For almost a month, I had been shielding my heart with anger and fear. Gusto kong protektahan ang sarili ko sa sakit na maaring maranasan ko ulit. Pero dahil sa tiyaga ni Danreve, tuluyan na ring bumigay itong puso ko. Nawala ang takot at nangibabaw ang totoo kong nararamdaman.“Totoo, uwi tayo sa bahay?" maang na tanong ni Danreve kasabay ang pagtayo. “Sa bahay natin? Sa villa?" tanong nito ulit na parang naguguluhan pa rin. Hindi nga nito alam kung ngingiti na ba o hindi. “Ayaw mo yata…” Tatalikuran ko na sana siya, pero agad-agad niyang niyapos ang baywang ko at ngumiti."Wait! Gusto ko, syempre. Ito na nga ang pinakahihintay ko." Naglabas siya ng pera sa wallet at iniwan sa lamesa. “Let’s go, my star.” Ngiting-ngiti nitong sabi, habang ang kamay ay marahang pumipisil-pisil sa baywang ko. At Kung kanina ay parang tanga siya na hindi maintindihan ang sinasabi ko, ngayon ay kulang na lang buhatin na ako, marating lang namin agad ang parking area. “My star, uwi ka na talaga sa ba
The morning sunlight filtered through the curtains, casting a golden glow on Danreve’s face. Hindi ko naman mapigil ang mapangiti habang pinagmamasdan ang gwapo niyang mukha.Ang gaan kasi sa pakiramdam—ang saya sa pakiramdam na gumising katabi ang mahal ko—pakiramdam na akala ko, hindi ko na muling maramdaman at mararanasan.Ang nangyari sa amin kagabi is a beautiful reminder of the love that had always existed between us, despite sa mga trials na aming naranasan. Napigil ko sandali ang hininga ko nang gumalaw si Danreve, his arms tightening around me as he opened his eyes. His gaze met mine, saka matamis siyang ngumiti. “Good morning, my star,” sabi niya, sa inaantok na boses.Matamis naman akong ngumiti, “Good morning, my heart,” sabi ko, at niyakap din siya ng sobrang higpit.We lay there for a few moments, savoring the peaceful intimacy of the morning. “Mommy, Daddy." Sabay kaming bumangon, at agad isinuot ang aming mga damit nang marinig ang masiglang pagtawag ni Chad, kasabay
(Third POV) **DAISY**Nakatayo si Daisy sa gilid ng reception hall, watching Charmaine and Danreve share their first dance as husband and wife. Sa wakas, nakita niya rin ang kaibigan niyang nakasuot ng wedding dress, mga bagay na hindi naranasan nito noon. At masaya siya para sa kanyang kaibigan. Naging saksi nga kasi siya kung paano nagsimula ang kanilang relasyon—the fake marriage, the lies, the eventual heartbreak. Lahat ng ‘yon ay nakita niya. Hindi nga siya makapaniwala, sa kabila ng mga nangyari ay magkabalikan pa sila. Naalala pa ni Daisy, ang sinabi niya noon sa kaibigan na maliit lang ang palad ng unggoy, baka kapag kumuyom ay mahalin nila ang isa’t-isa. Nangyari nga ‘yon, pero sinubok naman sila ng panahon.She recalled the nights Charmaine cried over Danreve, nang maghiwalay sila. Daisy had held her, promising things would get better, though she wasn’t sure she believed it herself. It had been a long road for her friend, and now, watching them together with their son, it
(((CHARMAINE))) “Charmaine, lakad na! Ano ka ba naman! Sabi ko naman sa’yo, ako na ang bahala kay Nanay,” apura sa akin ni Daisy. Matalik kong kaibigan. Kapapasok lang nito sa bahay, at heto tumalak agad. Alam niya kasi na may job interview ako ngayon. Mama nga kasi niya ang nag-recommend sa akin sa trabahong ‘yon. Mabuti na lang at nagkataon naman na wala siyang pasok sa eskwela, kaya siya ang nagpresenta na magbantay kay Nanay habang wala ako. Medyo inggit nga ako sa kanya, dapat kasi ay nag-aaral din ako gaya niya. Pareho na sana kaming first-year college ngayon. Pero dahil nagkasakit si Nanay, kailangan ko munang huminto sa pag-aaral para maghanap ng trabaho. “Akin na nga ‘yan!” Binawi pa nito ang mangkok ng lugaw na ibibigay ko pa sana kay Nanay, at saka, tinulak ako papunta sa pinto. “Bilis na! Mahuhuli ka na!” Tipid na lang akong ngumiti, pero ang tingin ko ay na kay Nanay na. Kahit ngumingiti siya, bakas pa rin ang pananamlay. Bakas ang panghihina. Nadudurog a
“Ano?!” Bulalas ko sabay ang pagtayo. Hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral, pero ‘yong sinabi ni Onse; intinding-intindi ko kahit english pa ‘yon. Hindi pwedeng hindi ko maintindihan ang simpleng salitang ‘yon. “Ano po bang kalokohan ‘to?!” naguguluhan kong tanong. Medyo tumaas din ang boses ko. Ayoko kasi ng ganito. Oo, mahirap nga ako, pero hindi ako ‘yong tao na payag lang na paglaruan. Lalong ayaw kong inaapakan ang pagkatao ko, at magmukhang tanga sa harap ng mga lalaking ‘to. Kahit mayaman pa sila, hindi ako papayag na gawin nila akong katawa-tawa. “Don’t raise your voice on us!” Dinuro ako ni Danreve. Sa unang pagkakataon, nasilayan ko ang pagmumukha niya. Nagsusumigaw rin ang kagandahang lalaki, pero umalingasaw naman ang masamang ugali. “Wala kang karapatan!” dagdag pa nito, at akmang lalapitan pa ako. Hinawakan naman siya ni Onse sa balikat, sabay sabi, “Bro, kalma.” Nasa akin na rin ang tingin niya. Tingin na parang naguguluhan at hindi na naman mapakali.
(((Danreve))) “You are not getting any younger, Danreve! You’re thirty two years old, and yet, wala ka pa ring balak na lumagay sa tahimik?” Paulit-ulit ko na lang naririnig ang mga salitang ‘yon mula kay Lolo Clamente at sa magulang ko sa tuwing uuwi ako ng mansion. Ang gusto nila ay mag-asawa na ako. Ang gusto nila ay tigilan ko na ang kahibangan ko sa paghihintay sa girlfriend ko na in-una raw ang career kay sa akin. Hibang na kung hibang, but I won't get tired of waiting for her. Handa akong maghintay kahit gaano katagal. Hindi ko ipagpapalit ang pitong taon na relasyon namin ng girlfriend ko, for some random girls. I won’t deny that in three years, na hindi ko kasama ang mahal ko ay hindi na ako tumikim ng ibang babae. Tumikim ako. Kada labas, iba ang kasama ko. But hanggang do’n lang ‘yon. Hanggang sa kama lang. No string is attached. “Matanda na rin ako, Apo. Bago man lang sana ako mawala sa mundong ‘to, gusto ko sanang makita na maikasal ka, o Kung bibigyan pa ako ng
Ito na nga ang naisip na plano ni Onse. Nakahanap na nga siya ng babae na magiging fake wife ko. Akala ko wala nang magiging problema. Pero bakit nag-da-drama ang babae na ‘to? Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko rin alam kung maniniwala ba ako sinasabi niya. Lahat pa naman ng ayaw ko ay iyong pretender. If only I have the guts to look at her. Maybe I can tell if she’s telling the truth or not, pero hindi ko nga magawa. I lost face. Nahihiya ako, hindi ko alam kung bakit. Sa tuno kasi ng pananalita niya, I can sense na nagsasabi nga siya ng totoo. At isa pa, I feel her pain. Mas masakit sa sampal niya sa mukha ko. But still, there’s a part of me na nagsasabi na ‘wag agad ako maniwala. Sa edad kong ‘to, hindi na ako mahuhulog sa trap ng mga nagpapanggap na angel. Madalas nga kasing nagpapanggap na angel ang mga demonyo. At ayaw ko na mademonyo ng isang ‘to. Lalo’t alam ko na maraming babae ang gustong maging asawa ako. Marami ang gustong makuha ang title na
(((Charmaine))) Panay ang buntong-hininga ko habang nag-aabang ng masasakyan dito sa labas ng Lazaro Law Firm—Law Firm na pagmamay-ari ng pamilya ni Onse. Katatapos ko lang din tawagan si Daisy. At heto nga, mas nanghina pa ako matapos makausap ang kaibigan ko. Bago ko kasi ibinalita sa kanila na minalas ako at hindi natanggap sa trabaho dahil wala akong experience. Palihim munang sinabi sa akin ni Daisy na inatake na naman daw si Nanay kanina. Kaya nagsinungaling na lang ako. Ayaw ko na mag-alala pa si Nanay. Ayaw kong dagdagan pa ang paghihirap niya. Kaya kahit anong mangyari, ililihim ko sa kanya ang nangyari sa akin kanina. Ililihim ko sa kanya ang panlalait na natanggap ko mula sa lalaking mata-pobre. “Come with me!” Parang tumalon ang puso ko sa sobrang gulat nang marinig ang nakakatakot na boses na ‘yon. Mas kumabog pa ang puso ko dahil sa kamay nitong hawak na ang pulsuhan ko. Ang mata-pobreng si Danreve lang naman ang lapastangan na humawak sa akin na para bang p