15Inayos ko muna ang sarili at lumabas na ng staff room."Lyrica! Mabuti naman at nakabalik ka na, ayos ka lang ba? Nasabi sa akin ni Emir ang nangyari kanina. " Bungad sa akin ni Rae nng makalapit ako sa kanya."Oo naman. Hindi kasi ako sanay sa ganoong pakikitungo. " Napakamot ako sa aking pisngi."Hayaan mo, masasanay ka rin. Tibayan mo na lang ang sikmura mo kung gusto mong tumagal rito." Tinapik niya ang balikat ko habang nakangiti."Oo Rae, salamat. " " Oh Lyrica, sa iyo daw ito sabi nung costumer kanina." Sabi ni Emir sabay abot sa akin ng nakatuping pera."Ha? " Napamaang naman ako."Tip niya raw iyan, nilakihan niya daw kasi mukhang natakot ka sa kanya kanina." Umiiling na sabi nito. Tinanggap ko naman iyon at nagpasalamat kay Emir.Binuklat ko naman iyon at nakitang dalawang libo iyon. Napanganga naman ako sa gulat."Ay gaga! Ang laki ng tip sayo girl! Mukhang nakuha mo ang atensiyon niya. Itago mo na muna iyan bilis. May order sa VIP! Tulungan mo ako. " Natutuwang sabi ni
16"Lyrica." Sumalubong sa akin si Emir sa labas ng elevator. Mukhang papasok siya roon."Emir." Nanlalamig at nangangatal pa rin ako sa takot."Anong nangyari sayo? Aakyat na sana ako dahil ang tagal mo." Seryosong sabi nito."Huh? Ah, wala naman. Pinaayos pa kasi nung costumer iyong room nila." Pagdadahilan ko. Kita ko naman sa reaksiyon niya na hindi siya naniniwala."Sigurado ka ba? Wala bang nangharass sa iyo sa taas? Pupwede natin iyong ireport kay Sir Kyros." Malamig na sabi nito. "Oo, sigurado. Mas malamig pala sa VIP room kesa dito sa baba." Pinilit kong ngumiti sa kanya.Hindi naman ito umimik. "Uh, diyan ka na Emir. Sasaglit lamang ako sa Staff room. ""Sige Lyrica, wala na rin masyado umoorder dahil karamihan ay lasing na."Mabilis akong nagtungo sa cr ng staff room. Doon ko ibinuhos ang pag iyak ko na kanina ko pa pinipigilan. Sobrang nakakatakot ang mga lalaking iyon...Nang mahimasmasan ay inayos ko ang sarili, ginamit ko ang bigay na lipstick sa akin ni Shiela, kinap
17Lumipas ang isang linggo nang pagtatrabaho ko sa Valiente at masasabi kong nasasanay na rin ako. Nakakaipon na rin ako sa mga tip na ibinibigay sa akin, ang alam ko kada dalawang linggo ang pasahod nila sa mga waitress doon.Isang linggo ko na ring hindi nakikita si Lucian at ikinapanatag naman iyon ng loob ko. Halos araw araw namang tumatawag sila Annika, si Ate Cynthia naman ay ganun pa rin kung ano anong parinig ang sinasabi. Si Marco ay halos araw araw ring tumatawag sa akin."Lyrica, sa table 17 ito." Agad ko namang kinuha kay Emir ang order ng costumer. Mas nakakakilos ako ng maayos ngayon dahil ang uniporme namin ngayon ay highwaist na soft denim short, kulay puti iyon at mayroon din kaming suot ngayon na stockings na parang net. Sa pang itaas ko naman ay nakasuot ako ng croptop na short sleeve, kulay itim iyon at may nakasulat lamang na Valiente sa gitna. Mabuti na lamang din at hindi na nasakit ang nga binti ko sa pagsusuot ng heels, hindi na rin ako nagkakapaltos."Good e
18"Sir? Bakit po kayo tumatawa? Seryoso po ang sitwasyon. Baka po may nakikita na si Sir Lucian na hindi natin nakikita." Nag aalalang sabi ko rito.Hindi pa rin tumitigil si Sir Kyros sa pagtawa. Parang maiiyak naman ako sa pag aalala tapos si Sir Kyros ay naiiyak dahil sa pagtawa. Pinilit pang bumangon ni Lucian. Kaya naman pinigilan ko siya."Huwag ka ng bumangon sir, baka mapauntog kayo." Nag aalala pa ring sabi ko."I'm fine Lyrica, at saka bakit Sir na naman ang itinatawag mo sa akin?" Nakakunot ang noo nito."Nasaan ba tayo Kyros? " Tanong naman nito sa kaibigan."Papunta na tayo ng langit my friend." Tumawa na naman ng malakas si Sir Kyros."Gago! " Galit naman na sabi ni Lucian. "Kumalma ka, baka mawalan ka na naman ng malay." Malumanay na sabi ko. "Sobrang sakit ng ulo ko." Sabi ni Lucian habang hinihilot ang sintido niya. Inalis ko naman ang kanyang kamay doon at ako na ang naghilot sa kanya."Huwag ka na kasing galaw ng galaw. Sir Kyros, malapit na po ba tayo? " Magala
19Natapos ang buong maghapon na hindi kami nag iimikan ni Lucian, sa lahat ng pagkakataon ay iniiwasan ko siya. Ipagluluto ko lamang siya at dadalhin sa kwarto niya. Pumasok ako kanina sa kwarto niya upang maghatid ng kanyang hapunan ay nakita kong nakapaglinis na rin siya. Wala rin itong imik ng ilapag ko sa table niya ang kanyang hapunan.Nakatambay ako ngayon dito sa sala ng condo niya. Nireplyan ko na sila Jessie dahil itinanong nila kung kailan ako uuwi. Tinawagan ko na lamang sila Annika."Hello ate! " "Annika, kumusta kayo diyan sa bahay? Ang mga pamangkin natin kumusta? " Nakangiting sabi ko."Ayos naman ate, magaling na rin si Ambet ate. Napakagana pating kumain. Mabuti na lang at naibili ko na sila ng vitamins. " "E ang pag aaral niyo ni Boyet ha? Baka mamaya absent kayo ng absent.""Hindi po ate. Si Boyet nga ate, sobrang nawiwili ngayon sa pag aaral niya. Tsaka kapag walang pasok ayun laging nasa bukid, kaya minsan ay hindi na siya humihingi ng baon kay tatay.""Mabuti
20"Lyrica, table 9." Maikling sabi ni Emir. Kinuha ko naman agad iyon at dinala sa costumer.Nang sigurado akong magaling na sabi Sir Lucian ay bumalik na ako sa trabaho. Tinotoo nga ni Sir Kyros ang sabi niyang dodoblehin niya ang sahod ko, kaya naman malaki laki ang naipadala kong pera kila tatay. Sinigurado ko ring hindi iyon mawawaldas ni ate Cynthia sa mga bisyo niya.Kami naman ni Sir Lucian ay nanatiling magkaibigan. Mas natutuwa pa nga ako ngayon dahil palagi akong nakakalibre ng pamasahe pauwi. Palagi ako nitong inihahatid sa aming apartment, kapalit naman noon ang paglalaba ko at paglilinis ng bahay niya. Isang beses lamang iyon sa isang linggo kaya naman hindi mabigat sa akin."Lyrica, VIP 009." Sabi agad sa akin ni Emir pagkabalik ko sa kanya.Araw ng sabado ngayon at ito ang araw na mayroon palaging pinakamaraming costumer. Kumatok ako sa pintuan ng VIP bago pumasok. Ang naroroon ay ang mga kaibigan ni Sir Kyros, tanging si Lucian lamang ang wala na siyang ipinagtaka ko
21"Lyrica, hindi ba at sinabi ko rin sa iyo noong unang araw mo dito na ayokong may nagkakagulo rito sa Valiente." Striktong sabi ni Sir Kyros sa akin ng makaupo ako sa loob ng opisina niya. Kaharap ko ngayon si Sofia na umiiyak.Napabuntong hininga na lamang ako."Palagi ko pong sinusunod ang patakaran ninyo Sir Kyros." Tumango naman siya at umayos pa ng pag upo."Nagsumbong sa akin si Sofia na inaway mo raw siya kanina." Inipon ko lahat ng lakas ng loob ko para ipagtanggol ang aking sarili, ganito pala ang ginagawa ni Sofia.Maliit akong ngumiti kay Sir Kyros at hindi ko man lang tinapunan ng tingin si Sofia na madramang umiiyak."Sir Kyros, totoo pong sinagot ko siya kanina dahil naiirita na po ako sa ugali niya...""See, Sir Kyros... Totoo po ang sinasabi ko, inaaway ako niyang bago ninyong waitress! Akala mo lagi kung sinong umasta rito sa Valiente." Mas lumakas ang pag iiyak ni Sofia."Hindi pa ako tapos Sofia." Malamig kong tinitigan ang babae. Masama ang pakiramdam ko at wa
22Naalimpungatan ako dahil sa gutom, napahawak ako sa ulo ko dahil masakit pa rin iyon."Kumusta ang pakiramdam mo hija? " Tanong sa akin ng isang may kaedaran ng babae. Napalinga naman ako sa paligid."Naririto ka ngayon sa condo ni Sir Lucian, ako si Manang Linda. Ipinakisuyo ka niya sa akin dahil may kailangan raw siyang asikasuhin hija.""Ah ganun po ba. Maraming salamat po sa pag aasikaso sa akin Nanay Linda, pasensiya na rin po at naabala ko pa po kayo." Sinserong sabi ko at napangiti naman siya dahil doon."Hindi ka pala Inglesera hija, akala ko kasi kanina ay foreigner ka. Gusto mo bang kumain muna?" Nangingiting sabi nito sa akin."Hindi po Nanay Linda, laking probinsiya po ako. Ano po bang oras na? " Hindi ko kasi alam kung ilang oras na akong nakatulog."Alas singko pa lang ng umaga hija. ""Napaka aga pa po pala nanay, nakatulog naman po ba kayo?" Ako naman ang nag alala para sa kanya dahil baka napuyat siya dahil sa akin.Napatawa naman siya dahil sa sinabi ko."Naku, ik
SPECIAL CHAPTER"May gusto ka bang kainin darling? "Masuyong tanong ni Lucian sa kanyang asawa."Wala, lumayo ka nga sa akin Lucian. Ano ba iyang amoy mo? " Nagulat naman si Lucian sa tinuran ng kanyang asawa."Darling? Kakaligo ko lang. Iyon pa rin namang dati ang gamit kong pabango.""Maligo ka ulit! Ayoko ng amoy mo. Tsaka parang gusto ko yata ng sunny side up na itlog mahal, yung luto yung dilaw tapos may paminta. Ipagluluto mo ba ako? " Bigla namang nagpacute si Lyric sa asawa. Natawa na lamang siya sa kanyang asawa. Naikwento na sa kanya ni Helios ang weird na cravings ni Lyrica kapag buntis ito. Naligo na lamang ulit siya at hindi naglagay ng pabango, pagkatapos ay nagluto na siya ng gusto ni Lyrica."Darling, ito na iyong pinapaluto mo.""Yehey, thank you mahal." Yumakap sa kanya si Lyrica."I love you darling." Hinalikan niya ito sa noo."I love you too mahal." Sa Cebu na nila napiling manirahan, bumili si Lucian ng sarili nilang lupa doon. Kapag kinakailangan siya sa Mayn
EPILOGUEMaagang gumising ang mag anak ni Lucian dahil uuwi sila ngayon sa Maynila. Anibersaryo ng kanyang mga magulang at sinabihan na niya ang mga dapat sabihan na itago muna ang mga alam nila tungkol sa kambal, gusto niyang sorpresahin ang kanyang magulang."Daddy? Magugustuhan kaya kami ni Lola? " "Oo naman anak, sigurado akong matutuwa sila kapag nakita nila kayo." Magiliw na sabi ni Lucian sa kanyang kambal. "Lucian, okay na ang mga dadalhin natin. ""Let's go na." Ngiti ni Lucian sa dalawamg bata. Nauna nang umalis ang magulang at kapatid ni Lyrica, inimbitahan rin sila ng mamà at papà ni Lucian dahil hindi pa sila nagkakakilala.Medyo nagpalate na rin ang pamilya ni Lucian.Naunang pumasok sa loob ng bahay si Lucian."Hijo? Nasaan si Lyrica? ""Happy Anniversary sa inyo ma, inaasikaso pa po ni Lyrica iyong regalo namin sa inyo Mamà. ""My god Lucian! Iniwan mo ang asawa mo sa labas para lang diyan! Puntahan mo si Lyrica! Siya ang gusto kong makita." Hinampas si Lucian ng kan
89"DADDY! " Masayang sigaw ng aking kambal ng makita nila ako sa kanilang eskwelahan, nagsusummer class sila ngayon dahil sa pasukan ay papasok na sila sa daycare.Napangiti naman ako ng sabay silang tumakbo palapit sa akin." Surprise! " Ngiti ko sa kanila at sinalubong nila akong dalawa ng yakap."Daddy, hindi na kami inaway kanina ni Stephen pero pumasok siya.""Huwag niyo na lang siyang pansinin mga anak ko ha? Mas mabuti nang kayo ang umiwas sa kanya. " Malumanay ang ngiti na ibinigay ko sa kanila. Hindi ko na pinasama si Lyrica dahil galit na galit siya. Mabuti na lamang at nakinig siya sa akin. FLASHBACKNakaupo ako ngayon sa opisina ng principal. Hinihintay ko ang magulang na nagreklamo sa anak ko."Good afternoon po Sir. Ano pong sadya niyo rito?""Good afternoon. I'm Lucian Drivas, nandito ako dahil may nagpatawag sa magulang ng mga anak ko. Ako po ang ama nina Lyra at Lyla." Mukha namang nagulat ang principal."Ah, okay po Sir. Papunta na po rito ang magulang ni Stephen."
88Nang makita ko si Lyrica ay halos magwala na ang sistema ko. Sobrang lakas talaga ng epekto niya sa akin.Nang makita ko siya bar noon ay hindi ko na naipigilan ang sarili ko. "You've change Lyrica." She's fiercer than before... Proud ako sa kanyang nakausad siya sa loob ng apat na taon."Bakit ka umaatras? Takot ka ba sa akin? " Napaatras siya ng bigla akong lumapit sa kanya. Napangisi naman ako dahil doon."Nasa taas sila kuya, kung sila ang ipinunta mo ay nandoon sila." Seryosong sabi niya." Hmm, okay." Parang wala lang na sabi ko. Kailangan kong pigilan ang sarili ko dahil alam kong galit pa rin siya sa akin.."Wait, may nalimutan ako." Anong pagpipigil? Damn, I miss her so much!"Hmmp! " Pilit siyang kumakawala sa hawak ko sa kanya."Kiss me back Lyrica." Napangiti na lamang ako ng gumanti siya ng halik sa akin. Kaya lamang ay mas naging agresibo pa ang halik niya... May kasamang galit at hinanakit.Nagulat pa ako ng hawakan niya ako sa maselang bahagi ng aking katawan.Fu
87Sinubukan kong alukin siya ng kasal kapalit ng malaking halaga. Idinahilan ko sa kanyang kailangan kong maikasal para makakuha ng mana mula kay Lolo. It's a desperate move pero iyon lang ang naisip kong paraan para makuha ko siya."You're crazy Lucian! Way crazier than me." Umiiling pang sabi sa akin noon ni Darius.Pinaimbestigahan ko noon si Lyrica, kung saan siya nagmula at ang lahat ng tungkol sa kanya. Ginawa ko iyon para makaisip pa ng ibang paraan para maikasal siya sa akin.Doon ko nalamang kapatid siya sa ama ni Helios. Itinago ko iyon dahil alam kong ilalayo siya sa akin ng aking kaibigan.Dumating sa puntong kinailangan niya ng tulong ko, dahil naospital si tatay Mario. Agad ko naman siyang tinulungan at hindi ko naisip na papayag na siyang magpakasal sa akin. Alam kong hindi ako mahal ni Lyrica kaya naman ang biglaang pagpapakasal namin ang pinakamainam na paraan para hindi na siya mawala sa akin. Minadali ko ang kasal namin dahil alam ko nang nalaman na ni Helios ang t
86LUCIAN'S POV"Hello, Kyros? Napatawag ka? May meeting ako ngayon." Bungad ko sa aking kaibigan ng sagutin ko ang tawag niya." Hello bud! Punta ka naman dito sa Valiente! Ano buburuhin mo na naman ang sarili mo sa trabaho? Balita ko ay nabobore ka na talaga diyan! " Tumatawang sabi nito sa akin."Sa ibang araw na lang." Maikling sabi ko sa kanya at saka pinatay ang tawag. Mas marami pa akong kailangang gawin kesa ang manood ng mga babaeng sumasayaw sa bar niya.Hindi na rin lingid sa aking kaalaman na front lamang ito upang makakuha ng impormasyon sa mga mayayamang mayroong ilegal na gawain dito sa loob ng bansa. Tatlo silang kaibigan ko na doon nagtatrabaho, maganda ang layunin ng organisasyong kinabibilangan nila Kyros kaya naman minsan na rin akong nagsponsor doon. Habang pumipirma sa mga papeles na nasa table ko ay tumawag sa akin si Mamà Fillys."Hello mamà? Napatawag ka? May problema po ba? ""Wala naman anak, namimiss na kasi kita. Hindi ka na naman umuuwi dito sa bahay. " N
85Ngayong araw ang uwi namin sa Cebu. Natawa ako ng makitang excited na excited siya sa pag uwi namin, napakarami niyang pasalubong para sa mga bata. Kinausap rin namin si tatay tungkol dito. Hindi rin naman siya tutol sa nais naming gawin."Namumutla ka yata. " Pang aasar ko sa kanya." Tsk, baka hindi ako magustuhan ng mga anak natin.""They will love you for sure Lucian. Sabi pa naman nila ang gusto nilang pasalubong ay ang daddy nila." Ngiti ko sa kanya. Naikwento ko kasi kay Lucian ang paghahanap ng daddy nila Lyra.Napahinga ng malalim si Lucian. Kinaon kami ni Kuya Roy sa babaan ng helicopter."Sabi ko sayo Lyrica e! Huwag kang magsasalita ng tapos! " Pang aasar nito sa akin."Tigilan mo nga ako kuya Roy! Naririto siya para sa kambal." Nasabi ko na kasi sa kanila na kasama ko si Lucian para hindi na aila magulat na kasama ko siya."Kumusta po kayo Kuya Roy? " Bati naman ni Lucian."Ayos lang naman Lucian. Halina kayo, inaantay na kayo ng mga bata." Nakangiti lamang na sabi n
84Nagsimula ang kasal ni Jessie at Kyros, tahimik lamang kaming nakikinig sa pari nang maramdaman kong may nakatingin sa akin.Si Lucian iyon at nakatitig siya sa akin, nasa kabilang side siya ng simbahan. Nginitian ko na lamang siya."Award ka mi! Parang mga bagong nagliligawan a? " Natatawang sabi sa akin ni Shiela."Sshh, huwag nga ka ngang maingay. " Saway ko sa kanya, aasarin niya lamang ako." Teenager yarn! " Dagdag pa ni Misha. Napabuntong hininga na lamang ako. "You may now kiss the bride." Huling sabi ng pari at nagpalakpakan kami. Nakangiti namang itinaas ni Kyros ang belo ni Jessie."Mukbangin mo! " Rinig na rinig sa loob ng simbahan ang sinabing iyon ni Xyver kaya naman nagkatawanan kaming mga naroroon. Inakbayan naman ni Darius si Xyver at saka tinakpan ni Lucian ang bibig nito. Natawa ako sa ginawa nila sa maingay nilang kaibigan."Wala talagang pinipiling lugar ang pagiging loko loko ni Xyver." Umiiling na sabi ni Shiela.Dumiretso kami sa reception, magkakasama kami
83Naging maayos ang pamimili naming dalawa ni Lucian kahapon. Ngayong araw naman ang kasal nila Jessie kaya naghahanda na ako sa pagpunta ko doon. Abay ako at forest green ang motif nila, nakasuot ako ng trumpet style na gown na mayroong slit sa gilid. Pinakulot ko na lamang ang aking buhok at nilagyan iyon ng kaunting palamuti. Susunduin daw ako ni Lucian para daw sabay kaming pupunta sa simbahan. Nagmessage na rin ako sa kanya na tapos na akong mag ayos. "Hello, Shiela? Napatawag ka? " Bungad ko kay Shiela ng tumawag ito sa akin."Papunta ka na ba sa simbahan? ""Yep, why? May problema ba? ""Wala naman, just checking on you ghurl! " Tumatawang sabi niya."Ah, okay. Susunduin ako ni Lucian, sabay kasi kaming pupunta sa simbahan." "Ay, ang haba ng hair ha? " Halakhak niya."Baliw! Matagal na kaya!" Panggagatong ko sa pang aasar niya."Ay! Iba ka talaga! Paunahin mo muna kami ni Xyver ha? " Mas lalo kaming nagkatawanan."O siya, I'll hung up na. " Sabi nito sa akin.Hindi ko alam p