Minahal ko siya sa kabila nang malamig niyang trato sa akin, ngunit sa huli ay parang basura niya lang kung itapon ako sa pagbabalik ng kaniyang unang pag-ibig. Pero hindi ako papayag na mauwi sa wala ang mga araw na natitira sa akin. Hindi mo na ako maaangking muli, President Riego!
view moreHindi tumigil si Marco na ipahanap si Anna. He wanted to speak with her and confront her about her evil tactics. Ngunit kahit ang mga taong inutusan niya para hanapin ang dating asawa’y hindi ito matunton.Marco couldn’t find Anna anymore.Ang malala pa roon ay hindi siya pinatatahimik ng nabasang diagnosis result tungkol sa kondisyon ni Anna.Isang lingo na ang nakakalipas, pero sa sa tuwing ipipikit niya ang mga mata niya, ang salitang cancer ang palagi niyang naiisip. Hindi niya maintindihan kung bakit parang sumisikip ang dibdib niya kapag naiisip iyon.Hindi niya gustong paniwalaan na totoo ang resultang ‘yon. Mas gusto niyang isipin na gawa-gawa lamang iyon ni Anna para maghabol siya sa babae, pero sa mga nagdadaang araw, hindi na rin siya sigurado sa dinidikta ng isip niya.Mabilis na lumipas ang isa pang linggo…Walang ibang ginawa si Marco kung hindi ang igugol ang atensyon niya sa trabaho. Ni wala siyang ganang sagutin ang mga tawag mula sa mga business partner niya at ni Ce
Kinagabihan… Ginugol ni Marco ang kaniyang atensyon sa trabaho matapos ang mga nangyari sa Civil Affairs Bureau. Hanggang mga oras na ‘yon ay nagngingitngit pa rin siya tuwing naaalala ang mga sinabi ni Anna sa kanya. Hindi siya makapaniwala na sa loob lamang ng ilang araw ay nagbago ang ugali ng babae. Dalawang katok mula sa saradong pinto ng kanyang opisina ang nagpabalik sa kanya sa realidad. “Mr. Riego, Ms. Fuentes is here to visit you,” pormal na wika ni Xian mula sa labas ng pinto. Hindi tumigil sa pagbabasa ng mga dokumento si Marco, at hindi rin nag-aksayang mag-angat ng tingin. “Hindi ba’t sabi ko ay hindi ako tatanggap ng bisita?” malamig niyang sabi. “I’m sorry, Mr. Riego. Ang sabi ni Ms. Fuentes ay may mahalaga raw siyang sasabihin sa ‘yo.” Nakakunot-noong nag-angat ng tingin si Marco, pagkatapos ay hinubad ang kanyang suot na gold-rimmed glasses. “Let her in,” aniya habang minamasahe ang kany
Mula sa driver’s seat ay nakita rin ni Xian ang nangyari sa harap ng Civil Affairs Bureau. Tiningnan nito ang oras. Pasado alas nuebe na at tumataas na rin ang sikat ng araw… “Mr. Riego, kanina pa po nakatayo si Madam sa labas ng gate—” “Bakit? Naiinip ka na ba?” Naiinis na wika ni Marco. Hindi na sumagot si Xian, bagkus ay tinuon ang mga mata sa harapan. Tiningnan naman ni Marco ang klima para sa araw na ‘yon. Ang sabi sa weather update ay magiging maaraw at papalo ng 38 degrees ang temperature sa bandang katanghalian. Kumunot ang noo niya. “Mag-drive ka na.” “Yes, Mr. Riego.” Samantala, bagot na sa paghihintay si Anna. Tatawagan na sana niya si Xian nang makita ang mamahaling kotse na huminto sa kanyang harapan. Isang Bentley. Sa pagkakaalam niya ay isa ito sa pinakamamahaling kotse sa buong mundo. Hindi lahat ng mayayamang pamilya ay mayroong gano’ng klase ng kotse sa Pilipinas. Tanging si… Nan
“Pinirmahan ko na ang lahat ng annulment papers na pinadala mo sa akin, at please lang, pumunta ka sa Civil Affairs Bureau bukas ng umaga para kunin ang annulment certificate.” Matapos niyang sabihin ‘yon ay pinasadahan niya ng kamay ang kanyang buhok at saka tinalikuran si Marco. Taas-noo siyang lumabas ng conference room. Umirap pa siya nang marinig ang lagabog sa loob niyon, tila ba nagbasag ng tasa ng kape si Marco, at pagkatapos ay in-announce na ni Xian na tapos na ang meeting… “Buti nga sa ‘yo,” bulong ni Anna na lihim na napangiti. Alam niyang marahil ay nanggagalaiti na sa galit si Marco, ngunit wala na siyang pakialam pa. Magmula ngayon ay wala na siyang kaugnayan ni katiting sa lalaking ‘yon! Matapos lisanin ang Riego Corporation, bumalik si Anna sa hotel. Umalis na siya sa bahay na pagmamay-ari ni Marco, bitbit ang dalawang maliit na suitcase na naglalaman ng kanyang mga damit. Sa hotel room… Narinig ni Anna ang pa
8 o’clock, Lunes ng umaga, sa isang malawak na conference room na nasa 65th floor ng Riego Corporation Building. Hindi maipinta ang mukha ni Marco sa galit, dahilan kung bakit mainit din ang hangin sa buong conference room. Ang mga board member at high-level officer ay naroon at nagkakatinginan, tila hindi alam kung ano’ng gagawin o kung magsasalita ba ang mga ito. Silang lahat ay naghihintay sa pagdating ni Secretary Anna De Vera. Kahit kailan ay hindi ito nakagawa ng pagkakamali sa trabaho, lalo na ang ma-late sa mga meeting. Ngunit late si Ms. De Vera nang araw na ‘yon. Halos bente minute na ang lumipas nang magsimula ang meeting, at wala pa rin ni anino ng secretary ni Marco. Napatingin sa lalaki ang assistant nitong si Xian. Alam na ni Xian kung ano’ng delubyo ang mangyayari kapag hindi pa nakarating si Anna sa meeting kaya naman lihim niyang kinuha ang kanyang phone sa bulsa para sana i-text si Anna. Pero bago pa man niya mai-send ang text ay
“Miss De Vera, ayon sa results ng mga laboratory mo, mayroon kang gastric cancer. I am sorry to say this but it’s already at a critical stage.” Tulalang sumakay sa bus si Anna, naupo sa isa sa mga upuan sa likod hawak-hawak ang piraso ng papel na naglalaman ng resulta matapos niyang magpa-check up. Namumutawi ang lungkot at pangamba sa kanyang mga mata. Kahit mainit ang panahon na ‘yon sa syudad ng Maynila, pakiramdam niya ay yumayakap ang lamig sa kaibuturan niya dala nang matinding takot. Sa loob ng dalawang taon ay madalas siyang mamilipit sa sakit ng tiyan. Noong una ay binaliwa niya lamang ito ngunit nang hindi na niya makayanan ang sakit ay nagpa-check-up na siya sa malapit na ospital para maresetahan ng gamot. Ayon sa doctor na tumingin sa kanya ay kinakailangan niyang mag-undergo ng gastroscopy. Ang buong akala ni Anna ay ordinaryong gastritis lamang ito, subalit isa na pala itong lumalalang cancer sa kanyang katawan! Hindi niya alam kung
“Miss De Vera, ayon sa results ng mga laboratory mo, mayroon kang gastric cancer. I am sorry to say this but it’s already at a critical stage.” Tulalang sumakay sa bus si Anna, naupo sa isa sa mga upuan sa likod hawak-hawak ang piraso ng papel na naglalaman ng resulta matapos niyang magpa-check up. Namumutawi ang lungkot at pangamba sa kanyang mga mata. Kahit mainit ang panahon na ‘yon sa syudad ng Maynila, pakiramdam niya ay yumayakap ang lamig sa kaibuturan niya dala nang matinding takot. Sa loob ng dalawang taon ay madalas siyang mamilipit sa sakit ng tiyan. Noong una ay binaliwa niya lamang ito ngunit nang hindi na niya makayanan ang sakit ay nagpa-check-up na siya sa malapit na ospital para maresetahan ng gamot. Ayon sa doctor na tumingin sa kanya ay kinakailangan niyang mag-undergo ng gastroscopy. Ang buong akala ni Anna ay ordinaryong gastritis lamang ito, subalit isa na pala itong lumalalang cancer sa kanyang katawan! Hindi niya alam kung
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments