Share

Kabanata 5

(((Charmaine)))

Panay ang buntong-hininga ko habang nag-aabang ng masasakyan dito sa labas ng Lazaro Law Firm—Law Firm na pagmamay-ari ng pamilya ni Onse.

Katatapos ko lang din tawagan si Daisy. At heto nga, mas nanghina pa ako matapos makausap ang kaibigan ko.

Bago ko kasi ibinalita sa kanila na minalas ako at hindi natanggap sa trabaho dahil wala akong experience.

Palihim munang sinabi sa akin ni Daisy na inatake na naman daw si Nanay kanina.

Kaya nagsinungaling na lang ako. Ayaw ko na mag-alala pa si Nanay. Ayaw kong dagdagan pa ang paghihirap niya. Kaya kahit anong mangyari, ililihim ko sa kanya ang nangyari sa akin kanina. Ililihim ko sa kanya ang panlalait na natanggap ko mula sa lalaking mata-pobre.

“Come with me!”

Parang tumalon ang puso ko sa sobrang gulat nang marinig ang nakakatakot na boses na ‘yon. Mas kumabog pa ang puso ko dahil sa kamay nitong hawak na ang pulsuhan ko.

Ang mata-pobreng si Danreve lang naman ang lapastangan na humawak sa akin na para bang pagmamay-ari niya ako.

Ang kilos at tingin niya ay parang nagsasabi na sumama ako sa kanya, at bawal akong tumanggi sa kung ano ang gusto niyang gawin.

“A-ano ba? Bakit na naman po ba?” Kabado kong tanong habang hila-hila na niya ako.

Nagmatigas pa ako. Sinubukan kong hindi humakbang. Pero walang silbi ang pagmamatigas ko. Hindi kaya ng lakas ko, ang lakas niya.

“Sir, teka lang naman po! Ano na naman ba ang kasalanan ko? Bakit na naman po ba?”

Hawak ko na ang kamay niya, at pilit kinakalas ang mga daliri niya na parang mga linta na dumikit sa balat ko.

Imbes na sagutin ang tanong ko. Binuksan nito ang pinto ng kotse, at nilingon ako, sabay sabi, “ get inside. Let’s talk!”

Umiling-iling ako. “Ayoko po,” mahina at nanginginig kong sabi.

Talk-tukin niya ang mukha niya. Sinong sira-ulo ba ang gustong kausapin siya? Kahit pangarap ko pa na sumakay sa magarang kotse, kung siya lang naman ang kasama, ‘wag na oi!

“Pasok na…” gigil naman nitong sabi.

Pag-iling pa rin ang sagot. Gusto kung sabihin sa pagmumukha niya na bumili siya ng makausap at ‘wag ako ang gambalain niya. Pero hindi ko masabi-sabi. May pagkakataon talaga na nawawala ang tapang ko.

“Ayoko nga po sabi!” Pagmamatigas ko.

Tumiim naman ang labi niya. Nanliit din ang mga mata na parang gusto na akong buhatin at ibalibag sa loob ng kotse niya.

Mas tumindi pa ang kaba na nararamdaman ko. Nag-sisimula na ring uminit ang mga mata ko. Hirap na akong huminga dahil sa malakas na kabog ng puso ko.

Bakit ba ako minamalas ng ganito? Nawala na nga sa amin lahat. Nagkasakit si Nanay. Nahinto ako sa pag-aaral, tapos ngayon, nakilala ko pa itong mata-pobreng bayonlenteng lalaking kaharap ko.

“Ang tigas ng ulo mo! Mag-uusap nga lang tayo!” Gigil na gigil siya habang sinasabi ‘yon.

Sandaling tumigil ang tibok ng puso ko. Gusto kong magsalita. Gustong maki-usap, pero nawalan na ako ng lakas. Ang higpit kasi ng paghawak niya sa pulsuhan ko. Sa puntong namanhid na ang kamay ko.

Nakapanghina na rin ang tibok ng puso ko na parang may karambola sa loob ng dibdib ko.

“Bitiwan mo na ako. Masakit po…” sabi ko na pinipigil ang mapahikbi.

Kumurap-kurap siya. Sandaling tumitig sa mga mata, at saka, bumuga ng hangin. “I’m sorry!” sabi nito sabay bitiw sa kamay ko, at itinaas naman ang dalawang kamay niya na parang sumusuko sa laban. “I know, natakot ka. I’m being rude. Kanina pa. Hindi sana kita, kinaladkad ng gano’n.”

Hindi ako sumagot sa putol-putol niyang paliwanag na parang nagkabuhol-buhol ang dila. Pinahid ko ang luhang namuo sa mga mata ko at tumalikod na.

“I have a proposal for you—”

Sabi niya na sumabay sa mabagal kong paglalakad. Pero nagpatuloy pa rin ako.

“Sabi mo, you need money? Kailangan mo ng trabaho para mapagamot ang Nanay mo, hindi ba?”

Awtomatikong huminto ang paghakbang ko, at nilingon siya. Pero tumitig lang ako sa kanya.

Dahan-dahan naman siyang naglakad papunta sa kinaroroonan ko. Tingin ko sa kanya ay kumalma at hindi na bayolente.

“Kapag pumayag ka. Ako na ang bahala sa pagpapagamot sa Nanay mo,” sabi niya nang nasa tapat ko na siya.

“Anong trabaho?” tanong ko sa malamig na boses.

Kaagad naman siyang napangiti sa tanong ko. Habang ako, dismaya paring tumitig sa kanya.

Hindi ko nakalimutan ang sinabi ko kanina sa loob ng opisina. Ayaw kong maging amo ang katulad niyang walang modo. Wala akong pakialam, malaki man ang pasahod niya.

Kaya lang, desperado na kasi ako. Ang sabi nga kasi ni Daisy kanina ay inatake na naman si Nanay. At ang sinasabi nitong atake ay seizure. Patunay na lumalala na ang sakit niya. Nagkaroon na siya ng ibang komplikasyon. Natatakot ako na magkaroon pa siya ng ibang impeksyon.

Kailangan na siyang ma-dialysis, bago pa magmanas ang mga paa niya at hindi na rin kayanin ng katawan niya ang iba pang komplikasyon, o worse hindi na rin kakayanin ng katawan niya ang dialysis.

“As my pet nanny…” kaagad nitong sagot na nagpakislap ng mga mata ko. “And my wife—”

Mapaklang tawa ang sagot ko. Sasagot na sana ako ng malaking oo, kaya lang may pahabol pa!

“Baliw ka ba? Sa mga sinabi mo sa kin kanina, tingin mo, papayag na maging asawa mo?”

“Bukod sa pagpapagamot sa Nanay mo, do-doblehin ko rin ang sahod mo. Two hundred thousand a month or more, depende sa performance mo. Lahat ng kailangan mo, needs, wants, ibibigay ko. All you have to do, ay gampanan ang papel ng mabuting may bahay, in front of my family. At sa mga event na kailangan ang presenya mo. At syempre, you have to take care of my baby.”

Umangat ang mga kilay ko. Talagang ayaw niya na tumanggi ako. Kaya mas ginandahan ang offer. Gusto ko nang um-oo. Mapagamot lang ang Nanay ko, sapat na sa akin ‘yon.

Pero hindi muna ako nagsalita. In-observe ko muna ang mukha niya. Baka kasi gino-goodtime na naman ako nito, porket alam niya na kailangan ko ng pera.

“ ‘Wag kang mag-aalala. Mag-asawa lang tayo sa papel. Hanggang do’n lang. Ipapa-revise ko agad kay Onse ang marriage agreement natin. Kung may gusto kang idagdag na mga kondisyon, sabihin mo agad.”

Napahimas ako sa pulsuhan kong hindi pa rin nawawala ang pamamanhid.

“Kahit anong gusto kong idagdag?”

“Kahit ano, basta hindi maka-apekto sa mga plano ko. But you have make sure, hindi ka mahuhuli. Hindi tayo mahuhuli.”

Sandali kong nakagat ang labi ko. Pakiramdamn ko kasi, hindi lang ako ang desperado na mapagamot ang Nanay ko.

Siya rin ay gano’n. Desperado rin siya gaya ko kaya niya ginagawa ‘to.

“Bakit mo ba ginagawa ‘to? Sa status mo; sa yaman mo, hindi ka mahihirapan na maghanap ng babae na nababagay sa’yo. I’m sure, maraming magkakandarapa na pakasalan ka. At saka, bakit ako? Bakit ang isang batang kagaya ko, ang napili mong maging fake wife mo?”

Mapait siyang ngumiti, saka dinuro ako. “I hire you to be my fake wife, hindi para panghimasukan ang buhay ko at pakialaman ang mga desisyon ko.”

Pumikit ako, sabay ang buntong-hininga. “ ‘Yon na nga po! Magiging fake wife mo na ako. So, dapat alam ko ang mga dahilan mo at kung ano ang rason mo na gawin ang lahat ng ‘to, para hindi ako magmukhang tanga sa harap ng pamilya mo.”

“You mean, payag ka na?” Umangat ang mga kilay niya habang tinatanong ‘yon.

“Handa ka na ba na sabihin sa akin ang mga dahilan mo?”

“Fine!” Napipilitan nitong sabi sabay lahad ng kamay niya. “Deal?” dagdag tanong niya.

“Para kay Nanay. Deal!”

Comments (2)
goodnovel comment avatar
sweetjelly
Laging una magkomento(⁠ ⁠◜⁠‿⁠◝⁠ ⁠)⁠♡(⁠~⁠ ̄⁠³⁠ ̄⁠)⁠~
goodnovel comment avatar
Nan
WOW!Ang Ganda Ang kwentong ito, at excited Ako sa magaganap na pagkungwari nyang fake na Asawa. Dahil sa kailangan nya Ang pira para mapagamot Ang kanyang Ina ,Kawawa naman
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status