(((Danreve)))
“You are not getting any younger, Danreve! You’re thirty two years old, and yet, wala ka pa ring balak na lumagay sa tahimik?” Paulit-ulit ko na lang naririnig ang mga salitang ‘yon mula kay Lolo Clamente at sa magulang ko sa tuwing uuwi ako ng mansion. Ang gusto nila ay mag-asawa na ako. Ang gusto nila ay tigilan ko na ang kahibangan ko sa paghihintay sa girlfriend ko na in-una raw ang career kay sa akin. Hibang na kung hibang, but I won't get tired of waiting for her. Handa akong maghintay kahit gaano katagal. Hindi ko ipagpapalit ang pitong taon na relasyon namin ng girlfriend ko, for some random girls. I won’t deny that in three years, na hindi ko kasama ang mahal ko ay hindi na ako tumikim ng ibang babae. Tumikim ako. Kada labas, iba ang kasama ko. But hanggang do’n lang ‘yon. Hanggang sa kama lang. No string is attached. “Matanda na rin ako, Apo. Bago man lang sana ako mawala sa mundong ‘to, gusto ko sanang makita na maikasal ka, o Kung bibigyan pa ako ng mas mahaba-habang buhay, gusto kong makita ang mga apo ko sa tuhod.” Iyon ang huling salitang narinig ko mula kay Lolo Clam, bago siya nawalan ng malay, at ngayon nga ay nandito siya sa hospital, nakikipaglaban sa buhay. Guilty ako. Kasalanan ko kung bakit siya inatake sa puso ng araw na ‘yon. I acted like a jerk. Pinagdidiinan ko na hindi ako mag-aasawa kung hindi rin lang si Golda ang pakakasalan ko. Mas gugustuhin ko pang itakwil nila kay sa makasal ako sa babaing hindi ko naman gusto. “Anong drama ‘yan?” Napabitiw ako sa kamay ni Lolo Clam dahil sa biglang pagsasalita ng Mommy ko—si Mommy Riza. Hindi ko napansin ang pagdating nila. Masyadong na-occupy ang utak ko sa iniisip ko. Isama pa ang nararamdaman kong guilt na nagpapahirap sa kalooban ko. Hindi ko alam kung paano makabawi sa Lolo ko at sa mga magulang ko. “Mom…” tanging nasabi ko sabay ang pagyuko. Inismiran niya kasi ako. Sa nangyari kay Lolo, hindi na nakapagtatakta na magalit siya sa akin. Paulit-ulit na lang akong bumuntong-hininga. Hindi ko alam kung paano humingi ng tawad. Lalo’t alam ko kung ano ang gusto nilang gawin ko na pambawi kay Lolo. Iyon ay ang mag-asawa ako. “Walang mangyayari kung mag-e-emote ka lang r’yan, Danreve. Do something! Bumawi ka sa Lolo mo.” Talak pa ni Mommy, sabay upo sa sofa at humalukipkip habang dismayang tumititig sa akin. Si Papa naman ay tahimik lang na tinitigan si Lolo. Gaya ko, nag-iisang anak lang din sa Papa, kaya ang gusto nila ay bigyan ko na sila ng apo. An heir na siyang magmamana sa ng lahat ari-arian ng mga Abrazaldo. Ako rin naman ay iyon din ang gusto. Pero anong magagawa ko? Ayaw pa umuwi ni Golda rito sa Pilipinas. Pinipilit ko siya na umuwi, pero paulit-ulit naman siyang tumatanggi. Nakukulitan na nga yata sa akin ‘yon. Ilang linggo na kasing hindi sinasagot ang mga tawag ko. Kung hindi nga ako pinagbantaan n’on na hihiwalayan ako kapag pinuntahan ko siya, baka sumugod na ako roon at sapilitan siyang iharap sa altar. Ang hirap ng sitwasyon ngayon ko. Ang tingin sa akin ng iba, isa akong tao na walang puso. Isang tarantado na ang tingin sa mga babae ay parang condom na kapag nagamit na, itatapon na lang. Hindi nila alam na I was crazy in love, sa babae na una kong minahal. “Dad, I’m so—” Naputol ang pagsasalita ko nang ibato sa akin ni Daddy ang folder. “What’s this?” Nagtataka kong tanong na hindi na sinagot ni Daddy. Mapait na lang akong napangiti. Alam ko, katulad ni Mommy, masama rin ang loob niya sa akin. Kahit hindi niya pa sabihin ng harap-harapan. Ramdam ko na sinisisi niya ako sa nangyari kay Lolo. Hindi naman kasi ako manhid. Oo, tarantado ako at matigas ang ulo. Pero hindi naman ako masamang anak o apo. Ayaw ko lang na pinipilit ako sa mga bagay na hindi ko gusto. Itong nangyari kay Lolo. Sinisi ko rin ang sarili ko. Galit rin ako sa sarili. Hindi ako halimaw na walang pakiramdam, at lalong hindi ako walang modo sa mga taong binigay sa akin ang lahat ng pagmamahal at karangyaan sa buhay. “Ikaw ang dahilan kung bakit nasa ganitong kalagayan ang Lolo mo. So, gawin mo ang gusto niya. Make him happy! Maging masunuring apo ka naman kahit ngayon lang!” Paulit-ulit kong binasa ang biography ng mga babae na siyang laman ng folder na binato sa akin ni daddy. Mapait akong napangiti. Lahat sila maganda, sexy, at galing din sa mayamang pamilya, pero ni isa sa kanila, wala akong magustuhan. Ni kaunti ay wala akong spark na maramdaman. At sa tuwing tinititigan ko sila, mukha ni Golda ang nakikita ko. Ang maramdaman niya ang concern ko. Ayaw kong masaktan siya. Ayaw ko na sa pagbalik niya ay hindi na ako malaya. “Bro! How’s Lolo Clam? ” tanong ni Onse, matalik kong kaibigan. Anak ng mga batikang abogado. Pero matagal nang rumitiro dahil sa karanasang hindi nila makalimutan. Nagpapatakbo na lang sila ng isang law firm. At lahat ng lawyers nila, mga batikan din. Si Onse lang ang naiiba. Isa kasi siyang lawyer na tambay. Ayaw niya kasing humawak ng kaso. Pakiramdam niya ay hindi pa siya handa. May opisina nga siya, pero ginagawa lang naming tambayan. “He still unconcious,” matamlay kong sagot sabay abot sa kanya ang folder. “What’s this?” tanong naman nito sabay ang pagbuklat no’n, at saka ay ngumiti. Kumislap pa nga ang mga mata habang hawak-hawak ang baba at nilaro-laro ang kaunting biguti roon. Paanong hindi siya ngumiti; isa rin siyang mahilig. Siya ‘yong tipong hindi mahamon. Kapag may nagpakita ng motibo, at alam niyang mag-e-enjoy siya, hala bira. “Nakapili ka na ba? Lahat ‘to panalo, bro! Walang tapon. Lahat masarap at pwedeng kainin,” ngiting sabi niya habang patuloy sa pagbuklat ng mga bio. Pahapyaw akong tumawa. “ ‘Yan ka! Imbes na tulungan mo akong mag-isip at lusutan ang problema ko. Kati ng katawan ang inuuna mo!” Napalakas naman ang tawa niya. “Kasasabi mo lang. Problema mo. Bakit damay ako?” walang paki’ nitong sagot at ngumiti pa ng nakakaasar. “Kilala mo naman ang mga babae na ‘yan. Kapag isa sa kanila ang pinakasalan ko, sakal ang labas ko!” Natatawang nilapag naman ni Onse ang folder. “Talagang masasakal ka. E patay na patay nga sa’yo ang mga babae na ‘to.” “ ‘Yon na nga ang gusto ko sanang sabihin kay Daddy, pero hindi ko naman masabi-sabi.” Nahagod ko ang buhok ko. “Galit sa akin e!” Tumayo naman ako’t napahilos ng mukha. Habang si Onse ay muling binuklat-buklat ang mga bio. Hindi pa yata tapos pagnasahan ang mga babae sa larawan. “Bro, help me, please,” desperado kong pakiusap sa kaibigan ko. Pahapyaw na tawa naman ang naging sagot ni Onse at dismaya akong tinitigan. “Anong tulong ba ang gusto mong gawin ko?” “I don’t know! Kahit ano. Basta makabawi lang ako sa Lolo ko.” “Kahit ano? Sigurado ka?” Parang nang-aasar na tanong ni Onse. “Kahit ano nga. Mapasaya ko lang si Lolo.” Tumayo si Onse at nagpalakad-lakad. Lawyer nga siya. Alam kong marami siyang paraan. Alam kong matutulungan niya akong mag-isip ng paraan. Kaya nga dumeritso na ako rito matapos kong pakinggan ang himutok ng mga magulang ko. “Bro…” Bagot kong tawag sa kaibigan ko habang sinusundan ang bawat galaw niya. Hanggang sa bigla siyang huminto at hinarap ako. “What if maghahanap tayo ng magiging fake wife mo?” ngising sabi ni Onse.Ito na nga ang naisip na plano ni Onse. Nakahanap na nga siya ng babae na magiging fake wife ko. Akala ko wala nang magiging problema. Pero bakit nag-da-drama ang babae na ‘to? Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko rin alam kung maniniwala ba ako sinasabi niya. Lahat pa naman ng ayaw ko ay iyong pretender. If only I have the guts to look at her. Maybe I can tell if she’s telling the truth or not, pero hindi ko nga magawa. I lost face. Nahihiya ako, hindi ko alam kung bakit. Sa tuno kasi ng pananalita niya, I can sense na nagsasabi nga siya ng totoo. At isa pa, I feel her pain. Mas masakit sa sampal niya sa mukha ko. But still, there’s a part of me na nagsasabi na ‘wag agad ako maniwala. Sa edad kong ‘to, hindi na ako mahuhulog sa trap ng mga nagpapanggap na angel. Madalas nga kasing nagpapanggap na angel ang mga demonyo. At ayaw ko na mademonyo ng isang ‘to. Lalo’t alam ko na maraming babae ang gustong maging asawa ako. Marami ang gustong makuha ang title na
(((Charmaine))) Panay ang buntong-hininga ko habang nag-aabang ng masasakyan dito sa labas ng Lazaro Law Firm—Law Firm na pagmamay-ari ng pamilya ni Onse. Katatapos ko lang din tawagan si Daisy. At heto nga, mas nanghina pa ako matapos makausap ang kaibigan ko. Bago ko kasi ibinalita sa kanila na minalas ako at hindi natanggap sa trabaho dahil wala akong experience. Palihim munang sinabi sa akin ni Daisy na inatake na naman daw si Nanay kanina. Kaya nagsinungaling na lang ako. Ayaw ko na mag-alala pa si Nanay. Ayaw kong dagdagan pa ang paghihirap niya. Kaya kahit anong mangyari, ililihim ko sa kanya ang nangyari sa akin kanina. Ililihim ko sa kanya ang panlalait na natanggap ko mula sa lalaking mata-pobre. “Come with me!” Parang tumalon ang puso ko sa sobrang gulat nang marinig ang nakakatakot na boses na ‘yon. Mas kumabog pa ang puso ko dahil sa kamay nitong hawak na ang pulsuhan ko. Ang mata-pobreng si Danreve lang naman ang lapastangan na humawak sa akin na para bang p
“Teka lang po, sir,” sabi ko sabay hawak sa kamay nitong fake kong asawa. Nandito na kami sa parking lot ng hospital. Kanina habang sinasabi niya sa akin ang mga dahilan kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito, medyo nabawasan naman ang inis ko sa kanya. May puso din naman palang tumitibok. Akala ko manhid at hindi marunong magmahal. Kaya lang, parang bumabahag naman ang buntot ko ngayong nandito na kami. Paano kung gaya n’ya, mata-pobre rin ang pamilya niya? Paano kung hindi nila ako tanggap bilang asawa nitong masungit nilang Anak? Paano kung sandamakmak na panghahamak na naman ang marinig ko mamaya? Kahit pa hindi totoo ang mga sasabihin nila, ang sakit pa rin kayang marinig. Kanina nga lang, tagos hanggang buto ko ang sakit ng mga sinabi ni Sir Danreve. Kaya kahit alam kong may puso naman pala siya, hindi pa rin tuluyang nawala ang sama ng loob ko. At saka, unang araw pa nga lang ng play namin ngayon bilang mag-asawa. Hindi pa namin kilala ang isa’t-isa, at hindi ko pa
Sa asim ng mukha ng Mommy ni Sir Danreve, gusto ko na lang mahimatay at hindi gigising hangga’t kasama pa namin siya. “Danreve!” Agad akong umatras nang magtaas ito ng kamay. Akala ko, masasampal na ako. Dinuro niya lang pala si Sir Danreve. “Are you out of mind?!” Gigil na sikmat nito. Kung kanina ay duro-duro niya lang si Danreve, ngayon ay kuyom na ang kamao na parang gustong suntukin ito. “Ang gusto namin ay gumawa ka ng paraan na makabawi sa Lolo mo! Hindi ‘yong gagawa ka nga ng paraan na mas ikamamatay niya!” Pabulong, ngunit gigil na gigil nitong sabi. Nanginginig na rin ito sa galit. “Mom, calm down. Makinig muna kayo, please,” pabulong din na pakiusap ni Sir Danreve sa galit nitong ina. Sa totoo lang dobleng takot na ang nararamdaman ko. Takot dahil sa nanggagalaiti sa galit na Mommy ni Sir Danreve, at takot sa kondisyon nito. Tumaas na yata kasi ang dugo. Medyo hirap na rin ito sa paghinga. Paano kong atakihin siya sa puso. Nilingon ko si Sir Danreve. Gusto
Sandali akong natahimik dahil sa singhal ng matanda. Pero nagawa ko naman siyang tulungan na umupo.“I’m sorry, po,” sabi ko, na nagpaismid naman sa kanya.“Bakit ka nag-so-sorry? Ang gusto kong itanong, why risk your life for someone you don’t even know? ” pasinghal pa rin nitong tanong, pero ang tingin ay nasa siko ko na ang laki ng lapnus. Nagmukhang glass skin sa kintab, namumula pa. Hapdi!“Sa totoo lang, hindi ko rin po alam,” sagot ko, sabay ihip sa tuhod kong nalapnus din. “But, siguro dahil po sa reflexes ko. Ang lapit mo lang kasi sa akin, kaya nagawa ko ‘yon.”“Kaya mo bang tumayo?” tanong ng matanda, kasabay na rin ang pagtayo niya, at saka ay nagpagpag. Ngumiti ako. “Syempre po. Bata pa po ako, kaya matibay pa ang buto ko.” Kayabangan kong sagot. Pero no’ng sinubukan kong tumayo, hindi ko pala magawa. Ang sakit ng katawan ko. Ako nga kasi ang unang tumama sa sementadong daan, kaya ako ang napuruhan. Siya ay may gasgas rin, pero hindi kasing laki nitong sa akin.“Akala ko
“Sir Danreve, bakit mo ‘yon sinabi? Bakit mo binigla?!” pabulong kong tanong dito sa asawa kong fake na hindi ko alam kung anong utak mayro’n na kanina pa hindi nagsasalita. Guilty na naman ang sira-ulo. Paano kasi, masiyadong impulsive. Ngayon, ni ang lapitan ang Lolo niya ay hindi na magawa. Nagagalit kasi kapag lumalapit siya. Kaya puro lingon lang ang ginagawa niya sa Lolo Clam niya. “Alam mo namang hindi pa magaling ang Lolo mo, sir!” dagdag ko pa, sabay ang bahagyang silip sa Lolo niya na nakahiga sa hospital bed na hindi kalayuan sa akin. Imbes kasi na ako lang ang dadalhin sa ER; dalawa na kami ng Lolo niya. Tumaas kasi ang presyon. Sumukip pa ang dibdib. At kasalanan na naman nitong pasaway niyang Apo.Ang tanda-tanda na hindi marunong mag-isip ng tama. Akala ko naman, ginagawa niya itong fake marriage namin, para bumawi at mabawasan ang sama ng loob sa kanya ng Lolo niya. E, dinagdagan niya.“Puntahan mo ang Lolo mo. Magpaliwanag ka!” utos ko sa kanya, pero pinanliitan
(((Danreve)))Ilang minuto ko nang pinagmamasdan ang likod ni Charmaine.Matapos niya kasing ilabas ang sama ng loob kanina ay hindi niya na ako muling kinausap. Hindi niya na ako pinansin at tahimik na lang na umiiyak.Gusto ko sanang mag-sorry, but I don't know how. Maski ang e-comfort siya ay hindi ko magawa. Kahit ano kasing sasabihin ko, hindi na siya nag-react. She completely ignored me.“Charmaine, tama na ang arte!” Napangiti na lamang ako ng mapait. Pisil-pisil ko na rin ang noo ko. Sakit siya sa ulo. Ang tigas kasi ng ulo niya. Talagang kaya niyang magmaktol sa taong magpapasweldo sa kanya. Tama si Lolo ang yabang niya! Porket kailangan ko ang tulong niya—ang serbisyo niya, feeling mighty na.“Bumangon ka na, Charmaine. Kanina pa dumating ang result mo. Pwede na raw tayong umalis,” sabi ko pa, kahit hindi pa rin niya ako kinikibo. Para na akong tanga. Kausap ang sarili. Ilang beses na rin akong bumuga ng hangin. Grabe na ang pagtitimpi ko na ‘wag siyang pagalitan at ‘wag
“Lolo, sorry po, hindi pwede,” biglang sabi ni Charmaine na ikinalaki ng mga mata ko. “Bakit, hindi pwede?!" pasikmat na tanong ni Lolo, at napabangon pa. Humigpit na lang ang paghawak ko sa wheelchair ni Charmaine habang nakatitig sa ulo nito na ang sarap batukan. Kitang-kita ko kasi ang pagtataka sa mukha ni Lolo, dahil sa padalos-dalos na sagot nitong isip bata kong asawa. “Hindi po papayag ang Nanay ko!” Walang paligoy-ligoy naman nitong sagot na nagpaawang sa labi ni Lolo. Maging ako ay umawang din labi. Nagulat din naman ako sa sinabi ni Lolo na plano ng kasal, pero hindi katulad niya na masyadong napaghahalata. Kabadong-kabado na parang takot na takot na mauwi sa totoong kasal ang fake marriage namin. “Hindi papayag ang Nanay mo? Hindi ba’t sabi nitong Apo ko ay asawa ka na niya? Gusto ko ay bigyan kayo ng proper wedding. Gusto kong makilala ka bilang asawa ng Apo ko.” Dinuro-duro ako ni Lolo Clam, pero ang tingin ay na kay Charmaine lang. Hindi ko nakikita ang m