9Maagang nagsimula ang araw ko habang sila Jessie naman ay matutulog pa lamang. Inimis ko na ang mga dapat kong imisin. Sinabihan na rin ako ni Jessie kung alin ang mga dapat at hindinko dapat galawin sa loob ng apartment.Nang makatapos ako sa mga dapat kong ayusin ay nag ayos na rin ako para sa unang araw ko ng paghahanap ng trabaho. Suot ko ngayon ang itim kong slacks noong ako ay pumapasok pa ng kolehiyo pati na rin ang katerno nitong pang itaas, kulay ube naman iyon. Nagpulbo na rin ako at naglagay ng kaunting lipstick para naman hindi ako maputla mamaya. Alas siyete pa lang ng umaga pero maingay na sa labas. Isinuot ko na ang itim kong doll shoes saka umalis. Itinext ko na lamang ang mga kasama ko sa bahay para pagkagising nila ay hindi na nila ako hahanapin. Sumakay na ako ng tricycle, inilista ko na sa papel ang mga lugar na pupuntahan ko ngayon. Inuna ko na ang pinakamalapit sa apartment."Good morning po Sir, dito po ba yung may hiring ngayon? " Tanong ko sa guard na nas
10Hindi ko alam ang gagawin ng biglang tumawag isang umaga si Annika. Umiiyak ito kaya naman kinabahan ako ng sobra."Ate! Si Ambet, isinugod namin sa ospital! Sobrang taas ng lagnat niya at kinumbulsiyon pa ate! " Umiiyak na sabi nito sa akin."Si Lyrica ba iyan? Akin na at kakausapin ko." Rinig ko rin ang natatarantang pagsasalita ni Ate Cynthia."Hello Lyrica! Nandito kami ngayon sa ospital, sobrang taas ng lagnat ni Ambet. Padalhan mo kami ng pera. Kailangan na kailangan ng pamangkin mo ngayon." Aligaga pa rin si Ate.Napaiyak na lamang ako. Kanino ako uutang ng pera? Wala pa akong nakukuhang trabaho."Sige ate... Magpapadala ako agad kapag nakahiram ako rito. Balitaan niyo ako agad tungkol sa kalagayan ni Ambet." Umiiyak na sabi ko."Oo, magpadala ka kaagad. May ipinapabiling gamot ang doktor. Wala kaming pambili." Napatulala lamang ako. Si Jessie, baka kahit dalawang libo may maipahiram siya.Inintay kong magising si Jessie. Ngunit naunang lumabas ng kwarto si Shiela."Oh, ano
11Mag aalas siyete na ng dumating kami sa Valiente. Napakaganda ng building ng bar na ito, moderno ang diseniyo at sa unang tingin ay hindi mo maiisip na isa itong gusali para sa pagbibigay aliw."Lyrica, doon muna tayo sa make up room namin. Baka mamaya pa si Sir Kyros." Sabi sa akin ni Misha."Aba Jessie, Misha sino iyang kasama ninyo? Ipapasok niyo ba iyan dito? " Nakangising sabi ng guard sa gusali. Malaking lalaki ito at ang lalaki ng braso kaya naman napangiwi ako at nagtago sa likod ng dalawa."Ay nako Andoy! Huwag mo namang takutin si Lyrica! " Humahalakhak na sabi ni Misha."Huwag mo naman akong tawaging Andoy sa harap nitong kasama ninyong magandang dalaga. You can call me Anderson Madam Lyrica." Nakangiting bati nito sa akin."Yuck! Hindi bagay sa iyo Andoy. Anong Anderson ka riyan?! " Pang aasar pa rin dito ni Misha."Tigilan mo nga si Andoy, Misha! Medyo mahiyain pa itong si Lyrica. Babantayan mo ito lagi ha? Waitress lang ang papasukin nito dito e." Tukoy niya sa akin.
12May kalahating oras na yata akong naghihintay, inabala ko na lamang ang sarili ko sa pagmamasid sa opisina.Napabuntong hininga na naman ako dahil sa inip.Maya maya pa ay bumukas muli ang pintuan. Agad naman akong napatayo dahil sa gulat.Akala ko ay si Mama Julio na ang dumating ngunit nagkamali ako. Isang matangkad at maputing lalaki ang dumating, kapansin pansin ang magandang pares ng kanyang mata, kulay light blue iyon na animo'y nyebe, napakalamig niya ring tumingin kaya naman napaayos ako ng tayo. Siya na siguro si Sir Kyros. Naka three-piece suit ito na kulay itim, nakaitim rin itong black shoes na tumutunog sa malamig na sahig habang humahakbang siya."Magan...dang gabi po Sir Kyros." Nauutal na sabi ko sa lalaki.Napataas naman ang kilay niya saka bahagyang ngumiti. Umupo siya sa kanyang upuan habang ako ay nanatiling nakatayo sa harap niya."Uh, ako po si Lyrica, 24 years old na po ako. Mag aapply po sana ako bilang waitress dito po sa Valiente. Isinama po ako dito ni Je
13"Oh, madam Lyrica uuwi ka na?" Bungad na tanong sa akin ni Andoy ng makalabas ako ng Valiente."Uh, opo. Bukas na raw ako magsimula sabi ni Sir Kyros." Nakangiting sabi ko rito."Aba mabuti naman kung ganon Madam. Halika, isasakay muna kita ng taxi. " Maginoong sabi nito."Naku, huwag na po. Kaya ko na naman po Kuya Andoy." Napangiwi pa siya dahil sa itinawag ko sa kanya."Madam Lyrica naman, Anderson nga kasi iyon. Ihahatid na kita, para mas mabilis kang makasakay. Kilala ko na halos ang dumaraang taxi dito. Mabuti na yung kilala ko kung sino ang nagsakay sa iyo." Nagkakamot sa ulong sabi niya."Pasensiya na po."Napahalakhak naman siya sa isinagot ko."Napakaseryoso mo naman madam Lyrica. Sige na, halika na. Huwag kang mag alala hindi naman ako nangangagat. Nakasanayan ko na ring ihatid ang mga katrabaho kong babae sa sakayan ng taxi, kabilin bilinan kasi iyon ni Bossing." Ngiti niya kaya naman napanatag ang aking loob. Sumunod na lamang ako sa kanya.Nang marating namin ang gili
14Naghanda na ako para sa unang araw ko sa trabaho. Sabi sa akin nila Jessie ay agahan ko raw ngayon dahil, ituturo sa akin ni madam Tina ang mga gagawin ko doon. Siya iyong tumawag kay Mama Julio kagabi. Kung si Mama Julio ay ang namamahala sa mga dancer ay si Madam Tina naman daw ang namamahala sa mga waitress, janitor at sa bartender. Iba't iba raw ang uniporme doon ng mga waitress depende raw sa araw.Umalis na ako at hindi na nagpaalam sa kanila dahil mga tulog pa ang mga ito.Binati ako ni Andoy ng makarating sa Valiente. Nginitian ko lamang ito at mabilis na pumasok sa loob ng Bar."Magandang hapon po, kayo po ba si Madam Tina? " Tanong ko sa babaeng nakita ko sa harap ng liqour stand. Sa tingin ko ay kaedad lamang ito ni Mama Julio."Yes hija, you must be Lyrica. ""Opo Madam Tina." Nakangiting sabi ko sa kanya. "Naikuwento ka na sa akin ni Juliana. Halika rito, ipapakita ko sa iyo kung saan mo pwedeng ilagay ang mga gamit mo." Mabuti na lamang talaga at mababait ang mga
15Inayos ko muna ang sarili at lumabas na ng staff room."Lyrica! Mabuti naman at nakabalik ka na, ayos ka lang ba? Nasabi sa akin ni Emir ang nangyari kanina. " Bungad sa akin ni Rae nng makalapit ako sa kanya."Oo naman. Hindi kasi ako sanay sa ganoong pakikitungo. " Napakamot ako sa aking pisngi."Hayaan mo, masasanay ka rin. Tibayan mo na lang ang sikmura mo kung gusto mong tumagal rito." Tinapik niya ang balikat ko habang nakangiti."Oo Rae, salamat. " " Oh Lyrica, sa iyo daw ito sabi nung costumer kanina." Sabi ni Emir sabay abot sa akin ng nakatuping pera."Ha? " Napamaang naman ako."Tip niya raw iyan, nilakihan niya daw kasi mukhang natakot ka sa kanya kanina." Umiiling na sabi nito. Tinanggap ko naman iyon at nagpasalamat kay Emir.Binuklat ko naman iyon at nakitang dalawang libo iyon. Napanganga naman ako sa gulat."Ay gaga! Ang laki ng tip sayo girl! Mukhang nakuha mo ang atensiyon niya. Itago mo na muna iyan bilis. May order sa VIP! Tulungan mo ako. " Natutuwang sabi ni
16"Lyrica." Sumalubong sa akin si Emir sa labas ng elevator. Mukhang papasok siya roon."Emir." Nanlalamig at nangangatal pa rin ako sa takot."Anong nangyari sayo? Aakyat na sana ako dahil ang tagal mo." Seryosong sabi nito."Huh? Ah, wala naman. Pinaayos pa kasi nung costumer iyong room nila." Pagdadahilan ko. Kita ko naman sa reaksiyon niya na hindi siya naniniwala."Sigurado ka ba? Wala bang nangharass sa iyo sa taas? Pupwede natin iyong ireport kay Sir Kyros." Malamig na sabi nito. "Oo, sigurado. Mas malamig pala sa VIP room kesa dito sa baba." Pinilit kong ngumiti sa kanya.Hindi naman ito umimik. "Uh, diyan ka na Emir. Sasaglit lamang ako sa Staff room. ""Sige Lyrica, wala na rin masyado umoorder dahil karamihan ay lasing na."Mabilis akong nagtungo sa cr ng staff room. Doon ko ibinuhos ang pag iyak ko na kanina ko pa pinipigilan. Sobrang nakakatakot ang mga lalaking iyon...Nang mahimasmasan ay inayos ko ang sarili, ginamit ko ang bigay na lipstick sa akin ni Shiela, kinap
SPECIAL CHAPTER"May gusto ka bang kainin darling? "Masuyong tanong ni Lucian sa kanyang asawa."Wala, lumayo ka nga sa akin Lucian. Ano ba iyang amoy mo? " Nagulat naman si Lucian sa tinuran ng kanyang asawa."Darling? Kakaligo ko lang. Iyon pa rin namang dati ang gamit kong pabango.""Maligo ka ulit! Ayoko ng amoy mo. Tsaka parang gusto ko yata ng sunny side up na itlog mahal, yung luto yung dilaw tapos may paminta. Ipagluluto mo ba ako? " Bigla namang nagpacute si Lyric sa asawa. Natawa na lamang siya sa kanyang asawa. Naikwento na sa kanya ni Helios ang weird na cravings ni Lyrica kapag buntis ito. Naligo na lamang ulit siya at hindi naglagay ng pabango, pagkatapos ay nagluto na siya ng gusto ni Lyrica."Darling, ito na iyong pinapaluto mo.""Yehey, thank you mahal." Yumakap sa kanya si Lyrica."I love you darling." Hinalikan niya ito sa noo."I love you too mahal." Sa Cebu na nila napiling manirahan, bumili si Lucian ng sarili nilang lupa doon. Kapag kinakailangan siya sa Mayn
EPILOGUEMaagang gumising ang mag anak ni Lucian dahil uuwi sila ngayon sa Maynila. Anibersaryo ng kanyang mga magulang at sinabihan na niya ang mga dapat sabihan na itago muna ang mga alam nila tungkol sa kambal, gusto niyang sorpresahin ang kanyang magulang."Daddy? Magugustuhan kaya kami ni Lola? " "Oo naman anak, sigurado akong matutuwa sila kapag nakita nila kayo." Magiliw na sabi ni Lucian sa kanyang kambal. "Lucian, okay na ang mga dadalhin natin. ""Let's go na." Ngiti ni Lucian sa dalawamg bata. Nauna nang umalis ang magulang at kapatid ni Lyrica, inimbitahan rin sila ng mamà at papà ni Lucian dahil hindi pa sila nagkakakilala.Medyo nagpalate na rin ang pamilya ni Lucian.Naunang pumasok sa loob ng bahay si Lucian."Hijo? Nasaan si Lyrica? ""Happy Anniversary sa inyo ma, inaasikaso pa po ni Lyrica iyong regalo namin sa inyo Mamà. ""My god Lucian! Iniwan mo ang asawa mo sa labas para lang diyan! Puntahan mo si Lyrica! Siya ang gusto kong makita." Hinampas si Lucian ng kan
89"DADDY! " Masayang sigaw ng aking kambal ng makita nila ako sa kanilang eskwelahan, nagsusummer class sila ngayon dahil sa pasukan ay papasok na sila sa daycare.Napangiti naman ako ng sabay silang tumakbo palapit sa akin." Surprise! " Ngiti ko sa kanila at sinalubong nila akong dalawa ng yakap."Daddy, hindi na kami inaway kanina ni Stephen pero pumasok siya.""Huwag niyo na lang siyang pansinin mga anak ko ha? Mas mabuti nang kayo ang umiwas sa kanya. " Malumanay ang ngiti na ibinigay ko sa kanila. Hindi ko na pinasama si Lyrica dahil galit na galit siya. Mabuti na lamang at nakinig siya sa akin. FLASHBACKNakaupo ako ngayon sa opisina ng principal. Hinihintay ko ang magulang na nagreklamo sa anak ko."Good afternoon po Sir. Ano pong sadya niyo rito?""Good afternoon. I'm Lucian Drivas, nandito ako dahil may nagpatawag sa magulang ng mga anak ko. Ako po ang ama nina Lyra at Lyla." Mukha namang nagulat ang principal."Ah, okay po Sir. Papunta na po rito ang magulang ni Stephen."
88Nang makita ko si Lyrica ay halos magwala na ang sistema ko. Sobrang lakas talaga ng epekto niya sa akin.Nang makita ko siya bar noon ay hindi ko na naipigilan ang sarili ko. "You've change Lyrica." She's fiercer than before... Proud ako sa kanyang nakausad siya sa loob ng apat na taon."Bakit ka umaatras? Takot ka ba sa akin? " Napaatras siya ng bigla akong lumapit sa kanya. Napangisi naman ako dahil doon."Nasa taas sila kuya, kung sila ang ipinunta mo ay nandoon sila." Seryosong sabi niya." Hmm, okay." Parang wala lang na sabi ko. Kailangan kong pigilan ang sarili ko dahil alam kong galit pa rin siya sa akin.."Wait, may nalimutan ako." Anong pagpipigil? Damn, I miss her so much!"Hmmp! " Pilit siyang kumakawala sa hawak ko sa kanya."Kiss me back Lyrica." Napangiti na lamang ako ng gumanti siya ng halik sa akin. Kaya lamang ay mas naging agresibo pa ang halik niya... May kasamang galit at hinanakit.Nagulat pa ako ng hawakan niya ako sa maselang bahagi ng aking katawan.Fu
87Sinubukan kong alukin siya ng kasal kapalit ng malaking halaga. Idinahilan ko sa kanyang kailangan kong maikasal para makakuha ng mana mula kay Lolo. It's a desperate move pero iyon lang ang naisip kong paraan para makuha ko siya."You're crazy Lucian! Way crazier than me." Umiiling pang sabi sa akin noon ni Darius.Pinaimbestigahan ko noon si Lyrica, kung saan siya nagmula at ang lahat ng tungkol sa kanya. Ginawa ko iyon para makaisip pa ng ibang paraan para maikasal siya sa akin.Doon ko nalamang kapatid siya sa ama ni Helios. Itinago ko iyon dahil alam kong ilalayo siya sa akin ng aking kaibigan.Dumating sa puntong kinailangan niya ng tulong ko, dahil naospital si tatay Mario. Agad ko naman siyang tinulungan at hindi ko naisip na papayag na siyang magpakasal sa akin. Alam kong hindi ako mahal ni Lyrica kaya naman ang biglaang pagpapakasal namin ang pinakamainam na paraan para hindi na siya mawala sa akin. Minadali ko ang kasal namin dahil alam ko nang nalaman na ni Helios ang t
86LUCIAN'S POV"Hello, Kyros? Napatawag ka? May meeting ako ngayon." Bungad ko sa aking kaibigan ng sagutin ko ang tawag niya." Hello bud! Punta ka naman dito sa Valiente! Ano buburuhin mo na naman ang sarili mo sa trabaho? Balita ko ay nabobore ka na talaga diyan! " Tumatawang sabi nito sa akin."Sa ibang araw na lang." Maikling sabi ko sa kanya at saka pinatay ang tawag. Mas marami pa akong kailangang gawin kesa ang manood ng mga babaeng sumasayaw sa bar niya.Hindi na rin lingid sa aking kaalaman na front lamang ito upang makakuha ng impormasyon sa mga mayayamang mayroong ilegal na gawain dito sa loob ng bansa. Tatlo silang kaibigan ko na doon nagtatrabaho, maganda ang layunin ng organisasyong kinabibilangan nila Kyros kaya naman minsan na rin akong nagsponsor doon. Habang pumipirma sa mga papeles na nasa table ko ay tumawag sa akin si Mamà Fillys."Hello mamà? Napatawag ka? May problema po ba? ""Wala naman anak, namimiss na kasi kita. Hindi ka na naman umuuwi dito sa bahay. " N
85Ngayong araw ang uwi namin sa Cebu. Natawa ako ng makitang excited na excited siya sa pag uwi namin, napakarami niyang pasalubong para sa mga bata. Kinausap rin namin si tatay tungkol dito. Hindi rin naman siya tutol sa nais naming gawin."Namumutla ka yata. " Pang aasar ko sa kanya." Tsk, baka hindi ako magustuhan ng mga anak natin.""They will love you for sure Lucian. Sabi pa naman nila ang gusto nilang pasalubong ay ang daddy nila." Ngiti ko sa kanya. Naikwento ko kasi kay Lucian ang paghahanap ng daddy nila Lyra.Napahinga ng malalim si Lucian. Kinaon kami ni Kuya Roy sa babaan ng helicopter."Sabi ko sayo Lyrica e! Huwag kang magsasalita ng tapos! " Pang aasar nito sa akin."Tigilan mo nga ako kuya Roy! Naririto siya para sa kambal." Nasabi ko na kasi sa kanila na kasama ko si Lucian para hindi na aila magulat na kasama ko siya."Kumusta po kayo Kuya Roy? " Bati naman ni Lucian."Ayos lang naman Lucian. Halina kayo, inaantay na kayo ng mga bata." Nakangiti lamang na sabi n
84Nagsimula ang kasal ni Jessie at Kyros, tahimik lamang kaming nakikinig sa pari nang maramdaman kong may nakatingin sa akin.Si Lucian iyon at nakatitig siya sa akin, nasa kabilang side siya ng simbahan. Nginitian ko na lamang siya."Award ka mi! Parang mga bagong nagliligawan a? " Natatawang sabi sa akin ni Shiela."Sshh, huwag nga ka ngang maingay. " Saway ko sa kanya, aasarin niya lamang ako." Teenager yarn! " Dagdag pa ni Misha. Napabuntong hininga na lamang ako. "You may now kiss the bride." Huling sabi ng pari at nagpalakpakan kami. Nakangiti namang itinaas ni Kyros ang belo ni Jessie."Mukbangin mo! " Rinig na rinig sa loob ng simbahan ang sinabing iyon ni Xyver kaya naman nagkatawanan kaming mga naroroon. Inakbayan naman ni Darius si Xyver at saka tinakpan ni Lucian ang bibig nito. Natawa ako sa ginawa nila sa maingay nilang kaibigan."Wala talagang pinipiling lugar ang pagiging loko loko ni Xyver." Umiiling na sabi ni Shiela.Dumiretso kami sa reception, magkakasama kami
83Naging maayos ang pamimili naming dalawa ni Lucian kahapon. Ngayong araw naman ang kasal nila Jessie kaya naghahanda na ako sa pagpunta ko doon. Abay ako at forest green ang motif nila, nakasuot ako ng trumpet style na gown na mayroong slit sa gilid. Pinakulot ko na lamang ang aking buhok at nilagyan iyon ng kaunting palamuti. Susunduin daw ako ni Lucian para daw sabay kaming pupunta sa simbahan. Nagmessage na rin ako sa kanya na tapos na akong mag ayos. "Hello, Shiela? Napatawag ka? " Bungad ko kay Shiela ng tumawag ito sa akin."Papunta ka na ba sa simbahan? ""Yep, why? May problema ba? ""Wala naman, just checking on you ghurl! " Tumatawang sabi niya."Ah, okay. Susunduin ako ni Lucian, sabay kasi kaming pupunta sa simbahan." "Ay, ang haba ng hair ha? " Halakhak niya."Baliw! Matagal na kaya!" Panggagatong ko sa pang aasar niya."Ay! Iba ka talaga! Paunahin mo muna kami ni Xyver ha? " Mas lalo kaming nagkatawanan."O siya, I'll hung up na. " Sabi nito sa akin.Hindi ko alam p