalik sa katinuan niya na sumabay naman sa pagbukas at pagsara ng pinto ng kotse.“B-bakit mo ‘yon ginawa, Sir Danreve?” pabulong at pa-slow motion niyang tanong. “Anong pumasok sa utak mo?” Paulit-ulit niyang pinahid ang labi niya at itinulak pa ako.Kung hindi nga lang dahil kay Aka na lumabas ng kotse, at nagpatay malisya sa nakita niya kanina ay siguradong sapak ang inabot ko rito kay Charmaine. Matapos kasing magulantang sa mapangahas na paghalik ko sa kanya, ngayon ay kuyom na ang kamao, at ang mga mata ay nagbabaga na. “It’s your p
(((Charmaine)))Hindi ko na hinintay ang sagot ni Daisy. Iniwan ko na sila at dali-daling nagpunta sa kwarto ni Nanay. Hindi ko na kasi maintindihan si Sir Danreve. Kagabi ay narinig kong kausap niya ang girlfriend niya. Hindi ko man naintindihan ang pinag-uusapan nila, kitang-kita naman sa mga kilos niya na parang galit siya—parang nagtatampo. Parang may hindi sila pagkakaunawaan ng girlfriend niya. At sira-ulo siya. Halata namang naghahanap lang siya ng mapagbubuntungan ng sama ng loob. Hindi niya magawang magalit sa pinakamamahal niyang girlfriend, kaya ako ang pinagdidiskitahan niya. Ako ang pinaglalaruan, para mawala ang inis niya sa girlfriend niya.“Nanay,” malambing kong sabi, pagpasok sa kwarto. Matamis na ngiti naman ang bungad ni Nanay. Hindi maipagkakaila ang galak niya nang makita ako. Agad pa nga siyang umupo. “Charmaine, Anak,” sabi niya, habang yakap-yakap na ako. Niyapos ko naman siya ng sobrang higpit. “Na-miss po kita, ‘Nay,” sabi ko naman, kasabay ang halik sa n
Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga, matapos ilabas ang himutok ko. Pero walang silbi ang ginawa ko. Hindi pa rin nawala ang inis ko.Napangiti na lang ako ng mapait, habang nakatingin sa na tameme na si Sir Danreve. Aware naman ako na iba ang kilos ko, sa lumabas sa bibig ko. Bakas na bakas ang galit ko; bakas ang sama ng loob at totoo na iniiwasan ko nga siya. Pero totoo rin naman ‘yong sinabi ko; wala akong karapatan na magalit. Pumirma kasi ako ng agreement. Sumang-ayon ako na pwede ang physical contact, kung kinakailangan sa pagpapanggap namin.Pero ‘yong nangyari kanina. Hindi naman kailangan ang pagpapanggap. Wala sa usapan na pwede niya akong parusahan ng gano’n. Ginagago niya ako. Akala siguro niya ay hindi ko alam kung bakit niya ‘yon ginawa.Ginawa niya ‘yon, para may pagbalingan siya ng sama ng loob, o kung ano mang emosyon ang nararamdaman niya.‘Yon ang kinaiinisan ko. Tapos ngayon, magtatanong siya kung bakit ako galit? Kung bakit ko siya iniiwasan? Buwisi
Nagsisimula nang maging marahas ang paghinga ko. Halos hindi ko na rin mahabol ang tibok ng puso ko. Ang dami na agad pumapasok sa utak ko. Mga posibleng komplikasyon. Mga maaring mangyari kay Nanay, habang isinasagawa ang dialysis. “Daisy, ano ba? Magsalita ka!” Niyugyog ko na si Daisy. Natahimik na lang kasi siya, hindi na rin maperme ang mga mata, at humigpit rin ang paghawak niya sa cellphone niya.“Bakit ka ba naglilihim, besty?! Ano ba ang kinatatakutan n’yo?”Hindi ko sila maintindihan, sa totoo lang. Kahit naman, hindi ako laging nagpupunta rito hospital, updated pa rin naman ako sa kalagayan ni Nanay. Nakakausap ko pa rin ang doctor. Kaya nga alam ko kung ano na ang mga naging komplikasyon niya. Ang wala akong alam ay kung ano ang nangyayari sa loob ng dialysis center.Marami na akong naririnig, mga dialysis patient na inaatake sa puso habang isinasagawa ang dialysis. ‘Yon ang ikinatatakot ko. “Wala–wala, besty. Ayaw lang talaga ni Nanay na may nanonood sa kanya habang du
“Ano ba, sir?!” reklamo ko, pero napakapit naman sa batok niya. Nagulat nga kasi ako. Akala ko magsesermon siya, o hindi kaya, hahayaan niya akong matulog at aalis na siya. Pero iuuwi pala ako. “Ibaba mo nga po ako, Sir Danreve. Bakit ba, epal ka!?” Dagdag ko, pero natiim ko naman agad ang labi ko. Pinanliitan ba naman ako ng mga mata na sinabayan ng pagtagis ng bagang. Balik na naman sa dati ang ugali niya. Paggusto niya, gagawin niya, at hindi akong pwedeng kumontra. Pigil akong bumuga ng hangin, naninikip kasi ang dibdib ko dahil dito kay, Sir Danreve. “Pagod lang po ako, hindi po lumpo,” pabulong kong sabi, sabay ang sikretong sulyap sa seryoso niyang mukha. Hindi na nga kasi siya nagsasalita, patuloy lang siya sa paglalakad na parang hindi man lang nabibigatan. “Sir, diretso mo na lang kaya ako sa emergency room, malapit na kasi akong mahimatay, sa hiya!” Sinamaan ko siya ng tingin na ginantihan naman niya ng mas masamang tingin. Ang sama—katulad ng ugali niya. Bi
((Danreve)) Malakas na kahol ng aso at tawa ang gumising sa akin kinaumagahan. Laging ganito ang umaga ko. Ang masayang boses ni Charmaine ang parang naging alarm clock ko tuwing umaga. Ang nakakalungkot lang, hanggang tanaw lang ako sa kanya mula rito sa balcony ng kwarto namin. Ito na kasi ang routine niya. She makes sure na maaga siyang gumising, at sa gabi naman pagdating ko mula sa trabaho ay tulog na siya. Ginagawa niya ang lahat, iwasan lang ako. Kapag lumalapit ako ay agad naman siyang lumalayo. Ni ayaw na nga niya akong tingnan. Kay Picca siya nag-focus, sa pagiging pet nanny niya at hindi sa pagiging asawa ko. Simula kasi no’ng hinalikan ko siya, at panay na ang paramdam ko na may feelings na nga ako for her, ay umiiwas na siya. Hindi ko naman siya masisi. Tarantado nga kasi ako. Ako ang naglagay ng boundary sa pagitan namin. Sinabi ko sa kanya ng diretso noon; I have a girlfriend, and I love her so much. Kaya sakali mang mag-isip siya na pwede maging kami, tigilan