A Deal With The Billionaire

A Deal With The Billionaire

last updateLast Updated : 2024-05-05
By:  Luna Marie  Completed
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
4 ratings. 4 reviews
92Chapters
72.5Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Si Lyrica ay galing sa isang pamilya sa probinsiya, siya ay sumubok makipagsapalaran sa Maynila. Doon ay nakilala niya ang binatang si Lucian, inalok siya nito ng isang kasunduan, isang kasunduang hindi niya mahindian. Ano kaya ang mangyayari sa kasunduan ng dalawa? Mahuhulog kaya ang loob nilang dalawa sa isa't isa? Ano ano kaya ang mga sikretong mabubunyag sa pagpasok nilang dalawa sa kasunduan?

View More

Latest chapter

Free Preview

PROLOGUE

"Lyrica, halika na dalian mo. Nandiyan na si tatay!" Sigaw ng kanyang ate Cynthia sa kanya.Si Lyrica ay sampung taong gulang, katulong siya ng kanyang ate Cynthia at kuya Roy sa pagtitinda ng gulay sa umaga bago sila pumasok sa eskwelahan. Kinse anyos noon ang kanyang ate samantalang magkakatorse anyos ang kanyang kuya Roy noon. "Roy, linisin mo itong gabi. Namulot nalang ako ng mga pupwede pang ibenta sa palengke kanina. Cynthia, gayatin mo itong mga talong. Alisin mo yung mga may uod. Lyrica, bilisan mo! Pilian mo itong mga reject na sitaw! Baka may maibebenta pa sa mga ito." Tumatakbo namang lumapit si Lyrica sa kanyang tatay at mga kapatid. Simula ng magkasakit ang kanilang inay ay naging ganito na ang kanilang pamumuhay. Naubos na halos lahat ng naipon ng kanilang tatay at inay dahil sa pagpapagamot sa kanilang inay. Nagkaroon ito ng sakit sa baga na lumala na kaya hindi na ulit nila maipatingin sa doktor."Ang inay niyo ba kumain na? " Tanong sa kanila ng kanilang tatay."Op

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Fei Leen
nice story ... hopefully may kwento din si helios
2024-06-18 23:52:24
1
user avatar
Zhaegy Doremo
highly recommend ganda
2024-05-08 15:25:32
1
default avatar
laysmael18
bat wala update ngaun
2024-03-28 17:54:29
0
default avatar
laysmael18
hai author sana po tapusin nyo ang story na to. maganda po.
2024-02-28 02:41:18
1
92 Chapters

PROLOGUE

"Lyrica, halika na dalian mo. Nandiyan na si tatay!" Sigaw ng kanyang ate Cynthia sa kanya.Si Lyrica ay sampung taong gulang, katulong siya ng kanyang ate Cynthia at kuya Roy sa pagtitinda ng gulay sa umaga bago sila pumasok sa eskwelahan. Kinse anyos noon ang kanyang ate samantalang magkakatorse anyos ang kanyang kuya Roy noon. "Roy, linisin mo itong gabi. Namulot nalang ako ng mga pupwede pang ibenta sa palengke kanina. Cynthia, gayatin mo itong mga talong. Alisin mo yung mga may uod. Lyrica, bilisan mo! Pilian mo itong mga reject na sitaw! Baka may maibebenta pa sa mga ito." Tumatakbo namang lumapit si Lyrica sa kanyang tatay at mga kapatid. Simula ng magkasakit ang kanilang inay ay naging ganito na ang kanilang pamumuhay. Naubos na halos lahat ng naipon ng kanilang tatay at inay dahil sa pagpapagamot sa kanilang inay. Nagkaroon ito ng sakit sa baga na lumala na kaya hindi na ulit nila maipatingin sa doktor."Ang inay niyo ba kumain na? " Tanong sa kanila ng kanilang tatay."Op
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 1

Tatay, tulungan ko na po kayo riyan. " Mabilis na lumapit si Lyrica sa kanyang tatay. Nagkasabay silang mag ama sa paglalakad pauwi sa kanilang bahay. Si Lyrica ay nagtatrabaho sa kanilang bayan bilang isang tindera."Sige anak, pasuyo na ako nitong sako na ito." Nakangiting sabi sa kanya ng kanyang tatay."Sabi ko sa inyo 'tay, huwag ganito karami ang bubuhatin ninyo. Delikado na ito para sa inyo." Nag aalala kong sabi sa kanya."Ayos lang ako hija, hindi kasi ako pinasabay ni Julio sa kariton niya. Puno na rin kasi." Mababakas sa mukha ni tatay ang sobrang pagod at parang dinudurog ang puso ko dahil doon."Tay, mabuti naman at dumating ka na. Wala ng gatas itong si Ambet at Niño." Salubong ni ate Cynthia kay tatay, parang hindi naman niya ako nakita.Si ate Cynthia ay mayroon ng tatlong anak. Si Bingo na limang taon at si Ambet at Niño naman ay magdadalawang taong gulang. Hiwalay sa asawa si ate at wala siyang trabaho. Inako na namin ni tatay ang responsibilidad na dapat ay sa tatay
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 2

Nang makarating ako sa tindahan ng gulay ni Nanay Lucing ay agad kong ginawa ang mga gawain ko. Katulong ako ni nanay Lucing sa pagtitinda at paglilinis ng kanyang pwesto. Laking pasalamat ko sa aking kaibigan na si Marco dahil ipinasok niya ako ng trabaho sa kanyang Nanay Lucing.Si Marco ay nakilala ko noong ako ay highschool, naging magkaibigan kami kasama na rin sina Mildred, Wren at Krisha. Naging matalik kaming magkakaibigan. Si Marco, Wren at Mildred ay nagpapatuloy ngayon sa kolehiyo. Samantalang kami ni Krisha ay napatigil na. Nauna akong tumigil , tanging first year college ang natapos ko. Si Krisha naman ay noong 3rd year na siya dahil siya ay nabuntis. Nagsasama na sila ngayon ni Darius. Kapag may libre kaming oras o araw ay napunta kami sa bahay nila Krisha upang doon ay magsama sama. Ayos lang naman iyon sa pamilya ni Darius, katulad mamayang pagkaawas ko sa trabaho ay magkikita kita kaming magkakaibigan."Hija, naunahan mo na naman ako." Nakangiting sabi sa akin ni Nan
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 3

Nang makarating kami sa bahay ay naroroon na sila Boyet at Annika. Sa kanila ko na ipinaluto ang ibinigay ni Nanay Lucing. Nagpalit lamang ako ng damit at umalis na rin kami ni Marco. Hanggang ngayon ay hindi pa kami nag uusap ni Ate Cynthia, masama pa rin ang loob ko sa kanya.Nakamasid lamang siya sa amin ni Marco nang kami ay umalis. Wala pa rin si tatay kaya inihabilin ko na lamang kila Annika na sabihing magkikita kita kami nila Mildred."May problema ba kayo ng ate mo Lyrica? " Tanong sa akin ni Marco."May nangyari kasi kagabi..." Napabuntong hiningang sabi ko. Madahan siyang nagmaneho ng motor at nakinig sa akin."Yung mga naipon kong pera mula sa naging sahod ko sa pagtatrabaho ay kinukuha pala niya... Iniipon ko iyon upang makaluwas na ako ng Maynila. Sobrang pagtitipid ang ginagawa ko nitong mga nakaraang buwan upang makaalis na ako. Kaso nung tiningnan ko kagabi ang pitaka ko, lilimang daang piso na lamang ang natira." Napaiyak na naman ako ng maalala ang mga naipon ko. N
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 4

"Kung gusto mo naman talagang umalis Lyrica ay susuportahan ka namin. Para iyon sa ikakaayos ng buhay ng pamilya mo." malumanay na sabi ni Wren. Nasabi ko na rin sa kanila ang pagluwas ko."Oo nga, lalo na at may makakasama ka naman doon. " Sabi ni Krisha."Sigurado naman akong hindi ka papabayaan ni Ate Jessie doon." Nakangiting sabi ni Mildred sa akin."Hindi ba delikado iyon? Mahirap rin sa Maynila. Nakaparaming mandurugas doon, mahirap iyon lalo na at babae si Lyrica." Nakakunot na noong sabi ni Marco."Marco my friend, sa tingin mo ba ay papabayaan ni Lyrica ang sarili niya? Malay mo nga doon makuha ni Lyrica ang swerte niya. Mas kailangan si Lyrica ka ng pamilya niya ngayon. " Seryosong sabi ni Wren at tinapik ang balikat ni Marco. Walang emosyon namang ininom ni Marco ang alak na para sa kanya.Hindi naman lingid sa grupo namin, lalong lalo na sa akin ang pagkakaroon ng pagkagusto sa akin ni Marco. Ilang beses na niyang sinubukang manligaw , agad ko naman iyong tinatanggihan. A
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 5

Nang makarating sa bahay ay agad na akong nagpaalam kay Marco, hindi ko na inintay pa ang sasabihin niya. "Aba, ginagabi ka yata ng uwi Lyrica? " Sarkastikong sabi sa akin ni Kuya Roy.Nagulat pa ako ng makitang nasa sala sila kasama nito ang kanyang asawa at anak. "Ngayon lang kuya, nagkita kita kami nila Krisha." Malumanay na sabi ko. "Talagang inuna mo pa ang pag gimik kesa ang tumulong rito sa bahay. Dumating kami rito na wala man lang pagkain. Hindi pa kami kumakain ng pamilya ko. Ang dami dami niyo rito, wala man lang gumawa ng paraan para magkahapunan tayo." Galit na sabi nito sa akin. "Hindi naman kuya. Umuwi ako kanina pagkagaling sa trabaho, may dala akong lulutuing ulam kuya. Annika? Diba ay pinaluto ko yun sa inyo? " Umiling lamang sa akin si Annika. Takot nga pala ito kay ate Cynthia at kay kuya Roy. "Anong hindi? Ito nga at nagsumbong sa akin si ate na hindi ka man lang nagbibigay sa kanila! Talagang nagtatrabaho ka lamang para sa sarili mo ano? Alam mong may mga
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 6

Kinaumagahan ay umuwi ako sa bahay upang magbihis. "Lyrica? Pwede ba tayong mag usap? " Sabi sa akin ni Tatay. Tumango lamang ako at sumunod sa kanya palabas ng bahay."Pasensiya na po kagabi tay, talaga pong sumama lamang ang aking loob." "Alam ko naman iyon anak. Pasensiya ka na rin sa mga kapatid mo. Alam mo naman ang ugali ng mga iyon." Napabuntong hiningang sabi niya."Opo tay. Siya nga pala po, baka matuloy na po ang pag alis ko.""Ah... Ganun ba, sigurado ka na ba riyan sa balak mo? " " Opo naman itay, matagal ko na po itong pinag iipunan. Mas makakatulong po ako kung sa Maynila po ako magtatrabaho." Nakangiting sabi ko."Manang mana ka talaga sa iyong inay Lyrica. Alam ko namang hindi ka magpapapigil, basta ay iingatan mo ang sarili mo doon ha? " " Opo tay." Doon natapos ang aming pag uusap, palagi namang ganoon lamang ang sinasabi ni tatay, pagpasensiyahan ko na lang daw sila ate o kaya naman ay intindihin ko na lamang daw sila.Umalis na ako ng bahay at nagtungo sa saka
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 7

7"Mag iingat ka doon Lyrica, ang mga paalala ko sa iyo ay huwag na huwag mong kakalimutan." Yumakap sa akin si Tatay.Ngayong araw ang alis ko patungo sa Maynila, limang oras ang pagbabyahe ko papunta roon. "Oo naman po 'tay. Para po ito sa pamilya natin." "Ate, mag iingat ka roon ha? Mabuti na rin at aalis ka. Ayaw kong nakikitang inaaway ka nila ate Cynthia. Wala naman kaming magawa ni Boyet dahil takot kami sa kanila." Naiiyak na sabi ni Annika."Ikaw talaga, basta ay huwag ninyong papabayaan ang mga pamangkin natin. Tumawag kayo agad sa akin kapag nagkaproblema. Huwag ang hindi ha? " Ginulo ko ang buhok nito. "Oo naman ate." Wala sila ate Cynthia ngayon dahil doon sila natulog sa bahay nila Kuya Roy. Hindi rin alam ng mga ito na ngayon ang alis ko. Minabuti ko na ring huwag sabihin sa kanila iyon.Alas tres palang ng madaling araw at si Wren at Marco ang maghahatid sa akin sa sakayan ng bus. Hindi na ako nagpasama kay tatay dahil baka doon pa kami mag iyakang dalawa sa termin
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 8

"Uh, huwag mo nalang pansinin iyang dalawa. Sige na, ilagay mo na sa kwartong yun ang gamit mo tapos kumain na tayo. " Pag iwas ni Jessie sa nagtatakang mukha ko. Sinunod ko na lamang ang sinabi niya at muling lumabas para kumain."Ay ate girl, ilang taon ka na ba? Alam mo pwede ka sa pinapasukan namin. " Sabi sa akin ni Misha."Gaga! Huwag si Lyrica, pure yan! " singit agad ni Jessie pagkaupo sa harap ng hapag kainan."Sus, sa hirap maghanap ng trabaho ngayon rito sa Maynila e sigurado akong doon din ang bagsak niya. Don't worry, aalagaan naman natin siya doon. Akala mo naman hindi ka sa ganon nagsimula." Sabi ni Misha kay Jessie.Napabuntong hininga na lamang si Jessie."Uh, so Lyrica ang totoo kasi niyan hindi ako sa opisina nagtatrabaho. Hindi kasi ako matanggap tanggap sa mga kompanya rito sa Maynila noon." Panimula niya. "Ayun, sa isang high end na bar ako nagtatrabaho pati na rin itong dalawa. Hindi alam sa probinsiya natin kaya sana ay huwag mo na ring mauulit kay Mildred. So
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 9

9Maagang nagsimula ang araw ko habang sila Jessie naman ay matutulog pa lamang. Inimis ko na ang mga dapat kong imisin. Sinabihan na rin ako ni Jessie kung alin ang mga dapat at hindinko dapat galawin sa loob ng apartment.Nang makatapos ako sa mga dapat kong ayusin ay nag ayos na rin ako para sa unang araw ko ng paghahanap ng trabaho. Suot ko ngayon ang itim kong slacks noong ako ay pumapasok pa ng kolehiyo pati na rin ang katerno nitong pang itaas, kulay ube naman iyon. Nagpulbo na rin ako at naglagay ng kaunting lipstick para naman hindi ako maputla mamaya. Alas siyete pa lang ng umaga pero maingay na sa labas. Isinuot ko na ang itim kong doll shoes saka umalis. Itinext ko na lamang ang mga kasama ko sa bahay para pagkagising nila ay hindi na nila ako hahanapin. Sumakay na ako ng tricycle, inilista ko na sa papel ang mga lugar na pupuntahan ko ngayon. Inuna ko na ang pinakamalapit sa apartment."Good morning po Sir, dito po ba yung may hiring ngayon? " Tanong ko sa guard na nas
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more
DMCA.com Protection Status